“Princess Sofia pinapatawag po kayo ng reyna,” magalang na saad ni Mary sa akin. Kasalukuyan akong nasa hardin nakatambay at nagbabasa ng libro. Binaba ko ang aking salamin at tiningnan siya.
“Bakit daw?” tanong ko sa kaniya.
“Hindi ko po alam ngunit mukhang importante po,” saad niya sa akin na ikinatango ko. Agad akong tumayo sa aking kinauupuan at naglakad papalit sa kaniya.
“Halika na,” utos ko sa kaniya kaagad niya akong inalalayan sa paglalakad. Malaki na kasi ang aking tiyan ngunit kaya ko namang maglakad. Ayaw ko namang alalayan niya ako sa una ngunit nasanay na lamang ako sa kaniya. Kahit anong pakiusap ko kasi na huwag na dahil kaya ko naman ay hindi pa rin ito nasunod. Kagaya rin siya ng dalawang kulukoy kong kasama palagi kapag pumupunta akong hospital.
“Dahan-dahan po mahal na prinsesa,” sambit niya ikinaikot ko ng mata.
“Daig mo pa ang asawa kung makaalaga sa akin ah,&rd
"Princess Sofia, okay lang po ba kayo?" nag-aalalang tanong ni Mary sa akin. Napangiwi ako nang maramdaman ko ang sakit ng aking tiyan. Hindi ako makapagsalita dahil sa sobrang sakit nito na para banh humihilab. Oh my gosh! Manganganak na ata ako. Napapikit ako ng mariin dahil sa sakit, hindi ko na alam kung ano ang pinagsasabi ni Mary bastang ang alam ko lang masakit na ang aking tiyan. "Ahhhh! Ang sakit!" sigaw ko sa kaniya. Biglang pumutok ang aking panubigan at agad napasinghap si Mary. "Ma-manganganak na ata ako!" sigaw ko sa kaniya na ikinataranta niya. "H-higa lang po kayo riyan, Prinsesa Sofia. Huwag po kayong aalis, hihingi lamang ako ng tulong. Ipapasabi ko na rin sa Reyna na manganganak ka na!" tarantang wika niya at kumaripas ng takbo. Nanginginig kong dinukot ko ang aking cellphone para matawagan si John. Fuck. Kailangan ko siyang tawagan para sabihin na manganganak ako. Mayroon kasi kaming kasunduan na siya ang una kong tatawagan kapag pumut
Marahan kong hinalikan ang aking kambal sa kanilang mga noo. Ilang araw na ang nakakalipas noong pinanganak ko sila, sa ilang araw na iyon ay sobrang saya ng palasyo dahil sa kanila. Ang cu-cute ba naman kasi. Si baby Mathilda ay parang mini-version ko ngunit ang aking anak na lalaki naman na si Titus ay mini-version ng aking jerk ex-husband. Napasimangot ako ngunit napakagat ng labi nang makitang ngumiti ang aking anak na lalaki sa akin. "Bakit ang cute-cute ng baby ko na 'yan ha? Kahit kamukha ka ng ama mo, okay lang. Mamahalin kita o kayo ng buo. Sama-sama nating haharapin ang bulas ng may ngiti at kompleto. Hi ndi ako papayag na magkalahiwalay tayo, mahal ko," bulong ko saad sa kanila ngunit ngumiti lamang ito sa akin. Kasalukuyan kaming nasa silid ko, ilang araw na rin akong puyat na puyat dahil sa pagpapatahan at pagpapadede sa dalawa. Gusto ko kasing i-breastfeed sila, siguro kapag malaki-laki na ay i-stop ko na lamang lalo na't magta-trabaho na rin ako sa komp
Mabilis ang paglaki ng aking mga anak mag 1-month na sila ngayong week. Ang bilis ng panahon dati nasa tiyan ko pa lamang sila ngayon malalaki at malulusog na sila. Busog ba naman ito pagmamahal at pag-aaruga.“Anak, hindi ko na nakikita sa palasyo si Princess Isabella, nakikita mo ba siya?” tanong sa akin ni nanay habang narito kami sa garden at pinapainitan ang aking dalawang anak. Sakay sila sa kani-kanilang stroller. Si baby Matthew sa akin at sa kaniya naman si baby Mathilda.“H-Hindi ko rin po siya nakikita, nanay. Simula noong ipinanganak ko itong dalawa,” saad ko sa kaniya. Napabuntong hininga siya at napailing.“Hindi ko na alam ang gagawin diyan sa kapatid mo. Tila ba mas lumalala ito. Dati ay hindi naman siya ganiyan, ngayon lang talaga ito nangyari. Ilang linggo nang hindi nagpapakita sa akin, alam mo ba kung ano ang problema niya?” tanong niya.“Mas mabuti po nanay, siya ang tanungin mo dahil hindi ko
