Sobra ang aking kalagakan dahil sa nalaman ko tungkol kay John at Mary. Hindi ko ineexpect na magkaka-develop-an ang dalawa. Kaya pala palagi ko silang nakikitang magkasama at magkausap na dalawa.
“Huwag mo sanang ipagkalat sa iba ah, ayaw kasi ni Mary na ma-tsismis ang dami pa namang mga marites din na mga servants sa palasyo,” saad niya sa akin na ikinatango ko.
“Oo naman, kilala mo ako hindi ko naman kinikuwento lahat ng nalalaman ko sa iba,” saad ko sa kaniya.
“Bakit mo pala ako hinahanap?” dagdag ko pa. Doon na siya napabuntong hininga. Hindi ko alam kung anong mayroon pero kinabahan ako bigla.
“Nakita ko si Princess Isabella na nasa bar, balak ko sanang iuwi ngunit hindi man lang ito natinag. Sinigawan pa niya ako at napagkamalang manyak dahil gumawa ito ng eksena, nasuntok pa nga ako ng mga tao roon,” saad niya sa akin. Doon lamang ako napatingin sa kaniyang mukha at napatitig. Mayroon nga siyan
“Kumusta si Prinsesa Isabella?” tanong ko kay Tristan nang makalabas sa silid ng dalaga.“Okay na siya, ayaw niya kaso ako pakinggan. Ilang ulit ko nang pinapaintindi sa kaniya ang sitwasyon ngunit ayaw niya pa ring maniwala sa akin,” saad niya sa akin.“Siguro pagpahingahin muna natin, lasing kasi kaya ganiyan ang asal niya. First niya bang maglasing?” tanong ko sa kaniya na ikinailing niya.“Hindi, ilang beses na ‘yang nalasing ngunit dito lamang sa palasyo. Hindi ko alam kung first time niya sa club but I doubt. Mga pinsan kong ka-close niya palagi iyon nag-c-club eh,” sagot naman niya sa akin. Napabuntong hininga ako.“Hindi dapat ito malaman ng reyna,” saad ko sa kanila.“Makakaasa ka, Princess Sofia.”“Gabi na, uuwi ka pa ba? Ikaw, John?” tanong ko sa kanilang dalawa.“Ako, hindi na, rito na lang muna ako matutulog. Ewan ko lang kay T
Simula noon ay hindi na ulit namin nakita si Isabella. Wala na rin naman kaming balita sa mga pinsan namin na kasama ni Isabella sa club, siguro ay pinarusahan na rin ito ng kani-kanilang mga magulang. Nalulungkot ako dahil simula noong ay parang wala na ring buhay ang aming ina. Siguro ay namimiss na rin niya ang aking kapatid.“Nanay,” tawag ko sa kaniya. Nakatitig lamang ito sa garden at malalim ang iniisip. Mabilis naman siyang napalingon at napangiti.“Ano iyon iha? May problema ka ba?” tanong ni nanay sa akin. Umiling lamang ako at umupo sa tabi niya. Dahan-dahan kong ipinulupot ang aking kamay sa kaniyang beywang.“Okay lang po ba kayo?” tanong ko sa kaniya.“Okay lang ako, anak. Bakit mo iyon na tanong?”“Uhm kasi po, palagi ko po kayong nakikitang nakatulala at malungkot. Nag-alala po ako sa inyo,” saad ko sa kaniya. Napakalas ako ng aking yakap at napatingin sa kaniya. Makikita m
“Ms. Sofia is it true that you and your rival, Ms. Lilac will have a show in New York?” tanong sa akin ng reporter. Napakuyom ang aking kamao nang marinig ang pangalang iyon.“Are you going?” tanong ng isa pa ngunit binigyan ko lamang ito ng malamig na ekspresiyon. Bigla siyang napaiwas dahil doon at napangisi naman ako. Isang tingin lang pala ang katapat niya.“Is it true that you have a husband in the Philippines?” tanong ng isa pa. Puno ng mga ilaw na nagkikislapan sa aking harapan. Alam kong mga photographer iyon, damn it! Kailan ba nila ako lulubayan?“MS. SOFIA!” sigaw ng mga reporters. Mabuti na lamang ay may guard akong dala kaya naman ay agad kaming nakapasok sa aking office. Araw-araw silang ganiyan, halos araw-araw siguro nasa headline ang aking mukha. Patok kasi sa madla ang isang Sofia-ng katulad ko.I am the top 1 model and fashion designer in the world. Natupad na ang aking minimithi noon, kah
“Ms. Sofia, you have a visitor, should I let her in?” tanong ng aking sekretarya na si Jane.“Sino raw?”“Si PrinceLet her in,” utos ko sa kaniya, mabilis naman itong tumango at wala pang ilang segundo ay nawala na ito sa harap ko. Ganiyan ako katakutan ng mga tao rito sa office. Hindi ko sila masisisi, I rarely smile and laugh.Kapag nasa office ganiyan ang ugali ko pero kapag kasama ang aking mga anak pati na ang aking pamilya ay kabaliktaran naman noon. I have to be strict when it comes to my employee o kaya iyong mga hindi nakakakilala sa akin dahil alam kong aabusuhin lang nila ang kabaitan ko. I am now a different woman, fierce and bold.“Hi Ate Sofia! Nakabusangot na naman ang pagmumukha mo, parang mali ata ang pagtulong ko sa iyo na maging katulad ko dati,” natatawang saad niya sa akin.Sabi nga nila nagkapalitan daw kami ng ugali ni Isabella. Mabait naman ako, pero sa kakilala ko lamang.
