Home / Romance / His Metal Cage / Kabanata 3

Share

Kabanata 3

Author: noowege
last update Last Updated: 2021-07-09 19:14:10

Huminto kami at siya na mismo ang kumuha ng gamit ko kahit hindi ko talaga balak na ipahawak sa kaniya. Nahihiya kasi ako sa gamit ko lalo pa at mumurahin lang iyon. Pero para sa akin iyon ang pinaka-magandang bag na gawa ng Lola ko. 

Maririnig ang pagbukas ng malaking gate nila. Ibig sabihin sa pangalawang pagkakataon ay makakatuntong na naman ako sa lugar na ito. Sa bungad pa lang nararamdaman ko na ang kakaibang pakiramdam na tila may nagmamasid sa'kin sa malayo. 

Napalunok ako at maingat na naglakad pasunod sa babae. Aaminin kong gustong-gusto kong makita ang paligid. Sabi ni Lola ang mansyon ng mga Rojo ang may pinakamagandang harden. Sa bungad pa lamang daw ay makikita mo na ang mga nagkukumpulan na matatabang bulaklak ng mga rosas. At ang Lily na matagal ko nang gustong makita ay malapit lang daw dito. Minsan na rin kasi na nagtrabaho si Lola sa mga Rojo. Gardener daw siya at noong mamatay ang mama ko at naiwan ako sa pangangalaga niya ay bumitiw siya sa trabaho niya at mas pinagtuonan ako ng pansin.

"Dito,"aniya.

"Uh, oo... pasensya na." Hindi ko kasi namalayan na natigilan na pala ako nang masamyo ko ang amoy ng rosas sa paligid.

Napakaganda siguro tingnan ng mga iyon.

Agad akong sumunod sa kaniya at ilang hakbang pa ay naramdaman ko na ang madulas na sahig. Ang tunog ng suot namin sa paa ay umaalingawngaw sa paligid. Napakalaki siguro talaga ng lugar para ganoon ito umalingawngaw sa maliit lamang naming galaw.

"Kakausapin na'tin ang mayordoma."

Iginiya niya ako kung saan at nagpatianod lang ako sa mga hawak niya. Hanggang sa huminto kami sa isang lugar. Napaka bango doon. Amoy pagkain, masasarap na pagkain. Naalala ko tuloy ang kinain ko bago ako umalis sa dampa namin. Kumain lang ako ng kanin at inulam ang asin at may kasamang piniritong kamatis. Naisip ko tuloy, dito siguro ang sasarap ng kinakain nila. Ang taba taba na siguro ng mga katulong dito at ang kikinis. 

"M-Miss Dona,"ani babaeng kasama ko. Mukhang kabado pa.

"Siya ba ang pinagmamayabang mo, Olor?"

"Uh, o-opo. Siya po iyong magiging kapalit ko."

"Bulag?"

"Uh..." Tila nangangapa na ang kasama ko.

Kapag hindi ako nagsalita tiyak na baka hindi ako tanggapin at dito pa lang ay baka reject na ako.

"M-Marunong po ako sa gawaing bahay. I-Iyong mata ko po ay hindi hadlang M-Miss—uh..." Napaisip ako kung anong pangalan niya.

"Dona,"dugtong niya.

"D-Dona... M-Miss Dona! Sanay po ako. 'Wag po kayong mag-alala. Kaya ko pong mag-adjust at madali akong matuto."

Narinig ko ang mahinang buntong hininga ng kasama ko na Olor pala ang pangalan. 

"Sigurado ka?"

"Opo!"ani ko agad.

"Bweno, pipi din naman iyong si Archie. Pero ibang usapan kung bulag. Kung gayon, 'wag ka lang papalpak at ayokong malagot,"paalala ni Miss Dona. Iyong tuno ng boses niya ay may pagka maarte.

"Hindi po siya papalpak. Sigurado!" Si Ate Olor pa ang sumagot para sa akin.

"Ayokong sa'yo manggaling, Olor. Gusto kong marinig mula sa babaeng ito."

"O-Opo. Sisikapin ko po,"sagot ko.

"Tessa! Ikaw ang magtuturo dito sa bago,"ani Miss Dona na tinatawag ang kasamahan niyang matagal na rin yata dito.

"Opo, Miss."

