To be continue...
Kinabukasan ay maaga akong umalis. Akala ko magigising si Masson para ihatid ako pero hindi. Tulog pa rin siya. Parang wala rin ako sa mood muna humarap sa kaniya. Pinabayaan ko nalang. Mayaman ang pamilya Villaranza pero walang driver. May maid pero hindi lalagpas bente. Masiyado silang malaking tao kaya hindi sila basta basta nagpapapasok sa mga ari-arian nila. Nag taxi nalang ako. Hindi na rin ako nag almusal however kumuha ako ng sandwich para kainin ko pagdating sa school mamaya. Kailangan ko pang mag review para hindi mawala sa isipan ko lahat ng pinag-aralan ko kahapon. Pagdating ko sa school ay agad akong dumiretso sa gym. May nakita akong nag pa-practice ng basketball. Una kong nakita si Drake. Hindi ko alam pero gumaan ‘yong mood ko nang makita siya. After sa mall ay hindi ko na sila nakita pa sa school. Ngayon lang ulit. Nang mapatingin siya sa 'kin ay ngumiti ako sa kaniya. Akala ko lalapit siya sa 'kin at tatawagin akong ate pero hindi niya ginawa. Nag iwas siya na
Binawi ko ang kamay ko kay Carlo. Agad kong pinunasan ang luha ko at naunang mag lakad sa kaniya paupo sa may bandang ilog. Tumabi siya sa ‘kin at agad na ibinato ang bato sa tubig. "Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kaniya. "At bakit mo 'ko dinala dito?" Mahapdi pa rin ang mga mata ko dahil sa pag-iyak ko kanina. Hindi siya lumingon sa 'kin. Nakatingin lang siya sa malayo at bahagyang natawa. "Malaki ka na. What happened to you?" Aniya na hindi ko naman naintindihan. "I mean, I wonder anong naging buhay mo after you left.. here." Aniya na ikinakunot ng noo ko. "Why? Nagkakilala na ba tayo dati?" Tanong ko. "Yeah, hindi mo ba ako natatandaan?" Aniya. Kumunot ang noo ko at pilit na inalala siya dati. Tinignan ko ang buong features niya at tinandaan kung meron bang alaala ko sa kaniya. Siningkitan ko pa ng mata para lang matandaan kung meron nga ba akong alaala sa kaniya noon pero "Natatandaan mo na ako?" Aniya na parang excited na oo ang isasagot ko. "Hindi e," sabi ko na i
“Let’s go,” aya sa ‘kin ni Carlo. Tumingala ako, at tuluyahang humiga sa damuhan. Ang ganda dito, mukhang ngayon ko lang napuntahan ‘to dito sa hacienda Villaranza. “Don’t tell me you wanted to sulk here?” Taas kilay na tanong ni Carlo sa ‘kin. Iningusan ko siya at umupo. “Ayaw ko pang umuwi.” Sabi ko at ngumuso. Kamot kamot ang ulo niya at lumapit sa ‘kin saka kinuha niya ang kamay ko at biglaang pinatayo na ikinagulat ko. “Teka nga muna, bakit mo ba ako kilala?” Tanong ko ulit. Hindi pa niya ito nasasagot. “It’s for you to find out lady,” sabi niya at inirapan ako. Pinagsingkitan ko siya ng mata. “Are you my stalker before?” sabi ko. Nakita ko ang panlalaki ng mata niya at bigla akong binitawan kaya napaupo ako sa lupa ulit. “Aray!” Reklamo ko nang sumalampak ang pwet ko sa lupa. “Bakit mo ‘ko binitawan?” Inis na reklamo ko sa kaniya. Napipilitan akong tumayo at pinagpag ang dumi sa bandang pwetan ko. Hindi niya ‘ko sinagot instead inirapan niya ako. “Aba! Hindi totoo?” Pang-aak
Nang makapasok ako sa loob ay agad akong sinundan ni Masson. "Why are you with him?" pagalit na tanong niya. Hindi ko pa rin makalimutan ang ginawa niya kanina. Imbes na mag away lang kami ay mas pinili ko nalang ignorahin siya. Nagtuloy tuloy ako sa kwarto nang bigla niyang hablutin ang kamay ko at pwersahang pinaharap sa kaniya. "Why are you ignoring me?" Igting ang panga nito. Madilim ang mukha at matalim ang tingin sa 'kin. At bakit? Bakit siya pa ang may ganang magalit sa 'kin niyan? Inis na binawi ko ang kamay ko sa kaniya. "Huwag mo 'kong hawakan Masson. Nakakadiri ka." Galit na galit kong sabi sa kaniya. Pumasok ako sa kwarto at ganoon din ang ginawa niya. "And now, ikaw pa ang may ganang magalit ngayon? Ikaw na nga ‘yong may kasalanan!" Aniya kaya hindi ako makapaniwalang napatingin sa kaniya. "Ako? Ako pa ang may kasalanan? Wow!" "You hurt Dainne. Walang ginagawang masama ang tao." Nagulat ako. Nanlalaki ang mga mata na natameme sa harapan niya. "Oh, kasalanan ko p