“What? Bakit daw? Pupunta ka pa rin ba?” tanong sa akin ni Isabella.“I have no choice,” saad ko sa kaniya.“Handa ka na bang bumalik sa Pilipinas? Baka magkita kayo ng asawa mo, handa ka na bang harapin siya?” nag-aalalang tanong niya sa akin.“Matagal na akong ready, Isabella. Isa pa wala akong pakialam kung magkita man kami.” Kita ko ang pagseryoso ng kaniyang mukha, para bang sinusuri ang aking emosiyon ngunit blanko ko lamang siyang tiningnan.“Hmm. Itutuloy mo pa ba ang paghihiganti sa kanila?” tanong niya sa akin.“Of course, hindi naman puwedeng kakalimutan ko lamang iyong ginawa nila sa akin, hindi ba? Isa pa iyon naman plano ko, babalikan ko sila and I’ll make them pay from what they have done to me,” seryoso kong saad sa kaniya.“Wala na akong magagawa, ate. Iyan na talaga ang plano mo una pa lang pero kapag nasaktan ka ulit, we’re only here
“Anong kaguluhan daw ang nangyari roon sa office mo? Bali-balita na nag-rambolan daw kayo nila Lilac kasama ang kaibigan niya,” saad ni Prince Tristan sa akin.Kakauwi ko lang sa palasyo ngunit ito na ang bungad niya sa akin. Hindi man lang niya ako kinamusta o kahit itanong kung kumain na ba ako. Napairap ako sa kaniya at dire-diretsong pumunta sa kwarto ng aking kambal. Wala si nanay ngayon, mayroon daw meeting kasama ang Presidente ng United States.“Princess Sofia, kinakausap kita,” inis na wika ni Prince Tristan ngunit hindi ko pa rin siya pinapansin. Manigas siya riyan, kahit anong sabihin niya hindi ko siya papansinin.“Princess Sofia!” tawag niya sa akin ngunit patuloy lamang akong naglakad sa hallway. Ito ang problema sa palasyo ang bahay eh, sa sobrang lawak niya, malayo na ang lalakarin. Nagulat ako nang hinawakan niya ang aking kamay at hinila palapit sa kaniya. Napasandal ako sa pader at tinitinigan siya.&
Mabuti na lamang at nakaslusot ako sa mga bata. Knowing Mathilda ang Matthew, matatalinong bata sila. Kahit 3 years old at bulol-bulol ay matured na rin silang mag-isip kahit papaano.“Unti-unti nang may nalalaman ang mga bata, anong plano mo?” tanong ni Tristan sa akin habang nakaupo kami sa harap ng mesa. We’re having a dinner right now. Sabi nga niya kanina sabay na raw kaming kumain ngunit hindi ko inaasahang ganito kabongga ang dinner na inihanda niya para kaming nag-da-date. Oh well, what should I expect from Prince Tristan? He always wants the best for me and for my children.For the past 2 years siya na ang naging ama ng mga bata. Minsan nga ay nagtataka na ako kasi halos lahat ng atensiyon niya na sa amin lamang. Mas malaki pa nga ang oras niya sa amin kaysa sa trabaho niya. Mabuti nga’t hindi siya pinapagalitan ng kaniyang ina at ama.“Hindi ko pa alam, hindi pa ako handang sabihin sa kanila ang totoo.”&ldquo
Simula nga noon ay wala nang palya ang pagdadala ni Prinsipe Tristan ng bulaklak sa akin. Pati si Isabella, Mary at John ay nagtataka na rin. Tinatanggi ko na lamang ito pero hindi sia naniniwala.“Grabe ang haba ng naman ng hair niyo, Princess Sofia palagi kayong may pa-flowers kay Prinsipe Tristan,” saad ni Mary sa akin na ikinangiwi ko na lamang. Nagpadala na naman kasi ito ng bouquet of roses sa akin. Araw-araw tuloy ay pinapalitan ko ng mga bulaklak ang vase na nasa mesa ko.“Hay naku, sinabihan ko na kasi siyang huwag nang magpadala dahil sinasayang niya lang pera niya ngunit matigas pa rin ang ulo nito, nakakainis,” kuwento ko sa kaniya.Rinig ko ang paghagikhik nito sa aking likod kaya napalingon ako sa kaniya.“Mukhang totoo nga ang hinala namin, nanliligaw ang prinsipe sa iyo!” kinikilig na saad niya. Napairap ako sa kaniya at bumalik na lamang sa pag-aayos ng mga bulaklak sa vase.“Silence means
