Tanya's POV
Tama nga si Mich ang hot ng CEO ng LS Construction. Napaka guwapo nito, naka intimidate ang masyadong kaguwapuhan nito na gustuhin mo nalangtitigan buong araw. Kahit nakaupo ito mahalata mo parin ang malaking tao nito. Bigla ako bumalik sa huwisyo ko ng marinig kong pinitik niya ang kanyang daliri. " Are you staring at me a whole day? or you can say nothing?" seryosong wika nito. " Shemay bakit nawala na naman ako sa sarili ko. Tanya, isip anong sasabihin mo." Tumikhim ako at mabilis na lumapit sa table nito. " Good morning Mr.Sebastian." agad kong bati dito.Umurong na iyong dila ko kaya wala na akong ibang masabi kundi iyon nalang. " Please sit down, Ms. Medrado right?" nakangiti nitong tanong. Pamilyar sa akin ang ngiti nito. Biglang bumilis ang tibok ng dibdib ko ng maalala ko iyong ngiti niya. " Thank you po Mr.Sebastian." " By the way, Ms.Medrado every department we do random select to attend seminar nextweek." seryoso nitong wika. Habang mataman naman akong nakikinig sa kanya. " In behalf of your department, you are the one chosen to attend the said seminar in Cebu." dagdag pa niya. Napasinghap naman siya sa narinig. " Cebu? " ulit niyang tanong. " Yeah, do I need to repeat myself?" pabalang nitong sabi pero nakangiti naman ito sa kanya. " Pero Sir, mawalang galang na po bakit po ako, eh kababago ko lang po sa kompanya mo." kinabahan man ngunit hindi niya mapigilan ang kanyang sarili na magtanong. " Hindi po ba maging unfair po ito sa iba na matatagal na? " dagdag pa niya. " Are you questioning of the management decision Ms. Medrado or what? " balik tanong nito sa kanya. Na may halong iritasyon. "Tanya, gaga ka talaga bakit may pasabi sabi ka pang ganyan.Gusto mo atang masisanti." bulong niya sa isipan. Kinagat niya ang labi niya upang mapigilan pumiyok. " Sorry po Sir nawala po ako sarili ko. Pagpasenyahan niyo na po ang mga sinasabi ko." kunting salita nalang talaga bibigay na siya sa kinaupuan niya sa subrang hiya sa sarili. " Ayaw mo ba? maraming willing umattend." inis na nitong tanong. Ang bilis niyang umiling. " Gusto ko po Sir, sorry po talaga." " Ang tanga mo talaga Tanya, kabago bago mo palang nag-iinarte ka na. It's a previlege madagdagan pa ang kaalaman mo. Makapunta ka pa ng Cebu." kastigo niya sa sarili. " Anything? " " Wala na po Sir." wika ko. " Drop the 'po' Ms.Medrado masyado mo naman akong pinatanda niyan." agad na wika nito. May tiningnan ito saglit sa cellphone. " By the way, Ms.Medrado Mang Lito got sicked. You can visit him." wika nito na nakatingin na sa kanya ng diretso. So, tama nga ang hinala ko siya nga iyong boss ni tatay kaya pamilyar sa akin ang ngiti niya. Sa kanya lang naman tumibok ng abnormal ang puso ko. Ang lakas kasi ng dating ang presensiya ni Sir Luke sa akin. Kaya niyang guluhin ang buong sistema ng pagkatao ko. " Yeah, I'm Luke Sebastian.Just call me Luke kapag tayo lang naman dalawa.Lets do civil to each other. Besides, hindi na iba si Mang Lito sa akin.Matagal na siyang nanilbihan sa amin as a family driver.His like a familiy to me." mahabang wika nito. Ganun nalang ba iyon maging kaswal daw sila sa isa't-isa. Kapag magsimula na nga itong magsalita nagugulo