To be continue...
Agad na tinulak ni Masson si Cedric kaya ang ibang tao ay napatingin sa 'min. "Masson," tawag ko sa kaniya habang nilalayo siya kay Cyd. But ayaw niyang patigil. Ramdam ko ang panginginig ng kamay niya habang nakatingin sa magkapatid. "He touched you." May diin ang sinabi ni Masson sa 'kin. "How dare you to touch my wife," pinigilan ko na ‘wag makalapit si Masson kay Cedric na seryoso lang nakatingin sa 'min. "Masson, ano ba? Be rational. Wala kaming ginagawang masama." Iritado kong sabi sa kaniya. "Be rational?" tila hindi makapaniwalang tanong niya sa 'kin. "What's happening here?" napatingin ako kina Cedric at Drake, nakita ko si Oliver na dinaluhan ang mga kapatid. "Kuya," ang tanging narinig ko kay Drake. Nang makita ako ni Oliver ay agad nanlaki ang mga mata niya. Binalingan niya nang tingin si Drake at Cyd. "What did you do?" Matigas na tanong ni Cedric sa mga kapatid na hindi naman siya sinagot. “We just hang out. Hindi nila ako maiwan kanina kaya hindi muna sila umuwi.
Pag-uwi ko sa bahay ay nakita ko si mommy na nakaupo sa sofa. Nakatingin siya sa kawalan habang tulala. Lumapit ako sa kaniya para humalik sa pisngi. Napatalon siya sa gulat pero nang makita ako ay agad rin siyang nag relax. “Mom, bakit po?” nag-aalala kong tanong sa kaniya. “Nothing, darling.” Aniya at pilit na ngumiti. Pumasok si Masson at humalik sa pisngi ni Mommy. I grew up away from them but seeing her down, parang may kung ano sa dibdib ko na hindi ko maipaliwanag. She’s my mom after all and I love her. “What happened mom?” tanong ko sa kaniya. Tumingin siya kay Masson bago ilipat ang paningin sa akin. “Sa school ba nak, may mga taong nag-aaligid ba sa ‘yo?” Tanong niya habang nag-aalala na nakatingin sa akin. Lumingon ako kay Masson at nagtataka rin siya sa ikinikilos ni Mommy. “Bakit mom? May nangyari ba?” Natahimik siya sandali saka ngumiti. “Wala naman. Huwag niyo ng pansinin. By the way, kumain na kayo?” tanong niya. “Sa bahay nalang siguro Mom. Si Dad?” tanong ko na
--------------------- Lumabas ako ng kwarto at naabutan si Masson na naghihintay sa akin sa labas. “Kanina ka pa?” tanong ko. Umiling siya. “Alis na tayo?” aya niya. Tumango ako. Nakahawak siya sa bewang ko habang pababa kami at nakita ko ang mga magulang ko na nakatingin sa amin. Humalik si Masson sa ulo ko, “sa labas na kita hihintayin.” Sabi niya at tumango ako. “Mom, dad, uuwi na po kami ni Masson.” Humalik ako sa pisngi nila saka ko sinundan si Masson na naka hilig sa Fortuner niya. Pagdating namin sa villa ay inakay ko si Masson sa loob. Umupo na siya sa couch agad. Pinuntahan ko si Manang para magpaluto at nang makakain kami. Nang balikan ko si Masson ay mahimbing na itong natutulog ngayon sa couch. Umakyat nalang ako sa taas at kumuha ng kumot saka siya kinumutan. Lumabas ako sandali para puntahan si Massi sa Stable but nagulat ako nang makita si ate Dainne na walang imik sa 'kin at nakatingin sa mga kabayo. Tumuloy ako para puntahan si Massi. Tinapunan ko lang siya na
