Hi po ma'am Ronna G., salamat sa pag contribute po sa 2 gems. Thank you po. Ikaw po nag motivate sa'kin sa chapter na ito. Sana po nag enjoy po kayo.
Sinamaan ko nang tingin ang dalawa na ngayon ay pinapalayas ‘yong lalaki sa harapan namin. Nang balingan nila ako nang tingin ay sabay silang napakamot sa ulo nila. Wala akong interes sa kanila pero maka yuck sila, nakaka insulto. "Diyan na kayo," nilagpasan ko sila pero agad akong hinabol ni Drake at Cedric. Kinakausap nila ako pero hindi ko sila pinapansin. Nagpara ako ng taxi at sumakay sa likuran pero agad na pumasok ang dalawa at umupo sa magkabilaang gilid ko. Napapagitnaan nila ako. Napailing nalang ako at hinayaan sila saka sinabi sa driver na sa Sweet Things kami. Pagdating namin doon ay walang masiyadong tao sa loob which is a good thing dahil ayaw ko rin ng crowded. Umupo kami sa 4 seated table dahil tatlo kami. Since ang set up sa loob ay may table na intended for 1 person, may table na for 2 at meron ding 4 and 6 na pang pamilya na ata. So we picked the 4 para nasa iisang table pa rin kami. Agad akong lumapit sa counter at sumama sa 'kin si Drake. "Ate, gusto ko men
"Ate, that's so cool." Tuwang-tuwa si Drake na ikinikwento kay Cedric ang ginawa ko kanina. Wala naman ‘yon dahil gawain ko naman talaga sa Manila ang ganoon. "Well, what can I say? I'm cool, right?" "Yabang..." Naiiling na sabi ni Cedric na tinawanan ko lang. "Saan ba kayo uuwi?" Tanong ko. "Jasaan," sagot ni Drake na ikinagulat ko. Malapit lang pala sa 'min. "Why ate? Uuwi ka na ba?" Tanong ni Drake. Tumingin ako sa kaniya at kita sa mukha niya ang pag-aasam na hindi pa sana ako uuwi. Hindi ako sanay na tinatawag na ate. It's pretty normal sa kaniya na tawagin akong ate since matanda naman talaga ako and I think, that's the right thing to do. But yeah, it's pretty nice nga na tawagin niya akong 'ate' and I won't mind that. Wala kasi akong kapatid and I dreamed din dati na sana mabigyan ako ng kapatid but hindi nangyari iyon. "Let's go to arcade, please." Nasa SM downtown kami ngayon. Napatingala ako dahil nasa ground floor pa kami and ang arcade ay nasa 4th floor. Nang tignan
Agad na tinulak ni Masson si Cedric kaya ang ibang tao ay napatingin sa 'min. "Masson," tawag ko sa kaniya habang nilalayo siya kay Cyd. But ayaw niyang patigil. Ramdam ko ang panginginig ng kamay niya habang nakatingin sa magkapatid. "He touched you." May diin ang sinabi ni Masson sa 'kin. "How dare you to touch my wife," pinigilan ko na ‘wag makalapit si Masson kay Cedric na seryoso lang nakatingin sa 'min. "Masson, ano ba? Be rational. Wala kaming ginagawang masama." Iritado kong sabi sa kaniya. "Be rational?" tila hindi makapaniwalang tanong niya sa 'kin. "What's happening here?" napatingin ako kina Cedric at Drake, nakita ko si Oliver na dinaluhan ang mga kapatid. "Kuya," ang tanging narinig ko kay Drake. Nang makita ako ni Oliver ay agad nanlaki ang mga mata niya. Binalingan niya nang tingin si Drake at Cyd. "What did you do?" Matigas na tanong ni Cedric sa mga kapatid na hindi naman siya sinagot. “We just hang out. Hindi nila ako maiwan kanina kaya hindi muna sila umuwi.
