Isang araw lang akong tinuruan ni Tessa. Sinaulo ko lahat kahit napakahirap dahil ang dami. May mga ginagamit silang mga bagay na hindi ko pa nagamit kailanman. Nang maalala ko si Archie ay kumalma ako. Pwede naman siguro akong magpaturo sa kaniya kung sakali. Kapag sweldo ko ay bibilhan ko na lang siya ng dalawang notebook.
Ito ang unang araw para doon. At kinakabahan talaga ako. Hawak ko ang mop, walis tambo, at iyong tinatawag nilang vacuum. Nasa labas lamang ang trolley ko na napupuno ng mga kagamitang panglinis.
Sabi nila ay kakatok ako ng tatlong beses at sasabihin ko kung ano ang sadya ko. At ginawa ko nga iyon.
"M-Maglilinis po ako." Kinakabahan ako.
Hinintay ko na may magsalita mula sa loob pero dumaan na lamang ang ilang segundo pero wala pa rin. Kaya nagpasya na akong ipihit ang seradura. Kaya lang ay alanganin pa ako lalo pa at wala naman akong narinig na sagot.
Napapatanong tuloy ako sa sarili ko kung, ayos lang kaya? Hindi kaya ako mapagalitan? Tama ba ang ginagawa ko?
Lumunok ako at nagpatuloy. Hinayaan ko muna ang trolley ko sa labas. Nakiramdam ako nang makapasok ako, agad kong naramdaman ang mga tingin na noon ko pa nararamdaman. Isang pamilyar na tingin.
"M-Maglilinis lang po ako,"paalam ko ulit bago ko kinapa ang mop. Balak kong unahin sana ang banyo niya.
Kaya lang hindi ko alam kung saan banda iyon. Kung sana nakikipag-usap ang may-ari ng silid na ito. Naalala ko ang sinabi ni Tessa. Na isang mamamatay tao ang may-ari ng silid na ito. Napalunok ako at sinikap na lamang na hanapin ang banyo niya. Basta ang alam ko ay ang buong silid ngayon ang lilinisin ko. Sa isang linggo ay isang beses lang daw lilinisan ang silid na 'yon. Ayaw raw ng may-ari na parating may ibang tao ang silid niya.
Nangapa ako sa kung saan hanggang sa hindi ko namalayan na narating ko ang kama niya. Naramdaman ko ang lambot ng higaan na iyon na nagdala sa'kin sa ala-ala ng batang dati kong nakasama. Hanggang ngayon hindi ko siya nakakalimutan. Hindi ko alam kung bakit tila pamilyar ang lugar na ito.
Saglit at napansin ko ang pagkatulala ko kaya agad akong kumilos upang magpatuloy sa paghahanap ng banyo niya. Nang makahawak ako ng seradura ulit ay binuksan ko. Hinawakan ko ang paligid at nalamang iyon na nga ang hinahanap.
Bumalik ako sa pintuan upang kuhanin sana ang trolley ko sa labas nang malaman na naka-lock na iyon. Kinabahan ako bigla sa nalaman.
"S-Sino po ang nagsara? K-Kailangan ko pa po na kuhanin ang..."
Hindi ko na naipagpatuloy ang sinasabi nang makaramdam ng hininga malapit sa mukha ko.
"Here." At kumalansing ang bakal na hula ko ay mga susi. Malapit din sa mukha ko iyon.
Nakapagtataka na hindi ko siya namalayang nakalapit sa akin. Umatras ako bahagya at napalunok.
"M-Mukhang marami po ang hawak niyong susi. H-Hindi ko po alam kung saan diyan."
"Bakit ka lalabas?" Imbes na ibigay ang saktong susi ay iyon ang tinanong niya.
"K...Kunin ko po ang trolley ko sa labas."
Naaamoy ko ang ibang klase niyang bango sa katawan. Amoy lalaking-lalaki, hindi ko rin siya matatawag na kasing-bango ng rosas sa harden dahil may sarili siyang bango na kakaiba sa lahat. Amoy mayaman kasi siya.
"Babalik ka ba agad kapag nakuha mo na?"
