Home / Romance / His Secretary / Chapter Three

Share

Chapter Three

Author: nhumbhii
last update Last Updated: 2021-06-01 16:55:50

CHAPTER THREE

AKI's POINT of VIEW

Lumabas na lang din ako sa elevator para makapaghanap ng mapagtatanongan. Gustuhin ko mang pumunta sa information desk na nasa ground floor, kaso baka matagalan lang ako at ma-late sa unang araw ko dito.

"Excuse me," pagtawag ko sa babaeng papalapit sa gawi ko.

"Wait lang, seryoso ba 'tong nakikita ko?" nagtataka niyang tanong, kaya nahawaan din ako at medyo nagtaka sa sinabi niya. "Diyan ka lumabas?" tinuro-turo pa niya ang elevator na ginamit ko at kunot noo ko naman itong nilingon para tignan kung may sira ba ang elevator.

Parang wala naman e, anong masama kung diyan ako sumakay?

"May multo bang nakatrap diyan?" hindi makapaniwalang tanong ko.

Ganyan ang mga kadalasang napapanood ko sa movie. 'yong may multo sa loob ng elevator kaya hindi pinapagamit sa mga tao dahil baka multuhin sila sa loob.

Humagapak sa tawa ang babae at may pahampas-hampas pa sa balikat ko nang mahina. "Nagpapaniwala ka sa mga ganyan? Alam mo bang mahigpit na ipinagbabawal ni Boss ang sinumang gumamit ng VIP elevator na walang permiso galing sa kanya? Siya lang ang VIP dito sa company kaya malamang na siya lang din ang may karapatang gumamit ng VIP elevator." paliwanag niya matapos siyang matawa.

Kung gano'n, may nilabag na akong rules dito sa loob? Babawasan ba nila ang sahod ko? Paano naman ang nakasabay kong janitor na recruiter kanina? Sa pagkakaalam ko, hindi kalakihan ang sahod ng mga janitor, paano kapag pati siya ay kinaltasan? 

"Baguhan ka ba dito?" sunod niyang tanong saka nagsimula nang maglakad.

Sinundan ko din siya ng lakad para matulungan niya ako. Mukhang mabait naman 'to e. "Yep. Kanina lang ako nakapag-sign ng contract at-"

"Really? Sa anong department ka?" parang nae-excite niyang tanong.

Feeling ko magkakaroon na ako ng kaibigan dito. Pero hindi ko alam kung anong ibig sabihin ng tanong niya. Nag-apply lang naman ako dito as secretary, so ibig sabihin ba no'n ay nasa secretaries department ako? 

"Secretary ako e, pero hindi ako sure kung saang department talaga ako. Meron ba ditong secretaries department?" pabalik tanong ko sa kanya.

Ewan ko ba kung bakit bigla na naman siyang natawa. Mukha ba akong clown? Hindi na nga ako naglagay ng make-up para maaliwalas ang mukha ko tapos pagtatawanan niya lang ako?

"Funny ka, alam mo ba 'yon? Hahahahahaha..." 

Psh. Funny daw ako. Napaka-judgemental naman ng babaeng 'to. Akala ko pa naman mabait siya, pero pareho lang naman pala sila ng bakla kanina sa HR office. 

"Kanino ka ba naka-assign? I mean, madami ang secretary dito dahil-"

"Sa anong department naka-assign si Sir Aldrich?" tanong ko sa kanya para diretsahan na lang at nang makaalis na ako.

Parang nabigla pa siya sa tanong ko, ewan ko pero mukha siyang nabigla na para bang may kabigla-bigla sa sinabi ko. Baka naman bigla na naman niya akong pagtawanan. Hindi naman ako weird e, siya nga 'tong judgemental.

"Si Sir A-Aldrich ang boss mo?" napatakip pa siya sa kanyang bibig nang tumango ako. Pagkaraan ng ilang segundo, kaagad niya akong hinila sa kung saan man. "Kanina ko pa nakita si Sir Aldrich, sana naman aware ka na ayaw niya sa mga taong late comers." natataranta niyang sabi.

Mas natataranta pa siya kumpara sakin. E, hindi pa naman ako late e. Sabi kahapon ni Sir Gino na seven in the morning daw ang start ng trabaho ko. Six-thirty pa lang, may thirty minutes pa ako.

"Ayan ang opisina ni sir. Pumasok ka na lang at ihanda ang sarili mo sa kung ano mang trahedya ang mangyayari sa loob." tinulak niya ako palapit sa glass door. Nagtataka akong napabaling sa kanya at nakita siyang nag-sign of the cross pa. "Ipagdadasal kita kahit ngayon lang kita nakilala. Nawa'y patnubayan ka ng panginoon." 

