Share

CHAPTER 3

I woke up in the sound of alarm ringing atop my bedside table. I groaned and tried to reached out for it while my eyes are half-closed.

Kasalanan ito ni Ezekiel!

I didn't have enough sleep because of him!

May renewal pa naman ako ng contract ngayon sa Modeling Agency na pinagtatrabahuan ko. 

Pagtapos kong i-send sa kanya ang email kagabi ay hindi agad ako makatulog. I kept on imagining things with him... dirty things to be exact. 

And I loathe myself for that!

I tossed and turned on my bed—hindi ko alam kung anong oras na ako nakatulog pero alam kong madaling araw na iyon. 

Frustrated akong bumangon sa kama at lumabas ng kwarto. I then started cooking my breakfast and brewed my coffee. 

Kung ang ibang modelo ay nagpapaka-obssess sa pagda-diet at pag-eehersisyo, ako naman ay disiplina lang ang kailangan. 

Kumakain lamang ako nang sapat at masusustansyang pagkain. Tanging pagjo-jogging lang din ang ehersisyong ginagawa ko. 

No matter what I do, I can keep my body in shape. Big credits to my fast metabolism.

Higit sa lahat, pinapangalagaan ko ng mabuti ang sarili ko. My Mom taught me how to value myself. Sa pisikal man, mental o emosyonal na aspeto. 

Mom told me that men will chase after my physique. At first, hindi ko siya maintindihan. Pero ng nagdalaga ako doon lang ako naliwanagan.

Marami ngang naghabol pero pare-pareho ang mga intensiyon: gusto akong maikama o gusto akong gawing trophy girlfriend para may ipagyabang sa buong mundo. 

Kaya siguro hindi ko nabigay ng buo ang pagkababae ko kay Damien. Because I knew he was going to cheat.

We make-out and kissed each other until we're out of breath. He even touched my boobs and every part of my body. With my pearl of the south as the only exception. Pero sa huli hindi ko pa din kayang bumigay.

Pag-alam kong pupunta na kami doon ay nag-aalangan at nag-dadalawang isip na ako. Hindi ko kayang ibigay kay Damien ang V-card ko dahil hindi pa ako nagtiwalang buo sa kanya.

At mabuti nalang talaga at hindi ko isinuko ang Bataan, dahil kung nagkataon ay pagsisihan ko buong buhay ko na si Damien ang nakasungkit ng manggang aking pinakatago-tago.

Sabi pa daw ni Topher, maraming babae ang magpapakamatay para sa katawan at mukhang meron ako. 

But I think he's just exaggerating. Maiinggit—oo, pero magpapakamatay? Ang OA naman 'ata noon. 

I have a slender and fitted body. All curves are in the right places and I thanked my mother's genes, and God for this blessing.

I have a pale complexion that contradicts the color of my charcoal hair. My wavy length hair cascades down the front of my breast, down to my back, and stops at my waist.

And my face... many people described it as the face of an angel, but a walking temptation among men.

And again, I personally think that they are just exaggerating. 

Alam kong maganda ako pero kalabisan naman yata iyon. Sa industriya na kinabibilangan ko, may mas marami pang modelo ang mas maganda at kahali-halina kaysa sa akin. 

My eyes are brown, the color of hazel nut. It's also the part of my face that I love the most. My thick eyebrows are on fleek. My eyelashes are long and thick that I inherited from my father. My nose is small ang pointed; lips are full and slightly pouted, giving my face the impression of a seductress— which is me when I'm drunk but never when I'm sober. 

I love to be adored and appreciated but I hate it when so much attention is being layed upon me.

"Sa pananaw ng isang baklang tulad ko, kakaiba ang kagandahang taglay na dinadala mo. ‘Yang beauty mo na yan! Ay pak na pak!” nanggigil niyang saad.  

“Maraming itits ang tatayo at maraming babae ang manliliit. Iniisip ko nga kung lalaki lang ako tapos palagi tayong magkasama baka nahalay na kita sister! Pero sorry nalang gurl! parehong saging ang gusto natin."

Hindi ko maiwasang mapangiti ng maalala ko ang sabi sa akin ni Topher. 

Nakakamiss iyong baklang iyon. I should meet up with him. Madami-dami kaming pag-uusapan at chika. Sa anim na buwan naming hindi pagkikita siguradong maraming malulutong na tsismis iyong ibibigay sa akin. 

Saka baka magtampo pa sa akin pag-hindi ako nagsabing nandito na ako sa Pilipinas. Kung hindi lang sana biglaan itong pag-uwi ko...

I grabbed my phone and texted Topher. 

Ako:

Bakla, andito ako sa Pilipinas. ;)

Mabilis pa sa kidlat ang pagreply niya sa akin. I grinned.

Topher:

Uy gaga! Totoo?! Baka iniichus mo na naman ako!

I tried calling him but he immediately hung up on me. 

Topher:

Gaga wag ka tumawag nasa meeting ako! 

Natawa ako at nag-send nalang ng selfie na ang condo ko ang background.

