Share

CHAPTER 1

Huminto ako sa harap ng matayog at malaking gusali na pinaghirapang itayo ng aking pamilya.

Leandro Corporation is one of the major companies competing all around the country. 

Kaya rin nitong makipagsabayan sa ibang kompanya sa labas ng bansa. It’s a powerful empire my grandparents worked hard to build. Lahat ibinuhos nila dito. 

Sa kabutihang palad, mas lalo pa itong lumakas at umunlad nang si Papa na ang namamahala.

Pero habang tumatagal na papalaki nang papalaki ang Leandro Corporation ay tumataas ang kompetensiya, dumadami ang mga kalaban.

And enemy means danger.

Kaya malakas ang kutob ko na tungkol sa seguridad ang rason kung bakit ako pinatawag ngayon ni Papa.

As I entered the building, many employees greeted me with a smile on their faces. I returned it with the same demeanor and walked straight through the elevator before punching in the floor button.

Pag-bukas ng elevator ay nanghina ang tuhod ko at milyong paru-paru ang nagsipagliparan sa aking sikmura.

Of all the times, bakit ngayon pa?

Madalang na nga lang akong bumisita sa kompanya ni Papa, makikita ko pa ang mukha ng kataksilan ng aking nakaraan!

I took a deep breath and entered the elevator with a relax but confident aura. Hindi ako papaapekto sa kanya. I won't let his presence shaken me up.

Mahabang katahimikan ang namagitan sa aming dalawa hanggang sa binasag niya ito.

"So... how's life?" Damien's voice was like a perfect melody to my ear— if only we didn't break up.

Nagdala rin ito ng iba't-ibang emosyon; Anger, hate, pity, sadness, loneliness, and and betrayal. 

Puro negatibong emosyon na ayaw ko ng maramdaman pang muli.

This is why I hate being close to his proximity. He's exposing my vulnerability.

Unluckily, Damien Fortez is my ex-boyfriend. We'd been together for two years but we broke up right after our second anniversary celebration.

Naging isang malaking pasabog talaga ang anibersaryong iyon. Many lies and secrets were unveiled and one of the biggest lies there is— Damien having an affair with my beloved bestfriend, Georgina.

Sa loob ng ilang linggo ay naging miserable at malungkot ako dahil sa hiwalayan namin pati na rin sa katotohanang sa kaibigan ko pa! 

Mabuti nalang at andiyan si ate Alexandra— ang nakakatanda kong kapatid na babae at si Topher- ang kaibigan kong lahi rin ni Adan ang tipo.

They helped me a lot and motivated me, too. Binigyan nila ako ng mga wake up call at comfort na kinailangan ko para maka-get-over kay Damien. 

At isa pa, sa paglipas ng mga araw ay napagtanto kong nakakasakal na pala ang relasyon namin ni Damien.

Maraming bawal, palaging nag-aaway, palaging nag-seselos, pataasan ng pride at ego, maraming mararahas na salita ang nabibitawan at lahat na yata ng masasakit na bagay ay magagawa namin sa isa't-isa kung hindi kami naghiwalay. 

That's why at the end, I am happy that I'm finally free. I don't have any regrets after all. Baka pag nagtagal pa kami ay masira namin lalo ang pagkatao at buhay ng isa't-isa.

Hindi ko alam na kailangan pala naming maghiwalay para hindi namin masira ang isa’t-isa. The break-up was a blessing in disguise. A life-saver from further self-wrecking situations.

Dahil doon ay mas lalo akong naging open na tao. I was able to go to different parties that I like. I always bought tickets and travel to different places whenever I have time. I'd go to various outdoor and thrilling activities.

Sa paghiwalay namin ay mas naging open ako sa pamilya ko, mas nalaman ko kung sino yung mga tunay kong kaibigan at mas natutuonan ko ng pansin ang mga gusto kong gawin para sa sarili kong kaligayahan.

'How's my life?' ba kamo?

"It's good. I'm doing fine," tapat kong sabat sa tanong niya.

Kasi naging malaya na ako sa toxic na relationship na meron tayo. I was broken-hearted at first, but I'm glad that I let my heart breathe.

Since nakatayo ako sa unahan niya ay nararamdaman ko ang titig niya mula sa likuran.

"How about you?" casual kong tanong sa kanya na parang bang hindi siya nanggago.

"I-I'm fine. I'm glad to hear you're doing good," he said but I heard the disappointment in his voice.

Disappointment na naging masaya ako kahit wala siya?

Disappointment na I'm doing well on my own?

Disappointment na parang wala lang sa aming namagitan?

He should be. 

Pagkatapos niya mapagdesisyonang ikama ang bestfriend ko dahil hindi ko maibigay ang katawan ko sa kanya ay dapat lang. 