Kahit puno ng pagtataka, napakibit-balikat na lamang ako at pumasok sa loob. Mas weird pa ang mga employee dito kesa sakin.

"Good morni-Anong ginagawa mo dito?" balak ko pa sanang bumati nang makita kong nandito na naman ang janitor na recruiter na nakasalubong at nakasabay ko kanina sa elevator. 

Mabilis akong naglakad palapit sa kanya, nasa table kasi siya ng boss ko at sapilitan siyang hinila paalis do'n.

"What the f-ck is your-"

"Sssssh!" pigil ko sa kanya at tinakpan ang bibig niya. Malakas pa naman ang boses nito, baka marinig pa kami ni boss at masesante kaming dalawa. "Alam mo ba kung gaano karami ang nilabag mong batas ngayong araw?" pagpapaalala ko sa kanya, gusto ko lang ang maging aware siya sa ginagawa niya.

Mas lalo kong tinakip ang palad ko sa kanyang bibig nang aakmang sasagot sana siya. Hindi siya pwedeng gumawa ng kahit ano mang ingay dito, ang kailangan ko lang ay mapalabas siya nang hindi nakakagawa ng ano mang gulo. 

"Kanina, sabi sakin ng isang employee na bawal daw gamitin ang VIP elevator na walang permiso galing kay boss. E, concern lang naman ako sa'ting dalawa dahil ginamit natin ang elevator at labag 'yon sa rules, tapos ngayon panibagong rule na naman ang nilabag mo? Alam mo bang nabasa ko sa protocol na bawal ang kung sino man ang pumasok sa loob ng opisina ni boss na hindi nakapag-schedule ng appointment? At talagang umupo ka pa sa mismong pwesto ni boss. Nasisiraan ka na ba?" mahaba kong pahayag.

Napabitaw ako sa kanya at sinapo ang noo ko. Malaking problema 'to at lagot ako kay boss kapag nadatnan niyang nandito ang janitor na recruiter. Secretary ako at dapat lang na i-handle ko ang mga ganitong klaseng bagay.

"Okay, ganito na lang ang gagawin natin," bumaling ulit ako sa kanya at hinawakan ang magkabila niyang braso. "Lumabas ka na lang ngayon mismo at hindi ko ipagsasabi kay boss na-"

"Ginag-go mo ba ako?" mura niya dahilan para takpan ko na naman ang bunganga niya.

"Huwag ka ngang magmura-"

"Hindi mo ba ako kilala?" inis niyang tinabig ang kamay ko at matalim ang mga matang tinitigan ako. "I am your boss and-"

Napahinto siya sa pagsasalita nang tinawanan ko siya ng malakas. Kahapon lang recruiter tapos naging janitor, ngayon naman umaakto siyang parang si Sir Aldrich? Malakas na ang tama nito sa utak. 

"O, sige. Ganito na lang, kung nagbibiro ka, tatawa ulit ako. Pero kung gusto mo akong mapaniwala sa mga joke mo, show me your evidence na ikaw talaga ang boss ko." hamon ko sa kanya

Mga ganitong klaseng tao, ang taas kung mangarap. Sana binabaan niya lang ng kaonti, hindi nga ako nagyayabang na aabot hanggang dalawang milyon ang sahod ko sa isang taon, tapos siya na janitor lang, nagmamayabang sakin?

"Ipakita mo sakin ang mga ID mo." 

"Kung ipapakita ko sayo, masisiguro ko bang aalis ka na dito at hindi na magpapakita sakin kahit kailan?" 

Saglit akong napaisip pero umuo din kaagad. Sigurado naman akong hindi siya ang boss ko dahil isa lang siyang janitor na recruiter dito sa InLine. 

Bumalik siya sa table ni boss at may kung anong hinalungkat sa drawer. Lagot talaga siya kapag nakita ni Sir Aldrich ang ginagawa niya ngayon. Mayabang na, nakikialam pa ng gamit na hindi naman sa kanya. 

"Here," inabot niya sakin ang isang passport at kinuha ko naman ito para tignan kung sino ang may-ari. "Pwede ka nang umalis." 

Aangal pa sana ako sa sinabi niya pero pagkabuklat ko sa passport, awtomatikong nagsitayuan ang mga balahibo ko sa katawan pagkabasa ko kung sino ang may-ari. Dahan-dahan akong tumingin sa gawi niya at nakitang sumilay ang isang ngisi sa kanyang labi.

"Gusto mo bang ipasundo pa kita sa mga security?" 

Lagot. Anong klaseng katangahan ba 'to?