Ngumuso ako at ibinalik ang paningin sa pinanood. Namiss ko ring kausap at kabangayan siya. Ayaw ko nang ganito pero kinakain talaga ako ng selos at pride ko. Naramdaman ko ang kamay niya sa hita ko. Tumingin ako ulit sa mga mata niya. Naroon na naman ang mga mabibigat niyang tingin sa ‘kin. Tila nahihirapan. “I miss you, wife.” Aniya at agad na hinila ang kamay ko at niyakap. Sinobsob niya ang kaniyang mukha sa leeg ko. Nagtagal, tila ba nagpapahinga siya doon. Pinag-isipan ko rin ang sinabi ni Carlo nong huli kaming nagkita, I think I’m being attached to Masson. Baka nga gusto ko na siya kaya sobrang nasasaktan ako sa nangyari. Lumayo ako sa kaniya nang konti. Ako ang yumakap sa kaniya. Hinilig ko ang aking ulo sa dibdib niya. Wala na akong paki-alam sa pride at ego. Gusto ko lang maramdaman siya dahil for the past days of ignoring him, naging tahimik ulit ang buhay ko. Ayaw kong bumalik sa panahong pakiramdam ko ay ako lang mag-isa. Tama ulit si Carlo. Sobrang takot ako dahil
“You look sad,” sabi ni Cedric kaya napatingin ako sa kaniya. Sumimangot ako ng makita na kanina pa pala niya ako tinitignan.“Hindi naman,” sabi ko dito. Tumaas ang sulok ng labi niya at inakbayan ako.“Dad, magkamukha kami ni Ivory ‘di ba?” aniya sa daddy niya. Agad naman umalma si Drake nang marinig iyon sa kuya niya.“What? No way. Kami ang magkamukha ni ate.” Sabi ng katabi ko na pinipilit alisin ang kamay ni Cedric sa balikat ko. Umiinit na ang ulo ko sa dalawa.“Bitawan niyo ko kung ayaw niyong pag-uuntugin ko ang mga ulo niyo.” Agad na napabitaw ang dalawa sa ‘kin at parang napapasong lumayo. Narinig naman namin si Oliver at Mr. Wang na natatawa sa unahan.“Tiklop ah?” tila nang-iinis na aniya sa dalawang kapatid niya dito sa tabi ko.“You didn’t answer me dad.” Napapikit ako sa sinabi ni Cedric dahil ako ang nahihiya sa mga pinagsasabi niya sa daddy niya.Tumawa si Mr. Wang,”Of course, mana kayo sa ‘kin, gwapo.” Sabi ni Mr. Wang. Nabigla ako sa sinabi niya pero naisip ko na b
Kasama ko pa rin ang pamilyang Wang dito sa isang Chinese resto malapit sa Downtown. Kanina pa ako pinipilit ni Drake na sumama sa kanila dahil maaga pa naman kaya sumama nalang ako.Nauna si Drake at Cedric sa amin habang napapagitnaan naman ako ni Mr. Wang at Oliver. Nang tignan ko sila pareho ay tahimik silang nagmamasid sa dalawa. Sobrang intimidating nila but somehow it feels so warm with them.I don’t know why but it actually feel good to be with them. “You’re so quite. What do you want for breakfast?” tanong ni Oliver. Wala naman akong alam sa mga Chinese foods e.“Kahit ano lang iyong inyo, ganoon na rin sa ‘kin.”Tumango si Oliver. “I hope you’re comfortable with us.” Aniya. Sa totoo lang, sa kanilang lahat, si Oliver iyong tahimik at prim e. But there’s this weird feeling na kapag kasama mo siya, parang lahat ay magiging okay. Iyong secured ka sa lahat ng mga lakad mo.“No. I’m fine,” sagot ko sa kaniya.“She should be. After all, we’re not-’’ hindi tinuloy ni Mr. Wang ang s
Maraming mga pagkaing dumating. May parang siopao na sabi ni Drake ay Steam Bao Bun at may Pan-Fried Pork Bun rin with Egg and Scallion Crepe, Stuffed Sticky Rice Roll and many more. May parang lugaw rin na may itlog at iba pang ingredients para kay Mr. Wang. Congee raw ito sabi ni Drake. Mukhang masarap naman lahat kaya kumain na rin ako. “How’s your parents, hija?” tanong ni Mr. Wang. Tumigil ako sa pagkain. Lately my mom is acting weird while Dad wanted to send me right away abroad after the wedding. “They are fine naman po,” magalang na sagot ko. I think, it’s right to keep it secret kung ano man ang weirdong nangyayari sa parents ko. After all, Wangs are still stranger to me. “How about your husband?” dagdag na tanong niya. Nawala ang ngiti sa labi ko nang maalala ko si Masson. I hope na walang ibang ginawang kabalbalan si Dainne sa asawa ko. Kakasundo palang namin sa isa't-isa. I think it's right to trust him and keep that woman away from us. Susubukan ko nalang din e look