"Babe, pasensiya na. May emergency lang dito sa bahay kaya hindi na muna ako makakabalik diyan ngayon." Pahayag ng nobya ni Calex nang tawagan niya ito. Kanina kasing madaling araw ay nagpahatid ito sa kanya sa sakayan dahil may emergency nga raw ito sa kanilang bahay na di naman masabi ng babae kung ano. Gusto pa nga sana niyang ihatid ang nobya pabalik ng syudad ngunit nagpumilit itong wag nalang kaya wala na ring nagawa pa si Calex.Dismayado siyang napaupo sa kanyang kama. "Babe? are you there?" Anas ng babae nang hindi siya nakasagot kaagad."Oh yeah sorry. It's alright babe. Just call me anytime if makakabalik kana rito. I miss you already." Paglalambing niya rito na halata namang ikinakilig ni Trisha."I miss you too so much. May aasikasuhin lang ako rito then right after pwede muna akong makasama ng matagal diyan." Saad nitong medyo nakapagpagaan ng kalooban ni Calex."Good to hear babe. Mag-iingat ka! I love you. Bye." Ani Calex bago pinutol ang tawag at tuluyang binaba ang h
"Hoy mayabang na lalaki! Hindi mo na kami kailangang pagsabihan dahil balak naman talaga naming umalis bukas." Sigaw ni Brenda sa papalayong si Calex. Sumunod kasi siya kay Krissy kaya't narinig niya ang huling sinabi ng lalaki.Ngunit patuloy lang si Calex sa paghakbang palayo na parang deadma lang sa kanya ang sinabi ni Brenda kahit na halatang narinig niya naman ito."Tama na couz. Baka gawan na naman tayo ng issue na nanggugulo tayo." Awat ni Krissy sa nanggagalaiti niyang pinsan."Napakayabang! Aba namumuro na yang Calex na yan hah! Ang kapal ng mukhang ipagtabuyan tayo dito sa resort niya eh nagbabayad naman tayo, VIP rooms pa." Pagmamaktol ni Brenda.Hindi pa rin kumikibo si Krissy. Tagos sa puso kasi yung sakit ng salitang binitawan sa kanya ni Calex. Pinapaalis sila sa resort na para bang mga kriminal na may masamang gagawin anytime."Bakit ba kasi nagpapatalo ka sa lalaking yun? Gosh! Ibang-iba kana talaga sa Krissy na kilala kong palaban couz." Anas ni Brenda habang nakasun
Pagkatapos magpakawala ni Krissy ng isang malakas na sampal ay walang sabi-sabing sinarado niya kaagad ang pintuan ng kanyang kwarto. Wala siyang pakialam kung ano pa ang naging reaksyon ni Calex o kung nababastusan ito sa ginawa niya.Nag-aalburuto na kasi ang kanyang damdamin sa magkahalong emosyon na galit at sakit kaya't hindi na siya nakapagtimpi pa.Galit siya kay Calex dahil sa pang-aakusa nito na para bang kay baba niya bilang isang babae. She's rich and classy yet hinuhusgahan siya nitong kaladkarin.Nasasaktan din siya dahil kapag kaharap niya ang lalaki ay hindi manlang niya magawang ipagtanggol ang kanyang sarili. Bagay na madali niyang nagagawa sa ibang tao ngunit hindi sa mapanghusgang si Calex.Pumatak ang maliit na butil sa kanyang mga mata habang sapo ng kanyang dalawang kamay ang maliit na umbok sa kanyang sinapupunan. She started to get emotional kapag naiisip niya ang magiging anak niya. Kung paano maaapektuhan ang bata dahil sa masamang pakikitungo ng ama nito sa
"Siyangapala ma'am, tingnan niyo po ito." Ani Bernard at binigay kay Krissy ang kanyang cellphone.Lalong nagulat si Krissy nang makita sa albums ng cellphone ni Bernard ang mga kuhang larawan. May kasamang ibang lalaki si Trisha and they looked so happy together.At lalong naningkit ang kanyang mga mata nang sa huling kuha ay naghalikan pa sa labi ang dalawa."Disgusting bitch!" Inis na usal niya sa sarili. Hindi siya makapaniwalang pinatulan ni Calex ang babaeng ito na halata namang walang class at cheap. Nagpauto pa siya sa hitsura nitong mukhang mahinhin at mabait pero may tinatagong kalandian pala sa katawan. Kaya pala hindi niya feel ang babae dahil ramdam niya ang kaplastikan ng awra nito."Paano nasisikmura ng babaeng ito mag two-timer? Akala niya naman ikinaganda niya. Mas lalo siyang nagmukhang cheap! Pakisend nalang ng pictures na iyan sa akin Bernard." Napailing sa pagkadismaya si Krissy at binalik kay Bernard ang cellphone nito. Gusto niya ring ipakita kay Brenda ang mga
