Aurora's Point of ViewNaramdaman ko ang mahinang tapik sa balikat ko."Mommy.""Don't tap her too hard, Snow." Narinig ko ang mahinang boses ni Winter na tila sinasaway ang kapatid.Dahan-dahan kong binuksan ang mga mata at bumungad naman agad sa akin ang mukha ni Snow at ni Winter. Nasa driver's seat silang dalawa at halos hindi na magkasya.Ngumiti ng malapad si Snow nang magtama ang aming tingin.Ang mala-anghel niyang mukha, ang inosinteng mga mata, ang matamis na ngiti, parang may nabubuo na kakaibang simbuyo sa dating nanlalamig kong puso. The warmth of her smile, I missed it so much."We're already here, Mommy." Balita niya.Dahan-dahan akong umayos ng upo nang mapagtanto na nakatulog pala ako sa byahe. Nagbaba ako ng tingin sa maliit na kumot na nasa dibdib ko. Maayos pa rin iyon na nakalagay, kahit na naibaba ng kaonti ang upuan ko.Hindi ko namalayan na nakarating na kami sa Lanayan. Buong akala ko e mananatiling gising ang diwa ko sa byahe. Siguro dala na rin ng pagod kaya
Aurora's Point of View"Manang Osmet, pakihatid siya sa kaniyang kwarto." Turan ni Alted.Humarap siya sa mga bata at nginitian sila Snow."Would you like to help me in the kitchen?" Ngiting tanong niya sa kambal.Agad na tumango si Snow at si Winter sa tanong. Humagikhik si Snow."Yes, Daddy.""Okay, let's make dinner now." Dahan-dahan na nag-angat ng tingin si Alted at bumaling sa akin."Ihahatid ka ni Manang Osmet sa kuwarto mo." Aniya.Tumalikod din agad siya para maglakad papunta sa kusina, kaya naguguluhan akong sumunod ng tingin sa kaniyang bultong papalayo."Pupunta kami Mommy sa kwarto mo mamaya. Come on, Winter. Daddy needs us." Sabi ni Snow na humagikhik na naman.Bumitaw siya sa kamay ko, at nginitian uit ako bago sumunod sa ama na tinatahak na ang daan papuntang kusina. Si Winter din ay bumitaw sa kamay ko at bumaling din sa akin na may maliit na ngiti sa labi."We're going to cook dinner for you." Masaya niyang sabi."Magpahinga ka, Mommy."Patakbong sumunod si Winter sa
Aurora's Point of ViewDALA marahil ng pagod kaya masyadong mahaba ang tulog ko. Mukhang hindi pa ako magigising kung hindi lang kumalam ang tiyan ko at naghahanap na ng pagkain. Sa pagmulat ko ng mga mata ang kisame ng kwarto ni Tanya ang siyang bumati sa akin. Si Tanya ang anak ni Auntie Leonora. Sa totoo lang, ngayon ko pa lang sila nakilala, ngayon lang na isinama ako ni Auntie Pacita dito sa Lanayan. Kadarating lang namin at halos isang araw ang byahe bago kami makarating kaya pagod na pagod ang katawan ko. Hindi ko alam na may kamag-anak pa pala kami, hindi ko iyon alam, ang akala ko'y sila Auntie Pacita na lang ang kamag-anak na meron ako. Bumangon ako at nagpasyang lumabas baka sakaling may makakain. Hindi na ako kumain kaninang tanghalian dahil naunahan na ako ng antok at pagod. Nasa ikalawang palapag ng bahay ang kwarto ni Tanya kaya kailangan ko pang bumaba papunta sa kusina. Sana lang may pagkain pa. Hindi pa nga ako nakakapagpalit ng damit, mamaya ay maliligo ako dahil
