"ANG saya nila 'no?" Nilingon ni Gian ang taong nagmamay-ari ng boses. Pansin niya ang kasiyahang nasa mukha nito. Hawak ang basong may lamang branded na alak ay tumabi si Francis sa kaniya. Sabay na tumitig sa kaibigang si Adrix, nagsasayaw kasama si Celly. "Ikaw, kailan ka lalagay sa tahimik na buhay?"Narinig niya ang pagtawa nito, sinundan ng paglagok sa alak. "Dude, masaya ako sa buhay ko ngayon." "Really?" He smirked. "Are you sure about that?"Sinamaan siya nito ng tingin. "Gusto mong pasabugin ko ito?" Sa halip na matakot ay natawa siya sa sinabi ng kaibigan. Ipinatong niya ang kanang braso sa balikat nito. "Dude, mas masaya ang pamilya. 'Yong uuwi kang mararatnan mong naghihintay ang asawa't anak mo. Sasalubungin ka ng halik. Maririnig mo ang munting halakhak ng 'yong anak. Walang katumbas 'yon, dude."Hinintay niya ang itutugon nito, pero bigo siya, kaya't bumaling ang paningin niya rito. Seryoso itong nakatitig sa mga taong nasa gitna, si Adrix at Celly, nandoon din ang
NAALIMPUNGATAN si Gwen sa mainit na nakadantay sa kaniyang katawan. Sapo ang ulo nang unti-unti siyang magmulat. Inaninag ang paligid ngunit hindi niya matandaan ang lugar na kinaroroonan. Napabalikwas siya ng bangon nang marinig ang pag-ungol at naramdaman ang pagyakap sa kaniya ng kung sinuman. Napamulagat siya. Napagtanto niyang kapwa sila walang saplot sa katawan. Maingat niyang hinigit ang kumot at itinakip iyon sa kaniyang hubad na katawan. "Good morning, bab--" Lalong lumaki ang pagkakadilat ng dalawang bilugang mata niya. Her bestfriend Zabrina's standing in front of her. Girlfriend ito ng lalaking... unti-unti niyang ibinaling ang paningin sa umungol at ganoon na lamang ang pagkagulat niya nang mapagtantong si Gian ang katabi niya. Si Gian ang boyfriend ng bestfriend niya. "Uhm," muling ungol nito at niyakap siya na ang mga binti niya ang nahagilap nito. Napatitig siya kay Zabrina hanggang sa may bigla pang sumulpot sa likuran nito na lalo niyang ikinagulat. "What--" Hin
PABALING-BALING si Gwen sa kaniyang higaan. Laman pa rin ng isipan ang tagpo kaninang umaga. Napahinga siya ng malalim at napagpasiyang bumangon na lamang. Naupo siya sa gilid ng higaan at mataman na nag-isip. "Sana pala'y hindi na lang ako sumama sa bar, disinsana ay wala akong problema ngayon. Hayst! Gwen, ano na ang gagawin mo ngayon?" Tuluyan siyang tumayo, saka ay lumapit sa bintana. Maliit lamang ang espasyo ng kaniyang kinaroroonan niya at sa loob ng dalawang taon ay iyon na ang naging tahanan. Nasa probinsiya ang kaniyang magulang. Matapos niyang makapagtapos ng pag-aaral ay nagtungo na agad siya sa siyudad para magtrabaho. Sa isang supermarket siya kasalukuyang nagtatrabaho na kung saa'y pagmamay-ari ng ama ni Zabrina. Napahinga siya ng malalim. "Zabrina," mahinang sambit niya sa pangalan ng kaibigan. Naging magkaibigan sila noong elementary pa lang, bagong lipat ito sa school na pinapasukan niya. At tanging siya lamang ang nakipag-usap dito, dahil ang ibang bata ay ilag
PUMASOK na kinabukasan si Gwen, kahit pa nga halos lumuwa na ang eye bag niya dahil na rin sa halos magdamag na gising. Tila nakalutang siya habang naglalakad patungo sa kaniyang opisina. Isa siyang store manager roon. Sa ilang taong pagtatrabaho, unti-unti ay umangat siya. Hindi pa man siya tuluyang nakakapasok ay sumulpot si Celly, casher naman ito at nakapalagayang loob na niya. Nauna lang siya rito ng ilang buwan. Bago sila mag-umpisa sa trabaho ay magkukumustahan muna silang dalawa. Nakasanayan na nila ang ganoong gawain. Minsan ay dumadalaw roon si Zabrina, tumutulong din ito sa kaniya, ngunit ngayo'y hindi niya alam kung pupunta pa ito roon o kaya ay kakausapin siya. "Bakit ganiyan ang mukha mo? May sakit ka ba?" Napahinga siya't napailing. "Hindi ako nakatulog ng maayos." Pumasok siya sa kaniyang opisina. Ipinalagay iyon ni Zabrina para sa kaniya., para hindi raw siya mahirapan pa. "At bakit?" tanong nito ngunit maya't maya rin ay napitik nito ang daliri. "Ah, alam ko na.
