Beranda / Romance / Hot Night With Mattheus Martinez / Book 2- Ch-44 (Atlas and Andrea Keth)

Share

Book 2- Ch-44 (Atlas and Andrea Keth)

Penulis: JENEVIEVE
last update Terakhir Diperbarui: 2025-03-08 20:14:13

Andrea

Pagkatapos kong tumawag kay Vianca. Hindi ako bumalik sa labas. Kagaya sa paalam ko sa mommy Brenda. Sa halip humiga ako sa kama ng nasa sahig pa nakaapak ang mga paa ko. Tumitig ako sa kisame.

Namimiss ko ang daddy ko. Kumusta na kaya ito? Inaalagan ba nito ang sarili niya. Sana 'wag nitong pabayaan ang sarili. Masasaktan lalo ako kung pababayaan niya ang sarili dahil nasa bagong pamilya niya ang isip niya. Biglang may bumara sa lalamunan ko pagkaalala sa Daddy ko. Iisa lang talaga ang lagi kong hiniling simula ng magkaroon ng harang sa pagitan namin ni dad. Sana maging maayos ulit kami ni daddy katulad sa dati, at magising na ito sa katotohanan na hindi makabubuti sa kaniya si Olivia.

Naisip ko si Ate Jane. Kung tawagan ko kaya si Ate Jane. Upang kumustahin si Daddy sa kaniya. Tumingin ako sa orasan. Malapit ng mag-alas dos ng hapon baka wala na itong ginagawa. Maari ko na siyang lihim na makausap. Nag-iingat din kasi ako na makatunog si Olivia, na may contact ako sa ka
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (5)
goodnovel comment avatar
emzbranzuela
wala na kinarma na Daddy mo nilustay na ng mag ina kayamanan nyo
goodnovel comment avatar
Anna Fegi Caluttong
kawawa naman si daddy mo Andrea sana matauhan na siya
goodnovel comment avatar
Sapphire Carson
Thank you Ms J.🤍🫰🫰
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

  • Hot Night With Mattheus Martinez    Book 2-Ch-45 (Atlas and Andrea Keth)

    Andrea Nang matapos kong makausap si Ate Jane. Doon ko lang naisip ang pangako ko sa kaniya, na ako ang magpapasweldo sa kaniya. Napasentido ako. Saan ako kukuha ng pera ngayon. Ayaw ko naman manghingi kay Atlas ano pa ang isipin niya sa ‘kin. Sa bestfriend ko rin hindi ako makahihiram ng pera kay Vianca, kasi nga pareho pa kaming umaasa pa sa magulang. Kung nadala ko lang sana ang wallet ko. May savings ako sa ATM. Kasi ang allowance ko. Sa ATM nakalagay at sobra-sobra ang binibigay ni mommy at daddy noon sa ‘kin kaya may laman ang ATM card ko. Argh! Pambihira buhay ‘to bigla akong nagkaroon ng isipin sumakit ang ulo ko. Kung hindi naman ako nakiusap sa ate Jane. Wala akong contact kung anong nangyayari sa dad ko. Pumikit ako upang mabawasan ang biglang pagsakit ng ulo ko. Hanggang sa nakatulog pala ako. Nagising ako nangangatal sa ginaw kaya hinila ko ang comporter hanggang balikat ko upang maibsan ang ginaw na aking nararamdaman ngayon. Ang init ng balat ko. Shit nila

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-08
  • Hot Night With Mattheus Martinez    Book 2- Ch-46 (Atlas and Andrea Keth)

    Andrea Nakauwi rin kami agad hindi na kailangan ma confine sa hospital kahit si Atlas ay gustong ma confine ako. Mas marunong pa sa doktor. I don't have a cold or cough. My laboratory results are also okay. Kaya lamang daw pabalik balik ang lagnat ko at sa findings ng doktor. Tinamaan daw ako ng viral flu na uso ngayon. Humina ang immune system ko kaya kailangan ng pahinga ng sa gano'n hindi na pabalik balik ang lagnat ko. Uso raw ngayon lalo na sa mga bata halos ganun ang cause ng lagnat. Kaya wala pang alas-onse ng gabi nakabalik na kami sa bahay nila Atlas. Kumain na rin kaming lahat. Dahil nag-takeout sina mommy ng pagkain namin ni Atlas, sa malapit na restaurant doon sa ospital na kinainan nila, habang inaantay ang resulta ng laboratory ko. Nag-angat ako ng tingin nakatayo sa gilid ko silang tatlo. Nakaka-touch ang pag-aalaga ng pamilya Martinez sa ‘kin. Kahit hindi naman nila ako kargo ngunit kung ituring nila ako daig pa pamilya nila ako. “Anak, ‘wag mong pabayaan ang