na ang buong sistema ng pagkatao niya. "Sige po dalawin ko po si tatay pagka out ko po dito." Napabuntong hininga ito. " I said drop the word "po" ' ' 'pag magkamali ka pa ng salita paparusahan na kita whether you like it or not." banta nito sa kanya. Natakot naman siya sa banta nito. Bakit ba gusto nitong walang po eh nirespito ko nga siya bilang amo ko. Hindi naman sa ganun na pinatanda ko siya. I'm not sure kung anong eksaktong edad nito pero sa hula niya nasa 30's na din siguro ito. Bahala siya eh di wala ng po. Gusto niya pala wala akong galang sa kanya. Sundin ko lang kaysa maparusahan pa niya ako mahirap na. " Ahmm, you come with me.Doon rin naman ang punta ko sa bahay after office hours." alok nito sa kanya na agad kong tinanggihan.Isipin mo palang na makasabay ko siya ulit sa loob ng sasakyan para na akong matunaw sa hiya. Hindi pa nga ako naka move-on sa huling nagyari dun sa kotse niya na kung ano-ano nalang pinagsasabi ko. Masaklap pa narinig niya lahat ang kwento ko sa unang araw ng pasok ko dito. " Hindi na Sir Luke, masyado ng nakaabala sa inyo. Kaya ko naman na magtaxi papunta doon. Magtext nalang ako kay tatay sa address." madiin niyang tanggi. " Tss..why you so really hard headed Tanya." palatak pa nito. Nagulat ako sa narinig tinawag niya ako sa pangalan ko. Well, iyon naman ang gusto niya maging kaswal daw kami 'pag kami lang dalawa. May kung ano saya ang naramdaman ko the way na binanggit niya ang pangalan ko. Masarap sa tainga ang boses nito. " Baka makaabala pa ako sa'yo Sir Luke,okay lang talaga ako." wika ko pa. " Hindi ka abala sa akin Tanya." halos pabulong na nitong sabi ngunit hindi sapat iyon para hindi niya marinig ang sinabi nito. Napaangat siya dito ng tingin. Ganito ba ito kabait sa tatay niya na pati sa kanya pinakitaan din siya ng mabuti nito. Sir Luke tama na po baka mas lalo akong mahulog sayo tapos 'di mo ako magawang saluhin. Kahit ngayon lang niya na meet ng personal si Sir Luke, hindi niya maiwasang mabigyan ng kahulugan ang mga sinasabi nito sa kanya. Tama nga si Kate ang secretary nito mabait si Mr.Sebastian. Sabagay bukod sa madami itong nalilink na mga babae ayon sa mga naglalabasang balita sa TV o kahit na sa social media. Bukod doon wala na akong narinig na masamang ugali na ikasira sa pagkatao nito.Tanya's POV " My ghadd...late na ako." pasigaw kong sabi nagmamadali akong napabalikwas ng bangon sa kama. Dumiretso agad ako sa banyo upang maligo. Paano ba naman kasi late na ako nakatulog kagabi. Kasalanan talaga ito ng boss ng tatay niya. Hindi lang naman mawaglit sa isip ko ang ganap sa kotse kahapon. First time ko din mag-isip ng tao na hindi ko naman talaga kilala. Hindi mawala sa isip ko ang guwapong mukha nito lalo na iyong ngiti niya sa akin kahapon. Kulang nalang hingin ko number niya kay tatay para ma text ko siya. Landi ko talaga hehe. Pagdating ko sa office ng department namin nadatnan ko ang mga ka trabaho ko nakahilera sila. Nagtatanong ang aking mga mata sa kanila kung anong meron pero wala ni isang naglakas loob sa kanila na sagutin ako . Nilagay ko sa table ang bag ko. Nagmamadali din akong pumila tumabi ako kay Roberta. May pumasok na babae. Tumikhim muna ito bago nagsimulang magsalita. " Good morning everyone,listen guys. Mr. Luke Sebastian are coming
