Share

Kabanata 3

last update Huling Na-update: 2020-08-15 20:32:47

Run away

I can’t help but pace back and fourth here in my room. Hindi ko makalma ang aking sarili dahil sa bilis ng mga nangyayari. Muli akong lumapit sa pinto at pinilit ‘yong buksan pero wala akong napala; no way out. Hinampas ko nang malakas ang pinto sa sobrang galit.

"Ano ba! Open the goddamn door, please?! Grandpa, don't do this to me!" Sigaw ko, nagbabaka sakaling makikinig ang Grandpa sa akin, na maaawa siya at titigilan niya na ang lahat ng kalokohang 'to.

But why am I even expecting? I knew him so well. He's more heartless than any evil. He planned to ruin my life and this must be his way of doing it!

Ngayon ang araw ng kasal ko. Kinulong ako rito para hindi ako makatakas. Kahit si Kuya Dmitri ay walang magawa sa nangyayari dahil ipinadala siya ni Grandpa sa Cebu para sa isang business meeting. Narinig ko ang pagtatalo nila kagabi pero hindi pa rin nagpatinag ang matandang 'yon! He doesn't care about me at all!

"Grandpa! I'm begging you! Huwag niyo namang gawin sa akin 'to! Grandpa!"

Paulit ulit kong hinampas ang pinto. Alam kong may mga nagbabantay sa labas ng kwarto pero hindi nila ako pinapakinggan.

Raphael Crisostomo Lim is a devil. I will never ever forgive him! Hindi ko mapigilan ang emosyon ko. Kinamumuhian ko ang sarili kong lolo sa ginagawa niyang 'to sa akin. How could he sell his granddaughter? How could he punish me this way?

Gustuhin ko mang tawagan si Reid para humingi ng tulong ay hindi ko rin magawa. Grandpa took my phone, ensuring that my connection to my friends will be lost and no help will be given to me.

Kung ang ibang lolo ay tinuturing na prinsesa ang kanilang mga apo, kabaligtaran naman ang dinadanas ko sa sarili kong lolo.

Naupo ako sa kama. Nanghihina ako sa kakaisip ng paraan para makaalis dito. Kinakabahan na ako at pilit na pinipigil ang nagbabadyang mga luha.

"Makaalis lang talaga ako rito... I won't come back here anymore," napapikit ako at huminga nang malalim.

Napatayo ako nang may dalawang babaeng pumasok sa kwarto ko. Mabilis namang isinarado ng gwardya ang pinto. Kumunot ang noo ko sa dalawang babae. Ang isa ay may dalang malaking box at ang isa naman ay may hawak na wedding gown.

Ni hindi ko maalis ang tingin ko sa wedding gown. Gustung-gusto ko itong sirain!

"Napakasama niya talaga..." I whispered.

I smiled bitterly as I imagined myself wearing that damn wedding gown. Hindi ko naisip na sa ganitong paraan ko mararanasan ang isang kasal. I am not that romantic, kaya siguro fixed marriage ang ibinigay sa akin.

"Miss, kailangan niyo na pong maligo para maayusan namin kayo." Sabi ng babaeng sa tingin ko ay nasa thirty's na ang edad. Maamo ang mukha nito pero alam kong hindi ko siya mahihingian ng tulong dahil malaki ang binayad sa kanya ni Grandpa.

"Pwede bang lumabas na kayo? Hindi naman kayo nakakatulong sa sitwasyon ko ngayon!" Singhal ko sa kanilang dalawa.

Inilapag ng isang babae ang wedding gown sa kama. Agad ko naman iyong kinuha at binalibag sa harap nila.

"Hindi ako magpapakasal! Bakit ako magpapatali sa hindi ko naman gusto? You have no right to manipulate my life!”

"Miss, napag-utusan lang po kami."

"Wala akong pakialam! Just get the hell out of my room!" I screamed out of frustration.

"Cassandra!" Boses ng Grandpa iyon na hindi ko na namalayang pumasok ng kwarto. He's now wearing a white tux. He's very prepared... Matalim ang pagkakatingin niya sa akin na para bang isa akong kaaway na gusto niyang pahirapan.