Ngumiti ako kung saan banda ko narinig ang boses ng tinawag niyang Tessa. Akala ko nga maayos siyang makitungo dahil sa mukhang mabait naman siya noong sumagot siya kay Miss Dona. Pero medyo hindi ko lang talaga maintindihan kung bakit ang gaspang niya sa'kin. 

"Hoy! Ano? Ano na, huh?"narinig ko pa siyang may hinampas. Pero hindi ko alam kung sino. "Archie! May itsura pero baldado naman!"

Dumaan kami sa harden. Doon pala nakatuka iyong tinawag nilang Archie na gaya ko may kapansanan din. Napayuko na lang ako dahil gaya ko ganoon din ang inaalipusta niyang si Archie. Mukhang may pinagsasabi pa siya kay Archie na masasakit na salita bago siya nagpatuloy sa pagsama sa akin sa iba pang lugar sa mansyon.

Hindi tuloy ako naging komportable sa pagsama niya sa'kin. At isa pa ay siya ang magtuturo sa'kin ng mga gawain sa bahay na iyon kaya isa pa iyon na problema ko. Pero 'di na bale, dahil madali akong matuto. Sisikapin ko lang na matuto agad para makapagsimula na ako ng matiwasay.

"Oh, iyan. Alam kong hindi ka makakakita. Bulag ka, e." Tapos natawa. "Pero ito parati mong ilagay sa kukote mo, Bulag. Iyang basement diyan ay tayong mga katulong lang ang pwede pumasok diyan. Ako taga-dala ng pagkain, tapos ikaw na raw ang i-a-assign na bagong taga-linis diyan. Pero hindi kita tuturuan sa loob kung papaano doon maglinis. Nandiyan ang anak ng amo na'tin, bawal. Tuturuan kita sa ibang lugar."

Sa baba ng mansyon ang silid ng anak ng amo namin? At base sa tunog ng mga sout namin sa paa ay mukhang nasa mas pinaka baba kami ng Mansyon. Mukhang nakakatakot. Mabuti na lang at sanay na ako sa dilim, maliban sa kakaibang tunog at lamig doon.

"Actually, kapag maayos ang mode niya ay nasa itaas siya. May silid din siya doon pero kapag wala naman sa sarili ay dito siya nila nilalagay sa basement. Sa ngayon ay nandito siya sa basement."

Napakunot ang noo ko. "May sakit ang anak ng amo na'tin?"

"Tsismosa!"aniya tapos tumawa.

Napayuko ako. Gusto ko lang naman malaman lalo pa at siya pagsisilbihan ko simula ngayon.

"Good luck na lang, bulag. Sana hindi ka tulad ng ibang taga-linis diyan na lumayas na lang bigla. 'Wag kang duduwag-duwag kung ayaw mong matulad sa kanila. Iyong si Olor? Duwag iyon! Kaya ka nga kinuha noon, e kasi hindi niya na nakayanan ang takot sa loob." Tapos tumawa na naman.

Mas lalo akong nalito sa mga sinasabi niya. Bakit? Ano ba kasi ang mayroon sa anak ng amo namin?

"Gusto mong malaman? Gusto ko rin naman ipaalam sa'yo ang lahat. Kailangan mo rin naman malaman,"aniya at humagikhik na naman.

Nakagat ko ang labi ko. Pero iniisip kong tinatakot niya lang ako. Kasi tulad ni Archie, mukhang hindi maganda ang timpla niya sa aming mga may kapansanan. Siguro napakahilig niyang mang-trip sa kapwa niya katulong... lalo na sa'kin.

"Mamamatay tao ang anak ng amo na'tin. Pinatay niya lang naman ang kakambal niya,"mahina ng kaunti ang boses niya pero may tila gigil doon. 

Natulala ako sa narinig. Pinatay ng taong nasa loob ng silid na ito ang kapatid niya? Ang sarili niyang kadugo, at kakambal pa? 

"Chika 'yon, Bulag." Tapos tumawa na naman.

....

"N-Nasaan ang damit ko?"

Noong kinapa ko ang pinaglagyan ko ng bag ko ay wala na doon. Magkasama kasi kami ng apat na katulong sa iisang silid. 

"Ibalik mo nga 'yan, Tessa! Bully ka talaga." Isang boses ng babaeng nasa kabilang higaan.

"Paano mo sinusuot ito, Bulag? Damit ng Lola ko yata 'to, e."

