Aurora's Point of View Mula sa pagscroll sa kaniyang tablet, inaasahan ko nang matitigilan siya dahil sa sinabi ni Cassiopeia. Dahan-dahan niyang iniangat ang kaniyang mukha. Sinalubong niya ang tingin namin at pabagsak na inilapag sa mesa ang hawak na tablet. Mas lalong naging madilim ang ekspresyon ng kaniyang mukha. "Elizabeth." Sinubukan kong kalmahin siya dahil alam kong magagalit na naman siya. Pinanlakihan niya naman ako ng mata. "I'm trying to take care of myself, Cassy. I can also take care of my baby. And if you're worried that I might get stressed today, I can handle it, don't worry. Stress is a normal thing in my everyday work. Sanay na ako." Aniya sa monotonong boses. "Kahit na. Buntis ka. Nagbabago ang katawan mo, mas lalong nagiging mahirap na mag-adjust ang hormones mo dahil sa stress. How about you rest first? Or we take this slow?" Mahinahon na saad ni Cassiopeia. Siguro nasanay na rin si Cassiopeia na ganiyan ang ugali ni Elizabeth. Noong hindi pa siya
Aurora's Point of View Kahapon pa kami nag-usap na maaga kami ngayon sa cafe para sabay-sabay na kaming mag-almusal habang fina-finalize nila ang plano ng kasal namin ni Alted. Ang alam ko, nabayaran na ang lahat ng supplier, designer, organizer, at iba pang indibidwal na tumulong sa paghahanda sa kasal. Tinatawagan na lamang sila ni Elizabeth at ni Cassiopeia para alamin ang detalye at malaman kung handa na ang lahat. "The receptionist of Bwoéir Resort sent me a message this morning," untag ni Elizabeth pagkatapos niyang magtipa sa kaniyang tablet. Dumating ang waiter dala ang order namin. Ibinaba niya iyon sa mesa. "Ano'ng sabi?" Kuryuso kong tanong. "Nasa resort na ang glam team. Kaninang madaling araw pa raw sila nagset-up. Apat na cabin ang pina-occupy ko. One for the bride, one for the groom, and two separate cabins for the bridesmaids and groomsmen." Ngayong araw ang pre-wedding pictorial namin ni Alted. Kasabay na yata ang pagkuha ng wedding video para sa kasal. Ayaw ni
Aurora's Point of ViewThe three months preparation went very smooth. Sa dami ng koneksyon ng pamilya nila Alted lalo na si Elizabeth na naging abala sa pag-aasikaso ng kasal, mas lalong napadali ang lahat.Kahit ang wedding gown na apat na buwan dapat ang gugugulin na panahon bago matapos, nakayanang tapusin sa loob lamang ng tatlong buwan.Noong unang buwan ng preperasyon, nakita ko agad kay Elizabeth na buong atensyon at panahon ang inilalaan niya sa bagay na ito kaya minsan nahihiya na ako sa kaniya. Kahit na gusto kong tumulong, hindi niya rin ako hinahayaan, sapat na raw na magbigay ako ng opinyon sa mga bagay na gusto ko at hindi ko gusto.Siya na ang bahala sa pagsasakatuparan ng mga plano.Ngayon, nang malaman namin na masilan ang pagbubuntis niya at kahit napagsabihan na siya ng doktor na mas mabuting nasa bahay lang muna, hindi pa rin siya tumitigil. Siya pa rin ang hands on sa lahat ng preparasyon.Mayroon naman kaming wedding planner at wedding coordinator, pero inalis d
