Share

Kabanata 1

Author: Mariya Agatha
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

( Makalipas ang ilang buwan )

"Buong araw ka ng nakahilata diyan couz! Wala ka bang balak bumangon?" Nag-aalalang saad ni Brenda nang mapansin ang matamlay na pangangatawan ng kanyang pinsan. Actually ilang araw niya ng nahahalata na parang maysakit ito.

"Can you just keep your fucking mouth shut? Ayos lang ako okay? Wala lang talaga akong gana ngayon." Irritableng sagot ni Krissy. Isa pang napapansin ni Brenda ay ang pagiging mainitin ng ulo nito these past few days.

"Anong ngayon? araw-araw ka nalang ata walang gana. Tingnan mo tuloy, tuluyan ng naikasal si Papa Brandon mo sa mang-aagaw na babaeng yun. Bakit kasi natakot at nagpadala ka dun kay Calex. Edi sana ikaw ang may happy ending ngayon." Nakaismid na sagot ni Brenda.

Tama nga naman si Brenda. Simula ng komprontahin at bantaan ni Calex si Krissy ay hindi na siya ulit kumilos para sirain ang kasalang magaganap ng ex niyang si Brandon at ang mang-aagaw na si Meghan. Hindi rin alam ni Krissy kung bakit gayun na lamang ang kabang nararamdaman niya kapag kaharap ang atribidang lalaki na si Calex.

"As if naman talaga na hindi ka rin natakot sa banta niya ano? Hindi ba para ka ngang tuta nung pinagbantaan ka niya dahil nakipagsex ka sa kasamahan niyang racer na legally married!" Inis na bulalas naman ni Krissy na ikinatahimik ni Brenda. Napakamot nalang ang babae sa ulo dahil nareal-talk siya nito.

Padabog na bumangon si Krissy sa kama nang makaramdam siya ng pagkahilo. Parang may kung anong lalabas sa kanyang sikmura kaya't nagmamadali siyang tumakbo papuntang banyo.

Parang nakahinga siya ng maluwag nang maisuka niya lahat ng kinain ngayong araw.

Nagtatakang nilapitan ni Brenda ang kanyang pinsan. Ramdam niyang may ibang ibig sabihin sa kinikilos ni Krissy.

"Why are you staring me like that?" Magkasalubong ang kilay na tanong ni Krissy nang mapansin ang makahulugang tingin niya.

"Couz wag ka sanang magagalit sa itatanong ko." Ani Brenda sa kinakabahan na boses.

"What is it?" Tipid na tanong ni Krissy. At bigla na lamang siyang namutla nang marealize ang tanong nito.

"When was your last period? Sorry but I guess kailangan mong magpatingin sa doctor to confirm. You have all the signs of being pregnant!" Kinakabahang anas ni Brenda at halos mapaupo si Krissy sa sahig sa labis na pagkabigla.

Tsaka niya lang naisip na lagpas isang buwan na siyang hindi dinaratnan ng dalaw. And this is the very first time na nangyari ito sa kanya.

"Shit!" Natutop ni Krissy ang bibig at sobrang nagpapanic sa labis na kabog ang kanyang dibdib.

"Mukhang nagkakatotoo ang pagpapanggap mo noon Couz!" Nag-aalalang turan ni Brenda.

Hindi makapagsalita si Krissy at binalot ng kaba ang puso niya. Bakit nga ba hindi niya naisip na may possibility siyang mabuntis sa isang gabi na pinagsaluhan nila ng lalaking kaaway niya. Isang gabi na wala sa kanyang plano ngunit nangyari. Isang gabi ng pagkakamali ngunit puno ng kapusukan.

Brenda was right. Mukhang nagkatotoo nga ang pagpapanggap noon ni Krissy na buntis siya. Yun nga lang hindi ang ex niyang si Brandon ang ama ng nasa sinapupunan niya kundi ang kapatid nitong si Calex na namumuhi sa kanya.

Siya lang naman ang lalaking bukod tanging nakasex ni Krissy simula ng magkahiwalay sila ni Brandon.

Noong sinet-up niya si Brandon ay wala naman talagang nangyari sa kanila. May ibang part lang ng video ang inidet ni Krissy gaya ng audio. Hinubad niya lang ang buong saplot niya habang tinatakpan ng kumot ang kanilang kahubdan na kunyari may nangyari nga sa kanila ng lalaki. Tulog na tulog si Brandon that time kaya napagtagumpayan ni Krissy ang planong iyon.

Halos mabingi na siya sa lakas na kabog ng kanyang puso.

Ngayon iniisip niya kung paano sasabihin kay Calex na nagbunga ang isang gabi ng pagniniig nila gayung kinasusuklaman siya ng lalaki. Halos isumpa pa nga siya nito.