Tanya's POVNagmamadali akong pumasok sa elevator. Ayaw kong maabutan ako ni Sir Luke, maisabay pa niya ako pauwi sa bahay nito tulad ng sinabi nito kanina. Tapos ko ng natawagan si tatay na puntahan ko siya sa bahay nila Sir Luke. Nakakatampo na din minsan itong tatay ko, kung hindi pa sinabi sa kanya na may sakit pala ito hindi din niya malaman. Isa pang atraso ng tatay sa kanya, hindi man lang sinabi nito na si Sir Luke ang amo niya at ang CEO ng pinagtrabahuan ko ay iisa. Hindi ko alam kung anobg dahilan nito. Malalaman ko ito mamaya hindi porke't may sakit ito makaligtas na siya sa mga katanungan ko sa kanya. Napangiti siya sa isipin kung paano siya lambingin ng tatay niya. Yayakapin lang naman siya nito ng mahigpit sabay bulong sa tainga niya na maganda siya at tatawa na ito ng malakas. Sa tagal kong nag-isip sa mga nalalaman ko kanina. Hindi ko na namalayan na may katabi na pala ako sa loob ng elevator. Pasimple kong nilingon ang kasama ko sa loob. Laking gulat ko nalang na
Tanya's POV Pumasok ang magarang sasakyan ni Sir Luke sa malawak na bakuran sa sinabi nitong bahay. Bahay? bahay ba ang tawag niya dito na subrang laki na may tatlong palapag at malawak na bakuran. Ganito ang nakikita niya sa mga palabas sa TV mga mansiyon ng bilyonaryo. " Here we are." anito sa baritonong boses. " Stay here." wika ulit nito. Mabilis naman niyang tinanggal ang seatbelt na nakasabit sa katawan niya. Nakita niya ito umikot sa harapan ng sasakyan papunta sa kinaroonan niya. Nagsimula na naman tumibok ng mabilis ang puso niya, lalo ng maalala pa niya ang nakaw na halik nito kanina. Bumukas ang pintuan ng sasakyan. Yumukod ang binata sa kanya. "Are you okay?" tanong pa nito. Nakita niya siguro na medyo balisa siya. Tumango lang siya at bumaba na ng sasakyan. Napasinghap pa siya ng mabilis na hinawakan nito ang kamay niya. Mabilis itong naglakad papasok sa loob kaya nagpatianod nalang siya dito. May matandang babae agad na sumalubong sa kanila. " Magandang h
Tanya's POV Hindi na siya nakatanggi pa kay Sir Luke dahil hindi talaga ito umaalis sa kinatayuan nito kung hindi siya kakain ng hapunan. Napilitan na lamang siyang tumayo, iniwan niya muna ang kanyang tatay sa kwarto nito. Hatiran nalang daw niya ito ng pagkain kapag tapos na siya maghapunan. Nahihiya man pero sumunod nalang siya sa boss nila. Nagpati-una na ito sa paglakad patungong dining table. Naabutan nila si Manang Tasya naglalagay na ng pagkain sa mahabang mesa. May dalawa pang kasambahay na nakatayo sa gilid na sa tantiya niya ay ka-edaran niya lamang ang mga ito. "Senyorito Luke, handa na ang hapunan." agad na wika ni Manang Tasya ng makita sila nito. " Kumain ka ng marami iha, uuwi ka pa sa inyo." bati din nito sa kanya. " Maraming salamat po manang Tasya." wika niya. Bigla siyang nakaramdam ng gutom ng makita niyang maraming pagkain ang nakahain sa lamesa. Mas lalo na doon sa sinigang. Pa-simple siyang lumingon sa paligid hinahanap niya ang mga magulang at kapatid
