Nagising ako at tumatagos ang ilaw ng araw sa may bintana. Isang sakit ang naramdaman ko sa may tiyan ko. Hindi iyon gutom, kahit pa gutom ako, isa iyong kakaibang pangangailangan na nilalamangan pa ang pangangailangan ko ng pagkain.
“Mate! Nasaan ang aking mate?” bulong ni Lana sa akin sinusubukang kumawala. Kinalaunan ay nang-iinit na ako at pinagpapawisan na.
“Magandang araw, sweetheart,” ang pamilyar na boses ni Lucian ay ginulat ako.
Siya ay naglalakad palapit sa akin mula sa may kusina, hawak ang umuusok na dalawang mga kape. Nakasuot siya ng short pero sa kabila non ay wala siyang pang-itaas.
Gutom akong tumitig sa kanya.
Lucian's POVDalawang gabi na ng pagtira namin sa cabin. Ang init ni Alice ay halos humupa. Napakatindi ng pagsisimula ng init pagkatapos ay dahan-dahang humupa sa paglipas ng panahon. Karaniwan itong tumatagal ng 2-3 araw depende sa kung gaano karaming mga orgasms ang nagkaroon ng babaeng lobo. Sa kaso ni Alice, mayroon siyang sapat.Ang kanyang namumula na balat at ang malusog na kintab nito ay natukoy ang katotohanan. Ang aking wolf ay masaya ngunit naiinis. Masaya siya na nakapagbibigay kami ng aliw sa aming magandang mate at naiinis na hindi ko pa siya minarkahan o binuntis para sa aming mga tuta.Nakatayo sa aking pintuan, gayunpaman, mukhang naguguluhan si Alice. Hindi siya tumitigi sa paglipat ng kanyang m
Takot akong pinapanuod ang apoy habang kinakain nito ang paligid ng cabin, nilalamon ang mga pader at ang mga kagamitan. Nagpalit agad ako ng anyo ngunit masyadong mahigpit ang posas sa may paa ko. Nagawa ko lamang maglabas ng kuko at mga balahibo.Sinubukan kong sirain ang posas sa hybrid na anyo ko pero hindi nito nagawa.“Tulong! Lucian!” sigaw ko.Masyadong makapal ang usok para makahinga. Kahit pa sa malakas na mga pandama ko, hindi ko magawang tumingin sa makapal na usok. Parang ba iyong katulad ng nangyari 15 na taon na ang nakaraan, ang isang siyam na taong gulang ako na tumatakbo mula sa sunog at usok.Ang pakiramdam na walang tutulong sa akin ay bigla kong naisip, marahil ay asar na asar na si
Lucian’s POVTumakbo ako sa mga kakahuyan. Si Jake ay masama ang pakiramdam, “Ang ating mate ay may mahal ng iba,” nalulungkot niyang sabi.“Patayin mo ang lalaking iyon,” bulong niya.Tumakbo pa ako ng mas malayo pa. Lumayo ako kay Alice para panatilihin siyang ligtas, mula sa akin. Hindi ko gustong masaktan ko siya. Ang amoy ng nasusunog na kahoy ay naaamoy ko.Kumurot ang tenga ko, saka napuno ang ulo ko ng nakakadugong pagsigaw. Tumakbo ako pabalik papunta sa cabin."Hindi! hindi, hindi, hindi!" napasigaw ako at tumakbo papunta sa nasusunog na tila impyerno. Nahimatay si Alice na nakayuko malapi
“Ayos lamang ako, Rick, sa totoo lang. Iniligtas ako ni Lucian pangawalang beses na,” sabi ko sa kuya ko.Sumimangot si Rick at tumingin kay Lucian at saka sa akin.“Pangalawang beses?” tanong niya.“Oo, noong namatay si papa sa sumabog na hotel na iyon, andoon si Lucian. Niligtas niya ako, naaalala ko na ang lahat ngayon.”Ipinaliwanag ko kung paano kami nagkakilala sa hotel na iyon noong mga bata pa lamang kami. Kumurap si Rick na tila ba sinusubukang intindihin ang mga impormasyon.“Paano bumalik ang ala-ala mo?” nagtatakang tanong niya.“Hin
