Nang makarating kami sa table kung saan nakapatong ang fake na alahas ay maingat na hinawakan iyon ni Mayell, nangingislap ang kanyang mga mata, Mukhang gustong gusto nga niya alahas na ito.. Napansin ko naman sa hindi kalayuan si Trish na nakatingin samin, Seryoso ang mukha nito. "You are very lucky Aaliyah because Travis named this very beautiful jewelry after you, Your husband loves you so much, Maybe the family you have is very happy and contented now? Satisfied with life? well, ano pa nga ba ang hahanapin niyo kung nasa inyo na lahat." Biglang sambit nito habang ang paningin ay nasa alahas, Halata sa boses nito ang inggit. Kung sa iba iisipin na pinupuri kami nito pero samin ay kakaiba, may hinanakit, inggit sa tono ng pananalita nito. This is the reason kung bakit siya bumalik, ang sirain ang meron kami at maging miserable katulad niya. Nang mag-angat ito ng tingin ay ngumisi ito, biglang tumalim ang tingin samin bago binalik ang atensyon sa alahas. "If you have not
Aaliyah Nang makarating kami sa kwarto kung nasaan sila Detective Zamora ay sabay sabay ang mga itong tumingin samin. "It's good that you're all here" Bungad na sabi samin ni Detective sabay senyas na maupo kami sa mahabang sofa na sinunod naman namin, Tapos pinatong nito sa isang lamesa ang kanyang laptop at hinarap samin. "Hindi kami nagkamali ng kotseng pinag-lagyan ng Tracking device, kotse nga iyon ni Mayell, At ngayon patungo ang mga ito sa Taguig." Paliwanag ni Detective, So, sa taguig siya nagtatago ngayon? "We recorded what Donica and Mayell had been talking about since they got in the car. Listen to this from the beginning until now." Sabay sabay kaming tumango at pinakinggan ang pag-uusap nila. "You're so good at acting, Ate. It looks like you got the attention of Aaliyah and convinced her of what you said earlier." It's Donica, Base sa boses nito halatang masaya sya sa nangyari kanina, Nagkatinginan kami ni Trish at sabay na napangiti. Isa lang ang i
Aaliyah Tumigil na ako sa pag-iyak, pero hindi pa rin ako mapakali, Ngayon ay patungo kami sa Batangas kung saan dinala ni Trish ang mga bata at kung nasaan sila Mommy at Mommy KIm. Sinilip ko si Travis na hanggang ngayon ay tahimik, I know na nag-aalala siya sa mga bata at gusto niya magsalita pero hindi niya ginagawa dahil alam niya na ganito ang itsura ko, Ayaw niya dagdagan ang nararamdaman kong pag-aalala at gusto niya maging malakas para sa akin. Siya ang kumausap kay Mommy kanina, hindi ko na natanong o hindi na niya sinabi sa amin ang pinag-usapan nila basta na lang niya kaming niyaya agad umalis at pumunta sa Batangas. Na pabor sa akin dahil gusto ko malaman ang dahilan ng pag-ka wala ng mga anak ko. Kung paano nangyari ang lahat ng ito. Hindi na nga kami nakapag palit ng damit dahil sa pagmamadali. Simula ng bumiyahe kami, walang umimik maski isa, Lahat ay nangangamba dahil sa balitang dala ni Mommy. Masyadong magulo ang lahat, biglaan na hindi namin inaasah