Aurora's Point of View"Sino kayo?"Tanging ang liwanag lamang sa malaking lampshade ang nagbibigay liwanag sa buong kwarto. Ngunit sapat iyon para makita ko ang biglang pagliyab ng galit sa kaniyang mata dahil sa tanong ko.Mas lalo pa akong kinabahan nang makita ang pagtatagis ng kaniyang bagang at tumalim ang kaniyang mata. "What now? You're going to act like you have a g*dd*mn amnesia? Do you really think that I'm a f*ck*ng m*r*n, Candice?!"Ang galit niyang boses ay parang ungol ng isang mabangis na hayop sa gitna ng kaparangan. Nakakatakot, malalim at mapanganib."H-hindi po ako si Candice." Umiling ako. Takot na sa kung ano ang gagawin niya."Hindi ko po kilala ang sinasabi niyo."Malalaki ang hakbang na lumapit siya sa akin at wala akong nagawa nang haklitin niya ang braso ko at mahigpit iyong hawakan."D*mn you! Akala mo ba makukuha mo ako sa ganiyan! Hindi ako tanga. Naiintindihan mo?"Pinilit kong baklasin ang kamay niya dahil masakit iyon."Hindi nga ho kasi ako si Candic
Aurora's Point of ViewNAG-ANGAT ako ng tingin, isang katulong ang pumasok at may dalang tray na puno ng pagkain. Matapos niya iyong ilagay sa kama ay walang imik din siyang lumabas.Kasalukuyan akong nakahilig sa may pintuan ng teresa at tinatanaw ang malawak na harden sa labas. Para lang akong ibon na nakakulong sa hawla at walang kalayaan. Apat na araw na rin simula nang kunin nila ako at ikulong sa kwartong ito. Laging may nakabantay sa labas ng silid kaya hindi ako makalabas, wala rin akong maisip na pwedeng paraan para makaalis sa lugar na ito. Kain, tulog, at pagtanaw lamang sa harden ang nagagawa ko buong araw.Para akong pinaparusahan ng langit, para akong bilanggo sa isang marangyang silid.Narinig kong bumukas ulit ang pinto pero hindi na ako nag-abalang lingunin iyon, baka isa rin sa mga katulong. Siguradong maglilinis lang iyon ng kuwarto."Ba't hindi ka pa kumakain?"Para akong tinamaan ng kidlat nang marinig ang boses na iyon. Dali-dali akong umayos ng tayo at pumihit
Aurora's Point of ViewMayaman talaga siya, kahit ang mga painting na nakasabit sa dingding talagang engrande. Hindi ko tuloy maiwasang hindi ilibot ang tingin sa kabuuan, ngayon ko lang napagtantong hindi ito simpleng bahay lang, mansyon na ito.Panay ang pagtingin ko sa paligid habang nakasunod sa kaniya. Marami rin ang mga katulong sa bahay at hindi ko na matandaan kung ilan silang lahat dahil iba-iba ang skirt na suot nila, may blue, orange, red at green. May konekta ba iyon sa trabaho nila?"Manang Osmet!" He shouted.At mula sa kung saan sumulpot ang isang matandang babae na seryoso ang ekspresyon ng mukha. Mukhang siya ang mayordoma nang lahat nang mga katulong base na rin sa awra at sa suot niyang all-black. Mukhang sixty plus na ang matandang babae dahil may pagkakulubot na rin ang balat nito sa mukha."Señorito." Bati nito sa lalaking kasama ko.Señorito? Ganon ba talaga siya tawagin ng lahat?"Dalhin mo si Candice sa harden at ituro sa kaniya ang mga dapat linisin. Pronto."