More likely ang parents lang namin ang nag-uusap about wedding. Nong nag walk out si Ate Dainne kanina ay tahimik lang si Masson sa tabi. Maybe ayaw niyang ginaganoon ko si ate. May feelings pa ba siya dito? “May ipapadala akong wedding coordinator sa makalawa. Tapos, ako na bahala sa wedding gown. May kilala akong magaling gumawa ng wedding gowns.” Kinikilig na sabi ni Mommy Madonna na sinang ayunan ni Mommy. “Dapat Antonio maikasal sila sa lalong madaling panahon.” Sabi ni Dad. Pinapakiramdaman ko si Masson na tahimik lang. “Ayos lang ba Fidel na 5 months from now saka sila ikasal ulit? Gusto ko kasing paghandaan itong kasal nila.” Ano? E annul na kami ni Masson niyan e. “It’s fine with me. Basta, I want their honeymoon happen in abroad.” Aalma na sana ako nang hawakan ni Masson ang kamay ko. Nang tingnan ko siya, nakangiti siyang nakikipag-usap sa mga magulang ko. “What are you doing?” bulong ko. “Stop reacting. Makakahalata sila.” Wala sa mood na aniya. Bakit ba siya galit
"What happened?" Tanong ko habang nakatingin sa kaniya. Imbes na sagutin ay pinili niyang manahimik kaya tumahimik nalang din ako. Nanatili kami sa cottage ng ilang minuto. Tahimik lang kami at nakatingin sa malayo. Wala na din akong gustong itanong pa kay Carlo. Kung ayaw niya 'kong sagutin, ayos lang sa 'kin. Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nawala sa bahay. Iniisip ko kung ano nang nangyari doon. Kung nakaalis na ba ang mga magulang ko o ano. "Can I ask if nasa inyo ba si Dainne?" Napatingin ako kay Carlo at naningkit ang mga mata ko sa tanong niya. Nasa amin nga at kung pwede ko lang siyang sipain palalabas ng villa ay ginawa ko na. "Don't mind that. Let's go home." Sabi ni Carlo kaya napatingin ako sa kaniya. Naisip ko si Masson. Kaya bumuntong hininga nalang ako at pinili na ring tumayo para umuwi. Gusto ko lang talaga magpahangin pero I’m sure na kukulitin lang ako ng lalaking ito na bumalik. Nauna siya sa 'kin habang nakasunod ako. Ang weird kung sabay kaming dala
------------------------- Kinabukasan ay nasa labas ako ng villa ni Masson. Tinatawagan niya ‘ko but hindi ko siya sinasagot. Una kong nakita ay si Primor. "Primor," tawag ko kahit na alam kong iiwasan niya na naman ako. "Magandang araw po ma'am Ivory." Aniya nang mapalingon siya sa 'kin. Dala-dala niya ang mga pagkain na ibibigay niya siguro sa mga kabayo na nasa Stable. "Kamusta ka na Primor?" Tanong ko sa kaniya. "Pwede ba akong sumama?" Dagdag ko. Sisilipin ko nalang muna sina Massi bago ko puntahan si Masson. For sure, masusuka lang ako sa mukha niya. Pinilit lang ako ni Mommy dito dahil nalaman niya na nagsinungaling ako kagabi at talagang hindi ako pinayagan ni Masson na matulog sa bahay. "Sige po ma'am." Medyo nagulat ako sa sagot ni Primor. Akala ko din kasi ay iiwas na naman siya. Sumama ako sa kaniya papunta sa Stable. Agad kong narinig ang ingay ni Massi kaya natatawa akong lumapit sa kaniya. "Hello, Massi." Sabi ko at niyakap siya. "Kamusta ka na? Sorry kagabi." Bigl
I thought everything’s gonna be fine again but I was wrong all along. The next three weeks, Masson and I got busy to our own personal business. Naging focus siya sa plantation at naging focus naman ako sa school since upcoming prelim namin ngayon. Nag explain siya about the kiss. That it wasn’t his intention. Na si Dainne lang ang nag initiate no’n. I didn’t believe it but pinili kong kalimutan nalang. Kada umuuwi ako ng bahay ay una kong inaatubag ang school works kaya wala akong oras puntahan si Masson sa plantation. Gabi na rin kung umuwi ito. Noong unang ay ayos naman. May wedding planner ang pumunta dito. Kinausap ako in small details. Gladly, nasisingit ko iyon sa schedule ko. Hindi pa namin napag-usapan ni Masson ang tungkol dito. I just go with the flow. Mula ng maging busy kami ay nanibago ako. Kada umuuwi siya sa bahay ay lagi siyang pagod. Hindi na kami laging nag-uusap. Naiintindihan ko naman siya. I think ganoon pag mature ka na. Wala na rin ako sa mood inisin siya pag
