Sapat na muna ang paisa-isang problema. Ayaw niyang dagdagan pa iyon ng iba pa. Kung hindi niya pa nalaman ang plano ni Darwin na magpa-press conference ay baka nagulat nalang din siya na umaatake pala ang lalaki. Naisip na niya agad kung ano ang gagawin ni Darwin para makatakas sa gusot. And I was definitely right. Sa huli, ilalaglag niya si Mr. Agripino para makatakas sa lahat ng kalokohan niya. Kaya naman pinahanap niya kahapon ang lalaki. Mahirap matagpuan si Mr. Agripino dahil sa nagtatago ito sa Samar. Talagang pinapunta pa ni Darwin si Mr. Agripino sa probinsya para makasigurado na malayo ito sa syudad sa oras na magpa-press conference siya. May utak, pero hindi naman matalino. Nag-iisip pero hindi nga lang epektibo. Kaya nang gabing iyon, sakay ng kaniyang pribadong eroplano, lumipad sila para kausapin si Mr. Agripino. Kasama niya si Blue, hindi niya sinabi sa kaniyang mga kapatid ang kaniyang pagsugod sa matandang hukluban dahil baka pigilan lamang siya. Naabutan niya p
Mas lalo lamang na pinag-initan ng mga tao ang pamilyang Espejo dahil sa naganap na pagkakaaresto kay Darwin Espejo. Wala nang ihaharap na mukha si Arsen sa publiko, at ang kanilang pamilya, tuluyan na silang malulugmok sa kahirapan dahil sa nangyari.Hapon nang umuwi si Alvi para tingnan ang kalagayan ni Arsen. Kaninang umaga pa ito hindi lumalabas sa kuwarto at ayaw na kumain. Kung hindi pa sa kaniya tumawag ang mga katulong ay hindi niya malalaman na nagkukulong lang sa kuwarto si Arsen.Nakasubaybay ang babae kanina sa live conference ng kapatid kaya nakita niya ang pagkaaresto nito at ang pagkakagulo ng mga tao sa conference hall.Malaki pa naman ang tiwala niya na maiaahon na sila ni Darwin sa isyu na kinakaharap nila, ngunit ngayon ay mas lalo lamang itong lumala. Buong Pilipinas na ang nakikialam sa kanilang problema at ang lahat ng mga tao ay hinuhusgahan na sila.Wala nang pag-asa. Ang Mommy niya ay nasa ospital pa dahil inatake ito sa puso pagkatapos malaman na halos lahat
But life’s too ironic. Noong wala naman siyang pera, hinahamak naman siya ng mga tao. Binababa ang kaniyang dignidad, pinagtatawanan, inaalipusta, at kulang nalang ay gawin siyang alipin— hindi, naging alipin nga pala siya ng pamilya ni Silvestre, dahil akala nila’y galing lamang siya sa pobreng pamilya. Kapag mayaman ka, umaabuso ka. Kapag naman mahirap ka, inaabuso ka. Sadyang iyon talaga ang katotohanan ng buhay, hindi para sa lahat ang maayos at masayang pamilya. Bumukas ang pinto. Akala niya ay si Blue ang pumasok, ngunit kumunot lamang ang kaniyang noo nang makita si Silvestre. Dahan-dahan siyang umayos ng upo. Pinagtaasan niya ng kilay ang lalaki habang naglalakad ito palapit. Walang kasamang iba ang lalaki, mukhang wala rin sa labas si Blue kaya hindi napigilan si Silvestre na pumasok. “What brought you here Mr. Galwynn?” Malamig niyang tanong sa lalaki. May kutob siyang dahil iyon sa pagkakaaresto ni Drawin kaninang umagau kaya ngayon ay sumugod sa kaniyang harap si Silv
