Aurora's Point of ViewPARANG tumatambol sa kaba ang dibdib ko nang makitang nakatitig sa akin si Elizabeth habang naglalakad ako papalapit sa kaniya dala ang orange juice. Kaaalis lang ni Alted nang bigla siyang dumating. Wala rin naman dito sila Snow at Winter, mamaya pa ang uwi ng mga bata kaya naisip kong si Alted ang ipinunta niya. Nang mailapag ko ang dalang inumin ay agad din akong tumungo at akmang aalis na nang tawagin niya ang pangalan ni Candice.Lumingon ako sa kaniya at muling nagtagpo ang tingin namin. She seems flawlessly beautiful. Nakasuot siya ng itim na blouse at niyayakap nito ang hugis ng kaniyang katawan.Pinaresan iyon ng rugged jeans at stilletos. Noong una ko siyang makita nasabi ko na agad sa sarili ko na iba siya sa lahat ng mga babaeng nakita ko. She looks like a walking-doll, walang kapintasan kung titingnan at ang kulay abo niyang mga mata ang dahilan kung bakit parang naiiba siya sa lahat.Malamig ang titig niya at walang ngiti sa kaniyang labi. Ang pr
Aurora's Point of View"Si Daddy, galit siya." Sagot ni Winter sa mababang boses.Biglang kumabog ang dibdib ko."Pinagalitan niya kayo?" Agad kong tanong, nag-aalala sa kanila.Muli na naman siyang umiling. "Hindi. Si Tita Liza ang pinagalitan niya."Hindi ko na nagawang magtanong nang marinig iyon. Bakit?"Did tita Liza hurt you?" Pukaw ni Winter sa saglit kong pagkatulala."No, baby." Umiling agad ako. Kumumpas ang alaala ng ginawa ni Elizabeth sa akin kanina pero agad ko iyong iwinaksi."But I heard Daddy, bago kami umakyat dito ni Snow. Tita hurt you.""You heard them?" Gulat na tanong ni Snow. "‘Di ba bawal makinig sa usapan ng matatanda sabi ni Daddy?"Nangapa ako sa dapat na isagot pero walang lumalabas sa bibig ko. Masyado pa silang bata para ipaintindi sa kanila ang mga nangyayari. Tumayo na lamang ako at kumuha ng suklay."Akin na, ayusin ko na lang muna ang mga buhok niyo bago tayo bumaba." Pag-iiba ko sa usapan.Pareho silang natahimik, maging si Snow ay sinundan ako ng t
Aurora's Point of ViewTUMAGAL pa lalo ang tingin ko sa mga litratong nasa album. Candice, lahat iyon mga picture ni Candice. Tila may kung anong kumirot sa dibdib ko nang makita ulit ang larawan nila ni Alted kasama si Snow at si Winter. Walang ngiti sa labi ni Candice at matalim ang mga matang nakatingin sa camera.Samantalang may munting ngiti naman sa labi si Alted habang malaki ang pagkakangiti ni Snow at ni Winter. Kung hindi ako nagkakamali apat na taon pa lang dito ang kambal. Hindi ko mapigilang hindi haplusin ang larawan habang sumisigid ang kirot sa kaibuturan ng puso ko. May mga bagay na kinaiinggitan ko sa ibang tao, katulad ng masayang pamilya at karapatang mabuhay ng malaya, pero si Candice, lahat ng bagay sa kaniya kinaiinggitan ko. Hindi ko pa man siya nakikita at nakakasama pakiramdam ko gusto kong maging ako na lang siya. Hindi sa paraang lahat ng pagkatao niya ay maging ako, gusto ko lamang magkaroon ng masayang pamilya, kuntentong buhay at karapatan sa mga bagay