Matapos niyang maghanap ng parausan at sirain ang labinlimang taon na pagkakaibigan namin ni Georgina ay dapat lang talaga. 

Kulang pa nga iyan. He should pay more for what he did.

Huminto ang elevator sa 19th floor at bumukas ang pinto.

"See you around, then," paalam niya at lumabas na.

I wish I could say the same.

Ilang taon na rin simula noong naghiwalay kami kaya napansin ko na medyo iba na ang bulto ng kanyang katawan kung titingnan mula sa likod. Mahaba na rin ang dating maikli niyang buhok.

Pinindot ko ang close button at nag-umpisa ng umangat pataas ang elevator.

Damien is also one of the shareholders of Leandro Corporation. Pero ang pinagtataka ko, bakit siya ngayon nandito?

Damien sure is one of the shareholders, but he never goes here except if his father tells him so and if there's an emergency.

Ano kayang meron?

Nang bumukas ang elevator ay bumungad sa akin ang mga empleyado sa reception desk.

"Good Morning po, Ma'am Aurora!" masiglang bati sa akin ni Manang Betty— ang sekretarya ni Papa at ganoon din ang dalawa niyang kasamang babae na mga intern yata.

"Good morning rin po, Manang," ganti ko at saka tumango sa dalawang kasama niya.

Tinahak ko ang lobby kung saan sa pinakadulo ay may isang dark wooden double door na may dalawang guwardiya na nakabantay.

Agad nila akong pinagbuksan ng pinto.

Nag-angat ng tingin si Papa mula sa mga papeles na mukhang pinepermahan niya yata. Sumilay ang ngiti sa labi nito. Tumayo siya na nakabukas ang mga braso ng lumapit sa akin.

Niyakap niya ako nang mahigpit at ganoon rin ang ginawa ko sa kaniya.

"I miss you, Hija." 

Hinigpitan pa niya lalo ang pagkakayakap sa akin.

"I miss you too, Pa. Pero hi-hindi na ako mak-makahinga," sabi ko habang marahang tinatapik ang mga braso niyang nakapulupot sa leeg ko.

"Oh! I'm sorry, Hija," sambit niya at tumawa na parang baliw.

Napangiti rin ako. It's been a couple of months since huli kong nakita si Papa kaya nakakamiss rin kung papano 'yung pagtrato niya sa akin na parang isang bata pa rin.

"Umupo ka Auring,"

I rolled my eyes. Ugh, that nickname again!

"Aurora ho hindi Auring," ngiwi kong sabi.

"Ano ka ba Auring! Hindi ka na nasanay. Mula bata ka pa ay iyan na ang tawag ko sa iyo," nangkukutyang sabi sa akin ni Papa.

Mula pagkabata pa naman talaga ay tinatawag na ako ni Papa na Auring. Pero noong nagdalaga ay naasiwa na ako na tinatawag ako sa palayaw na iyon. Lalo na pag sa harap ng maraming tao. Hindi ko mapigilang mapangiwi at mahiya.

Para kasi akong matandang hukluban. And my friends make fun of me because of it.

Pero kahit ganoon ay hinahayaan ko nalang. Minsan. Tuwang-tuwa talaga kasi siya pag naaasar ako. 

Ano ba naman ang kaunting hiya sa halakhak ni Papa? 

"Oo na, Oo na," naiirita kong sambit habang sumisenyas ang kamay ko ng paghinto.

"Bakit niyo po ba ako pinatawag at pinauwi dito?" tanong ko na agad ikinaseryoso ng mukha niya.

I was in the middle of photoshoot for the upcoming winter collection in Brazil. It’s a world-reknowned clothing brand. 

Mabuti nalang at patapos na kami when father called.

"You know the deal that we are aiming to get from Russia? From Gavorozki Shipping Line?" seryoso niyang tanong.

Alam ko ito. 

Matagal at detalyado ang paghahanda ni Papa para sa business proposal para lang makuha ang deal na ito. Narinig ko pa nga kay ate Alex na may mga gabing hindi raw umuuwi si Papa dahil ang dami niyang revisions na ginagawa sa business proposals. 

This is a big-catch of a deal.

"What about it?" nakasalpok kong kilay na tinanong.

"We've finally got it,"

Lumiwanag naman ang mukha ko pero agad akong nagtaka.

"That's good, then. Pero bakit parang hindi kayo natutuwa?" taka kong tanong.

"Dahil ‘yun ang dahilan kung bakit nanganganib ang mga buhay niyo.” He sighed.

