Sa lahat pa talaga ng lugar, dito pa sila magkikita ng kapatid ni Arsen. Kilala na niya ito, madalas niyang makita sa mga business magazine. Kung hindi siya nagkakamali, kasusyo ni Razel si Darwin sa negosyo nito. “I’m with Uriel Cuesta.” Maagap niyang saad. Nakita niya ang gulat sa mukha ni Darwin. Hindi siya sigurado kung kanina pa ba si Darwin at ang mga kaibigan nito, o ngayon lang siya napansin ng grupo nito kaya hindi alam na kasama niya si Uriel. Alinman, wala siyang panahon para mag-entertain ng ibang lalaki. Nakabawi rin agad si Darwin sa pagkagulat. Sinundan niya ng tingin ang lalaki nang maupo ito sa sofa. Hindi niya naman inalok pero nagkusang umupo na parang may karapatan itong gawin iyon. “But where is he now?” Ngumuso pa ang lalaki, tila nang-aasar ngunit pilit nagpapanggap na naaawa. “I’m sure he’s already out there, hooking up. But why would he do that, right? You’re the prettiest woman in this club tonight, if I were him, hinding-hindi ako aalis sa tabi mo.”
Namutla ang mukha ni Darwin nang makitang seryoso si Silvestre sa banta nito. Napalunok siya. Sinulyapan niya ng tingin ang babaeng nasa tabi nito na masama ang tingin sa kaniya. Hindi siya makapaniwala na ang magandang babaeng ito ay siyang asawa pala ni Silver. Kanina ay pinagmamasdan niya lamang ito sa malayo, alam niyang kasama ito ni Uriel Cuesta, dahil isa rin siya sa naghihintay lang ng tyempo na malapitan ito. Masyadong maganda ang babaeng ito, hindi man lang nangalahati ang kaniyang kapatid kung magsasabi lang siya ng totoo. Naisip niyang kung hindi lang dahil sa magandang pinagsamahan ni Arsen at Silver noon ay baka hindi na umobra si Arsen sa dating asawa ni Silver. “Fine, fine,” nagtaas ng dalawang kamay si Darwin, tila nagpapahiwatig ng pagsuko. “I’ll let this slide. Okay? We’re gonna go back to our seat, Silver.” Sinubukan na tumalikod ni Darwin pero nagsalita muli si Silver. “Hindi ka pa humihingi ng tawad.” Natigilan ang lalaki. Ibinalik niya ang tingin kay Silv
Mas lalong tumindi ang pagkahilo ni Aeverie. Mangiyak-ngiyak na siya nang matapos sa pagsusuka. Binuksan niya ang faucet saka nagmumog. Parang gumaan ang kaniyang pakiramdam pero tinatangay pa rin ng kalasingan ang kaniyang tamang pag-iisip. Tumuwid siya ng tayo at pumikit saglit. Nang makita ni Silvestre ang nakapikit niyang mga mata, napamura ulit ang lalaki. Binitawan nito ang kaniyang buhok para alalayan ang kaniyang bewang. Dahil sa kalasingan ay inakala ni Aeverie na si Uriel ang kaniyang kasama. “I swear to God, I w-wouldn’t drink again.” Aniya at humilig sa dibdib ni Silvestre. “F*ck. Why would you even drink?” Galit na tanong ni Silvestre. Tumawa si Aeverie. Nag-angat siya ng tingin sa mukha ni Silver, pero malabo iyon. Ngumuso siya, sa kaniyang isip ay si Uriel ang kaniyang kasama. “St*p*d.” Ani Aeverie. “You invited me here, ‘di ba?” Lasing niyang tanong. Tumawa na naman siya ng marahan. “What… what do you want me, ah, to do? Pray?” Nagtagis ang bagang ni Silves