Aaliyah Nanghihinang binaba ko ang hawak na phone ng mawala na sa kabilang linya ang kausap ko. Napatulala na lang at Iniisip ang mga sinabi ng estranghero tumawag. Sino ang lalaking iyon? Sino siya? Bakit niya kami tinutulungan? Kakampi nga ba talaga namin siya? Totoo ba ang mga sinasabi niya? "Maniniwala ba tayo sa sinabi ng caller?" Tanong ni mommy. Habang may pangamba sa boses nito. "Ang hirap mag-tiwala, hindi natin kilala ang tumawag." Segunda ni Tita Kim. Tama sila, maniniwala ba kami? Paano kung pinapakagat lang kami? Mahirap mag-tiwala lalo't pa hindi namin kilala ang tumawag at hindi man lang ito nag-pakilala. Napasapo na lang ako sa aking mukha sa sobrang stress. Ibang usapan kapag mga anak kona, sila ang kahinaan at lakas ko. Naging matapang at malakas ako nitong mga nakaraan dahil panatag akong ligtas na sila, At para sa kanila ang ginagawa ko. Para sa pamilya namin, Pero ngayon na nawawala sila? At hindi alam kung sino ba ang kumuha ay para akong mawawala s
Aaliyah KINABUKASAN sa sobrang pagod ay tinanghali na kami ng gising, tapos napasarap din ang tulog ko dahil katabi ko si Travis. Nagiging payapa talaga ang katawang lupa ko kapag katabi ko matulog si Travis, Iba 'yung pakiramdam parang safe na safe ako, Saka panatag. Sa mga nag-daan na araw ito ang masasabi kong masarap at mahaba kong tulog. At masaya ako dahil doon dahil kahit papaano ay nakapag pahinga ako, Hindi din biro ang mga pinag-daanan naming lahat. Saka kakailangan ko ito, dahil pag balik namin bukas sa opisina panibagong pakikipag sapalaran na naman. Nasa hapag na kaming lahat para kumain ng tanghalian, Well para sa aming apa't nila Trish, this is our Brunch, Sila mommy ay nakapag almusal kanina at maaga nagising. Kukuha na sana ako ng ulam ng unahan ako ni Travis siya na ang kumuha at nag lagay sa plato ko, pati ang kanin. Sinalinan din niya ng juice ang braso ko, Pagkatapos niya gawin iyon ay tinignan niya ako habang may matamis na ngiti sa kanyang labi. "It's t
Aaliyah Tahimik akong tumayo na siyang pinagtaka ni Jam. Well, Alam ko naman na mang-yayari 'to, pero hindi ko inaasahan na ganito kaaga, Ilang oras palang buhat ng umalis si Mayell, Tsk. Ganoon na ba siya ka-atat para mapabaksak ako? Hindi man lang niya hinintay ang bukas. Bumuntong hininga ako, inaasahan ko naman na tatraydurin ako ng mga investor namin, Thas's why kinuha ko si Hector para may matitira pa ring paa ang kompanya at hindi agad bumaksak. Kaso hindi ko inaasahan na ipagkakalat nila sa buong kompanya ang balitang ito para mag-kagulo ang lahat. Pati ang mga boardmembers ay nagpapanik na naman. Marumi talaga mag-laro ang mga ito. Pero sorry sila hindi ako ganong kadali ng pabaksakin. Hinarap ko si Jam na ngayon ay nagtataka pa rin sa aking reaksyon. "Tawagin mo ang boardmembers for the emergency meeting, pati na rin ang mga investors lalo na si Hector at si Mayell kailangan andoon ang kanilang presensya. Pati si Donica Alcaraz, Alright?" Dahan dahan naman
Continuation... Nang mahimasmasan si Chua ay galit itong bumaling sa akin, Galit niyang hinampas ang lamesa sabay tayo. Dinuro pa ako nito. Tinitigan ko lang naman siya ng malamig. "Y-you! May ebedensya kaba sa sinasabi mo Mrs.Dela Cerna? Hindi maganda ang nambibintang! Pinapahiya mo ako sa maraming tao! Paano ko magagawang mag-nakaw sa kompanya? Kung ginawa ko 'yon dapat umalis na ako at hindi nagpaalam, nagpakalayo-layo, Hindi ba? Pwede kitang kasuhan sa ginagawa mong pambibintang sa akin at mapapahiya sa harap ng maraming tao ng walang ebendensya!" Galit na galit na sigaw nito sa akin, Natahimik naman ang lahat. "Shut up old man, don't scold my wife, maybe you forgot she's your Boss? And stop acting because we already know everything. You fcking traitor and thief!" Travis said as cold as ice and his eyes focused on Mr. Chua. Kitang kita ang galit sa mga mata nito, Nang silipin ko ang reaksyon ni Donica ay makikita ang gulat at pangamba sa kanyang mga mata, Si Mayell na