Ngunit may parte ng puso at utak niya na gustong panagutan siya ni Calex sa ayaw man nito o sa gusto!

Ayaw niyang lumaki ang anak niya sa hindi buong-pamilya, kagaya ng naranasan niya.

Nagmamadali siyang tumayo at tinungo ang dala niyang mga gamit para magbihis.

"Magbihis kana rin! May pupuntahan tayo!" Seryosong tugon ni Krissy sa naguguluhan niyang pinsan.

"Saan?" Kunot ang noong tanong nito.

"Magpapacheck-up ako like you said to confirm. Then didiritso na tayo kay Calex. Kailangan niya akong panagutan sa lalong madaling panahon."

Wala sa loob na pahayag niya. Namilog ang mga mata ni Krissy sa pagkabigla ngunit wala na rin siyang nagawa kundi ang sundin ang desisyon ni Krissy.

Kung desperada si Krissy noon dahil sa pagmamahal niya sa ex niyang si Brandon, mas magiging desperada siya ngayon para sa kapakanan ng magiging anak niya.

************

"Congratulations Ms. Kristela Parker, you're four weeks pregnant." Masayang bati ni Doktora Mendez kay Krissy habang pinapakita nito sa kanya ang resulta ng transvaginal ultrasound.

Tumawag siya kanina sa kanilang family doctor na si Dr. Francisco na nakabase sa Manila at dito siya nito ini-refer.

Natutop ni Krissy ang kanyang bibig. Malaki na ang duda niya na nagdadalang-tao nga siya ngunit ibang-iba pa rin pala ang pakiramdam kapag mismong makumpirma ito ng isang doktor.

Halo-halong emosyon ang nararamdaman niya. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya dahil magiging mommy na siya o malulungkot dahil ang pagbubuntis niyang ito ay bunga lamang ng isang gabing kalasingan at makamundong pagnanasa.

Basta na lamang tumulo ang mga butil sa kanyang mga mata. Sa loob ng mahabang panahon ay ngayon lang siya ulit naiyak ng ganito. Yung tahimik na hikbi ngunit sobrang emosyonal. Lagi niyang pinapangaralan ang sarili na maging matatag at matapang sa anumang hamon na susuungin niya. Kasama na ang sakit na dinanas niya sa kanyang ex-boyfriend. Kung kailan sana isang araw nalang bago ang kanilang kasal ay umatras ito at ibang babae ang iniharap sa altar. Umiyak man siya sa mga oras na iyon ay dahil sa labis na pagkapoot.

Nag-aalalang nilapitan siya ni Doktora Mendez. Mukhang napakabait makitungo nito sa kanyang pasyente. She's on her mid 40's but still she's gorgeous and looks young on her age. She's not only an OB-gyne but also a physician kaya napakalawak ng kaalaman nito. Kaya marahil ito ang inirekomendang doktora sa kanya ni Dr. Francisco.

"Are you alright?" Nag-aalalang tanong nito habang hinahaplos ang kanyang likuran. Hindi niya alam ang isasagot sa doktora dahil siya mismo ay hindi niya alam kung ano nga ba ang dahilan ng pagiging emosyonal niyang ito.

Magkagayunpaman ay mapait na ngumiti si Krissy. "Can we keep it private for the meantime dok? Even kay Dr. Francisco, close sila ng daddy ko at may possibility na masabi niya kay daddy ang pagdadalang-tao ko. Gusto ko kasi na ako mismo ang magsabi kay daddy tungkol dito." Hiling ni Krissy habang marahang pinupunasan ng tissue ang kanyang mga luha.

Ayaw niyang gulantangin ang daddy Henry niya lalo na't hindi maganda ang relasyon nila ngayon dahil sa ginawa nitong pagtulong sa babaeng kanyang kinamumuhian. Na nagresulta para umatras ang lalaking mahal niya sa magaganap na kasal.

Tapos ngayon dahil sa pagiging desperada niyang bumalik si Brandon sa kanya ay nabuntis pa siya ng half-brother nito. What a shame! Hindi niya alam sa ngayon kung paano haharapin at sasabihin sa daddy niya ang tungkol dito.

"Ofcourse Ms. Krissy. Don't worry about it. Well anyway, bibigyan kita ng reseta para sa vitamins na iinumin mo for you and for your baby. And iwasan mo sanang ma-stress lalo na't maselan ang first trimester ng pagbubuntis mo." Paalala ni doktora.

Yumuko si Krissy at marahang hinaplos ang maliit na umbok sa kanyang sinapupunan. Hindi siya makapaniwalang may isang buhay na nabuo rito.

She smiled politely na hindi niya naman usually ginagawa. "Yes dok. I will. Maraming salamat." Pahayag ni Krissy.

