"What the fuck are you doing here!?"
Umalingawngaw sa tainga ni Krissy ang galit na tinig ni Calex. Hindi niya naman kasi napaghandaan ang biglang pagsulpot nito kaya hindi niya alam ang isasagot sa lalaki.Mabuti na lamang at naisipan ni Brendang agawin ang atensyon nito."Uhm excuse me, we are your guest here. Nagbabakasyon kami ni Krissy dito. Any problem Mr. Vargas?" Pahayag ni Brenda while faking her smile. Mukhang kinakabahan din ang kanyang pinsan ngunit pinilit nitong maging maayos sa harapan ni Calex.Bumaling ang tingin ni Calex kay Brenda at napailing itong sumagot while crossing his arms."You two nagbabakasyon? I hope so. Pag magkasama kasi kayong dalawa lagi kayong may gagawing hindi maganda. Well, nasa teritoryo ko kayo. So ngayon pa lang I'm giving you a warning or else magkakaproblema tayo!" Prangkang pahayag ni Calex. Natameme si Krissy at Brenda na parang natatamaan sa sinabi ng lalaki.At bago pa ito tumalikod ay muli nitong binalingan ang napaawang na si Krissy at sarkastikong ngumiti."Enjoy your stay here my dearest guests!" Diin niyang pagkakasabi bago tuluyang tinalikuran ang dalawa.Napakuyom ang kamao ni Krissy. Hindi niya mawari kung bakit nawawalan siya ng lakas pag kaharap ang lalaki. Na sa isang titig pa lang ni Calex ay para na siyang kandilang tunaw."Jusmeyo! Paano mo ipagtatapat sa epokritong lalaki na yun ang kalagayan mo couz? Wala pa nga tayong ginagawa binubugahan na tayo ng apoy. Napaka advance niya mag-isip at napakajudgmental pa." Napailing na pagmamaktol ni Brenda habang naglalakad sila pabalik sa kani-kanilang kwarto.Malalim ang pinakawalang buntong-hininga ni Krissy. Sa totoo lang hindi niya alam ang sagot sa tanong ni Brenda. Totoo naman kasi na lagi nalang galit si Calex pag kaharap siya. Ni minsan, never niya naramdaman ang kabaitan nito sa kanya."Couz sorry to say this but pwede mo namang ituloy ang pagbubuntis mo without that jerk! Look at him! Do you think matatanggap ka niya at ang baby niyo?" Prangkang tanong ni Brenda. Sa tono ng kanyang pananalita ay bakas ang pag-aalala nito sa kanyang pinsan.May ponto din naman ito. Actually kayang-kaya niya naman buhayin ang anak niya without the help of anyone. She can travel abroad at pwedeng doon na rin manganak at manatili as long as she wants. Ngunit iniisip niya rin ang kanyang daddy Henry. Kahit masama ang loob niya sa ama ay ayaw niya namang iwanan ito mag-isa dito sa Pilipinas.Isa pa, she's rich and famous kaya kahit siguro anong tago at lihim niya lalabas din ang katotohanan dahil sa echuserang medya. Ano nalang kaya ang masasabi ng lahat lalo na ang kanyang daddy pag haharap siyang mag-isa, na walang ama ang pinagbubuntis niya. Tiyak pagpipiyestahan at magugulo ang kanilang buhay.At ang pinakadahilan rin ay ayaw niya ngang lumaki ang kanyang anak na walang kinikilalang ama.Kaya kung hindi man papayag si Calex sa kagustuhan niya ay mapipilitan siyang gumawa ng maraming paraan just to force him."Buo na ang desisyon ko." Tipid na sagot niya habang nakatingin ang mga mata sa liwanag ng buwan. Kasalukuyang nakaupo ang dalawa sa isang bench sa labas ng VIP rooms.Napailing na lamang si Brenda. "So, what's the plan after mo sabihin sa kanya? Getting married?" Sarkastikong tanong nito.Natigilan si Krissy pagka't alam niyang doon rin papunta ang kanyang plano, ang maikasal sila ni Calex as soon as possible bago lumubo ang kanyang tiyan."Yeah" Mahinang sambit niya at natutop ni Brenda ang kanyang bibig sa pagkabigla."What!? This is crazy! Iniisip mo pa talaga ang possibility na papakasalan ka niya? Kahit anong yaman at ganda mo that man hated you so much! Maghihintay ka nalang siguro ng himala para mangyari yun." Pahayag ni Brenda sa nagpupuyos na damdamin. Halatang hindi ito sang-ayon