"Ginawa ko lang kung anong dapat Mayell! Hindi na tama ang ginagawa mong pag-hihiganti! Wala kaming kasalanan sa'yo! Gusto mong maging miserable ang buhay namin na hindi naman dapat! 'wag mong igaya ang buhay mo sa amin! Ikaw kase mas pinili mong maging miserable, Ikaw ang nag-lagay ng ganitong sitwasyon sa sarili mo, And now you want us to be like you!" Sigaw ko rin sa kanya, Naramdaman ko naman sa aking tabi si Trish at si Travis. Mas lalong nanlisik ang tingin nito sa amin. "Hindi ko inaasahan na nahulog ako sa mga plano niyo! Pag babayaran niyo ang ginawa niyong 'to, Hindi niyo alam kung paano ako magalit! At sa tingin mo papayag akong bumalik sa bulok na mental na 'yon ha?! Hindi! Sisiguraduhin ko munang magiging miserable ang buhay niyo! Hindi ko kayo hahayaan na maging masaya!" "Shut up you crazy b*tch! Tigilan mo ang paghihiganti mo sa kanila! tanggapin mo ang pagkakamali mo para matigil na rin 'yang kahibangan mo! Nasa mental kana lumabas kapa para manira ng m
TRAVIS A married life doesn't easy, dahil doon palang papasok sa pagsasama niyo ang mga pag-subok sa inyong buhay. Ang dami naming pinag-daanan ni Aaliyah, simula sa umpisa hanggang sa nagsama na kami at bumuo ng isang pamilya. Akala ko talaga tuluyan na akong iiwan ni Aaliyah, Akala ko masisira na ang pamilyang binuo ko. Salamat dahil may asawa akong maunawain at maintindihin. Nag-papasalamat talaga ako na pinilit ng mga magulang namin na ikasal kami ni Aaliyah, kasi siya pala ang babaeng bubuo sa akin, ang babaeng mamahalin ako sa kung ano ako, Ang babaeng mahal pa rin ako kahit nasaktan kona ng ilang beses, Ang babaeng pinaiyak ko pero tinanggap pa rin ako ng taos puso. Ang babaeng nagparanas sa akin ng totoong pagmamahal at pinaramdam sa akin ang totoong kasiyahan. She’s the right girl for me and to love her is very worth it. I never regret that she is the woman I loved and will be with until my old age. Sobrang proud ako dahil si Aaliyah ang asawa ko at duma
** “Love, the doctor said you were pregnant. We will have a baby, we will have the family we want. Binigyan na tayo ng anghel na ninanais natin. Thank you, Love. Sobrang saya ko.” Emosyonal na sambit ni Jacob, habang mahigpit na nakahawak sa kamay ng asawa. Samantalang si Bes, naman ay natulala. Hanggang sa unti-unting nanubig ang kanyang mga mata. At hindi makapaniwalang tumingin sa amin. “T-talaga? Buntis nga ako? Totoo 'yong hinala natin, Bes?" mabilis naman akong tumango habang may ngiti sa labi. At doon, napahagulgol na nga siya ng iyak. Niyakap naman siya ni Jacob. “Oh my gosh..'yung dating pinapangarap ko lang, binigay na ni lord. Magiging isang ganap na kaming pamilya soon." “Yes, love. Matutupad na ang pangarap natin.” Hinayaan muna namin sila saglit sa ganoong tagpo, umiiyak pa rin si Bes, iba talaga ang hormones ng buntis. “That's enough, Bes. Hindi pwede sa buntis ang ganyan, makaka-apekto sa baby. Hanggang maari dapat iwas sa stress okay?” Sunod sunod
Aaliyah Nakarating kami sa hospital at agad na dinala sa ER si Trisha para icheck kung anong lagay nito. Habang kami nag-hihintay lang sa labas. Hindi mapakali si Jacob, palakad lakad ito, pabalik