May kakaibang emosyon sa puso ni Silvestre. Hindi niya gusto na mabigat ang kaniyang loob kahit na alam naman niyang hindi dapat siya nagpapaapekto kay Aeverie Cuesta.The f*ck is wrong with me? Iritado niyang tanong sa sarili nang mapansin na hanggang sa makauwi siya ng bahay ay hindi pa rin nawawala ang galit sa kaniyang puso.Hindi ba’t mas magiging maayos na ang lahat lalo pa ngayon na napawalang-bisa ang kanilang kasal? Hindi ba’t nasulusyunan na ang problema sa kanilang divorce? Tama naman si Aeverie, hindi n nila kailangan na magfile ng divorce dahil simula’t sapul hindi naman sila talagang ikinasal. Peke iyon, at walang basehan.Ngunit bakit ganito ang kaniyang nararamdaman? Kanina lamang ay galit na galit siya dahil ipinadala ni Aeverie ang dukumentong magpapatunay na walang basehan ang kanilang kasal sa opisina ng kaniyang abuelo.Nagpapagaling pa ngayon sa ospital ang matanda, baka matagalan na bago iyon makita ni Abuelo kaya siya na mismo ang kumuha no’n para tingnan kung
Bakas sa mukha ni Arsen ang gulat dahil sa pagsagot nito. Ang lakas ng loob nitong magsalita ng ganoon sa kaniyang harap! “You!” Dahil sa pagkapahiya at pagkainsulto, nakahanap siya ng lakas para bumangon. “Ang kapal—” “Kung gusto mong magsumbong Miss Espejo, bakit hindi ka pumasok at gawin mo na ngayon.” Pinutol siya agad ni Manang Petrina. “Kung mahihikayat mo ang Señorito na alisin ako sa trabaho, magpapasalamat pa ako sa iyo. Matagal ko na gustong magretiro sa trabaho, hindi lamang ako makahanap ng magandang dahilan para paalisin nila ako. Sige, Miss Espejo, sabihin mo kay Silvestre ang gusto mong sabihin nang malaman natin kung hanggang saan mo kayang impluwensyahan ang desisyon ni Silvestre. Hindi ako natatakot, at walang ako dapat katakutan.” Matapang nitong sabi. Nagtagis ang bagang ni Arsen. Gusto na lamang niyang sampalin ang mukha ng matandang si Petrina para matahimik na ito, pero hindi na niya gustong mag-aksaya ng panahon at lakas sa pakikipagbangayan sa babae kaya
Hindi na maipinta ang mukha ni Manang Petrina. Akala niya ay matitiis na talaga ni Silvestre ang babaeng ito. Nagkamali pala siya.Bakit hindi makita ni Silvestre na isa lamang itong bitag ni Arsen para kaawaan ng lalaki?Napakat*nga ng kaniyang alaga. Akala pa naman niya’y nakapag-isip na ito ng mabuti at sa wakas ay sumapi na ang magandang espiritu sa katawan nito.Napailing siya, ipinakita niya kay Silvestre ang kaniyang pagkadismaya.Lumapit ang isang katulong, nagdala ng payong para kay Silvestre. Tinanggap naman iyon ng lalaki. Nang maglakad palapit si Silvestre sa pinto, humakbang na rin si Manang Petrina.“Kung lalabas ka para kausapin si Miss Espejo, isipin mo ng mabuti ang mga bibitiwan mong salita. Huwag kang mangangako sakaling madala ka ng awa.”Tumigil lamang saglit si Silvestre, ngunit hindi sa kaniya lumingon. Muli itong naglakad palabas ng mansyon nang matapos siyang magsalita.Huminga naman ng malalim si Manang Petrina at sinundan ng tingin ang lalaki.Sa labas ay ni
“The Cuestas were too much! H-hindi, hindi namin kayang labanan sila, Silver. Please, please, help us. My family is going bankrupt, and if my brother becomes a prisoner, our family will fall apart! Please…”Nanginginig na siya sa takot na baka tanggihan pa rin siya ni Silvestre. They’re already at the bottom. Wala nang ibang tutulong pa sa kanila kung hindi ang mga Galwynn na lamang.Kahit paano, may laban ang mga Galwynn sa mga Cuesta, kaya kung tutulungan siya ni Silvestre ay baka maipanalo pa nila ang kaso ni Darwin.Ngunit sa puso ni Silvestre, desidido siyang turuan ng leksyon si Darwin. Ang kapatid ni Arsen ang nagdala ng problemang ito sa kanilang pamilya. Kaya labas siya sa problemang iyon.Hindi niya maitatanggi na mahal niya si Arsen at kaya niyang gawin ang lahat para sa minamahal niyang babae… ngunit hindi lamang ang e-tolerate ang mga maling gawain ng pamilya nito.Lahat ng kaniyang pangako kay Arsen ay tinutupad niya, maging ang pangako niyang pakakasalan ito pagkatapos