Topher:

Omg!!! Frias Club. 9 P.M. sharp. Subukan mong ma-late, mababaog ka talaga. AND THE DRINKS ARE ON YOU.

Ako:

Roger. Excited na ako! ;)

Topher:

Wag kang malalate! Sige na. Marami pa akong trabaho. Wag kang disturbo.

Isang tawa naman ang kumawala sa labi ko. Matapos kong kumain ay agad na akong naligo at nag-ayos para sa errands ko ngayong araw.

I choose to wear a fitted sleeveless dress that stops mid-thigh with a low cut at the front portion. It’s a crimson-colored dressed that made my skin tone brighter and more glowing. Tinirnuhan ko ito ng stiletto habang ang buhok ay hinayaan na lamang na nakalugay.

"There," bulong ko sa sarili ko habang nakatingin sa salamin.

Just what I wanted. Simple but sexy. Curves all shown and exposed.

Satisfaction was written all over my face. I have to look good to keep my job and to receive lots of endorsement and projects. Ilang buwan na rin na hindi ako tumatanggap ng mga trabaho bilang modelo dahil sa travellings ko around Europe.

At isa pa, matapos kong tanggihan si Papa na magtrabaho na tulungan siya sa kompanya namin ay kailangan kong kumayod para sa sarili ko.  I don't want to be stuck in one place doing paperworks— it's not my forte. 

Nandoon na naman si Kuya Peter at si Ate Andrea na tumutulong kay Papa. They can do well better on their own.

I'm an adult now, hindi na dapat ako umaasa sa mga magulang ko. Ano nalang ang mga binitawan kong salita kung gagapang rin naman ako pabalik sa kanila at manghihingi ng pera?

Mabuti nalang at nakapag-patayo na ako ng tatlong branch ng coffeeshop kaya nasusustentuhan ko na ang sarili ko kahit paano. Nakabili na rin ako ng condominium unit sa New York at Las Vegas. 

I applied scarlet lipstick to matched my outfit. No more blush on since I have rosy cheeks. One final look at myself, at nakangiti akong lumabas ng unit ko.

Nadatnan ko sa labas si Ezekiel na nakasandal sa pinto ng sariling unit. Hinihintay ata ako.

"Good Morning," bati nito sa akin na bahagyang nakangiti.

Nakasuot siya ng maong na pantalon at itim na damit na pinatungan niya ng itim na leather jacket. May nakasukbit rin na itim na sunglass sa damit nito. 

May burol ba itong pupuntahan? Palagi nalang itim ang sinusuot na mga damit.

Hayaan na lang. Dahil hindi ko maipagkakaila na ang gwapo niya pa rin. He's emitting a strong sex appeal and it's bothering my desire. 

He looks very masculine but very beautiful at the same time. Hindi ko masasabi na maganda siyang manamit at may sense of fasion siya pero isa lang ang alam ko, lahat bagay sa kanya. 

If I don't know how to control myself, I would shamelessly gawk at his jaw-dropping looks forever.

Nang iniangat ko ang paningin sa mukha niya ay nagsampok ang aking mga kilay. Hindi na kulay dilaw ang mata niya kundi dark brown na ito. 

"Morning. Naka-contact lens ka?" agaran kong tanong sa kaniya habang isinukbit ang satchel sa balikat.

Tumango lang siya habang tinititigan ako ng matiim. There goes again his melting gaze.

"Why?" 

"Catches too much attention," he shrugged. 

Ah, yes. Agaw atensiyon nga ang mga matang iyon. Nakakabaling na nga ng ulo ang maamo nitong mukha. Ano pa kaya ang mala-ginto nitong mga mata?

I suddenly hate the thought of other woman roaming their eyes around Ezekiel's face and body.

"You look beautiful." Parang wala sa sarili niya iyong nasabi.

Hindi ko napigilan ang ngiting kumawala sa mga labi ko.

"You're not bad yourself," sabi ko habang nakangisi pa din. 

I received compliments all the time tapos ngayong si Ezekiel ang pumupuri sa akin akala mo naman ano!

I made a side glance at him. Mukha talagang super model. Parang dalawa kaming magre-renew ng contract sa Modeling Agency na pupuntahan ko ah. Mas lalong lumapad ang ngiting nasa labi ko.

"What are you thinking?" tanong nito na nakasampok ang kilay. Nakita yata niya ang paglapad ng aking ngiti.

Ginantihan ko lamang ng ngiti ang kanyang tanong at nauna ng naglakad papuntang elevator.

Pagpasok pa lang namin sa gusali ng modelling agence ko ay naramdaman ko na agad ang bawat paglapat ng tingin ng mga taong naroon. Ang iba pa ay nagbubulong-bulongan. Hindi ko mawari kong ako ba ang sentro ng atensiyon o ang lalaking nasa gilid ko.

May mga nakasalubong kaming mga modelo sa daan.  Pag modelong babae ang aming nakakasalubong ay madikit ang pagkakatitig ng mga ito kay Ezekiel na parang hindi man lang ako nakikita. Alam mo talagang may mga pantasyang tumatakbo sa kanilang isipan.

