Aurora's Point of View"Thank you, Elizabeth." Mahina kong turan, hindi alam kung paano isasatinig ang laman ng puso ko ngayon.I'm very grateful. Hindi kayang ipaliwanag sa mga salita lamang ang nararamdam kong saya at pasasalamat sa kabutihan niya.Humakbang siya at tuluyang kinain ang distansya sa pagitan namin. Inabot niya ang kamay ko at saka maingat na hinaplos ang palapulsuhan ko."I have something to give you," she said softly.Tiningnan ko ang inilabas niyang alahas. "Something blue." She said.Ipinalibot niya sa pulsuhan ko ang pulseras na gawa sa puting perlas na mayroong gold clasp. Kuminang ang maliit na pendant nito na hugis puso nang tumama ang liwanag mula sa bintana."Nakalimutan ni Kuya Alted na ibigay sa’yo noong nakaraang araw dahil masyado siyang distracted sa ganda mo." Marahan siyang tumawa."These were made of South Sea pearls. Noong nakaraang buwan pa iyan binili ni Kuya Alted, pero gusto niyang bago ang araw ng kasal niyo, saka niya pa lang ibibigay. Nakalim
Aurora's Point of View "Even if you look like her, you're clearly a different a person from her." She said indifferently. "Marami kayong pagkakaiba, Aurora. And I must admit, I saw you, the real you. Nakita kita bilang ikaw, kaya nagkaroon ng pagdududa sa puso ko. Sinubukan kong sabihin kay Kuya Alted ang mga bagay na napansin ko sa’yo, pero natakot din ako. Because I could clearly see before, the hope and love in his daughters’ eyes. Naisip ko dati, bakit ang dali mong nakuha ang loob ng mga bata? Bakit binago mo ng husto ang paniniwala nila sa’yo? You've captivated their hearts, that I became so afraid to break it if my hunches were right. Paano kung tama nga ang hinala ko, pero masasaktan ko naman sila Snow? I don't want to look like a bad Tita." Marahan siyang natawa ngunit nakita kong dumaan ang saglit na pag-aalala sa mga mata niya, na tila hanggang ngayon natatakot pa rin siyang baka masaktan niya ang mga pamangkin. "I once tried to ask Kuya Alted if you're doing great alrea
Aurora's Point of View"Don't be nervous, okay? Enjoy the moment, Aurora. Feel it. Alam ko na iingatan ka ni Kuya Alted simula ngayon." Ngumuso siya para pigilan ang nagbabadyang ngiti."Kaya ingatan mo rin sila, ha? Then after your wedding, bigyan mo rin kami ng kambal, para may mga babantayan na si Snow at si Winter." Dagdag niya na halatang nang-aasar na naman.Natawa ako dahil doon pero bago pa man ako makapagsalita muli, namutawi na sa buong silid ang matinis na sigaw ng isang pamilyar na boses."Mommy!""Snow!"Ang unang sumigaw ay si Snow na tumatakbong pumasok sa silid at nakasunod sa kaniya si Winter na sumisigaw para pigilan ang nauna sa pagtakbo.Sa likod nila ay Cassiopeia.Akala ko ay dudumugin ako ng yakap ng nauna, pero tumigil naman agad si Snow sa tabi ni Elizabeth bago niya pa maisipang tumalon para yumakap. Tumingala siya sa akin at ngumiti ng pagkalaki-laki.Dahil nakasuot ako ng sandals na may apat na pulgadang takong, kahit paano nadagdagan ang tangkad ko. Sinubu