Hindi agad ako nakasagot dahil sa pagtataka. Ibang klase kasi ang mga tanong niya samantalang mukhang alam niya naman yata na ako na ang bagong nakatuka na maglilinis simula ngayon sa silid niya. Babalik naman talaga ako kasi magsisimula na ako sa trabaho ko.
Alanganin akong tumango.
"Okay,"aniya at ilang saglit ay narinig ko ang pag-click at pagbukas ng pintuan.
Nararamdaman kong napakalapit niya sa hamba ng pintuan para maramdaman ko pa na malapit siya sa'kin noong lumabas ako. Akala ko ba at nakakulong bakit may susi rin siya? Sadya pang binigyan ako ni Tessa ng susi kasi raw kailangan kong ikandado ang may-ari ng silid pagkatapos kong maglinis.
At isa pa ay pakiramdam ko ay matiyaga siyang nakabantay sa'kin habang hinihila ko ang trolley papasok sa silid niya. Nang makapasok ako ay nag-click ulit ang lock ng pintuan. Mukhang ni-lock niya na naman yata iyon. Napalunok ako at nagsimulang manginig lalo na tuwing naalala na nakapatay na ng tao ang lalaking nasa likuran ko ngayon.
Nagsimula na akong maglinis habang nangangapa sa gawain. Pero sinisikap kong hindi pumalpak o kahit makagawa man lang ng ingay. Pati doon ay nag-iingat ako... at kanina ko pa nararamdaman ang mga mata na nakamasid sa'kin.
Sinunod ko ang pagva-vacuum sa malawak na sahig na may carpet. Nagpaturo ako kay Archie dito at alam kong mahihirapan ako dito pero kinakaya ko lang din. Ilang saglit lang ay nangyari nga ang kinatatakutan ko. Nadaganan ng mabigat na vacuum ang paa ko kaya napangiwi ako sa sakit kaya lang dahil sa mga mata na alam kong kanina pa nakamasid ay tiniis ko ang sakit. Nagkanda sugat-sugat na rin kanina pa ang mga kamay ko dahil nakakapa ako ng bubog doon sa basurahan.
Hindi nga lang ako pwedeng huminto dahil baka may magalit at delikado. Hindi ko kilala ang lalaking kasama ko ngayon dito. Baka ano ang gawin niya sa'kin kapag nagalit na.
Natigilan ulit ako ilang saglit nang mapansin na huminto ang vacuum na ginagamit. Nagtataka na kinapa ko agad ang wire niyon para sana sundan kung saan nakasaksak at i-check kung nakasaksak pa rin ba. Kasi duda ko baka natanggal ang saksak kaya namatay.
Pero nagulat na lang ako nang may humawak ng kamay ko napabalik ako sa kinatatayuan ko kanina.
"Your wounds." Boses iyon ng lalaking kasama ko dito.
Naramdaman kong binuka niya ang palad kong alam kong may sugat. Napasinghap ako.
"Uh... o-opo. M-Maliit lang naman yata,"ani ko at alanganin na napangiti.
"It's deep and huge."
Nagulat ako nang maramdaman na hinila niya ako sa kung saan. Napuno ng katanungan ang utak ko dahil sa kilos niya lalo na at kung saan niya ako dadalhin.
May naalala na naman ako sa paraan ng paghila niya. Ang batang iyon, para siyang iyong bata na nakasama ko dati dito.
Ilang saglit lang ay natagpuan ko ang sarili na naka-upo sa bagay na sa tingin ko ay pamilyar sa'kin. Ang higaan niya. Ginagamot niya ang sugat ko dahilan para mas lalo akong makaramdam ng pagkailang. Nakakailang na anak ng amo ko ang gumagamot sa'kin at isang lalaking tinawag nilang mamamatay tao.
Nilagyan niya ng cast ang kamay ko.
"Hindi mo nakikita kaya paano mo nasasabing maliit lang?"
Napalunok ako dahil sa kasinungalingan na iyon.
"You know nothing."
Napayuko ako lalo. Ang hindi ko lang nalaman ay nakaluhod siya sa harapan ko at sa pagyuko ko ay mas nailapit ko pa ang mukha ko sa kaniya.