Aurora's Point of View"Have a sit." Utos niya sa akin.Hindi ko pa rin alam ang pangalan niya. Wala pa akong naririnig mula sa mga katulong maliban lang sa “señorito” na tawag sa kaniya. Kahit ang apelyido niya hindi ko rin alam.Nasa kabisera siya at parang haring nakaupo. Ngayon ko lang napansin ang maraming pagkain na nakahain sa mahabang mesa. Agad naman na kumalam ang tiyan ko nang makita ang masasarap na putahing iyon kahit hindi naman pamilyar kung anong klaseng luto iyon. Naupo ako sa upuan bago ang sa kaniya. Dahil doon kumunot ang noo niya, pero wala akong alam. Saan ba dapat ako umupo kung ganon?"Hindi ba pwedeng maghugas muna ako ng kamay bago kumain?" Malumanay at mababa ang boses ko nang itanong ko iyon sa kaniya.Saglit niya pa akong pinakatitigan at kalaunan tumango ng marahan. Agad naman akong tumayo at nagtungo sa kusina. Limang katulong ang naroon at nabigla pa sila nang makita ako, agad silang nagsitabi na para bang nakakatakot akong nilalang. Hinayaan ko na
Aurora's Point of ViewMATAGUMPAY na ngiti ang agad na kumawala sa labi ko nang matapos kong isampay ang huling kurtina. Makakapal pa naman iyon kaya mahirap labahan, hindi gaanong madumi pero masyadong madami para tapusin agad. Ang bilin ni Alted— si Alted ang masungit na lalaking iyon— tapusin ko raw ito bago magtanghali. Ngayon alam ko na ang pangalan niya dahil nang isang beses naglilinis ako ng salas narinig kong sinabi niya, "Yes, this is Alted Dela Fuente. What do you want?" Doon ko lang nalaman ang pangalan niya. Alted, parang kahit ang pangalan niya'y nagsusumigaw ng kapangyarihan at karangyaan. O sadyang ako lang ang nag-iisip no'n? Mabait naman siya sa akin kahit papaano dahil hindi niya ako sinasaktan sa pisikil na aspeto. Maliban sa araw-araw na pagsunod sa mga utos niya wala nang bago roon. Hindi niya rin ako hinahayaang makaalis ng mansyon, pero ayos na iyon sa akin, sa sobrang lawak ng sakop ng buong mansyon sapat na iyon sa akin sa buong araw para hindi mabagot. Hin
Aurora's Point of View"Manang Osmet, pakihatid siya sa kaniyang kwarto." Turan ni Alted.Humarap siya sa mga bata at nginitian sila Snow."Would you like to help me in the kitchen?" Ngiting tanong niya sa kambal.Agad na tumango si Snow at si Winter sa tanong. Humagikhik si Snow."Yes, Daddy.""Okay, let's make dinner now." Dahan-dahan na nag-angat ng tingin si Alted at bumaling sa akin."Ihahatid ka ni Manang Osmet sa kuwarto mo." Aniya.Tumalikod din agad siya para maglakad papunta sa kusina, kaya naguguluhan akong sumunod ng tingin sa kaniyang bultong papalayo."Pupunta kami Mommy sa kwarto mo mamaya. Come on, Winter. Daddy needs us." Sabi ni Snow na humagikhik na naman.Bumitaw siya sa kamay ko, at nginitian uit ako bago sumunod sa ama na tinatahak na ang daan papuntang kusina. Si Winter din ay bumitaw sa kamay ko at bumaling din sa akin na may maliit na ngiti sa labi."We're going to cook dinner for you." Masaya niyang sabi."Magpahinga ka, Mommy."Patakbong sumunod si Winter sa
Aurora's Point of ViewNaramdaman ko ang mahinang tapik sa balikat ko."Mommy.""Don't tap her too hard, Snow." Narinig ko ang mahinang boses ni Winter na tila sinasaway ang kapatid.Dahan-dahan kong binuksan ang mga mata at bumungad naman agad sa akin ang mukha ni Snow at ni Winter. Nasa driver's seat silang dalawa at halos hindi na magkasya.Ngumiti ng malapad si Snow nang magtama ang aming tingin.Ang mala-anghel niyang mukha, ang inosinteng mga mata, ang matamis na ngiti, parang may nabubuo na kakaibang simbuyo sa dating nanlalamig kong puso. The warmth of her smile, I missed it so much."We're already here, Mommy." Balita niya.Dahan-dahan akong umayos ng upo nang mapagtanto na nakatulog pala ako sa byahe. Nagbaba ako ng tingin sa maliit na kumot na nasa dibdib ko. Maayos pa rin iyon na nakalagay, kahit na naibaba ng kaonti ang upuan ko.Hindi ko namalayan na nakarating na kami sa Lanayan. Buong akala ko e mananatiling gising ang diwa ko sa byahe. Siguro dala na rin ng pagod kaya