Aurora's Point of ViewLumingon si Nexon sa babae at ngumisi. Hindi nabura ang mapang-asar na ekspresyon sa mukha ng lalaki kahit na nagsusungit si Elizabeth. Pumasok ang wedding coordinator kaya natigil ang ang dalawa."Ma'am Aurora? Aalis na po tayo, nakahanda na ang bridal car sa baba." Imporma nito."Everything's ready, let's go kids." Tawag ni Nexon sa mga bata.Kumapit agad si Winter at si Snow sa magkabilang kamay ni Nexon. Samantalang itinaas naman ni Elizabeth ang laylayan ng kaniyang dress para maglakad na kasabay ng kapatid.Nakalimutan na nila ang pagbabangayan dahil sa sinabi ng wedding coordinator."Ang mga abay?" Nilingon ko si Cassiopeia."May nakahandang sasakyan para sa kanila, Aurora. Huwag kang mag-alala."Tumango ako.Nang lingunin ko muli sila Nexon, nakita kong inaalalayan na ni Primitivo si Elizabeth sa paglalakad. Samantalang si Nexon ay hawak pa rin ang kambal na kapwa excited nang pumunta sa simbahan.Naiwan kami ni Cassiopeia, naghihintay na dumating ang i
Aurora's Point of ViewAlam kong masaya ako, sobrang saya na wala nang paglagyan ng kaligayan sa puso ko. Pero hindi ko maiwasang hindi masaktan, hindi kabahan at hindi matakot.Sabi ni Elizabeth normal lamang daw ito sa babaeng ikakasal, na makaramdam ng pangamba at takot. Ngunit hindi ko magawang isipin na normal lamang iyon, dahil ang hirap ipaliwanag ng nararamdaman ko ngayon.Hindi ko alam kung gusto ko bang saglit na itigil ang oras para makahinga naman ako kahit paano, o pabilisin na lamang iyon para matapos na agad ito.Hindi ko alam kung ang kabang nararamdaman ko ay dala lamang ng ideyang ikakasal na ako, o baka kinakabahan ako dahil hindi pa kayang iproseso ng sistema ko na totoo na ang lahat ng ito?Ikakasal na ako. Sinong mag-aakala na magkakatotoo ang pangarap ko?"Ayos ka lang ba?"Ang malumanay na boses ni Cassiopeia ang pumukaw sa akin mula sa malalim na pag-iisip.Nilingon ko siya at nang magtagpo ang mga mata namin ay may kung ano sa puso ko ang agad na kumirot. An
Aurora's Point of View Pinagtapat sa akin ni Elizabeth ang totoong dahilan kung bakit si Cassiopeia ang kaniyang inirekomenda na kunin kong Maid of Honor sa kasal. Mayroong pamahiin ang mga Gazalin, tila isang sumpa na naipapasa sa bawat henerasyon ng kanilang pamilya. Ayon kay Elizabeth, ang lalaking Gazalin na ginawang best man sa kasal ay nakatakdang sumunod na maikakasal, makakatuluyan nito ang babaeng napili na maging Maid of Honor ng bride. Kaya naman, nang kunin ko si Cassiopeia na Maid of Honor, walang pag-aatubiling kinuha naman ni Alted si Zychi na kaniyang maging best man. Kahit paano, lihim na umaasa ang puso ko na sana totoo ang paniniwalang iyon. Baka sa pamamagitan nito, makatulong kami kay Cassiopeia. Baka dahil sa pamahiin, mayroon pang pag-asa na maging maayos ang lahat sa kanilang dalawa ni Zychi. Cassiopeia deserves to be happy. She deserves to be loved by someone she loves. Nakarating kami sa San Gabriel nang hindi ko namamalayan, unti-unting bumagal ang takb
Alted's Point of ViewI remember the scared Aurora, telling me that she's not Candice. That she's not my wife. That she didn't know me at all.I was so furious, almost at the edge of my emotion. Mas lalong lumiyab ang galit sa puso ko dahil sa pag-aakalang niloloko niya na naman ako.Hindi lang isang beses na tinakbuhan ako ni Candice. Hindi lang isang beses na sinubukan niya akong paikutin sa mga kasinungalingan niya't pagbabalat-kayo.I thought angrily to myself, how could she lie on my face?! From all her lame excuses, she resorted to this stupid plot against me?!Ano’ng akala niya? Maloloko niya ako ng ganoon kadali?I'm not a fool. I'd never be a fool again.But sad to say, I had been a fool again.Nang makita ko ang paunti-unting pagbabago ng nakilala kong Candice, hindi agad ako naniwala. Pinagpilitan ko pa rin sa sarili ko na imposibleng magbago ang kagaya niya.But how could she suddenly earn my daughters trust?How could she suddenly show immense kindness towards my children