Hindi na pinapasok sa Gwen sa trabaho niya. Ayon kay Sylvia ay pagtuunan na lang daw niya ng pansin ang kasal nila ng anak nito. Hindi pa man siya naka-oo sa kasal ay planado na ng ginang na labis niyang ipinagtataka. Todo alaga rin ito sa kaniya. Araw-araw itong bumibisita sa kaniya o kaya nama'y isinasama siya sa mga lakad nito. Ipinakilala rin siya sa iba nitong mga kaibigan bilang mapapapangasawa ng anak nito. Si Zabrina na matagal ng nobyo ng anak nito'y hindi pa kailanman niya nakitang pinahalagahan ng sobra ng ginang. O, dahil hindi naman siya madalas nakakasama nito.Nabalitaan niyang pumunta na sa Canada ang kaibigan niya na labis niyang ikinalungkot. Hindi man lang sila nagkausap bago ito umalis. Napahinga siya at napatingala sa kesame. Mag-isa lang siya roon. Kapwa may pasok ang dalawang kasama niya. Mag-iisang buwan na rin simula nang pinag-resign ni Sylvia kaya ngayo'y nakararamdam siya ng lungkot at pagkainip. Tumayo siya't pumasok ng silid. Maliligo siya. Balak niyang m
"GIAN!" Nanginginig ang katawan na napabaling si Gwen sa sumigaw na ginang, nasa bukana ito ng pinto at halos hindi maipinta ang hitsura. "Ano bang katarantaduhan ang ginagawa mo kay Gwen?" pasigaw muli nitong sabi. Tuluyan na itong lumapit sa kinaroroonan niya. Inalalayan siya nitong makatayo. "Are you okay, iha?" "O-opo," mahinang tugon niya. Kahit papaano ay nabawasan ang panginginig ng katawan niya. Bumaling ang ginang sa binatang tila hindi nabawasan ang galit sa kaniya. "Kailan ka pa natutong manakit ng babae, Gian? Hindi kita pinalaking walang galang sa babae!" sigaw nito na halos ikalabas na ng litid sa leeg nito. "Mom, ginalaw niya ang mga gamit ko!" ganting hiyaw ng binata. "Why? Is that gold? Or crystal na puwedeng nakawin?" Pinanlakihan nito ng mata ang binata. "Mom, you know naman na ayaw kong pinakikialaman ang gamit ko, hindi ba?" "Then, dapat ipinaintindi mo sa kaniya, hindi yung nananakit ka kaagad!" Umiwas ng tingin ang binata. Ibinalik nito ang picture fram
NAGSASAYA na ang lahat ng nasa reception na ginanap sa isang hotel maliban kay Gwen. Nasa tabi lamang siya habang nagmamasid sa mga bisita. Naroon din si Celly na bukod kay Zabrina ay close friend niya. Lumapit ito sa kaniya at pilit siyang pinasaya. "Sa lahat ng babaing ikinasal, ikaw lang yata ang kilala kong nakikipaglibing," pang-iinis nito na ikina-iling niya. "Sira ka talaga!" sabi pa niya sa inirapan ito. Napabaling ang mukha niya sa nakatayong si Gian. May kausap itong sexy at magandang babae. Bumalatay sa mukha niya ang lungkot at maagap na iniiwas ang paningin dito. Hindi niya kayang magsaya kahit ngayon pa ang araw ng kaniyang kasal. "Come on! Magsaya ka naman! Hindi ito libing." Hinila nito ang kaniyang kamay. "No, thanks. Dito na lang ako." "Ang kj mo." Inirapan siya nito. Napahinga ito ng malalim. Maya't maya pa ay sumeryoso ang mukha nito. "Alam kong hindi ka masaya kaya bakit mo pa tinanggap ang kasal? Bakit ka pa nagpakasal? Puwede ka namang tumanggi." Aga
