Gusto niyang ngumiti ngunit naging hilaw iyon. Pinagmasdan niya ang mukha ng kaniyang ina at ni Larissa, walang inggit o paninibugho… tila alam nilang kailangan nilang makihati sa katawan at pagmamahal ni David Cuesta. Mapait siyang ngumiti, sumikip ang kaniyang dibdib at napaiwas ng tingin. Noon ay palagi niyang isinusumpa ang kaniyang ama dahil sa pagiging babaero nito. Ilang taon niyang kinimkim ang galit at paninibugho. Bakit ganoon? Bakit ang daming babae na nakapaligid sa kaniyang ama? Bakit ang dami nitong asawa? Hindi ba sapat ang isang babae lang? Hindi ba sila naging sapat na kailangan pa nitong pakasalan si Larissa? Ang Cuesta La Palacio ay malaking tahanan noon para sa tatlong pamilya na binubuhay nito. Doon sila lumaki nina Rafael, Uriel, at Sage. Sabay-sabay silang namulat sa magulong relasyon ng kanilang mga magulang. Nang maunawaan na niya kung gaano kagulo ang kanilang pamilya, nagsimula na siyang mamuhi kay David… at sa mga babae nito. Dahilan para ipangako ni
“How are you, Aeverie?” Naupo ang kaniyang ina sa kaniyang tabi. Pangatlong champagne na niya ito, pero hindi pa naman gaanong umeepekto ang alak sa kaniyang katawan. “I’m fine, Mom. Akala ko nasa Iloilo pa kayo?” “We came from Iloilo, Aeve. Magkasama kami ni Larissa sa Iloilo, and we were planning to travel abroad next week. Pumayag naman ang Daddy mo kaya baka sa Canada na muna kami para makapagbakasyon.” “Kayo ni Tita Larissa?” “Yes.” Matipid na ngumiti ang babae. Napasimsim siya sa kaniyang inumin. Tumango siya at hinanap ng kaniyang mga mata si Larissa. May kausap itong mga bisita. “How’d you been, Mom?” Bumaling siya ng tingin sa ina. Kahit pa tumatanda na ito’y napakaganda pa rin tingnan. Maamo pa rin ang mukha at tila hindi kakikitaan ng kapintasan ang hitsura nito. Marami ang nagsasabi na kamukhang-kamukha niya si Maredith. Namana niya ang maamo nitong mga mata, ang manipis at hugis puso na mga labi, ang makapal na kilay, at ang maganda nitong buhok. Dati ay natutuwa
Kagaya ng gustong mangyari ni Aeverie, sumunod si Blue sa iniuutos nito. Siya ang sumalubong kayna Silvestre at sa sekretaryo nitong si Gino. “Good morning, Mr. Galwynn.” Pormal niyang bati. “This is the way to Miss Cuesta's office.” Aniya. Nang makita ni Gino na igigiya na sila sa wakas sa opisina ni Aeverie Cuesta ay agad na gumuhit ang ngiti sa kaniyang labi. Ilang araw na silang nagpapabalik-balik ngunit palagi na lamang silang tinatanggihan at binabaliwala ng receptionist. Mabuti na lamang at natauhan na si Aeverie at tinanggap na sila. Hindi biro ang pagiging pursigido ni Silvestre para lang makausap ito, kaya dapat lang na pakiharapan ang kaniyang amo. Pumasok sila sa elevator. Pinindot ni Blue and ninth floor, nasulyapan iyon ni Gino kaya kumunot ang kaniyang noo. Ngunit hindi siya nagtanong, naisip niyang baka may kukunin lang ito sa palapag na iyon kaya iyon ang pinindot ng lalaki. Inayos ni Silvestre ang kaniyang kurbata habang pinagmamasdan ang sarili sa reple