Alted's Point of View I couldn't accept it. I was blinded with my anger. Maybe she's really an exceptional woman in this world, but my anger provoked me to blur the logic. "Si Señorita Elizabeth." Si Manang Osmet na sinulyapan si Liza na tulalang nakaupo sa sofa. Galing ako sa trabaho at hindi alam na bibisita si Liza sa mansyon. Madalas, nagsasabi siya sa akin kapag pupunta siya, kaya ngayon na nagpang-abot kami, nagtataka rin ako sa pagbisita niya. "Anong nangyari, Manang?" Malamig kong tanong. "S-sinampal niya si Candice kanina. Nakita kong nagtatalo sila, nang bigla niyang sampalin si Candice. Mabuti na lamang at tumakbo na lamang si Candice paalis. Mukhang nasaktan, ngunit nakapagtimpi naman." Mahina niyang sagot. Marahil dahil sa pagod at kagagaling ko pa lamang sa trabaho tapos iyon agad ang bumungad sa akin, mabilis na uminit ang ulo ko. Para akong nawalan ng kontrol. "What the f*ck? What did she do?" Nilingon ko si Liza na ngayon ay tumayo na mula sa sofa. Nilingon n
Elizabeth's Point of View"Thank you." I said to Gerald.Muling naghiyawan ang mga tao. Nagtawanan ang kalalakihan na siyang ikinakunot-noo ko, but I didn't feel offended. Naguguluhan lang ako sa kanila."Hoy, tumigil na kayo. Baka matakot si Liza, sa sunod hindi na siya magpakita sa atin." Saway ng isang dating kaklase.I guess her name was Eda?I couldn't remember clearly. But it sounds like that."Ililipat ko na lang sa ibang table si Liza, pinagkakaguluhan niyo agad. Baka maculture shock sa atin." Saad ni Juliet saka lumapit sa akin.Ngunit umiling ako.Nakakahiya kung ililipat niya pa ako ng ibang upuan."No, it's okay, Juliet. I will stay here na lang." I said.Siguro naman okay lang na makasalamuha ko sila? They're loud and nosy, but they're not a threat. They won't trigger anything inside me, I guess."Sigurado ka? May dadating pang iba. Baka maingayan ka lang sa kanila." Mahinang sabi ni Juliet sapat para ako lamang ang makarinig.Ngumiti ako sa kaniya at pilit na pinakitang
Elizabeth's Point of View As I drove down the road, i'm starting to feel agitated. Kinakabahan ako nang husto habang palapit na ang sasakyan sa pusod ng bayan. Why am I feeling nervous? this isn't the first time I attended a birthday party. May mga naging kaibigan din naman ako noong college at may mga pagkakataon na sumasama ako sa mga party. Those were just few instances but at least I tried to socialize. Wala naman pagkakaiba ang birthday na pupuntahan ko ngayon sa mga napuntahan ko noon, 'di ba? Well, the difference is that, this time the birthday party is probably composed of people I knew from San Gabriel. I sighed, feeling defeated from my own thoughts. Nang matanaw ko na ang mga pamilyar na establismento ay mas lalo lamang akong kinabahan. Nakita ko na ang ilan kong mga naging kaklase noong high school. Nakausap ko na ang ilan, kaya dapat hindi na big deal sa akin kung makikita ko silang lahat ngayong gabi. I parked my car at the parking lot of Hillside Bistro.