HINDI ipinagkalat ni Gwen ang nangyari nang unang gabi bilang mag-asawa nila ni Gian, kahit kay Sylvia. Masakit para sa tulad niyang babae ang nangyari, lalo na't asawa siya nito. Alam niyang hindi siya mahal ng asawa, pero sana man lang ang i-respeto siya bilang isang babae. Magkagayunpaman, ipinagsawalang-bahala na lang niya iyon. Sa harapan ng ginang ay maayos ang pakikitungo nito sa kaniya, ngunit kapag nakatalikod na, daig pa niya ang isang kriminal sa mata nito. Sa iisang silid na rin sila natutulog, ngunit hindi sa iisang kama. Sa malamig na semento siya natutulog na nilalatagan niya ng manipis na sapin at nasa pinakasulok ng silid. Sabi ng asawa niya, dapat ay malayo siya sa tutulugan nito. Kaya't heto siya, daig pa ang basang sisiw, sa sahig natutulog. Sinabihan siya nito na dapat tuwing umaga bago ito magmulat ng mata'y wala na siya sa silid. Kaya nama'y inaagahan niyang gumising, tulad nang umagang iyon. Alas kuwatro pa lang ay gising na siya. Matapos maisayos ang tinulu
"ANG saya nila 'no?" Nilingon ni Gian ang taong nagmamay-ari ng boses. Pansin niya ang kasiyahang nasa mukha nito. Hawak ang basong may lamang branded na alak ay tumabi si Francis sa kaniya. Sabay na tumitig sa kaibigang si Adrix, nagsasayaw kasama si Celly. "Ikaw, kailan ka lalagay sa tahimik na buhay?"Narinig niya ang pagtawa nito, sinundan ng paglagok sa alak. "Dude, masaya ako sa buhay ko ngayon." "Really?" He smirked. "Are you sure about that?"Sinamaan siya nito ng tingin. "Gusto mong pasabugin ko ito?" Sa halip na matakot ay natawa siya sa sinabi ng kaibigan. Ipinatong niya ang kanang braso sa balikat nito. "Dude, mas masaya ang pamilya. 'Yong uuwi kang mararatnan mong naghihintay ang asawa't anak mo. Sasalubungin ka ng halik. Maririnig mo ang munting halakhak ng 'yong anak. Walang katumbas 'yon, dude."Hinintay niya ang itutugon nito, pero bigo siya, kaya't bumaling ang paningin niya rito. Seryoso itong nakatitig sa mga taong nasa gitna, si Adrix at Celly, nandoon din ang
HINDI lubos-maisip ni Celly na sa ilang sandali ay ikakasal na siya sa lalaking kinaiinisan niya nang sobra. Hindi rin niya akalaing nagdadalang-tao siya. Tuwang-tuwa si Adrix nang ipaalam niya rito ang kalagayan niya, nangakong magiging mabuting ama at asawa ito. "Dapat lang, dahil kung hindi, hindi mo kami makikita ng magiging anak mo." Para siyang baliw na nagsasalitang mag-isa habang nakamasid sa wedding gown na anumang oras ay susuotin na niya. Bumukas ang pinto, pumasok ang kaniyang ina at si Gwen. Ngiting-ngiti ito sa kaniya. Ito ang bridesmaid niya. Nakasuot na ng gown. Pinagmamasdan niya ito. Magmula noon hanggang ngayon ay hindi nagbabago ang hugis ng katawan ng kaibigan niya. Mas lalo pa ngang gumanda ang hubog ng katawan nito simula nang manganak. Sexy, stunning, gorgeous. Lahat yata ng magandang katangian ay nandirito na. Tinulungan siya ng dalawa na isuot ang wedding gown at habang isinusuot ay binibilinan siya ng mga hindi at dapat gawin kapag nasa iisang bubong na
ABALA si Gwen sa pag-aayos ng kanilang gamit na dadalahin papuntang probinsiya, sa lugar ni Celly. Nasa bag na ang kaniyang mga susuotin, ganoon din ang sa asawa, at dahil ito ang best man ay nagdala siya ng suit, tulad ng napagkasunduan ng magkakaibigan. Ang gusto pa ni Adrix ay magsuot ng tuxedo, pero tumanggi ang kaniyang kaibigan. Para sa kaniya, sapat na rin ang simple lang. Ang importante ang basbas ng Maykapal. Naalala niya nang ikasal kay Gian. Maganda ang trahe de boda niya, ganoon din ang