Aurora's Point of ViewNag-iwas ako ng tingin at tumungo. Ang kakaibang bilis ng tibok ng puso ko ang siyang nagpapatunay na bawat salita ni Manang Osmet ay tumatagos sa pagkatao ko. Magsimula ulit? Kalimutan ang dating Candice?Pwede ba iyon? Pwede bang si Aurora na lang ako at hihiramin ko lang ang pangalan ni Candice? Hindi ko kailangan maging siya, hindi ko kailangan kopyahin ang lahat sa kaniya. Sapat na iyong kilala nila ako sa ibang pangalan, pangalan lang ang hihiramin ko."Maiwan na muna kita." Ani Manang Osmet at ngumiti sa akin.Ngumiti rin ako pabalik at tumango. Naglakad siya palayo kaya muli akong naiwang mag-isa habang pinapakiramdam ang ihip ng hangin.Humugot ako ng malalim na hininga at pilit kinalma ang sarili. Ayaw kong sumunod kay Manang Osmet sa loob na ganito ang nararamdaman ko.Kaya naman, hinayaan kong lumipas ang ilan pang minuto habang nililibang ang sarili at inuubo ang watermelon shake. Nang maramdaman kong kaya ko na ulit humarap sa mga tao, saka lamang
Aurora's Point of ViewNang bumalik ako sa taas ay naabutan ko silang nagliligpit ng mga laruan, marahil ay nakaramdam na babalik na ako. Simula nang hayaan na ako ni Alted na makalapit sa mga bata ay palagi na akong pumupunta sa kanilang kuwarto tuwing matutulog na sila at kinakantahan sila hanggang sa makatulog na nga. Umaalis lamang ako kapag alam kong mahimbing na ang tulog nila."Mommy?" Ani Snow na nakahiga na't katabi si Winter."Hmm?""Bati na kayo ni Daddy?" Inosinte niyang tanong.Tiningnan ko siya't saglit na napatawa. Ngunit hindi ko na nagawang sagutin ang tanong niya. Tumango lang ako at hindi na nagsalita ng kahit na ano.I started singing lullabies for them to fall asleep. Hindi mahirap patulugin ang kambal, marahil nasanay na sila. Kaya ilang minuto lang ang lumipas ay nakatulog nga sila. Umuklo ako para halikan ang kanilang mga noo bago lumabas ng silid.Natigilan ako nang makita si Alted na naglalakad sa pasilyo habang may kausap sa cellphone. Tinapunan niya ako ng
MAAGA akong nagising para ipaghanda ng almusal ang kambal. Katulad ng mga nagdaang araw, payak at payapa ang lahat. Nasasanay na rin ako sa lahat, paunti-unti ay natututo akong makibagay sa lahat ng tao rito— including Alted. Mas madalas na kami ngayon mag-usap kahit pa minsan kinakabahan ako kapag malapit siya. Madalas ay nagtatanong siya tungkol sa kaniyang mga anak, at kung minsan nagtatanong kung kamusta ang araw ko. Kapag tinatanong niya ang araw ko pakiramdam ko kahit papaano sinusubukan na niyang pakawalan ako sa hawla. Noong una ko rito, alam ko sa sarili ko na kahit gaano pa kalaki ang mansyon, kahit gaano pa karangya ang lahat ng bagay dito at kahit anong ganda ng paligid para pa rin akong nakakulong... hindi pa rin malaya.Nitong mga nagdaang araw lang naging maayos kahit papaano ang lahat. Parang naging bahay na ang tingin ko sa dating tinuturing kong hawla.Alas kuatro pa lang nang umaga kaya alam kong mamaya pa si Sonya pupunta sa kusina. Sa katunayan mas nauuna pa
Saglit akong natigilan nang marinig iyon. His voice was mixed of amusement and a soft groaned of confusion. Hindi ko tuloy alam kung dapat ba akong matuwa dahil nagustuhan niya iyon o dapat na kabahan dahil mukhang unang beses niyang makatikim ng kape na gawa ko. Hindi ba siya ginagawan ng kape noon ni Candice? Kinagat ko ang ibabang labi at piniling hindi na lamang siya kibuin. Itinutok ko ang atensyon sa ginagawa hanggang sa marinig ko ang langitngit ng kaniyang upuan at yabag ng kaniyang mga paa. Nasulyapan ko ang paglapit niya sa sink at ang paghugas ng ginamit na tasa. Kumunot ang noo ko nang makita iyon. Dapat hindi na niya ginawa at hinintay na lamang ako. "Ako na, Alted." Sinubukan ko siyang pigilan pero umiling lamang siya. "Ako na." May pinalidad niyang sabi. Kaya tumango na lamang ako at hinayaan siya. Akala ko ay babalik siya sa kinauupuan niya pagkatapos pero lumapit siya sa akin at mula sa likod ko ay sinilip niya ang ginagawa kong pagbatik ng mga itlog sa lalagyan