Tanya's POV Nagpresinta na din akong tumulong sa pagliligpit ng mga pinagkainan namin ngunit hindi pumayag si manang Tasya kaya na daw ito ng dalawang kasambahay. Nakilala ko ang dalawa sina Tess at Joyce tama nga ang hula ko hindi magkalayo ang mga edad namin. Twenty-four si Tess at twenty-five naman si Joyce.Samantalang magka-edad naman si manang Tasya at tatay ko pareho silang nasa sixty na. Sumunod ako sa kanila sa kusina. Habang may kanya-kanya silang ginagawa,nakipag-kwentuhan naman ako saglit sa kanila. Kung may pagkakataon ako ulit na makabalik dito sa mansiyon iyon ay agad ko silang hanapin. Masarap silang kausap na miss ko tuloy si Mich ang bestie ko sa katauhan ni Joyce. Pinuntahan ko na si tatay bitbit ang mainit na sabaw ng sinigang na luto pa ni mang Tasya at kunting kanin lang muna. Kahit saglit lang na oras ang pagpunta ko dito ma-alagaan ko man lang ang tatay, para maka-bonding ko na din siya. " Tay, gusto niyo po ba dun ka muna sa apartment ko para ma-alagaa
Tanya's POV " Diyan nalang ako sa may kanto sir Luke, lalakarin ko nalang papunta sa apartment ko malapit naman na.Maraming salamat." wika ko ng malapit na kami sa inu-upuhan kong apartment. Lalakarin ko nalang dahil may bibilhin pa ako sa tindahan. Mabilis kong tinanggal ang seatbelt baka siya na naman ang magtanggal nito. Ayaw ko na, binggo na ang pagtibok ng puso ko sa araw na ito. Pagpahingain ko muna ang pintig ng puso ko na hindi na normal. " It' s already ten in the evening, delikado na sa'yo ang maglakad mag-isa. Tahimik na ang paligid." wika nito na akmang pinigilan na siyang magbukas ng pintuan. " May bibilhin pa kasi ako sa tindahan sir,bukas pa naman sa oras na ito." pagpumilit ko pa. Masyado narin kasi akong naka-abala sa kanya simula pa kanina." It's still no for me, Tanya. Besides nangako ako kay Lito na ihatid kita sa apartment mo. So, I'll take you there safe and sound." wika din nito. Halatang pagod na ang boses nito. Kaya hindi nalang siya tumanggi pa, para ma
Tanya's POV " Pagpa-sensyahan muna ang apartment ko sir Luke wala pa akong masyadong gamit." wika ko. Lihim naman nitong inikot ang paningin sa palibot ng apartment niya. Isang sofa at maliit na flatscreen TV na nakalagay sa maliit na lamesa lang ang makita sa mini-sala niya. Maganda lang tingnan dahil aesthetic ang gamit niya inorder niya pa ito sa uso ngayon na online app na pwd ka doon mag-shopping instead na pumunta ka ng personal sa mga malls. " Hmm, it's find cute nga eh." nakangiti nitong wika na diretsong nakatingin sa kanya. Medyo paos parin ito. Sinandal nito ang ulo sa headboard ng sofa at minamasahe nito ang noo. Tumukhim muna ako bago magsalita. "Sir Luke, dito nalang kayo matulog malakas pa ang ulan sa labas. Okay na ako dito sa sofa kasya naman ako dito." mahaba kong wika. Umuungol lang ito, hindi ko mapigilan ang sarili na pagmasdan ang gwapong mukha nito. Nilapitan ko ito at sinalat ang kanyang noo medyo bumaba naman na ang lagnat nito. Kasalanan ko ito da