Pag lalaki naman ay napapangiting napapatitig sa akin ngunit agad naman itong nawawala pag dumadako ang tingin kay Ezekiel.

Pagpasok namin sa opisina ni Ma’am Brenda— ang baklang Head ng HR Department ng Agency na ito ay napatitig at napahinto pati na ang kausap nitong lalaki sa pag-uusap. Ilang sandali pa itong nakatitig sa amin bago tuluyang nakapa ang salita.

Tumingin ako sa katabi ko at agad napatingin ulit sa harap ng nakitang tinititigan niya ako. 

Tumango na si Ma’am Brenda sa kausap nitong lalaki hudyat na pwede na itong umalis. Tumayo siya at lumapit sa akin na wala man lang pagbati o anumang ngiti.

Nang nasa harap ko na si Ma’am ay dinungaw niya ang lalaking nasa likuran ko at doon na sumilay ang pilyang ngiti ni Ma’am Brenda. Doon na niya ako hinila sa mahigpit na pagkakayakap habang tumitili. Tumawa ako sa reaksiyon niya at ibinalik ang mahigpit na pagkakayakap niya.

“Aurora, I missed you! Bigla-bigla ka nalang umaalis at sumusulpot!" nakangisi siyang humiwalay sa akin kasama ang malisyang nakikita ko sa kaniyang mga mata na hindi ko alam kung para saan.

Tanging ngiti lang ang ibinalik ko sa kaniya.

"Ilang buwan na kayo?" 

"Huh?" naguguluhan kong tanong.

"Sabi ko gaano na kayo katagal ng boylet mo?" Tango niya kay Ezekiel habang kumikinang ang mga mata nito.

"W-what? Nagkakamali po kayo ng iniisip," nakangiwi kong sabi saka napatitig kay Ezekiel.

Hindi ko alam kung nagmamaang-maangan ba si Ezekiel na hindi niya kami naririnig dahil inilalakbay niya ang paningin sa kabuoan ng opisina o talagang wala talaga sa amin ang atensiyon niya.

"Ezekiel is for my security purposes. Dad assigned him to me for my protection. Kaya biglaan rin ang pag-uwi ko dito sa Pilipinas." paliwanag ko.

Kumunot naman ang noo niya. 

"Parang personal bodyguard?" 

"Uhmm..." 

Paano ko ba ito ipapaliwanag? Ayaw ko naman na tawagin na ‘Personal Bodyguard’ ko si Ezekiel kahit na ganoon ang turing sa kanya ni Papa. It felt wrong to call him that but it’s the truth anyway.

"Yes?" nag-aalangan ko pa rin na sagot.

"Your hot, jaw-dropping, head-turner bodyguard." The look on his face was dreamy, like he's referring to some fairytale prince.

But ezekiel’s far from being the prince charming. Iyon aura niya hindi talaga pang-soft boy. He’s more like the tall, dark, handsome and mysterious kind of guy. The one that will offer you adrenaline rush and overwhelming happiness one day but will put your life at risk right after.

"Alam mo kung manganganib ang buhay ko tapos siya naman ang sasagip sa akin, ako mismo ang maglalagay ng buhay ko sa peligro." Sabay hagikhik nito.

Naglakbay ang kanyang tingin pababa sa katawan ni Ezekiel saka nanggigigil na kinagat ang ibabang labi. "Mukha palang jusmiyo, ulam na!" 

Gusto kong itanggi pero si Ma’am Brenda na ito. Ma’am has been working for this agency for 10 years and I’m pretty sure he has seen a lot of beautiful faces and gorgeous bodies. Sa tuwing may bagong recruit nga kami ay hindi na siya nag-re-react dahil sanay na siya sa mga magagandang mukha. 

But his reaction now about seeing Ezekiel? Ma’am Brenda’s pretty vocal and vulgar. I haven’t seen him this fascinated by a man. Grabe, there's no point in denying talaga that Ezekiel’s one of a kind.

Ezekiel is a fine, spectacular art to behold, but he seems unaware of it— which makes him more attractive. Iyong kamanhiran niya, simbolo iyon na hindi siya arogante. 

Halos lahat kasi ng mga lalaking kilala ko ay gustong-gusto ang atensiyon na nakukuha sa mga babae. They became arrogant and their ego inflates big time. Kung minsan nga ay tuwang-tuwa pa sila na maraming babae ang naghahabol sa kanila at marami silang babaeng naikakama. 

They tend to become self-centered and immatured.

Simula noong nag-hiwalay kami ni Damien ay mas nabuksan ang mga mata ko sa mga katangiang taglay ng kalalakihan. I was able to read them and to know what their hidden ulterior motives. 

Akala ko kasi lahat ng lalaki ay matino at responsable katulad ni Papa.

"Akala ko nga modelo na gustong pumasok sa agency natin. Sayang naman." Napabuntong-hininga ito at napatingin sa akin.

"Napasadya ka nga pala dito Aurora?" takang tanong naman sa akin ni Tita Brenda.

