Tanya's POV " Congratulations to us." Patiling wika ni Michelle ang bestfriend ko sabay yakap sa akin ng mahigpit. " Congratulations to us bestie." Natatawa ko ding wika dito. Finally after five years of studying harder, emotionally and financially naitawid din namin ang pag-aaral sa college.Through thick and thin iyan ang friendship goals namin ni Michelle. Ganunpaman thankful parin kami na sa kabila ng mahirap na hamon sa buhay hindi man kami tulad ng ibang ka klase namin na mayaman na magkaibigan. Nakapag-aral parin kami isa sa prestihiyosong unibersidad sa Manila. Malaking pribelihiyo narin ang pagiging scholar namin. " Congratulations sa inyo anak." mahigpit ding yakap ni tatay sa akin. Nandito na kami ngayon sa isang restaurant kung saan kami kasalukuyang kumain at para na rin sa pagcelebrate ng graduation namin ni bestie. Actually lima lang kami dito ako, si tatay, si Michelle at ang mga magulang niya. Sa nagtatanong kung nasaan ang aking ina. Nakakalungkot man isipi
Tanya's POV Malakas akong nagpakawala ng buntong hininga. First day ko ngayon sa LS construction bilang architect. Thank you Lord natupad lahat ng goals ko sa buhay sana tuloy-tuloy na po ito. Excited ako dahil natupad din ang pangarap ko na matanggap ako sa kompanyang ito. Actually pangarap namin ito ni bestie Michelle ko kaso nga lang pagkatapos namin makapasa sa board exam isang buwan lang ang nakalipas na mild stroke naman ang tatay niya. Dahil sa nag-iisa lang siyang anak walang mag-aalaga sa tatay niya. Hindi muna siya sumabay sa akin nag-apply ng trabaho. Tinulungan muna niya ang kanyang nanay sa pag-alaga sa ama nito. Salitan narin ang mga ito sa pagbabantay ng maliit nilang puwesto sa palengke. Habang kami naman ng tatay ko napag-usapan narin namin na kapag makapag-ipon na ako pahintuin ko na siya sa trabaho. Patayuan ko nalang siya ng maliit na puwesto ng motor shop. Para doon na siya sa probinsya namin sa Bulacan. Magkapit-bahay lang kami ni Mich kaya paminsan-minsan
Tanya's POVMataman siyang nakaupo sa may lobby habang hinihintay ang kanyang ama. May usapan kasi kami ngayon ng tatay ko na samahan niya ako mamili ng kaunting gamit para sa bago kong nilipatan na apartment. May kaunti pa naman akong pera naipon mula sa allowance ko nung college. Todo tipid ako nung nag-aral pa ako dahil ayaw ko palagi naghihingi kay itay.Siyempre alam ko kung gaanong hirap ang pinagdaanan niya para mairaos lang niya ang pag-aaral ko kahit sabihin pa natin na scholar ako. Malapad akong napangiti ng makita ko na siyang papasok sa loob ng lobby. " Tay mano po." agad kong wika dito. Sinalubo ko din siya ng mahigpit na yakap. Subrang na miss ko ito. " Kumusta ang unang araw ng trabaho mo 'nak? " nakangiti nitong tanong habang papalabas na sila sa building. Hindi naman sa pagbubuhat ng sariling upuan dito niya namana sa tatay niya ang angking ganda nito. Hindi naman siya katangkaran sakto lang ang kanyang height sa tulad niyang full blood pinay. Matangkad kasi ang