Malayo na ang narating namin sa hacienda Villaranza. Hindi pa rin namin nakikita si Masson. Dumiretso kami ni Primor sa pinaka dulo ng plantation ng Cacao. May mga taong lumalabas mula sa masikip na daanan. Nang makita nila ako ay bahagya pa silang nagulat. "Ma'am Ivory, ano pong ginagawa ninyo didto?" Tanong ng iba sa 'kin. Tumingin ako sa likuran nila. Nagbabasakali na makita si Masson pero hindi ko siya nakita. "Si Masson po?" Tanong ko. Nakita ko ang tinginan nila. May kung ano sa mga mata nila na nagpakaba sa 'kin kaya bumaba ako kay Massi. "Primor, ikaw na bahala kay Massi. Pupuntahan ko lang ang asawa ko." Sabi ko kay Primor at agad kong pinuntahan ang dulo ng dinaanan ng ilan sa mga farmers na nakasalubong namin. Madilim na pero may mga ilaw pa rin na makakabit sa mga poste sa gilid. Nagdahan-dahan ako hanggang sa makarating ako sa dulo. May isang malaking cottage doon. May ilang tawanan akong naririnig kaya naglakas loob akong pumunta doon. Unang nakapansin sa 'kin ay
Inis na binalingan ni Banx si Laris na wala namang paki alam sa kaniya. Natawa ako ng mahina. Mabuti nga sa kaniya dahil pagnagkataon na hinawakan niya ako sa mukha ay baka nasapak ko na siya. "Eda, kamusta ang pagmo-modelo mo?" tanong ni tito Cedric sa akin. "Ayos naman po tito," sabi ko. "I heard na top 1 ka raw no'ng pasukan." Ngumiti ako at tumango sa kaniya. "Mabuti naman kung ganoon. Proud ako sa 'yo." Aniya sa akin. "Salamat po tito," magalang na sabi ko. "Speaking of, may nanlilgaw na ba sa' yo?" dagdag niyang tanong. Lumingon ako kay Banx na tahimik lang "Kuya, bakit ba curious ka sa buhay ng anak ko?" nakasimangot na sabi ni mama "What? Of course, princess. She's my niece kaya normal lang na concern ako kung sino itong mga nagtatakang manligaw sa kaniya." "Hindi po ako nagpapaligaw tito kaya wala po." Sabi ko. Narinig ko mahinang tawa ni tito. "Just like your mom." Sabi niya sa akin. Lumabi naman si mama at hinayaan si tito sa sinasabi nito. "Totoo naman ah. Naalal
Pumasok kami sa loob. Sinalubong kami ni mama at papa na may galak na makita sina tito, mamala at papalo. Pumasok kami sa bahay ngunit bago iyon ay hinabilinan ako ni mama na samahan muna si Banx sa loob ng bahay. Nag-usap pa ang mga matatanda habang ako ay naatasan na samahan muna si Banx sa sala kahit na okay naman na pabayaan lang siya dahil makapal naman ang mukha niya kaya alam kong hindi siya mahihiya dito sa loob. Bakit ba kasi nag punta pa dito itong dugyot na ito? Para siyang kabute na bila nalang sumusulpot e. "Bakit ka ba nandito?" tanong ko sa kaniya dahil naiinis talaga ako sa pagmumukha niya. "Inimbitahan ako ng tito mo na pumunta dito kaya huwag kang feeling diyan." Sabi niya sa akin. Inirapan ko lang siya at nanood nalang ng palabas. Wala talagang araw na nagkakasundo kami. Bakit kaya hindi nalang siya kina tita Dainne at mukhang sila ang nagkakasundo ni Scarlet kesa sa amin. As if naman na mag fi-feeling rin ako na ako ang pinuntahan niya dito like hello, nakakain