Related chapters

  • His Secretary    Chapter Four

    CHAPTER FOURAKI's POINT of VIEW"Sir, sorry na po. Hindi ko po talaga alam na kayo ang boss dito." pagmamakaawa ko habang nakaluhod sa kanyang gilid.Nakaupo siya ngayon sa swivel chair at may kung anong pinagkakaabalahan sa laptop niya. Ako naman 'tong mukhang ewan na kanina pa nagso-sorry pero ayaw niya pa din akong patawarin.Gusto niya akong sesantehin pero ayokong mawalan ng trabaho. Gipit na gipit pa naman ako ngayon dahil sinisingil na ako ng may-ari ng inuupahan kong apartment. Ang magtrabaho dito ang naiisip kong solusyon para makaraos ako sa kagipitan."Hindi ko na po uulitin ang ginawa ko, huwag niyo lang akong sesantehin."Napa-please gesture pa ako para lang makita niya kung gaano ko pinagsisihan ang ginawa ko. Malay ko ba kasi na siya pala ang big boss dito? Hindi naman ako 'yong tipo na nagre-research muna ng company's background at profile back

    Last Updated : 2021-06-01
  • His Secretary    Chapter Five

    CHAPTER FIVEAKI's POINT of VIEW"AKI!"Napaangat ako ng tingin at binalingan ang taong tumawag sakin. "May kailangan ka, Yanna?" tanong ko dito.She's Alyanna, from Sales Department. Siya 'yong kumakausap sakin dati no'ng first day ko pa lang dito."Come here, ipapakilala kita sa mga ka-team ko sa Sales Department." sagot niya at sinenyasan pa akong lumapit sa kanya.Napakunot ang noo ko pero hindi nagtagal, umalis din ako sa station ko at lumapit sa kanya. "Para saan?" taka kong tanong.Siyanga pala, dalawang araw nang hindi pumapasok si Boss dito. Ang sabi ni Sir Gino, nagka-allergy daw siya dahil sa binili kong breakfast dati. Nahihirapan pa itong huminga kaya mas piniling pagpahingain muna ito para hindi lumala ang kalagayan nito.Akala ko nga tatanggalin na ako dahil pumalpak na naman ako, pero ang sabi ni Sir Gin

    Last Updated : 2021-06-02
  • His Secretary    Chapter Six

    CHAPTER SIXAKI's POINT of VIEW"Sir, gusto niyo po bang isama ko sa schedule niyo bukas an—""Don't ask me. That's your job." putol niyaNagtatanong lang naman e. Ang hilig niyang magsungit. Pasalamat siya at mahaba ang pasensya ko dahil kung hindi, malamang sa malamang nakipagtarayan na ako sa kanya kahit na hindi ako marunong magtaray."Baka po kasi ayaw niyong—""Get out!"Hindi pa nga ako tapos e. Isinara ko na lang ang pinto at muling bumalik sa pwesto ko. Tinitigan ko na lang ulit ang pangalan ni Mister Alegera. Nang hindi ako mapakali, tumayo ako at binuksan ulit ang pinto ng opisina ni Boss."Pero sir, baka kasi—""Go back to your station. Don't enter my office not until I said so." seryoso niyang sagot.Laglag balikat naman akong bumalik sa station ko

    Last Updated : 2021-06-03
  • His Secretary    Chapter Seven

    CHAPTER SEVENAKI's POINT of VIEW"Cheers to the newly hired!" sigaw ni Yanna saka tinungga ang basong naglalaman ng alak.Kasali na din ang iba pa naming kasamahan, maliban lang sakin dahil hindi ako umiinom ng alak. Tanging juice lang ang panlaban ko ngayon.Nag-eexpect kasi ako na ibang welcome party ang tinutukoy nila. Nakagisnan ko kasi samin na kapag may party, kainan lang at walang inuman kagaya nito."Tara na sa dance floor." yaya ni Sheena pagkatapos niyang ilagay sa table namin ang pinag-inuman niya."Bet ko 'yan. Tara na!" gatong naman ni Sandy at sabay na silang umalis papunta sa mga taong nagsasayawan.Napanguso na lang ako nang sumunod si Yanna sa kanila pero bago siya umalis, may dinukot pa siyang asin at kinain ito."Ganyan talaga ang mga 'yan. Sanayin mo na lang ang sarili mo." singit ni Glenn at nang matapos siya

    Last Updated : 2021-06-04
  • His Secretary    Chapter One

    CHAPTER ONETHIRD PERSON's POINT of VIEW"D-mn it! Where is my secretary?" sigaw ni Aldrich saka hinawi lahat ng mga papeles dahilan para mahulog ang mga ito sa sahig.Padabog na tumayo ang binata at halos magkasalubong ang mga kilay na lumabas sa kanyang opisina. Saktong pagkabukas niya sa tinted glass door, sumalubong sa kanya ang dati niyang sekretarya na si Gino na ngayo'y isa nang Chief Human Resources Officer ng kanyang kompanya."Anong oras na? Bakit wala pa din hanggang ngayon ang sekretarya ko?" reklamo niya at napakamot na lamang ng ulo si Gino na para bang nag-aalinlangang sabihin kung nasaan ang sekretarya ng kanyang boss. "Call her now! Tell her na kapag hindi pa din siya dumating within—""Nagresign na po siya, boss." putol ni Gino.Mas lalong napakunot si Aldrich dahil sa kanyang narinig. "Seriously? Without my permission?" nakangising tanong nito.