sa kanyang plano. But for her, it's the best thing to do."Himala? Walang himala coz I am Krissy Parker and I can do impossible things couz." Kampante niyang sagot. Marami na siyang naiisip na mga hakbang na gagawin incase hindi pumayag si Calex. Ika nga sa kasabihan, kung hindi madadaan sa santong dasalan. Dadaanin nalang sa santong paspasan."Nasabi mo na yan noong naagaw si Brandon ng iba. Pero wala ka rin namang ginawa nung pagbantaan ka ni Calex hindi ba?" Prangkang bulalas ni Brenda.Actually, marami pa sana siyang kayang gawin para tuluyang masira si Brandon at ang babaeng mang-aagaw na si Meghan. Sadyang nasindak lang talaga siya sa mga banta ni Calex sa kanya noon kaya siya tumigil."Shut up bitch! I admit na pumalpak ako kay Brandon. But sa tingin mo hahayaan ko nalang na maulit iyon ngayon? Ofcourse not! lalo na ngayong may baby ako na kailangang ipaglaban." Inis na anas niya. And she meant everything she said. Hindi naipaglaban ng kanyang daddy Henry ang kanyang mommy Elisa noon kaya hindi niya hahayaang maulit ang pangyayaring iyon sa anak niya. Although magkaiba sila ng case but still magkatulad lang ang result, a broken family. At kapag hindi siya kumilos mangyayari ang pinakakinatatakutan niya."But marriage must involve love. Nabanggit mo sa akin noon that you want to marry the man you truly love. But why on a sudden na nag-iba na naman ang ihip ng hangin diyan sa utak mo? Not unless you like him! Don't you?" Makahulugang turan ni Brenda.Napaismid bigla si Krissy sa sinabi nito. Love? Never pumasok sa isip niya ang possibility na iyon. Aaminin niyang Calex is so damn hot and attractive at kahit sinong babae papangarapin ang isang kagaya niya. But not on her case, though may nangyari sa kanila out of their control ay ni minsan hindi niya pinagpantasyahan ang lalaki sa kanyang isipan. Although she can't deny of appreciating his gorgeousness but not to the extent of fantasizing him.Katunayan, she's on the stage of moving on dahil hanggang ngayon hindi pa rin nabubura ng tuluyan si Brandon sa puso niya. Kung hindi lang dahil sa bata sa kanyang sinapupunan ay hindi niya maiisipang lapitan muli ang lalaking ubod ng sungit na si Calex."Silence means yes!" Muling anas ni Brenda nang hindi niya nasagot ang tanong nito."Ofcourse not! Pinaliwanag ko na sayo ang reasons ko. Is it hard to understand? You knew what I've been through when I was young and I don't want my child to experience the same." Madamdaming sagot niya. Pag nahahalungkat kasi ang nakaraan niya ay nakakaramdam siya ng kirot sa puso."Whatever couz. Basta ako against ako diyan sa binabalak mo. But if yun ang gusto mo then I have no choice but to support you. I'm at your back." Tugon ni Brenda.Kahit papaano ay malaking tulong na nakakasama niya ito. Kung tutuusin sa napakarami niyang pinagdaanan ay hindi siya nito iniwan. Katunayan siya rin ang dahilan kung bakit naghiwalay ito at ang nobyong si Greg. Dahil sa pagsama sa kanya ni Brenda dito sa Cebu ay nawalan na ito ng oras sa dating nobyo na siyang naging dahilan para maghanap si Greg ng ibang babae."Thanks couz." Buong puso niyang turan and Brenda hugged her tightly."Enough for this emotional scene of ours. Why don't we explore this beautiful place instead? Let's go!?" Aya nito at kumalas ito ng pagkakayakap sa kanya at nauna ng tumayo.Nagustuhan niya naman ang suhestiyon ng pinsan. Wala siyang mapapala sa pagmumukmok ngayon lalo na at naghihintay nalang siya ng tamang tiyempo para sabihin kay Calex ang kalagayan niya."Sounds good. I'll just wear my jacket." Ani Krissy at nagmamadaling pumasok sa kanyang kwarto para kunin ang dala niyang white hooded jacket at isinuot iyon. Napakalamig na kasi ng hangin sa labas and she's feeling cold.Habang nagsimula