Elizabeth's Point of ViewSince Kuya Nexon was off to go to La Trinidad, I settled myself on the couch for the past six hours. Watching mystery and sci-fic movies on my television and just enjoying my own company.It was four in the afternoon when I received a call from Juliet.Noong una, nag-aalangan pa akong sagutin iyon dahil alam ko ang mga posibleng dahilan kung bakit siya tumatawag. But then, I remembered that I promised to catch up with them when I'm just free.Juliet is my classmate from high school. Maayos naman ang naging relasyon namin noon at wala akong maalala na may nagawa siyang matinding kasalanan sa akin, kaya nang hingin niya ang number ko ay ibinigay ko naman.Nagkita kami sa birthday party ng isa rin sa naging kaklase ko noong highschool. That's where and when she asked my number.So now, why am I hesitating again? It's just a simple call, it won't hurt."Hi." I said as I answered her call."Liza!" Masaya niyang bati mula sa kabilang linya.Kahit na hindi ko naman
Elizabeth's Point of View Every weekdays ay nasa bahay ako ni Kuya Alted para asikasuhin ang kasal nila ni Aurora, kapag weekend naman ay umuuwi ako sa San Gabriel para makapagpahinga at para asikasuhin naman ang ibang bagay. Since last week, nakauwi na si Kuya Nexon kaya may kasama na rin ako sa villa, pero madalas pa rin siyang wala dahil inaasikaso naman niya ang mga negosyo ni Papa. "Do you really need to go to La Trinidad, Kuya?" Tanong ko habang sumusunod sa kaniya papunta sa kusina. Kagigising niya lang at mukhang maghahanda ng almusal para sa kaniyang sarili. "Yes. Si Mama ang nagsuggest sa Mayor na kunin akong judge sa pageant. Nakakahiya na hindi ko sila sisiputin kung si Mama mismo ang nagsabi kay Mayor. Besides, I have to help them to look for the best town's muse. Malapit na rin kasi ang pyesta sa La Trinidad." Ngumisi siya sa akin. I wrinkled my nose in return. Palusot ka pa. Ang sabihin mo, gusto mo lang makakita ng magagandang babae. Pinaikot ko ang mga
Elizabeth's Point of ViewMy parents are product of successful arrange marriage.Dati pa man, parte na ng tradisyon ng mga mayayamang tao sa San Gabriel ang ipagkasundo ang kanilang mga anak o apo sa ibang pamilya na may maayos na pinagmulan. Rich families marry rich families in order to continue the generational wealth they want to protect and pass down.Wala akong problema sa bagay na iyon dahil simula pagkabata, namulat na ako sa ganoong tradisyon. At isa pa, kung hindi ipinagkasundo si Mama at si Papa, hindi sana kami mabubuo ni Kuya Nexon.I smiled bitterly to myself.Everytime I think about my parents love story, I felt fascinated before. Now, I felt like... uncomfortable.Paano kung sila lamang ang exception sa maayos at matagumpay na arrange marriage? Paano kung hindi lahat ng ipinagkakasundo ay nagkakasundo?I didn't intend to think about Cassy and Zychi, but suddenly their image came in to my mind. Dahan-dahan naman akong umiling para makalimutan sila."I don't want to marry