BUSY kaming lahat ngayon dahil pupunta dito si tito Cedric. Kasama niya sina papalo at mamala. Dadalaw sila sa amin lalo’t matagal na rin silang hindi nakakadalaw o kami sa kanila buhat ng busy na sina mama at papa sa hacienda at iba pa nilang negosyo sa Manila. Nasa labas ako ng villa at hinihintay ang pagdating ni tito dahil sabi ni mama na hintayin ko raw sila dito sa labas. May hot choco sa harapan at ini-enjoy ko ang pagkain ng hopia ng may langaw na dumating. Ako lang mag-isa nang biglang dumating itong Banx na 'to para na naman bwesitin ang araw ko. Ito yata ang talent niya. Ang mambwesit kasi bentang benta sa akin. "Eda!" tawag niya sa akin. Sinamaan ko lang siya nang tingin at hindi na nag abala ba na pansinin siya. Sayang lang siya sa oras. "Ang sungit mo naman." Aniya. Wow. I'm surprised na alam niyang masungit ako kaya sana naman ay lubayan na niya ako. "Pwede ba Banx? Wala akong oras makipag bardagulan sa 'yo. Kaya paki usap lang na lubayan mo na ako at naiinis ako s
Nang mapagod ako kakaiyak ay saka lang ako humarap sa kaniya. Hindi na ako magtataka kung mugto ang mata ko pagka tapos nito. Sa tindi ba naman ng pag-iyak ko. Humarap ako sa kaniya. Hinawakan niya ako sa magkabilaamg pisngi habang sinasalubong ang mga titig ko. Heto na naman ang mga titig niya sa akin. Iyong para bang pati kaluluwa ko ay tinitignan niya, hinahalukay niya. "I'm so jealous, Laris." Pag-amin ko. Tumulo na naman ang luha sa mga mata ko. Nakita kong lumamlam ang balikat niya at mapupungay na nakatingin sa akin. Hidni rin nakaligtas sa akin ang sayang dumaan sa mga mata niya matapos kong sabihin iyon. "Tell me more," bulong niya. Nakagat ko ang pang ibabang labi ko. Nalulunod ako sa bawat titig niya sa akin. Hindi ko na alam ang gagawin. Bahala na. Gusto ko lang ilabas lahat ng hinanakit ko sa kaniya ngayon. Gusto ko lang sabihin sa kaniya lahat ng nararamdaman ko ngayon at bahala na kung anong susunod na mangyari. "Nagseselos ako kay Regina." Sabi ko. "Ayaw kong hina
Kinabukasan, nakasakay ako kay Massi habang nililibot namin ang Hacienda Villaranza. Wala namang klase ngayon dahil summer kaya sinusulit ko ang bakasyon. Napadaan ako malapit sa boundary ng Vitaliano households at nakita ko si Laris. Nakita ko siyang kasama niya si Regina, babaeng isa sa kababata niya. “Magandang umaga po ma’am Eda,” Bati sa akin ng mga magsasaka habang nakatingin sa akin. Ngumiti ako sa kanila at sinundan ulit nang tingin si Laris na papasok sa mga cottages. ‘Saan sila pupunta?’ nagtataka kong tanong. Bumaba ako kay Massi at pinuntahan ang pinuntahan ni Laris kasama ni Regina. Alam ko namang kaibigan niya si Regina pero ayaw ko pa rin sa babaeng iyon. Bata palang ako ay maltdita na ‘yon at halatang ayaw sa akin kaya ayaw ko rin sa kaniya. Hindi naman ako mamimilit sa mga taong ayaw sa akin. Kung ayaw sa ‘kin, ayaw ko rin sa kanila. Ganoon lang naman ka easy ‘yon. Kung m*****a siya, pwes m*****a din ako. Nakita ko sila na papunta nga sa cottage. Nasa likuran la
Papaandarin na sana ni Laris ang motor niya nang biglang may sasakyang huminto sa harapan namin. Agad na nalukot ang mukha ko nang makita ang mukha ni Banx na mayabang na nakasandal sa sasakyan niya. “Eda, sa akin ka na sumakay. Ihahatid kita sa inyo,” sabi niya. Mas humigpit ang hawak ko kay Laris dahil ayaw kong sumama kay Banx. Nababadtrip ako sa mukha niya at isa pa, ang yabang niya sobra. Matagal ko na siyang kilala at nanliligaw sa akin pero ayaw ko talaga dahil aside sa hindi ko siya gusto, ayaw ko rin sa ugali niya. “Hindi mo ba nakikita na nakasakay na ako? Kaya umalis ka na dahil hindi ako sasama sa ‘yo. Si kuya Laris na ang maghahatid sa akin papunta sa bahay.” Sabi ko sa kaniya. Ayaw ko talaga sa mukha niyang magaspang. Mas lalo na sa ngisi niya sa mukha niya na ansarap tapalan ng nalusaw na metal para hindi na siya makangiti pa. “Bakit ka sasakay sa cheap na motor niya? Dito ka nalang sa akin sasakay dahil komporta-ble pa ang upo mo.” Aniya sa akin. At talagang nilait