“Akala ko ba ay mahihikayat mo si Silver na tulungan tayo?” Frustrated nitong tanong. “Ano pa bang silbi mo sa pamilyang ‘to, Arsen? Hindi ba’t fiancé mo naman na si Silver? Bakit wala siyang magawa para tulungan ka, ha? Hindi ka ba niya mahal? Hindi niya ba kayang sumunod sa gusto mo at magsakripisyo para sa iyo?” Hindi siya nakasagot. Itinanong niya rin iyon kay Silver kanina, kung mahal pa ba siya nito. Ngayon ay ang kaniyang Daddy naman ang nagtatanong sa kaniya tungkol sa nararamdaman ni Silver para sa kaniya. Hindi niya masagot. Hindi niya alam ang sasabihin. “Ano pang silbi mo? Ano pang dahilan na naging anak kita?” Puno ng pagkadismaya ang tono ng boses ng kaniyang ama. Parang daan-daang kutsilyo ang ibinabaon sa dibdib ni Arsen. Hindi na normal ang kaniyang paghinga dahil sa pinaghalong galit at sakit. Noon pa man, talagang paboritong anak na ni Alvi si Darwin. Hindi siya kailanman naging importante sa kaniyang Daddy, nagiging mahalaga lamang siya kapag may bagay siyang
“Let’s forget it, Lucinda.” Hinawakan ni Cassandra ang braso ni Lucinda para hilahin ito paalis.Tila nagmamadali at gusto nang makawala sa eksena ang dalawang kaibigan ng babae. Nagtaas naman ng kilay si Aeverie nang makita ang reaksyon ng dalawa.“But I’m not done yet—”“Pinagtitinginan na tayo ng mga tao, Lucy. Nahanap na rin naman ang necklace, let’s go. Let’s not make a scene here.”Wala nang nagawa si Lucinda, ipinasok niya sa kaniyang Hermes bag ang sirang alahas at tuluyang nagpahila kay Cassandra at sa Australian model.“Wait a minute, Miss Galwynn.” Malamig na tawag ni Aeverie sa babae, hindi hinayaan na makaalis ito.Humarang si Blue at ang ilang empleyado, para hindi tuluyang makaalis si Lucinda at ang mga kasama nito na halatang aligaga at tila pinapaso.“What else do you need?” Galit na tanong ng Australian model.“What else could it be?” Matalim na tanong pabalik ni Aeverie sa babae.“Just now, you have verbally humiliated our hotel employees in front of so many guests.
Hindi niya man gustong aminin, pero napansin niyang matalino si Aeverie sa pamamahala sa ganitong sitwasyon. She handled the incident decisively. She was calm and resourceful, domineering but graceful, and very much like a manager who’s ready for anything. Kumento ng isip ni Silvestre. Hindi na siya ang dati niyang asawa na palaging nakakulong sa isang maliit at masikip na lugar, mapagpatawad, at sunud-sunuran, mahiyain at takot na humarap sa mga tao. How could she have two different personalities all at the same time? Mapait na tanong ni Silvestre sa kaniyang sarili. “Okay, you said it, you will kneel down in front of me and ask an apology once na mapatunayan kong magnanakaw ang mga empleyado mo!” Nagtatagis ang bagang na sabi ni Lucinda. “I am the manager of the hotel and I should be responsible for my guests. Kung may nagawang mali ang isa sa mga empleyado ko, ako ang hihingi ng tawad at didipensa.” Sagot ni Aeverie saka ngumiti ngunit walang emosyon ang mga mata. “I found th