balik. “Hey, Ja. Can you please, sitdown? Nahihilo ako sa'yo. Don't worry too much. Sigurado ok na si Bes.” Sabi ko ng hindi na matiis ang pagpapabalik-balik niya. Nilingon naman niya ako. “How can I calm down, Ali? my wife is inside and I don't know the reason why she fainted, then you still don't want to tell us what really happened.” Halata sa boses nito ang pagkairita, naiintindihan ko naman. Bumuntong hininga ako bago siya tinitigan ng deretso sa mga mata. “I understand that you're worried, but I don't want to say my suspicions right away. Maybe I'm wrong and giving more problems. I want to make sure first and I really want the truth to come from the doctor or Bes. I'm sorry. You will understand me later. I don’t want to rush right now; there’s still no certainty.” Sery
KINABUKASAN Nagising ako dahil may naririnig akong nagsusuka, nakapikit ang isang mata ng kapain ko sa center table ang phone ko para icheck ang oras, 5:18am palang. Ang aga-aga pa. Dahan-dahan akong bumangon at pinakinggan kung tama ba ang naririnig kong may nag-susuka. Nang masigurado kong may tao nga sa banyo ay bumaba ako sa kama at sinilip ang bawat higaan kung sino ang kulang. Nangunot ang noo ko, nang makitang walang katabi si Jacob, Sobrang sarap ng tulog nito na hindi niya alam na wala na siyang katabi. So, means si Trisha ang nasa loob at nag-susuka? Muli kong pinasadahan ng tingin ang higaan, malalalim pa rin ang tulog nila. Mukhang pagod na pagod sa bihaye kahapon at sa pag-langoy tapos sinabayan pa ng uminom kami kagabi. Dalawang beer lang naman ang aking ininom. Sila ay medyo nakarami din pero hindi naman mga lasing o may tama. Sakto lang para pampatulog talaga. Pagkatapos ko pasadahan ng tingin ang lahat ay dahan dahan na akong nag-lakad patungo sa ba
Aaliyah Matapos kumain, nag-pahinga lang kami saglit, bago nagpalit ng damit pang-ligo. Inuna ko munang bihisan si Trisha na excited na excited ng bumaba. Sinunod ko naman si Trevor na tuwang tuwa din sa kanyang salbabida na binili ni Travis sa baba. Nang masiguro kong ok na ang mga bata, ako naman ang sumunod na nag-bihis. Isang bikini na kulay pula ang sinuot ko, tapos ay pinatungan ko iyon ng isang white maxi summer dress with slit. Hinayaan ko lang nakalugay ang wavy kong buhok. Nang makuntento sa ayos ng aking suot ay lumabas na ako ng banyo. Saktong ako na lang pala ang hinihintay ng lahat. Napangiti ako ng makita ang ayos ng asawa ko. Parehas kami ng kulay ng damit. Ang sa kanya naman ay isang floral hawaiian summer polo shirt na naka bukas at may panloob na sandong puti tapos ay isang board short na navy blue ang kulay. Napaka-gwapo talaga ng asawa ko. "Okay na ba ang lahat? let's go! saktong sakto ang baba natin." Excited na yaya sa amin ni Trisha. Kinuha nit
Nang mag-park si Travis ay binalingan kona si Trishana at Tracy, para dahan-dahan gisingin. Si Trevor naman ay mabilis lang nagising ni Elsa, Alam na alam na talaga niya kung paano gigisingin ang bata na hindi totoyoin. Kanina habang nasa biyahe ay nasa akin si Trevor nilalaro ko siya at nagbobonding kaming mag-ina kaso ng inantok na ay hinanap pa rin niya si Elsa at doon na nga ito nakatulog sa kandungan ng babae. Wala naman akong nagawa dahil laging si Elsa talaga ang nakasama nito sa nagdaan na buwan at araw. Ang problema lang kapag bagong nanny na ang mag-aalaga dito. Baka ang mangyari ay hindi muna ako makapasok sa kompanya kapag nagkaganon. Baka mahirapan ang bago naming makukuhang nanny, kailangan ko muna siyang alalayan at ituro ang mga dapat gawin. “Girls, gising na. Nandito na tayo.” Malambing ang boses na gising ko sa kanila. Nang marinig nila ang sinabi ko ay agad agad silang umayos ng upo at sumilip sa labas. “Omg! Were here na po talaga!” Masayang turan ni
