"Mom, where's Ary?" excited akong puntahan si Ary dahil ibibigay ko ito sa kaniya ang gift na binili ko for her. "Nasa dressing room. Inaayusan na siya." Nagmamadali akong pumunta sa dressing room. This is the day na ga-graduate na siya and I'm so happy to see her. Pagdating ko sa loob, nagulat ako nang makita si Oliver. "Oliver? Anong ginagawa mo dito?" Sumimangot siya at tumayo. "When will you learn to call me kuya?" Aniya at niyakap ako. Teka. Bakit nandito siya? Akala ko ba lilipad siya mamaya papuntang Singapore? "Anong ginagawa mo dito? Kailan ka pa dumating?" "Kanina lang." Aniya at biglang sumimamgot. "Can you just shut up and just hug your brother?" masungit na aniya. Sinulyapan ko si Ary at natatawa siya habang nakatingin sa amin. "E bakit ka nga nandito?" tanong ko ulit. Kasi, hello.. Anong ginagawa niya dito? He shouldn't be here. "Why? Last time I check, bahay natin ito." At talagang namilosopo pa. Pinagsingkitan ko siya ng mata. "Anyway, see you later princess.
"Sir Masson, ayos na po ang lahat." Ani ni Primor. Napabuntong hininga nalang si Masson habang hawak si Massi. Heto na naman sila sa problema nila, ang paparating na bagyo. Bumalik siya ng villa nila at iniwan si Primor para bantayan ang kabayo ni Maddox at Maddix. Pagdating niya sa bahay ng Villaranza, nilagay niya agad si Massi sa stable. Kailangan pang e review ni Masson ang mga papeles tungkol sa mga e import nilang cacao na na harvest nila no'ng nakaraan papunta sa Luzon. Nang makapasok siya sa bahay nila, hindi na siya nagulat nang makita si Ivy, ang nurse ng ama niya. "Masson, kumain ka na?" lumapit siya kay Madonna para humalik sa pisngi nito. Ang totoo niyan ay hindi pa but he's full buhat nang kumain sila ng marami kanina sa plantation kasama ng ilan sa mga magsasaka. "I'm still full, Mom." Madonna nodded habang hinahalo ang flour and chocolate powder. "Hindi mo ba narinig ang balita?" kumunot ang noo ni Masson at tumingin ulit sa gawi ng mommy niya. "Umuwi na raw di
Ivy keeps on seducing Masson na walang kamalay-malay sa pasimpleng ginagawa niya. Kung makita niya si Masson sa sala ay pa simple siyang dumadaan sa harapan nito suot ang ang maiksi niyang damit. Kunwari bait-baitan ngunit nasa kaloob-looban ang kulo. Kapag nakatalikod si Masson o hindi nakatingin sa kaniya, malagkit niya itong tinititigan. Si Drake naman ang siyang laging sumisita sa kaniya kada nakikita niya ang ginagawa nito sa asawa ng ate niya. Drake starting to be annoyed by her actions. Kung hindi pinapansin ni Masson si Ivy, kaibahan naman si Drake. Lagi niyang napapansin ang lahat ng mga pagpapapansin nito sa bayaw niya. "Excuse me," napatalon si Ivy nang marinig ang boses ni Drake sa likuran niya. Kunot ang noo ni Drake dahil kanina pa niya nakikita na malagkit na nakatingin si Ivy sa asawa ng ate niya. Habang nakatalikod si Masson, naabutan ni Drake si Ivy na nakatingin kay Masson na may pagnanasa sa mga mata. "Pesteng bata," galit na sabi ni Ivy sa kaniyang isipan
Mapapasa akin ka rin Masson! Ngumisi ako at dali-daling lumabas ng bahay para sundan si Masson na mukhang mangangabayo. Napakagat labi ako nang makita kung gaano siya kakisig. Iyong tipong, tingin pa lang, ulam na. Matapos ko ng painumin ng vitamins si Don Antonio at salamat na nandoon si Madam Madonna para alagaan ang asawa niya. Kilala ko na ang magkapatid na Villaranza at si Masson lang ang tanging gusto kong mapansin ako. He's sweet and caring unlike sa dalawang Villaranza. Ngayon ay abot abot ko na siya. "Pakisara ng bunganga. Tulo laway mo!" Hindi ko pa man lingunin, alam ko na kung kanino galing ang boses na iyon. "Ano na naman bang ginagawa mo dito?" nabi-bwesit talaga ako sa bata na 'to. Panira lagi ng diskarte ko kay Masson. Tinaasan niya ako ng kilay. Sinuyod ko siya nang tingin at ngayon ko lang napansin na naka basketball attire pala siya. "Spare me. Huwag mo kong pagnasaan. Hindi ako pumapatol sa matatanda." Napanganga ako sa sinabi niya. "As if naman. Mahiya ka