na silang maglakad sa dalampasigan ay paikot-ikot pa si Brenda na parang prinsesa sa isla."Grabe! This is so fascinating. One of the best tourist destination na napuntahan ko." Brenda screamed in appreciation.She agreed dahil totoong nakakamangha ang ganda ng lugar. May mga torch sa paligid to lighten the place na siyang lalong nakadagdag atraksyon dito. Well, It's very obvious naman that Calex handle this resort so well.Nakasunod lamang siya kay Brenda habang feel na feel nito ang ginagawa na parang bata.Marami ang turista rito ngayon, feeling niya mas dumami ito kahit gabi compared kanina."Couz, let's join them!" Excited na hiyaw ni Brenda habang nakaturo ang daliri nito sa kumpulan ng mga turistang nagsasayaw sa liwanag na gawa ng bonfire.Seems everyone is enjoying! Gustuhin niya mang makisali ay tila ba naiisip niyang hindi siya bagay roon pagka't ang lahat ng naroroon ay nakasuot ng swimwear habang siya'y nakajacket."Go ahead, join them. Maglalakad-lakad lang ako." Sambit niya kay Brenda. Her cousin is a party-goer at bet na bet nito ang mga ganitong event kaya't ayaw niya itong pigilan."Are you sure? Sigurado ka bang ayos ka lang maglalakad-lakad mag-isa?" Concern na tanong nito ngunit makikita sa mga mata nitong atat na itong makiparty."Yeah ofcourse. I'm fine, perhaps there are people everywhere. I'm sure safe dito." Pahayag ni Krissy and Brenda's eyes widened in an excitement.Sa isang iglap lang ay mabilis nitong nahubad ang suot na dress. Tumambad kay Krissy ang suot nitong red bikini. Talagang nakahanda na pala ang bruha. Kumindat pa ito sa kanya bago tuluyang tumakbo patungo sa bonfire party.Naiwan siyang napailing. Nagsimula na rin maglakad-lakad si Krissy while thinking that if only she's not pregnant baka nakisaya na rin siya sa party at nilunod ang sarili sa alak. But things are different now, na pati ang kanyang isip ay nagbago na rin. Hindi niya alam if it's what they called maturity or just a Pregnancy Mood Swings.Sa kalaliman ng kanyang pag-iisip ay hindi alintana ni Krissy na nakakalayo na pala siya. But eventually, ay mas gusto niya dahil she wanted a peaceful surroundings.She sat on a huge rock habang dinarama ang malamig na dampi ng hangin sa kanyang balat. Tanaw niya ang bilog at maliwanag na buwan. Tanging tunog ng mga kuligkig at hampas ng alon lamang ang kanyang naririnig. Somehow, nakaramdam siya ng kapayapaan sa kanyang puso at isip. This is the best thing she needs now.Ngunit, naabala ang kanyang pagmumuni-muni nang makarinig siya ng tawanan at hagikhikan papunta sa kanyang direksyon. Tanging buwan lamang ang nagbibigay liwanag kaya't hindi niya agad naaninag ang mga ito.Habang papalapit ng papalapit naman ang mga ito ay unti-unti niyang nakilala ang boses nito na galing sa isang lalaki at isang babae. Seems like a couple na naghaharutan.But suddenly, napatayo si Krissy sa kinauupuan nang tuluyang makilala ang nagmamay-ari ng boses ng lalaki, It's Calex!Nakaramdam siya bigla ng kabog sa dibdib sa hindi niya maipaliwanag na dahilan. Tikom ang kanyang bibig habang marahang lumipat ng pwesto. Hindi niya alam kung bakit gusto niyang pakinggan ang pag-uusap ng dalawa.Hindi naman siya nabigo pagka't huminto din ang dalawa at umupo sa batong una niyang pinuwestuhan. Rinig na rinig niya at klarong-klaro sa kanyang tainga ang usapan ng mga ito."I'm so lucky to have you babe! I mean I'm the luckiest one." Paglalambing ng babae na sa tingin niya ay nobya ni Calex. Mukhang ito yung nakita nila ni Brenda na kakwentuhan ni Calex kanina sa dining area."Me too babe. After my heartbreak ay hindi ko aakalaing magmamahal ulit ako ng ganito." Puno ng pagmamahal naman na sagot ni Calex at hindi alam ni Krissy kung bakit nakaramdam siya ng pag-iinit sa kanyang