Bumalik si doktora sa kanyang table at maya-maya pa'y may inabot itong isang papel. Reseta iyon ng mga gamot at vitamins na kailangan niyang inumin.

Kinuha niya iyon at agad na nilagay sa mamahalin niyang bag. "I will go now dok. Thank you again." Paalam ni Krissy.

"Don't hesitate to call me when you need anything." Ani doktora at tinanguan niya ito bago siya tuluyang lumabas ng clinic.

Agad na bumungad sa kanya ang maligalig niyang pinsan na si Brenda.

"Ano couz? Confirmed na ba? Buntis ka nga bang talaga?" Sunod-sunod na tanong nito sa curious na mga mata.

Hindi siya umimik. Bagkus ay marahan niya lang itong tinanguan bilang sagot.

"Oh Em Gee!" Malakas na bulalas nito sabay tutop ng kanyang bibig.

Matalim siyang tiningnan ni Krissy. Naalala nitong ang kapalpakan ng plano ni Brenda ang dahilan kaya may nangyari sa kanila ni Calex ng gabing iyon. Hindi man nito naaamin sa kanya ngunit hindi rin naman ito nagdedeny.

"Nasurpresa ka pa? Resulta lang naman ito ng hindi mo pag-iisip ng tama." Inis na saad niya habang hinahawakan ang sumasakit niyang sintido.

Natahimik naman si Brenda na halatang aminado sa kanyang pagkakamali.

Ngunit kahit bugbugin pa niya ang bobang pinsan ay hindi na maibabalik nito ang mga nangyari.

"Sorry na couz, blessing naman ang baby eh. Tsaka you're not getting any younger. Malay mo kaya siguro hindi kayo para sa isa't-isa ni Brandon dahil kayo talaga ni Calex ang nakatadhana." Sentimyento nito. Lalo lang napailing si Krissy sa drama ng kanyang pinsan.

Blessing nga naman talaga ang baby, she knew it. And yeah nasa hustong gulang na rin siya para magkaroon ng anak. Ngunit ang huling sinabi nito ang mukhang napakalayo sa realidad lalo na't alam ni Krissy kung gaano namumuhi sa kanya ang lalaking yun. At dala lang ng kalasingan kaya may nangyari sa kanila. It's purely lust after all.

"Saang teleserye mo na naman nakuha ang ideyang yan? Sa tingin mo magbubunyi yung Calex na yun pag nalaman niya ang tungkol dito?" Pa-hipokritang usal ni Krissy. Bigla namang nagbago ang ekpresyon ni Brenda nang mapagtantong may ponto ang pinsan.

"Well, malalaman naman natin yan. Tiyak gusto mo na ring sabihin kay Calex ang tungkol diyan." Napakamot sa batok na saad niya.

Walang pagdadalawang-isip naman na sumagot si Krissy.

"Ofcourse! Kailangan niya akong panagutan. I can't imagine people threw words on me if I'll raise my child alone. Baka makapanakit lang ako ng tao pag nagkataon." Anas ni Krissy while rolling her eyes. Pinakaayaw niya sa lahat ay ang binubully siya. May trauma na siya sa ganitong bagay dahil sa naranasan niya noon.

"That's right couz. But yan ba talaga ang main reason?" Nakangising sambit ni Brenda na para bang may iba pa itong gustong marinig na sagot.

Nagsimula ng maglakad si Krissy habang nakasunod lang sa kanya ang chismosang pinsan.

"Syempre kahit masama ang loob ko kay daddy ayaw ko naman siyang bigyan ng kahihiyan." Dagdag na paliwanag ni Krissy.

"That's it?" Ani Brenda na parang hindi pa rin kumbinsido.

"Yeah that's it! Ano bang gusto mong sabihin ko pa?" Inis na sagot ni Krissy.

"Ni minsan ba hindi ka humanga kay Calex?" Nakahagikhik na usal nito.

Natigilan naman si Krissy. Aaminin niyang napakalakas ng dating ni Calex. Kahit sinong babae mapapalingon sa kakisigan niyang taglay.

Ngunit hindi pa makumpirma ng puso niya kung may espesyal nga ba siyang pagtingin sa lalaki maliban sa namamanhid ang tuhod niya pag kaharap ito.

"Ano namang pumasok diyan sa walang laman mong isip?" Sarkastikong sambit niya.

"Naisip ko lang ang naikwento mo noon. Hindi ba't pangarap mo na mapangasawa ang lalaking mahal mo at mahal ka. So paano yun? Magsasama kayo ni Calex na walang pagmamahalan?" Pahayag ni Brenda and she's right. Kaya niya nga ginawa ang lahat noon para kay Brandon sa kadahilang gusto niyang maikasal sa lalaking kinababaliwan niya, na inakala niyang mahal din siya. Naniniwala kasi siyang if nagmamahalan ang mag-partner ay malabo nilang saktan ang isa't-isa. Na makakabuo sila ng masaya at buong pamilya. Isang pamilyang malayo sa kinalakihan niya.