"Renewal po ng contract. You’ve sent me the email about it and the contract, too." 

He giddily clapped his hands. "Yes, of course! Halika na. Para maumpisihan natin yung mga proseso at validation. There are some changes in the contract but it won’t impact your regular routine," nakangiti sambit nito.

"I'll be waiting outside." Napalingon ako kay Ezekiel sa pagsambit nito. 

Madali lang ang validation at mga processes kaya hindi ako nahirapan at natapos agad. It took a while in reading the contract but aside from that everything went smoothly with our negotiations.

"Walang nagbago, wala pa ding kakupas-kupas. Kahit anong anggulo ang kunan sa iyo ay maganda ka pa din, Aurora," sabi sa akin ni Marco— isa sa mga photographer ng agency namin habang panay ang pose ko sa camera. For the renewal of my photos to be used in my portfolio.

I just smiled at him and continued what I was doing.

Lumabas na ako ng opisina at nakita si Ezekiel na nakadekuwatro sa waiting area malapit sa reception desk habang nagbabasa ng librong pinahiram ko sa kaniya. 

Nabahiran nng ngiti ang aking mga labi.

He remained oblivious of malicious glances women were throwing at him. Pokus na pokus talaga siya sa librong binabasa niya. 

Habang mainam ko siyang tinatanaw sa malayo ay nag-angat siya ng kanyang mata at nag-tama ang aming paningin.

Bigla na lamang tumigil ang pag-ikot ng mundo. Everything around us became a blur. Hindi ko alam pero napako at nanigas ako sa kinatatayuan ko. 

For a moment, I was hypnotized by those ravishing eyes. I was caught up in a daze. Like I was put under his spell and there’s no way I’m getting out of it.

For a moment, it’s just me and him that matters the most. For a moment, I was frightened that I'll do everything just for those eyes to only look at me. 

Me and me, alone.

Tumayo siya at itinago ang maliit na libro sa loob ng kanyang jacket pagkatapos ay naglakad papalapit sa akin. I sighed, even the way he walks shout dominance.

Naglakad rin ako pasalubong sa kanya at tiningnan ang wristwatch ko. It's time for lunch.

"Let's have a lunch. Sabay na tayo." Sabay bigay sa kanya ng matamis na ngiti. I heard his sharp intake of breath.

"You know, para sa isang bodyguard na tulad ko hindi dapat tayo nag-sasabay kumain," he said and put both of his hands inside his pocket.

And this is why I can't call you my personal bodyguard.

I grinned. "Personally, I don't think you're my personal bodyguard," 

Tumaas ang kilay niya. "What am I, then?" tanong niya sa akin. 

Sandali akong nag-isip-isip ng salitang mas gusto kong pakinggan pero sa huli ay gusto ko nalang siyang asarin.

"My hero?" ani ko habang may pilyang ngiti ang nakapaskil sa mga labi. I was just teasing him and he just chuckled.

Tangina talaga. Pati ang pagtawa niya ang sarap pakinggan.

He looked at me with amused expression on his face. Mukhang nagustuhan niya yata dahil hindi na siya kumontra at naramdaman ko ang kanyang pag-ngiti habang papalabas kami ng gusali.

After we ate our lunch, I decided to visit one of the branches of my coffee shop to know how they are doing. Gladly, malakas naman ang benta. Gustuhin ko man na maging hands-on ay hindi ko talaga kaya gawa ng very demanding ang schedules ng pag-mo-modeling. 

Naisipan kong daanan at dalawin sila Mama sa mismong bahay namin sa isang eksklusibong subdivision sa Quezon City bago umuwi sa condo unit.

Boung biyahe ay tahimik kaming dalawa pero ramdam ko ang panay na pagsulyap niya sa akin.

Naka-aircon naman ang kotse pero hindi ko alam bakit ako pinagpapawisan. Kaya ng dumating na kami at nakalabas na ako ng kotse ay lubos-lubos akong nagpapasalamat dahil nakahinga na ako ng maluwag. 

"I'll be waiting here," paalam niya sa akin ng makalabas sa kotse niya at sumandig sa hood nito.

Sa entrance palang ng bahay namin ay may mga guwardiya ng nakabantay.

Hindi na ako umangal pa dahil gusto ko makalayo sa kanya. Pagpasok sa bahay ay nadatnan ko si Ate Alexandra na hinahabol ang kanyang anak na si Anthony. Nang nasa bukana ng pinto ay agad na napahinto ang hinihingal kong Ate sa pagtakbo.

Ilang sandali bago siya tumitig sa akin at kumurap-kurap bago malakas na tumili patakbo at palapit sa kinaroroonan ko. Dinamba niya ako ng mahigpit na yakap. Pakiramdam ko ay halos maputol na ang daluyan ng hangin sa aking katawan. 

Ganoon pa man ay humalakhak akong niyakap siya pabalik.

"I miss you," sabi nito at humiwalay na sa akin.

"I miss you, too." Nakangiti ko din na sambit sa kanya.

Nakarinig ako ng papatakbong mga yabag papunta sa amin.