Madalas ni Aeverie paglaruan ang ballpen kapag nakakaramdam siya ng tensyon. Ngayon ay hindi niya mapigilan ang sarili, paulit-ulit niyang pinipindot ang ulo ng ballpen na naglilikha ng mahinang tunog. “D*mn.” Napapaos niyang saad. Ilang taon niyang inilihim ang totoong pagkatao kay Silvestre. Itinago niya ang totoong Aeverie sa pagkakakilanlan ni Avi Mendoza. Ilang taon siyang naging masunurin, mabait at pusong-mamon na Avi. Ano ngayon? Ano ngayon kung isipin ni Silvestre na dahil sa pakikipaghiwalay nito kaya niya pinag-iinitan ang negosyo’t pamilya ni Arsen? Hindi ba siya maaaring maging professional na tao? Hindi ba’t pagkakataon na rin ito para patunayan niya sa kaniyang sarili na hindi siya ang mahinang Avi? Nakalibing na si Avi, kinalimutan na niya ang pagkataong iyon. Aeverie’s back. She’s fearless. She’s fierce. She doesn't hold back. Tumayo siya. Inilapag niya sa mesa ang ballpen at huminga ng malalim. Alam niyang gusto lang siyang protektahan ni Rafael, na
“Rafael Cuesta.” Bati ni Silvestre nang makita niya ang lalaki.Nakatayo ito sa may pinto at nakakunot-noo. Nakita niya ang paggalaw ng panga nito bago unti-unting linuwagan ang pagkakabukas ng pinto.Senyales iyon na gusto siya nitong papasukin sa opisina. Humakbang siya at pumasok kagaya ng gusto nitong mangyari, ngunit napatigil din siya agad nang makita ang babaeng nakatayo malapit sa may sofa.Nakasuot ng puting blazer, puting skirt, at itim na top si Avi. Nakacorporate attire ito ngunit napakaseksi pa rin tingnan lalo pa’t hapit na hapit sa hubog ng katawan nito ang puting skirt at itim na tube top na suot.Kumunot ang kaniyang noo. Bakit niya ba pinupuna ang suot nito?Malamig na tumingin sa kaniya si Avi at iminuwestra nito ang mahabang sofa.“Have a sit, Mr. Galwynn.” Anyaya nito.Si Gino na nasa kaniyang likod ay nanigas din sa kinatatayuan nang makita nito ang babae. Halata ang pagguhit ng gulat sa mukha nito.“Avi.” Mahina nitong sabi.Inayos niya ang suot na coat at nagla
Para iyong sampal sa mukha ni Silvestre. Umigting ang kaniyang panga at ramdam niya ang dahan-dahan na pag-ahon ng matinding galit sa kaniyang dibdib. Mayaman ang mga Cuesta, at kung totoo na isang Cuesta si Aeverie, kayang-kaya nitong tapatan ang halaga na kaniyang babangitin. Hinagod niya ng tingin ang babae. Kapansin-pansin ang malaking pagkakaiba ni Aeverie at ni Avi, nang dati niyang asawa. Si Avi, hindi ito magmamataas o magyayabang sa kaniyang harap. Hindi kailanman sumagot si Avi sa kaniya. Hindi siya ipinahiya sa kahit na anong pagkakataon. Sarkastiko siyang ngumiti sa kaniyang sarili. Bakit niya ikukumpara ang ugali ng Avi at ni Aeverie? Ngayon pa lang ay dapat maunawaan na niya na isang huwad si Avi. Isang pekeng pagkatao. “If you’re a Cuesta,” Aniya. “I know what you can offer, but I’d refuse to receive anything from you. Narito ako para makipagkasundo at makipag-ayos, nang matuldukan na ang problema. I’m one of the new stockholder of MHFS, kaya may karapatan akong ma
Hindi na alam ni Darwin Espejo ang pwede pang gawin para malinis ang kaniyang pangalan sa publiko. Dahil sa balita ay inatake pa sa puso ang kaniyang Mommy, kaya ngayon ay nakaadmit ito sa ospital at tinitingnan pa ng mga doktor.Ilang araw na simula nang lumabas ang issue, pero pinagpyepyestahan pa rin sila ng mga tao.“Anong sabi ni Silvestre?” Lumapit siya kay Arsen para malaman kung nakausap na ba ni Silvestre ang general manager ng Arc Hotel.Umiling ang babae.“Hindi pa rin siya sumasagot sa tawag ko. Ang sabi ni Tita Fatima, pumunta ulit si Silver sa hotel pero hindi pa bumabalik simula kaninang umaga.” Mahinang sagot ni Arsen.Kagaya niya, apektado rin si Arsen. Kilala at sikat na personalidad ang kaniyang kapatid kaya mas lalong naiintriga ang mga taga-media sa nangyayari sa kanilang buhay.“Kung hindi tayo matutulungan ng fiancé mo, mukhang kailangan na ako na mismo ang gumawa ng paraan. Marami na sa mga empleyado ko ang nagpasa ng resignation letter dahil natatakot sa mga C