Ano couz ganito na naman tayo buong araw? Kailan ba tayo babalik ng Manila? I'm so bored na." Pagmamaktol ni Brenda. Ilang araw na rin kasi silang nagstay sa hotel at walang ginagawa. Hindi pa naman ito sanay na hindi naglalakwatsa."I told you pwede ka namang gumala mag-isa. You can go shopping, magpasalon o di kaya mauna ka nalang sa'kin pabalik ng Manila. Hinihintay ko pa kasi ang update galing kay Bernard." Salaysay ni Krissy sa nababagot na pinsan. Umupo ito sa couch katabi niya na inabala ang sarili sa panonood ng movie."Iiwanan talaga kita mag-isa gayung maselan nga yang pagbubuntis mo? Eh kung may mangyaring hindi maganda sayo edi konsensya ko pa?" Nakairap na saad nito na halata namang concern sa kalagayan ni Krissy."Kaya ko na yung sarili ko noh. What do you think of me? Weak? Keysa naman palagi ka nalang nagmamaktol diyan. You're so annoying na kaya." Nakataas na kilay na pahayag ni Krissy. Minsan naiirita na rin siya sa pagrereklamo ni Brenda."Naman kasi eh. Tapatin mo
Pagkatapos mai-settle ni Krissy ang lahat ay balak na rin niyang umalis. Wala ng dahilan pa para magtagal siya rito gayung napakadali lang pala pasunurin ng babae. Na kagaya ng maraming taong kilala niya ay pera lang din pala ang katapat nito. Well, that's how money works!Akmang tatayo na sana si Krissy para umalis ngunit natigilan siya sa tanong ni Venice."Wait. Why are you doing this? Do you like Calex?"Seryosong tanong ng babae at seryoso niya rin itong tiningnan."No." Tipid ngunit diin niyang pagkakasambit. Total wala naman siyang dapat ipaliwanag sa haliparot na ito. Halata sa mukha ng babae na hindi ito kuntento sa naging sagot ni Krissy kaya nagtanong ito ulit."Did Calex lie to me na napagkamalan ka niyang kakilala dahil ang totoo ay magkakilala naman talaga kayo hindi ba?" Pahabol na tanong nito.Kaya this time ay hinabaan na ni Krissy ang kanyang sasabihin para matapos na."Yes, magkakilala kami. At kung anuman ang reasons ko why I am doing this ay sa akin nalang yun.
"Couz calm down! Makakasama sa kalagayan mo yan." Nag-aalalang turan ni Brenda sa pinsan niyang hindi magkandaugaga sa pag-iimpake ng kanyang mga gamit habang walang humpay ang pag-agos ng kanyang mga luha.Saglit itong napahinto sa pagmamadali. Naiinis pero sobrang emosyonal itong bumaling kay Brenda."Calm down? Tell me kung paano ako kakalma knowing my dad is in the hospital fighting for his life!?" Singhal niya sa nag-aalalang pinsan at muling itinuon ang atensyon sa pagliligpit.Hindi na nakapag-isip ng maayos si Krissy nang makatanggap siya ng masamang balita mula sa sekretarya ng kanyang daddy. Naaksidente ang kanyang ama lulan ng sasakyan nito. At dahil sa malakas na impact ng pagkakabangga ay naipit at tumama ang ulo nito sa windshield ng sasakyan dahilan para mawalan agad ito ng malay. Habang ang driver naman ng kanyang daddy ay dead on the spot at nasa state of coma rin ang bodyguard na kasama nito. Tapos ang malala pa ay wala na rin siyang masisisi dahil dead on arrival an
"Wow! nice job bro. If dad will visit here, he will definitely so proud of you." Masayang puri ni Brandon pagkarating nila ng La Vista."Tama ka diyan love. It's good to be back here Cal. Lalong gumanda ang La Vista." Segunda naman ni Meghan habang inililibot ang mga mata sa mala-paraisong resort.Kakarating lang kasi ng mag-asawa kasama ang kanilang anak na si baby Benj. Talagang binalak ng dalawa na pumunta ng maaga para sulitin ang araw ng kanilang bakasyon. Lalo pa't aalis na sila papuntang US nextweek."Thanks kuya and Meg. Huminto muna kasi ako sa pagra-race. Instead naisipan kong magfocus na muna dito kaya naisakatuparan kaagad ang plinano kong renovations." Nakangiting turan ni Calex. He was so happy na na-appreciate ng mag-asawa, lalo na ng kanyang kuya Brandon, ang effort na inilaan niya para mas pagandahin pa lalo ang binigay na resort ng kanilang daddy."Napakagaling mo bro. Di maikakailang isa kang Cabwell. Being one of the best entrepreneur really runs in your blood. Nap