“My family's life is in danger because of that deal. Alam mo namang may bumaril sa kapatid mo noong nakaraang linggo nang may ipalakad ako sa kanya sa Australia. Mabuti at daplis lang ang natamo niya," 

Natatakot ang mga mata ni Papa na tumingin sa akin.

I can see a troubled and afraid man in front of me, and take note that my father never got easily scared. 

Matatakot lang siya pag ang buhay na namin— ng pamilya at mga malapit sa kanya ang nakataya at pinaguusapan. 

That's why I adored my father. He valued life more than anything and cherished blood-relations.

May isa pang tanong ang pumasok sa isip ko. "Ano naman ang koneksiyon ng nanganganib naming buhay sa Deal? It's not like you had a deal with devil, right?" kinakabahan kong tanong.

"No, it's no like that. Okay ang mga agreements at negotiations namin. Pati na ang partnership," malayo ang tingin na Papa na para bang malalim ang iniisip.

"Then what?" naiintriga na talaga ako.

"May iba pa pa lang naghahangad ng deal na iyon. Hindi lang pala tayo. Pero nagkataon at sinusuwerte na sa atin napunta. Alam mo kung anong kompanya ang nagkakandarapa para sa deal na nakuha natin?” hinilot niya ang kanyang batok.

“It's the Galilei Group of Companies," walang kurap-kurap niyang sabi.

Napasandig ako sa kinauupuan na nanghihina. 

That's a hell of a company.

Galilei Group of Companies is one of the dominant and powerful empire in business industry. The main branch of the company was located in Russia.

Hindi pa naisilang ang mga kalolo-lolohan at kalola-lolahan ko ay nakatayo na ito kaya naman ay napasok na nito ang pitong kontinente ng boung mundo.

Galilei Group of Companies is one of the most dangerous company to battled with. Hindi lang ari-arian at kayamanan mo ang nakataya, dinadamay pati ang personal mong buhay.

May mga haka-haka pa nga na may malakas raw silang hawak sa gobyerno ng Russia.

Galilei Group of Companies is all in one. Lahat yata ng negosyo ay meron sila. Telecommunication, Hotels and Resorts, Home shopping, Transportation, Security Services, Real estates, Clothing line, liqours, jewelry, there are several more, name it, fill in the blank. Hindi ko mabilang gamit ang mga daliri ko sa kamay pati na sa paa.

Kayang-kaya ng Galilei Group of Companies na iangat ang nalulugmok na ekonomiya ng isang bansa gamit lang ang mga tax na nalilikom mula dito. 

One of these was Russia, Canada, Austrilia, Mexico, Malaysia and many more. Lahat ito ay dinaanan nila at lahat ito umunlad ng husto.

Now, tell me— how can we defend us?

Nanlulumo akong napatingin kay Papa.

Pagod siyang ngumiti sa akin. "Wag kang mag-alala, hinala ko pa lang iyan. Nag-aalinlangan pa rin ako sa mga konklusiyon ko. Kung sila nga iyon ay hindi lang ito ang aabutin natin. Tatlong linggo na ang nakalipas simula ng nakuha ko ang deal kaya bakit noong nakaraan lang sila umaksiyon?" 

"And If possible, I will terminate the contract. Hindi ko kailangan ng deal na iyon kung kapalit naman ang mga mahal ko sa buhay,"

Wala akong masabi. I can't utter a single word about this.

He sighed. "May kutob ako na may iba pang tao sa likod ng pagbaril sa kuya mo. Lalo na't hindi natin nahuli ang salarin sa pagbaril." Tumayo siya at lumapit sa akin.

Hindi na ako makapag-salita. Nag-aalala na ako para sa mga kapatid ko. Gayong lima kaming magkakapatid. Limang buhay idagdag mo pa ang buhay ni Mama at Papa, lahat-lahat ay pitong buhay ang naganganib kaya hindi ko pa rin maiwasan na mangamba sa kabila ng sinabi ni Papa.

"Para makasigurado ay naghire ako ng mga personal bodyguards niyo. Lahat na sila ay mayroon at nabriefing na. Ikaw nalang ang wala,"

Hindi na ako nagprotesta na plano ko sanang gawin noong una ng hindi pa sa akin sinasabi ni Papa ang mga nangyayari. Kung ganito talaga kalala ang sitwasyon ay kinakailangan ko ng seguridad. 

Nahalata ni Papa ang reaksiyon ko kaya lumapit siya sa akin at pinagpantay ang mukha naming dalawa. Hinawakan niya ako sa balikat at ngumiti.

"Don’t worry, princess. There’s no proof it’s GGOC. Magiging ligtas at komportable ka sa bodyguard mo." Bahagya siyang ngumiti.

Tumayo siya ulit at tiningnan ang relo sa pulsuhan.