Lucian’s POVPinag-aaralan ko ang mga papeles para makaabot sa negosyo at para malimbang ko ng tuluyan angsarili ko. Sumasakit ang dibdib ko, tulad lamang ng inaasahan. Ang wolf ko ay nalungkot mula nang umalis si Alice. Hindi niya maintindihan ang emosyon ko bilang isang tao at mga komplikasyon.“Pasok,” agad kong sinabi ng marinig ko ang katok.“Dinalhan kita ng hapunan, hindi ka pa nanganghalian, alpha,” sabi ni Katherine, at ibinaba ang tray.“Hindi ako gutom,” sagot ko, binabasa ang laman ng dukumento ng pangatlong beses na.“Hindi ito makakatulong Lucian. Alam kong namimiss mo na ang iyong mate. Pero hin
“Ooops, pasensya na, nasa bag ko,” rason ko at kinuha ang singsing saka ito sinuot.Tumingin siya sa akin ng masama.“Pwede na ba tayong kumain, gutom na ako,” sabi ko.“Please,” ulit ko.Maganda ang restaurant na napili ko, ngunit ito ang pinaka-awkward na hapunan sa buhay ko. Halos hindi kami nag-uusap, at galit si Mark. Ginugol ko sa pag-iisip kung paano ko uumpisahan ang tungkol sa nangyari sa loob ng 20 na minuto... Tama bang makipaghiwalay ng kumakain o pagkatapos nito? Mamaya na lang, dahil dudurugin ko ang puso niya. Ang tanging magagawa ko ay, hayaan siyang kumain ng tahimik.“Makikipaghiwalay ka na s
“Dinudugo siya, kailangan ko siyang gamutin,” nangangambang sabi ko habang ang damit ni Mark ay basang-basa na sa dugo nito.“Hindi!” biglang sumulpot sa likuran ko si Lucian.Itinuro niya ang kanyang daliri kay Damon.“Pagalingin mo siya.”Umungol si Damon, pero hindi niya matanggihan ang kanyang Alpha at nagsimula ng dilaan ang sugat ni Mark gamit ang kanyang mahabang dila ng labag sa kalooban niya siyempre.“Sumama ka sa akin,” hinila ni Lucian ang kamay ko papunta sa kabilang SUV.“Alisin mo ang damit mo,” utos niya.
Alice’s POV“Nanatili pa rin ang problema; hindi ko gustong manatili dito si Mark. Hindi siya kabilang dito,” sabi ko.Kumurba ang labi ni Lucian sa isang pagngiti, “Hindi ko rin siya gustong manatili dito.”“Anong gagawin ko? Hindi nakikinig sa akin si Rick,” malungkot kong sabi.“Ginagawa niya lamang kung ano din ang gagawin ng ibang Alpha. Mapupunta sa panganib ang katulad natin kapag nagsalita siya. At tinitignan ko pa lamang ang pagwawala niya, hindi siya mananatiling tahimik. Maaari din siyang mabaliw dahil sa pagkabigla,” sabi ni Lucian ng may seryosong kilos.“Nagmumungkahi ka ba? Hindi! Hindi ko siy
Six years Later-AliceNakaupo kami ni Emma sa labas sa hardin habang pinapanood ang kulitan ng aming anak. Madalas kaming bumisita sa isa't isa."Paano mo naaalagaan ng sabay iyang mga tatlo, hindi ko malalaman. Nahihirapan na ako kay Arya,” sabi niya.“Mahirap kung minsan, pero nakakatuwa din,” sabi ko at tumingin ako sa anim na taong si Aiden at apat na gulang kong kambal, sina Rose at Leo. Isang nakakatuwang pagkabigla ang naramdaman ko nang malaman kong nagkaroon ako ng anak na kambal, isang taon matapos kong ipanganak si Aiden.Ang mga bata ay tumingin sa amin at ngumiti, sila ay cute na mga tuta. Parehong minana nina Aiden at Rose ang berdeng mata at maitim na buhok ni Lucian. Mas hawig ko naman si Leo na may hazel na mata at brown na buhok. Napahawak si Arya sa tenga ni Aiden habang sina Rose at Leo ay nagk