Napalunok na lang ako napayuko. Ayoko rin talaga siyang patulan. Hindi pa ako nakakapagsimula kaya ayoko sana talaga ng gulo. 

"Hoy, Bulag! Saan ka pupunta?"

Tumalikod ako at hinayaan na lang na laitin niya ang mga dala kong damit. Sana lang 'wag niya sirain dahil mahalaga sa'kin ang mga damit na iyon. Bigay pa iyon ni Lola noong tumungtong ako ng kinse. 

Pinahid ko ang luha at dumeretso sa harden. Noong nakarating ako dito sa mansyon at sumama na ako kay Tessa ay bigla na lang din naglaho si Ate Olor. Ayaw ko sanang isipin na totoo iyong sinasabi ni Tessa tungkol sa lalaking nasa basement pero dahil sa pagkawala ni Ate Olor ay parang gusto ko na lang din paniwalaan iyon ngayon.

Napatuwid ako ng tayo nang makaramdam ng kakaiba sa paligid. Parang may nagmamasid na naman. Napahigpit ang hawak ko sa tungkod ko na kahoy.

Masasamyo ko ang amoy ng mga rosas at mararamdaman mo ang lamig ng hangin pang-gabi. Akma akong hahakbang paatras nang mabunggo ko ang katawan ng tao sa likuran. Naalala ko bigla ang panaginip ko noong nagdaang gabi.

Mas natakot ako at akmang tatakbo kung saan pero nahawakan niya ako sa braso at nalaman ko na muntik na akong mahulog. Wala na kasi akong nararamdamang tapakan sa kabila kong paa.

"S-Sino ka?"

Napansin ko na nilalagay niya sa kamay ko ang isang papel. Hindi ko agad nahulaan kung ano at para saan iyon. Pero kalaunan ay giniya niya ang daliri ko sa papel at nalaman na may mga letra doon. Oo, marunong ako magbasa dahil kahit hindi ako nakapag aral sa paaralan ng mga bulag ay nandiyan si Lola para turuan ako. Hindi naman daw siya papayag na lumaki akong no read no write.

"Archie?"

Nagsulat na naman siya sa papel at pinahawakan sa'kin. At 'oo' ang nakalagay doon.

Bakit nandito ka pa sa labas? Malamig na. Iyon ang susunod niyang sinulat na binasa ko ulit gamit ang mga daliri.

"Uh... ang bango kasi ng harden. Ikaw ang nakatuka dito, 'di ba? Mukhang naalagaan mo ng maayos."

Oo, salamat. Bago lang din ako dito. Narinig ko isang matandang babae ang unang nag-alaga niyan. Ako lang ang nagpatuloy.

Napangiti ako. Ang tinutukoy niya ay ang Lola ko. Hindi ko alam kung ilang pahina ng papel ang naubos niya para sa pag-uusap na iyon. Ayoko rin naman na maubos agad ang papel niya dahil sa'kin kaya ako ang unang nagpaalam sa kaniya. Ang totoo ay naaaliw ako sa pakikipag-usap sa kaniya kung sana hindi lang kami naging ganito... kung sana.

At napangiti ako nang maramdaman ang rosas na hawak. Pinagpitas niya ako ng rosas kanina. Kulay dugo daw iyon, iyon ang pinaka magandang rosas sa harden.

Nakangiti ako habang hawak-hawak pa rin ang bulaklak at pasaglit-saglit iyong inaamoy hanggang sa nakarating ako sa malawak na bulwagan ng mansyon. Ngunit nagulat na lang ako nang may kumalabog. Malakas na kalabog dahilan para umalingawngaw sa loob ng bulwagan. Tila may galit na nagsara ng pintuan. Naalala ko ang ang oras, naisip ko na baka late na at kailangan ko nang matulog kaya nagpatuloy na ako sa silid ko. 

noowege

Thank you for reading my story sana abangan niyo pa ang susunod na kabanata

| 2
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Desmond Heart
Sobra po ang ganda ng stories nyo
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • His Metal Cage   Kabanata 4