Ilalayo ko na dapat ang mukha nang mapansin iyon pero may malakas na kamay na tumulak sa ulo ko upang maituloy ang naudlot. Isang malambot na bagay ang marahas na sumakop sa mga labi ko. Naging marahas pa iyon nang akmang tatabigin ko ang kamay niyang nakahawak sa ulo ko at bahagya niya nitong nasasabunutan ang buhok ko.
Hindi na ako halos makahinga kaya sinikap kong makawala pero hindi siya maawat. Kasunod niyon ay nalalasahan ko na ang dugo sa labi ko at parang nahihilo na ako. At parang hindi ko na kakayanin lalo na nang daganan niya ako.
At tuluyan na nga akong tinakasan ng malay.
....
"Ay bakit naman? Sa lahat ng katulong dito siya lang talaga may sariling kwarto?"mapanuya na sabi ni Tessa.
"Siguro kasi bully ka, Tessa."
Tapos nagtawanan ang iba kong kasama. Ang mayordoma pa mismo ang padaskal na kumuha ng lalagyan ko ng damit. Hindi ko alam kung bakit ganoon, walang nagsabi sa'kin kung bakit ako magkakaroon ng sariling silid.
Napasinghap ako nang hilain ni Miss Dona ang gamit ko.
"Sumunod ka sa'kin,"aniya sa mataray na boses.
Apat na araw na matapos mangyari iyon sa pagitan namin ng anak ng amo namin. Nagising ako sa isang silid pero kasama na ang babaeng amo namin. Si Mrs. Rojo ang asawa.
"Ikaw ang bagong taga-linis sa silid ni Asmodeus?"
Iyon pala ang pangalan noong lalaking gumawa noon sa'kin. Aaminin kong pakiramdam ko natatakot na rin akong bumalik sa silid niya. Pero kung uutusan ulit ako ay mapipilitan ako. Dahil ayoko rin matanggal. Wala nang ibang tatanggap sa'kin maliban sa mga Rojo.
"O-Opo, Ma'am." Hindi ko alam kung saan ako babaling dahil hindi ko alam kung saan siya banda.
"May pagsasabihan ka ba sa nangyari?"
Ang tinutukoy niya ay iyong ginawa ng anak niya.
Alanganin akong umiling dahil ang nasa isip ko ay si Archie. Gusto kong magsumbong sa kaniya, balak ko talaga. Dahil pakiramdam ko sasabog ang utak ko kapag wala akong mapagsabihan ng mga kinatatakutan ko.
"Good."
"T-Tanggalin ho ba ako, Ma'am?"
"N...No, no, no,"aniya sa mabilis at agresibong boses. Nakapagtataka. "Instead, I want to increase your salary this time."
"H-Ho?"
"Hmm,"boses ng pagsang-ayon. "Just stay here and don't ever leave."
Napalunok ako at napayuko. Wala rin akong mapuntahan, at tataas daw ang sahod ko pumirme lang ako dito. Maraming bagay na kwestyunable sa bahay na iyon pero hindi ko kayang kwestyunin lalo na ngayon na nangangailangan talaga ako.
....
Sa tingin ko ay malaki ang silid na binigay sa'kin pero nakakalungkot. Tahimik, wala na iyong mga tunog ng mga kuliglig na nakasanayan ko nang pakinggan bago matulog.
Malambot ang kama, ganoon din ang mga unan at napakabango pa. Pumikit ako at naisip ang Lola ko. Sana naranasan man lamang ni Lola na makahiga sa ganito kalambot na kama. Mapait akong napangiti sa gitna ng pagkakapikit.
"Matutulog na ho ako, La. Ikaw rin, kung nasaan ka man ngayon."
Sa gitna ng kadiliman ng gabi. Naramdaman ko ang isang presensya sa silid ko. Pamilyar ang kaniyang mga tingin. Ngunit sa pagod at antok ay hindi ko na iyon pinansin. Kahit ang huling kataga niya bago ako kainin ng antok.
"You won't leave. You'll stay here."
Hello! Good Day! Thank you for reading Dark Side!