Seriously? Is this how should I be treated?

"Grandpa..." Nangliit ang boses ko. "Please, huwag naman pong ganito..."

Lumapit ako sa kanya para magmakaawa. Hahawakan ko palang sana ang mga kamay niya ngunit mabilis niyang hinawi ang mga kamay ko bago ko pa siya mahawakan.

"Cassandra, you're no longer a child. Ilang oras na lang ay ikakasal ka na kaya huwag ng matigas ang ulo mo!" mawtoridad niyang wika sa nakakatakot na boses.

"Pero ayaw kong magpakasal! Bakit niyo ginagawa sa akin 'to? Hindi niyo man lang ba iisipin ang nararamdaman ko?" I told him angrily.

"Sa paraang 'to ka lang makakatulong sa akin, Cassandra! Kung tumatanaw ka ng utang na loob, gagawin mo 'to!"

Hindi ako nakapagsalita. So sa ganitong paraan niya 'ko gustong magbayad ng utang na loob sa kanya? He wants me to live a miserable life, then?

Iyon lang ang sinabi ni Grandpa pagkatapos ay lumabas an ito ng kwarto. Halos hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko.

Ang sarili kong kadugo ay pinagkaitan ako ng kalayaan. Utang ko pala na nabigyan ako nang maayos na buhay. I sighed in disbelief. Naalala ko kung paano ako tratuhin ng mga magulang ko noon. Mahal na mahal nila ako. Kung buhay sila ay hindi 'to mangyayari.

Bakit ba kailangan pa nilang mawala sa akin?

"Miss..."

Halata sa dalawang babae ang pag-aalala ngunit wala naman silang magagawa. They are just following orders.

"Maliligo na 'ko." Tanging nasabi ko at saka pumasok ng banyo.

Pagkatapos kong maligo ay inayusan nila ako. Hindi na 'ko nagmatigas. Parang nawalan na lamang ako bigla nang lakas ng loob na lumaban. Hindi mawala sa isip ko ang mga sinabi ni Grandpa. Kung ganoon, may kabayaran ang pagpapalaki at pagpapakain niya sa akin.

Namuo ang mga luha sa mga mata ko ngunit agad kong pinigilan ang pagtulo ng mga 'to. Mommy won't like it if I cry over this thing.

Hindi rin ako kinausap ng dalawang stylists na lubos ko namang pinagpapasalamat. Ayokong idamay sila sa galit ko dahil ginagawa lang naman nila ang trabaho nila.

Nang nasa bridal car ay hindi na ako makapag-isip nang maayos. Nanlalamig ang kalamnan at mga palad ko. Kung kanina ay parang tinanggap ko na ang fixed marriage na ito, ngayon naman ay nagdadalawang isip ulit ako. Katabi ko si Grandpa pero hindi niya ako iniimik.

"If only my parents were still alive... They won't let you do this, Grandpa."

Diretso ang tingin ko sa harapan ng kotse ngunit alam kong napatingin sa akin ang matanda. Sana mapagtanto niya na mali 'to. Maling mali. Kung gusto niya 'kong magbayad sa lahat nang tinulong niya sa akin, gagawin ko 'yon. I'll work hard for it. Hindi lang sa ganitong paraan.

"You were the reason why they are gone. Keep that in your mind, Cassandra."

Hanggang kailan niya 'ko sisisihin sa nangyari? This old man has gone crazy... Akala niya yata ay hindi masakit sa akin ang mawalan ng magulang. Ako ang mas nawalan kaysa sa kanya!

Kailangan ko na talagang makatakas dito... Hindi ko kayang magpakasal!

Lumingon ako sa likod at napansing walang nakasunod na bodyguards ni Grandpa. Lahat ay nasa harapan at nauuna. Huminto ang kotse dahil nag-red na ang stop light.

Agad akong nag-isip...

Cassandra, it's now or never...