Ngunit dahil sa mga naranasan niya ay nagbago na ang paniniwala niyang iyon.

"Well, that's before. Pwede ba, wag ka ng masyadong maraming tanong. Umalis nalang tayo." Inis na saad niya sa pinsan. Sakto namang nasa parking area na din sila.

At nang buksan ni Krissy ang pintuan ng sasakyan ay tsaka palang pumasok sa isip niya ang tungkol sa kinaroroonan ni Calex.

"Oh shit! I don't even know his address." Anas ni Krissy at natapik ang kanyang noo.

"Tatawagan ko nalang si Trisha. For sure may alam naman yun."Mungkahi ni Brenda. Tinutukoy nito ang kanyang kaibigan na may manliligaw na racer na kasamahan ni Calex.

Nabuhayan naman ng loob si Krissy. "Infairness couz huh gumana yang utak mo ngayon." Ani Krissy.

Pagkatapos matawagan ni Brenda ang kanyang kaibigan ay muli itong bumaling kay Krissy.

"May bahay at condo si Calex dito sa Cebu pero bihira nalang daw siya nakalagi dahil sa minamanage niyang resort." Paliwanag ni Brenda . Kumunot naman ang noo ni Krissy. Bakas sa mukha nito ang kalituhan.

"Can you tell it clearly? So ano nga? Saan nga natin siya pupuntahan?" Magkasalubong ang kilay na tanong nito.

"Napakamainitin naman ng ulo mo. Ganyan nga siguro talaga pag buntis. Well anyway, sa La Vista resort tayo didiritso." Nakangising sambit nito na animo'y nang-aasar pa.

"Okay fine!" Anas niya at inirapan ito bago binuksan ang sasakyan at nauna na siyang sumakay.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Dhez Rivera
...️...️...️...️...️...️...️...️
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • His Covetous Wife   Kabanata 2

    Habang binabaybay nila ang kahabaan ng daan papuntang La Vista, di mapigilang maalala ni Krissy ang lumipas na kahapon. Tanaw ng kanyang mga mata ang magandang tanawin na kanilang dinaraanan, sinariwa ng kanyang ala-ala ang lahat. Ang dahilan kung bakit lumaki siyang palaban at hindi nagpapatalo.(Flashback)Nasa sala si Krissy at nilalaro ang paborito niyang manika. Nasa walong taong gulang na siya ngunit nabibilang lang sa daliri ang kanyang mga kaibigan dahil napakastrict ng mommy niya. Bihira lang siya makipaglaro sa mga kaedaran niya kaya kadalasan niyang nilalaro ay ang kanyang manika na pinangalanan niyang Monica."Oh ayan you're so pretty na Monica just like me." Puri nito sa hawak na manika pagkatapos mabihisan. Ang ngiting sumilay sa kanyang labi ay biglang naglaho nang masilayan niya ang kanyang ina pababa ng hagdanan ng kanilang mansyon. May dala itong malaking maleta at mga bag na animo'y mag-aabroad gaya ng mga napapanood niya sa telebisyon.Mabilis naman ang naging h

  • His Covetous Wife   Kabanata 3

    Simula ng malaman nila ng kanyang daddy ang tinatagong lihim ng kanyang mommy ay nawalan na rin si Krissy ng pakialam sa ina.Sobrang hirap nang naging adjustment niya sa unang mga araw at linggo. Na dapat masanay siyang hindi na niya ito kailanman mabubungaran sa kanilang mansyon.Nariyang napaaway pa siya sa mga malditang kaklase nang minsang narinig niyang pinagchichismisan ng mga ito ang kanilang pamilya. Sa labis na bugso ng damdamin ay hinila niya ang buhok ng pasimuno nito. Wala siyang pakialam kung masaktan ang chismosang ito. Buti nga sa pisikal lang. Hindi kagaya niyang parang tinutusok ng ilang libong karayom ang kanyang puso. Kay bigat na nga ng kanyang saloobin ay dinagdagan pa nito. Hanggang sa nagkagulo na at naabutan sila ng kanilang guro na nasa ganoong eksena."Hija, dapat hindi mo na pinatulan. Just let them think what they want to think." Pangaral ng daddy niya ng makauwi sila sa mansyon. Kagagaling lang nila sa eskwelahan dahil pinatawag ang kanyang daddy dahil sa