AliceHabang naglalakad ako patungo sa isang pabilog na linya upang sumali sa pack, sa aming mga bisita, at sa mga kaibigan ko. Hindi ko maiwasang humanga sa mga palamuti, sa mga ilaw, at sa nakakaakit na amoy ng iniihaw na karne. Lahat ay ginawa ni Katherine.Ang buong paligid ay napuno ng mga maliwanag na mga ilaw at mga makukulay na mga rosas. Isang malambing na musika ang tinutugtog ng isang live band. Luma na ang musika ngunit kaakit-akit ang tunog nito.Lahat ng mga bisita ay nakangiti at nagbibiruan. Agad akong sinamahan ni Lucian at natagpuan ko na lamang ang aking sarili sa kanyang mga bisig. Ngumiti siya sa akin at saka ako hinalikan. Dumaan ang dila niya sa labi ko at ibinuka ko ang bibig niya para halikan siya. Naglaro ang kamay ko sa butones ng damit niya, hiling ko na sana nasa kwarto kami.“Pareho tayo ng hiling dear,” sabi niya at binigyan ako ng magandang ngiti.&n
AliceAlam ko ang tungkol sa Doppler monitor na ginagamit para marinig ang tibok ng puso ng mga baby. Ang ideya iyon ay parehong ikinatuwa at ikinatakot ko.“Basta mahiga ka lang,” sabi ni Dr. Armand, at itinaas ang damit ko para ilabas ang tiyan ko. Naghaplos siya ng isang likido sa aking tiyan. “Kaunting gel lamang. Makakatulong ito sa paghanap ng heartbeat ng bata.”Isang kaluskos na tunog tulad ng isang lumang transistor radio ang narinig namin sa silid. Tumingin sa akin si Lucian, at natataranta."Ang naririnig ba natin ay ang tibok ng puso ng bata?"Tumango ang doktor at iginalaw ang hawak niyang instrumento sa aking tiyan."Ang puso niya ay nagsisimulang tumibok ng napakaaga pa lamang."Ilan pang mga pagtunog ang narinig namin mula sa maliit na speaker na hawak ng doktor sa kamay niya. Isang mabilis at matubig na tunog ang naririnig na
Alice‘Alice, mahal kita, babe. Ngayon makinig kang mabuti. Kapag sinabi kong tumakbo ka, tumakbo ka lang!’ sabi ni Lucian sa aking isipan.‘Pero si Max…’‘Ililigtas din namin siya, huwag kang mag-alala. Hindi nila alam na nandito kami dahil iba ang direksyon ng hangin, Pero malalaman din nila kinalaunan. Kaya gawin mo na lang kung anong sasabihin ko, please!’‘Gagawin ko, dear,’ sagot ko.Nanghihinalang tumingin sa akin si Frank; Hindi ko siya pinansin at nanatiling nakayuko. Hindi ako sigurado kung kaya kong magpalit ng anyo, hindi kaya ng mga buntis na wolf. Ngunit sinigurado sa akin ng aking wolf na maaari siyang lumabas anumang oras.‘Takbo!’ sigaw ni Lucian sa aking isip
OliviaNagising akong sumisigaw mula sa pagkakabangungot.“Olivia! Ayos ka lang ba?” Hawak-hawak ni Zaiden ang nanginginig kong katawan."Nakita ko siya... Nakita ko si Madam Luna, nasa kweba siya, hindi sa isang lab. Dalhin mo ako sa Alpha. Parang-awa mo na,” pagmamakaawa ko. Napakalinaw ng nakita ko. Parang bang nandoon ako.“Sige, magbihis ka,” inabutan niya ako ng damit.Gabi na o madaling araw na. Anong oras pa man iyon, basata alas-tres na ng umaga nang makarating kami sa opisina ng Alpha. Ang mga nagmamadali at pagod na mga beta at ng mga trackers ay natiyak ang katotohanan na walang sinuman sa kanila ang natulog ng ilang oras. Sinusubukan ni Alpha ang lahat para mahanap si Alice. Napakaraming nakapilang mga SUV sa daan na tila papunta sila para sa isang pagsalakay o kaya’y kakauwi pa lamang nila.“Kailangan kong makausap