Mabilis kong binuksan ang pinto sa gilid ko. Halata naman ang pagkagulat sa mukha ni Grandpa sa ginawa ko. Palabas na ako nang hawakan niya ang braso ko pero agad kong kinagat ang kamay niya dahilan para bitawan niya 'ko.

"Cassandra!" Tawag niya sa akin nang tumakbo ako sa gitna ng maraming sasakyan.

May mga bodyguards na sumunod sa akin kaya mas binilisan ko ang pagtakbo. Puro busina ng mga sasakyan na ang naririnig ko dahil malapit ng mag-go ang stoplight. Hindi ko alam kung paano ko natawid ang kalye sa kabila ng mga sasakyang narito pero hindi nila ako nahabol dahil nagsimula nang mag-andaran ang mga sasakyan.

Kinuha ko ang pagkakataon na 'yon para makalayo. Hinawakan ko ang dulo ng wedding gown ko para maiangat 'yon at tumakbo kahit hindi ko alam ang lugar.

Sana hindi nila ako maabutan.

Sana...

Ilang kalsada ang tinawid ko. Ni hindi ko alam kung saan ako pupunta. Ang gusto ko lang ay makatakas at hindi mahuli ng mga tauhan ni Grandpa. Maraming tao ang tumitingin sa akin. Marahil ay nagtataka kung bakit may bride na tumatakbo.

A bride running away for her life...

Wala akong pakialam sa iisipin ng mga tao. Kalayaan ko ang pinaglalaban ko!

Sunod-sunod ang panalangin ko habang tumatakbo. Napapagod na ‘ko pero hindi ko gugustuhing tumigil.

Hindi nila ako pwedeng mahuli.

Pumasok ako sa mga iksinita. Nang pakiramdam ko ay ligtas na 'ko ay saka lamang ako tumigil para huminga. Ang sakit ng dibdib ko sa sobrang pagkahingal.

"Damn it!"

Napasandal ako sa pader. Huwag naman sana akong hikain. Hindi na 'ko makahinga nang maayos. Napaupo ako habang hawak ang aking dibdib.

May batang babae na dumaan at napatingin sa akin. May hawak itong tinapay na nasa plastik. Huminto ito sa harapan ko.

"Ate, ayos ka lang?" Tanong niya sa akin.

Hindi ako makahinga...

Shit, huwag ngayon...

"P-plastik..." Hinahabol ko pa rin ang paghinga ko, "A-akin na lang... 'yong p-plastik mo..."

Nakuha naman niya ang sinabi ko kaya inalis niya ang tinapay sa plastik at ibinigay 'yon sa akin. Mabilis ko itong hinablot sa kamay niya at saka huminga nang huminga nang itinapat ko ito sa aking bibig.

Mangiyak-ngiyak ako habang humihinga. Pakiramdam ko ay mauubusan ako ng hangin at katapusan ko na habang ang bata ay kuryoso’t nakatingin lamang sa akin.

Ilang minuto pa ay umayos na ang paghinga ko. Tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigil. Bahagya rin akong um-ubo.

"Ate..." tawag sa akin ng bata.

Nginitian ko ito habang pinipigilan ang paghikbi, "Salamat."

Hindi ko na mapigilan ang mga luha ko sa paglandas ng mga ito sa aking mga pisngi. Buti pa ang batang 'to. Ni hindi ko kaanu-ano pero sa murang pag-iisip ay marunong magmalasakit sa kapwa, samantalang ang matandang 'yon... Na mismong kadugo at kalaman ko ay tinatrato akong basura.

"Ate gusto mo tawagin ko si Nanay?"

Umiling ako at pinilit na tumayo. Pinunasan ko rin ang mga luha sa aking pisngi. Nagulat ako nang biglang tumawa ang bata.

"Bakit?" Tanong ko sa kanya.

"Mukha ka pong clown, ate!" Tumatawa ito habang nasa bibig ang isang kamay.

Napangiti ako, "Salamat, ah? Sige, umuwi ka na."

"Bye-bye po!" wika niya at tumakbong paalis.