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-09
  • Hot Night With Mattheus Martinez    Book 2-Ch-47 (Atlas and Andrea Keth)

    Atlas “Ayaw mo ba? Akong bahala sa dad mo—” “H’wag na nga!” may kalakasan ang boses niya. “Woah! Hindi ako nakikipag-away please, baby?” “Kasi nga ayaw ko ng bumalik ang lagnat ko gusto mo naman maglakwatsa. Dito na lang tayo hanggang bukas,” aniya nag-iwas ng tingin. Pagkasabi nagmamadaling lumakad patungo sa banyo naguguluhan ako sa biglang pag-alis nito. Isang himala ayaw ni Andrea makita ang daddy niya. What's wrong with my wife? Gusto ko lang naman siya maging masaya dahil nga nakikita ko kay Andrea. Kung gaano niya kamahal ang daddy niya. Kahit hindi na siya pinahahalagahan ng sarili niyang ama. Nanatili pa rin ang paggalang nito kay sir Alvin. Baka dahil nagkasakit si Andrea miss na niya ang sir Alvin. Kaya niyaya ko siya dumalaw sa kanila. Gusto ko lang siyang pasayahin. Ngunit nakita ko umiiwas ang misis ko. Hindi ko lang nagustuhan kay sir Alvin hindi nakikinig sa paliwanag ni Andrea. Sigurado ako ng mag-usap ang dalawa ng sarilinan sinaktan nito si Andrea.

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-09
  • Hot Night With Mattheus Martinez    Book 2-Ch-48 (Atlas and Andrea Keth)

    Andrea Nang makapasok ako ng CR. Sumandal muna ako sa likuran ng pinto upang magpakalma. Hindi ko napansin nakangiti na pala ako habang tulala. Luh! Anong nangyari Andrea Keth? Alin doon ang nakakikilig sa sinabi ni Atlas? Wala naman nakakikilig. Umiiwas lang ako magkadikit kami. Ayaw ko man aminin ngunit natatakot akong pinagkakanulo ng sarili kong damdamin. Shit! Hindi ako nahuhulog kay Atlas. Kay bago-bago pa namin magkakilala. Mabait lang sa 'kin si Atlas, ano gusto ko agad siya? Hindi mali ito. Para akong shunga iiling-iling napatili pa. Naghilamos ako upang mahimasmasan sa aking pag daydreaming. Ang totoo hindi naman talaga ako naiihi. Alibi ko lang iyon. Kalahating totoo. Kasi ayaw ko rin pag-usapan namin ang daddy. Second na lang ang umiiwas ako sa pagdikit dikit ni Atlas. Kung titingnan ng maigi parang natural na lang dito kung dumikit sa ‘kin Nang matapos akong mag-CR. Wala na sa silid si Atlas. Napansin ko nasa ibabaw ng kama ang phone nito kaya hula ko saglit lan

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-10
  • Hot Night With Mattheus Martinez    Book 2- Ch-49 (Atlas and Andrea Keth)

    Andrea Ang tahimik naman. Nasambit ko paglabas ko ng silid ni Atlas. Hirap din pala kapag ganitong malaking bahay plus bagong salta lang ako kaya nag-a-adjust pa talaga. Nasa kalagitnaan ako ng hagdan nakasalubong ko ang isa sa kasambahay nila mommy Brenda. Ilang taon na kaya ito? Sa tingin ko mas higit na matanda ito sa ‘kin, though hindi naman ito abot ng thirty. Nasa 26 o 27 ang hula ko sa edad nito. May bitbit na walis tambo at dustpan Yumukod sa ‘kin. Tumigil ako kaya tumigil din ito sa tapat ko. Naisip kong itanong sa kaniya si Atlas, baka lang alam niya. “Hi, senyorita Andrea,” saad niya. “Hello ate Lucy,” tugon ko iyon kasi ang natatandaan ko kahapon na sabi ni Manang Dolores, kahapon ng inutusan siyang tawagin ang tatlong kapatid ni Atlas. “Papunta sana ako sa kwarto n'yo upang maglinis. Kanina kasi tulog pa kayo ni senyorito Atlas. Kaya inyo k'warto na lang po ang hindi ko nalinisan." “Okay lang po ate Lucy. Ako na po ang bahala maglinis doon.” “Hala! Baka ma