Lingid sa kaniyang kaalaman, nasa underground parking lot ng hotel si Aeverie at prenteng nakaupo sa sasakyan nito habang pinapanood ang presscon ng live sa cellphone nito. Nakaangat bahagya ang mapula nitong labi habang pinagmamasdan ang reaksyon ng lalaki.Walang kaalam-alam si Darwin na ang nagtatanong na reporter ay tauhan ni Aeverie. Pinili niya ang pinakamagaling sa industriya para sabunin ang lalaki pagdating sa presscon nito.“Poor, Darwin.” Napailing siya. “Simula nang maluklok siya sa president office ng kompanya, wala na siyang ibang naisip kung hindi ang lustayin na lamang ang perang hindi sa kaniya. Sa kagustuhan na umangat mula sa laylayan, kahit sa maduming paraan ay kumakapit siya.”Uminom siya sa coke na nasa lata bago napangiti.“Look at his face, the pressure is visible. Kung hindi sana siya naging gahaman, baka nalusutan niya pa ang problema ngayon. St*p*d of him to think that he can spend the company's money. Masyadong mukhang pera, lahat gagawin para lang maisaha
“Aeverie.” Sinundan siya ni Maredith nang pumasok siya sa bahay. Malakas ang tibok ng kaniyang puso at hindi maitago ang matinding pagkayamot sa ekspresyon ng kaniyang mukha. Sumunod si David sa kanilang mag-ina. “Hindi namin napag-usapan ang tungkol sa arrange marriage kagaya ng iniisip mo, Aeverie.” Matigas na saad ni David. “I just want you to know CK Huo better. As a future president of the AMC Group, you have to learn how to expand your knowledge, influence and power in this field. You need great alliance with powerful and influential people.” Tumigil sila sa salas. Hinarap niya muli ang kaniyang ama at sarkastikong nginitian ito. “We were able to stand on our own for the past decades! AMC Group and Hou Group are two different group of company. Magkaiba sila, malakas pareho pero malaki ang pagkakaiba sa larangan ng tinatahak na negosyo! You cannot f**l me now, why don't you just tell me directly that you’re trying to merge the two companies by setting us up with each other!”
“CK,” mabilis siyang lumakad nang dumiretso ang lalaki malapit sa swimming pool.“What the h*ck is going on right now? Is there something you need to tell me?”Nang sapat na ang kanilang distansya sa kanilang mga magulang, tumigil si CK at humarap sa kaniya. Sanay siya na palaging may pang-aasar sa ekspresyon ng mukha nito. Ngunit seryoso masyado ang mukha ngayon ng binata.Bahagya siyang natigilan at mas lalo pang kinabahan.“I think, it's you who has to tell me something.” Malamig nitong sabi.“Alam ba ni Silver na isa kang Cuesta?”Saglit siyang nawalan ng sasabihin nang mabanggit nito si Silvestre. She straightened her back.“Alam na niya, but I think Silvestre has nothing to do with us now. What’s really going on?” Nakakunot noo niyang tanong.Huminga ng malalim si CK at nag-iwas ng tingin. Tila bigo ito.“You lied about your identity. You weren't Avi Mendoza. Your parents weren't dead. You’re hardly a poor woman. Avi’s personality and identity were far from your real one.” Bigo