“Oh, my God. My head hurts!” Sapo ni Aeverie ang kaniyang ulo nang maupo sa island counter. Magulo pa ang kaniyang buhok nang bumaba para maghanap ng gamot. “D*mn, my head!” Reklamo niya. “Here’s an Advil.” Ibinaba ni Uriel ang gamot sa kaniyang harap at nagpatuloy sa pagluluto. “Am I that wasted last night? What happened? How are we able to come home?” Kahit na wala pang lamang ang tiyan, tinanggap na niya ang gamot at saka nagsalin ng tubig. Hirap na hirap siyang buksan ang kaniyang mga mata. Parang binibiyak ang gitnang bahagi ng kaniyang ulo. “You forgot?” Kasunod na ibinaba ni Uriel ay ang ginawang chicken soup. Amoy na amoy niya ang aroma nito, pero dahil sa matinding pananakit ng ulo, agad siyang tumayo at tumakbo papunta sa sink. Humawak siya para suportahan ang sarili. Dahil wala pang laman ang tiyan, wala rin siyang maisuka. “I promised to never drink again!” Sigaw niya nang ilang beses maduwal pero walang mailabas. Natawa Uriel. Naupo ito sa island counter at tini
“Why would he do that?” Nakakunot noo niyang tanong. “Maybe because his reputation could also be ruined by the black materials posted. At hindi rin naman siguro maaayos ang problema pagkatapos lang ma-takedown ang mga report sa inyo. Don’t be naive, Aeverie.” Sagot ni Uriel. “I’m not.” Binalingan niya ng malamig na tingin si Uriel. “We also checked the changes in their company after the engagement news and the sudden rumors of third party. It adversely affected their company’s performance. Bumaba ang stock price nila kahapon.” “Maybe that’s the reason why he has to take an initiative to clear all their names in the internet.” Kumento ni Uriel. “He didn't do it for you, Aeve.” Dagdag nito. “I’m not expecting anything, Kuya Uriel.” Tugon niya. Marahan na tumawa si Uriel. “That’s good, don’t make yourself hope.” Pinaikot ni Aeverie ang kaniyang mga mata. “What should we do now?” Tanong ni Sage. “Give their own medicine.” Sagot ni Uriel. “Ngayon na may ebidensya na tayo na si
“Why? I’m sure Silvestre will do everything for his fianceé. I’ve already calculated this, hindi papayag si Darwin na bumagsak at masira ang kompanya ni Razel dahil iyon nalang din ang pinagkukunan nila ng pera. Kaya kailangan na humingi ng tulong ni Arsen kay Silvestre. And as her knight in shining armor, he’d do something to save the damsel in distress.” Tila lumamig ang kaniyang sikmura nang maisip ang mga posibleng mangyari. “And what would happen next? Kompanya naman ni Silvestre ang pababagsakin mo?” Bumaba ang tingin niya sa screen ng laptop. May pait siyang nalasahan sa dulo ng kaniyang dila at dahan-dahan iyong naglakbay sa kaniyang lalamunan, hanggang sa manatili sa kaniyang tiyan. “Let’s see.” She trailed off. “I just want to prove Arsen that no one could save her from the disaster I’ve prepared for her.” Malamig niyang saad. Samantalang sa opisina ni Silvestre ay pinag-uusapan na ang biglang paglabas ng balita tungkol sa mababang kalidad ng mga produkto ng MHFS.