Tanya's POV Tama nga si Mich ang hot ng CEO ng LS Construction. Napaka guwapo nito, naka intimidate ang masyadong kaguwapuhan nito na gustuhin mo nalangtitigan buong araw. Kahit nakaupo ito mahalata mo parin ang malaking tao nito. Bigla ako bumalik sa huwisyo ko ng marinig kong pinitik niya ang kanyang daliri. " Are you staring at me a whole day? or you can say nothing?" seryosong wika nito. " Shemay bakit nawala na naman ako sa sarili ko. Tanya, isip anong sasabihin mo." Tumikhim ako at mabilis na lumapit sa table nito. " Good morning Mr.Sebastian." agad kong bati dito.Umurong na iyong dila ko kaya wala na akong ibang masabi kundi iyon nalang. " Please sit down, Ms. Medrado right?" nakangiti nitong tanong. Pamilyar sa akin ang ngiti nito. Biglang bumilis ang tibok ng dibdib ko ng maalala ko iyong ngiti niya. " Thank you po Mr.Sebastian." " By the way, Ms.Medrado every department we do random select to attend seminar nextweek." seryoso nitong wika. Habang mataman naman
Tanya's POV " My ghadd...late na ako." pasigaw kong sabi nagmamadali akong napabalikwas ng bangon sa kama. Dumiretso agad ako sa banyo upang maligo. Paano ba naman kasi late na ako nakatulog kagabi. Kasalanan talaga ito ng boss ng tatay niya. Hindi lang naman mawaglit sa isip ko ang ganap sa kotse kahapon. First time ko din mag-isip ng tao na hindi ko naman talaga kilala. Hindi mawala sa isip ko ang guwapong mukha nito lalo na iyong ngiti niya sa akin kahapon. Kulang nalang hingin ko number niya kay tatay para ma text ko siya. Landi ko talaga hehe. Pagdating ko sa office ng department namin nadatnan ko ang mga ka trabaho ko nakahilera sila. Nagtatanong ang aking mga mata sa kanila kung anong meron pero wala ni isang naglakas loob sa kanila na sagutin ako . Nilagay ko sa table ang bag ko. Nagmamadali din akong pumila tumabi ako kay Roberta. May pumasok na babae. Tumikhim muna ito bago nagsimulang magsalita. " Good morning everyone,listen guys. Mr. Luke Sebastian are coming
Tanya's POVNagmamadali akong pumasok sa elevator. Ayaw kong maabutan ako ni Sir Luke, maisabay pa niya ako pauwi sa bahay nito tulad ng sinabi nito kanina. Tapos ko ng natawagan si tatay na puntahan ko siya sa bahay nila Sir Luke. Nakakatampo na din minsan itong tatay ko, kung hindi pa sinabi sa kanya na may sakit pala ito hindi din niya malaman. Isa pang atraso ng tatay sa kanya, hindi man lang sinabi nito na si Sir Luke ang amo niya at ang CEO ng pinagtrabahuan ko ay iisa. Hindi ko alam kung anobg dahilan nito. Malalaman ko ito mamaya hindi porke't may sakit ito makaligtas na siya sa mga katanungan ko sa kanya. Napangiti siya sa isipin kung paano siya lambingin ng tatay niya. Yayakapin lang naman siya nito ng mahigpit sabay bulong sa tainga niya na maganda siya at tatawa na ito ng malakas. Sa tagal kong nag-isip sa mga nalalaman ko kanina. Hindi ko na namalayan na may katabi na pala ako sa loob ng elevator. Pasimple kong nilingon ang kasama ko sa loob. Laking gulat ko nalang na
Tanya's POV Pumasok ang magarang sasakyan ni Sir Luke sa malawak na bakuran sa sinabi nitong bahay. Bahay? bahay ba ang tawag niya dito na subrang laki na may tatlong palapag at malawak na bakuran. Ganito ang nakikita niya sa mga palabas sa TV mga mansiyon ng bilyonaryo. " Here we are." anito sa baritonong boses. " Stay here." wika ulit nito. Mabilis naman niyang tinanggal ang seatbelt na nakasabit sa katawan niya. Nakita niya ito umikot sa harapan ng sasakyan papunta sa kinaroonan niya. Nagsimula na naman tumibok ng mabilis ang puso niya, lalo ng maalala pa niya ang nakaw na halik nito kanina. Bumukas ang pintuan ng sasakyan. Yumukod ang binata sa kanya. "Are you okay?" tanong pa nito. Nakita niya siguro na medyo balisa siya. Tumango lang siya at bumaba na ng sasakyan. Napasinghap pa siya ng mabilis na hinawakan nito ang kamay niya. Mabilis itong naglakad papasok sa loob kaya nagpatianod nalang siya dito. May matandang babae agad na sumalubong sa kanila. " Magandang h