Saglit ko pa itong sinundan ng tingin. Mabuti pa ang batang 'yon. Halatang walang problema.

Bumuntong hininga na lamang ako.

"Nasaan na ba ako?" Tanong ko sa sarili ko.

Tumingin ako sa paligid. Hindi na pamilyar sa akin ang lugar na 'to. Pagod na 'ko ngunit pinili ko pa ring maglakad. Ayaw kong manatili sa isang lugar dahil baka mahuli ako ng mga tauhan ni Grandpa.

Nananakit na ang mga paa ko dahil sa suot kong sandals. Iika-ika akong naglakad hanggang sa makakita na ako ng highway. Bigla akong nakaramdam ng kaba dahil baka may mga tauhan si Grandpa sa paligid kaya bumalik na lamang ako sa nilakaran ko kanina.

Nanatili ako sa playground na nadaanan ko. Naupo ako sa swing at naiiling na lamang sa aking sitwasyon. Tinanggal ko ang suot kong sandals. Kita ko ang mga paltos sa aking mga paa.

"Nakakainis..."

Saan naman kaya ako pwedeng pumunta? Kanino ako puwedeng humingi ng tulong? Pakiramdam ko ay nag-iisa na lamang ako...

My life is just bad as hell. Wala akong malapitan... Pinikit ko ang aking mga mata. Ramdam ko ang sobrang pagod pati na rin ang pagkagutom.

Nang imulat ko ang mga mata ko ay madilim na. Doon ko lang napagtanto na nakatulog ako habang nakaupo sa swing. Mabilis kong nilibot ang aking paligid. Saka lamang ako nakahinga nang maluwag dahil mukhang hindi nga nila ako natunton.

Anong oras na ba? Tumayo ako at nagsimulang maglakad-lakad. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Inabot na ako ng gabi sa daan.

Kailangan ko nang matutuluyan.

Lakad lang ako nag lakad habang nakayapak. Bitbit ko ang sandals ko habang inaalam kung saan ako pwede magpalipas ng gabi. Wala akong pera kaya hindi ako pwede sa hotel. Patuloy din ang pagkalam ng aking sikmura. I feel so helpless... ngunit kung ito lang ang paraan para makawala ako sa matandang iyon ay mas gugustuhin ko pa ang ganito.

Binilisan ko ang paglalakad nang mapansin ko na may sumusunod sa akin. Lumingon ako at nakita ang dalawang lalaki sa likod ko. Hindi ko sila kilala. Bakit nila ako sinusundan?

“Shit...” mura ko sa mahinang boses.

Bumangon ang kaba sa aking dibdib. Halos patakbo na rin ang bawat hakbang ko. Oo nga't nakatakas ako kay Grandpa pero mukhang delikado ako sa dalawang 'to!

"Diyos ko, tulungan niyo po ako..." paulit-ulit kong bulong.

Sumisipol ang isang lalaki na mas lalong nagpapakaba ng aking dibdib. Nasaan na ba ako? Bakit walang katao-tao sa lugar na 'to?

Muli ko silang nilingon. Nakangiti ang mga ito at halatang may binabalak na masama.

Hindi na 'ko nag-atubili. Tumakbo na 'ko dahilan para tumakbo rin sila. Hindi ko naiwasang sumigaw dahil sa takot. Lumiko ako at walang anu-anong tinakbo ang highway.

"Tulong!" Umiiyak na 'ko habang paulit-ulit ang pagsigaw dahil hinahabol pa rin nila ako.

Halos mabingi ako nang makarinig ako nang malakas na busina ng sasakyan. Bago pa man ako makatawid ay nahagip na ako ng isang kotse. Hindi ko ito naiwasan at ang huli kong naramdaman ay ang pagkahiga ko sa malamig na semento ng kalsada.

I only saw a light coming from the car that bumped me. My vision started to become blurry, and then everything went black...

Kaugnay na kabanata

  • His Sadist Bedspacer   Kabanata 4

    WarHinang hina ang mga mata ko habang sinusubukan kong imulat ang mga ito. May kakaibang sakit din akong nararamdaman sa aking ulo. Puting kisame ang bumungad sa akin nang magtagumpay ako sa pagdilat.Where am I?