“Based on my research Sir, there are three legitimate sons of David Cuesta. Si Rafael Cuesta, ang panganay. Si Uriel Cuesta, ang pangalawa. And,” pinakli ni Gino ang dalang papel. “Pangatlo sa magkakapatid si Aeverie Cuesta, nag-iisang babae, I mean…” tumikhim si Gino. “Nag-iisang lihitimong anak na babae. Tsaka si Sage Azrael Cuesta ang huli o bunsong lihitimong anak na lalaki.” Muli ay pinakli na naman ni Gino ang dalang papel. “Based on there profile, si Rafael Cuesta ang namamahala sa lahat ng negosyo ng mga Cuesta. Si Uriel ay isang prosecutor. Si Sage,” pinakli na naman nito ang papel. Nagtagal ang paghahanap nito ng impormasyon na ikinakunot ng noo ni Silvestre. “Ito, dating sundalo si Sage. May nakalap din akong balita na isa na siyang agent sa ibang bansa. Kaya iyan, konti lang talaga ang nakuha kong impormasyon kasi pribado masyado ang buhay ni Sage.” “And how about Aeverie? Anong natapos niya? What did she do in life?” Nasa huling pahina na si Gino. Huminga it
“I don’t know what to do for now. Pag-aaralan ko muna kung paano matutulungan sila Arsen.” Sagot ni Silvestre. Mas lalong umiyak si Fatima, yumakap siya sa kaniyang asawa para maghanap ng kakampi. “Silver, this is an urgent matter.” Ani Bart. Sa wakas ay naramdaman din ni Bart ang kaniyang pagiging desperada. “Maybe we could do something? Or we can talk to the Cuestas and asked them to take down all the news?” Suhestyon ni Bart. Huminga ng malalim si Silver. Imposible na makuha sa maayos na usapan ang mga Cuesta. They’re too powerful to go against. Reklamo ng isip ni Silver. Mayaman at maimpluwensya si David Cuesta, kilala at kinakatakutan si Rafael Cuesta ng mga negosyante’t entrepreneur. Malakas ang kapit sa batas ng mga Cuesta dahil kay Uriel. At isa pa, isang opisyal ng gobyerno si Sage. Pero kung si Aeverie Cuesta ang kakausapin niya, baka may pag-asa pa? Niluwagan niya ang kaniyang kurbata dahil nagbabara ang kaniyang lalamunan. Hindi niya pa kailanman nakita a
“Let’s forget it, Lucinda.” Hinawakan ni Cassandra ang braso ni Lucinda para hilahin ito paalis.Tila nagmamadali at gusto nang makawala sa eksena ang dalawang kaibigan ng babae. Nagtaas naman ng kilay si Aeverie nang makita ang reaksyon ng dalawa.“But I’m not done yet—”“Pinagtitinginan na tayo ng mga tao, Lucy. Nahanap na rin naman ang necklace, let’s go. Let’s not make a scene here.”Wala nang nagawa si Lucinda, ipinasok niya sa kaniyang Hermes bag ang sirang alahas at tuluyang nagpahila kay Cassandra at sa Australian model.“Wait a minute, Miss Galwynn.” Malamig na tawag ni Aeverie sa babae, hindi hinayaan na makaalis ito.Humarang si Blue at ang ilang empleyado, para hindi tuluyang makaalis si Lucinda at ang mga kasama nito na halatang aligaga at tila pinapaso.“What else do you need?” Galit na tanong ng Australian model.“What else could it be?” Matalim na tanong pabalik ni Aeverie sa babae.“Just now, you have verbally humiliated our hotel employees in front of so many guests.
Hindi niya man gustong aminin, pero napansin niyang matalino si Aeverie sa pamamahala sa ganitong sitwasyon. She handled the incident decisively. She was calm and resourceful, domineering but graceful, and very much like a manager who’s ready for anything. Kumento ng isip ni Silvestre. Hindi na siya ang dati niyang asawa na palaging nakakulong sa isang maliit at masikip na lugar, mapagpatawad, at sunud-sunuran, mahiyain at takot na humarap sa mga tao. How could she have two different personalities all at the same time? Mapait na tanong ni Silvestre sa kaniyang sarili. “Okay, you said it, you will kneel down in front of me and ask an apology once na mapatunayan kong magnanakaw ang mga empleyado mo!” Nagtatagis ang bagang na sabi ni Lucinda. “I am the manager of the hotel and I should be responsible for my guests. Kung may nagawang mali ang isa sa mga empleyado ko, ako ang hihingi ng tawad at didipensa.” Sagot ni Aeverie saka ngumiti ngunit walang emosyon ang mga mata. “I found th
