Hindi kami matatahimik ni Trish kung hindi namin malalaman ang katotohanan, Lalo na ako hindi ako mapapakali. Pag dating ko sa department nila ay busy ang lahat nabaling ang atensyon nila sa akin at akmang tatayo para bumati pero agad ko silang sinenyasan na 'wag na, Tinanong ko nalang kung nasaan si Trish nasa Opisina daw nito, Ngumiti at nagpasalamat lang ako sa kanila bago tinungo ang Opisina ng kaibigan ko. Pag-pasok ko ay naabutan ko siyang nakaharap sa kanyang laptop at tutok na tutok. Hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin kahit alam niyang nandito ako. "Hey,." Kuha ko sa atensyon niya pero hindi pa rin nag-angat ng tingin. Napansin ko ang pagkain sa gilid ng lamesa niya mukhang hindi pa ito nananghalian. "Kanina pa kita hinihintay, bakit ang tagal mo? Come here. Nag sesearch ako about kay Mayell, baka may issue about sa pag bubuntis niya noon." Seryosong sabi nito, What? iyon ang pinagkakaabalahan niya? Akala ko pa naman ay abala ito sa line up for models i
"Someone? Who?" Nagtataka kong tanong sa kanya. Ngumisi ito sabay nguso sa aking likuran, lumingon naman ako. Napamaang ako ng makita ang gwapo kong asawa na matamis ang pagkakangiti habang may hawak hawak na dalawang malaking mangkok. Binaba na muna nito ang hawak sa lamesang nakahanda hindi kalayuan sa amin bago ito lumapit sa amin. "Hubby, I thought you had a meeting? What are you doing here?" Tanong ko ng makalapit siya, pero imbes na sagutin agad ang aking tanong ay marahan muna niya akong hinalikan sa noo, bago nagsalita. "There was no meeting, I just said that earlier so you wouldn't have to come up to my office and of course to surprise you. Naisipan ko na ipag-luto ka naman ng Dinner, Every time I come home from work, you always cook for me. We are both tired but you still choose to take care of us and cook. You deserved this wife because you are a good mother and wife." Napangiti naman ako sa sinabi niya parang ganito din ang sinabi niya sa akin noong isang
Pagkababa ko sa tapat ng Building ng Dela Cerna Corp ay nilibot ko ang tingin sa paligid nag-hahanap ng store na pwede mabilhan ng maiinom o pwede makain na sweets. I have a period today, kapag meron ako ay nag-hahanap ako ng something sweet na makakain para maibsan ang sakit ng puson na nararamdaman. Iyon kase ang comfort food ko. Tumigil ang paningin ko sa isang Cafe na merong tindang pastries. Nakangiti akong nag-tungo doon. Marami ang bibilin ko para hanggang mamayang hapon na rin. Wala akong balak kumain ng heavy meals ngayon dahil hindi ko trip. Good thing din na ngayon ako nag-karoon. Kaya nakapag-enjoy din ako kagabi kasama ang pamilya ko. Pumasok ako sa Cafe at bahagyang napangiti ng maamoy ang aroma ng kape. Bigla akong natakam! Dali-dali akong pumunta sa cashier at umorder ng dalawang kape, ibibigay ko kay Travis iyong isa. Tapos bumili ako ng isang buong chocolate mousse. Tapos brownies para hanggang mamaya ko. Malawak ang ngiti ko habang naglalakad pabalik sa DC b
Saturday Maaga akong nagising para makapag asikaso ng almusal at babaunin namin na lunch, Naisip ko na mag-luto na lang tapos sabay sabay kami mag-tatanghalian sa Opisina ni Travis. Ngayong araw ang simula ng practice at ng photoshoot. Kailangan nandoon ako para tignan ang lahat ng models, Kailangan ko rin alalayan ang mga kaibigan ni Trishana. Pati na rin si Tracy. Hinalikan ko muna si Travis sa noo bago ako lumabas ng kwarto. Habang pababa ng hagdan ay naisip ko na mag heavy meal kami ngayon dahil isang nakakapagod na umaga ito para sa amin. Fried rice, scrambled egg, ham at hotdog ang iluluto kong almusal at sa pananghalian naman ay mag luluto ako ng caldereta at fried chicken para sa mga bata. Dadamihan kona rin para pati si Trish ay sa amin na sumabay mananghalian. Makalipas ang isang oras at kalahati natapos akong makapag luto saktong sabay naman nagising ang mag-ama. Nakangiti kong sinalubong si Trishana habang pupungas pungas pa habang papalapit sa akin, excited