Makalipas ang isang buwan.Humahagulhol na nakaharap si Krissy sa isang lapida. Alam niyang huli na para magpatawad ngunit alang alang sa ikapapanatag ng loob niya ay ibibigay niya ito sa babaeng nagdulot ng labis na hinanakit sa kanya."Kung naririnig mo ako ngayon mom. Pinapatawad ko na po kayo. Sana mapatawad niyo rin po ako." Madamdaming usal ni Krissy. Sa loob ng mahabang panahon ay ngayon lamang niya nabisita ang puntod ng kanyang mommy.Lumapit sa kanya si Calex at buong puso siyang niyakap. Tahimik lang ang lalaki bilang respeto sa nagdadalamhating puso ng asawa.At nang matapos si Krissy ay niyakag na rin niya ang babae pauwi."Tara na love, baby CK is waiting for us." Malambing na turan ni Calex."Pwede bang samahan mo ako bukas para dalawin sa kulungan ang kapatid ko love?" Pakiusap ni Krissy sa asawa. Mailap pa si Eliz sa kanya kaya niya sinasanay ang babae sa lagi niyang pagdalaw. Nagbabakasakaling balang araw ay magkaroon din sila ng pagkakaunawaan despite sa mga nangyar
"Sino ka ba at anong naging kasalan ko sayo para gawin mo ang kahayupang ito!?" Sigaw ni Krissy sa nakahalukipkip na babae sa kanyang harapan. Maganda ito at may balingkinitang katawan. She looks harmless ngunit nakatago pala ang sungay nito.Hindi paman nito sinasabi ang pangalan ay malakas ang kutob niyang ito ang babaeng tinutukoy ni Philip na si Eliz.Nang mahuli siya ng babae kanina ay agad siyang dinala sa isang tagong kwarto. Ginapos ang kanyang buong katawan habang nakaupo siya sa isang upuan."Well, hindi mo talaga ako makikilala dahil never mo namang naisipan na kilalanin ako! Ni minsan hindi mo naisip na nag-eexist ang isang tulad ko Krissy Parker!" Bulyaw ng babae. Puno ng hinanakit ang bawat katagang binitawan nito.Talagang kahit anong isipin ni Krissy ay hindi niya maalala na nagkrus ang landas nila ng babae."Oh shit! I don't even know you at wala akong maalala na nasaktan kita. For goddamn sake ngayon pa lamang tayo nagkita kaya hindi ko alam kung anong pinaghuhugutan
Mabilis na naasikaso ni Calex ang lahat kaya't agad rin silang nakalipad pauwi ng Pilipinas.Si Brenda na ang dumiritso sa mansyon para dalhin ang kanilang mga gamit dahil agad na nakipagkita sina Calex at Krissy kay Philip sa isang exclusive restaurant. Kaligtasan ng kanilang anak ang nakasalalay rito kaya bawat segundo ay mahalaga.Sakto namang pagdating nila ay naghihintay na si Philip sa table number na binanggit nito.Agad na umorder si Krissy ng pagkain para sa kanilang tatlo."Philip, gusto kong malaman kung bakit malakas ang hinala mong si Ms. Eliz Teng ang nagpakidnap sa anak namin." Bukas ni Calex sa paksa.Si Krissy naman ay tahimik lang na nakikinig sa dalawang lalaki."Gusto kong sabihin sa inyo lahat ng nalalaman ko. Sabihin nalang natin na gusto kong bumawi sa kasalanan ko kay Brenda. I love her so much kaya mahalaga na rin sa akin ang mga taong mahalaga sa buhay niya." Salaysay ni Philip."What do you mean?" Naguguluhang tanong ni Krissy."Isa ako sa binayaran ni Eliz
Nagbubunyi ngayon si Eliz habang karga karga ang sanggol ng isa sa kanyang mga katulong."Kuwawang bata, nadamay pa sa kawalangyaan ng mommy niya. Kung sana kinilala ako ng mommy mo, hindi ako maghihiganti ng ganito." Usal ng babae habang nakatitig sa napakagwapong sanggol na mahimbing na natutulog.Sa wakas ay napagtagumpayan din ni Wesley ang kanilang plano.Lumapit si Wesley at niyakap nito si Eliz sa beywang sabay halik sa leeg ng babae."Are you happy now my baby?" Masayang usal ni Wesley. Matupad lang niya ang kagustuhan ng babaeng minamahal ay sobra na siyang kontento.Humarap si Eliz sa lalaki at sinagot ito ng isang mapusok na halik sa mga labi. "Sobra mo akong pinasaya babe! Kaya ngayon may premyo ka sa'kin." Bulalas ng babae matapos maghiwalay ang kanilang mga labi.Inakay niya si Wesley patungo sa kwarto at doon isinagawa niya ang premyong ibinigay para sa lalaki. At yun ay ang muling ipaubaya ang sarili sa lalaki."Sayong- sayo ako ngayon babe!" Mapanuksong usal ni Eliz