Aurora's Point of ViewIlang minuto pa ang lumipas bago kami magpasyang lumisan sa café para tumuloy sa Bwoéir Resort na hindi gaanong malayo mula sa cafe. Si Cassiopeia lamang ang may dalang sasakyan, inihatid ako ng driver kanina, samantalang si Elizabeth ay inihatid naman ni Primitivo. Kaya ngayon, sa sasakyan kami ni Cassiopeia sumakay para makarating sa resort.Sa shotgun seat na ako naupo, samantalang nasa backseat ng sasakyan si Elizabeth. May kausap na naman siya at mukhang tungkol iyon sa fireworks display sa gabi ng kasal.Naririnig ko ang usapan, pero hindi gaanong malinaw.May ilan pa siyang nakausap. Minsan ay naririnig namin siyang nagmumura kaya napapalingon kami ni Cassiopeia sa kaniya.Tahimik lang kaming dalawa kahit alam kong pareho kaming tensyonado. Baka mahigh-blood bigla ang buntis.Sa paglipas ng panahon, palala ng palala ang pagiging bugnutin ni Elizabeth na mukhang epekto ng pagbubuntis.Sa katunayan, kung titingnan siya ngayon, hindi pa rin halata ang baby
Aurora's Point of View"Let's start na! Ilang minuto na lang darating na ang photographer!" Anunsyo ng makeup artist.Maliban sa isa pang bakla na nasa tabi niya lumapit pa ang dalawang assistant na medyo mas boyish ang suot, pero kapag nagsasalita at kumikilos ay halatang may pagkabaliko.Napangiwi naman ako dahil doon. Apat sila? Ang akala ko'y pwede na ang dalawa. Pero mukhang nagmamadali sila dahil parating na nga ang photographer.Pinaupo nila ako sa swivel chair at nagsimula na silang pumalibot sa akin. Ang isa sa kanila ay sinuklay na ang buhok ko, ang isa naman ay nililinis ang mukha ko gamit ang wipes, at ang dalawa pang bakla ang siyang naghahanda sa mga gagamitin kagaya ng hair curler, makeup brush, at iba pang products."Ang kapal ng buhok mo, girl." Saad ng hairstylist at bahagya pang tumawa."Bongga ang haba. Ala Rapunzel talaga!"Ang makeup artist na nasa harap at naglalagay na ng primer sa mukha ko ay natawa rin."Rapunzel? Sinetch itey na hindi hahaba ang hairlalu k
Aurora's Point of View "Can I take a picture of you, please?" Natatawa niya pang tanong. Habang may ngiti sa labi, tumango ako. Matuwid lamang akong tumayo at hinintay na matapos siyang kumuha ng litrato. "You're so beautiful, Aurora." Mahina niyang turan na nakatingin pa rin sa screen ng cellphone. Lumapit siya pagkaraan. "Halika na." Turan niya na humagikhik pa. "Mas nagmukha kang diwata dahil sa suot mo." Saglit siyang tumawa bago hawakan ang laylayan ng gown para madali lang ang paglalakad ko palabas. Sumalubong naman sa amin agad ang babae at ang hairstylist, ganoon din ang makeup artist. Hawak ng hair stylist ang isang flower crown na may puti at asul na mga bulaklak. Akala ko noong una totoo iyong rosas pero nang mailapat nila iyon sa buhok ko at lagyan ng maliit na itim na hairpin at mahawakan ko iyon, saka ko lang napagtantong hindi pala iyon totoo. "Mr. Dela Fuente is waiting outside." Saad ng babae na maaliwalas ang pagkakangiti sa akin. "Tara na," si Cassiopeia
Aurora's Point of ViewHindi ko na maramdaman ang kakaibang kirot sa puso ko, na kaninang madaling araw ay agad na nagparamdam pagkagising ko pa lang.Nawala na ang sakit sa puso ko. Hindi na rin mabilis ang tibok nito. Nakakapagtaka.Hindi ko na rin maramdaman ang mga paru-parong nagliliparan sa tiyan ko. Naglaho sila. Nawala. Hindi ko maisip kung saan nagtungo at bakit bigla na lamang ako nakaramdam ng saglit na pamamanhid. Buong katawan ko, wala nang maramdaman."Ayusin muna natin ang veil, Ma'am." Lumapit ang stylist para iangat ang belong nakatakip sa mukha ko.Bumungad sa repleksyon ng salamin ang hindi pamilyar na mukha."Ang ganda niyo talaga, Ma'am." Puri niya nang masulyapan din ang repleksyon.Lumabas na ang photographer pagkatapos na kuhanan ng litrato ang wedding gown. Ibinaba kanina ng stylist ang belo upang makunan ng photographer ang buong wedding gown kasama na ang belo.Kaming dalawa na lang ang natira sa silid, samantalang nasa kabilang silid ang mga bridesmaids na