Tanya's POV Hindi na siya nakatanggi pa kay Sir Luke dahil hindi talaga ito umaalis sa kinatayuan nito kung hindi siya kakain ng hapunan. Napilitan na lamang siyang tumayo, iniwan niya muna ang kanyang tatay sa kwarto nito. Hatiran nalang daw niya ito ng pagkain kapag tapos na siya maghapunan. Nahihiya man pero sumunod nalang siya sa boss nila. Nagpati-una na ito sa paglakad patungong dining table. Naabutan nila si Manang Tasya naglalagay na ng pagkain sa mahabang mesa. May dalawa pang kasambahay na nakatayo sa gilid na sa tantiya niya ay ka-edaran niya lamang ang mga ito. "Senyorito Luke, handa na ang hapunan." agad na wika ni Manang Tasya ng makita sila nito. " Kumain ka ng marami iha, uuwi ka pa sa inyo." bati din nito sa kanya. " Maraming salamat po manang Tasya." wika niya. Bigla siyang nakaramdam ng gutom ng makita niyang maraming pagkain ang nakahain sa lamesa. Mas lalo na doon sa sinigang. Pa-simple siyang lumingon sa paligid hinahanap niya ang mga magulang at kapatid
Tanya's POV " Oo naman sir Luke, wag niyo ng masyadong galingan sir, para manalo naman ang team nila ni Jack." hirit naman ni Sofie. Tumawa naman si Luke. " Well, let see guys, mas lalo ko ng galingan ngayon dahil inspired na ako." nakangiti na wika ni Luke na kinindatan pa ako. Walang-hiya, pinakilig na naman nito ang kiffy ko. Wala talagang kasawaan itong si Luke sa pagpakilig sa akin. " Oyy, sana all nalang kami,Tanya." singit naman ni Natasha. " Congrats po sa inyo sir Luke at miss Medrado." sabad din ng isang kasamahan nila ni Sofie. " Thank you ladies.." sagot naman ni Luke, ang ligalig nitong sumagot sa mga empleyado niya. Ibang Luke na ito ngayon, masayahin at hindi na seryoso. " Bye, girls.." paalam ko sa mga ito ng palabas na sila ng elevator. Nagpakawala ako ng buntong-hininga. Nabunutan ako ng tinik sa aking dibdib. Iba pala talaga kapag hindi ninyo tinagon sa publiko ang relasyon ninyo. Hindi naman masyadong public sapat lang para malaman nila may relasyon na k
Tanya's POV Warning‼️Rated SPG‼️ " I missed you baby." paos na boses ni Luke. " I missed you too, Luke." sabi ko. Siniil niya ulit ang labi ko. Mabilis niya akong pinaupo sa kandungan niya paharap. May pinindot siya sa gilid ng upuan para medyo ma slanting ng kaunti. Hindi parin nagkahiwalay ang aming mga labi. Bumaba na iyong halik niya sa leeg ko. Nagtagal pa doon. " Luke,ughh.. don't put me a lovebite." bulong ko. Ngumisi lang ito. Pinaggigilan talaga nito ang leeg ko.Kaya tinampal ko siya. " What's wrong? I want them to know that your really mine." his husky voice. " No, huwag please...manood pa kami ng basketball mamaya." " Tsaka ka na manood sa championship na." anito na tila may bakas na inis sa tono. " Hindi pwede, support kami sa team namin.Kanila Jack, need nila ng support namin." wika ko. " Luke,ughh..." napaigik ako ng bigla nalang niyang pinasok ang kamay nito sa loob ng panloob ko na suot. Ang init ng palad nito. Kaya hindi maiwasan na biglang