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-10
  • Hot Night With Mattheus Martinez    Book 2-Ch-50 (Atlas and Andrea Keth)

    Andrea “Andrea Keth, kakain pa tayo,” muli akong tinawag ni Atlas ngunit dedma ko lang siya. Mabilis akong lumakad upang bumalik na lang sa taas nawalan ako ng gana sa balak ko gawin ngayong umaga. Hindi pa ako nakararating sa hagdan bumungad sa 'kin ang mommy. Oh my gosh! Papunta rito ang mommy Brenda at mukhang galing ng grocery store dahil may bitbit ito sa magkabila niyang kamay tigisa plastic bag. “Mommy Brenda,” bulalas ko ng mapalit na sa ‘kin, wala na. Finish na ang balak kong magtungo sa k'warto. Nasa likuran nito ang isa pa nilang kasambahay ganun din may bitbit sa magkabilaan kamay ng plastic bag na puno ng grocery. Kaya naman pala wala ito rito kasi umalis pala. Sabagay malapit ng mag-alas-onse na ngayon ng tanghali. Kalimitan naman sa mga grocery store. Open na ng seven am o eight am. Gan'yan din ang Nanay Fidelisa kung magtungo ng grocery store. Gustong maaga para daw hindi maraming tao at marami pang stock sa grocery store at mabilis makauwi. “Andrea gi

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-10
  • Hot Night With Mattheus Martinez    Book 2-Ch-51 (Atlas and Andrea Keth)

    Andrea “Pinasundo ko po kay Macarius,” pagkatapos tumawa si Atlas. Iiling-iling naman si mommy Brenda. Bakit kaya? Medyo nasaktan ako baka talaga gusto nito si Brielle para kay Atlas. Kaya nalungkot sa pagsuway ni Atlas sa kasunduan ng pamilya. “Nag-usap na kami tungkol dito ni Belyn at ni Aaron,” sabi ni mommy. “Intindihin mo na lang kasi nag-a-adjust pa si Brielle. Kasi nga nasanay sa pagbuntot sa ‘yo,” nakangiti na ngayon na sabi ni mommy. Nagkunwari akong hindi nakikinig sa kanila sa kuko ko ako nakatingin para hindi halata. “Ewan po kung inaway na naman noon si Macarius. Nang makita kanina masama na naman ang tingin kay cuz Macarius. Kaso no choice siya walang maghahatid sa kaniya paano nagpaiwan sa driver pagkahatid dito. Ayun sumama naman, ngunit parang gustong sakmalin si Macarius. At saka po na-text ko naman po ang Tita Belyn. Si Macarius ang kasama,” “Siya paghanda mo na ng pagkain si Andrea,” anang mommy ngunit tumayo ako hindi ako tumingin sa kanila. “Baby,” ti

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-10
  • Hot Night With Mattheus Martinez    Book 2-Ch-52 (Atlas and Andrea Keth)

    Andrea‘Vianca sagutin mo,’ bulong ko pa habang patuloy akong pababa ng hagdan. Nagsalubong ang kilay ko ng hindi sinagot ni Vianca.Baka naman kasi busy hindi hawak ang cellphone masyado akong nagmamadali. Ni off ko muna ang phone ko. Palilipasin ko lang ng five minutes muli akong tatawag kay Vianca.Kapapatay ko lang lang tawag. Si Ate Jane ang tumatawag sa akin. Kaya rito napunta ang atensyon ko. Excited pa ako niyon sinagot nakangiti na pala ako habang nagsasalita.“Hello ate kumusta po ang daddy. Ikaw rin po kumusta na r’yan?” masaya ko pang sabi subalit pagkarinig ng sabi ni Ate Jane, napatda ako.“Andeng. Dinampot ang daddy mo ng mga pulis. Nasa presinto tres ako ngayon dito siya nakakulong.”“A-ate J-Jane ano po?”“Hinuli si sir Alvin, sa kasong estafa case. Sa banko raw galing ang warrant. Sumunod agad ako. Kasi nag-aalala ako sa daddy mo at may sakit iyon ngayon.”“A-ate s-sige po pupunta ako roon,” taranta kong sabi. Kaya lang naisip ko wala nga pala akong pera, ni singko d