Aurora's Point of View"Thank you, Elizabeth." Mahina kong turan, hindi alam kung paano isasatinig ang laman ng puso ko ngayon.I'm very grateful. Hindi kayang ipaliwanag sa mga salita lamang ang nararamdam kong saya at pasasalamat sa kabutihan niya.Humakbang siya at tuluyang kinain ang distansya sa pagitan namin. Inabot niya ang kamay ko at saka maingat na hinaplos ang palapulsuhan ko."I have something to give you," she said softly.Tiningnan ko ang inilabas niyang alahas. "Something blue." She said.Ipinalibot niya sa pulsuhan ko ang pulseras na gawa sa puting perlas na mayroong gold clasp. Kuminang ang maliit na pendant nito na hugis puso nang tumama ang liwanag mula sa bintana."Nakalimutan ni Kuya Alted na ibigay sa’yo noong nakaraang araw dahil masyado siyang distracted sa ganda mo." Marahan siyang tumawa."These were made of South Sea pearls. Noong nakaraang buwan pa iyan binili ni Kuya Alted, pero gusto niyang bago ang araw ng kasal niyo, saka niya pa lang ibibigay. Nakalim
Elizabeth's Point of View"Thank you." I said to Gerald.Muling naghiyawan ang mga tao. Nagtawanan ang kalalakihan na siyang ikinakunot-noo ko, but I didn't feel offended. Naguguluhan lang ako sa kanila."Hoy, tumigil na kayo. Baka matakot si Liza, sa sunod hindi na siya magpakita sa atin." Saway ng isang dating kaklase.I guess her name was Eda?I couldn't remember clearly. But it sounds like that."Ililipat ko na lang sa ibang table si Liza, pinagkakaguluhan niyo agad. Baka maculture shock sa atin." Saad ni Juliet saka lumapit sa akin.Ngunit umiling ako.Nakakahiya kung ililipat niya pa ako ng ibang upuan."No, it's okay, Juliet. I will stay here na lang." I said.Siguro naman okay lang na makasalamuha ko sila? They're loud and nosy, but they're not a threat. They won't trigger anything inside me, I guess."Sigurado ka? May dadating pang iba. Baka maingayan ka lang sa kanila." Mahinang sabi ni Juliet sapat para ako lamang ang makarinig.Ngumiti ako sa kaniya at pilit na pinakitang
Elizabeth's Point of View As I drove down the road, i'm starting to feel agitated. Kinakabahan ako nang husto habang palapit na ang sasakyan sa pusod ng bayan. Why am I feeling nervous? this isn't the first time I attended a birthday party. May mga naging kaibigan din naman ako noong college at may mga pagkakataon na sumasama ako sa mga party. Those were just few instances but at least I tried to socialize. Wala naman pagkakaiba ang birthday na pupuntahan ko ngayon sa mga napuntahan ko noon, 'di ba? Well, the difference is that, this time the birthday party is probably composed of people I knew from San Gabriel. I sighed, feeling defeated from my own thoughts. Nang matanaw ko na ang mga pamilyar na establismento ay mas lalo lamang akong kinabahan. Nakita ko na ang ilan kong mga naging kaklase noong high school. Nakausap ko na ang ilan, kaya dapat hindi na big deal sa akin kung makikita ko silang lahat ngayong gabi. I parked my car at the parking lot of Hillside Bistro.