  • His Covetous Wife   Kabanata 4

    "Welcome to La Vista ma'am" Bati ng isang maganda at nakangiting receptionist."A separate room for two please. If you still have an availabe VIP room then prepare two rooms for us." Ani Krissy. She knows that VIP rooms are quite huge ngunit gusto niyang magkanya-kanya na muna sila ni Brenda dahil gusto niya ng peace of mind ngayon. Naiirita na din siya sa kadaldalan ng kanyang pinsan. Talagang inaatake siya ngayon ng kanyang mood swings.Hindi naman nagreact pa si Brenda pagka't alam nito na lalong naging irritable ang ugali ngayon ni Krissy.At buti nalang may natitira pang bakante. After makapagbayad ay sinamahan sila ng isa sa mga staff patungo sa kanilang VIP room."Hey dude, matanong ko lang. Yung may-ari ba nitong resort ay naririto ngayon?" Ani Brenda sa lalaking staff na kasama nila. Nainis si Krissy sa pinsan, talagang hindi na ito makapaghintay at pinapangunahan siya palagi."Ah si Sir Calex po ba ma'am. Yes po ma'am. Pag hindi po siya abala sa race ay dito po siya lumalagi

  • His Covetous Wife   Kabanata 5

    "What the fuck are you doing here!?" Umalingawngaw sa tainga ni Krissy ang galit na tinig ni Calex. Hindi niya naman kasi napaghandaan ang biglang pagsulpot nito kaya hindi niya alam ang isasagot sa lalaki.Mabuti na lamang at naisipan ni Brendang agawin ang atensyon nito."Uhm excuse me, we are your guest here. Nagbabakasyon kami ni Krissy dito. Any problem Mr. Vargas?" Pahayag ni Brenda while faking her smile. Mukhang kinakabahan din ang kanyang pinsan ngunit pinilit nitong maging maayos sa harapan ni Calex. Bumaling ang tingin ni Calex kay Brenda at napailing itong sumagot while crossing his arms."You two nagbabakasyon? I hope so. Pag magkasama kasi kayong dalawa lagi kayong may gagawing hindi maganda. Well, nasa teritoryo ko kayo. So ngayon pa lang I'm giving you a warning or else magkakaproblema tayo!" Prangkang pahayag ni Calex. Natameme si Krissy at Brenda na parang natatamaan sa sinabi ng lalaki.At bago pa ito tumalikod ay muli nitong binalingan ang napaawang na si Krissy

  • His Covetous Wife   Kabanata 6

    Hindi inaasahan ni Krissy ang sumunod na nangyari. After ng malambing na pag-uusap ni Calex at ng girlfriend nito ay bigla na lamang silang natahimik.Natutop niya ang bibig nang mapagtantong parang naglalampungan ang dalawa o baka mas higit pa."Gosh! Of all places dito pa talaga." Nandidiring bulong niya sa sarili. Ni hindi man lang inisip ng dalawa ang possibility na baka may makakita sa kanila lalo na't public place ito."Uhmmm!" Narinig niyang ungol ng babae. Hindi man niya nakikita ay alam niyang nasasarapan ito sa kung anumang romansang ginagawa ni Calex. "Damn it!" Mahinang usal niya. Hindi maipaliwanag ni Krissy kung bakit nakakaramdam siya ng inis at ang malala pa she has no right to intrude. Hindi niya na kayang magtagal sa kinauupuan at saksihan ang kalaswaan ng dalawa kaya't naisipan niyang dahan-dahanin ang pagtayo para makaalis. Ngunit dahil sa medyo may kadiliman sa parteng iyon at dala na rin ng pagmamadali ay hindi napansin ni Krissy ang sanga ng kahoy na nakahara

  • His Covetous Wife   Kabanata 7

    "Her complete name is Venice Alegre Montefalco. Aside from that, wala na akong nakuhang ibang information. Hindi na ako nakipag-usyuso pa sa staff na pinagtanungan ko at baka mapagdudahan pa ako." Pahayag ni Brenda. "Bravo! Thanks couz." Ani Krissy sa mapupungay na mga mata. Ngayon mas madali niya ng maisasagawa ang mga hakbang na gagawin niya.Kasalukuyan silang nasa dining area ngayon ni Brenda para kumain ng breakfast. Kagabi pa lang nang pakiusapan si Brenda ni Krissy na alamin ang kompletong pangalan ng nobya ni Calex ay may kinaibigan agad si Brenda na isang staff ng resort. Buti nalang hindi naman siya nabigo dahil nalaman niya agad ang kinailangang impormasyon ni Krissy.Maya-maya pa'y kinuha ni Krissy sa dala-dala niyang pouch ang kanyang cellphone. Agad niyang dinial ang numero ng taong maaasahan niya sa pag-iimbestiga."Hello Bernard. May kailangan akong ipagawa sayo. I need you to investigate someone's background, everything about this woman. I want it as soon soon as pos