dibdib. Tila ba napakabilis nito nakahanap ng karelasyon gayung ilang buwan palang since naikasal si Brandon at Meghan. Nakamove-on agad si Calex samantalang siya ay nagmomove-on pa nga lang ay may panibahong susuungin na naman."And I love you too so much babe." Anas ng babae. Napapikit nalang si Krissy, naiinis siya sa malamyang tinig nito. Na kung sana may karapatan lang siya ay baka sinabunutan niya agad ang maarteng babae."And I will do everything babe para sa future nating dalawa. I'll promise that to you. Konting panahon nalang and you are legally mine." Natutop ni Krissy ang bibig sa pahayag na ito ni Calex. If tama nga ang kanyang pagkakaintindi, gusto nang lumagay ni Calex sa tahimik kasama ang nobya nito sa lalong madaling panahon.Nagsimula ng mag-unahan sa pag-ulos ang naghuhumerentado niyang puso.Tiim bagang na napapikit si Krissy. Hindi siya makakapayag na mangyari ito. Paano nalang ang magiging anak nila!? Paano nalang ang kapakanan niya!?"I will never let that to happen!" Mariing bulong niya sa sarili.Hindi inaasahan ni Krissy ang sumunod na nangyari. After ng malambing na pag-uusap ni Calex at ng girlfriend nito ay bigla na lamang silang natahimik.Natutop niya ang bibig nang mapagtantong parang naglalampungan ang dalawa o baka mas higit pa."Gosh! Of all places dito pa talaga." Nandidiring bulong niya sa sarili. Ni hindi man lang inisip ng dalawa ang possibility na baka may makakita sa kanila lalo na't public place ito."Uhmmm!" Narinig niyang ungol ng babae. Hindi man niya nakikita ay alam niyang nasasarapan ito sa kung anumang romansang ginagawa ni Calex. "Damn it!" Mahinang usal niya. Hindi maipaliwanag ni Krissy kung bakit nakakaramdam siya ng inis at ang malala pa she has no right to intrude. Hindi niya na kayang magtagal sa kinauupuan at saksihan ang kalaswaan ng dalawa kaya't naisipan niyang dahan-dahanin ang pagtayo para makaalis. Ngunit dahil sa medyo may kadiliman sa parteng iyon at dala na rin ng pagmamadali ay hindi napansin ni Krissy ang sanga ng kahoy na nakahara
"Her complete name is Venice Alegre Montefalco. Aside from that, wala na akong nakuhang ibang information. Hindi na ako nakipag-usyuso pa sa staff na pinagtanungan ko at baka mapagdudahan pa ako." Pahayag ni Brenda. "Bravo! Thanks couz." Ani Krissy sa mapupungay na mga mata. Ngayon mas madali niya ng maisasagawa ang mga hakbang na gagawin niya.Kasalukuyan silang nasa dining area ngayon ni Brenda para kumain ng breakfast. Kagabi pa lang nang pakiusapan si Brenda ni Krissy na alamin ang kompletong pangalan ng nobya ni Calex ay may kinaibigan agad si Brenda na isang staff ng resort. Buti nalang hindi naman siya nabigo dahil nalaman niya agad ang kinailangang impormasyon ni Krissy.Maya-maya pa'y kinuha ni Krissy sa dala-dala niyang pouch ang kanyang cellphone. Agad niyang dinial ang numero ng taong maaasahan niya sa pag-iimbestiga."Hello Bernard. May kailangan akong ipagawa sayo. I need you to investigate someone's background, everything about this woman. I want it as soon soon as pos
"What are you saying!?" Naguguluhang tanong ni Calex. Narinig niya naman ang lahat ngunit tila ba hirap itong magsink-in sa kanyang utak. He wants Brenda to repeat what she was saying. And his heart starts to beat fast. Hindi niya mawari kung bakit napakalakas ng kabog nito."Gosh hindi ka naman siguro bingi Calex." Inis na napaismid si Brenda. Samantalang napuno ng kaba ang dibdib ni Krissy. Siya rin ay nagulat sa biglaang rebelasyon ng kanyang pinsan.Mabilis niyang nahatak ang braso ni Brenda at patakbong humakbang palabas ng opisina ni Calex. Hindi niya na inisip pa kung ano ang naging reaksyon ng lalaki.Nang medyo nakakalayo ay hingal silang panahinto."Shit! Nahihibang ka na ba? Bakit mo ako inunahan? Sasabihin ko naman sa kanya eh but not now. You see kung gaano na kalala yung tensyon na namagitan sa aming dalawa. Wrong timing ka talaga eh!" Sa wakas ay lumabas din sa bibig ni Krissy ang mga katagang ito dahil sa inis niya sa kanyang pinsan. "Masisisi mo ba ako? I can't barel