Tanya's POV KABADO bente ako dahil ito ang pinakahihintay ng lahat ang anniversary ng LS constuction. Masyadong abala si Luke sa nasabing event ng kumpanya nila kaya tatlong araw na kaming hindi nagkikita. Nandito kami ngayon sa isang gymnasium na sakop lang ng building ng LS Construction firm. Ang bongga pala talaga nito may pa basketball ang kumpanya at volleyball. May iba din mga pa games na tiyak na mag-eenjoy ang mga empleyado nito. Naala ko lang nung college days ko kapag foundation ng school may paganito din. Nauna na ako sa pila dahil ako iyong representative ng architect and engineering department. Gets ko na kaya ayaw talaga ni Luke na sasali ako maging muse dahil sa suot namin. Ngayon lang ako nagkaroon ng self-confidence, sa tulong nadin siguro ng mga ka departamento ko lalo na kay Roberta. Siya iyong aligaga sa pag-asikaso sa akin sa make-up at hairstyle ko. Bumilis ang pintig ng puso ko ng makita ko si Luke na nakaupo sa presidential table kasama iyong mga ma
Tanya's POV " GOOD MORNING ma'am pretty." napalingon ako sa mga trabahante na nagku-construct sa ongoing na condominium. Ngitian ko ang mga ito bilang paggalang sa kanila. Nag-order din ako ng pagkain para sa lunch nila. Kaya ganun nalang ang tuwa ng mga ito. Ramdam ko ang hirap nila pero kinaya ng mga ito ang init para lang matustusan ang pangangailangan ng pamilya nila. Kaya saludo ako sa mga ito. Hindi ko kasama ngayon si Jack dahil restricted kami ng CEO ng LS construction walang iba ang hottie boyfriend ko na si Luke Sebastian. Kaya ibang engineer ang kasama ko ngayon at babae. Masyadong seloso ang kumag na iyon, ayaw niya lang daw akong makita na masaya sa ibang lalaki baka daw masanay ako na hindi siya kasama. " Miss Medrado dito ka ba maglunch?" tanong sa akin ng kasamahan ko na engineer. Tumango ako. " Nag-order na ako ng foods, pati narin ang mga tao kasama sila." nakangiti ko na sabi. " Wow, anong meron? Birthday mo?" tanong nito ulit. " Nope. Gusto ko lang
Tanya's POV Napangiti ako ng may marinig na akong ugong ng sasakyan. Si Luke na iyon at kasama na niya si tatay. Magsisimba kami ngayon at mamasyal pagkatapos. Mabilis ko ng tinungo ang pintuan para pagbuksan sila. " Hi, baby." bati ni Luke na malapad na nakangiti sa akin. Ang gwapo talaga ng boyfriend ko na ito at ang bango pa. " So, hindi mo nalang ako papasukin, Tanya. Magtitigan nalang tayo nito buong araw." pang-aasar nito sa kanya. Natawa siya. " Oh, I'm sorry Luke. Ikaw kasi 'bat ba ang gwapo mo palagi sa paningin ko." wika ko na binuksan ng malawak ang pintuan. Nakita ko pa ang pagngiti nito na para bang kinikilig. Sabi nga nito dati sa akin hindi daw siya sanay na pagsabihan ko siyang gwapo. Kahit naman ako iba ang impact kapag si Luke ang magsabi sa akin ng maganda daw ako. " Si tatay?" tanong ko kay Luke ng tuluyan na itong nakapasok sa loob ng apartment ko. " Susunod lang daw sila ni manang Tasya, baby." napakamot pa ng ulo si Luke. Napataas naman ang
Tanya's POV Nabuhayan ako ng loob ng may pumasok na staff bitbit ang pagkain namin. Nagulat pa ako ng nakasunod si Luke at Nathaniel sa mga ito. Talagang planado nilang dalawa na dito kami. Ang siste, block screening pala ito dahil kaming apat lang ang nandito sa loob ng vip. " Thank you po." nakangiti ko na wika. " Ahm, miss saan banda dito ang cr?" tanong ko. Ang lamig kasi kaya naiihi na ako. " Ahm..you can go now, ako na ang sasama sa kanya." mabilis na sabad ni Luke sa usapan. Tumango naman ang staff. Nakangiti pa ang mga ito na nagpapaalam sa amin. Makikita ang paghanga ng mga ito sa kanila Luke at Nathaniel. " I think I go up there dude." wika ni Nathaniel na tinuro na nito ang kinaroonan ni Kate. Nakita ko pa si Kate na nakasimangot habang papalapit sa kanya si Nathaniel. Nagkasalubong ang aming tingin ni Luke. Umalis na ang mga staff. " Hi, what can you say baby? are you happy?" tanong nito. Napakunot-noo naman ako, dahil hindi ko alam kung anong ibig