  • His Covetous Wife   Kabanata 8

    "What are you saying!?" Naguguluhang tanong ni Calex. Narinig niya naman ang lahat ngunit tila ba hirap itong magsink-in sa kanyang utak. He wants Brenda to repeat what she was saying. And his heart starts to beat fast. Hindi niya mawari kung bakit napakalakas ng kabog nito."Gosh hindi ka naman siguro bingi Calex." Inis na napaismid si Brenda. Samantalang napuno ng kaba ang dibdib ni Krissy. Siya rin ay nagulat sa biglaang rebelasyon ng kanyang pinsan.Mabilis niyang nahatak ang braso ni Brenda at patakbong humakbang palabas ng opisina ni Calex. Hindi niya na inisip pa kung ano ang naging reaksyon ng lalaki.Nang medyo nakakalayo ay hingal silang panahinto."Shit! Nahihibang ka na ba? Bakit mo ako inunahan? Sasabihin ko naman sa kanya eh but not now. You see kung gaano na kalala yung tensyon na namagitan sa aming dalawa. Wrong timing ka talaga eh!" Sa wakas ay lumabas din sa bibig ni Krissy ang mga katagang ito dahil sa inis niya sa kanyang pinsan. "Masisisi mo ba ako? I can't barel

  • His Covetous Wife   Kabanata 9

    "Babe, pasensiya na. May emergency lang dito sa bahay kaya hindi na muna ako makakabalik diyan ngayon." Pahayag ng nobya ni Calex nang tawagan niya ito. Kanina kasing madaling araw ay nagpahatid ito sa kanya sa sakayan dahil may emergency nga raw ito sa kanilang bahay na di naman masabi ng babae kung ano. Gusto pa nga sana niyang ihatid ang nobya pabalik ng syudad ngunit nagpumilit itong wag nalang kaya wala na ring nagawa pa si Calex.Dismayado siyang napaupo sa kanyang kama. "Babe? are you there?" Anas ng babae nang hindi siya nakasagot kaagad."Oh yeah sorry. It's alright babe. Just call me anytime if makakabalik kana rito. I miss you already." Paglalambing niya rito na halata namang ikinakilig ni Trisha."I miss you too so much. May aasikasuhin lang ako rito then right after pwede muna akong makasama ng matagal diyan." Saad nitong medyo nakapagpagaan ng kalooban ni Calex."Good to hear babe. Mag-iingat ka! I love you. Bye." Ani Calex bago pinutol ang tawag at tuluyang binaba ang h

Pinakabagong kabanata

  • His Covetous Wife   Kabanata 106 (WAKAS)

    Makalipas ang isang buwan.Humahagulhol na nakaharap si Krissy sa isang lapida. Alam niyang huli na para magpatawad ngunit alang alang sa ikapapanatag ng loob niya ay ibibigay niya ito sa babaeng nagdulot ng labis na hinanakit sa kanya."Kung naririnig mo ako ngayon mom. Pinapatawad ko na po kayo. Sana mapatawad niyo rin po ako." Madamdaming usal ni Krissy. Sa loob ng mahabang panahon ay ngayon lamang niya nabisita ang puntod ng kanyang mommy.Lumapit sa kanya si Calex at buong puso siyang niyakap. Tahimik lang ang lalaki bilang respeto sa nagdadalamhating puso ng asawa.At nang matapos si Krissy ay niyakag na rin niya ang babae pauwi."Tara na love, baby CK is waiting for us." Malambing na turan ni Calex."Pwede bang samahan mo ako bukas para dalawin sa kulungan ang kapatid ko love?" Pakiusap ni Krissy sa asawa. Mailap pa si Eliz sa kanya kaya niya sinasanay ang babae sa lagi niyang pagdalaw. Nagbabakasakaling balang araw ay magkaroon din sila ng pagkakaunawaan despite sa mga nangyar

  • His Covetous Wife   Kabanata 105

    "Sino ka ba at anong naging kasalan ko sayo para gawin mo ang kahayupang ito!?" Sigaw ni Krissy sa nakahalukipkip na babae sa kanyang harapan. Maganda ito at may balingkinitang katawan. She looks harmless ngunit nakatago pala ang sungay nito.Hindi paman nito sinasabi ang pangalan ay malakas ang kutob niyang ito ang babaeng tinutukoy ni Philip na si Eliz.Nang mahuli siya ng babae kanina ay agad siyang dinala sa isang tagong kwarto. Ginapos ang kanyang buong katawan habang nakaupo siya sa isang upuan."Well, hindi mo talaga ako makikilala dahil never mo namang naisipan na kilalanin ako! Ni minsan hindi mo naisip na nag-eexist ang isang tulad ko Krissy Parker!" Bulyaw ng babae. Puno ng hinanakit ang bawat katagang binitawan nito.Talagang kahit anong isipin ni Krissy ay hindi niya maalala na nagkrus ang landas nila ng babae."Oh shit! I don't even know you at wala akong maalala na nasaktan kita. For goddamn sake ngayon pa lamang tayo nagkita kaya hindi ko alam kung anong pinaghuhugutan