    Isang araw lang akong tinuruan ni Tessa. Sinaulo ko lahat kahit napakahirap dahil ang dami. May mga ginagamit silang mga bagay na hindi ko pa nagamit kailanman. Nang maalala ko si Archie ay kumalma ako. Pwede naman siguro akong magpaturo sa kaniya kung sakali. Kapag sweldo ko ay bibilhan ko na lang siya ng dalawang notebook. Ito ang unang araw para doon. At kinakabahan talaga ako. Hawak ko ang mop, walis tambo, at iyong tinatawag nilang vacuum. Nasa labas lamang ang trolley ko na napupuno ng mga kagamitang panglinis. Sabi nila ay kakatok ako ng tatlong beses at sasabihin ko kung ano ang sadya ko. At ginawa ko nga iyon. "M-Maglilinis po ako." Kinakabahan ako. Hinintay ko na may magsalita mula sa loob pero dumaan na lamang ang ilang segundo pero wala pa rin. Kaya nagpasya na akong ipihit ang seradura. Kaya lang ay alanganin pa ako lalo pa at wala naman akong narinig na sagot. Napapatanong tuloy ako sa sarili ko kung, ayos lang kaya? Hindi kaya ako mapagalitan? Tama ba ang ginagawa k

    Last Updated : 2021-07-12
  • His Metal Cage   Kabanata 5

    Salamat, Yenah. Napangiti ako nang malaman ang nakasulat sa papel. Pinagluto ko siya ng nalalaman kong ulam noong nasa bundok pa lang ako. Wala sina Tessa ang mayordoma at ang ibang katulong maliban sa taga-luto. Day-off nila maliban sa amin ni Archie na wala nang uuwian kaya mas pinili na lang na magpaiwan dito sa mansiyon ng mga Rojo. Nakatulog sa silid ang taga-luto dahil gusto rin magpahinga kaya malaya kong nagamit ang mga kagamitan sa kusina. Iyong patapon na mga gulay at iba pang rekados ay madalas iyon ang napupunta sa aming mga katulong. Iyon ang niluto ko. At iyon din ang magiging ulam namin ngayon ni Archie. Sabay kami ngayon sa likod, may sira na upuan doon at tinapon na mesa na hindi pa naman talaga sira. Iyon ang mga ginamit namin doon. Amoy na amoy ang rosas sa paligid na gustong-gusto ko. Si Archie ang naglagay ng mga pinggan at kubyertos. Hindi ko alam kung bakit pero napapangiti ako sa ideya na para niya akong asawa na pinagluluto siya at magkasabay kami ngayon n

    Last Updated : 2021-07-15
  • His Metal Cage   Chapter 6

    "Yn." "Asmodeus." Ang boses niyang masuyong tinatawag ngayon ang pangalan ko. Hindi ko alam kung bakit ganoon, bakit nagbago ang tembre ng boses niya gayong sa unang pagkikita pa lang namin ay malamig at seryoso iyon. "You're calling me?" Napaigtad ako nang bigla kong marinig ang boses niya sa likuran ko. Napakurap-kurap ako, hindi totoong tinawag niya ako. Imahinasyon ko lang pala iyon, dahil sa takot ini-imagine kong sana maging mabait siya. "P-Pasensya na po." Agad akong tumalima at akmang magsisimula na nang magsalita siya. "How's your day-off, Yn?" Napamaang ako. Alinlangan pa pero humarap ako. "M-Maayos naman po." Matagal bago siya nagsalita. Naghintay ako pero dahil may gagawin pa ako at natatakot ako sa palitan namin ng salita ay nagpaalam ako. "M...Magsisimula na po akong..." "Why too fast?" Gulat na napaatras ako nang maramdaman ko ang hininga niya sa noo ko. Lumapit pala siya, hindi ko man lang naulinigan ang paglapit niya. Muntik na akong matumba kung hindi da

    Last Updated : 2021-07-20
  • His Metal Cage   Chapter 7

    "Archie..." Mahina kong bulong. Sana may magic na kapag tinawag ko sila ay darating sila upang sagipin ako.Kumakalampag ang pintuan ng banyo. Si Asmodeus iyon. Bawat hampas niya doon sa pinto ay para akong nahuhulog sa malalim na bangin. Tanging ang pinaghuhugotan ko ng lakas ng loob ay ang huling sulat na natanggap ko mula kay Archie. Kinapa ko ang sulat kamay niya doon.Araw-araw, paulit-ulit ko iyong binabasa upang ibsan ang takot na nasa loob ko.Hindi ko alam na pumayag ka na samahan si Asmodeus sa silid na iyan. Iyon ang sabi ni Mrs. Rojo sa amin.Hindi ako naniniwala dahil taliwas ang lahat ng nakita ko sa mukha mo. Paniguradong nalilito ka rin sa mga oras na ito.'Wag kang mag-alala, hahanap ako ng paraan, ilalabas kita diyan, Yenah. Patawad kung napunta ka sa sitwasyon na ito. Hindi ko aakalaing aabot ka sa puntong ito.Sana noon pa nabalaan na kita... sana noon pa... patawad, kasalanan ko ito."Archie..."nanghihina kong sabi.May pasa ang buong kabilang braso ko, maging an