"Babe, pasensiya na. May emergency lang dito sa bahay kaya hindi na muna ako makakabalik diyan ngayon." Pahayag ng nobya ni Calex nang tawagan niya ito. Kanina kasing madaling araw ay nagpahatid ito sa kanya sa sakayan dahil may emergency nga raw ito sa kanilang bahay na di naman masabi ng babae kung ano. Gusto pa nga sana niyang ihatid ang nobya pabalik ng syudad ngunit nagpumilit itong wag nalang kaya wala na ring nagawa pa si Calex.Dismayado siyang napaupo sa kanyang kama. "Babe? are you there?" Anas ng babae nang hindi siya nakasagot kaagad."Oh yeah sorry. It's alright babe. Just call me anytime if makakabalik kana rito. I miss you already." Paglalambing niya rito na halata namang ikinakilig ni Trisha."I miss you too so much. May aasikasuhin lang ako rito then right after pwede muna akong makasama ng matagal diyan." Saad nitong medyo nakapagpagaan ng kalooban ni Calex."Good to hear babe. Mag-iingat ka! I love you. Bye." Ani Calex bago pinutol ang tawag at tuluyang binaba ang h
"Hoy mayabang na lalaki! Hindi mo na kami kailangang pagsabihan dahil balak naman talaga naming umalis bukas." Sigaw ni Brenda sa papalayong si Calex. Sumunod kasi siya kay Krissy kaya't narinig niya ang huling sinabi ng lalaki.Ngunit patuloy lang si Calex sa paghakbang palayo na parang deadma lang sa kanya ang sinabi ni Brenda kahit na halatang narinig niya naman ito."Tama na couz. Baka gawan na naman tayo ng issue na nanggugulo tayo." Awat ni Krissy sa nanggagalaiti niyang pinsan."Napakayabang! Aba namumuro na yang Calex na yan hah! Ang kapal ng mukhang ipagtabuyan tayo dito sa resort niya eh nagbabayad naman tayo, VIP rooms pa." Pagmamaktol ni Brenda.Hindi pa rin kumikibo si Krissy. Tagos sa puso kasi yung sakit ng salitang binitawan sa kanya ni Calex. Pinapaalis sila sa resort na para bang mga kriminal na may masamang gagawin anytime."Bakit ba kasi nagpapatalo ka sa lalaking yun? Gosh! Ibang-iba kana talaga sa Krissy na kilala kong palaban couz." Anas ni Brenda habang nakasun
Pagkatapos magpakawala ni Krissy ng isang malakas na sampal ay walang sabi-sabing sinarado niya kaagad ang pintuan ng kanyang kwarto. Wala siyang pakialam kung ano pa ang naging reaksyon ni Calex o kung nababastusan ito sa ginawa niya.Nag-aalburuto na kasi ang kanyang damdamin sa magkahalong emosyon na galit at sakit kaya't hindi na siya nakapagtimpi pa.Galit siya kay Calex dahil sa pang-aakusa nito na para bang kay baba niya bilang isang babae. She's rich and classy yet hinuhusgahan siya nitong kaladkarin.Nasasaktan din siya dahil kapag kaharap niya ang lalaki ay hindi manlang niya magawang ipagtanggol ang kanyang sarili. Bagay na madali niyang nagagawa sa ibang tao ngunit hindi sa mapanghusgang si Calex.Pumatak ang maliit na butil sa kanyang mga mata habang sapo ng kanyang dalawang kamay ang maliit na umbok sa kanyang sinapupunan. She started to get emotional kapag naiisip niya ang magiging anak niya. Kung paano maaapektuhan ang bata dahil sa masamang pakikitungo ng ama nito sa
