Kinabukasan, masakit pa rin ang ulo ni Silvestre at hindi makapagpokus sa trabaho.Madalas niyang tingnan ang kaniyang cellphone, naghihintay na himalang magpakita ang numero ni Rafael Cuesta sa screen dahil tumawag ito.Ngunit wala.Para siyang naghihintay sa himalang hindi na darating.Sigurado siyang umabot na ang balita kay Avi, at base sa mga nakikita niyang kumento sa online, pinagkakaisahan ang kaniyang dating asawa.People were so eager to find her pictures.Natutulala pa rin siya sa tuwing naiisip na walang litrato kahit isa sa internet si Avi. Ni-hindi niya naisip na gumagamit ito ng social media.Walang siyang alam sa kaniyang asawa kung may Facebook, Snapchat, o kahit anong account na meron ito.Meron silang nahanap na isa, pero wala naman iyong profile picture at walang kahit na anong impormasyon. Tanging pangalan lang.“Sir.” Pumasok si Gino na seryoso ang mukha.Tumuwid siya ng pagkakaupo at hinintay ang ibabalita nito.“May nakuha na po kaming impormasyon, Sir.” Balita
Pinaikot niya ang mga mata. “Iwan ko sa inyo. Kaya siguro kung hindi ako umalis no’n sa bahay, hindi ako magkakaboyfriend.” She said. Then, it hit her, hindi nga pala talaga siya nagkaboyfriend. Agad siyang naikasal kay Silvestre. Hindi niya naranasan na magkaroon ng boyfriend. Hindi niya naranasan na makipagdate. Mas lalong hindi niya naranasan ang isang simple at natural na buhay kung saan mahal siya’t inaalagaan ng lalaking mahal niya. Nang makita ni Sage ang kaniyang pagkatulala kinuha nito ang kahon sa kaniyang kamay at kinindatan si Uriel. “Sparring?” Hamon nito. Nakuha ni Uriel ang gusto nitong mangyari. “Tara.” Dahil nakaakbay pa rin si Uriel kay Aeverie, napasama siya sa paglalakad palabas ng kuwarto. “Kuya I still have something to do. Kayo na lang muna ni Sage.” Reklamo niya. Nag-aral siya ng mixed martial arts kasama si Sage noon bago siya magkolehiyo. Ngunit matagal na siyang hindi nakikipagsparring kaya hindi na siya gaanong kyumpansa sa kaniyang sarili. “Dal
Palubog na ang araw nang lumabas si Silvestre sa kompanya. Ang naghihikahos na liwanag ay nagbibigay ng kakaibang anino sa kalahati ng mukha niya nang sumakay sa sasakyan.Ipinikit niya ang mga mata at nakaramdam ng pagod. Mas maaga siyang umalis ngayon sa kompanya kumpara sa mga nagdaang araw dahil gusto niyang sadyain ang Cuesta La Palacio.“Na-takedown na namin Sir ang mga marketing account na naglalabas ng mga maling impormasyon tungkol kay Avi at sa iyo. Nagpadala na rin kami ng sulat galing sa abogado para kung sakaling ulitin nila ay maaari na natin silang legal na ipadampot sa mga pulis.” Balita ni Gino.Sumulyap ang lalaki sa rearview mirror at tiningnan ang kaniyang reaksyon.“Pero ang balita tungkol sa engagement ninyo ni Arsen ay hindi madaling burahin sa internet. It’s a difficult matter to deal with.” Dagdag nito sa mababang boses.Nanatili ang kaniyang tingin sa salamin. Gumalaw ang kaniyang panga, ngunit hindi na niya sinagot si Gino.Ilang beses niyang naisip na tawag
Nang gumabi, nagtatalo si Aeverie at Uriel. Silang dalawa lamang sa mansyon, si Rafael ay nasa trabaho pa at si Sage naman ay may pinuntahang kliyente."You're allergic to fume, Aeverie. Ako na."Pilit siyang itinataboy ni Uriel paalis ng kusina pero ayaw niyang magpatinag."It's okay, Kuya. I can bear it now." Patuloy niya."Stop it, will you? Alam mong madalas kang mahirapan huminga at nagkakaroon ng allergy reaction and balat mo."Pinaikot niya ang mga mata. Ayaw pa rin ni Uriel tanggapin na kaya na niyang magluto at magaling na siya sa kusina.Tumayo ng matuwid si Uriel, tiningnan siya ng mariin."Tell me, did you cook for your st*p*d husband? Hindi mo ba sa kaniya sinabi na bawal ka sa usok?"Halata sa mukha ni Uriel ang pagkainis kaya nagtaas ng kilay si Aeverie."It's natural for a wife to cook for her husband. Bakit? Kapag ba mag-asawa ka na, hindi mo hahayaan na ipagluto ka?""That's a different case, Aeve! And wait, if it happens, I wouldn't allow my wife to cook for us. I'd