    Last Updated : 2021-08-01
  • His Metal Cage   Kabanata 8

    "Ano ba iyang nirereklamo mo diyan?" Ang mayordoma na gaya ng nakasanayan at sabi nila ay nakataas parati ang kilay. Lalo na ngayong hinihingi ko ang permiso niyang tapusin na lang ang kontrata. Parang nararamdaman kong umaangat na rin ang kilay niya."T-Tinapos ko lang ang kontrata ni Ate-""Hindi ikaw ang dapat magdesisyon para diyan. Si Mrs. Rojo. Dahil siya ang nagpapasahod sa'yo, hindi ako."Bagsak ang balikat ko nang talikuran niya ako. Naghihintay na lamang kami na matapos sa pag-uusap sina Asmodeus at ama niya na nasa library raw ngayon. Pagkatapos dalawang araw dito ay kasama akong aalis ni Asmodeus sa mansion at tutungo kami sa isang syudad kung saan nandoon ang isa pang mansion na pagmamay-ari rin ng mga Rojo. Kaming dalawa ulit doon habang pinag-aaralan niya ang negosyo ng pamilya. Hindi ko alam kung anong magiging silbi ko doon. Sa yaman at laki ng impluwensya nila ay hindi malabong makahanap si Asmodeus ng mas higit pa sa'kin. Tapos na ang kontrata, dalawang buwan na lan

    Last Updated : 2021-08-11
  • His Metal Cage   Kabanata 9

    Sinabisab niya ng marahas na halik ang dibdib ko. May estrangherong pakiramdam na lumukob sa pagkatao ko ngunit nanaig ang pagtutol sa utak ko... kanina. Ngunit ngayon ay may nararamdaman akong mga bagay na hindi ko alam ang dahilan. O baka dahil sa mga ginagawa niya ngayon. "Have you been kissed before, My Yenah?"halos pabulong niyang sabi malapit sa mukha ko. Nararamdaman ko ang hininga niya sa labi ko. Napanganga ako nang maalala ang ginawa niya noon. Iyon ang una kong halik, kaya't hindi ako makasagot. "Hmm... I think I know the answer." Narinig ko ang marahan niyang pagtawa. At napasinghap ako nang kasunod niyon ay ginawaran niya ako ng masuyong halik. Halik na hindi tulad ng dati, marahan, nag-iingat, at tila may pagmamahal. Pagmamahal... Naalala ko na naman si Archie. Wala siyang mukha sa alaala ko pero nagkakaroon siya ng mukha sa puso ko. Hindi ko matukoy ang nararamdaman sa kaniya pero kapag usapang pagmamahal at pag-iingat ay siya ang sumasagi sa isipan ko. Dahil

    Last Updated : 2021-08-16
  • His Metal Cage   Kabanata 10

    Ang nakabendahi kong tuhod ang kinapa ko. Hindi na ako makakalakad ngayon. Hindi pa nakakakita. Mas lalong naging mahirap ang lahat sa akin. Napasinghap ako nang makarinig ng kalampang ng bakal na pintuan. May pumasok. Kaya't nangapa ako sa paligid nagbabakasakaling maari kong isiksik ang sarili sa sulok. May takot na agad lumukob sa puso ko. "My Yenah." Nataranta ako at awtomatikong napaiyak sa takot. Ang boses niya ay tila dinaig pa ang kulog at kidlat. "Shh... I won't hurt you. You just have to come with me now my Yenah." Asmodeus Rojo Her pinkish cheeks, her bloody thin lips, curly brown hair, heart shape face, skinny body, cream color skin her delicate feature makes me want her more. Her innocent eyes makes me crazy. A living goddess was in her. I'm carrying her in my arms. Sa sobrang gaan niya ay ni hindi ako pinagpawisan. Nakatulog na siya sa van dahil sa mahabang byahe papunta sa airport. My guards are around us, I can see how their eyes become wider when they saw t