"Ano bang tinitili-tili mo—" Napahinto si Mama sa kinatatayuan niya ng makita ako.

"You're here!" tuwang-tuwa nitong sigaw saka lumapit din sa akin para dambahin ako ng yakap.

"I miss you, Mom," bulong ko habang yakap-yakap siya ng mahigpit.

"I miss you, too, Aurora! Hindi ka man lang nagpapasabi na uuwi ka pala." Humiwalay si Mama sa akin na mangiyak-ngiyak na.

Hinaplos ko ang buhok ni Mama at ngumiti. "Asus. Wag ka nang mag-drama Ma. Andito na iyong pinakamaganda mong anak sa balat ng lupa," biro ko.

"Namiss ka lang ni’yan," ani ni Ate Alex.

"Tisshhaaa Auroaaa!" dinig kong sigaw ni Anthony na pababy pa rin ang pananalita ng 'Tita' habang tumatakbo papalapit sa akin.

I leaned down and scooped him up in my arms. Agad ko iyong pinagsisihan dahil nabigla ako sa kabigatan niya! Ang bigat na ni Anthony. Lumalaki na talaga.

"Hello baby!" I hugged him tightly and showered him with kisses.

"Lumalaki na si Anthony. Pwede ng pasundan," nakangisi kong biro kay Ate Alex.

"Don't," banta nito habang naka-stop sign ang isang kamay. "Don't even talk about it," 

Natawa nalang ako sa reaksiyon nito. Ibinaba ko na si Anthony saka kumaripas na uli ito ng takbo.

"Wala pa si Papa?" Baling ko kay Mama.

"Mamaya pa iyon darating. Pati si Ate Andrea at Kuya Peter mo. Tambak daw ang gawain kaya medyo mala-late daw sila ng uwi." Pinipilit ni Mama na mukha pero kita mo pa din ang bahid ng pag-aalala sa mukha nito.

"Sino nga palang kasama mo?" puno ng kuryusidad ang tono ng pananalita ni Mama.

Napahinto ako sandali pero sa huli sinagot na din. "Ezekiel," 

Nakita ko na tumaas ang kilay ni Mama habang kay Ate ay halos mag-dugtong na sa mariing pagsampok.

"Ezekiel Fortez? Iyong ikinwento mo sa akin na step-brother ni Damien?" takang tanong ni Ate.

Tumango ako sa kaniya at ngumiti. "The one and only," 

"Wait," sabi nito sa akin habang nanlalaki ang mga mata. "Don't tell me he's your personal bodyguard?"

"Unfortunately, he is." I shrugged.

"No fucking way," bulong nito na napatakip pa ang kamay sa bunganga.

"Watch your mouth, Lady," sabat ni Mama na nagbabanta kay Ate Alex habang nakapamewang.

Napangiwi naman bigla si Ate. “Sorry," 

"Diba si Damien iyan ‘yung Ex-boyfriend mo? Iyong anak ni Alfonso?" usisang tanong ni Mama.

Tango ang aking tanging tugon dahil baka ano pang masabi ko kay Damien. Lingid sa kaalaman ng mga magulang ko na nag-hiwalay kami dahil nagloko si Damien. Ang tanging nakakaalam lang ng katotohan ay si ate Alex, Topher, ako, Damien at si Georgina. 

Pinalabas ko lang na naghiwalay kami dahil sa busy ng schedule at wala na kaming time sa isa't-isa. Pati kasi Media ay nakikisawsaw sa issue namin na hiwalayan.

Ilang araw bago kami naghiwalay ay nagulat nalang ako na may iilang articles na ng nakalabas sa internet tungkol sa hiwalayan namin. Ang karamihan pa ay puro maling impormasyon. The media was so quick to presume.

"Kung ganoon ay kapatid niya pala si Ezekiel? Iyong personal bodyguard mo?"

"Opo," agaran ko namang sagot.

"Stay for dinner. Imbitahin mo na rito si Ezekiel." Akala ko nagbibiro si Mama pero seryoso lang itong nakatitig sa akin. 

Nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga.

"Ma, may importante pa akong pupuntahan. I've already made an appointment to meet someone. Hindi na pwedeng i-cancel ‘yun,” ani ko. “Saka wala pa si Papa, si Ate Andre at Kuya Peter. Gusto ko pag nag-dinner tayo, kompleto tayo," nakangiti kong sabi.

Ang totoo ay palusot ko lamang iyan. Alam kong pag dito nag-dinner si Ezekiel ay pasasabugan nila ng mga katanungan. I can't afford that to happen. Baka ano pa maitanong nila at mauwi pa sa awkward na sitwasyon.

Nag-isip-isip muna si Mama sandali bago bumuntong-hininga. "Oh siya sige. Mag-ingat kayo." 

Nakahinga ako ng maluwag pero hindi ko ipinakita dahil nangliliit ang mga mata niya. Niyakap na ako ni Mama at hinalikan sa noo. 

"Are you sure you don't want to stay for tonight?" tanong sa akin ni Ate Alex saka h******n din ako pagkatapos pakawalan ni Mama.