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-10

Bab terbaru

  • Hot Night With Mattheus Martinez    Book 2-Ch 140 (Atlas and Andrea Keth)

    Andrea Pagdating ng alas-singko ng hapon dumating si Atlas. “Oh, akala ko ala-sais ka pa darating kasama na sina mommy?” Lumapit siya sa ‘min ni Alvina. Mahina niyang kinurot ang pisngi ni Alvina. Hinalikan ako sa gilid ng ulo ko kasi karga ko si Alvina pinatatayo ko sa hita ko. Umupo si Atlas sa tabi ko. “Gusto mong kargahin si Alvina?” tanong ko kay Atlas kasi nakangiti siyang nakatingin sa ‘min ni Alvina. Ililipat ko si Alvina kay Atlas. Pumalahaw naman ng iyak si Alvina hindi ko itinuloy. “Ayaw niya sa mga pangit,” biro ko kay Atlas na kinasimamangot nito. Humalakhak ako umiyak lalo si Alvina. Natakot pa ang kapatid ko sa pagtawa ko. Tumayo na lang tuloy ako at sinayaw sayaw para lang tumigil ito sa pag-iyak. Nakangiti na si Atlas ngayon sa 'min nakatingin. “Baby, bagay sa ‘yo. I'm sure ngayon pa lang maswerte na ang mga anak natin sa ‘yo. Nagkaroon sila ng mommy na maganda, sexy at mabait pa," “Swerte rin sila kasi guwapo at mabait ang daddy nila,” napangiti ako kasi

  • Hot Night With Mattheus Martinez    Book 2 l-Ch 139 (Atlas and Andrea Keth)

    AndreaNang paglabas ko galing CR tapos na magbihis si Atlas at busy kadodotdot sa phone niya. Kaya naman hindi ko mapigilan na kumunot ang noo ko dahil naka ngisi ito habang naka tingin sa phone niya."Baby," sabi niya at lumapit sa 'kin at nakangiti pa rin inirapan ko tss. Hmp sino naman ang kapalitan nito ng text at ang ngiti abot hanggang tainga."Si Yorme nag-text. Hindi raw siya makararating bukas, kasi pupuntahan niya ang mag-ina niya hindi raw siya tinitigilan na awayin ni mommy," nakatawa sabi ni Atlas, na para bang nakaalala nito ang katatapos na pag-uusap ng kapatid n'yang si Ishmael.Bahagyang tumulis ang nguso ko. Kasi ang ngiti ngayon ni Atlas para bang alam niyang nauurat ako ng maabutan ko siyang may ka-text kanina."Selos naman agad Misis? Kung hindi lang pamilya ko ang nag-text sa 'kin hindi ako mag-re-reply. Wala akong panahon sa iba dahil sa 'yo ko lang gustong ubusin ang oras ko.""Edi wow na lang,"Pinisil niya ang ilong ko. "Ayaw pa umamin ng asawa ko na kinilig

  • Hot Night With Mattheus Martinez    Book 2-Ch 138 (Atlas and Andrea Keth)

    Andrea “Atlas, tigilan mo mamaya tatawagin na tayo ni nanay Fidelisa para sa hapunan. Sinabi ko pa naman ihanda na at magbibihis lang tayo. Ikaw pa naman hindi papayag kapag hindi iisa pa,” suway ko sa kaniya ngunit hindi lang umalis sa likuran ko. Nanatili lamang nakayakap sa likuran ko panay pa rin halik sa leeg ko. Maya-maya pinihit niya akong paharap sa kaniya at siniil ako ng halik. “Maaga pa naman baby,” saad nito at siniil ako ng halik pagkatapos mabilis n'ya akong kinarga at pinulupot niya ang magkabila kong binti sa baywang niya. Kahit naglakakad si Atlas patungo sa kama hindi naputol ang halikan namin. Na para bang hindi niya ako palaging hinahalikan kung makahalik ngayon puno pa rin iyon ng pananabik. Maingat niya akong ibinaba ngumisi sa ‘kin. “Ayaw talaga paawat huh?” saad ko. Inalis niya agad ang suot kong blouse sinunod ang aking bra. Wala siyang kahirap-hirap n'yang inalis iyon sa ‘kin. Dahil din kanina pa tanggal ang hook sa closet ko pa lang. Tuluyan a