"Siyangapala ma'am, tingnan niyo po ito." Ani Bernard at binigay kay Krissy ang kanyang cellphone.Lalong nagulat si Krissy nang makita sa albums ng cellphone ni Bernard ang mga kuhang larawan. May kasamang ibang lalaki si Trisha and they looked so happy together.At lalong naningkit ang kanyang mga mata nang sa huling kuha ay naghalikan pa sa labi ang dalawa."Disgusting bitch!" Inis na usal niya sa sarili. Hindi siya makapaniwalang pinatulan ni Calex ang babaeng ito na halata namang walang class at cheap. Nagpauto pa siya sa hitsura nitong mukhang mahinhin at mabait pero may tinatagong kalandian pala sa katawan. Kaya pala hindi niya feel ang babae dahil ramdam niya ang kaplastikan ng awra nito."Paano nasisikmura ng babaeng ito mag two-timer? Akala niya naman ikinaganda niya. Mas lalo siyang nagmukhang cheap! Pakisend nalang ng pictures na iyan sa akin Bernard." Napailing sa pagkadismaya si Krissy at binalik kay Bernard ang cellphone nito. Gusto niya ring ipakita kay Brenda ang mga
Ano couz ganito na naman tayo buong araw? Kailan ba tayo babalik ng Manila? I'm so bored na." Pagmamaktol ni Brenda. Ilang araw na rin kasi silang nagstay sa hotel at walang ginagawa. Hindi pa naman ito sanay na hindi naglalakwatsa."I told you pwede ka namang gumala mag-isa. You can go shopping, magpasalon o di kaya mauna ka nalang sa'kin pabalik ng Manila. Hinihintay ko pa kasi ang update galing kay Bernard." Salaysay ni Krissy sa nababagot na pinsan. Umupo ito sa couch katabi niya na inabala ang sarili sa panonood ng movie."Iiwanan talaga kita mag-isa gayung maselan nga yang pagbubuntis mo? Eh kung may mangyaring hindi maganda sayo edi konsensya ko pa?" Nakairap na saad nito na halata namang concern sa kalagayan ni Krissy."Kaya ko na yung sarili ko noh. What do you think of me? Weak? Keysa naman palagi ka nalang nagmamaktol diyan. You're so annoying na kaya." Nakataas na kilay na pahayag ni Krissy. Minsan naiirita na rin siya sa pagrereklamo ni Brenda."Naman kasi eh. Tapatin mo
Makalipas ang isang buwan.Humahagulhol na nakaharap si Krissy sa isang lapida. Alam niyang huli na para magpatawad ngunit alang alang sa ikapapanatag ng loob niya ay ibibigay niya ito sa babaeng nagdulot ng labis na hinanakit sa kanya."Kung naririnig mo ako ngayon mom. Pinapatawad ko na po kayo. Sana mapatawad niyo rin po ako." Madamdaming usal ni Krissy. Sa loob ng mahabang panahon ay ngayon lamang niya nabisita ang puntod ng kanyang mommy.Lumapit sa kanya si Calex at buong puso siyang niyakap. Tahimik lang ang lalaki bilang respeto sa nagdadalamhating puso ng asawa.At nang matapos si Krissy ay niyakag na rin niya ang babae pauwi."Tara na love, baby CK is waiting for us." Malambing na turan ni Calex."Pwede bang samahan mo ako bukas para dalawin sa kulungan ang kapatid ko love?" Pakiusap ni Krissy sa asawa. Mailap pa si Eliz sa kanya kaya niya sinasanay ang babae sa lagi niyang pagdalaw. Nagbabakasakaling balang araw ay magkaroon din sila ng pagkakaunawaan despite sa mga nangyar
"Sino ka ba at anong naging kasalan ko sayo para gawin mo ang kahayupang ito!?" Sigaw ni Krissy sa nakahalukipkip na babae sa kanyang harapan. Maganda ito at may balingkinitang katawan. She looks harmless ngunit nakatago pala ang sungay nito.Hindi paman nito sinasabi ang pangalan ay malakas ang kutob niyang ito ang babaeng tinutukoy ni Philip na si Eliz.Nang mahuli siya ng babae kanina ay agad siyang dinala sa isang tagong kwarto. Ginapos ang kanyang buong katawan habang nakaupo siya sa isang upuan."Well, hindi mo talaga ako makikilala dahil never mo namang naisipan na kilalanin ako! Ni minsan hindi mo naisip na nag-eexist ang isang tulad ko Krissy Parker!" Bulyaw ng babae. Puno ng hinanakit ang bawat katagang binitawan nito.Talagang kahit anong isipin ni Krissy ay hindi niya maalala na nagkrus ang landas nila ng babae."Oh shit! I don't even know you at wala akong maalala na nasaktan kita. For goddamn sake ngayon pa lamang tayo nagkita kaya hindi ko alam kung anong pinaghuhugutan