Iniwan lang niya sa akin ang gamit ni Trishana. Ang mga gamit ko lang ang dinala niya at ang makakain. Napaka gentleman talaga ng asawa ko. “Everyone listened! Sa 5th floor tayo dressing room. Bawat pintuan sa 5th floor may nakasulat na Kids, Teens at adult doon kayo papasok kung saan kayo naka-asigned, nag-hihintay sa loob ng dressing room ang mga make up artist niyo at mag-aayos para sa susuotin niyong Dress. We have a photoshoot ok? na-inform naman namin kayo right? Ang photo shoot na gagawin niyo ay para sa front magazine ng Dela Cerna Corp. And of course for advertisement. Yes, dinagdag namin iyon para dagdag sa portfolio niyo at syempre experience na rin. Galingan niyo ok? Malay niyo kapag nagustuhan ng ating hurado na si Mrs. Aaliyah Eunice Dela Cerna ang performance niyo maging exclusive model na kayo ng Dela Cerna Corp. Good opportunity iyon diba? Kaya gawin niyo lahat ng best niyo! Galingan niyo at magpakitang gilas!” Masaya at mahabang sambit ni Trisha na kina-inga
Aaliyah Eunice Tumayo ako para harapin ang apat na bata na base sa itsura ay nag-aalala din. Ngumiti ako bago isa isa silang tinignan. “She's okay, 'wag na kayo mag-alala. Narinig niyo naman ang sinabi niya na tumama lang daw sa pinto ang braso niya. Anyway, pumunta na kayo sa mga make up artist niyo para maayusan na kayo. Gagamutin ko muna ang pasa ni Tracy. Alright?” “Ok mom.” “Yes po Tita.” “Okay po.” Sabay sabay nilang sagot. Sinamahan ko muna sila saglit sa kanilang mga make up artist bago ko binalika si Tracy na gano'n pa rin ang ayos. “Tracy maupo ka muna. Habang hinihintay natin ang ilalagay na yelo sa pasa mo.” Malamyos na sambit ko sa bata. Tumango naman ito at sumunod naman sa aking sinabi. Kahit gusto kong tanungin ang bata ay hindi ko magawa, baka mas lalo itong matakot. Maya maya ay dumating na rin Trisha, wala itong imik ng i-abot sa akin ang ice pack. “Tracy, lagyan na natin ng yelo ang pasa mo huh?” Tumango ito at tahimik lang
Seryosong tumango tango naman si Travis bago muling bumaling sa akin. “Hindi ba siya anak ni Mayell? Sorry Wife kamukha kase siya ni Mayell. Akala ko nga anak niya dahil kapansin pansin ang Itsura nito ang laki ng pagkakahawig nila.” Medyo kabadong sambit nito. Nakakaintinding ngumiti naman ako. “Hindi siya anak ni Mayell, Nagkataon lang na magkamukha sila Hubby. Kahit kami ni Trish ay nagulat ng makita ang bata dahil kahawig nga ito ni Mayell pero napag alaman namin na mali pala kami, Nagkataon lang na magkamukha sila.” Malumanay kong sabi. Totoo naman saka naiintindihan ko siya. "I see." 'yon lang ang sinabi nito. Hindi na siya muling nagsalita pa. Saktong nagsimula na rin ang shoot. Nabaling na ang atensyon namin sa mga models, Nakangiti na kami pareho ni Travis habang pinapanood ang anak namin na ang ganda ganda at madaling nakukuha ang inuutos ng photographer. Sunod kong tinignan si Tracy na maaliwalas na ang mukha at madali rin nakukuha ang sinasabi ng photo
TRISHA Habang tinatahak namin ang papunta sa kabilang kwarto ay pa simple kong tinignan si Tracy, Nakangiti siya habang kinakausap si Chantal. Kung titignan mo siya ngayon aakalain mong walang iniindang sakit sa katawan. Bilib din ako sa batang ito, Nakakaya ang ganitong pag-trato sa kanya. Napakatapang niya. Pag pasok sa loob ay naabutan namin ang photographer na nag-aayos na ng gamit, Pati ang mga kasama nito. Sa kabilang dako naman ay nandoon sila Bes at Kuya. Napataas ako ng isang kilay ng mapansin ang kausap nila, Lalo na si Kuya. He is talking to Donica na ngayon ay kapansin pansin ang ginagawang pag-papacute sa kapatid ko. Hindi ba napapansin ni Bes ang ginagawa ng babaeng ito? Tsk. Tinignan ko ang kaibigan ko, kaya naman pala may ginagawa rin ito sa kanyang phone. Pasulyap sulyap lang siya. Kaya hindi napapansin ang ginagawa ni Donica. Confirm. Malandi ang babaeng ito at balak pang landiin si Kuya. Para siyang version 2.0 ni Mayell. Nawala lang ang atensyon