Grand opening ng bagong club na pinuntahan nila kaya sa parking lot palang ng club ay marami na ang tao. Mahaba ang pila sa labas, pero nang makita ng bouncer si Uriel, sumenyas ito. “Good evening, Sir.” Patakbong lumapit ang bouncer. Ang kaibigan ni Uriel ang nag-imbita sa lalaki kaya ibinilin na kung maispatan si Uriel Cuesta ay agad na papasukin sa club. Mayaman ang kaibigan ni Uriel, anak ng senador, at kagaya ng mga taong gustong makapasok sa club… lahat sila’y galing sa marangyang pamilya. Binuksan ni Uriel ang pinto at inalalayan siyang lumabas. Ang sasakyan ni Uriel ay talagang kapansin-pansin na. Mas lalo lamang nilang nakuha ang atensyon ng mga tao nang lumabas siya ng sasakyan. Wearing white tube top and tight skirt, mas lalo siyang pinagtinginan ng mga lalaki. Tumabi si Uriel sa kaniya, inalalayan siya sa paglalakad. Nagsinghapan ang mga babae. Ngayon ay sila na ang pinag-uusapan ng mga tao. May ilan na gustong lumapit kay Uriel pero nang makita siya ay natitigilan
“Oh, who is sitting next to the beauty? Isn't that Rafael Cuesta, the president of AMC Group?” Ikiniling ni CK ang kaniyang ulo habang tinitingnan pa rin ng mataman ang magandang babae.Nagtaas ito ng kaliya at pilyong ngumiti. “Isn't Rafael Cuesta a self-disciplined person who never sets foot in such a place of pleasure? Bakit narito siya ngayon?”Ang hindi alam ni CK at Silver ay nagkakamali silang dalawa. Sa malayo ay mapagkakamalan nilang si Rafael Cuesta ang kasama ni Aeverie, ngunit ang totoo, si Uriel Cuesta iyon.Magkasingtangkad at magkasing-laki ng katawan ang magkapatid kaya madalas na mapagkamalang kambal. Kapag magkakasama si Sage, Uriel at Rafael, iisipin na triplet sila.Sa malapitan na napapagtanto ang kanilang kaibahan. Si Uriel, palaging may sarkastikong ngiti sa labi, si Sage ang may pinakamaaliwalas na mukha dahil palaging nakangiti, at si Rafael naman ang pinakamahirap mapangiti, palaging seryoso ang mukha.“D*mn.” Halos pabulong na mura ni CK habang tinatanaw ang
Sa lahat pa talaga ng lugar, dito pa sila magkikita ng kapatid ni Arsen. Kilala na niya ito, madalas niyang makita sa mga business magazine. Kung hindi siya nagkakamali, kasusyo ni Razel si Darwin sa negosyo nito. “I’m with Uriel Cuesta.” Maagap niyang saad. Nakita niya ang gulat sa mukha ni Darwin. Hindi siya sigurado kung kanina pa ba si Darwin at ang mga kaibigan nito, o ngayon lang siya napansin ng grupo nito kaya hindi alam na kasama niya si Uriel. Alinman, wala siyang panahon para mag-entertain ng ibang lalaki. Nakabawi rin agad si Darwin sa pagkagulat. Sinundan niya ng tingin ang lalaki nang maupo ito sa sofa. Hindi niya naman inalok pero nagkusang umupo na parang may karapatan itong gawin iyon. “But where is he now?” Ngumuso pa ang lalaki, tila nang-aasar ngunit pilit nagpapanggap na naaawa. “I’m sure he’s already out there, hooking up. But why would he do that, right? You’re the prettiest woman in this club tonight, if I were him, hinding-hindi ako aalis sa tabi mo.”
