Pinag-patuloy na namin ni Trish ang pag-aayos ng mga dress. Ibababa na rin namin ito sa first floor kung saan ang magiging dressing room ng models. Buti na lang nakisama ang sakit ng ulo ko at nawala din bago mag-tanghalian kanina. Ngayon ay nakamasid ako sa mga nag-aayos ng Auditorium, Inaayos na nila ang table and chairs na gagamitin pati ang mga lights. Nasa ganoon akong ayos ng maramdaman ko may gumapang na mga kamay sa aking baywang. Napangiti na lang ako dahil sa amoy palang nito ay kilala kona kung sino, saka wala naman ibang mag-ba back hug sa akin kung hindi ang asawa ko. "How are you feeling Wife? Nakasalubong ko si Trisha, she told me that you had a headache earlier. Are you ok now?" Malambing pero may bahid na pag-aalalang tanong nito. Napanguso ako dahil sa sinabi niya, minsan din talaga madaldal si Trish. Sinabi pa talaga sa kuya niya. Pero sa ganoon lang naman s'ya madaldal. Kapag mga seryosong bagay na ay maasahan ko ang kaibigan kong iyon. "Okay
Aaliyah Event Day Tanghali palang ay nasa kompanya na kami nila Trish dahil ichecheck nila ang auditorium kung ayos na ba at walang nakaligtaan. Si Trish ang naka-assigned sa checking, pati sa cater. Siya ang pinagkakatiwalaan doon ni Travis para sigurado. Habang ako naman ay abala sa mga gagamitin na dress ng mga models, Maaga ring dumating ang mga make up artist at inayos ang kanilang gamit. Sinet-up na nila ang kani-kanilang make up sa bawat vanity mirror na naka-helera sa dressing room. Alas tres ay aayusan ang lahat ng models. Maaga namin sila sinabihan at 'wag na wag malalate. Lahat ay abala sa kani-kanilang nakatokang trabaho. Tinatapos ko lang ang mga gagawin ko para kapag inayusan ako mamaya ay naka settle na ang lahat at wala ng problema. 2pm ng unti-unting nag-datingan ang ibang models, kasama na doon ang aking anak na super excited. “Sweetie, ang aga mo nasaan ang friends mo? Hindi mo ba kasabay?” Malambing kong tanong ng lumayo ito sa pagkakayaka
Bago kami makarating sa asawa namin ay ang dami munang humarang na bisita para kamustahin kami, batiin at mag-papicture. Pasimple na ngang kumukurot sa braso ko si Trisha, Atat na atat na itong makalapit sa asawa. kaso anong magagawa namin? hindi naman pwede iwan na lang basta ang guest. Saka ito rin naman ang dahilan kaya kami lumabas para tulungan si Travis na makipag usap sa mga bisita. Iyon nga lang hindi nila kami kasama. Nang may dumaan na waiter ay kumuha pa siya ng wine. Dalawa pa ang kinuha at binigay sa akin ang isa. Tsk, nakalimutan niyang hindi ako iinom kahit sabihin na konti lang ito. Rarampa pa ako mamaya 'e. Pero sige hayaan na. Hindi kona lang uubusin. Baka mapasarap ako. Kung hindi pa tinawag ng asawa ang babaeng kausap namin ay hindi pa ito aalis. Bumuga ng hangin ang katabi ko. “Finally, akala ko hindi na tayo makakaalis. Halika! Bilisan mona mag-lakad. Para makarating na tayo kela Kuya.” Hinila naman niya ako, hindi na inalintana ang ayos at pustura nam
Iba pa rin talaga sa pakiramdam kapag may aamin sa'yo na iniidolo ka nila. Hindi ako sana'y sa ganito. Saka halata nga sa kanya na idol niya ako dahil pati sa pagiging Alice Mendez ko noon ay alam niya. Mukhang nahalata naman niya at nabasa ang nasa isip ko. Mahinhin itong tumawa sabay hawak sa isa kong kamay. “Hindi man halata pero fan mo ako, Miss Aaliyah. I'm glad na nakita rin kita. Ilang beses akong sumubok na makita ka kaso hindi tumutugma sa oras ko.” Nakangiti nitong paliwanag na mas kinaganda pa niya lalo. If i'm not mistaken. Nabanggit sa akin ni Trishana na isa si Vivien sa hinahanggaan niyang model. Kapag nalaman niya na nandito ito, siguradong matutuwa iyon. “She's telling the truth Mrs. Dela Cerna. Pinilit niya talaga ako para lang makasama siya sa akin. Muntikan na rin kami mag-away dahil noong una ay ayoko siya isama.” Nakangiting turan ni Mr. Montenegro. Lumabi naman ang kaharap kong si Vivien bago bumaling sa asawa niya. “Kung hindi mo ako sinama n