suot ni Gian, maganda ang design ng venue, maging sa simbahan, pero pareho silang nasa loob ng madilim na panahon. Oo, may pagtingin siya sa asawa, pero hindi niya inasam na makasal dito dahil lang sa nakitang magkatabi sila sa kama. Nang mga panahong 'yon, tanging si Zabrina lamang ang laman ng puso't isipan nito, pero ang kaibigan niya, may iba nang minamahal at si Elias 'yon. Napangiti siya nang bumaling ang paningin sa picture frame na nakapatong sa bed side drawer. Picture nilang dala
KAPAPASOK pa lang ng sinasakyan ni Gwen nang makasalubong ang sasakyan ng asawa. Kanina pa ito tumatawag pero hindi niya nasagot hanggang sa na-lowbat. Dumaan pa sila ni Celly sa apartment nito at natagalan doon. Bumaba ito ng sasakyan, base sa hitsura ay galit ito. Nagkatinginan silang magkaibigan. "Bakit?" tanong pa ni Celly.Nagkibit-balikat siya at hinintay ang paghinto ng asawa. Kinatok nito ang bintana. Hindi niya binuksan, sa halip ay lumabas siya ng sasakyan."Where have you been?" Nagsalubong ang kilay niya. Bakit parang galit ito sa kaniya? May nagawa ba siyang mali? Sobra na siyang nagtataka."Sinamahan ko si Celly." Naguguluhan pa rin siya kung bakit ito galit."Alam mo bang kanina pa ako tumatawag sa iyo!" Malakas ang pagkakabigkas nito, mabuti na lang walang tao sa hinintuan nila. "Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko?"Iyon ba ang pinagpuputok ng butsi nito? Tinaasan na lang niya ito ng kilay. Ipinag-ekis din ang dalawang braso sa tapat ng dibdib. Talagang dito pa sa
TAWANG-TAWA si Gian, hindi maalis sa isipan niya ang hitsura ni Celly habang nagpo-propose si Adrix. Hindi niya maikakailang tinamaan ngang talaga ang kaibigan niya. Tulad din niya, sobra nitong dinamdam ang nangyari sa relasyon ng ex-girlfriend nito. Pareho sila ng naging karanasan, pero masaya na siya ngayon sa piling ng mapagmahal at maarugang asawa. He will do anything to protect his wife at ang anak nila. Alam niyang nasa paligid lang si Larry, nagnamatyag at tiyak na idadamay nito ang kanilang anak. Natigil ang pagmumuni-muni niya nang pumasok si Adrix. Malawak ang ngiting nakapaskil sa labi nito na ikinailing niya. "Kumusta ang ikakasal?" bati niya rito. Ibinaba nito ang hawak na cellphone sa mesa niya kasabay ang pag-upo sa nasa unang bangko. "Masaya na excited. Ako na yata ang pinakamasayang tao, dude." Napalis ang ngiti niya. Hindi niya naranasan 'yon nang ikasal siya. Pinuno niya ng galit ang dibdib para sa mapapangasawa. Hindi na-enjoy ang kanilang kasal at alam niya
"KUMUSTA kayo ni Adrix?" Napatingin si Celly sa kaibigan. Seryoso itong nakatitig sa kaniya. Dapat na bang sabihin niyang may nangyari sa kanila ni Adrix? Hindi pa rin niya nakakalimutan ang araw na ipinagkaloob niya sa binata ang pinakaiingatang puri. Simula n'on ay palagi na niya itong hinahanap-hanap. Nang dumating nga ito galing US ay dumiretso sa apartment niya, doon ito natulog at hindi niya itatangging may nangyaring muli sa kanila. "Natulala ka na." Napukaw ang nagliliwaliw niyang diwa nang pitikin siya ni Gwen sa noo. Napangiwi siya sa sakit. "Masakit 'yon ha!" "Hindi ka kasi sumagot." Payak siyang ngumiti at lumapit dito. Pinaglaruan niya sng daliri ng inaanak."We're okay. Simula nang bumalik siya, bantay-sarado na ako ng mokong." Napailing siya. Totoo 'yon. Simula nang dumating si Adrix ay halos hindi na siya nito nilulubayan. Hatid-sundo sa work."Mabuti naman. Hindi mo na ba siya inaaway?" muling tanong ng kaibigan niya."Hindi na," nakangiting tugon niya."Good. A