Tanya's POV Lulan na sila ngayon ng eroplano papuntang Cebu para sa nasabing seminar. Sampung katao silang pinadala ng kumpanya para umattend sa nasabing seminar. Speaking of kumpanya, dalawang linggo na niyang hindi nakita ang boss nila. Gusto na nga niyang tanungin ang tatay niya kung kumusta na si sir Luke o di kaya puntahan na lamang niya sa mansiyon nito. Magkukunwari lang akong dalawin ang tatay ko para pasimple kong matingnan ang si sir Luke. Siyempre kasama na talaga doon na dadalawin ko ang tatay Lito ko. Simula ng matinding halikan nila ng boss niya na muntikan ng mauwi sa pagkalimot sa sarili nila ay hindi na ito nagparamdam sa kanya. Hindi niya malaman kung saan siya nainis sa boss ba niya o mismo sa sarili niya dahil hinayaan niyang mangyari ang hindi sana dapat. Hanggang ngayon hindi maiwasan na pamuluhan siya ng kanyang mukha kapag maiisip niya ang pangyayari sa apartment niya.Grabe ang halikan ng pinagsaluhan nila ni sir Luke na halos mapugto na iyong hininga niya
Tanya's POV Hindi agad ako umakyat sa kwarto namin ni Luke. Bumulong pa siya sa akin kanina bago siya umakyat sa kwarto namin na bilisan ko daw kumain. If I know, mga galawan niya. Nakasimangot pa nga ito habang kumakain. Kaya mabilis lang siyang natapos. Wala daw siyang ganang kumain dahil sa stress. " Hi Tan, dito ka lang ba sa mansiyon in two weeks? " tanong ni Larry. Nandito kami ngayon tatlo nila Kate sa gilid ng swimming pool. Nagpapahangin muna kami. Madami akong nakain gawa ng paborito kong ulam ang pinaluto ni tita Letty. Nagkibit-balikat ako. " I don't know, balak ko sanang sa apartment muna ako. Pero hindi pa ako nagpa alam kay,Luke." sagot ko. " Bakit? parang wala sa mood kanina si kuya Luke,Tanya? Tahimik lang siya habang masaya naman tayong nagkwentuhan." singit naman ni Kate. " Masakit nga daw ang ulo niya." natatawang sabad naman ni Larry. Tumingin si Kate sa akin na may panunukso.Nagkatinginan kami sabay tumawa ng malakas. " Bakit hindi ka nalang d
Tanya's POV Nagkatinginan na kami ni Kate. Mapait akong ngumiti. Sinadya ba itong sabihin ni tita sa akin sa mismong harapan ko. The way she talk about Carlen, she's very proud like a mother. At ano iyong narinig ko sa kwento nito na pinsan sila Kate at Carlen. Mas lalo akong nanghina sa nalaman ko mula kay tita Letty. She has no idea, na hindi ko pa alam na may nakaraan pala sila Luke at Carlen. Ngayon ko lang din nalaman na magpinsan pala sila Kate at Carlen. " Ahm...tita, may kukunin lang sana akong mahalagang gamit na pinahiram ko kay,Tanya." singit ni Kate. Alam kong palusot lang niya ito para masolo ako. Dahil wala naman akong hiniram na gamit galing sa kanya. " Take your time ladies...by the way, magpaluto ako ng sinigang,iha. Luke told me, pareho kayo ng paboritong ulam." baling nito sa akin. " Ikaw,Kate... dito ka narin kakain para magkwentuhan pa tayo."pahabol pa nito sa amin.Bago kami tuluyang umalis sa living room. Salamat sa walang magawa ni tita Let
Tanya's POV Magkahawak kamay kami ni Luke na lumabas sa kanyang opisina. Habang tahimik lang si Larry na nakasunod sa amin. Bigla ko itong nilingon sa likuran ko. Ngumisi ang loko na parang aso. Kumaway pa ito sa akin. Mabilis nitong nilagay ang kamay sa bulsa. Muntikan pa akong natisod kung hindi pa ako nahawakan agad ni Luke. " Careful,Tanya. Huwag ka kasi lumingon kay Larry. Mas gwapo ako sa kanya." biro niya. Bigla akong nahiya sa sinabi niya. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Kagabi naiinis ako kay Larry ngayon naman gusto ko laging tingnan ang mukha niya. " Gusto ko kasing tingnan ang mukha niya,Luke. Guwapong-gwapo ako kay Larry." diretso kong sabi. Napahagalpak naman ng tawa si Larry. Samantalang hindi na maayos ang hilatsa ng mukha ni Luke. " Fuck... Larry, mauna kana sa sasakyan." mabilis na wika ni Luke, na binalingan si Larry. " Masusunod kuya, wala akong kinalaman diyan,ah.Hindi ko na kasalanan na mas gwapo ako kaysa sa'yo,kuya." natatawang wika n