Maybe the guilt was too strong. Naisip ni Aeverie ang kaniyang mga kasalanan na maaaring naging dahilan kung bakit pinapatawag siya bigla ni David at gustong makipaghapunan ng eksklusibo sa kanilang mag-ina. Sinalubong siya ni Pablo, ang sekretaryo ni David Cuesta, na naging malapit din sa kaniya noong kabataan niya. Sa parking lot ay natanaw niya si Pablo na matuwid na nakatayo at tila naghihintay sa kaniyang pagdating. “Good evening, Young Lady.” Bati nito nang bumaba siya sa sasakyan. “Good evening, Pablo.” Bati niya pabalik. Malaki ang villa na ito. Noong hindi pa sila dinadala ni David Cuesta sa mansyon, dito sila nakatira ng kaniyang inang si Maredith ng ilang taon. Dito siya tumira noong bata pa siya, habang itinatago silang mag-ina ni David Cuesta kay Felistia. Ang villa na ito, na dating isang masayang tahanan, ay naging malungkot na alaala na lamang para kay Aeverie. Para sa kaniya, sa tahanan na ito nagsimula ang lahat ng kasinungalingan ng kaniyang pamilya na akala niy
Hapon nang makatanggap ng tawag si Aeverie galing sa matandang sekretaryo ni David Cuesta.“Young Lady,” pormal na bati ni Pablo sa kabilang linya nang tanggapin niya ang tawag.“I want to inform you that Mr. Cuesta wants to see you tonight at Madam Maredith’s villa. He wants to have dinner with you and your mother.” Imporma nito.Maredith's villa. May kakaibang lamig sa kaniyang sikmura. Of course, that's my Mom’s property. Nakapangalan nga pala sa kaniyang ina ang villa na iyon dahil regalo ito ni David Cuesta.She was hesitant at first.“Young Lady, do I have to pick you up from the hotel?” Tanong ni Pablo.Umayos siya ng upo.“Hindi na, Pablo. I will come to the villa. Pagkatapos ko sa hotel, didiretso ako sa villa.” Sagot niya.“Your father is expecting you, Young Lady.” Bilin nito.Saka nito ibinaba ang tawag.Nang maibaba niya ang cellphone sa mesa, natulala siya saglit. May kakaibang kabog ang kaniyang dibdib na hindi niya kayang ipaliwanag. Saktong pumasok si Blue at natanaw
Maayos na ang kondisyon ni Silvestre, ngunit madalas pa rin siyang matulala habang nagtratrabaho. Ngayon ang araw na plano niyang puntahan si Aeverie sa hotel nito, ngunit may kumukontra sa likod ng kaniyang utak. Hindi siya ang humihingi ng oras at atensyon sa mga tao. Ang mga tao ang pumupunta sa kaniya para hingin ang kaniyang oras at atensyon. What’s so special with her that I considered this st*p*d idea? Sarkastiko niyang tanong sa sarili. Si Aeverie ang dapat na pumunta sa kaniya dahil ito ang may kasalanan, at hindi siya. Kagabi pa niya iniisip si Aeverie at ang planong puntahan ito sa hotel para makausap ito.Ngunit palaging nagtatalo ang kaniyang isipan at ego. Pupuntahan niya ang babae para isuko nito ang totoong may kasalanan, pero sa tuwing naiisip niya na mag-aaksaya siya ng lakas at panahon para makausap lamang ito, parang natatapakan ang kaniyang pagkalalaki. Biglang nagambala ang tahimik na opisina nang mag-ring ang kaniyang cellphone. Sinulyapan niya iyon ng ti
“Have you heard about the word ‘Paradoxial Intention’?” Bigla’y tanong ni Blue. Kumunot ang kaniyang noo. “Huh?” Never heard of it. Hindi niya pa narinig ang ganoong salita kaya naging kuryuso siya sa tanong nito. “Paradoxial Intention or Law of Reverse Effort. I have a friend, major in Psychology siya. He once tried to explain it to me. Sabi niya sa akin, the more na hinahabol mo, pinapangarap mo, o ginugusto mo ang isang bagay, the more na hindi mo ‘yon makukuha o makakamit. You became so obsessed with it, to the point that you’re exerting too much effort just to get or achieve it. But in the end… hindi mo pa rin makuha. Kaya sumuko ka.” Ngumiti si Blue, kumuha ito ng tissue at inilapag malapit sa kaniya nang makitang may dumi sa kaniyang labi. “Then, you suddenly lose interest over that thing or person. You started to attract it afterwards. Kung kailan hindi mo na siya hinahabol o ipinipilit, saka mo naman siya nakuha. That’s Paradoxial Intention.” Pinunasan ni Aeverie ang ka