Salamat, Yenah. Napangiti ako nang malaman ang nakasulat sa papel. Pinagluto ko siya ng nalalaman kong ulam noong nasa bundok pa lang ako. Wala sina Tessa ang mayordoma at ang ibang katulong maliban sa taga-luto. Day-off nila maliban sa amin ni Archie na wala nang uuwian kaya mas pinili na lang na magpaiwan dito sa mansiyon ng mga Rojo. Nakatulog sa silid ang taga-luto dahil gusto rin magpahinga kaya malaya kong nagamit ang mga kagamitan sa kusina. Iyong patapon na mga gulay at iba pang rekados ay madalas iyon ang napupunta sa aming mga katulong. Iyon ang niluto ko. At iyon din ang magiging ulam namin ngayon ni Archie. Sabay kami ngayon sa likod, may sira na upuan doon at tinapon na mesa na hindi pa naman talaga sira. Iyon ang mga ginamit namin doon. Amoy na amoy ang rosas sa paligid na gustong-gusto ko. Si Archie ang naglagay ng mga pinggan at kubyertos. Hindi ko alam kung bakit pero napapangiti ako sa ideya na para niya akong asawa na pinagluluto siya at magkasabay kami ngayon n
"Yn." "Asmodeus." Ang boses niyang masuyong tinatawag ngayon ang pangalan ko. Hindi ko alam kung bakit ganoon, bakit nagbago ang tembre ng boses niya gayong sa unang pagkikita pa lang namin ay malamig at seryoso iyon. "You're calling me?" Napaigtad ako nang bigla kong marinig ang boses niya sa likuran ko. Napakurap-kurap ako, hindi totoong tinawag niya ako. Imahinasyon ko lang pala iyon, dahil sa takot ini-imagine kong sana maging mabait siya. "P-Pasensya na po." Agad akong tumalima at akmang magsisimula na nang magsalita siya. "How's your day-off, Yn?" Napamaang ako. Alinlangan pa pero humarap ako. "M-Maayos naman po." Matagal bago siya nagsalita. Naghintay ako pero dahil may gagawin pa ako at natatakot ako sa palitan namin ng salita ay nagpaalam ako. "M...Magsisimula na po akong..." "Why too fast?" Gulat na napaatras ako nang maramdaman ko ang hininga niya sa noo ko. Lumapit pala siya, hindi ko man lang naulinigan ang paglapit niya. Muntik na akong matumba kung hindi da
"Archie..." Mahina kong bulong. Sana may magic na kapag tinawag ko sila ay darating sila upang sagipin ako.Kumakalampag ang pintuan ng banyo. Si Asmodeus iyon. Bawat hampas niya doon sa pinto ay para akong nahuhulog sa malalim na bangin. Tanging ang pinaghuhugotan ko ng lakas ng loob ay ang huling sulat na natanggap ko mula kay Archie. Kinapa ko ang sulat kamay niya doon.Araw-araw, paulit-ulit ko iyong binabasa upang ibsan ang takot na nasa loob ko.Hindi ko alam na pumayag ka na samahan si Asmodeus sa silid na iyan. Iyon ang sabi ni Mrs. Rojo sa amin.Hindi ako naniniwala dahil taliwas ang lahat ng nakita ko sa mukha mo. Paniguradong nalilito ka rin sa mga oras na ito.'Wag kang mag-alala, hahanap ako ng paraan, ilalabas kita diyan, Yenah. Patawad kung napunta ka sa sitwasyon na ito. Hindi ko aakalaing aabot ka sa puntong ito.Sana noon pa nabalaan na kita... sana noon pa... patawad, kasalanan ko ito."Archie..."nanghihina kong sabi.May pasa ang buong kabilang braso ko, maging an