HINDI mapakali si Gian. Matapos ibalita ni Francis ay umalis na rin ito kaagad. Sinabi nitong mag-a-assign ito ng bodyguard para sa kaniyang mag-ina, mabuti na raw ang may protection sila. Alam niyang hindi basta-bastang kalaban si Larry, kaya pumayag na siya. Ang isa pa niyang ikinababahala ay ang pagkamatay ni Zabrina. Ayon sa kaibigan ay pinapagamot ni Elias, subalit sadyang wala na sa katinuan ang dati niyang nobya kung kaya't tumalon ito sa palapag ng hospital. Mariin siyang pumikit. Kahit naman nagalit siya rito ay hindi niya ginustong mawala ito sa ganoong uri ng pagkamatay. Hindi niya maatim na mawala lalo na't wala ito sa matinong pag-iisip. Isa pang iniisip niya'y ang asawa. Paano niya sasabihin dito na wala na si Zabrina? At si Larry. "Fvck!" Nahilot niya ang sentido. Hindi na siya makapag-isip ng tama. Patong-patong na ang kaniyang pinoproblema."Hayst!" Nakapamaywang na tiningala niya ang puting kesame at nagpakawala ng malalim na hininga. Nagdesisyon na siyang sabihi
PAROO'T PARITO si Gian, one month na ang nakalipas nang papuntahin niya si Adrix sa America para hanapin si Zabrina. Ayon sa nakalap na information ni Francis ay sa Los Angeles nakatira ang asawa ng ex niya. Ngayon ay pabalik na ang kaibigan niya, ayon dito ay may bad news itong dala. "Sweetheart..." Napahinto siya sa pagpapatintero, hinintay ang pagpasok ng asawa. Kalong nito ang kanilang anak, malayo pa lang ay nakabungisngis na. "May problema ba?" "Ha?""Kanina ka pa kasi tulala. Kahit si Mommy ay napapansin 'yan?"Masyado ba siyang obvious?"Ah!" Nag-isip siya ng maidadahilan. "M-may gumugulo lang sa isipan ko." "Ano 'yon?" "S-si Adrix.""Oh! Anong mayroon sa kaniya? Siyanga pala, hindi ko na nakikita ang isang 'yon. Nasaan ba siya?"Maingat na inilapag ng kaniyang asawa ang anak na mahinang tumatawa sa kama. Malikot na ito, kaya dapat ay may bantay na. Naisip niyang ikuha na ito ng mag-aalaga. On hands naman ang asawa niya pero mas maganda na rin 'yong may nag-aalaga rito.
"KAILAN mo balak umalis?" Napahinga ng malalim si Adrix. "Hindi ko alam. Wala pang update si Francis." Tumitig siya sa dalagang malapit lang sa kaniya. Inilagay niya ang bawat himaymay ng mukha nito sa kaniyang isipan. Magmula sa mata, ilong, pisngi at labi. Napalunok siya ng laway. Ang nawalang espirito ng alak ay unti-unting bumabalik, nararamdaman niyang umaakyat sa kaniyang ulo. Nabubuhay ang matinding pagnanasa niya sa dalaga. Pinilit niyang labanan ngunit sadyang malakas ang hatak nito sa kaniya. Nang hindi na makatiis ay mabilis niyang tinawid ang kanilang pagitan. Walang pasubaling sinibasib niya ang labi nito. Hindi inalintana kung magagalit ito. Pero nasiyahan siya nang maramdaman ang paggalaw ng labi rin nito. Ibig sabihin ay gusto nito ang ginagawa niya. Pinagbuti niya ang paggawad ng halik dito, sumasabay na ito sa bawat hagod niya. Ikinawit pa ang dalawang braso sa kaniyang leeg. Nang tila kakapusin na ang hininga ay saka pa lang niya binitiwan ang labi nito. Ipinagdi