"I would love to, but I have plans," I said gently and squeezed her shoulder before letting go.

"Say hi to Ate Andrea and kuya Peter for me," 

"Of course, Hija. Take care. Wag pabayaan ang sarili," paalala sa akin ni Mama.

I nodded to the both of them and bid my goodbye. Hinalikan ko din si Anthony at pinangakong bibigyan siya ng pasalubong sa sunod kong bisita dito.

Dumiretso na kami ng uwi ni Ezekiel saka inanyayahan ko uli siya na sa unit ko na lang ulit mag-dinner.

"Wag mo dalasan ang pagyaya sa akin. Baka masanay ako," biro pa niya pero hindi naman tinanggihan ang alok ko.

We ate dinner while telling stories and experiences about ourselves. Not that much, but at least there's a progress.

Kahit papaano ay may kaunti na akong nalalaman sa kaniya. Katulad nalang kung saan siya nagtapos ng kolehiyo na sa Oxford pala, muntik pa akong mabulunan ng sinabi niya iyon! 

O ang tungkol sa kursong kinuha niya na konektado sa law dahil gusto niya palang maging abogado pero nag-shift siya sa Business Management dahil utos iyon ng kanyang ama. Wala naman siyang magawa dahil pinagbantaan siyang hindi pag-aaralin.

But then there's a sudden turn of event again that made him consider getting in military. I just don’t know what is the reason because he didn’t bother telling me. Ayaw ko ng magpumilit. Gusto ko lang makinig sa kanya.

Komportable kaming nagku-kwentuhan pero andiyan pa rin ang init na nagkukubli. Iniiwasan nga naming magdikit para hindi makalabit ang gatilyo ng anumang nararamdaman namin. 

Mahirap na.

Nagbihis ako ng damit para sa meet up namin ni Topher. Isang gold backless dress na low-cut ang harapan. Hanggang ibabaw lang ng tuhod ang laylayan. Bawat kurba ng katawan ko ay hapit na hapit sa damit na ito. 

So, yes, it's a revealing dress. 

Sanay naman ako sa mga ganitong damit. Minsan nga mas kulang pa sa tela kaysa dito pero ang pag-iisip na lalapatan ako ng paningin ni Ezekiel... it excites and makes me nervous all at once.

I changed my stilleto to a 6-inch killer heels and put my hair in a tight ponytail.

Kaya ng nasa biyahe kami papuntang Frias Club ay nanghihinayang ako na hindi man lang ako tinapunan ng tingin ni Ezekiel kahit isa. 

How foolish... but I want him to look at me. 

Naku-kwestiyon ko tuloy ang sarili ko kung para sa Clubbing ba talaga ako nagbihis ng ganito o para sa mata ni Ezekiel.

Pagdating sa club ay agad na akong bumaba. Akala ko magpapaiwan na naman si Ezekiel pero nagulat ako ng sumunod siya sa pagpasok sa loob.

As I enter the club, I can feel their stares creeping up on me. 

Malalagkit. Delikado. Parang hinuhubaran ka nila sa kanilang isipan. I can see the lust consuming their eyes. Kung hindi siguro ako immune sa ganitong mga titig ay maiilang ako. But I knew better than that.

Nahigit ko ang aking hininga ng ilapat ni Ezekiel ang kanyang kamay sa lower back ko na nakalantad dahil nga sa backless kong suot.

His flesh against mine sends shiver to my spine.

There it goes again, the electrifying sensation that's running through my veins every time he touched me like. I can feel the heat spreading to my cheeks, to my neck, down between my thighs. I can hear the sparkle forming in the atmosphere. I can feel it. Almost tasting it.

Kung hindi lang siguro dahil sa malakas na tugtog ng musika at mga hiyawan ng mga taong sumasayaw sa dancefloor ay maaari niya ng marinig ang tibok ng puso ko.

The touch was gentle. Pero sapat na para maapektuhan ako at magulo ang kalmado kong sistema.

I wonder how would it feel to have his hands on my naked body or what pleasure will it bring while he's tracing his finger on every part of me. 

Napamura ako sa aking iniisip. I'm going insane.

Kahit na nadidistract ako sa kamay ni Ezekiel ay pinaglakbay ko pa rin ang tingin sa loob ng club para hanapin si Topher.

Twinkling neon lights filled the club.  The different colors of laser light shifting swiftly and traveling inside the club makes it harder to spot Topher. Mabuti nalang ay nahagilap ng mga mata ko ang kumpol ng mga kalalakihan kung saan ay nasa gitna si Topher. 

Napatirik nalang ang mata ko ng makita ko ang eksenang iyon.

Medyo hindi pa ganoon karami ang mga tao kaya hindi kami masyadong nahirapan na lumapit kay Topher.

Umangat ang tingin ng bakla sa akin at akmang titili na sana ng nahagilap si Ezekiel na bahagyang ikinaawang ng kanyang bibig. 