Elizabeth's Point of ViewSince Kuya Nexon was off to go to La Trinidad, I settled myself on the couch for the past six hours. Watching mystery and sci-fic movies on my television and just enjoying my own company.It was four in the afternoon when I received a call from Juliet.Noong una, nag-aalangan pa akong sagutin iyon dahil alam ko ang mga posibleng dahilan kung bakit siya tumatawag. But then, I remembered that I promised to catch up with them when I'm just free.Juliet is my classmate from high school. Maayos naman ang naging relasyon namin noon at wala akong maalala na may nagawa siyang matinding kasalanan sa akin, kaya nang hingin niya ang number ko ay ibinigay ko naman.Nagkita kami sa birthday party ng isa rin sa naging kaklase ko noong highschool. That's where and when she asked my number.So now, why am I hesitating again? It's just a simple call, it won't hurt."Hi." I said as I answered her call."Liza!" Masaya niyang bati mula sa kabilang linya.Kahit na hindi ko naman
Elizabeth's Point of View Every weekdays ay nasa bahay ako ni Kuya Alted para asikasuhin ang kasal nila ni Aurora, kapag weekend naman ay umuuwi ako sa San Gabriel para makapagpahinga at para asikasuhin naman ang ibang bagay. Since last week, nakauwi na si Kuya Nexon kaya may kasama na rin ako sa villa, pero madalas pa rin siyang wala dahil inaasikaso naman niya ang mga negosyo ni Papa. "Do you really need to go to La Trinidad, Kuya?" Tanong ko habang sumusunod sa kaniya papunta sa kusina. Kagigising niya lang at mukhang maghahanda ng almusal para sa kaniyang sarili. "Yes. Si Mama ang nagsuggest sa Mayor na kunin akong judge sa pageant. Nakakahiya na hindi ko sila sisiputin kung si Mama mismo ang nagsabi kay Mayor. Besides, I have to help them to look for the best town's muse. Malapit na rin kasi ang pyesta sa La Trinidad." Ngumisi siya sa akin. I wrinkled my nose in return. Palusot ka pa. Ang sabihin mo, gusto mo lang makakita ng magagandang babae. Pinaikot ko ang mga
Elizabeth's Point of ViewMy parents are product of successful arrange marriage.Dati pa man, parte na ng tradisyon ng mga mayayamang tao sa San Gabriel ang ipagkasundo ang kanilang mga anak o apo sa ibang pamilya na may maayos na pinagmulan. Rich families marry rich families in order to continue the generational wealth they want to protect and pass down.Wala akong problema sa bagay na iyon dahil simula pagkabata, namulat na ako sa ganoong tradisyon. At isa pa, kung hindi ipinagkasundo si Mama at si Papa, hindi sana kami mabubuo ni Kuya Nexon.I smiled bitterly to myself.Everytime I think about my parents love story, I felt fascinated before. Now, I felt like... uncomfortable.Paano kung sila lamang ang exception sa maayos at matagumpay na arrange marriage? Paano kung hindi lahat ng ipinagkakasundo ay nagkakasundo?I didn't intend to think about Cassy and Zychi, but suddenly their image came in to my mind. Dahan-dahan naman akong umiling para makalimutan sila."I don't want to marry