    Huling Na-update : 2020-08-17
  • His Sadist Bedspacer   Kabanata 5

    Hard to getAla una na nang madaling araw ngunit hindi pa rin ako makatulog. Bumangon ako mula sa kama at suminghap. My mind is uneasy and I felt the throbbing pain at the back of my head. Dahil siguro sa aksidente na nangyari sa akin. Lumabas ako ng kwarto upang makalanghap nang sariwang hangin. Pakiramdan ko ay mababaliw ako kung mananatili lamang ako sa kwarto. Masyado rin siguro akong nag-iisip kaya

    Huling Na-update : 2020-08-18
  • His Sadist Bedspacer   Kabanata 6

    DecisionMabilis ang naging byahe namin ni Reid pabalik ng university. Tahimik ito dahil naiinis siya sa akin. Sinabi ko ang lahat sa kanya... Maliban sa address ng tinutuluyan ko ngayon. Gusto niya akong kunin at ihanap ng ibang matutuluyan ngunit hindi ako pumayag sa set up na 'yon dahil ayaw ko naman na madamay siya.Hindi na niya dapat pro

    Huling Na-update : 2020-08-19
  • His Sadist Bedspacer   Kabanata 7

    DrunkTapos na akong kumain ng hapunan pero wala pa rin ang Skylus na 'yon. Napatingin ako sa wall clock at nakitang mag-aalas diyes na ng gabi. Saan naman kaya nagpunta ang lalaking 'yon? Kung kailan naman gusto ko siyang makausap!Napag-isipan ko na ang mga sasabihin ko sa kanya. Hindi ako mananatili rito ng libre dahil alam ko na hindi naman siya papayag sa gano'ng set up. In a short period of time, na-obserbahan ko na ang ugali niya. Kaya naman naisip ko na magbabayad ako sa kanya kada buwan para sa gano'n ay pumayag siyang tumira ako rito sa mansyon.Sana naman ay pumayag siya na magtagal ako rito... Wala akong ibang alam na lugar na mas safe kaysa rito.Kailangan niyang pumayag!Naupo ako sa sofa. Isinandal ko ang ulo't likod ko ro'n. Inaantok na ako ngunit hindi ako matutulog nang hindi nakakausap ang lalaking 'yon. Kailangan ko siyang hintayin at kausapin para mabawasan na rin ang mga isipin ko.I sighed heavily. I'm not even that old yet I'm having a lot more issues with my li

    Huling Na-update : 2020-09-01
  • His Sadist Bedspacer   Kabanata 8

    Sick"So, where are you staying right now?" Tanong ni kuya Dmitri. Inilabas nito mula sa bulsa ng pantalon niya ang isang pamilyar na wallet.That’s my wallet!Nilapag niya ‘yon sa mesa. Kinuha ko iyon at pinasadahan ng tingin ang loob. My cards were all inside. Malapad akong ngumiti.Sa wakas ay mabubuhay na ako!"It will be safe not to tell you, kuya Dmitri," I answered him as I put my wallet inside my hand bag. Bag na pinahiram sa akin ni Kaira para may magamit ako sa tuwing aalis ako."Seriously, you cannot hide anything from me, Cassandra. Nakikita mo ba ang sarili mo? Pumayat ka na..."

    Huling Na-update : 2020-09-13
  • His Sadist Bedspacer   Kabanata 9

    ReasonTiningnan ko ang maliit na orasan sa side table at nakitang mag-aalas nuebe na ng gabi. All I could do was to sigh heavily as I listened to my growling tummy. I’m already hungry but I am also annoyed at the same time.Gustuhin ko mang kumain ay hindi ko magawa dahil ayaw kong lumabas ng kwarto. Paniguradong nag-aabang ang unggoy na 'yon sa paglabas ko para awayin na naman ako.Inayos ko ang pagkakaupo sa kama at saka niyakap ang aking malambot na unan.I smiled bitterly. I’m acting as if I already owned this room. It’s funny that I am so obsessed to stay here but not trying my best to befriend the owner. Instead of being nice, I’d always end up having an argument with him."Kasalanan naman niya," mahina kong bulong habang dinedepensahan ang sarili sa mga naisip ko.Hindi ko siya gagalawin kung hindi niya ako gagalawin. Iyon lan