Tanya's POV Warning‼️ SPG Alert‼️ Napabuntong-hininga ako ng mabilis na nagpaalam na si Jack. Inakbayan agad ako ni Luke. " So, saan ang get together ninyo ni Jack. Sa two weeks suspension n'yo." nakangisi nitong baling sa akin. Sarap hambalusin nitong dala kong planner. Ganito siya makaselos wagas. Pero hindi niya iniintindi ang feelings ko. " Pahatid na kita sa mansiyon.Kasama ko si Larry, sa interview mamaya." wika nito na naka akbay pa sa akin. Mabuti nalang hindi sumunod si Carlen. Marunong din pala siyang lumugar. " Pwede naman sasama ako,kahit sa gilid lang ako..." hindi na niya ako pinatapos magsalita. Bigla na nitong pinutol ang ang sasabihin ko. " Hindi pwede iyan ang gusto mo,Tanya. Kilala ka na ng mga tao na fiancee' ko. Ayaw kong mabahiran ng negatibo ang pangalan mo." mahinahon nitong sabi. " Let me handle this..." Nasa loob na kami ng opisina niya. Wala na dito ang mga barkada niya. " Magresign ka nalang kaya,my wife. Alagaan mo nalang ako." na
Tanya's POV Hindi ko na inaantay na pagbuksan ako ng pinto ng sasakyan. Tinawag pa ako ni Larry,pero hindi ko na siya nilingon pa. Tiyak na iinisin lang naman ako ng lokong iyon. Nakayuko pa ang mga guard ng dumaan ako. Ito iyong malaking pagbabago ng buhay ko. Dating empleyado...ngayon fiancee' na ng CEO ng kumpanyang ito. Ngitian ko ang mga empleyado ni Luke. Ang kapal naman ng mukha ko,kung idamay ko pa sila sa init ng ulo ko. Pumasok ako sa elevator. May isang grupo na nagmamadaling pumasok din sa loob ng elevator na sinakyan ko. " Baka naman kasi, hindi talaga ka approved iyong design ng condominium na iyon. Ina aprubahan lang ng may-ari dahil may namagitan na pala sa kanila ng architect na iyon." mahabang wika ng isa. Talagang nagpantig ang tainga ko sa narinig. Talagang sinagad ng mga tao sa paligid ko ang araw ko ngayon. Kalmahan mo lang Tanya Medrado... Huwag mong patulan ang mga iyan. Sa isip ko. Exhale and inhale ang ginawa ko sa loob. Kapag makarinig pa ako
Tanya's POV Maingat akong bumaba sa hagdanan para hindi ako makaagaw ng pansin. Madaling araw na pero gising ang diwa ko. " Tanya? What are you doing?" napakunot-noo na tanong ni Larry sa akin. Isa pa ito, wala man lang pakialam sa mga pangyayari. " Larry, pwede bang magpahatid sa'yo sa site?" agad na wika ko. Uminom muna ito ng tubig. Nagpunta muna kasi ako sa kusina para uminom ulit ng tubig.Balak ko sanang puntahan si kuya Edgar sa quarters nila. " Come on,Tan. Just stay here, wala din naman tayong magawa doon. Nangyari na, hindi na natin maibalik iyon." mahinahon nitong sabi. " Really? Hindi ko maintindihan, Larry. Bakit pakiramdam ko,parang wala lang sa inyo ang nangyari. Gumuho iyong part ng building.." " Yeah, gumuho iyong on going construction na building na ikaw iyong nag design." madiin nitong wika. " Diretsahin mo ako,Larry. You blame me?" tinuro ko pa ang sarili. " I don't. Bumalik ka na sa kwarto n'yo,Tan.H'wag munang dagdagan ang problema ni kuya Luk