    Last Updated : 2021-09-14
  • His Metal Cage   Kabanata 11

    "Hello, Ma'am. Good Morning. Ako po ang naka-assign para mag-assist po sa inyo." Isang boses ng babaeng hula ko ay medyo mas matanda sa'kin.Para maging legal sa ganoong trabaho kailangan eighteen pataas. Pero ako seventeen pa lang. At para sa isang tulad ni Asmodeus na mayroon ng lahat... napaka swerte niya. Naisip ko nga kung ilang taon na siya. Maliban sa pangalan niya ay wala na akong ibang alam sa kaniya.Tumango lang ako at ngumiti. Simula noong nakarating ako dito ay pinakikitunguhan ako ng maayos ng mga tao dito. Nagiging katulad na ako kung paano nila pakitunguhan si Asmodeus. At nakakapanibago talaga.Sabi raw ni Asmodeus ay may mga pinadala na raw siya na ready nang ilagay sa tinawag niyang walk in closet. Pati sa mga kagamitan at mga kilos ay tinuruan niya ako. Sinaulo ko iyon dahil iniisip kong baka magamit ko iyon balang araw."Ma'am,"ang assistant at nilahad sa'kin ang telepono.Tanghali na siguro kasi kanina noong lumabas kami sa harden ay medyo mainit na ang sikat ng a

    Last Updated : 2021-10-15

Latest chapter

  • His Metal Cage   Epilogue

    Everyday life in Washington is like a dream. Asmodeus using another name, ganoon din ako. As Anna is like living in other's body. Dahil ibang buhay na ni Anna ang namumulatan ko dito sa ibang bansa, unlike noong time na ako si Yenah. Asmodeus confess that he love to name me Anna. And yes, that name is given me by him. Hindi madaling patumbahin ang Russian mafia na nakabangga ng mga Rojo. It's already twenty years now when the last time na umapak ako sa lupa ng Pinas. Nakaka-miss ang summer sa Pinas. The freezing tempature in Washington is not really great over the years. Maybe noong unang apak namin ay medyo nakakamangha pa pero kalaunan hindi na rin ako masiyadong nag-enjoy. But knowing that my family is safe, it's all worth it.Binaba ko ang coffee mug ko. Makapal na ang jacket pero nanunoot pa rin ang lamig ng pang-umagang hangin. At last the sun show up. The so called summer is coming soon. Hindi nga lang iyon sapat upang tunawin ang yelo sa paligid. Ilang buwan din na yakap kami

  • His Metal Cage   Kabanata 37

    Kanina pa ako tulala nakasalampak sa sahig. Mugto ang mata kakaiyak kanina. Napagod akong dambahin ang pinto upang buksan nila at tinangka ko na rin sirain ang doorknob pero sobrang nahirapan ako. Ngunit nang mag-click ang doorknob at namataan kong may papasok ay agad akong umalis sa pinto.Namilog ang mata ko nang makita si Alethra. Ano na naman ang kailangan niya at nandito siya? May sumunod na dalawang lalaking naka all black suit sa likuran niya.“Get her,”utos niya sa dalawa. Pumasok ang dalawa at lumapit sa akin na ikinabigla ko. “Ano 'to? Anong ibig sabihin nito?!” “It is just a simple reunion my dear.” Nilakipan niya pa ng tawa. “Because after this. He's all mine.”Namimilog ang mata nang sundan ko ng tingin ang nakangisi na si Alethra. Hawak ako ng isang tauhan na alam kong hindi ko kayang labanan sa laki. All of their men are tall and bulky. Hindi mga Pinoy at mukhang taga-Russia rin. Wala na rin akong balak na magpumiglas pa dahil balak ko rin na alamin ang sinasabi ni A