Nang mga oras na iyon, kapapasok lang ni Silvestre at Gino sa lobby.Nang makita ni Silvestre si Aeverie hindi niya maunawaan ang kaniyang nararamdaman. Bigla nalang bumilis ang tibok ng kaniyang puso, lalo pa nang makitang naglakad ito palapit sa mga nagkakagulong tao.Hindi niya maalis ang tingin kay Aeverie, namamangha siya sa ganda nito. Tila nakalimutan na niyang kumurap dahil sa pagsunod ng tingin sa babae.“Grabe. Ang hirap paniwalaan na ganiyan pala talaga kaganda si Avi.” Naiiling na sabi ni Gino sa kaniyang tabi na sinusundan din ng tingin ang babae.“Wait. Isn't that Miss Lucinda Galwynn?” Napansin ni Gino si Lucinda kasama ang dalawang babae.“Manager?” Narinig nilang singhap ni Lucinda.“Oh, you are now a manager, Avi? That’s good for you.” Puno ng sarkasmong turan ni Lucinda at hinagod ng tingin si Aeverie.“I’m actually much more better than before.” Nagtaas ng kilay si Aeverie at sinukat din ng tingin ang babaeng Galwynn.“At least now, I could feel that I’m living in
Ang huling gumamit sa kanilang presidential suite ay si CK noong nakaraang dalawang taon. Nabalitaan niyang doon ginanap ang intimate birthday celebration nito. Sa bagay, sa sobrang yaman ng mga Huo ay hindi sila magdadalawang-isip na magwaldas ng daan-daang libong piso para sa isang kuwarto. “Hindi si CK.” Bigla’y sagot ni Blue. “Sino?” “Si Miss Cassandra Recto. She’s a daughter of a former ambassador in Kuwait. Kasama niya kagabi si Lucinda Galwynn at ang isa pang foreigner na babae.” Tumaas agad ang kilay ni Aeverie nang marinig ang pangalan ni Lucinda. “Really? Why would they check into such a big room?” “They’re having a party in the room last night. Fortunately, our hotel has good sound insulation, kaya hindi naging problema kagabi ang ingay nilang tatlo. I reviewed the CCTV this morning, nakita kong may pumasok na dalawang lalaki sa loob ng presidential suite nang bandang hatinggabi. Mga mukhang modelo. Nakakapagtaka lang na hatinggabi na sila pumunta at madaling araw pa
Ilang araw ang lumipas, mas lalong naging magagalitin si Silvestre at nawalan ng gana sa lahat ng bagay.Hindi niya ma-contact si Avi, o si Rafael Cuesta. Medyo frustrated na siya dahil sa maya’t mayang pagtawag ng kaniyang Abuelo at pangungulit nitong hanapin si Avi at iharap dito. Malapit nang mag-otsenta si Lucio Galwynn at mas lalo siyang nahihirapan na hindian ito, lalo pa’t alam niyang makikipag-away lamang sa kaniya ang matanda.“How about we report this to the police?” Wala sa sariling suhestyon ni Gino sa kaniya.“And why would we do that?” Sarkastiko niyang tanong sa sekretaryo.“Because, ah, legally she’s still your wife, since you haven't completed the divorce procedure yet, but her family is hiding her away from you? Maybe the police could help us with that.”“What?” Mas lalong nagsalubong ang kilay ni Silvestre.“That’s the best idea you could come up with?” Matalim niyang tiningnan ang lalaki.“E, ano pa ba ang gagawin natin, Sir? Hindi natin mahanap si Avi, or Aeverie,
Nang sumunod na gabi, hindi inaasahan ni Aeverie na makikita niya si Rafael at Uriel pagkauwi niya galing sa trabaho. Kapwa madilim ang mukha ng dalawang kapatid nang maabutan niya sa sala. “Kuya Rafael? Kailan ka pa?” Nagtataka niyang tanong nang makabawi sa pagkabigla. Akala niya ay bukas pa ito ng umaga dadating. Tumayo si Rafael at hinintay siyang makalapit. Medyo nagdalawang-isip pa siya, pero lumapit pa rin at hinalikan ang pisngi nito. “How’s your business trip?” Tanong niya, pilit pinapagaan ang mabigat na atmospera sa sala. “I learned about what happened at the auction from Mom.” Ani Rafael sa seryosong tinig. Bumaba ang tingin ni Rafael at Uriel sa nakabenda niya pa rin na kamay. Nagtagis ang bagang ng panganay nilang kapatid. Nagtagal ang tingin ni Rafael sa kaniyang kamay na pilit naman niyang itinago. Naisip agad ni Rafael na hindi sana magkakaganito si Aeve kung hindi niya hiniling na ito ang pumunta sa auction para sa kaniya. Hindi sana ito nasaktan. “How is your