Nang mga oras na iyon, kapapasok lang ni Silvestre at Gino sa lobby.Nang makita ni Silvestre si Aeverie hindi niya maunawaan ang kaniyang nararamdaman. Bigla nalang bumilis ang tibok ng kaniyang puso, lalo pa nang makitang naglakad ito palapit sa mga nagkakagulong tao.Hindi niya maalis ang tingin kay Aeverie, namamangha siya sa ganda nito. Tila nakalimutan na niyang kumurap dahil sa pagsunod ng tingin sa babae.“Grabe. Ang hirap paniwalaan na ganiyan pala talaga kaganda si Avi.” Naiiling na sabi ni Gino sa kaniyang tabi na sinusundan din ng tingin ang babae.“Wait. Isn't that Miss Lucinda Galwynn?” Napansin ni Gino si Lucinda kasama ang dalawang babae.“Manager?” Narinig nilang singhap ni Lucinda.“Oh, you are now a manager, Avi? That’s good for you.” Puno ng sarkasmong turan ni Lucinda at hinagod ng tingin si Aeverie.“I’m actually much more better than before.” Nagtaas ng kilay si Aeverie at sinukat din ng tingin ang babaeng Galwynn.“At least now, I could feel that I’m living in
Ang huling gumamit sa kanilang presidential suite ay si CK noong nakaraang dalawang taon. Nabalitaan niyang doon ginanap ang intimate birthday celebration nito. Sa bagay, sa sobrang yaman ng mga Huo ay hindi sila magdadalawang-isip na magwaldas ng daan-daang libong piso para sa isang kuwarto. “Hindi si CK.” Bigla’y sagot ni Blue. “Sino?” “Si Miss Cassandra Recto. She’s a daughter of a former ambassador in Kuwait. Kasama niya kagabi si Lucinda Galwynn at ang isa pang foreigner na babae.” Tumaas agad ang kilay ni Aeverie nang marinig ang pangalan ni Lucinda. “Really? Why would they check into such a big room?” “They’re having a party in the room last night. Fortunately, our hotel has good sound insulation, kaya hindi naging problema kagabi ang ingay nilang tatlo. I reviewed the CCTV this morning, nakita kong may pumasok na dalawang lalaki sa loob ng presidential suite nang bandang hatinggabi. Mga mukhang modelo. Nakakapagtaka lang na hatinggabi na sila pumunta at madaling araw pa
Ilang araw ang lumipas, mas lalong naging magagalitin si Silvestre at nawalan ng gana sa lahat ng bagay.Hindi niya ma-contact si Avi, o si Rafael Cuesta. Medyo frustrated na siya dahil sa maya’t mayang pagtawag ng kaniyang Abuelo at pangungulit nitong hanapin si Avi at iharap dito. Malapit nang mag-otsenta si Lucio Galwynn at mas lalo siyang nahihirapan na hindian ito, lalo pa’t alam niyang makikipag-away lamang sa kaniya ang matanda.“How about we report this to the police?” Wala sa sariling suhestyon ni Gino sa kaniya.“And why would we do that?” Sarkastiko niyang tanong sa sekretaryo.“Because, ah, legally she’s still your wife, since you haven't completed the divorce procedure yet, but her family is hiding her away from you? Maybe the police could help us with that.”“What?” Mas lalong nagsalubong ang kilay ni Silvestre.“That’s the best idea you could come up with?” Matalim niyang tiningnan ang lalaki.“E, ano pa ba ang gagawin natin, Sir? Hindi natin mahanap si Avi, or Aeverie,