Sobra ang aking kalagakan dahil sa nalaman ko tungkol kay John at Mary. Hindi ko ineexpect na magkaka-develop-an ang dalawa. Kaya pala palagi ko silang nakikitang magkasama at magkausap na dalawa.“Huwag mo sanang ipagkalat sa iba ah, ayaw kasi ni Mary na ma-tsismis ang dami pa namang mga marites din na mga servants sa palasyo,” saad niya sa akin na ikinatango ko.“Oo naman, kilala mo ako hindi ko naman kinikuwento lahat ng nalalaman ko sa iba,” saad ko sa kaniya.“Bakit mo pala ako hinahanap?” dagdag ko pa. Doon na siya napabuntong hininga. Hindi ko alam kung anong mayroon pero kinabahan ako bigla.“Nakita ko si Princess Isabella na nasa bar, balak ko sanang iuwi ngunit hindi man lang ito natinag. Sinigawan pa niya ako at napagkamalang manyak dahil gumawa ito ng eksena, nasuntok pa nga ako ng mga tao roon,” saad niya sa akin. Doon lamang ako napatingin sa kaniyang mukha at napatitig. Mayroon nga siyan
“Kumusta si Prinsesa Isabella?” tanong ko kay Tristan nang makalabas sa silid ng dalaga.“Okay na siya, ayaw niya kaso ako pakinggan. Ilang ulit ko nang pinapaintindi sa kaniya ang sitwasyon ngunit ayaw niya pa ring maniwala sa akin,” saad niya sa akin.“Siguro pagpahingahin muna natin, lasing kasi kaya ganiyan ang asal niya. First niya bang maglasing?” tanong ko sa kaniya na ikinailing niya.“Hindi, ilang beses na ‘yang nalasing ngunit dito lamang sa palasyo. Hindi ko alam kung first time niya sa club but I doubt. Mga pinsan kong ka-close niya palagi iyon nag-c-club eh,” sagot naman niya sa akin. Napabuntong hininga ako.“Hindi dapat ito malaman ng reyna,” saad ko sa kanila.“Makakaasa ka, Princess Sofia.”“Gabi na, uuwi ka pa ba? Ikaw, John?” tanong ko sa kanilang dalawa.“Ako, hindi na, rito na lang muna ako matutulog. Ewan ko lang kay T
Simula noon ay hindi na ulit namin nakita si Isabella. Wala na rin naman kaming balita sa mga pinsan namin na kasama ni Isabella sa club, siguro ay pinarusahan na rin ito ng kani-kanilang mga magulang. Nalulungkot ako dahil simula noong ay parang wala na ring buhay ang aming ina. Siguro ay namimiss na rin niya ang aking kapatid.“Nanay,” tawag ko sa kaniya. Nakatitig lamang ito sa garden at malalim ang iniisip. Mabilis naman siyang napalingon at napangiti.“Ano iyon iha? May problema ka ba?” tanong ni nanay sa akin. Umiling lamang ako at umupo sa tabi niya. Dahan-dahan kong ipinulupot ang aking kamay sa kaniyang beywang.“Okay lang po ba kayo?” tanong ko sa kaniya.“Okay lang ako, anak. Bakit mo iyon na tanong?”“Uhm kasi po, palagi ko po kayong nakikitang nakatulala at malungkot. Nag-alala po ako sa inyo,” saad ko sa kaniya. Napakalas ako ng aking yakap at napatingin sa kaniya. Makikita m
“Ms. Sofia is it true that you and your rival, Ms. Lilac will have a show in New York?” tanong sa akin ng reporter. Napakuyom ang aking kamao nang marinig ang pangalang iyon.“Are you going?” tanong ng isa pa ngunit binigyan ko lamang ito ng malamig na ekspresiyon. Bigla siyang napaiwas dahil doon at napangisi naman ako. Isang tingin lang pala ang katapat niya.“Is it true that you have a husband in the Philippines?” tanong ng isa pa. Puno ng mga ilaw na nagkikislapan sa aking harapan. Alam kong mga photographer iyon, damn it! Kailan ba nila ako lulubayan?“MS. SOFIA!” sigaw ng mga reporters. Mabuti na lamang ay may guard akong dala kaya naman ay agad kaming nakapasok sa aking office. Araw-araw silang ganiyan, halos araw-araw siguro nasa headline ang aking mukha. Patok kasi sa madla ang isang Sofia-ng katulad ko.I am the top 1 model and fashion designer in the world. Natupad na ang aking minimithi noon, kah
“Ms. Sofia, you have a visitor, should I let her in?” tanong ng aking sekretarya na si Jane.“Sino raw?”“Si PrinceLet her in,” utos ko sa kaniya, mabilis naman itong tumango at wala pang ilang segundo ay nawala na ito sa harap ko. Ganiyan ako katakutan ng mga tao rito sa office. Hindi ko sila masisisi, I rarely smile and laugh.Kapag nasa office ganiyan ang ugali ko pero kapag kasama ang aking mga anak pati na ang aking pamilya ay kabaliktaran naman noon. I have to be strict when it comes to my employee o kaya iyong mga hindi nakakakilala sa akin dahil alam kong aabusuhin lang nila ang kabaitan ko. I am now a different woman, fierce and bold.“Hi Ate Sofia! Nakabusangot na naman ang pagmumukha mo, parang mali ata ang pagtulong ko sa iyo na maging katulad ko dati,” natatawang saad niya sa akin.Sabi nga nila nagkapalitan daw kami ng ugali ni Isabella. Mabait naman ako, pero sa kakilala ko lamang.