“I am sorry.” Hingi kong tawad dahil alam kong kahit na anong paliwanag niya ay hindi ko siya kayang intindihin.“A-Alam mo kung bakit galit ako?”Binalin niya sa akin ang tingin bago tumayo at naglakad pabalik balik sa aking harapan habang nakahawak sa kaniyang sintido. “S-Sumama ka sa amin s-sa ospital. May sugat ka.” “Kaya bang tanggalin ng ospital na sinasabi mo ang sakit na nararamdaman ko?” Alam kong hindi ang physical pain ang tinutukoy niya. Alam kong may mas malalim pang ibig sabihin nun na naging dahilan kung bakit siya sobrang bigo ngayon.“Kapag ba pinatanggal ko ang puso ko at pinalitan ng b-bago hindi na ba 'to sasakit? Makakatulog na ba ako ng mahaba? Makakatulog na ba ako ng payapa? Hindi na ba ako mananaginip ng masama? Hindi na ba ako gigising dahil sa sakit nararamdaman? T-Tangina, Calixta.. nag mahal lang naman ako. Pero bakit puro sakit ang dulot nito?”Sumisikip ang dibdib ko habang pinapanood siyang pinipilit na maging malakas, alam kong sa mga oras na 'to ay a
“Khuaqin?”“Ate Calixta, ang awtchi po ang cheeks ko.”bungad niya sa akin. Nakasalampak ito sa sahig at may hawak na mga krayola.“Saan ang masakit, ituro mo?” Naglahad ako ng kamay, kumapit siya roon bilang suporta sa kaniyang pagtayo. Dahil mas matangkad siya sa akin ay nakayuko siyang nakanguso, parang batang handa nang magsumbong.“Awtchi 'yung cheeks, nose, lips and body ko. I feel tired yet energetic.” “You want some sweets ba? chocolate, cookies, Choco milk, anong gusto mo?” agap ko.“Well, I don't want to eat right now. I just want to play.”Muli itong naupo at napadaing ng maitukod ang kaniyang kamay sa sahig.“Masakit din pala 'tong kamay ko, lahat na lang masakit.” Malungkot akong ngumiti sa kaniya. Napaka inosente niya talagang bata. Ni hindi manlang siya nagtanong kung saan galing ang sakit na nararamdaman niya ngayon. Pagkatapos niyang maglaro ay pinaliguan ko siya at pinakain. Hirap na hirap akong paliguran siya dahil panay daing niya sa iba't ibang parte ng kaniyang k
“He really is.” Tumango ako bilang pag sang-ayon.“Rouge, hindi ba ang sabi mo hindi alam ni Tyler ang nangyari sa kaniya noong bata siya?”“Not all,”pagtatama niya.“Totoo bang g-ginahasa siya noong bata pa s-siya?”Nakita ko ang pag higpit ng hawak nito sa baso.“Don't you dare to trigger Khuaqin's emotion Calixta.”Wala pa man ay may pagbabanta na. Payak akong natawa ng mahulaan niya ang nais kong gawin.“Alam mo, ang unfair niyo! Lahat kayong may alam sa nakaraan ni Tyler. Paano niyo nagagawang isikreto sa akin 'yung mga bagay na dapat ay alam ko? Paano niyo nagagawang itago ang dapat ay nakikita at naririnig ko?”Umigting ang panga nito. “Sa katunayan nga ay litong lito na ako sa mga nangyayari, hindi ko na alam kung ano at sino ba talaga ang dapat kong pagkatiwalaan. Alam mo bang hanggang ngayon ay tumatakbo pa rin sa isip ko ang sinabi mo sa aking papatayin mo ang buong pamilya ko kapag nalaman mong may relasyon kami ng babaeng fcker na tinatawag mo? Sino 'yung sinasabi mong kam
“kidding.” Pahabol nito ng makita ang nagtataka kong mukha.“I am Doctora. De Ocampo, The psychiatrist and psychologist of Mr. Salazar.”Tumikhim si Rouge. “Tyler is still not showing up.” “My poor Tyler is really having a hard time to control his emotions. ” Malungkot itong bumalin sa akin. “I am with him since he was a child. I saw how devastated he is, I saw his ups and down. I witnessed how much he cried to sleep at night without those monster on his dreams. He really suffered a lot. One time Tyler told me.. he told me that he is tired, he really wanted to give up but when he first saw you he said, he finally saw an angel living in a poor life...”“Since then, whenever he is here.. Tyler can't stop talking about you, how kind you are, how family oriented, how hard working and more! My boy is really in love with you.” Malungkot itong nakangiti. Gusto ko siyang yakapin at magpasalamat sa mga sinabi niya.“Doon nagsimula 'yung mas paglapit niya sa akin, halos araw araw nandito 'yan