  • His Metal Cage   Kabanata 36

    Tirik ang araw kinabukasan noong magsimula kaming umalis. Pabalik na kami sa mansion. Napansin ko kung gaano katahimik si Greg habang minamaneho ang sinasakyan namin ngayon. Naisip ko, siguro dahil sa naging sagot ko sa kaniya kagabi.Hindi mo alam ang sinasabi mo, Greg. Sinasabi mo lang 'yan dahil gaya ko nagugulohan ka rin. Tapos no'n ay iniwan ko na agad siya sa labas. Sa kabilang silid siya natulog. At kahit magkahiwalay kami ng silid ay hindi pa rin ako makatulog.Pagkarating namin sa wharf ay agad kong kinuha ang cellphone sa mga gamit. Ngayo'y may signal na hindi tulad noong nasa laot pa lamang kami. Agad namilog ang mata ko nang makitang nakailang video call si Kuya sa akin. Magcha-chat sana ako sa kaniya at sasabihing ngayon ko lang nabuksan ang phone pero ilang saglit ay sumunod na ang tawag niya doon. Napangiti ako. Ang tagal-tagal na rin noong huli kaming nakapag-usap. Akala ko nga masiyado na siyang abala at palalampasin niya ang taon na ito na hindi ako nakakausap."Ku

  • His Metal Cage   Kabanata 35

    Marami akong gustong itanong lalo na kung paano siya nagkaroon ng mayamang kakilala. Naalala ko kasi dati ay kasa-kasama na siya ng kaibigan ni Lola. Dati pa alam kong naghihirap din talaga sila sa buhay kaya hindi ko akalaing magiging ganito ang buhay niya sa nagdaang mga taon.Pinagmasdan ko ang unahan at hinihintay na lamang na lumubog nang tuluyan ang haring araw. Sa ganda ng mga nakikita ko sa paligid iniisip kong sa ganoong paraan ay makakalimutan ko saglit ang mga nangyari sa pagitan namin ni Asmodeus. Pero hindi. Akupado niya pa rin ang utak ko. Hanggang dito ba naman?Ilang saglit ay sumulpot na kamay na may hawak na juice in can. Sumalubong ang mukha ni Greg nang tumingala ako."Salamat."Wala siyang ibang sinabi at umupo malapit sa akin. Bitbit niya sa kabila ang beer in can. "Anong dahilan ng biglaan mong desisyon? Siya ba?"Napakurap-kurap ako at hindi inakalang iyon agad ang magiging topic niya. Pero si Asmodeus ba ang tinutukoy niya? Mas lalong nagsalubong ang kilay ko

  • His Metal Cage   Kabanata 34

    Yenah Arabella'Stay here. Huwag ka na munang magpunta sa mansion. I'll fix everything.'-AIto ang iniwan niyang sulat sa ibabaw ng mesa. Tahimik ang kapaligiran. Hindi ko alam kung anong oras siya umalis at bumalik sa mansion. Agad nagbalik sa ala-ala ko ang mga nangyari kagabi. Problemado na hinawi ko ang buhok at nagtungo sa bintana. Parang kinakain ko na ngayon ang mga sinabi ko dati. Sabi ko lalayo ako kay Asmodeus pero ano ito? Hinahayaan ko siya na gawin ang mga gusto niyang gawin. Sabi ko ayoko nang magtiwala sa mga sasabihin niya at susuko na ako. Pero noong magsalita siya, parang gusto ko agad paniwalaan lahat ng sinasabi niya.Parang gusto ko ulit sumugal para sa kaniya. Sa totoo lang, ano ba ang nagawa niyang mabuti sa buhay ko maliban sa anak ko? Wala naman, 'di ba? Simula pa noong makilala ko siya wala na siyang mabuting naidudulot sa akin. "Nababaliw ka na,"usal ko sa sarili.Nagdilig na lang ako ng halaman sa labas. Dahil kahit gusto ng utak kong pumasok ngayon lalo

  • His Metal Cage   Kabanata 33

    Asmodeus Rojo"Kukunin ko ang pamangkin ko, Asmodeus. Kung ayaw mong madamay ang mag-ina mo sa kagulohang ito ay hayaan mo silang makalayo sa'yo," She barked. Gusto kong pasabugin ang bungo niya dahil sa binanggit niya. Ilalayo niya sa akin ang dalawang mahahalagang tao sa buhay ko? "What did you say?" Kumuyom ang kamao ko. Nakipagtagisan ako ng titig kay Ofelia na alam kong iritado rin."Kahit pa itaya mo ang buhay mo ay hindi sapat iyon. 'Wag kang magpakabobo dahil lang gusto mong sundin ang emosyon mo." Binagsak niya ang kalibre 45 sa harapan ko. "Pumapayag si Bael sa plano ko at kung gusto mong patayin ang mag-iina mo, sige magpakatanga ka at ilagay mo sila sa pilegro sa tabi mo."Nagtatagis ang bagang ko at nangingitngit ang kalooban ko dahil alam kong kaya kong tapatan ang kabila pero hindi ako nakakasiguro sa magiging kaligtasan ng sarili kong pamilya. At naiinis din ako sa kaalamang tama siya at kailangan ko nga na makalayo sa mag-ina ko. Dahil may posibilidad nga na pabor s