Elizabeth's Point of ViewNang malaman ko na pakakasal na si Kuya Alted at Aurora, totoong naging masaya ako. Gusto kong maikasal si Kuya Alted sa babaeng kagaya ni Aurora— mabait, may mabuting puso, at mapagpatawad.Yes, she can easily forgive.Which feels unsettling to me. But I couldn't say it loud.Siguro hindi lang ako sanay na ganoon kadali magpatawad ang tao.How could she forgive Kuya Alted so fast? I mean, when I learned about Kuya Alted trying to find Aurora, I didn't tell him that she's living with me.Kahit na magpinsan kami at mahal ko siya, hindi ko nagustuhan na pinagtabuyan niya si Aurora nang ganoon lang kadali dahil sa pride niya. Alam ko na nahirapan siyang tanggapin ang katotohanan, lalo na kung bulag siya sa bagay na iyon, pero hindi ko kayang kalimutan na lang ang mga sakripisyo ni Aurora para sa kanila— para sa kaniya at sa mga bata.Pero sa kabila ng kabutihan at sakripisyo ni Aurora, walang puso niyang pinagtabuyan ang babae na animo’y hindi niya pagsisisihan
Elizabeth's Point of ViewSiguro dahil na rin sa kahihiyan kaya hindi ko na ginustong bumalik sa baba. Pansamantala na lang muna akong nagkulong sa kuwarto hanggang sa pakiramdam ko’y tapos na silang mag-almusal sa baba. Hindi ko na kayang bumalik at magkunwari na parang hindi ko sila tinakbuhan paalis.Now, I all want is to be at the comfort of my bed. Gusto ko nang umuwi, magpahinga at matulog. Gusto ko nang bigyaan ng kapayapaan ang sarili ko, pero hindi ko rin kayang umalis na lang nang hindi nagpapaalam ng maayos kay Nicole.Argh! This is all my fault anyway.Dahil sa gulat ay napatalon nang marinig ang sunod-sunod na katok mula sa pinto."Liza?" Ang pamilyar na boses ni Cassy ang tumawag mula sa labas.Now I don't know if that's a relief.Hindi ko gustong humarap sa kaninuman, pero mas mabuti na rin na si Cassy ang kumatok at hindi si Nicole o Zychi. Mas lalong hindi si Primo.Binuksan ko ang pinto at sinilip siya, nang makita na mag-isa lang siya at walang ibang kasama ay tinit
Elizabeth's Point of View Nang mag-umaga, iritang-irita ako kay Nicole at Zychi. They're sending me weird looks like they always did when they want to say something, but couldn't. And in exchange for that, I give them the worst death glares I could muster, so they will understand that I don't appreciate them glancing at me like that. Effected naman iyon kahit paano dahil nag-iiwas sila ng tingin pero maya't maya ay ibabalik na naman ang tingin sa akin. Nakakairita. Sa hapag-kainan ay tahimik kaming lahat. Magkatabing nakaupo si Nicole at Zychie at kami naman ni Cassy ang magkatabi. Sa harap ko ay si Nicole, at katapat naman ni Cassy ang kaniyang fiancé. Nang hindi na makayanan ang ginagawa nila, ibinaba ko ang kubyertos sa pinggan at tinitigan silang mag-pinsan. Tumingin din sila sa akin, ngayon ay biglang naging tensyunado si Nicole. "What's wrong? Ayaw mo nang kumain? O gusto mo ng ibang—" "Ano ba’ng problema niyo?" Putol ko sa kaniya. Her eyes widened a fraction,
Elizabeth'sI didn't wait for Primo to come back. I know myself better than wait for him.Muli kong binuksan ang shower at mabilis na nilinis ang katawan bago naglakad pabalik sa cottage.I was dripping wet, but I don't give a d*mn. Tulog na rin naman ang mga kasama ko kaya walang magrereklamo kung umakyat ako sa cottage nang basang-basa.Bago makaakyat sa hagdan ay naalala ko ang tuwalyang naiwan sa may dalampasigan. Binalikan ko ng tingin ang parte kung saan ko iniwan ang tuwalya, nang maispatan iyon ay dali-dali akong naglakad pabalik doon para kunin iyon.May mga buhangin na kumapit sa tuwalya kaya kailangan muna iyong ipagpag.Umihip ang malamig na nahangin. Nanginig naman ang katawan ko nang hinaplos nito ang balat ko. It was eerily weird to be out here at this hour.Siguro nga ay nababaliw na ako para isipin na lumangoy sa dagat nang ganitong oras. Pero kung hindi nangialam si Primo ay baka saglit lang din naman akong lumangoy at bumalik din agad sa cottage.I just want to clea