  • His Covetous Wife   Kabanata 104

    Mabilis na naasikaso ni Calex ang lahat kaya't agad rin silang nakalipad pauwi ng Pilipinas.Si Brenda na ang dumiritso sa mansyon para dalhin ang kanilang mga gamit dahil agad na nakipagkita sina Calex at Krissy kay Philip sa isang exclusive restaurant. Kaligtasan ng kanilang anak ang nakasalalay rito kaya bawat segundo ay mahalaga.Sakto namang pagdating nila ay naghihintay na si Philip sa table number na binanggit nito.Agad na umorder si Krissy ng pagkain para sa kanilang tatlo."Philip, gusto kong malaman kung bakit malakas ang hinala mong si Ms. Eliz Teng ang nagpakidnap sa anak namin." Bukas ni Calex sa paksa.Si Krissy naman ay tahimik lang na nakikinig sa dalawang lalaki."Gusto kong sabihin sa inyo lahat ng nalalaman ko. Sabihin nalang natin na gusto kong bumawi sa kasalanan ko kay Brenda. I love her so much kaya mahalaga na rin sa akin ang mga taong mahalaga sa buhay niya." Salaysay ni Philip."What do you mean?" Naguguluhang tanong ni Krissy."Isa ako sa binayaran ni Eliz

  • His Covetous Wife   Kabanata 103

    Nagbubunyi ngayon si Eliz habang karga karga ang sanggol ng isa sa kanyang mga katulong."Kuwawang bata, nadamay pa sa kawalangyaan ng mommy niya. Kung sana kinilala ako ng mommy mo, hindi ako maghihiganti ng ganito." Usal ng babae habang nakatitig sa napakagwapong sanggol na mahimbing na natutulog.Sa wakas ay napagtagumpayan din ni Wesley ang kanilang plano.Lumapit si Wesley at niyakap nito si Eliz sa beywang sabay halik sa leeg ng babae."Are you happy now my baby?" Masayang usal ni Wesley. Matupad lang niya ang kagustuhan ng babaeng minamahal ay sobra na siyang kontento.Humarap si Eliz sa lalaki at sinagot ito ng isang mapusok na halik sa mga labi. "Sobra mo akong pinasaya babe! Kaya ngayon may premyo ka sa'kin." Bulalas ng babae matapos maghiwalay ang kanilang mga labi.Inakay niya si Wesley patungo sa kwarto at doon isinagawa niya ang premyong ibinigay para sa lalaki. At yun ay ang muling ipaubaya ang sarili sa lalaki."Sayong- sayo ako ngayon babe!" Mapanuksong usal ni Eliz

  • His Covetous Wife   Kabanata 102

    Nagdaan ang mga araw na puro saya na lamang ang nararamdam nina Krissy at Calex sa kanilang mga puso. Ang kulang nalang talaga ay si baby CK. At araw nalang din ang kanilang bibilangin para tuluyan nila itong makasama at magiging buo na rin sila.Samantala, sa kabilang dako naman ay abalang abala si Wesley sa kilos na gagawin ng mga utusan niya. Ngayong araw nakatakda nilang gawin ang nakasaad na plano ni Eliz.Nakakabit ang malilit na hearing aid sa kani-kanilang tainga para sa maayos na komunikasyon at monitoring sa kilos ng bawat isa.Kasalukuyang nasa tinutuluyang apartment si Wesley dahil dito nila plinano ang mga hakbang na gagawin nila.At nang matapos ang kanilang pagpupulong ay pinaalis na rin ni Wesley ang kanyang mga utusan. Kailangang makapwesto na ang mga ito para hindi pumapalpak pagdating ng oras.Nakahanda na rin ang private airplane na gagamitin niya sa pagtakas dala ang sanggol.Yun talaga ang pinakaplano ni Eliz, kunin ang anak ni Krissy at ilayo ito! Alam ni Eliz