-----15 YEARS LATER--- ALL ABOUT ANDROMEDA! “Look at this side! Pose! ANOTHER! OKAY, GOOD! PERFECT! .. 15 minutes break..” Tinanggal ko na ang ngiti sa labi ko at dahan-dahang umalis sa stage. Uminom ako ng tubig na inabot sa akin ni Hyacinth pagkapunta ko sa kinauupuan niya. Masiyadong nakakapagod ang araw na ito sa akin. “Eda, ang galing mo!” Bati ng mga nakakakilala sa akin. Tipid lang akong ngumiti sa kanila at hindi na nagsalita pa. Ayaw kong sayangin ang laway ko sa hindi ko naman close. Kinuha ko ang cellphone ko at kunot noo nang makita ang chat ni kuya Laris sa akin. “Where are you?” aniya sa chat niya. Ano na naman ba ang kailangan niya sa akin? “Pake mo!?” Send ko pabalik. Naiinis ako sa kaniya mula pa kanina. Ayaw ko na ngang makita ang pagmumukha niya. Ewan! Hindi naging maganda ang araw ko dahil hindi man lang niya ako pinuntahan sa bahay kanina. “Hinahanap ka ng mga magulang mo,” sabi niya. Hinahanap? E si mama nga nagpahatid sa akin dito kanina. “Don’t bUllshit
“MAMA!!” Malakas ang sigaw ng anak ko habang tumatakbo sila ng papa nila sakay ang kabayo ni Maddox. “Be careful!” Sigaw ko at nakasakay ako kay Massi na nakasunod naman sa kanila. Umalingawngaw ang tawa ng anak namin habang mahina silang tumatakbo palibot sa harapan ng villa. It’s Sunday at ngayong hapon, napagkasunduan namin na mangabayo kami. This is Eda’s favorite activity. Gustong-gusto niya ang mangabayo kami kasama ng papa niya. “Mama! Faster!” Sigaw niya na binuntutan ng tawa. Nakita ko pang may ibinulong si Masson sa anak namin dahil humagikgik pa ito. Sumimangot ako dahil tingin ko ay pinagkakaisahan ako ng dalawang ito. “You’re so pretty mama,” sabi ni Eda. Ngumiti ako dahil kinikilg ako sa sinabi niya. “Papa said,” nakagat ko ang png ibabang labi ko nang balingan si Masson na pulang pula na habang nakatingin sa akin. Kasalanan ng anak naming madaldal. “And you’re amazing mama in the whole world,” dagdag ni Eda. “Sabi ni papa?” tanong ko but our little Eda giggled a
Pag-uwi ni Masson ay agad nitong tinawagan si Sadik para hingin ang number ni Ivory. Kakapasok pa nga lang niya sa loob ng condo niya ay excited na siya kunin ang number ni Ivory. "Akin na ang number ni Ms. Vitaliano." Aniya nang sagutin ni Sadik ang tawag. Hindi man lang niya pinag hello ang kaibigan. “Ah.. Oh…” Tumawa si Sadik sa sinabi agad ni Masson. “Hello Masson.. Hindi uso ang hello sa ‘yo?” sarkastikong ani ni Sadik. “I don’t have time for that.” Masungit na sabi ni Masson dito. "Nagkausap na kayo?" tanong ni Sadik. Tumango si Masson kahit hindi naman siya kita nito. "Yeah." "That's good then. Sobrang coincidence nga e na naghahanap ka ng pakakasalan at siya naman ng pekeng mapapakasalan." Sabi ni Sadik at binuntuan pa niya ito ng tawa. Fake? Sorry, baby but ayaw ko ng peke. I want it real. "But you know what bro, pwede mo namang gawing peke lang ang kasal niyo e since hindi ninyo kilala ang isa't-isa. Ipalabas lang ninyo na kasal kayo gaya ng sabi mo na madaling ka ne