Nagawang pakalmahin ni Silvestre si Amanda sa pamamagitan ng pagsabing maaari pa naman bumisita si Avi sa kanilang tahanan.Inalalayan niya pabalik si Amanda sa mansyon, ngunit tumigil din siya sa paglalakad nang makatanggap siya ng tawag mula sa isang numero. Nang makita niya ang naka-register na pangalan ay nagbuntong-hininga na lamang siya.Anong oras na? Bakit gising pa si Abuelo? Tanong niya sa sarili.Natanaw niya si Manang Petrina na puno ng pag-aalala ang mukha habang naghihintay sa may hagdan.“Nanang, dalhin niyo sa kuwarto si Amanda. Marumi na rin ang damit niya dahil sa dalang stuffed toy. Help her.”“S-sige, Silver.”Hinawakan ni Manang Petrina ang braso ni Amanda para dalhin ito sa taas. Samantalang sinagot naman ni Silvestre ang tawag ng kaniyang Abuelo.“Abue—”“Why I can’t contact Avi again? What did you do to her?” Galit nitong tanong, hindi na siya pinatapos.Habang tumatanda si Lucio Galwynn, bumabalik naman ito sa pagkabata. Madalas na itong magtantrums, dahilan p
Hindi na hinintay ni Amanda na tulungan siya ng mga katulong na kunin ang malaking teddy bear na itinapon ni Lucinda. Dali-dali siyang lumayo kay Manang Petrina at tumakbo palabas ng mansyon para kunin sa likod ang nahulog na stuffed toy. Mabilis na sumunod si Manang Petrina, natatakot na baka nasa labas si Lucinda at makita na naman nito si Amanda. Ngunit pagkababa sa hagdan, nakita niyang nasa may pinto si Silvestre, sinusundan ng tingin ang tumatakbong si Amanda. “What happened, Nanang?” Tanong ni Silvestre, nakakunot ang noo. Napalunok siya. Alam niyang kapag magsumbong siya kay Silvestre sa nangyari ay magagalit ito ng husto kay Lucinda, malaking gulo na naman. Alam pa naman niya na mas malapit si Amanda kay Silvestre kumpara sa ibang anak ni Fatima. “Ah, si Anda…” hindi niya alam kung paano ipapaliwanag. “Bakit tumatakbo si Amanda? Saan pupunta ‘yong bata?” Tanong nito. “Kukunin ‘yong stuffed toy na nahulog.” Tanging nasagot ni Manang Petrina. Mas lalong nagsalubo
Samantalang sa mansyon ng mga Galwynn, mas lalong pinag-initan ni Lucinda ang kaniyang kapatid dahil sa pagtatanggol nito kay Avi. Nasa ospital pa rin si Fatima kasama si Arsen at Arabella, si Bernard ay may business trip, si Silvestre ay nasa labas pa kaya si Lucinda at Amanda lamang ang nasa bahay. Tahimik na sinusuklay ni Amanda ang kaniyang buhok, matutulog na dapat siya nang marinig ang katok mula sa kaniyang pinto. Kumunot ang kaniyang noo. Madalas ang mga katulong lamang ang bumibisita sa kaniyang kuwarto, minsan ay para dalhan siya ng mainit na gatas. Baka si Manang Petrina. Tumayo siya at dahan-dahan lumapit sa pinto. Binuksan niya iyon ng may ngiti sa kaniyang labi, pero agad iyon naglaho nang makita si Lucinda. “Ate—” “You little b*tch! Have you been bribed by that promdi girl? Are you someone she sent to spy on us?!” Naamoy ni Amanda ang alak sa hininga ni Lucinda. Napaatras siya, agad na kinabahan. “Kagayang-kagaya ka ni Avi! Kunwari ay isang santa pero m