Pag-uwi ko sa bahay ay nakita ko si mommy na nakaupo sa sofa. Nakatingin siya sa kawalan habang tulala. Lumapit ako sa kaniya para humalik sa pisngi. Napatalon siya sa gulat pero nang makita ako ay agad rin siyang nag relax. “Mom, bakit po?” nag-aalala kong tanong sa kaniya. “Nothing, darling.” Aniya at pilit na ngumiti. Pumasok si Masson at humalik sa pisngi ni Mommy. I grew up away from them but seeing her down, parang may kung ano sa dibdib ko na hindi ko maipaliwanag. She’s my mom after all and I love her. “What happened mom?” tanong ko sa kaniya. Tumingin siya kay Masson bago ilipat ang paningin sa akin. “Sa school ba nak, may mga taong nag-aaligid ba sa ‘yo?” Tanong niya habang nag-aalala na nakatingin sa akin. Lumingon ako kay Masson at nagtataka rin siya sa ikinikilos ni Mommy. “Bakit mom? May nangyari ba?” Natahimik siya sandali saka ngumiti. “Wala naman. Huwag niyo ng pansinin. By the way, kumain na kayo?” tanong niya. “Sa bahay nalang siguro Mom. Si Dad?” tanong ko na
--------------------- Lumabas ako ng kwarto at naabutan si Masson na naghihintay sa akin sa labas. “Kanina ka pa?” tanong ko. Umiling siya. “Alis na tayo?” aya niya. Tumango ako. Nakahawak siya sa bewang ko habang pababa kami at nakita ko ang mga magulang ko na nakatingin sa amin. Humalik si Masson sa ulo ko, “sa labas na kita hihintayin.” Sabi niya at tumango ako. “Mom, dad, uuwi na po kami ni Masson.” Humalik ako sa pisngi nila saka ko sinundan si Masson na naka hilig sa Fortuner niya. Pagdating namin sa villa ay inakay ko si Masson sa loob. Umupo na siya sa couch agad. Pinuntahan ko si Manang para magpaluto at nang makakain kami. Nang balikan ko si Masson ay mahimbing na itong natutulog ngayon sa couch. Umakyat nalang ako sa taas at kumuha ng kumot saka siya kinumutan. Lumabas ako sandali para puntahan si Massi sa Stable but nagulat ako nang makita si ate Dainne na walang imik sa 'kin at nakatingin sa mga kabayo. Tumuloy ako para puntahan si Massi. Tinapunan ko lang siya na
More likely ang parents lang namin ang nag-uusap about wedding. Nong nag walk out si Ate Dainne kanina ay tahimik lang si Masson sa tabi. Maybe ayaw niyang ginaganoon ko si ate. May feelings pa ba siya dito? “May ipapadala akong wedding coordinator sa makalawa. Tapos, ako na bahala sa wedding gown. May kilala akong magaling gumawa ng wedding gowns.” Kinikilig na sabi ni Mommy Madonna na sinang ayunan ni Mommy. “Dapat Antonio maikasal sila sa lalong madaling panahon.” Sabi ni Dad. Pinapakiramdaman ko si Masson na tahimik lang. “Ayos lang ba Fidel na 5 months from now saka sila ikasal ulit? Gusto ko kasing paghandaan itong kasal nila.” Ano? E annul na kami ni Masson niyan e. “It’s fine with me. Basta, I want their honeymoon happen in abroad.” Aalma na sana ako nang hawakan ni Masson ang kamay ko. Nang tingnan ko siya, nakangiti siyang nakikipag-usap sa mga magulang ko. “What are you doing?” bulong ko. “Stop reacting. Makakahalata sila.” Wala sa mood na aniya. Bakit ba siya galit
"What happened?" Tanong ko habang nakatingin sa kaniya. Imbes na sagutin ay pinili niyang manahimik kaya tumahimik nalang din ako. Nanatili kami sa cottage ng ilang minuto. Tahimik lang kami at nakatingin sa malayo. Wala na din akong gustong itanong pa kay Carlo. Kung ayaw niya 'kong sagutin, ayos lang sa 'kin. Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nawala sa bahay. Iniisip ko kung ano nang nangyari doon. Kung nakaalis na ba ang mga magulang ko o ano. "Can I ask if nasa inyo ba si Dainne?" Napatingin ako kay Carlo at naningkit ang mga mata ko sa tanong niya. Nasa amin nga at kung pwede ko lang siyang sipain palalabas ng villa ay ginawa ko na. "Don't mind that. Let's go home." Sabi ni Carlo kaya napatingin ako sa kaniya. Naisip ko si Masson. Kaya bumuntong hininga nalang ako at pinili na ring tumayo para umuwi. Gusto ko lang talaga magpahangin pero I’m sure na kukulitin lang ako ng lalaking ito na bumalik. Nauna siya sa 'kin habang nakasunod ako. Ang weird kung sabay kaming dala
------------------------- Kinabukasan ay nasa labas ako ng villa ni Masson. Tinatawagan niya ‘ko but hindi ko siya sinasagot. Una kong nakita ay si Primor. "Primor," tawag ko kahit na alam kong iiwasan niya na naman ako. "Magandang araw po ma'am Ivory." Aniya nang mapalingon siya sa 'kin. Dala-dala niya ang mga pagkain na ibibigay niya siguro sa mga kabayo na nasa Stable. "Kamusta ka na Primor?" Tanong ko sa kaniya. "Pwede ba akong sumama?" Dagdag ko. Sisilipin ko nalang muna sina Massi bago ko puntahan si Masson. For sure, masusuka lang ako sa mukha niya. Pinilit lang ako ni Mommy dito dahil nalaman niya na nagsinungaling ako kagabi at talagang hindi ako pinayagan ni Masson na matulog sa bahay. "Sige po ma'am." Medyo nagulat ako sa sagot ni Primor. Akala ko din kasi ay iiwas na naman siya. Sumama ako sa kaniya papunta sa Stable. Agad kong narinig ang ingay ni Massi kaya natatawa akong lumapit sa kaniya. "Hello, Massi." Sabi ko at niyakap siya. "Kamusta ka na? Sorry kagabi." Bigl