Agad kaming nilapitan ng asawa ko. Ngumiti ako ng pagkatamis tamis lalo na doon sa babaeng kinulang sa tela. Bahagya yata siyang nahiya dahil yumuko. Naku! Huwag ako girl! "Anong.... You're here!" Hindi makapaniwalang ani ng asawa ko. Tumingkayad ako para mahaIikan siya sa labi. "Surprise?" sabi ko habang natatawa. "Bakit hindi ka nagpasabi na dadating pala kayo ngayon? I didn't know!" Lumabi ako. "Kung sinabi ko edi hindi na surprise iyon." Natawa si Ary at Primor sa tabi ko. Ngunit ang gulat sa mukha ng asawa ko ay naroon. Nakita ko rin ang gulat sa ibang magsasaka. Ay oo nga pala, akala pala nila ay hiwalay na nga kami ni Masson. "Oh God! I missed you." Aniya at kinabig ang ulo ko papalapit sa kaniya saka idinikit ng mariin ang labi ko sa labi niya. Natawa nalang ako lalo na nang magpabuhat ang anak namin sa kaniya. "Yes baby, God! Papa missed you much!" Ani ni Masson. Ngayon, alam na ng lahat saan nag punta itong si Masson at anong nangyari sa amin mag-asawa. Tumingin a
"Ma'am Ivory, napadpad po kayo dito?" bati sa akin ng magsasaka na sa tingin ko ay isa sa laging nakaka usap ni Masson sa mga pananim. "Nag ikot-ikot lang po sa lupain ng Villaranza lalo't matagal din akong nawala dito," magalang na sagot ko. Ngumiti ako sa kanila. Nakita ko rin ang magaan na ngiti nila pabalik sa akin. Tila ay binabati ako sa pagdating ko dito. Tinignan ko pa ang buong lugar, nilibot at sandaling sinariwa ang imahe nito bago ko napagpasyahan na umalis na kasama ni Massi. Wala pa ring nagbago, maganda pa rin ang Hacienda Villaranza. Napadpad ako sa huling boundary ng lupain nila dito sa hacienda. Malapit lang ito sa bahay namin, kila dad. Kita ko nga na may mag guards na nagbabantay sa malaking bahay namin dati. Namiss ko rin ang bahay namin na iyon. Mula sa kinatatayuan ko, nakita kong nakatayo si Dainne, hawak niya ang bata na sa tingin ko ay ang anak niya. Nakangiti ito at maaliwalas ang mukha. Hindi kagaya noong mga panahong nag-iiringan pa kami dahil ka
Pag-uwi ko ng bahay, nabutan ko si Masson at Eda na tila ay naghihintay sa akin sa labas ng Stable. Nakangiti akong nakatingin sa mag-ama na nag-uusap na para bang sila lang ang nagkakaintindihan. Ewan ko din bakit ang daldal ng anak namin sa papa niya samantalang mas ako lagi nakakasama niya. Sinalubong ako ni Primor at siya na ang kumuha kay Massi. "Hello, sinong hinihintay niyo?" nakangiti kong tanong sa dalawa. "Hinihintay po namin ang maganda naming mama." Ani ng asawa ko at kagat labing nakatingin sa akin. "Mamamama!" Tawag ni Eda. Aww. Ang cute naman ng anak kong ito. "Nasaan na siya?" tanong ko kunwari. "Where's mama princess?" instead na sagutin ako ni Masson ay si Eda ang kinausap niya. Ang anak naman namin ay itinaas ang kamay niya at parang gusto magpakuha sa akin. Hindi ko mapigilang hindi matawa sa sobrang ka cutan ni Eda. Kahit si Masson ay natatawa rin habang buong pagmamahal na nakatingin sa anak namin. Kinuha ko si Eda kay Masson at saka sabay naming hinara
"Heart, beat fast..." Natawa si Masson nang simulan ko ng kantahin ang lyrics no'ng pinatugtog ngayon. "Colors and promises?" dugtong niya. Inirapan ko siya ngunit natawa na rin. Loko talaga. Kanina pa kami dito sa Guava Grills, tapos na kami mag dinner at halos kami lang ang tao dito. I bet, nirentahan ng galante kong sugar dadeh ang buong lugar. "How to be... brave?" kanta ko at natatawang sumandal sa dibdib niya. "When I'm with you, I'm brave." Bulong niya. "How can I... love? When I'm afraid... to fall.." "Are you?" mahina ko siyang nahampas sa dibdib niya. Naisisingit niya talaga ang mga kalokohan dito e. "Umayos ka nga Masson," natatawa kong sabi but narinig ko lang ang halakhak niya. Hindi nalang ako kumanta kasi feeling ko ay marami pang masabi si Masson sa mga sasabihin ko sa kaniya. Nanahimik na rin siya. Sumayaw lang kami at ninamnam ang bawat sandali namin dalawa. "Thank you, wife. For coming into my life." Kusa nalang akong ngumiti, at mas niyakap pa si Masson ng