  • His Metal Cage   Kabanata 32

    Nararamdaman ko ang mga matang nakatitig sa akin kaya't iyon ang dahilan kaya nagmulat ako ng mata. Namimigat pa ang mga talukap ko nang tingnan siya. Ngiti niya ang sumalubong sa akin ngunit bakas sa mga mata ang pag-aalala."Hindi na kita ginising kanina sarap ng tulog mo, e."Nang lingunin ko ang garden ay wala na ang mga trabahante at hula ko ay nasa bandang four PM na ngayon. Gulat na napatayo ako at pahiya na tumingin kay Greg."Pasensya na,"ani ko sabay punas ng mukha ko sa ng palad baka may laway pa ako o ano."Ayos lang. Tapos na rin naman iyong sa'yo doon wala nang ibang gagawin."Nagyaya na rin siyang umuwi at sabay na raw kami. May motor siya kaya't iyon ulit ang maghahatid sa akin pauwi. Napapikit ako at dinadama ang hangin na sumasalubong sa mukha ko. Kung pwede lang akong pumili ng mamahalin, pipiliin ko si Greg. Hindi tulad ni Asmodeus, nakikita ko ang pag-aalala sa mukha niya at nararamdaman kong totoo iyon. Alam kong ano mang oras ay pwede ko siyang lapitan at maari

  • His Metal Cage   Kabanata 31

    Napansin ko ang mga tingin na ipinupukol nila habang palapit ako sa umpokan nila. Alam kong gusto nilang itanong ang tungkol sa nangyari kani-kanina lang ang totoo niyan ayaw ko na rin pag-usapan pa. Paniguradong hindi rin nila magugustuhanang ang maririnig lalo pa kung ikukwento ko pa ang tungkol sa naging desisyon ni Alethra Cassidy sa outcome ng garden. Lahat kami naghirap sa naging project na iyon at mas malaki ang responsibility na nakaatang sa'kin dahil ako ang responsable kung bakit sila nasa ganitong sitwasyon ngayon. Napansin ko ang kakaibang tingin ni Greg. Bahagya lang akong nagbitiw ng ngiti sa kanilla. Patuloy pa rin ang party hindi pa rin nababakante ang dance floor. Ilang saglit ay napansin ko ang pagbaba ni Asmodeus sa engrandeng hagdan. Napalunok ako nang agad niyang nahanap ang mga tingin ko sa dagat ng tao. Gumalaw ang panga niya at ako agad ang unang nag-iwas ng tingin sa aming dalawa. Nasaan na kaya ang asawa niya bakit hindi niya kasama itong bumaba? ayoko nama

  • His Metal Cage   Kabanata 30

    Hindi ako magtatanong, hindi ako magsasalita. Hihintayin ko na siya ang maunang magsalita. Kapag nagtanong ako at hindi pa siya handang sagutin ang lahat maaring magsinungaling lang siya o baka ang mas masakit ay iwan niya lang ako na hindi pa rin binibigay sa'kin ang kasagutan na gusto kong marinig. Gusto kong siya ang magsabi at makipag-usap dahil paniguradong iyon na ang tamang panahon kung saan handa na siya at maaring kasabay na rin doon ang desisyon niya para sa sarili niya at para sa amin ng anak niya. Araw-araw kong hinahanda ang sarili ko oras na dumating ang pagkakataong iyon. Dahil hindi ko masasabi na ano mang oras ay pabor sa akin ang desisyon niya. Ngunit ano't-ano man ay tatanggapin ko."Ayos ka na ba talaga, Greg?"Isang linggo siyang nagpahinga at isang araw lang na namalagi sa hospital. Nag-abot ako ng kaunting tulong kay Aleng Bebang para kahit papaano ay may magastos sila sa gamot ni Greg."Maayos na ako, at ito, oh." Tapos may inabot siya sa akin na sobre. "Ano '

DMCA.com Protection Status