Aurora's Point of ViewMarahan na tinapik ni Elizabeth ang likod ko."Stop thanking me, Aurora." Turan niya sa mababang boses."I did it because you took care of my family too. My kindness was just a reflection of your kindness to my family. It means a lot to me, knowing you took good care of my nieces."Dahan-dahan akong lumayo sa kaniya. Isang maliit na ngiti ang sumilay sa kaniyang labi. May kakaibang emosyon sa kaniyang mga mata na hindi ko mapangalanan."Ako pa nga ang dapat na magpasalamat sa'yo." Dagdag niya.Kinagat ko ang ibabang labi at umiling. Hindi niya kailangan magpasalamat, dahil wala naman akong nagawa para sa kaniya. Kung ang pag-aalaga kay Snow at kay Winter ang ipinagpapasalamat niya, ginawa ko iyon dahil mahal ko ang dalawa, at pakiramdam ko responsabilidad kong alagaan at protektahan sila.Alted stood behind me. Naramdaman ko ang presensya niya, kaya saglit ko siyang nilingon.Naging malambot ang emosyon sa kaniyang mga mata nang magtama ang aming tingin."Sige n
Aurora's Point of View"Sabi sa'yo, Kuya Alted. Hindi ka na niyan babalikan." Mahina ngunit dinig kong sabi ni Elizabeth na sinundan pa ng mahinang tawa."Babalik siya, Liza. Babalikan niya kami." Mabagal ngunit may diin niyang sagot.My throat went dry. My heart stopped beating. The world suddenly stopped spinning.Malakas na tumawa si Elizabeth at naglakad palapit para lang punasan ang mga luha ni Snow. Pinutol ko agad ang tingin kay Alted at itinuon iyon kay Elizabeth na ngayon ay bumaling na rin sa akin at ngumiti.Nakita niya rin ang luha sa mga mata ko. Lumiit ang kaniyang ngiti, ngunit mas naging payapa ang emosyon sa kaniyang mga mata. Hindi ko na nakita ang pag-aalala."Uwi ka na raw," aniya sa nang-aasar na tono."Baka mamaya si Kuya Alted naman ang umiyak kapag hindi ka pa sumama."Binuksan niya ang pinto ng backseat at tiningnan si Winter na tahimik sa tabi ko. Sumunod siya nang ngumiti si Elizabeth. Pumasok si Winter sa sasakyan at saglit pa akong sinulyapan. Tiningnan ni
Aurora's Point of View"Come on, Mommy!" Nagpababa si Snow kay Alted at sabay silang lumapit ni Winter sa akin para hawakan ang magkabila kong kamay at igaya palabas ng bahay.Nilingon ko si Elizabeth. There's a sudden adrenaline rush. Malakas na tumambol ang puso ko. Pinapalayas niya na ba ako?Gumilid si Alted nang mapadaan kami sa gawi niya at hinayaan lang ang kaniyang mga anak na hilahin ako palabas ng bahay. Hindi ko alam ang dapat na sabihin, lalo na nang makalabas kami at tuluyan nila akong hilahin palapit sa sasakyan na nakaparada. Mas lalo pa akong naguluhan nang makitang sa likod ng sasakyan ni Alted inilagay ng dalawang katulong ang mga gamit na ibinaba nila.Alam kong akin iyon dahil imposibleng kay Elizabeth iyong maleta at duffle bag. Isa pa, kinumpirma ni Elizabeth na gamit ko iyon.Nakasunod na pala sa amin si Alted kasama si Elizabeth na ngumiti pa ng matamis kahit na nakikita niyang naguguluhan ako sa mga nangyayari. Humakbang siya palapit sa akin."Kapag pinaalis