  • Hot Night With Mattheus Martinez    Book 2- Ch 137 (Atlas and Andrea Keth)

    Andrea “Nay! Samahan mo ako bukas bumili tayo ng mga upuan at lamesa. Naisip ko sa labas na lang ganapin para malayang kumilos. Alas-sais naman ng gabi malawak naman ang hardin. Siguro naman po. Kasya tayong lahat doon. Sa tingin mo ‘nay maganda ba ang naisip ko?” hingi ko pa ng opinyon sa kaniya. Bago pa sa akin ang magaganap na pagsalo-salo. Kaya mainam din hihingi ng opinyon sa ibang nakatatanda kung mayroon ma-i-suggest naiba. Baka mas maganda ang maging suggestion ni ‘nay Fidelisa. “Maganda ang naisip mo. Pero Andeng, kung tayo lang ang bibili. Hindi natin iyon kaya. Buti sana kung isang lamesa at upuan lang ang bibilhin natin. E, alam ko malaki ang pamilya Martinez. Hindi iyon sakto sa pamilya ng asawa mo kung isang seat lang ang bibilhin mo,” aniya. “Opo. Isasama na lang natin sina ate Lucy at ate Jane. Nand'yan din si Atlas, hindi iyon papasok bukas may kasama tayo. Sakto rin po ayos na rin natin sa labas pagdating galing bumili.” “Mabuti pa nga anak. Bibili pa ba ta

  • Hot Night With Mattheus Martinez    Book 2-Ch 136 (Atlas and Andrea Keth)

    Andrea Alas singko na ng hapon kami nakauwi ni Atlas sa bahay. Tahimik buong living room ng pumasok kami. Hmmm saan kaya sina ate Lucy at ate Jane? Ang nanay Fidelisa alam ko kapag ganitong oras. Busy iyon sa kitchen kasi siya talaga ang nagluluto ng ulam kahit noon pa. Ngayon tiyak inako pa rin nito dahil naksanayan ng nanay Fidelisa at masarap din kasi itong magluto. “Saan ka pupunta?” tanong ni Atlas ng alisin ko ang kamay n'yang nakapulupot sa baywang ko. “Sa kitchen sisilipin ko lang kung naroon si ‘nay Fidelisa,” “Kararating lang natin magpahinga ka muna baby,” “Mamaya na after natin kumain ng hapunan. Mayroon lang akong pakikiusap sa nanay Fidelisa," “Tulad ng ano?” nakakunot ang noo nito tila ba ayaw niya akong payagan. “May pag-uusapan lang kami ni Nanay Fidelisa na plano para bukas sa pagpunta ng pamilya mo,” “Anong plano?” may pagtataka n'yang tanong sa ‘kin. “Mag-aayos lang kami bukas," “Baby, ‘wag ka ng magpagod okay lang kahit ano lang ang ihanda n'yo

  • Hot Night With Mattheus Martinez    Book2-Ch-135 (Atlas and Andrea Keth)

    Andrea Naantala lang pala ang reply ni Vianca kasi nag-reply pa ulit siya kung maari kaming gumamit ng swimming pool. Gustong maligo ni Vianca. Nakikiusap sa ‘kin kung p'wede. Ako: Oo naman besh basta magdala kayo ng swimsuit alam mo naman na bawal kagaya noong una mong punta rito. Hindi tayo pinayagan kahit anong pakiusap ko kasi naka t-shirt at short tayo. Naiintindihan ko ang guwardiya ayaw n'yang gayahin ng iba. Kung pagbibigyan nga naman kami. Maaring masabihan na may favoritism ang management. “Papasyal daw sina Vianca at Maxine sa condo natin. Sinabi ko next week at sabado sila pumunta kasi wala tayo sa condo bukas. “Okay nasa condo naman ako niyan papuntahin mo na,” sagot ni Atlas. “P'wede ba kaming mag-swimming niyan?” Lahat naman ng condo owner anytime p’wedeng gumamit ng swimming pool. Para iyon sa lahat ng condo owner. Basta sumunod lang sa dress code. “Sasamahan ko kayo,” “Mahihiya sila. Silipin mo na lang kami palagi roon. Kasama mo naman si ate Lucy,”