Namutla ang mukha ni Darwin nang makitang seryoso si Silvestre sa banta nito. Napalunok siya. Sinulyapan niya ng tingin ang babaeng nasa tabi nito na masama ang tingin sa kaniya. Hindi siya makapaniwala na ang magandang babaeng ito ay siyang asawa pala ni Silver. Kanina ay pinagmamasdan niya lamang ito sa malayo, alam niyang kasama ito ni Uriel Cuesta, dahil isa rin siya sa naghihintay lang ng tyempo na malapitan ito. Masyadong maganda ang babaeng ito, hindi man lang nangalahati ang kaniyang kapatid kung magsasabi lang siya ng totoo. Naisip niyang kung hindi lang dahil sa magandang pinagsamahan ni Arsen at Silver noon ay baka hindi na umobra si Arsen sa dating asawa ni Silver. “Fine, fine,” nagtaas ng dalawang kamay si Darwin, tila nagpapahiwatig ng pagsuko. “I’ll let this slide. Okay? We’re gonna go back to our seat, Silver.” Sinubukan na tumalikod ni Darwin pero nagsalita muli si Silver. “Hindi ka pa humihingi ng tawad.” Natigilan ang lalaki. Ibinalik niya ang tingin kay Silv
“Let’s forget it, Lucinda.” Hinawakan ni Cassandra ang braso ni Lucinda para hilahin ito paalis.Tila nagmamadali at gusto nang makawala sa eksena ang dalawang kaibigan ng babae. Nagtaas naman ng kilay si Aeverie nang makita ang reaksyon ng dalawa.“But I’m not done yet—”“Pinagtitinginan na tayo ng mga tao, Lucy. Nahanap na rin naman ang necklace, let’s go. Let’s not make a scene here.”Wala nang nagawa si Lucinda, ipinasok niya sa kaniyang Hermes bag ang sirang alahas at tuluyang nagpahila kay Cassandra at sa Australian model.“Wait a minute, Miss Galwynn.” Malamig na tawag ni Aeverie sa babae, hindi hinayaan na makaalis ito.Humarang si Blue at ang ilang empleyado, para hindi tuluyang makaalis si Lucinda at ang mga kasama nito na halatang aligaga at tila pinapaso.“What else do you need?” Galit na tanong ng Australian model.“What else could it be?” Matalim na tanong pabalik ni Aeverie sa babae.“Just now, you have verbally humiliated our hotel employees in front of so many guests.
Hindi niya man gustong aminin, pero napansin niyang matalino si Aeverie sa pamamahala sa ganitong sitwasyon. She handled the incident decisively. She was calm and resourceful, domineering but graceful, and very much like a manager who’s ready for anything. Kumento ng isip ni Silvestre. Hindi na siya ang dati niyang asawa na palaging nakakulong sa isang maliit at masikip na lugar, mapagpatawad, at sunud-sunuran, mahiyain at takot na humarap sa mga tao. How could she have two different personalities all at the same time? Mapait na tanong ni Silvestre sa kaniyang sarili. “Okay, you said it, you will kneel down in front of me and ask an apology once na mapatunayan kong magnanakaw ang mga empleyado mo!” Nagtatagis ang bagang na sabi ni Lucinda. “I am the manager of the hotel and I should be responsible for my guests. Kung may nagawang mali ang isa sa mga empleyado ko, ako ang hihingi ng tawad at didipensa.” Sagot ni Aeverie saka ngumiti ngunit walang emosyon ang mga mata. “I found th