Mga yabag ng paa ang nagpaangat ng tingin ko at nakita si Sonya kasama ang isa pang katulong na hindi ko kilala. Nang makita nila kami may pag-aalangan sa kanila kung lalapit ba o aalis.Kumunot ang noo ko at nilingon si Alted na ngayon ay parang hindi nakakaramdam dahil kumuha na naman ng isa at inilagay iyon sa unang plato na nilagyan ko kanina. Kinalat niya ang syrup sa ibabaw ng pancake at kumain."Let her cook. Alone." Nilingon niya ang mga kasambahay."Ah... Ah, sige po Señorito." Nag-aalinlangan na tugon ng mga kasambahay.Masunurin nga yata sila Sonya dahil tumango lang sila at agad na umalis. Hindi ko alam kung saan sila magpupunta.Sira ba siya?Hindi naman sa nagrereklamo ako na pinagluluto niya ako mag-isa pero kahit papaano gusto ko rin naman humingi ng tulong kay Sonya para mapadali ang gawain. Mamaya lang ay magigising na sila Snow at Winter."What?" Aniya nang makitang nakatingin ako sa kaniya.Tiningnan ko ng mabuti ang ekspresyon ng kaniyang mukha. Hindi ko mabasa. H
Elizabeth's Point of View"Thank you." I said to Gerald.Muling naghiyawan ang mga tao. Nagtawanan ang kalalakihan na siyang ikinakunot-noo ko, but I didn't feel offended. Naguguluhan lang ako sa kanila."Hoy, tumigil na kayo. Baka matakot si Liza, sa sunod hindi na siya magpakita sa atin." Saway ng isang dating kaklase.I guess her name was Eda?I couldn't remember clearly. But it sounds like that."Ililipat ko na lang sa ibang table si Liza, pinagkakaguluhan niyo agad. Baka maculture shock sa atin." Saad ni Juliet saka lumapit sa akin.Ngunit umiling ako.Nakakahiya kung ililipat niya pa ako ng ibang upuan."No, it's okay, Juliet. I will stay here na lang." I said.Siguro naman okay lang na makasalamuha ko sila? They're loud and nosy, but they're not a threat. They won't trigger anything inside me, I guess."Sigurado ka? May dadating pang iba. Baka maingayan ka lang sa kanila." Mahinang sabi ni Juliet sapat para ako lamang ang makarinig.Ngumiti ako sa kaniya at pilit na pinakitang
Elizabeth's Point of View As I drove down the road, i'm starting to feel agitated. Kinakabahan ako nang husto habang palapit na ang sasakyan sa pusod ng bayan. Why am I feeling nervous? this isn't the first time I attended a birthday party. May mga naging kaibigan din naman ako noong college at may mga pagkakataon na sumasama ako sa mga party. Those were just few instances but at least I tried to socialize. Wala naman pagkakaiba ang birthday na pupuntahan ko ngayon sa mga napuntahan ko noon, 'di ba? Well, the difference is that, this time the birthday party is probably composed of people I knew from San Gabriel. I sighed, feeling defeated from my own thoughts. Nang matanaw ko na ang mga pamilyar na establismento ay mas lalo lamang akong kinabahan. Nakita ko na ang ilan kong mga naging kaklase noong high school. Nakausap ko na ang ilan, kaya dapat hindi na big deal sa akin kung makikita ko silang lahat ngayong gabi. I parked my car at the parking lot of Hillside Bistro.