Mabilis na naasikaso ni Calex ang lahat kaya't agad rin silang nakalipad pauwi ng Pilipinas.Si Brenda na ang dumiritso sa mansyon para dalhin ang kanilang mga gamit dahil agad na nakipagkita sina Calex at Krissy kay Philip sa isang exclusive restaurant. Kaligtasan ng kanilang anak ang nakasalalay rito kaya bawat segundo ay mahalaga.Sakto namang pagdating nila ay naghihintay na si Philip sa table number na binanggit nito.Agad na umorder si Krissy ng pagkain para sa kanilang tatlo."Philip, gusto kong malaman kung bakit malakas ang hinala mong si Ms. Eliz Teng ang nagpakidnap sa anak namin." Bukas ni Calex sa paksa.Si Krissy naman ay tahimik lang na nakikinig sa dalawang lalaki."Gusto kong sabihin sa inyo lahat ng nalalaman ko. Sabihin nalang natin na gusto kong bumawi sa kasalanan ko kay Brenda. I love her so much kaya mahalaga na rin sa akin ang mga taong mahalaga sa buhay niya." Salaysay ni Philip."What do you mean?" Naguguluhang tanong ni Krissy."Isa ako sa binayaran ni Eliz
Nagbubunyi ngayon si Eliz habang karga karga ang sanggol ng isa sa kanyang mga katulong."Kuwawang bata, nadamay pa sa kawalangyaan ng mommy niya. Kung sana kinilala ako ng mommy mo, hindi ako maghihiganti ng ganito." Usal ng babae habang nakatitig sa napakagwapong sanggol na mahimbing na natutulog.Sa wakas ay napagtagumpayan din ni Wesley ang kanilang plano.Lumapit si Wesley at niyakap nito si Eliz sa beywang sabay halik sa leeg ng babae."Are you happy now my baby?" Masayang usal ni Wesley. Matupad lang niya ang kagustuhan ng babaeng minamahal ay sobra na siyang kontento.Humarap si Eliz sa lalaki at sinagot ito ng isang mapusok na halik sa mga labi. "Sobra mo akong pinasaya babe! Kaya ngayon may premyo ka sa'kin." Bulalas ng babae matapos maghiwalay ang kanilang mga labi.Inakay niya si Wesley patungo sa kwarto at doon isinagawa niya ang premyong ibinigay para sa lalaki. At yun ay ang muling ipaubaya ang sarili sa lalaki."Sayong- sayo ako ngayon babe!" Mapanuksong usal ni Eliz
Nagdaan ang mga araw na puro saya na lamang ang nararamdam nina Krissy at Calex sa kanilang mga puso. Ang kulang nalang talaga ay si baby CK. At araw nalang din ang kanilang bibilangin para tuluyan nila itong makasama at magiging buo na rin sila.Samantala, sa kabilang dako naman ay abalang abala si Wesley sa kilos na gagawin ng mga utusan niya. Ngayong araw nakatakda nilang gawin ang nakasaad na plano ni Eliz.Nakakabit ang malilit na hearing aid sa kani-kanilang tainga para sa maayos na komunikasyon at monitoring sa kilos ng bawat isa.Kasalukuyang nasa tinutuluyang apartment si Wesley dahil dito nila plinano ang mga hakbang na gagawin nila.At nang matapos ang kanilang pagpupulong ay pinaalis na rin ni Wesley ang kanyang mga utusan. Kailangang makapwesto na ang mga ito para hindi pumapalpak pagdating ng oras.Nakahanda na rin ang private airplane na gagamitin niya sa pagtakas dala ang sanggol.Yun talaga ang pinakaplano ni Eliz, kunin ang anak ni Krissy at ilayo ito! Alam ni Eliz
Nagkakatuwaan sa pag-uusap sina Calex, Krissy at Brenda nang maabutan nina Jaxon at Aries sa loob."Wow ang saya ah! May party ba?" Bungad ni Jaxon habang nakahawak sa braso ni Aries.Nagagalak na binati ang dalawa nina Krissy at Calex. Samantalang si Brenda ay hindi maialis ang mga mata nito sa nakapulot na kamay ni Jaxon.Bakas ang gulat sa echuserang tingin nito. Wala naman kasing itong alam tungkol sa tunay na pagkatao ni Jaxon."Ui teka Jaxon, ano yan?" Di mapigilang puna ni Brenda sabay turo nito sa kamay ni Jaxon na nakapulupot sa braso ni Aries.Napahalakhak naman si Jaxon. Ramdam niya kasing hindi makapaniwala si Brenda sa nakikita nito."Bakit bawal bang maglambing sa BOYFRIEND ko?" Confident na sagot ni Jaxon na talagang diniinan pa ang salitang boyfriend. Ngayong nagkaaminan na sila ni Aries ay wala ng makakapigil pa sa pagmamahalan nila. Malaya na nilang ipangalandakan sa ibang tao at sa buong mundo kung ano talaga sila at never nilang ikakahiya ito."What!?? Boyfriend!?