Aaliyah Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maawa sa itsura ngayon ni Trace. Hindi siya mapakali sa kinatatayuan dahil sa titig na ginagawad sa kanya ni Elsa. “Why didn't you tell me, you already told them?” Masungit na tanong ni Elsa, napakamot naman sa kanyang ulo si Trace. Oo, nga bakit hindi niya kase sinabi? “Sorry, gusto ko kase sabihin sa'yo ng personal kaso naunahan ako ni Aaliyah. Well, iyon lang naman ang hindi ko nasabi sa'yo. Sorry, Baby.” Paliwanag naman nito, inismidan naman siya ni Elsa. “Tss, lagi naman tayo magkatext hindi mo man lang ako inabisuhan. Nakakahiya tuloy na tinawag ko pang Maam, si Aaliyah. Baka naman sinadya mong 'wag sabihin, para maasar mo ako? Tama ba ako Trace Victor?” Napangiwi ito ng sabihin ng girlfriend niya ang buong pangalan niya. Lahat tuloy kami sa kanila na nakabaling ang atensyon, Si Travis, Trisha at Jacob na kanina busy sa pakikipag harutan kay Trevor ay ngayon nakatingin na kay Trace na parang batang pinapagalitan ng ka
Aaliyah Habang nasa biyahe kami ay hindi na ako mapakali, Excited na akong makita ang mga bata. Ngayon lang kasi sila nawalay sa amin ng ganito katagal. Kaya miss na miss kona sila. Hindi naman naging matagal ang biyahe namin dahil hindi kami naabutan ng Traffic, Isa pa maraming alam na shortcut si Trace, Iniwasan nito na madaanan namin, ang daan kung saan heavy Traffic, mukhang alam na nito ang mga pasikot-sikot dito. Isang sasakyan nalang ang ginamit namin dahil sa kagustuhan ni Trace, ang kotse ni Travis ay dinala na ng mga tauhan ng pinsan niya sa bahay nito. Well, Mas ok na rin ang isang kotse lang, Masaya kaya kapag marami kayo sa sasakyan. Hanggang sa makarating kami sa isang expensive subdivision, Yeah. Expensive dahil sa Forbes Park Makati pala nakatira si Trace. "Wow, hindi ko akalain na ganito kana kayaman ngayon, kuya Trace! Sa Isang Exclusive Subdivision ka nakatira! Shems, Forbes Park, expensive!" Namamanghang sambit ni Trisha sa pinsan habang nakamasi
Tumingin si Travis sa kanyang pinsan bago nagsalita. “Noong nasa batangas ang mga bata ay alam mo na talaga dahil pinapasubaybayan mo kami? May inutusan kang magmanman kay Mayell at nalaman mo ang balak niya? Kaya inunahan mona siya, Tama ba?” Tanong nito na siyang kinatango ni Trace. “Paano mo pala nakumbinsi ang mga bata na sumama sayo? Hindi agad sumasama kung kani-kanino si Trishana. Mukhang panatag na panatag na sila na kasama ka, base sa mga litrato na pinasa mo sa amin. Anong ginawa mo o sinabi sa kanya?” Muling tanong ni Travis. “Well, may isa pa akong sasabihin sa inyo, sorry kung ginawa ko ito. I need to do this for the safety of the kids at para mas lalong mapadali ko silang makukuha incase nga na may gawin si Mayell sa kanila. Si Elsa na yaya ni Trevor ay... Girlfriend ko.” “W-what?!” Sabay na turan nila Aaliyah, Trisha at Travis. Habang hindi makapaniwalang tumingin kay Trace na ngayon ay tipid na nakangiti. “Ano mo nga ulit si Elsa, Trace? Paki-ulit ng