  • Hot Night With Mattheus Martinez    Book 2- Ch-134 (Atlas and Andrea Keth)

    Andrea “Dammit, baby. Hindi naman aalis si ‘nay Fidelisa nagmamadali ka,” suway ni Atlas ng nahabol niya ako bago pa makarating sa sala. Kasi iniwan ko na siya pagkababa lang namin sa hagdanan dahil sabik akong mayakap ang bagong dating na si nanay Fidelisa. “Ikaw ba naman na matagal hindi nakita ang tinuring mong pangalawang ina hindi ka ba magkaganito? Oh, sasagot ka pa talaga Martinez ang pangit mo ka-bonding." Hinayaan na lang ako ni Atlas na maunang maglakad upang puntahan ang nanay Fidelisa. “Nanay Fidelisa! Namiss kita promise,” wika ko pa umupo sa gitna nila ni ate Lucy. Kahit masikip na sila nila ate Lucy sa upuan. Dedma ko lang pinagkasya ko ang sarili ko ‘wag lang kumilos. Dahil magkakabunguan na. Kasama pa kasi nilang tatlo si Alvina, nakanganga matulog sa mahabang sofa. Sumiksik pa ako kaya naging lima na kami kasama si Alvina. “Baby sumiksik ka pa maiipit ang tiyan mo r’yan,” suway ni Atlas. Nagbingi-bingihan lang ako sa sinabi ni Atlas. Sa halip masaya akong y

  • Hot Night With Mattheus Martinez    Book 2-Ch 133 (Atlas and Andrea Keth)

    Andrea “Okay naman po mommy. Mabuti nga po walang malala na nasaktan. Si dad okay lang po siya,” tugon ko sa kaniya ang daming kinumusta ni mommy Brenda tungkol sa nangyaring pagbawi kay Alvina. “Gusto mo bang magdala kami ng buko pandan diyan sa sabado, hija?” malambing n'yang tanong sa 'kin. Ang sweet talaga ng biyenan ko napaka swerte ko sila ang magulang ng asawa ko. Bigla akong natakam sa buko pandan. Akala ko tapos na akong mag-crave noon kasi hindi na ako nag-aaya kay ate Lucy gumawa sa condo. Pagkarinig ko lang natakam agad ako. Bukas na pala sila pupunta rito sa bahay para pag-usapan ang church wedding namin ni Atlas. Na-excite ako sa magaganap na kasal. This time dadalo ng kompleto ang pamilya ni Atlas at akin. Kahit si daddy, Alvina, ate Jane at Nanay Fidelisa lang ang pamilyang mayroon ako. Buo ang sayang nararamdaman ko. “Sabi nga ng asawa mo may pagkain na siyang order sa restaurant ng daddy mo. Kahit mayroon na, may dala pa rin kami. Ayaw kong mapahiya sa balae

  • Hot Night With Mattheus Martinez    Book 2- Ch 132 (Atlas and Andrea Keth)

    Andrea “Okay na ma'am. Bilhin n'yo lang po ng kompleto ang reseta ni Sir, Galiga. Maari na po kayong umuwi,” bilin ni doktora nag-assist kay Daddy sa emergency room pagdating namin sa loob ng ospital. Emergency room kasi ang available dahil nga hating-gabi na kami sumugod walang ibang doktor. Mabuti nga inasikaso kaagad si Daddy kaya kami'y nakalabas din agad. “Ako na ang bibili ng gamot ni Sir Galiga, ma'am Andrea,” presenta ng kuya Sonny ng magpaalam ako sa kanila mauna sila sa van. Ako naman ay tatawid pa para bumili ng mga gamot ni daddy. Sa harapan lang kasi ng ospital ang bukas na pharmacy. Sa ospital ay sarado kaya ako'y tatawid doon para bumili ng gamot. "Sigurado ka po ba kuya Sonny?” “Oo ma'am Andrea. Magagalit din si Sir Atlas, kapag kami ni sir Galiga lang ang magkasamang bumalik sa sasakyan. Kayo na lang po ang mauna at ako na ang bahalang bumili.” “Sige po kuya Sonny at salamat po,” tugon ko at inabot ko sa kaniya ang reseta at kumuha ako ng pera sa bag ko.

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status