Nang sumunod na gabi, hindi inaasahan ni Aeverie na makikita niya si Rafael at Uriel pagkauwi niya galing sa trabaho. Kapwa madilim ang mukha ng dalawang kapatid nang maabutan niya sa sala. “Kuya Rafael? Kailan ka pa?” Nagtataka niyang tanong nang makabawi sa pagkabigla. Akala niya ay bukas pa ito ng umaga dadating. Tumayo si Rafael at hinintay siyang makalapit. Medyo nagdalawang-isip pa siya, pero lumapit pa rin at hinalikan ang pisngi nito. “How’s your business trip?” Tanong niya, pilit pinapagaan ang mabigat na atmospera sa sala. “I learned about what happened at the auction from Mom.” Ani Rafael sa seryosong tinig. Bumaba ang tingin ni Rafael at Uriel sa nakabenda niya pa rin na kamay. Nagtagis ang bagang ng panganay nilang kapatid. Nagtagal ang tingin ni Rafael sa kaniyang kamay na pilit naman niyang itinago. Naisip agad ni Rafael na hindi sana magkakaganito si Aeve kung hindi niya hiniling na ito ang pumunta sa auction para sa kaniya. Hindi sana ito nasaktan. “How is your
Nagawang pakalmahin ni Silvestre si Amanda sa pamamagitan ng pagsabing maaari pa naman bumisita si Avi sa kanilang tahanan.Inalalayan niya pabalik si Amanda sa mansyon, ngunit tumigil din siya sa paglalakad nang makatanggap siya ng tawag mula sa isang numero. Nang makita niya ang naka-register na pangalan ay nagbuntong-hininga na lamang siya.Anong oras na? Bakit gising pa si Abuelo? Tanong niya sa sarili.Natanaw niya si Manang Petrina na puno ng pag-aalala ang mukha habang naghihintay sa may hagdan.“Nanang, dalhin niyo sa kuwarto si Amanda. Marumi na rin ang damit niya dahil sa dalang stuffed toy. Help her.”“S-sige, Silver.”Hinawakan ni Manang Petrina ang braso ni Amanda para dalhin ito sa taas. Samantalang sinagot naman ni Silvestre ang tawag ng kaniyang Abuelo.“Abue—”“Why I can’t contact Avi again? What did you do to her?” Galit nitong tanong, hindi na siya pinatapos.Habang tumatanda si Lucio Galwynn, bumabalik naman ito sa pagkabata. Madalas na itong magtantrums, dahilan p
Hindi na hinintay ni Amanda na tulungan siya ng mga katulong na kunin ang malaking teddy bear na itinapon ni Lucinda. Dali-dali siyang lumayo kay Manang Petrina at tumakbo palabas ng mansyon para kunin sa likod ang nahulog na stuffed toy. Mabilis na sumunod si Manang Petrina, natatakot na baka nasa labas si Lucinda at makita na naman nito si Amanda. Ngunit pagkababa sa hagdan, nakita niyang nasa may pinto si Silvestre, sinusundan ng tingin ang tumatakbong si Amanda. “What happened, Nanang?” Tanong ni Silvestre, nakakunot ang noo. Napalunok siya. Alam niyang kapag magsumbong siya kay Silvestre sa nangyari ay magagalit ito ng husto kay Lucinda, malaking gulo na naman. Alam pa naman niya na mas malapit si Amanda kay Silvestre kumpara sa ibang anak ni Fatima. “Ah, si Anda…” hindi niya alam kung paano ipapaliwanag. “Bakit tumatakbo si Amanda? Saan pupunta ‘yong bata?” Tanong nito. “Kukunin ‘yong stuffed toy na nahulog.” Tanging nasagot ni Manang Petrina. Mas lalong nagsalubo
Samantalang sa mansyon ng mga Galwynn, mas lalong pinag-initan ni Lucinda ang kaniyang kapatid dahil sa pagtatanggol nito kay Avi. Nasa ospital pa rin si Fatima kasama si Arsen at Arabella, si Bernard ay may business trip, si Silvestre ay nasa labas pa kaya si Lucinda at Amanda lamang ang nasa bahay. Tahimik na sinusuklay ni Amanda ang kaniyang buhok, matutulog na dapat siya nang marinig ang katok mula sa kaniyang pinto. Kumunot ang kaniyang noo. Madalas ang mga katulong lamang ang bumibisita sa kaniyang kuwarto, minsan ay para dalhan siya ng mainit na gatas. Baka si Manang Petrina. Tumayo siya at dahan-dahan lumapit sa pinto. Binuksan niya iyon ng may ngiti sa kaniyang labi, pero agad iyon naglaho nang makita si Lucinda. “Ate—” “You little b*tch! Have you been bribed by that promdi girl? Are you someone she sent to spy on us?!” Naamoy ni Amanda ang alak sa hininga ni Lucinda. Napaatras siya, agad na kinabahan. “Kagayang-kagaya ka ni Avi! Kunwari ay isang santa pero m