Nang mga oras na iyon, kapapasok lang ni Silvestre at Gino sa lobby.Nang makita ni Silvestre si Aeverie hindi niya maunawaan ang kaniyang nararamdaman. Bigla nalang bumilis ang tibok ng kaniyang puso, lalo pa nang makitang naglakad ito palapit sa mga nagkakagulong tao.Hindi niya maalis ang tingin kay Aeverie, namamangha siya sa ganda nito. Tila nakalimutan na niyang kumurap dahil sa pagsunod ng tingin sa babae.“Grabe. Ang hirap paniwalaan na ganiyan pala talaga kaganda si Avi.” Naiiling na sabi ni Gino sa kaniyang tabi na sinusundan din ng tingin ang babae.“Wait. Isn't that Miss Lucinda Galwynn?” Napansin ni Gino si Lucinda kasama ang dalawang babae.“Manager?” Narinig nilang singhap ni Lucinda.“Oh, you are now a manager, Avi? That’s good for you.” Puno ng sarkasmong turan ni Lucinda at hinagod ng tingin si Aeverie.“I’m actually much more better than before.” Nagtaas ng kilay si Aeverie at sinukat din ng tingin ang babaeng Galwynn.“At least now, I could feel that I’m living in
Ang huling gumamit sa kanilang presidential suite ay si CK noong nakaraang dalawang taon. Nabalitaan niyang doon ginanap ang intimate birthday celebration nito. Sa bagay, sa sobrang yaman ng mga Huo ay hindi sila magdadalawang-isip na magwaldas ng daan-daang libong piso para sa isang kuwarto. “Hindi si CK.” Bigla’y sagot ni Blue. “Sino?” “Si Miss Cassandra Recto. She’s a daughter of a former ambassador in Kuwait. Kasama niya kagabi si Lucinda Galwynn at ang isa pang foreigner na babae.” Tumaas agad ang kilay ni Aeverie nang marinig ang pangalan ni Lucinda. “Really? Why would they check into such a big room?” “They’re having a party in the room last night. Fortunately, our hotel has good sound insulation, kaya hindi naging problema kagabi ang ingay nilang tatlo. I reviewed the CCTV this morning, nakita kong may pumasok na dalawang lalaki sa loob ng presidential suite nang bandang hatinggabi. Mga mukhang modelo. Nakakapagtaka lang na hatinggabi na sila pumunta at madaling araw pa
Ilang araw ang lumipas, mas lalong naging magagalitin si Silvestre at nawalan ng gana sa lahat ng bagay.Hindi niya ma-contact si Avi, o si Rafael Cuesta. Medyo frustrated na siya dahil sa maya’t mayang pagtawag ng kaniyang Abuelo at pangungulit nitong hanapin si Avi at iharap dito. Malapit nang mag-otsenta si Lucio Galwynn at mas lalo siyang nahihirapan na hindian ito, lalo pa’t alam niyang makikipag-away lamang sa kaniya ang matanda.“How about we report this to the police?” Wala sa sariling suhestyon ni Gino sa kaniya.“And why would we do that?” Sarkastiko niyang tanong sa sekretaryo.“Because, ah, legally she’s still your wife, since you haven't completed the divorce procedure yet, but her family is hiding her away from you? Maybe the police could help us with that.”“What?” Mas lalong nagsalubong ang kilay ni Silvestre.“That’s the best idea you could come up with?” Matalim niyang tiningnan ang lalaki.“E, ano pa ba ang gagawin natin, Sir? Hindi natin mahanap si Avi, or Aeverie,
Nang sumunod na gabi, hindi inaasahan ni Aeverie na makikita niya si Rafael at Uriel pagkauwi niya galing sa trabaho. Kapwa madilim ang mukha ng dalawang kapatid nang maabutan niya sa sala. “Kuya Rafael? Kailan ka pa?” Nagtataka niyang tanong nang makabawi sa pagkabigla. Akala niya ay bukas pa ito ng umaga dadating. Tumayo si Rafael at hinintay siyang makalapit. Medyo nagdalawang-isip pa siya, pero lumapit pa rin at hinalikan ang pisngi nito. “How’s your business trip?” Tanong niya, pilit pinapagaan ang mabigat na atmospera sa sala. “I learned about what happened at the auction from Mom.” Ani Rafael sa seryosong tinig. Bumaba ang tingin ni Rafael at Uriel sa nakabenda niya pa rin na kamay. Nagtagis ang bagang ng panganay nilang kapatid. Nagtagal ang tingin ni Rafael sa kaniyang kamay na pilit naman niyang itinago. Naisip agad ni Rafael na hindi sana magkakaganito si Aeve kung hindi niya hiniling na ito ang pumunta sa auction para sa kaniya. Hindi sana ito nasaktan. “How is your