"Ano ba iyang nirereklamo mo diyan?" Ang mayordoma na gaya ng nakasanayan at sabi nila ay nakataas parati ang kilay. Lalo na ngayong hinihingi ko ang permiso niyang tapusin na lang ang kontrata. Parang nararamdaman kong umaangat na rin ang kilay niya."T-Tinapos ko lang ang kontrata ni Ate-""Hindi ikaw ang dapat magdesisyon para diyan. Si Mrs. Rojo. Dahil siya ang nagpapasahod sa'yo, hindi ako."Bagsak ang balikat ko nang talikuran niya ako. Naghihintay na lamang kami na matapos sa pag-uusap sina Asmodeus at ama niya na nasa library raw ngayon. Pagkatapos dalawang araw dito ay kasama akong aalis ni Asmodeus sa mansion at tutungo kami sa isang syudad kung saan nandoon ang isa pang mansion na pagmamay-ari rin ng mga Rojo. Kaming dalawa ulit doon habang pinag-aaralan niya ang negosyo ng pamilya. Hindi ko alam kung anong magiging silbi ko doon. Sa yaman at laki ng impluwensya nila ay hindi malabong makahanap si Asmodeus ng mas higit pa sa'kin. Tapos na ang kontrata, dalawang buwan na lan
Sinabisab niya ng marahas na halik ang dibdib ko. May estrangherong pakiramdam na lumukob sa pagkatao ko ngunit nanaig ang pagtutol sa utak ko... kanina. Ngunit ngayon ay may nararamdaman akong mga bagay na hindi ko alam ang dahilan. O baka dahil sa mga ginagawa niya ngayon. "Have you been kissed before, My Yenah?"halos pabulong niyang sabi malapit sa mukha ko. Nararamdaman ko ang hininga niya sa labi ko. Napanganga ako nang maalala ang ginawa niya noon. Iyon ang una kong halik, kaya't hindi ako makasagot. "Hmm... I think I know the answer." Narinig ko ang marahan niyang pagtawa. At napasinghap ako nang kasunod niyon ay ginawaran niya ako ng masuyong halik. Halik na hindi tulad ng dati, marahan, nag-iingat, at tila may pagmamahal. Pagmamahal... Naalala ko na naman si Archie. Wala siyang mukha sa alaala ko pero nagkakaroon siya ng mukha sa puso ko. Hindi ko matukoy ang nararamdaman sa kaniya pero kapag usapang pagmamahal at pag-iingat ay siya ang sumasagi sa isipan ko. Dahil
Ang nakabendahi kong tuhod ang kinapa ko. Hindi na ako makakalakad ngayon. Hindi pa nakakakita. Mas lalong naging mahirap ang lahat sa akin. Napasinghap ako nang makarinig ng kalampang ng bakal na pintuan. May pumasok. Kaya't nangapa ako sa paligid nagbabakasakaling maari kong isiksik ang sarili sa sulok. May takot na agad lumukob sa puso ko. "My Yenah." Nataranta ako at awtomatikong napaiyak sa takot. Ang boses niya ay tila dinaig pa ang kulog at kidlat. "Shh... I won't hurt you. You just have to come with me now my Yenah." Asmodeus Rojo Her pinkish cheeks, her bloody thin lips, curly brown hair, heart shape face, skinny body, cream color skin her delicate feature makes me want her more. Her innocent eyes makes me crazy. A living goddess was in her. I'm carrying her in my arms. Sa sobrang gaan niya ay ni hindi ako pinagpawisan. Nakatulog na siya sa van dahil sa mahabang byahe papunta sa airport. My guards are around us, I can see how their eyes become wider when they saw t
"Hello, Ma'am. Good Morning. Ako po ang naka-assign para mag-assist po sa inyo." Isang boses ng babaeng hula ko ay medyo mas matanda sa'kin.Para maging legal sa ganoong trabaho kailangan eighteen pataas. Pero ako seventeen pa lang. At para sa isang tulad ni Asmodeus na mayroon ng lahat... napaka swerte niya. Naisip ko nga kung ilang taon na siya. Maliban sa pangalan niya ay wala na akong ibang alam sa kaniya.Tumango lang ako at ngumiti. Simula noong nakarating ako dito ay pinakikitunguhan ako ng maayos ng mga tao dito. Nagiging katulad na ako kung paano nila pakitunguhan si Asmodeus. At nakakapanibago talaga.Sabi raw ni Asmodeus ay may mga pinadala na raw siya na ready nang ilagay sa tinawag niyang walk in closet. Pati sa mga kagamitan at mga kilos ay tinuruan niya ako. Sinaulo ko iyon dahil iniisip kong baka magamit ko iyon balang araw."Ma'am,"ang assistant at nilahad sa'kin ang telepono.Tanghali na siguro kasi kanina noong lumabas kami sa harden ay medyo mainit na ang sikat ng a