Tanya's POV Hindi pumayag si Luke sa gusto ng mommy niya na for the girls only ang pag pa spa namin. Talagang pinagpilitan niya din ang gusto niya. Naghahanap pa ito ng kakampi sa katauhan ni Larry at daddy niya. " No,mom...kailangan ako ng asawa ko." sabi pa nito. Hindi ko alam kung matuwa ba ako sa subrang sweet nito sa akin. O wala lang talaga itong magawa sa buhay kaya gusto nitong bantayan ako. Napailing nalang si tita Letty. Napakamot nalang din sa ulo sila Larry at ang daddy nito. Matigaya naman silang naghinhintay sa amin. Pabor pa nga sa mga staff ng nasabing luxurious spa na ito dahil libre ang tingin nila kanila Larry at Luke. Hindi naman pahuli si mister Sebastian na kahit sa edad na ito, makisig parin ito at makita mo talaga ang gandang lalaki nito sa kabataan pa nito. " Gusto mo bang, magpa massage narin,Luke? " tanong ko sa kanya. " No need, massage mo nalang ako mamaya,wife." sagot nito na kinindatan pa ako. Natawa nalang si Larry sa kalokohan ng kuya
Tanya's POV Maaga akong nagising, araw ng linggo kaya magsimba ako mamaya. Kasama ko na sa pagsimba ang pamilyang Sebastian. May mga adjustment na akong ginawa sa sarili ko.Tulad nalang ngayon, kailangan kong magising ng maaga dahil tutulong ako sa pagluluto ng almusal. Dahan-dahan akong bumangon.Dahan-dahan ko ding inalis ang bisig ni Luke, na mahigpit na nakapulupot sa bewang ko. " Where are you going,baby?" agad na tanong nito sa malamyos nitong boses. Kahit anong ingat ko, hindi parin ako nakaligtas kay Luke. Nagising lang naman ito ng inalis ko ang braso nito sa bewang ko. " Maligo na ako, I will cook for your breakfast,Luke." malambing kong wika. Mabilis nitong binuka ang dalawang mata nito. " Hey, you don't have to,baby. Sila manang Tasya na ang bahala sa breakfast natin. It's too early also." wika nito sa namamaos pa na boses. " Kailangan ko ng sanayin ang sarili ko,Luke. You're will be my husband soon. Kaya gusto ko, tutulong ako sa pagprepare ng breakf
Tanya's POV Sinundo na ako nila Luke at itay sa apartment ko. Hindi agad ako nakalipat ng mansiyon dahil isang linggo din si Mich dito sa Manila. Sabay na din sila Mich at si tatay Lito ko na ihatid sa Bulacan. Ngayon na ang uwi ni itay sa Bulacan. Para matingnan niya ang ginagawang motorshop namin. Nag-loan ako sa kumpanya nila Luke at three years kong babayaran iyon. " Ingat ka,Bestie." paalam ko kay Mich. Medyo malungkot ito. Kahit hindi man sabihin sa akin ang rason niya, alam kong kasama na dun si Drake sa na miss niya dito sa Manila. " Malay mo, pupuntahan ka ni Drake sa Bulacan." bulong ko dito. Kinurot ko pa ang tagiliran niya. Tumawa lang ito ng mahina. " Hindi pag-aksayahan ni Drake ang isang tulad ko,Tan. Nagkataon lang iyong pagsasama namin sa bar." sagot niya. Napabuntong-hininga ako, kawawa naman ang bestie ko na ito. Hindi pa man naging sila ni Drake, broken hearted agad. Napagkaalaman kasi namin na malapit ng ikasal pala si Drake. Iyon ang hindi din alam