“T-Tyler..”“Where are you baby?” He ask.“N-Nasa mini garden..”Narinig ko ang kaniyang malalim na paghinga at sinabing huwag akong aalis dahil susunduin niya ako.Mabilis ang tibok ng puso ko habang naghihintay sa kaniya. Namasa ang gilid ng aking mga mata dahil sa halo-halong emosyon na nararamdaman. Pakiramdam ko ay ilang taon ko siyang hindi nakausap para mababik ako ng ganito. Wala pang ilang minuto ay nakarinig na ako ng yabag galing sa aking likuran. Unti-unti akong lumingon at ang luhang kanina pa kumakapit ay tuluyan ng bumuhos. Nag lahad siya ng kamay kaya dali dali akong tumakbo at sumampa sa kaniya. Nagulat siya pero kaagad ding natawa ng mahina dahil sa aking ginawa. Pumikit ako at dinama ang init ng kaniyang katawan.“I miss you too.”Mahinang bulong niya, hindi pa rin maalis ang ngiti sa kaniyang maputla at may sugat na labi.Ngumuso ako at tumingala sa kaniya. Makinang ang kaniyang asul na mata, mahahalintulad ito sa bituwin na gustong makipag sanib sa asul na karagat
Buong akala ko ay biro lamang ang sinabi ni Tyler sa loob saksakyan, ngunit napatunayan kong totoo iyon ng umuwi kaming bahay ilang araw na ang nakakaraan. Tuwing umaga ay nagigising na lamang akong nakahawak siya sa dibdib ko at pinipisil pisil 'yon. Tuwing gabi naman ay ganoon din! Hindi ko alam kung dapat ba akong mainis o matuwa dahil may isang salita siya.“Morning,” bulong niya sa tenga ko ng isang umagang parehas kaming nakahiga sa ibabaw ng kama. Parehas kaming walang damit pero hindi ibig sabihin noon ay may nangyari ng kababalaghan. Nawalan kasi ng kuryente kagabi kaya sobrang init, idagdag mo pang maharot siya, mabuti ay parehas naming napigilan kahit ramdam ko na ang paghihirap niya. “Can I hear your thoughts?” Suminghap ako ng mas inilapit niya pa ang kaniyang katawan. Dama ko ang balahibo niya sa binti na nakapatong sa binti ko.“Usog ka. Masyado kang nakagitgit eh ang luwag luwag ng kama.”Imbis na lumayo ay dumapa siya ng higa at iniyakap sa leeg ko ang kaniyang bisig
“Nainip na 'ko sa loob ng kuwarto kaya lumabas muna ako para maglibang. Saktong nakita ko si Manang Lourdes na may dalang panlinis, maglilinis daw siya ng playroom, gusto ko ngang ako nalang ang maglihis dahil hindi naman mabigat na gawain 'yon.”Paliwanag ko at lumapit sa kaniya.“Sa susunod ay sabihin mo sa akin kung saan ka pupunta para hindi ako nag-aalala.”“Tulog ka kanina,” Umismid ito. “Kahit na, sa susunod ay mag iwan ka ng note o gisingin mo 'ko kahit sandali. Ayoko ng magigising ulit na wala ka sa kama ko.”Ngumiti ako at nilingon si Manang Lourdes na pinapanood kaming dalawa.“Kumain na ba kayo ng miryenda?” Tanong ni Tyler. Nakatuon ang atensyon kay Manang.Miryenda para sa iba pero tanghalian para sa aming dalawa.“Hindi pa ho. Tapusin ko lang po muna 'to.” “Iwan mo na 'yan Manang. Sumabay ka na sa amin ni Calixta kumain.” tinignan ko ang reakyson ni Manang kung magugulat siya sa paanyaya nito pero normal lang siyang nakikipag usap. Ibig sabihin ba ay sanay na siya sa gan
“Tyler, aalis lang muna ako, ha. Sasama ako sa mga kasambahay na mamili ng stocks dito sa bahay,” ani ko sa kabilang linya habang hinahaplos si Baby Calyer na nasa kandungan ko.Pumasok sa opisina si Tyler ng mas maaga kaysa sa nakasanayan. Ang sabi niya ay marami raw siyang mga dapat na pirmahan at I meet dahil nausog ngayong araw ang meetings niya na dapat ay kahapon pa.“Sige. Pinabalik ko na riyan ang mga bodyguards mo. Hintayin mo nalang muna silang dumating bago kayo umalis.”“Hindi na kailangan ng bodyguards! Kaya ko namang umalis at sumakay sa mga jeep kahit ako lang mag-isa, lalo na ngayong may kasama.”“Iba noon, iba ngayon. Noon hinahanayan kita dahil pinapasundan kita mula sa malayo kaya kampante ako.” Hindi na lamang ako nagsalita at hinayaan siya sa nais niyan gawin kaysa mag talo pa kami sa napakaliit na bagay.Habang nag susuklay at nakaharap sa salamin ay kitang kita ko ang kakaibang kislap sa mga mata ko. Madami na ring nakapansin na medyo tumaba ako at mukhang healt