"Kristela mahal na mahal kita, sana naman wag ka ng gumawa ng dahilan para ipagtabuyan pa ako sa buhay mo." Nagsusumamong pakiusap ni Calex."Sa tingin mo ba ganoon lang kadaling hayaan kang makabalik sa buhay ko? Sa buhay namin ng anak ko? Sobra mo akong sinaktan Calex! At hindi ko alam kung kaya pa kitang pagkatiwalaan ulit." Nasasaktang tugon ni Krissy."Kulang pa ba itong ginagawa ko para mapatawad mo ako? Dahil kung oo, hindi ako magsasawang suyuin ka oras-oras hanggang sa bigyan mo ulit ako ng chance." Emosyonal at buong pusong salaysay ni Calex. Kulang nalang umiyak ang lalaki sa harapan niya.Umiling si Krissy, senyales na labis pang naguguluhan ang kanyang isip."Hindi ko pa alam Calex. Bigyan mo muna ako ng panahong makapag-isip ng maayos. Just leave!" Ma-autoridad na tugon ni Krissy sabay hawak sa sumasakit niyang sintido. Nagtatalo kasi ang isip at puso niya"Aalis ako ngayon at bibigyan kita ng panahong makapag-isip ng maayos. Pero bago ko gagawin yun, gusto ko munang mal
"So what do you want to eat for dinner girls? Sagot ko na. Celebration man lang natin dahil malapit ng makalabas si baby sa NICU." Masayang turan ni Wesley. Abot tainga naman ang ngiti ni Krissy nang kumpirmahin ito ng doktor kanina. Isang linggo nalang ang hihintayin niya at sa wakas ay makakalabas na ng NICU ang kanyang anak. At kapag nangyari yun, makakauwi na rin sila ng Pilipinas matapos ang mahigit dalawang buwan na pamamalagi nila rito."Anything you want. Kayo na ni Brenda ang bahala." Tugon ni Krissy."Naku! Kung wala lang tayo sa ospital hindi lang pagkain ang oorderin ko eh. Tiyak pati inuman din. Magwawalwal ako kasi finally, makakasama ko na rin ang baby Philip ko. Miss na miss ko na kasi talaga siya." Ani Brenda na hindi napigilan ang kilig na nararamdaman, na kinurap-kurap pa nito ang mga mata na parang nagday-dreaming.Napailing na lamang si Krissy. Iba talaga ang tama ng babae sa nobyo nito."Drama mo Bren ha!" Nakangising turan ni Wesley."Bakit? Hindi mo ba narana
"Well, seems like mukhang malabo na magkaayos ang dalawa babe." Balita ng nobyo ni Eliz sa kabilang linya. Na walang ibang tinutukoy kundi ang mag-asawang Calex at Krissy."Magandang balita yan babe. Sana tuluyan ng magkahiwalay ang dalawang iyan." Natutuwang usal ni Eliz. Ikakatuwa niya kasi talagang makita na nahihirapan at nasasaktan si Krissy."Hayaan mo babe, susulsulan ko pa si Krissy para mas lamunin ng galit." Nakabungisngis na pahayag ng lalaki. Mabuti na lang at kasundong kasundo ni Eliz ang kanyang kasintahan, na nasasakyan nito lahat ng masamang plano niya. Actually, nahawa na ang lalaki sa budhing meron siya. Dahil sa nakwento niyang hirap na kanyang pinagdaanan magmula paslit pa lamang siya ay wala na ring ibang hangad ang lalaki kundi ang samahan siyang makamit ang paghihiganting nais ng kanyang puso."Go on babe, that's right! Ikaw nalang talaga ang maasahan ko diyan. Anyway, sa bata anong balita?" Segundang tanong ni Eliz. Hindi na siya makapaghintay, pati araw ay bi