Lumipat ang tingin niya sa akin, tapos kay Ezekiel, tapos sa kamay ni Ezekiel na nakapatong sa likuran ko, tapos tumingin siya ulit sa akin at nakakalokong ngumiti na ng tuluyan. 

I know that darn smile. 

May ibinulong siya sa lalaking nasa gilid niya pagkatapos ay tumango naman ang lalaki sa mga kasama nito saka tuluyan ng umalis.

Tumayo si Topher saka niyakap ako ng pagkahigpit-higpit. 

Ilang beses na ba ako ngayong nayakap ng mahigpit? 

Naramdaman ko ang pag-alis ni Ezekiel ng kamay nito sa aking likuran. The part where he touched me left a tingling sensation. Parang gusto ko itong hilahin at ibalik sa pagkakalapat nito.

Natatawa kong hinahagod ang likuran ni Topher. Ang drama! 

Humiwalay na siya sa akin habang umaarteng kunwari pinapahiran ang kanyang mga mata kahit wala namang luha.

"I'm happy for you, Sis." Patuloy pa din ito sa pag-aarte.

Kumumot naman ang akin noo. "Siraulo. What are you talking about?" tanong ko kahit parang alam ko na ang sasabihin niya.

"Ilang buwan na kayo? Saan kayo nagkakilala? Anong lahi?" sunod-sunod niyang tanong habang nakangiting nakatingin kay Ezekiel.

"Gaga. Bodyguard ko iyan,"

Napangiwi naman siya bigla. "Eh?" 

"Nagbibiro ka ba? No way! Para nga siyang modelo siya ng briefs at boxers ng Calvin Klein,” usal ni baklita. “O hindi naman kaya ay CEO ng isang kompanya. Baka nga pag nakaformal attire ka, magmukha kang sekretarya pag-kasama mo siya,"

I know right.

Umiling ako. "Besides." Inilapit ko ang bunganga ko sa tenga ni Topher at bumulong. "That's my Ex's step brother. That's Ezekiel Fortez. Iyong ikinuwento ko sa iyong nagsundalo na kapatid ni Damien."

"What the hell... " napamura siya ng mahina at natatarantang lumapit kay Ezekiel. 

"Hello, I'm Christopher," pabebeng-pabebe na pakilala ni Topher saka inabot ang kamay.

"Ezekiel. " Ezekiel gave him a polite smile and shook hands with him.

Nabasa ko sa ekspresyon ni Topher na gusto na nitong magtititili ng mahawakan niya ang kamay ni Ezekiel. I rolled my eyes for the second time. Ang landi talaga ng baklang 'to. Lalaking-lalaki ang pananamit, ang galaw, ang pananalita pero pagdating sa mga gwapong adonis ay agad na nanghihina at nababali.

"Single?" tanong ni Topher

"Yes." Walang alinlangan namang sagot ni Ezekiel habang nakatingin pa sa akin.

Hindi ko alam pero parang naginhawaan ako ng sinabi niya iyon. Hindi ko alam ang gagawin ko kung committed na siya.

Tuwang-tuwa naman na pumapalakpak si Topher na parang batang bibili ng paborito nitong candy.

"Doon lang ako sa Counter," paalam ni Ezekiel sa akin at nag-umpisa ng maglakad palayo sa amin.

Malisyosang tumingin sa akin si Topher.

"What?" naiiling kong tanong saka umupo.

"Mahaba-habang chikahan to, Sis," 

I groaned. Indeed, mahaba-habang kwentuhan at tanungan ang magaganap.

Halos dalawang oras ang naubos namin ni Topher sa walang-sawang pagkukwentuhan tungkol sa mga naging ganap namin sa buhay.

Mula kay Topher na sinabi sa akin kung sino-sino na ang mga nabuntis na kilala namin, kung sino na ang mga naging kabit at pumatol sa mga matatandang mayaman, kung sino ang mga naging successful at naging failure, kung sino ang mga ikinasal, or if who's-dating-who. Papunta sa akin na ikinuwento kung ano ang mga experiences ko sa mga lugar na napuntahan ko at sa mga taong nakilala ko in the past months. 

Pati na ang mga karanasan kong mga nakakatawa at kung sino-sino ang mga naging flings ko at ka-momol. Hanggang kung paano si Ezekiel ang naging bodyguard ko. Kung bakit siya pinili ni Papa, kung bakit siya pumayag, at kung ano-ano pang pwede niyang maitanong sa akin tungkol kay Ezekiel.

Ilang baso na ng tequila ang nainom namin kaya medyo nahihilo na ako.

Paminsan-minsan ay napapasulyap ako sa kinaroroonan niya at nakikita ang iba't-ibang babaeng lumalapit sa kaniya.

Napapaismid na lang ako. Hindi ko naman sila masisisi. 

At the corner of my eyes, I can see Ezekiel talking to some of them seriously. Napansin kong um-order si Ezekiel ng beer pero hindi niya iniinom iyon.

"Alam mo, tinitingnan ko palang si Ezekiel alam ko ng he's a big catch!" sigaw ni Topher sa ibabaw ng malakas na musika habang ipinupunto sa direksiyon ni Ezekiel ang baso ng tequila.