Princess Dahlia SofiaNapabuntong hininga akong napatitig sa isang malaking salamin, tinitingnan ang aking repleksiyon. Napangiti ako nang makitang nasa likod ko ang isang pigurang nakangiti. Sobrang ganda nito sa suot niyang puting gown.“Kumusta ang aming Bride? Mukhang kinakabahan ka, ah,” ngiting wika nito sa akin na ikinailing ko.“Kaya nga eh. Para bang first time kong ikasal.” Napailing ako. Hinawakan niya ang aking braso at pinagpantay ang aming tingin.“Relax lang, Bestfriend, okay? This is your special day kaya enjoy-in mo. Sobrang ganda mo ngayon, kabog na kabog mo na ako,” natatawang saad ni Emery sa akin.Ilang linggo na ang nakalipas nang gumaling
Sinamahan ko muna palabas sina Dahlia at ang mga bata para makasigurong ligtas sila. Iyong mga babae naman ay binigyan namin ng tuwalya at kumot para kahit papaano ay matakpan ang kanilang katawang hubo’t-hubad.Nang makalabas sila ay siyang dating naman ng mga pulis at NBI. Mabilis akong bumalik doon sa bahay at hinanap si Emery. Rinig ko ang iyak sa di kalayuan kaya sinundan ko iyon.Nanlalaki ang aking mga matang makitang hinahalik-halikan ng isang lalaki ang babae. Nakapatong na ito ngunit may saplot pa naman ito. Mabilis kong hinila ang lalaking iyon palayo sa babae. Damn!Ang baboy at sama ng taong ito! Hindi ko napansing iba pala ang lalaking iyon. Akala ko si Mr. Ronaldo ngunit iba pala. Nakaramdam ako ng pagtutok sa aking ulo kaya agad akong huminto sa pagsuntok sa lalaki. 
TravisExcited akong pumunta sa bahay ng aking asawa na si Dahlia, ngayon kasi ang aming bonding time. Saturday ngayon at ngayon ang bonding time naming magpamilya. Sabi rin sa akin ni Dahlia ay may importanteng sasabihin siya sa akin. Hindi ko alam pero sobrang na-e-excite ako, siguro ay sasagutin na niya ako. Minsan lang mangarap lulubos-lubusin ko na.Kung tutuusin, gusto ko ngang sa iisang bahay na lamang kami ngunit ayaw ko namang pangunahan ang desisyon ng aking asawa. Hangga’t maari ay siya ang masusunod, baka kasi masamain niya ang pag-aaya ko sa kaniya na sa iisang bubong na lamang kaming tumira. Sabihin niyang masiyado akong excited, hindi pa naman nga niya ako sinasagot. Hangga’t maari ay careful ako sa aking sasabihin at gusto. Ayaw kong ma-turn off siya at makagawa ulit ng kasalanan o hindi kaaya-aya sa paningin niya. Ganiya
“Love, hinahanap ka ni Mommy, gusto ka raw makita, okay lang ba na kunin ko ang mga bata sa mansion at iuwi sa bahay? Daanan mo na lang sila since hinahanap ka naman ni Mommy, miss ka na raw kasi,” saad ni Travis sa kabilang linya. Kasalukuyan akong nasa trabaho nang mapatawag siya sa akin. Ilang araw na ang lumipas nang makarating kami sa Pilipinas.“Okay, may balita ka na ba kay Emery?” tanong ko sa kaniya. Rinig ko ang pagbuntong hininga niya nang tanungin ko iyon.“Wala pa nga, love eh. Hindi ko rin siya ma-contact. Nag-aalala ako para sa kaniya at para sa kaniyang anak,” saad niya sa akin.Ilang araw na kasing hindi umuuwi si Emery sa kaniyang condo kaya as a friend ay nag-aalala rin kami sa kaniya. Inaasikaso na rin namin ang mga ebedinsiyang nakalap namin
Napahinga ako ng malalim at napangiti. Okay na kami nila Nanay at Isabella. Ayaw kong magtanim ng galit sa kanila dahil ako lamang ang ma-i-stress. Isa pa, mahal na mahal ko sila at sila na lamang ang aking pamilya kaya hindi ko rin naman sila matiis. Oo, nasaktan ako pero mas pina-mature ako ng panahon. Natuto akong magpatawad at intindihin ang mga tao sa paligid ko.Kanina ko pa hinahanap si Travis dahil kaninang umaga pa siya hindi nagpapakita sa akin. Nasaan na kaya ang asungot na iyon, kailangan ko rin siyang makausap para pag-uwi namin ay okay na kaming dalawa. Handa na akong harapin siya at handa na rin akong lumaban lalong-lalo na sa taong sumira sa aming dalawa.Nilibot ko na ang palasyo ngunit wala pa rin, napakunot ako ng noo nang makitang kausap pala ni Nanay si Travis. Bigla akong kinabahan, hindi ko inaasahang magkakakausap sila. Sana