    Huling Na-update : 2020-10-03
  • His Sadist Bedspacer   Kabanata 10

    Pinatay ko ang vacuum at pinunasan ang pawis sa aking noo at leeg. Hindi ko inakala na mahirap pala ang paglilinis ng bahay. Ngayon ay alam ko na! Pakiramdam ko ay nanghihina na ang mga braso't hita ko kakalinis sa bahay ng isang Skylus Cerrano."Bakit ka tumigil? Hindi ka pa tapos," aniya habang nakaupo sa sofa at kumakain ng mansanas.Naiinis ako sa ideyang tuwang-tuwa siya na pinapahirapan ako. Hindi ko alam kung dapat ko siyang pasalamatan dahil sa wakas ay pumayag siyang tumira ako rito gayong may kondisyon pang kapalit.Evil..."Tapos na ako," sabi ko. Inuna kong linisin ang second floor, huli itong sala. Tapos na ako sa kitchen at sa iba pang mga kwarto ng bahay.Tumaas

    Huling Na-update : 2021-04-25
  • His Sadist Bedspacer   Simula

    Sadness and pain, those two combined emotions have started to eat my senses in an excruciating way. Libu-libong karayom ang tumutusok sa aking dibdib. I cleared my throat and inhaled heavily, avoiding myself from tearing up. I then gathered all my strength and pulled my luggage as I walked out of my room.This must be it. I am completely done with all his game... Totoo ngang walang saysay ang magmahal ng isang lalaking hindi kayang magpahalaga at rumespeto ng damdamin.

    Huling Na-update : 2020-08-14

Pinakabagong kabanata

  • His Sadist Bedspacer   Kabanata 10

    Pinatay ko ang vacuum at pinunasan ang pawis sa aking noo at leeg. Hindi ko inakala na mahirap pala ang paglilinis ng bahay. Ngayon ay alam ko na! Pakiramdam ko ay nanghihina na ang mga braso't hita ko kakalinis sa bahay ng isang Skylus Cerrano."Bakit ka tumigil? Hindi ka pa tapos," aniya habang nakaupo sa sofa at kumakain ng mansanas.Naiinis ako sa ideyang tuwang-tuwa siya na pinapahirapan ako. Hindi ko alam kung dapat ko siyang pasalamatan dahil sa wakas ay pumayag siyang tumira ako rito gayong may kondisyon pang kapalit.Evil..."Tapos na ako," sabi ko. Inuna kong linisin ang second floor, huli itong sala. Tapos na ako sa kitchen at sa iba pang mga kwarto ng bahay.Tumaas

  • His Sadist Bedspacer   Kabanata 9

    ReasonTiningnan ko ang maliit na orasan sa side table at nakitang mag-aalas nuebe na ng gabi. All I could do was to sigh heavily as I listened to my growling tummy. I’m already hungry but I am also annoyed at the same time.Gustuhin ko mang kumain ay hindi ko magawa dahil ayaw kong lumabas ng kwarto. Paniguradong nag-aabang ang unggoy na 'yon sa paglabas ko para awayin na naman ako.Inayos ko ang pagkakaupo sa kama at saka niyakap ang aking malambot na unan.I smiled bitterly. I’m acting as if I already owned this room. It’s funny that I am so obsessed to stay here but not trying my best to befriend the owner. Instead of being nice, I’d always end up having an argument with him."Kasalanan naman niya," mahina kong bulong habang dinedepensahan ang sarili sa mga naisip ko.Hindi ko siya gagalawin kung hindi niya ako gagalawin. Iyon lan