Elizabeth's Point of ViewNang malaman ko na pakakasal na si Kuya Alted at Aurora, totoong naging masaya ako. Gusto kong maikasal si Kuya Alted sa babaeng kagaya ni Aurora— mabait, may mabuting puso, at mapagpatawad.Yes, she can easily forgive.Which feels unsettling to me. But I couldn't say it loud.Siguro hindi lang ako sanay na ganoon kadali magpatawad ang tao.How could she forgive Kuya Alted so fast? I mean, when I learned about Kuya Alted trying to find Aurora, I didn't tell him that she's living with me.Kahit na magpinsan kami at mahal ko siya, hindi ko nagustuhan na pinagtabuyan niya si Aurora nang ganoon lang kadali dahil sa pride niya. Alam ko na nahirapan siyang tanggapin ang katotohanan, lalo na kung bulag siya sa bagay na iyon, pero hindi ko kayang kalimutan na lang ang mga sakripisyo ni Aurora para sa kanila— para sa kaniya at sa mga bata.Pero sa kabila ng kabutihan at sakripisyo ni Aurora, walang puso niyang pinagtabuyan ang babae na animo’y hindi niya pagsisisihan
Elizabeth's Point of ViewSiguro dahil na rin sa kahihiyan kaya hindi ko na ginustong bumalik sa baba. Pansamantala na lang muna akong nagkulong sa kuwarto hanggang sa pakiramdam ko’y tapos na silang mag-almusal sa baba. Hindi ko na kayang bumalik at magkunwari na parang hindi ko sila tinakbuhan paalis.Now, I all want is to be at the comfort of my bed. Gusto ko nang umuwi, magpahinga at matulog. Gusto ko nang bigyaan ng kapayapaan ang sarili ko, pero hindi ko rin kayang umalis na lang nang hindi nagpapaalam ng maayos kay Nicole.Argh! This is all my fault anyway.Dahil sa gulat ay napatalon nang marinig ang sunod-sunod na katok mula sa pinto."Liza?" Ang pamilyar na boses ni Cassy ang tumawag mula sa labas.Now I don't know if that's a relief.Hindi ko gustong humarap sa kaninuman, pero mas mabuti na rin na si Cassy ang kumatok at hindi si Nicole o Zychi. Mas lalong hindi si Primo.Binuksan ko ang pinto at sinilip siya, nang makita na mag-isa lang siya at walang ibang kasama ay tinit
Elizabeth's Point of View Nang mag-umaga, iritang-irita ako kay Nicole at Zychi. They're sending me weird looks like they always did when they want to say something, but couldn't. And in exchange for that, I give them the worst death glares I could muster, so they will understand that I don't appreciate them glancing at me like that. Effected naman iyon kahit paano dahil nag-iiwas sila ng tingin pero maya't maya ay ibabalik na naman ang tingin sa akin. Nakakairita. Sa hapag-kainan ay tahimik kaming lahat. Magkatabing nakaupo si Nicole at Zychie at kami naman ni Cassy ang magkatabi. Sa harap ko ay si Nicole, at katapat naman ni Cassy ang kaniyang fiancé. Nang hindi na makayanan ang ginagawa nila, ibinaba ko ang kubyertos sa pinggan at tinitigan silang mag-pinsan. Tumingin din sila sa akin, ngayon ay biglang naging tensyunado si Nicole. "What's wrong? Ayaw mo nang kumain? O gusto mo ng ibang—" "Ano ba’ng problema niyo?" Putol ko sa kaniya. Her eyes widened a fraction,
Elizabeth'sI didn't wait for Primo to come back. I know myself better than wait for him.Muli kong binuksan ang shower at mabilis na nilinis ang katawan bago naglakad pabalik sa cottage.I was dripping wet, but I don't give a d*mn. Tulog na rin naman ang mga kasama ko kaya walang magrereklamo kung umakyat ako sa cottage nang basang-basa.Bago makaakyat sa hagdan ay naalala ko ang tuwalyang naiwan sa may dalampasigan. Binalikan ko ng tingin ang parte kung saan ko iniwan ang tuwalya, nang maispatan iyon ay dali-dali akong naglakad pabalik doon para kunin iyon.May mga buhangin na kumapit sa tuwalya kaya kailangan muna iyong ipagpag.Umihip ang malamig na nahangin. Nanginig naman ang katawan ko nang hinaplos nito ang balat ko. It was eerily weird to be out here at this hour.Siguro nga ay nababaliw na ako para isipin na lumangoy sa dagat nang ganitong oras. Pero kung hindi nangialam si Primo ay baka saglit lang din naman akong lumangoy at bumalik din agad sa cottage.I just want to clea