"Dahan-dahan lang na'tin, huh." Mabagal ang pag-aalis ng benda. Maingat dahil napaka maselan ng mga bagay-bagay na nangyayari.Nararamdaman ko ang mga tingin niya. Bawat saglit ay panay ang lunok ko. Prente lang akong naka-upo sa single chair, kinakabahan at tila hinahalukay ang kalamnan. Halos hindi ako gumagalaw o kahit nga yata ang paghinga. Hindi na ako makapaghintay."Malapit na po tayo."Kinagat ko ang labi.Hanggang sa maramdaman kong nawala na lahat ng benda at tanging dalawang tela na lang ang naiwan na siyang nakatakip sa dalawang mata. Napalunok ako.Dahan-dahan ang pag-alis niya noon.At kahit nakapikit ako ay tila nararamdaman ko na ang liwanag."Sige, Ma'am paki-open na po ng mata. Dahan-dahan lang."Sa namimigat na talukap ay unti-unting nagliliwanag ang lahat. Maliwanag ngunit malabo pa pero kalaunan ay unti-unting nagiging klaro.Ang unang bumungad sa'kin ay ang lalaking nasa harapan ko na siyang tingin ko ay ang assistant nurse. At umusog siya ng kunti kaya sumunod sa
Everyday life in Washington is like a dream. Asmodeus using another name, ganoon din ako. As Anna is like living in other's body. Dahil ibang buhay na ni Anna ang namumulatan ko dito sa ibang bansa, unlike noong time na ako si Yenah. Asmodeus confess that he love to name me Anna. And yes, that name is given me by him. Hindi madaling patumbahin ang Russian mafia na nakabangga ng mga Rojo. It's already twenty years now when the last time na umapak ako sa lupa ng Pinas. Nakaka-miss ang summer sa Pinas. The freezing tempature in Washington is not really great over the years. Maybe noong unang apak namin ay medyo nakakamangha pa pero kalaunan hindi na rin ako masiyadong nag-enjoy. But knowing that my family is safe, it's all worth it.Binaba ko ang coffee mug ko. Makapal na ang jacket pero nanunoot pa rin ang lamig ng pang-umagang hangin. At last the sun show up. The so called summer is coming soon. Hindi nga lang iyon sapat upang tunawin ang yelo sa paligid. Ilang buwan din na yakap kami
Kanina pa ako tulala nakasalampak sa sahig. Mugto ang mata kakaiyak kanina. Napagod akong dambahin ang pinto upang buksan nila at tinangka ko na rin sirain ang doorknob pero sobrang nahirapan ako. Ngunit nang mag-click ang doorknob at namataan kong may papasok ay agad akong umalis sa pinto.Namilog ang mata ko nang makita si Alethra. Ano na naman ang kailangan niya at nandito siya? May sumunod na dalawang lalaking naka all black suit sa likuran niya.“Get her,”utos niya sa dalawa. Pumasok ang dalawa at lumapit sa akin na ikinabigla ko. “Ano 'to? Anong ibig sabihin nito?!” “It is just a simple reunion my dear.” Nilakipan niya pa ng tawa. “Because after this. He's all mine.”Namimilog ang mata nang sundan ko ng tingin ang nakangisi na si Alethra. Hawak ako ng isang tauhan na alam kong hindi ko kayang labanan sa laki. All of their men are tall and bulky. Hindi mga Pinoy at mukhang taga-Russia rin. Wala na rin akong balak na magpumiglas pa dahil balak ko rin na alamin ang sinasabi ni A