Hindi naman ako nagsalita. Iniiwas ko nalang ang tingin kay Topher saka inilibot ang tingin sa loob ng club. Dumami na ang tao mula kanina. I can see a lot of bodies swaying and pressing with each other now. I can even smell the strong scent of liquor and cigarette. 

Habang lumalalim ang gabi at napapadami na ang inom namin, the crowd became wilder and louder.

Habang ipinalilibot ko ang aking paningin ay may nahagip ang mata kong pamilyar na mukha. I didn’t believe what I’m seeing at first kaya pinanliitan ko iyon ng mata para makita ng maigi. Napatuwid lang ang likod ko ng nakumpirmang siya nga iyon.

Anong ginagawa dito ni ate Andrea? And who’s... that guy who keeps on pulling her from the exit door? 

Hindi ko maaninag ang mukha ng lalaki dahil nakatalikod ito sa amin. Tumayo ako at nagpaalam muna kay Topher na pupunta ng restroom pero ang totoo ay susundan ko talaga si Ate Andrea. Nakakailang hakbang pa lamang ako ng may humawak na sa braso ko. 

Nanlaki ng bahagya ang mata ko ng inilapit niya ang kanyang mukha sa akin. Akala ko kung anong gagawin niya. May ibubulong lang pala sa akin dahil sobrang lakas ng rave song.

"Saan ka pupunta?" His hot breath touching the skin of my neck. Halos mag-sitayuan ang balahibo ko sa batok. It feels hot... but good.

"Stay here.” Sa unang pagkakataon ay nag-utos ako sa kanya na ikinabigla ko.

"No, I'll come with you." His tone was soft but bossy. Like I shouldn't argue with him. And so, I didn’t.

Umiling nalang ako at ibinaling ang tingin kina Ate Andrea. Ang layo na nila sa amin. Lumabas sila sa backdoor na ikinakunot ng noo ko. Dali-dali ko silang sinundan habang naka-antabay sa likuran ko si Ezekiel. 

Nang makalabas kami sa exit ay malamig na hangin ang sumalubong sa akin. Napayakap ako sa aking sarili dahil sa biglaang ginaw na dumapo sa aking katawan. 

Napatingin ako sa bandang kaliwa at nakita silang mabilis naglalakad padiretso at lumiko.

Hindi na ako nag-aksaya ng oras at agad silang sinundan. Tinahak ko ang parehong daan na kanilang nilakaran. Papaliko na sana ako sa kanan ng agad kong nakita na—

“Oh fuck.” Natatarantang umatras ako pabalik. Madali din na napaatras si Ezekiel na sumusunod sa akin.

"What the hell," napamura ako ng mahina.

Damien— my Ex-boyfriend and Andrea— my sister are... what? Having an affair? In a relationship? 

They are kissing in a dark alley! 

Isa na namang sekreto ang natuklasan ko. Pero kailan pa? Paano? Maraming tanong sa isipan ko ang tumatakbo. Ang gumugulo. Hindi ko na alam kung ano ang uunahin.

Natataranta at sobra akong kinakabahan.

"We should stop this," dinig kong sambit ni Damien pero patuloy pa din naman niyang hinahalikan si Ate.

"We should, right? Then why are we keep doing this?" boses iyon ni ate Andrea na hinihingal pa.

"Come with me and you'll know," 

Sandaling katahimikan ang nanaig bago ko narinig ang papalapit na mga yabag nila. Mas lalo akong nataranta sa aking kinatatayuan. Hindi dapat nila ako makita! Hindi pwede! I don't know how to react with this revelation. 

Ano nalang sasabihin ko pag nagkita kami?

'Continue what you are doing?’, 'Wala akong nakita, promise?' o hindi naman kaya ay 'I'm happy for the both of you?'

No, no. Big no. That would be very awkward! Iniisip ko pa lang pero naiilang at hindi ko na alam ang gagawin pag may naganap na confrontation. Matagal na akong naka-move-on pero hindi ko yata kakayanin dahil sa ilang.

Sunod-sunod akong napamura dahil mukhang makikita na nila ako! Kung tatakbo ako papasok sa club ay hindi sapat iyon para tuluyang makapasok sa loob. Maaabutan ako ng paningin nila at paniguradong mamumukahaan!

Wala din akong kahit ano man na pagtataguan dahil wala man lang kahit na anong bagay sa eskinitang ito. Kung magtatago ako kay Ezekiel ay siya naman ang makikita. And of course, Damien will recognize him!

Think. Think. Think, Aurora. Thinnnkk! 

Nangangatal akong napatitig kay Ezekiel na naghahanap ng sagot. Nakakunot-noo siyang nakatingin sa akin. Nagtataka siguro kung bakit mukha akong tanga dito na hindi mapakali.

"What's wrong?" Bakas ang pag-aalala sa ekspresyon nito. 

Wala sa sariling bumagsak ang mga mata ko sa mapupula nitong mga labi.

A wicked thought popped out like a virus in my head. I think I found my answer. My desperate answer.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status