Elizabeth's Point of ViewSince Kuya Nexon was off to go to La Trinidad, I settled myself on the couch for the past six hours. Watching mystery and sci-fic movies on my television and just enjoying my own company.It was four in the afternoon when I received a call from Juliet.Noong una, nag-aalangan pa akong sagutin iyon dahil alam ko ang mga posibleng dahilan kung bakit siya tumatawag. But then, I remembered that I promised to catch up with them when I'm just free.Juliet is my classmate from high school. Maayos naman ang naging relasyon namin noon at wala akong maalala na may nagawa siyang matinding kasalanan sa akin, kaya nang hingin niya ang number ko ay ibinigay ko naman.Nagkita kami sa birthday party ng isa rin sa naging kaklase ko noong highschool. That's where and when she asked my number.So now, why am I hesitating again? It's just a simple call, it won't hurt."Hi." I said as I answered her call."Liza!" Masaya niyang bati mula sa kabilang linya.Kahit na hindi ko naman
Elizabeth's Point of View Every weekdays ay nasa bahay ako ni Kuya Alted para asikasuhin ang kasal nila ni Aurora, kapag weekend naman ay umuuwi ako sa San Gabriel para makapagpahinga at para asikasuhin naman ang ibang bagay. Since last week, nakauwi na si Kuya Nexon kaya may kasama na rin ako sa villa, pero madalas pa rin siyang wala dahil inaasikaso naman niya ang mga negosyo ni Papa. "Do you really need to go to La Trinidad, Kuya?" Tanong ko habang sumusunod sa kaniya papunta sa kusina. Kagigising niya lang at mukhang maghahanda ng almusal para sa kaniyang sarili. "Yes. Si Mama ang nagsuggest sa Mayor na kunin akong judge sa pageant. Nakakahiya na hindi ko sila sisiputin kung si Mama mismo ang nagsabi kay Mayor. Besides, I have to help them to look for the best town's muse. Malapit na rin kasi ang pyesta sa La Trinidad." Ngumisi siya sa akin. I wrinkled my nose in return. Palusot ka pa. Ang sabihin mo, gusto mo lang makakita ng magagandang babae. Pinaikot ko ang mga
Elizabeth's Point of ViewMy parents are product of successful arrange marriage.Dati pa man, parte na ng tradisyon ng mga mayayamang tao sa San Gabriel ang ipagkasundo ang kanilang mga anak o apo sa ibang pamilya na may maayos na pinagmulan. Rich families marry rich families in order to continue the generational wealth they want to protect and pass down.Wala akong problema sa bagay na iyon dahil simula pagkabata, namulat na ako sa ganoong tradisyon. At isa pa, kung hindi ipinagkasundo si Mama at si Papa, hindi sana kami mabubuo ni Kuya Nexon.I smiled bitterly to myself.Everytime I think about my parents love story, I felt fascinated before. Now, I felt like... uncomfortable.Paano kung sila lamang ang exception sa maayos at matagumpay na arrange marriage? Paano kung hindi lahat ng ipinagkakasundo ay nagkakasundo?I didn't intend to think about Cassy and Zychi, but suddenly their image came in to my mind. Dahan-dahan naman akong umiling para makalimutan sila."I don't want to marry