  • His Sadist Bedspacer   Kabanata 8

    Sick"So, where are you staying right now?" Tanong ni kuya Dmitri. Inilabas nito mula sa bulsa ng pantalon niya ang isang pamilyar na wallet.That’s my wallet!Nilapag niya ‘yon sa mesa. Kinuha ko iyon at pinasadahan ng tingin ang loob. My cards were all inside. Malapad akong ngumiti.Sa wakas ay mabubuhay na ako!"It will be safe not to tell you, kuya Dmitri," I answered him as I put my wallet inside my hand bag. Bag na pinahiram sa akin ni Kaira para may magamit ako sa tuwing aalis ako."Seriously, you cannot hide anything from me, Cassandra. Nakikita mo ba ang sarili mo? Pumayat ka na..."

  • His Sadist Bedspacer   Kabanata 7

    DrunkTapos na akong kumain ng hapunan pero wala pa rin ang Skylus na 'yon. Napatingin ako sa wall clock at nakitang mag-aalas diyes na ng gabi. Saan naman kaya nagpunta ang lalaking 'yon? Kung kailan naman gusto ko siyang makausap!Napag-isipan ko na ang mga sasabihin ko sa kanya. Hindi ako mananatili rito ng libre dahil alam ko na hindi naman siya papayag sa gano'ng set up. In a short period of time, na-obserbahan ko na ang ugali niya. Kaya naman naisip ko na magbabayad ako sa kanya kada buwan para sa gano'n ay pumayag siyang tumira ako rito sa mansyon.Sana naman ay pumayag siya na magtagal ako rito... Wala akong ibang alam na lugar na mas safe kaysa rito.Kailangan niyang pumayag!Naupo ako sa sofa. Isinandal ko ang ulo't likod ko ro'n. Inaantok na ako ngunit hindi ako matutulog nang hindi nakakausap ang lalaking 'yon. Kailangan ko siyang hintayin at kausapin para mabawasan na rin ang mga isipin ko.I sighed heavily. I'm not even that old yet I'm having a lot more issues with my li

  • His Sadist Bedspacer   Kabanata 6

    DecisionMabilis ang naging byahe namin ni Reid pabalik ng university. Tahimik ito dahil naiinis siya sa akin. Sinabi ko ang lahat sa kanya... Maliban sa address ng tinutuluyan ko ngayon. Gusto niya akong kunin at ihanap ng ibang matutuluyan ngunit hindi ako pumayag sa set up na 'yon dahil ayaw ko naman na madamay siya.Hindi na niya dapat pro

  • His Sadist Bedspacer   Kabanata 5

    Hard to getAla una na nang madaling araw ngunit hindi pa rin ako makatulog. Bumangon ako mula sa kama at suminghap. My mind is uneasy and I felt the throbbing pain at the back of my head. Dahil siguro sa aksidente na nangyari sa akin. Lumabas ako ng kwarto upang makalanghap nang sariwang hangin. Pakiramdan ko ay mababaliw ako kung mananatili lamang ako sa kwarto. Masyado rin siguro akong nag-iisip kaya

  • His Sadist Bedspacer   Kabanata 4

    WarHinang hina ang mga mata ko habang sinusubukan kong imulat ang mga ito. May kakaibang sakit din akong nararamdaman sa aking ulo. Puting kisame ang bumungad sa akin nang magtagumpay ako sa pagdilat.Where am I?

  • His Sadist Bedspacer   Kabanata 3

    Run awayI can’t help but pace back and fourth here in my room. Hindi ko makalma ang aking sarili dahil sa bilis ng mga nangyayari. Muli akong lumapit sa pinto at pinilit ‘yong buksan pero wala akong napala; no way out. Hinampas ko nang malakas ang pinto sa sobrang galit."Ano ba! Open the goddamn door, please?! Grandpa, don't do this to me!" Sigaw ko, nagbabaka sakaling makikinig ang Grandpa

  • His Sadist Bedspacer   Kabanata 2

    Quits"Ayos ka lang ba, Sandy?" Tanong sa akin ng bestfriend kong si Kimberly.Unang araw ng klase namin ngayon. Graduating students na kami pareho sa kursong Psychology.

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status