Sinubukan kong panatilihing bukas ang aking mga mata, habang si Stuart ay patuloy lang sa pagkwento patungkol sa mga scientific advancements. Halos hindi ko na matandaan kung ano na ba ang mga pinagsasabi niya, pero tumatango na lamang ako at ngumingiti para magmukhang interesado ako dito.‘Lucian, asan ka na?’ bulong ko sa kawalan."Kaya naman, itong mga babaeng mga ito ay hindi nabuntis, hindi dahil nabigo ang eksperimento ko. Mahina lang sila. Mahina at walang silbi. Kahit ang mga lalaking hukbo ko ay hindi rin nagtagumpay sa nga inaasahan ko. Kaya naman, nagsimula akong maghanap ng mga maaring gawin. At ang pinakamahusay na bagay ay ang maging natural. Likhain ang aking mga hybrid na anak."Ipinagpatong niya ang kanyang paa at saka tiniklop ang kanyang mga kamay, at saka ipinatong ang baba niya sa kanyang kamao.“Kung ganun, iyon ang dahilan kung bakit
Lucian‘Isa itong kabaliwan! Hindi sana ako nakinig sa kanya,’ sabi ko sa sarili ko. Pero wala na ring silbe, wala na siya.“Alpha, hindi na po namin mahanap ang chopper,” malungkot na sabi ni Damon.Ramdam ko ang pagbaon ng aking mga kuko sa sa aking palad, masyado akong nanggigigil ng husto. Ipinikit ko ang mga mata ko at huminga ng malalim."Gawin niyo ang lahat ng iyong makakaya. Sundin ang lahat ng mga pahiwatig at hanapin siya,” nagawa ko din magsalita.“Alpha, may hiling kami.”Inangat ko ang ulo ko at nakita ko si Kyle at ang mga guard na nakayuko. Nagagalit ang wolf ko. Gusto niyang putulin ang kanilang mga ulo, dahil sa pagkabigo nilang protektahan ang aking mate.“Ano iyon?” tanong ko at hindi makapaghintay.“Hindi kami… hindi kami… Hin
OliviaNaglalakad ako patungo sa mga puno bago ko napagtanto ang nangyayari.'Huwag, bumalik ka,' sabi ko sarili ko at pagkatapos ay napagtanto kong hindi ako ang may kontrol sa sarili ko kundi ang aking wolf.Lumabas na ang aking wolf. Nararamdaman ko siya habang tumatakbo ako. Lumalabo ang mga puno sa tabi ko, at nilanghap ko ang sariwang hangin. Nakaramdam ako ng lakas.Ang parte ng sarili ko bilang isang tao ay nababahala pa rin at sinusubukang makalusot sa aking wolf. Tumakbo ako ng milya-milya upang tingnan ang aking teritoryo.Bumaba ang tingin ko sa aking mga paa at ang mga ito ay paa pa rin ng isang tao, na may maliit na mga puting balahibo ng isang wolf. Humaba ang mga kuko ko sa aking mga kamay, ngunit mukha pa rin itong kamay ng tao. Napagtanto ko na bahagya akong nagpalit ng anyo bilang isang hybrid wolf woman. At napakasarap sa pakiramdam. Hindi na ako makapa
"Hanggang kailan bago siya makakalabas?" nag-aalalang tanong ni Zaiden.Lahat kami ay naghahanda kanina para kumain nang sumulpot siya ilang saglit lamang na bitbit si Olivia. Tila mahimbing ang tulog niya, isang kuntentong ngiti ang puminta sa kanyang mukha."Nagbabago na siya. Ilang araw na lang magigising na din siya. Gaano katagal nakatulog si Rain nung ginawa mo siyang were?" tanong ko kay Damon.“Isang linggo,” buntong-hininga niya. “Bagama't kalaunan ay nalaman kong nagising na pala siya ilang oras na ang nakalipas at nag-eenjoy lang siya sa atensyon kaya nagkunwari siyang tulog."Nagpipigil ako ng tawa habang nakatingin naman sa kanya si Rain."Ano ba ang dapat kong gawin, kinagat mo ako ng walang pasabi!" sagot niya.Umiling ako sa kalokohan nila."Magigising siya sa loob ng 24 na oras. Baka mapapabilis ito dahil nag-uumpisa