Tirik ang araw kinabukasan noong magsimula kaming umalis. Pabalik na kami sa mansion. Napansin ko kung gaano katahimik si Greg habang minamaneho ang sinasakyan namin ngayon. Naisip ko, siguro dahil sa naging sagot ko sa kaniya kagabi.Hindi mo alam ang sinasabi mo, Greg. Sinasabi mo lang 'yan dahil gaya ko nagugulohan ka rin. Tapos no'n ay iniwan ko na agad siya sa labas. Sa kabilang silid siya natulog. At kahit magkahiwalay kami ng silid ay hindi pa rin ako makatulog.Pagkarating namin sa wharf ay agad kong kinuha ang cellphone sa mga gamit. Ngayo'y may signal na hindi tulad noong nasa laot pa lamang kami. Agad namilog ang mata ko nang makitang nakailang video call si Kuya sa akin. Magcha-chat sana ako sa kaniya at sasabihing ngayon ko lang nabuksan ang phone pero ilang saglit ay sumunod na ang tawag niya doon. Napangiti ako. Ang tagal-tagal na rin noong huli kaming nakapag-usap. Akala ko nga masiyado na siyang abala at palalampasin niya ang taon na ito na hindi ako nakakausap."Ku
Marami akong gustong itanong lalo na kung paano siya nagkaroon ng mayamang kakilala. Naalala ko kasi dati ay kasa-kasama na siya ng kaibigan ni Lola. Dati pa alam kong naghihirap din talaga sila sa buhay kaya hindi ko akalaing magiging ganito ang buhay niya sa nagdaang mga taon.Pinagmasdan ko ang unahan at hinihintay na lamang na lumubog nang tuluyan ang haring araw. Sa ganda ng mga nakikita ko sa paligid iniisip kong sa ganoong paraan ay makakalimutan ko saglit ang mga nangyari sa pagitan namin ni Asmodeus. Pero hindi. Akupado niya pa rin ang utak ko. Hanggang dito ba naman?Ilang saglit ay sumulpot na kamay na may hawak na juice in can. Sumalubong ang mukha ni Greg nang tumingala ako."Salamat."Wala siyang ibang sinabi at umupo malapit sa akin. Bitbit niya sa kabila ang beer in can. "Anong dahilan ng biglaan mong desisyon? Siya ba?"Napakurap-kurap ako at hindi inakalang iyon agad ang magiging topic niya. Pero si Asmodeus ba ang tinutukoy niya? Mas lalong nagsalubong ang kilay ko
Yenah Arabella'Stay here. Huwag ka na munang magpunta sa mansion. I'll fix everything.'-AIto ang iniwan niyang sulat sa ibabaw ng mesa. Tahimik ang kapaligiran. Hindi ko alam kung anong oras siya umalis at bumalik sa mansion. Agad nagbalik sa ala-ala ko ang mga nangyari kagabi. Problemado na hinawi ko ang buhok at nagtungo sa bintana. Parang kinakain ko na ngayon ang mga sinabi ko dati. Sabi ko lalayo ako kay Asmodeus pero ano ito? Hinahayaan ko siya na gawin ang mga gusto niyang gawin. Sabi ko ayoko nang magtiwala sa mga sasabihin niya at susuko na ako. Pero noong magsalita siya, parang gusto ko agad paniwalaan lahat ng sinasabi niya.Parang gusto ko ulit sumugal para sa kaniya. Sa totoo lang, ano ba ang nagawa niyang mabuti sa buhay ko maliban sa anak ko? Wala naman, 'di ba? Simula pa noong makilala ko siya wala na siyang mabuting naidudulot sa akin. "Nababaliw ka na,"usal ko sa sarili.Nagdilig na lang ako ng halaman sa labas. Dahil kahit gusto ng utak kong pumasok ngayon lalo
Asmodeus Rojo"Kukunin ko ang pamangkin ko, Asmodeus. Kung ayaw mong madamay ang mag-ina mo sa kagulohang ito ay hayaan mo silang makalayo sa'yo," She barked. Gusto kong pasabugin ang bungo niya dahil sa binanggit niya. Ilalayo niya sa akin ang dalawang mahahalagang tao sa buhay ko? "What did you say?" Kumuyom ang kamao ko. Nakipagtagisan ako ng titig kay Ofelia na alam kong iritado rin."Kahit pa itaya mo ang buhay mo ay hindi sapat iyon. 'Wag kang magpakabobo dahil lang gusto mong sundin ang emosyon mo." Binagsak niya ang kalibre 45 sa harapan ko. "Pumapayag si Bael sa plano ko at kung gusto mong patayin ang mag-iina mo, sige magpakatanga ka at ilagay mo sila sa pilegro sa tabi mo."Nagtatagis ang bagang ko at nangingitngit ang kalooban ko dahil alam kong kaya kong tapatan ang kabila pero hindi ako nakakasiguro sa magiging kaligtasan ng sarili kong pamilya. At naiinis din ako sa kaalamang tama siya at kailangan ko nga na makalayo sa mag-ina ko. Dahil may posibilidad nga na pabor s