“Mommy, uuwi na ba tayo sa Philippines? Sabi kasi ni Daddy, uuwi na po tayo,” malungkot na tanong ni Mathilda sa akin.“ Yes baby, uuwi na tayo dahil marami pang aasikasuhing work si Mommy roon sa Philippines. Doon na rin tayo maninirahan kasama si Daddy,” saad ko sa kanila. Hindi ko alam kung nasaan si Travis bigla na lang itong nawala sa kwarto ng kambal. Dito kasi siya natulog at ako naman ay dati kong kwarto.Naging matiwasay ang gabi ko dahil naging okay kami ni Tristan. Hindi ko nga alam kung bakit ang dali kong mapatawad ito. Siguro hindi pa ganoon kalala ang nararamdaman ko sa kaniya.“ Matthew, nakita mo ba ang Daddy mo?” tanong ko sa aking anak na kasalukuyang naglalaro sa kaniyang tablet.
Narito kami sa loob ng dining table kasama sina Travis, Tristan, Isabella, Nanay at ang magulang ni Tristan. Natatawa na lamang ako sa sobra kong kaplastikan. Hindi ko alam kung paano ko nga ba nagawang ngumiti at makihalubilo sa kanila gayong nasasaktan ako. Awkward din ang mukha ni Isabella, ni hindi ito makatingin sa akin.“Anak, bakit hindi mo sinabi sa amin na uuwi ka?” tanong ni Nanay sa akin kaya napalingon ako.“I want to surprise you all, pero ako pala ang na-surprise,” natatawang saad ko sa kaniya. Alam kong nakakaintindi ng Tagalog ang mga magulang ni Tristan dahil ang alam ko, nanirahan daw ang ina nito sa Pilipinas ng ilang taon. Hindi man lang sila natawa sa aking sinabi kaya napa-ubo ako.“ The wedding is on Sunday, are you going to attend, Princess Sofi
Nang makarating kami sa Spain ay agad kaming pumara ng taxi, kaagad akong nagsuot ng cap at sunglass baka kasi ay may makakilala sa akin. Nang makapasok kami ay agad na nagdadada si Mathilda napailing na lamang ako dahil sa katabilan niya. Hindi ko nga alam kung kanino ito nagmana, hindi naman kami ni Travis madaldal. "Mommy, can we tell to Abuela and Tita Isabella that we are already here in Spain?" tanong ni Mathilda sa akin na ikinailing ko naman. "No, honey. We will surprise your Abuela, you want that, right? You like surprises.".Napatango ito sa akin at pumalakpak. "I can't wait to finally introduce my Daddy to them, right 'Tus?" tanong ni Mathilda sa kaniyang kapatid . Tumango lamang ito sa kaniya as a sign of agreement. Palagi na lamang tango ng tango si Matthew sa kaniyang kapatid. Nakakatawa rin minsan itong anak ko. Palaging ini-spoil ang kaniyang kapatid na babae, kahit siguro hindi gusto niya ay gagawin pa rin nito hindi lang ma-
Hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala sa isip ko ang sinabi sa akin ni Travis. Kasal pa raw kaming dalawa? Pinagloloko niya lang ba ako o ano? Nakakainis din minsan itong lalaking ito, dahil tinatanong ko siya hindi naman nasagot. Sabi niya pag-uwi na lang daw namin sa Pilipinas pag-usapan. Kating-kati na nga akong malaman kung bakit hanggang ngayon ay kasal pa kaming dalawa. Akala ko ba malaya na ako sa kaniya? Hindi pa pala. Mapapamura ka na lang talaga sa inis. Kung hindi lang kami nasa loob ng eroplano ay kanina ko pa siya sinagawan.“Mas mabuting matulog ka na muna, ipagpahinga mo na muna iyang isip mo.”Napalingon ako sa kaniya at inarapan siya. “Hindi ako makatulog, kasalanan mo ito! Paano kasing kasal pa tayo? Pinagloloko mo na naman ba a