Tanya's POV Biglang bumilis ang pintig ng puso ko ng napatingin si Luke sa akin ng diretso. Pinasadahan pa ako nito ng tingin mula ulo hanggang paa. Nagtatagal siya sa mga hita ko. Masyadong naka expose kasi ang mga legs namin ni Kate sa suot namin. Ito pa naman ang pinaka-ayaw niya na magsuot ako ng maiksi na short sa public place. Pero bahala siya hindi na niya ako puwedeng pagbawalan pa lalo na sa ginawa niyang pang balewala sa akin. " Thanks kuya Gab. Thanks ate Carlen, were done eating. " sagot ni Kate. May tiningnan ito sa phone niya. "Oh, nandito na daw sila engineer Jack at Larry, Tan.By the way, guys please excuse us. May date pa kami." paalam ni Kate, maarte pa nitong kinaway-kaway ang mga daliri nito. Napailing ako, sinulyapan ko pa si Luke na parang mangangain na ng tao sa hitsura nito. Malaman nag-iinit na naman ang ulo nito sa narinig mula kay Kate. Napabunghalit kami ng tawa ni Kate nang malayo na kami sa nasabing restaurant. Laughtrip talaga itong si Kat
Tanya's POV Nagising ako sa tunog ng alarm ko. May lakad kami ngayon ni Kate kaya nagset ako ng alarm para hindi ako malate sa tagpuan namin. Kahit malungkot ako dahil hindi nagpunta si Luke sa apartment ko kagabi pero okay lang nagtext naman siya na may lakad daw sila ng barkada niya. Nasanay lang siguro ako na after working hours diretso agad dito si Luke sa apartment ko. Bagay na ikaselos na talaga ng barkada niya dahil wala na daw panahon si Luke sa kanila. Nasa akin na daw nakaikot ang mundo ni Luke. Napailing nalang ako sa isip ko. Paano kong magsawa na sa akin si Luke, goodbye relationship goals na kami. Mabilis ko ng tinungo ang banyo sa loob ng kwarto ko. Alas 10 ng umaga ang usapan namin ni Kate na magkikita sa mall para doon narin daw kami kakain ng tanghalian. " Hi Tan, nasaan kana?" tanong ni Kate sa kabilang linya. Papasok palang ako sa nasabing mall. " Malapit na ako Kate, hinahanap ko na iyong location mo." natatawa kong banggit. "Nandito lang ako nakaupo
Tanya's POV Mataman lang akong nakikinig sa nagre-report during meeting. Nakita ko pa si Jack na mataman din nakikinig. Mabuti naman hindi ito tinanggal ni Luke sa kumpanya niya o kaya pinadestino sa ibang branch. How professional Luke Sebastian he is, dahil hindi niya talaga hinaluan ng sariling isyu ang trabaho. Lihim pa akong napangiti dahil lagi kong nahuhuli si Luke na palihim din ang panay pagsulyap niya sa puwesto ko. Hindi naman napapansin ng mga tao dito sa loob dahil seryoso ang mga ito na nakikinig. " Hi Tan, kumusta?" tanong ni Jack sa akin. Sumabay siya sa paglalakad sa akin pagkatapos ng meeting. Akala mo talaga wala lang sa kanya ang pangyayari sa Bulacan. May atraso pa ito sa akin, hindi parin nawala sa isip ko ang sinabi nito sa akin na nilandi ko lang daw si Luke at babaero daw si Luke. Kami talaga ni Luke ang siniraan nito sa mismong harapan ko. " Okay naman, nakatulog naman ng maayos dahil wala naman akong inaapakan na tao." patuya ko na sagot. Tumikhi