    Last Updated : 2021-06-01
  • His Secretary    Chapter Two

    CHAPTER TWOAKI's POINT of VIEW"Good morning po," bati ko sa mga security guard pagkapasok ko sa entrance ng InLine main building.Dumiretso ako sa loob at binati din ang mga staff na nasa information desk. "Good morning."Maganda ang mood ko ngayong araw kaya gusto kong ipalaganap sa buong InLine ang kagalakan kong makapagtrabaho dito. First day ko ngayon at sinadya ko talagang agahan ang pasok ko para kahit papano'y hindi nakakahiya sa boss ko."Sir!" napasigaw ako nang wala sa oras nang makita ko ang lalaking nag-hire sakin kahapon at mukhang naghihintay ito sa elevator.Nakita kong napalingon siya sakin. Mabilis ko namang tinungo ang kinaroroonan niya at nakangiti itong binati. "Good morning po.""Akira, right? Ang aga mo naman ata?" tanong niya at saktong bumukas ang elevator. Pumasok siya at gano'n din ako."Ayok

    Last Updated : 2021-06-01

Latest chapter

  • His Secretary    Chapter Three

    CHAPTER THREEAKI's POINT of VIEWLumabas na lang din ako sa elevator para makapaghanap ng mapagtatanongan. Gustuhin ko mang pumunta sa information desk na nasa ground floor, kaso baka matagalan lang ako at ma-late sa unang araw ko dito."Excuse me," pagtawag ko sa babaeng papalapit sa gawi ko."Wait lang, seryoso ba 'tong nakikita ko?" nagtataka niyang tanong, kaya nahawaan din ako at medyo nagtaka sa sinabi niya. "Diyan ka lumabas?" tinuro-turo pa niya ang elevator na ginamit ko at kunot noo ko naman itong nilingon para tignan kung may sira ba ang elevator.Parang wala naman e, anong masama kung diyan ako sumakay?"May multo bang nakatrap diyan?" hindi makapaniwalang tanong ko.Ganyan ang mga kadalasang napapanood ko sa movie. 'yong may multo sa loob ng elevator kaya hindi pinapagamit sa mga tao dahil baka multuhin sila sa loob.

  • His Secretary    Chapter Two

    CHAPTER TWOAKI's POINT of VIEW"Good morning po," bati ko sa mga security guard pagkapasok ko sa entrance ng InLine main building.Dumiretso ako sa loob at binati din ang mga staff na nasa information desk. "Good morning."Maganda ang mood ko ngayong araw kaya gusto kong ipalaganap sa buong InLine ang kagalakan kong makapagtrabaho dito. First day ko ngayon at sinadya ko talagang agahan ang pasok ko para kahit papano'y hindi nakakahiya sa boss ko."Sir!" napasigaw ako nang wala sa oras nang makita ko ang lalaking nag-hire sakin kahapon at mukhang naghihintay ito sa elevator.Nakita kong napalingon siya sakin. Mabilis ko namang tinungo ang kinaroroonan niya at nakangiti itong binati. "Good morning po.""Akira, right? Ang aga mo naman ata?" tanong niya at saktong bumukas ang elevator. Pumasok siya at gano'n din ako."Ayok

  • His Secretary    Chapter One

    CHAPTER ONETHIRD PERSON's POINT of VIEW"D-mn it! Where is my secretary?" sigaw ni Aldrich saka hinawi lahat ng mga papeles dahilan para mahulog ang mga ito sa sahig.Padabog na tumayo ang binata at halos magkasalubong ang mga kilay na lumabas sa kanyang opisina. Saktong pagkabukas niya sa tinted glass door, sumalubong sa kanya ang dati niyang sekretarya na si Gino na ngayo'y isa nang Chief Human Resources Officer ng kanyang kompanya."Anong oras na? Bakit wala pa din hanggang ngayon ang sekretarya ko?" reklamo niya at napakamot na lamang ng ulo si Gino na para bang nag-aalinlangang sabihin kung nasaan ang sekretarya ng kanyang boss. "Call her now! Tell her na kapag hindi pa din siya dumating within—""Nagresign na po siya, boss." putol ni Gino.Mas lalong napakunot si Aldrich dahil sa kanyang narinig. "Seriously? Without my permission?" nakangising tanong nito.

DMCA.com Protection Status