Totoo ang sinabi ni Sage na inalis lahat ng wine at champagne sa cellar. Maging ang mga inumin sa maliit na bar counter ng mansyon ay wala nang naka-display.Aeverie still couldn't remember what happened last night. Kung totoo na nakatulog siya sa bathtub at nakalubog ang kaniyang mukha, baka nalunod na lamang siya dahil sa sariling kapabayaan.Mabuti at naabutan pa siya ni Sage at maagang naiahon bago pa siya mawalan ng pulso.Her near death experience feels like a dream. Hindi niya alam at hindi niya maalala.Sage's still mad. Si Uriel ay hindi rin makausap. Mas lalo na si Rafael na pumasok pa rin sa trabaho kahit na masama ang mood ngayong araw para lang hindi sila magkausap dahil galit din ito sa kaniya.“Ano ang gusto mong kainin, Aeve?” Tanong ni Blue.Hindi pumayag si Sage at si Uriel na magtrabaho siya ngayong araw, kaya magkasama sila ni Blue sa mansyon. Naatasan itong bantayan siya’t samahan maghapon, hanggang sa makabalik ang tatlo.“I don’t know. Maybe a cucumber salad.”U
Nagising siya kinabukasan na masakit ang ulo. Parang may mga langgam sa loob ng kaniyang utak na kinakagat siya’t tinutusok. Dahan-dahan siyang bumangon sa kama, naghahanap ng tubig na maiinom, ngunit ang bumungad sa kaniya ay si Sage na madilim ang ekspresyon ng mukha. “S-sage.” Utal niyang tawag sa kapatid nang makita ito sa paanan ng kama. Mas lalong dumilim ang ekspresyon ng mukha nito. Tumayo si Sage at inalalayan siyang makaupo ng maayos. Sinapo naman niya ang kaniyang ulo nang maramdaman na parang nanunuyo ang dugo nito sa loob. “Why are you here? Anong oras na ba?” Tanong niya. Bumukas ang pinto, pumasok si Uriel. Nang makita siya nito ay dumilim din ang ekspresyon ng mukha. “How is she? Do we still have to send her to the hospital?” Tanong ni Uriel kay Sage. Kumunot ang kaniyang noo, hindi maintindihan ang nangyayari. “Hospital? Why would you send me to the hospital? I’m fine.” Aniya. “You almost drown last night, Aeve. And I think you don't know it yet.” Malamig na s
Mabigat ang loob ni Aeverie nang umuwi siya sa mansyon. Nauna silang umalis ni Sage, dahil may biglaan itong meeting ngayong dis oras ng gabi. Hindi na siya halos nakapagpaalam dahil gusto na lamang niyang makapagpahinga.The family dinner wasn’t that great. Bulong ng kaniyang isip nang lumubog siya sa bathtub.Si Achilles lamang at ang asawa nito ang pumunta pagkatapos ng halos dalawang oras na paghihintay sa iba pang anak ni David Cuesta. Pagkatapos na salubungin si Achilles, ay hindi na siya nagsalita pa sa hapag.Hinintay na lamang niyang matapos silang kumain at nang makauwi na siya.Her phone rings suddenly.Hindi pa nag-iisang oras simula nang makauwi siya ay sunod-sunod na tawag na ang kaniyang natatanggap. Nasa gilid lamang ng maliit na mesa ang kaniyang cellphone kaya madali lamang abutin.Sumimsim siya sa baso ng champagne bago sagutin ang tawag. Panglimang baso na niya iyon at ramdam na niya ang kaunting epekto nito sa kaniyang sistema.“Where are you?” Bumati agad sa kani