Nararamdaman ko ang mga matang nakatitig sa akin kaya't iyon ang dahilan kaya nagmulat ako ng mata. Namimigat pa ang mga talukap ko nang tingnan siya. Ngiti niya ang sumalubong sa akin ngunit bakas sa mga mata ang pag-aalala."Hindi na kita ginising kanina sarap ng tulog mo, e."Nang lingunin ko ang garden ay wala na ang mga trabahante at hula ko ay nasa bandang four PM na ngayon. Gulat na napatayo ako at pahiya na tumingin kay Greg."Pasensya na,"ani ko sabay punas ng mukha ko sa ng palad baka may laway pa ako o ano."Ayos lang. Tapos na rin naman iyong sa'yo doon wala nang ibang gagawin."Nagyaya na rin siyang umuwi at sabay na raw kami. May motor siya kaya't iyon ulit ang maghahatid sa akin pauwi. Napapikit ako at dinadama ang hangin na sumasalubong sa mukha ko. Kung pwede lang akong pumili ng mamahalin, pipiliin ko si Greg. Hindi tulad ni Asmodeus, nakikita ko ang pag-aalala sa mukha niya at nararamdaman kong totoo iyon. Alam kong ano mang oras ay pwede ko siyang lapitan at maari
Napansin ko ang mga tingin na ipinupukol nila habang palapit ako sa umpokan nila. Alam kong gusto nilang itanong ang tungkol sa nangyari kani-kanina lang ang totoo niyan ayaw ko na rin pag-usapan pa. Paniguradong hindi rin nila magugustuhanang ang maririnig lalo pa kung ikukwento ko pa ang tungkol sa naging desisyon ni Alethra Cassidy sa outcome ng garden. Lahat kami naghirap sa naging project na iyon at mas malaki ang responsibility na nakaatang sa'kin dahil ako ang responsable kung bakit sila nasa ganitong sitwasyon ngayon. Napansin ko ang kakaibang tingin ni Greg. Bahagya lang akong nagbitiw ng ngiti sa kanilla. Patuloy pa rin ang party hindi pa rin nababakante ang dance floor. Ilang saglit ay napansin ko ang pagbaba ni Asmodeus sa engrandeng hagdan. Napalunok ako nang agad niyang nahanap ang mga tingin ko sa dagat ng tao. Gumalaw ang panga niya at ako agad ang unang nag-iwas ng tingin sa aming dalawa. Nasaan na kaya ang asawa niya bakit hindi niya kasama itong bumaba? ayoko nama
Hindi ako magtatanong, hindi ako magsasalita. Hihintayin ko na siya ang maunang magsalita. Kapag nagtanong ako at hindi pa siya handang sagutin ang lahat maaring magsinungaling lang siya o baka ang mas masakit ay iwan niya lang ako na hindi pa rin binibigay sa'kin ang kasagutan na gusto kong marinig. Gusto kong siya ang magsabi at makipag-usap dahil paniguradong iyon na ang tamang panahon kung saan handa na siya at maaring kasabay na rin doon ang desisyon niya para sa sarili niya at para sa amin ng anak niya. Araw-araw kong hinahanda ang sarili ko oras na dumating ang pagkakataong iyon. Dahil hindi ko masasabi na ano mang oras ay pabor sa akin ang desisyon niya. Ngunit ano't-ano man ay tatanggapin ko."Ayos ka na ba talaga, Greg?"Isang linggo siyang nagpahinga at isang araw lang na namalagi sa hospital. Nag-abot ako ng kaunting tulong kay Aleng Bebang para kahit papaano ay may magastos sila sa gamot ni Greg."Maayos na ako, at ito, oh." Tapos may inabot siya sa akin na sobre. "Ano '