"He should be here any minute now," sabi niya parin habang nakakatitig sa relo.

Sakto namang bumukas ang pinto at pumasok mula roon ang isang pamilyar na lalaki.

"There he goes," ani ni Papa.

Nang maaninag ko ang mukha ay agad akong napatayo at napamura nang mahina.

What the hell? Siya?! Siya ba?

That's Eziekel Fortez. That's Damien's older brother!

Nang magtama ang mata namin ay nabigla at namangha ako sa aking nakita. His eyes are golden yellow... naka-contact lens ba siya?

Binigyan niya ako ng pormal na ngiti na hindi ko nasuklian dahil sa pagkalito at pagkabigla.

Okay. He looks so stunningly handsome.

The serious contour of his face suited him well. It made him look more masculine and attracting. His strong jaw and perfect chin that surely, many women want to run their hands through, made him more stand out.

‘Yung labi niya hindi masyadong manipis o hindi masyadong makapal, perpektong hugis ng mga labi na tama lang para sa maamo niyang mukha.

Ang buhok niya na nakaayos at mukhang bagong gupit ay mas lalong nagpadagdag ng sex appeal niya. That clean haircut looks good on him, it looks more like he is the CEO while my Dad’s his business advisor.

His pointed nose... and his golden eyes.

Yes, his eyes are golden yellow. That's what mesmerized me the most. Nagtatalo pa ako at ang isipan ko kung totoo ba iyon o hindi. But regardless if it's true or not, his eyes are like flame, an intriguing flame. 

Mapapalapit ka talaga at mamangha kung wala kang malakas na kontrol sa sarili.

Nakakaagaw ng atensiyon ang mga mata niya, nakakapukaw interes. I swear, in my whole life, that's the most beautiful pair of orbs I have ever seen.

Pero bakit ngayon ko lang 'to nakita?

Curiosity was killing me.

Baka kasi trip niya lang talagang mag-contact?

Dati naman nung bumibisita ako sa bahay nila Damien ay dark brown ang mga mata nito, hindi ginto.

Sa huling pagkikita namin ni Ezekiel ay hindi siya ganito gaanong matipuno at malakas ang dating. Ibang-iba siya dati kumpara sa nakikita ko ngayon.

It must be the military.

Tatlong taon na kaming wala ni Damien kaya tatlong taon ko na din hindi nakikita sa Ezekiel.

Oo, inaamin kong dati pa man ay gwapo at matipuno si Ezekiel. But now? Something definitely changed.

Maturity helps him a lot. He aged like a fine wine.

I'm just fascinated by how much he changed.

And those eyes, totoo ka ba o hindi?

Nabasa yata ni Ezeikel ang mga iniisip ko kaya ng huminto siya sa harapan namin ni Papa at agad siyang nagsalita.

Goodness gracious, he smells good!

"No, they are not contact lens. Totoo ‘yang mga 'yan," sabi niya sa akin at ibinaling muli ang tingin kay Papa.

Even his deep, manly voice sound sexy.

You idiot, get a grip Aurora!

"Good morning, Sir Renanzo," bati niya na may tipid na ngiti sa kanyang labi at iniabot ang kamay para makipag-shake hands.

Malugod naman iyong tinanggap ni Papa at tinapik-tapik pa siya nito sa balikat na tuwang-tuwa.

Kailan pa sila naging close? At parang hindi man lang nagulat si Papa sa mga mata ni Ezekiel. Parang alam niya ng ganito talaga ang mata ng lalaking 'to.

"Cut out the formalities, Ezekiel. Call me Tito. Parang kailan lang totoy ka pa ah,"

I heard Ezekiel groaned and my father laughed at the sound of it.

Wow, parang wala ako. Multo? Hangin? Hindi ako nakikita?

"By the way, alam mo na siguro kong bakit ka nandito?" Ibinaling ni Papa ang atensiyon at paningin sa akin.

Tumango naman si Ezekiel na seryoso na ang ekspresyon.

"Aurora," malumanay na sambit ni Papa.

Naka-hinga naman ako nang maluwag nang totoong pangalan ko ang kanyang sinambit ngunit agad na naputol iyon ng makumpirma ko ang hinala.

"Si Ezekiel ang magiging Personal Bodyguard mo,"

Inilahad naman ni Ezekiel ang kanyang kamay sa akin.

Ilang sandali ko iyong tinitigan bago inabot. I was surprised by his touch. It's firm, but soft, warm and gentle. Matigas at magaspang ang kamay pero magaan lang sa pakiramdam.

"We already knew each other, but it's still nice to see you," ani niya at binigyan niya ako ng tipid na ngiti.

But that smile was enough to know that it's a sign of an upcoming trouble.

But what trouble could it be?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status