  • His Covetous Wife   Kabanata 101

    Nagkakatuwaan sa pag-uusap sina Calex, Krissy at Brenda nang maabutan nina Jaxon at Aries sa loob."Wow ang saya ah! May party ba?" Bungad ni Jaxon habang nakahawak sa braso ni Aries.Nagagalak na binati ang dalawa nina Krissy at Calex. Samantalang si Brenda ay hindi maialis ang mga mata nito sa nakapulot na kamay ni Jaxon.Bakas ang gulat sa echuserang tingin nito. Wala naman kasing itong alam tungkol sa tunay na pagkatao ni Jaxon."Ui teka Jaxon, ano yan?" Di mapigilang puna ni Brenda sabay turo nito sa kamay ni Jaxon na nakapulupot sa braso ni Aries.Napahalakhak naman si Jaxon. Ramdam niya kasing hindi makapaniwala si Brenda sa nakikita nito."Bakit bawal bang maglambing sa BOYFRIEND ko?" Confident na sagot ni Jaxon na talagang diniinan pa ang salitang boyfriend. Ngayong nagkaaminan na sila ni Aries ay wala ng makakapigil pa sa pagmamahalan nila. Malaya na nilang ipangalandakan sa ibang tao at sa buong mundo kung ano talaga sila at never nilang ikakahiya ito."What!?? Boyfriend!?

  • His Covetous Wife   Kabanata 100

    "Kristela mahal na mahal kita, sana naman wag ka ng gumawa ng dahilan para ipagtabuyan pa ako sa buhay mo." Nagsusumamong pakiusap ni Calex."Sa tingin mo ba ganoon lang kadaling hayaan kang makabalik sa buhay ko? Sa buhay namin ng anak ko? Sobra mo akong sinaktan Calex! At hindi ko alam kung kaya pa kitang pagkatiwalaan ulit." Nasasaktang tugon ni Krissy."Kulang pa ba itong ginagawa ko para mapatawad mo ako? Dahil kung oo, hindi ako magsasawang suyuin ka oras-oras hanggang sa bigyan mo ulit ako ng chance." Emosyonal at buong pusong salaysay ni Calex. Kulang nalang umiyak ang lalaki sa harapan niya.Umiling si Krissy, senyales na labis pang naguguluhan ang kanyang isip."Hindi ko pa alam Calex. Bigyan mo muna ako ng panahong makapag-isip ng maayos. Just leave!" Ma-autoridad na tugon ni Krissy sabay hawak sa sumasakit niyang sintido. Nagtatalo kasi ang isip at puso niya"Aalis ako ngayon at bibigyan kita ng panahong makapag-isip ng maayos. Pero bago ko gagawin yun, gusto ko munang mal

  • His Covetous Wife   Kabanata 99

    "So what do you want to eat for dinner girls? Sagot ko na. Celebration man lang natin dahil malapit ng makalabas si baby sa NICU." Masayang turan ni Wesley. Abot tainga naman ang ngiti ni Krissy nang kumpirmahin ito ng doktor kanina. Isang linggo nalang ang hihintayin niya at sa wakas ay makakalabas na ng NICU ang kanyang anak. At kapag nangyari yun, makakauwi na rin sila ng Pilipinas matapos ang mahigit dalawang buwan na pamamalagi nila rito."Anything you want. Kayo na ni Brenda ang bahala." Tugon ni Krissy."Naku! Kung wala lang tayo sa ospital hindi lang pagkain ang oorderin ko eh. Tiyak pati inuman din. Magwawalwal ako kasi finally, makakasama ko na rin ang baby Philip ko. Miss na miss ko na kasi talaga siya." Ani Brenda na hindi napigilan ang kilig na nararamdaman, na kinurap-kurap pa nito ang mga mata na parang nagday-dreaming.Napailing na lamang si Krissy. Iba talaga ang tama ng babae sa nobyo nito."Drama mo Bren ha!" Nakangising turan ni Wesley."Bakit? Hindi mo ba narana

  • His Covetous Wife   Kabanata 98

    "Well, seems like mukhang malabo na magkaayos ang dalawa babe." Balita ng nobyo ni Eliz sa kabilang linya. Na walang ibang tinutukoy kundi ang mag-asawang Calex at Krissy."Magandang balita yan babe. Sana tuluyan ng magkahiwalay ang dalawang iyan." Natutuwang usal ni Eliz. Ikakatuwa niya kasi talagang makita na nahihirapan at nasasaktan si Krissy."Hayaan mo babe, susulsulan ko pa si Krissy para mas lamunin ng galit." Nakabungisngis na pahayag ng lalaki. Mabuti na lang at kasundong kasundo ni Eliz ang kanyang kasintahan, na nasasakyan nito lahat ng masamang plano niya. Actually, nahawa na ang lalaki sa budhing meron siya. Dahil sa nakwento niyang hirap na kanyang pinagdaanan magmula paslit pa lamang siya ay wala na ring ibang hangad ang lalaki kundi ang samahan siyang makamit ang paghihiganting nais ng kanyang puso."Go on babe, that's right! Ikaw nalang talaga ang maasahan ko diyan. Anyway, sa bata anong balita?" Segundang tanong ni Eliz. Hindi na siya makapaghintay, pati araw ay bi

DMCA.com Protection Status