Aurora's Point of View"Ihuhulog din kita, makita mo!" Muli ay sigaw niya at nagmamartsang lumapit, pero ibinaba ko na si Winter para lang makatakbo kami palayo habang tumatawa.Nakisali na rin si Snow na gusto rin kaming hulihin. Tumakbo si Snow palapit sa amin, kasabay ng pagsugod ni Elizabeth mula sa kabilang parte ng pool. Tumakbo kami palayo ni Winter habang magkahawak kamay."Run!" Sigaw ni Winter.Napuno ng tawanan ang buong villa.Pagod na si Winter sa pagtakbo kaya nahuli rin kami ni Elizabeth, hinawakan niya ako sa braso at hinila palapit sa pool, medyo nanghihina pa ako dahil sa kakatawa, kaya nang itulak niya ako ay mabilis akong kumapit sa kamay niya para makahanap ng suporta.Sa huli, dalawa kaming bumagsak sa pool."Mommy!" Natatawang sigaw ni Winter at ni Snow.Malakas na tawanan nila Snow at Winter ang bumati sa amin nang makaahon kaming dalawa ni Elizabeth.Ganoon ang laging nangyayari, nagtutulakan, naghahabulan at nagtatawanan kaming apat. Walang kapaguran ang kam
Aurora's Point of ViewLimang katulong ang galing sa mansyon na ipinadala rito para magsilbi pansamantala dahil narito ang mga bata. Dalawa ang nagbabantay kay Snow at kay Winter, tatlo naman ang nagluluto at nagdadala ng pagkain dito sa amin.Ngayon ko lang talaga napagtanto na maaaring buhay prinsesa si Elizabeth, pero pinipili niya lang ang mamuhay nang mag-isa upang matuto sa maraming bagay na sarili niya lang ang inaasahan. Marunong siyang magluto, maglinis, maglaba at iba pang gawaing-bahay, samantalang may taga-silbi naman sila sa kanilang bahay."Kapag ikinasal ka, si Cassiopeia ang kunin mong maid of honor, ha?" Basag niya sa katahimikan.Agad na nagsalubong ang dalawa kong kilay. Kunot-noo ko siyang tiningnan."Ha?" Naguguluhan kong tanong. Hindi ko alam kung bakit bigla na lamang niya iyong sinabi.Ngumiti siya sa akin at sumimsim sa inumin."Just in case," nagkibit-balikat siya.“Malay mo, maikasal ka, tapos kailangan mo ng maid of honor. I suggest, si Cassiopeia ang kuni
Hindi ko alam kung ano pa ang mararamdaman. Parang lumubo ang puso ko sa loob dahil sa pagtawag ni Winter sa totoo kong pangalan.She smiled."I like your name." Dagdag niya pa."Aurora is Sleeping Beauty's real name. Your name is a princess' name. Mommy Aurora."Mommy Aurora?Iniangat ko ang isang kamay para lamang haplusin ang pisngi ni Winter. Parang may mainit na kamay na humahaplos sa puso ko dahil sa pagbanggit niya sa pangalan ko.It really means a lot to me. Noon, hindi ko alam kung magagawa ba nila akong tanggapin bilang ako. Bilang si Aurora, at hindi bilang si Candice.Kaya nakakataba ng puso na marinig mula sa kaniyang labi ang pagbigkas ng dati ay walang halaga kong pangalan."Aurora."Nag-angat ako ng tingin nang marinig ang boses ni Elizabeth. Nakapasok na pala sila sa bahay ni Alted.Mula kay Elizabeth, bumaling ang tingin ko kay Alted. Matigas pa rin ang ekspresyon ng kaniyang mukha."Daddy." Tawag ni Snow sa kay Alted.Nagbaba ako ng tingin. Medyo kinabahan din dahil
Aurora's Point of View Siya ang unang nagbawi ng tingin upang balingan ng tingin si Elizabeth. Alted. He's here. "Pinayagan kaming sumama ni Daddy." Ani Winter. Nakita ko ang pagtango ni Elizabeth sa sinabi ni Alted na hindi ko narinig dahil sumabay si Winter. Naunang naglakad ang babae palabas, sumulyap sa amin ulit si Alted at sumunod din palabas ng bahay. Sinundan ko sila ng tingin hanggang sa maglakad sila palayo. Patungo sa pool side sa labas. Pumitik ako sa reyalidad at ibinalik ang atensyon sa dalawang prinsesita na yakap ko. "G-gusto niyong kumain? Nagbreakfast na ba kayo?" Tanong ko. Masyado pang maaga, baka hindi pa sila kumakain. Mariin ang titig sa akin ni Winter, samantalang nakangiti naman ng magaan si Snow. "Done na Mommy." Sagot ni Snow na ipinulupot muli ang dalawang kamay sa batok ko. Lumapit siya para patakan ng halik ang pisngi ko. Humagikhik siya pagkatapos. Natigilan ako, hindi dahil sa paghalik at sa paghagikhik niya, napatulala ako sa kaniya nang mai