Nagulat ako ng sumalubong sa akin ang isang palakpakan lahat ng models ay naka-abang sakin sa back stage. Habang masayang nag-papalakpakan. "Ang galing galing niyo po Tita Aaliyah!" "Pinanood po namin kayo sa screen na nandito, grabe po ang galing niyo." "Congrats mom! ang galing galing niyo pa rin po!" "Legendary po talaga kayo Mam Aaliyah!" "Grabe ang sexy niyo po maglakad kanina mam Aaliyah ang lakas ng dating." “Ibang iba po talaga kayo kapag nasa stage na. Dalang dala niyo po ang sarili mam Aaliyah.” "Yes, lalo na nong kumindat si Mam Aaliyah kay Sir Travis!" “Yeah, Nakakakilig! Bagay na bagay po talaga kayong dalawa ni Sir!” Bigla naman akong nakaramdam ng hiya sa sinabi ng mga adult model, Gosh, nakita pala nila. Pero Nakakatuwa na nandito sila lahat para batiin ako. Talagang hinintay nila akong matapos. "Thank you, Thank you, Ginulat niyo naman ako. Kayo din ang gagaling niyong lahat kanina. 'yong sinabi ko ha? 'wag kayong babalik agad sa back
Aaliyah I was busy designing Mr. Tan tuxedo when the door opened. Hindi ako nag-abala na mag-angat ng tingin. "Mam Aaliyah?" It's Jam my secretary she was the one who entered. "Yes? Do you need something Jam?" I answer while not looking at her. My attention was still focused on what I'm doing. "Ito na po pala ang pinakuha niyong kopya ng kontrata na pinirmahan ng mga models." Magalang na sabi nito. Tumango naman ako at sinenyasan siya na ipatong na lang sa gilid ng table ko ang mga iyon. Tahimik na sinunod naman niya ang sinabi ko. "Thank you Jam." Pasasalamat ko ng matapos siya. "Welcome po, May kailangan pa po ba kayong iba mam? Gusto niyo po ba ng coffee or juice?" muling tanong nito. "Wala naman na, mamaya na lang ako hihingi ng juice kapag natapos ko itong ginagawa ko. Pwede ka ng lumabas, tatawagin na lang kita kapag mag-papadala na ako ng juice. Thank you." Sagot ko habang ang tingin ay nasa sketch pad pa rin. "Okay po mam, lalabas na po ako.
Travis What the heck is this? Who sent me this kind of sh*t?! My forehead furrowed as I saw a piece of paper inside the box. Slowly, I came over and took it. Something was written, so I read it. 'Congratulations on the merged of Dela Cerna Corp and TDC clothing line. As well as the fashion show. You look very happy and contented Dela Cerna, but bad news gradually your happy days will end soon. Goodluck! Ps: I hope you like my little gift to you Dela Cerna. see you soon..' D*mn it! Who is this? I clenched my fist with the paper. Then I threw it back in the box. Tiim bagang at padabog akong nagtungo sa swivel chair ko tapos humarap sa intercom para tawagan ang secretary ko. "Santos, come here, now!" Padabog akong sumandal sa swivel chair sabay hilot sa aking sintido. Bumukas ang pinto ng opisina. "Yes, sir? Ano po ang kaila--Holy sh*t!" Napatigil at hindi makapaniwalang napatingin si Santos sa patay na ibon sa lapag. Nag-aalala siyang nag angat ng tingin sa akin
Travis “Ang gumugulo sa isipan ko Hubby sino siya? Bakit nakatingin siya sa akin? Or let's say sa bahay? Kaduda-duda dahil hindi naman agad-agad nagpapasok sa lugar na ito ng hindi dito nakatira.” Habang nakikinig sa aking asawa ay ramdam ko ang takot sa kanyang boses habang nag-kwekwento. Binaling ko ulit ang aking paningin sa labas ng gate. Tama siya hindi agad agad nagpapasok sa subdivision na 'to, mahigpit ang security. Kaduda duda nga. Oh, baka malakas lang ang kapit kaya madaling nakapasok. Basta pera ang usapan nagbabago ang tao. Madaling sumunod. Napaisip ako hindi kaya iisa ang taong nakita ni Aaliyah at ang nagpadala sa akin ng patay na ibon? Tsk. Hindi imposible.. nag umpisa na pala ito at sa asawa ko pa talaga ang inuna niya. “Does Trish know this?” Tanong ko bago siya ma-ingat na hinila para akbayan. Napansin ko ang pag-himas niya sa kanyang braso hudyat na hindi siya komportable. “Yes, I told her. Hindi ako mapakali that night, hindi din ako nakatulog