Elizabeth's Point of ViewNang malaman ko na pakakasal na si Kuya Alted at Aurora, totoong naging masaya ako. Gusto kong maikasal si Kuya Alted sa babaeng kagaya ni Aurora— mabait, may mabuting puso, at mapagpatawad.Yes, she can easily forgive.Which feels unsettling to me. But I couldn't say it loud.Siguro hindi lang ako sanay na ganoon kadali magpatawad ang tao.How could she forgive Kuya Alted so fast? I mean, when I learned about Kuya Alted trying to find Aurora, I didn't tell him that she's living with me.Kahit na magpinsan kami at mahal ko siya, hindi ko nagustuhan na pinagtabuyan niya si Aurora nang ganoon lang kadali dahil sa pride niya. Alam ko na nahirapan siyang tanggapin ang katotohanan, lalo na kung bulag siya sa bagay na iyon, pero hindi ko kayang kalimutan na lang ang mga sakripisyo ni Aurora para sa kanila— para sa kaniya at sa mga bata.Pero sa kabila ng kabutihan at sakripisyo ni Aurora, walang puso niyang pinagtabuyan ang babae na animo’y hindi niya pagsisisihan
Elizabeth's Point of ViewSiguro dahil na rin sa kahihiyan kaya hindi ko na ginustong bumalik sa baba. Pansamantala na lang muna akong nagkulong sa kuwarto hanggang sa pakiramdam ko’y tapos na silang mag-almusal sa baba. Hindi ko na kayang bumalik at magkunwari na parang hindi ko sila tinakbuhan paalis.Now, I all want is to be at the comfort of my bed. Gusto ko nang umuwi, magpahinga at matulog. Gusto ko nang bigyaan ng kapayapaan ang sarili ko, pero hindi ko rin kayang umalis na lang nang hindi nagpapaalam ng maayos kay Nicole.Argh! This is all my fault anyway.Dahil sa gulat ay napatalon nang marinig ang sunod-sunod na katok mula sa pinto."Liza?" Ang pamilyar na boses ni Cassy ang tumawag mula sa labas.Now I don't know if that's a relief.Hindi ko gustong humarap sa kaninuman, pero mas mabuti na rin na si Cassy ang kumatok at hindi si Nicole o Zychi. Mas lalong hindi si Primo.Binuksan ko ang pinto at sinilip siya, nang makita na mag-isa lang siya at walang ibang kasama ay tinit
Elizabeth's Point of View Nang mag-umaga, iritang-irita ako kay Nicole at Zychi. They're sending me weird looks like they always did when they want to say something, but couldn't. And in exchange for that, I give them the worst death glares I could muster, so they will understand that I don't appreciate them glancing at me like that. Effected naman iyon kahit paano dahil nag-iiwas sila ng tingin pero maya't maya ay ibabalik na naman ang tingin sa akin. Nakakairita. Sa hapag-kainan ay tahimik kaming lahat. Magkatabing nakaupo si Nicole at Zychie at kami naman ni Cassy ang magkatabi. Sa harap ko ay si Nicole, at katapat naman ni Cassy ang kaniyang fiancé. Nang hindi na makayanan ang ginagawa nila, ibinaba ko ang kubyertos sa pinggan at tinitigan silang mag-pinsan. Tumingin din sila sa akin, ngayon ay biglang naging tensyunado si Nicole. "What's wrong? Ayaw mo nang kumain? O gusto mo ng ibang—" "Ano ba’ng problema niyo?" Putol ko sa kaniya. Her eyes widened a fraction,
Elizabeth'sI didn't wait for Primo to come back. I know myself better than wait for him.Muli kong binuksan ang shower at mabilis na nilinis ang katawan bago naglakad pabalik sa cottage.I was dripping wet, but I don't give a d*mn. Tulog na rin naman ang mga kasama ko kaya walang magrereklamo kung umakyat ako sa cottage nang basang-basa.Bago makaakyat sa hagdan ay naalala ko ang tuwalyang naiwan sa may dalampasigan. Binalikan ko ng tingin ang parte kung saan ko iniwan ang tuwalya, nang maispatan iyon ay dali-dali akong naglakad pabalik doon para kunin iyon.May mga buhangin na kumapit sa tuwalya kaya kailangan muna iyong ipagpag.Umihip ang malamig na nahangin. Nanginig naman ang katawan ko nang hinaplos nito ang balat ko. It was eerily weird to be out here at this hour.Siguro nga ay nababaliw na ako para isipin na lumangoy sa dagat nang ganitong oras. Pero kung hindi nangialam si Primo ay baka saglit lang din naman akong lumangoy at bumalik din agad sa cottage.I just want to clea