Nagawang pakalmahin ni Silvestre si Amanda sa pamamagitan ng pagsabing maaari pa naman bumisita si Avi sa kanilang tahanan.Inalalayan niya pabalik si Amanda sa mansyon, ngunit tumigil din siya sa paglalakad nang makatanggap siya ng tawag mula sa isang numero. Nang makita niya ang naka-register na pangalan ay nagbuntong-hininga na lamang siya.Anong oras na? Bakit gising pa si Abuelo? Tanong niya sa sarili.Natanaw niya si Manang Petrina na puno ng pag-aalala ang mukha habang naghihintay sa may hagdan.“Nanang, dalhin niyo sa kuwarto si Amanda. Marumi na rin ang damit niya dahil sa dalang stuffed toy. Help her.”“S-sige, Silver.”Hinawakan ni Manang Petrina ang braso ni Amanda para dalhin ito sa taas. Samantalang sinagot naman ni Silvestre ang tawag ng kaniyang Abuelo.“Abue—”“Why I can’t contact Avi again? What did you do to her?” Galit nitong tanong, hindi na siya pinatapos.Habang tumatanda si Lucio Galwynn, bumabalik naman ito sa pagkabata. Madalas na itong magtantrums, dahilan p
Hindi na hinintay ni Amanda na tulungan siya ng mga katulong na kunin ang malaking teddy bear na itinapon ni Lucinda. Dali-dali siyang lumayo kay Manang Petrina at tumakbo palabas ng mansyon para kunin sa likod ang nahulog na stuffed toy. Mabilis na sumunod si Manang Petrina, natatakot na baka nasa labas si Lucinda at makita na naman nito si Amanda. Ngunit pagkababa sa hagdan, nakita niyang nasa may pinto si Silvestre, sinusundan ng tingin ang tumatakbong si Amanda. “What happened, Nanang?” Tanong ni Silvestre, nakakunot ang noo. Napalunok siya. Alam niyang kapag magsumbong siya kay Silvestre sa nangyari ay magagalit ito ng husto kay Lucinda, malaking gulo na naman. Alam pa naman niya na mas malapit si Amanda kay Silvestre kumpara sa ibang anak ni Fatima. “Ah, si Anda…” hindi niya alam kung paano ipapaliwanag. “Bakit tumatakbo si Amanda? Saan pupunta ‘yong bata?” Tanong nito. “Kukunin ‘yong stuffed toy na nahulog.” Tanging nasagot ni Manang Petrina. Mas lalong nagsalubo
Samantalang sa mansyon ng mga Galwynn, mas lalong pinag-initan ni Lucinda ang kaniyang kapatid dahil sa pagtatanggol nito kay Avi. Nasa ospital pa rin si Fatima kasama si Arsen at Arabella, si Bernard ay may business trip, si Silvestre ay nasa labas pa kaya si Lucinda at Amanda lamang ang nasa bahay. Tahimik na sinusuklay ni Amanda ang kaniyang buhok, matutulog na dapat siya nang marinig ang katok mula sa kaniyang pinto. Kumunot ang kaniyang noo. Madalas ang mga katulong lamang ang bumibisita sa kaniyang kuwarto, minsan ay para dalhan siya ng mainit na gatas. Baka si Manang Petrina. Tumayo siya at dahan-dahan lumapit sa pinto. Binuksan niya iyon ng may ngiti sa kaniyang labi, pero agad iyon naglaho nang makita si Lucinda. “Ate—” “You little b*tch! Have you been bribed by that promdi girl? Are you someone she sent to spy on us?!” Naamoy ni Amanda ang alak sa hininga ni Lucinda. Napaatras siya, agad na kinabahan. “Kagayang-kagaya ka ni Avi! Kunwari ay isang santa pero m