Nagdaan ang mga araw na puro saya na lamang ang nararamdam nina Krissy at Calex sa kanilang mga puso. Ang kulang nalang talaga ay si baby CK. At araw nalang din ang kanilang bibilangin para tuluyan nila itong makasama at magiging buo na rin sila.Samantala, sa kabilang dako naman ay abalang abala si Wesley sa kilos na gagawin ng mga utusan niya. Ngayong araw nakatakda nilang gawin ang nakasaad na plano ni Eliz.Nakakabit ang malilit na hearing aid sa kani-kanilang tainga para sa maayos na komunikasyon at monitoring sa kilos ng bawat isa.Kasalukuyang nasa tinutuluyang apartment si Wesley dahil dito nila plinano ang mga hakbang na gagawin nila.At nang matapos ang kanilang pagpupulong ay pinaalis na rin ni Wesley ang kanyang mga utusan. Kailangang makapwesto na ang mga ito para hindi pumapalpak pagdating ng oras.Nakahanda na rin ang private airplane na gagamitin niya sa pagtakas dala ang sanggol.Yun talaga ang pinakaplano ni Eliz, kunin ang anak ni Krissy at ilayo ito! Alam ni Eliz
Nagkakatuwaan sa pag-uusap sina Calex, Krissy at Brenda nang maabutan nina Jaxon at Aries sa loob."Wow ang saya ah! May party ba?" Bungad ni Jaxon habang nakahawak sa braso ni Aries.Nagagalak na binati ang dalawa nina Krissy at Calex. Samantalang si Brenda ay hindi maialis ang mga mata nito sa nakapulot na kamay ni Jaxon.Bakas ang gulat sa echuserang tingin nito. Wala naman kasing itong alam tungkol sa tunay na pagkatao ni Jaxon."Ui teka Jaxon, ano yan?" Di mapigilang puna ni Brenda sabay turo nito sa kamay ni Jaxon na nakapulupot sa braso ni Aries.Napahalakhak naman si Jaxon. Ramdam niya kasing hindi makapaniwala si Brenda sa nakikita nito."Bakit bawal bang maglambing sa BOYFRIEND ko?" Confident na sagot ni Jaxon na talagang diniinan pa ang salitang boyfriend. Ngayong nagkaaminan na sila ni Aries ay wala ng makakapigil pa sa pagmamahalan nila. Malaya na nilang ipangalandakan sa ibang tao at sa buong mundo kung ano talaga sila at never nilang ikakahiya ito."What!?? Boyfriend!?
"Kristela mahal na mahal kita, sana naman wag ka ng gumawa ng dahilan para ipagtabuyan pa ako sa buhay mo." Nagsusumamong pakiusap ni Calex."Sa tingin mo ba ganoon lang kadaling hayaan kang makabalik sa buhay ko? Sa buhay namin ng anak ko? Sobra mo akong sinaktan Calex! At hindi ko alam kung kaya pa kitang pagkatiwalaan ulit." Nasasaktang tugon ni Krissy."Kulang pa ba itong ginagawa ko para mapatawad mo ako? Dahil kung oo, hindi ako magsasawang suyuin ka oras-oras hanggang sa bigyan mo ulit ako ng chance." Emosyonal at buong pusong salaysay ni Calex. Kulang nalang umiyak ang lalaki sa harapan niya.Umiling si Krissy, senyales na labis pang naguguluhan ang kanyang isip."Hindi ko pa alam Calex. Bigyan mo muna ako ng panahong makapag-isip ng maayos. Just leave!" Ma-autoridad na tugon ni Krissy sabay hawak sa sumasakit niyang sintido. Nagtatalo kasi ang isip at puso niya"Aalis ako ngayon at bibigyan kita ng panahong makapag-isip ng maayos. Pero bago ko gagawin yun, gusto ko munang mal
"So what do you want to eat for dinner girls? Sagot ko na. Celebration man lang natin dahil malapit ng makalabas si baby sa NICU." Masayang turan ni Wesley. Abot tainga naman ang ngiti ni Krissy nang kumpirmahin ito ng doktor kanina. Isang linggo nalang ang hihintayin niya at sa wakas ay makakalabas na ng NICU ang kanyang anak. At kapag nangyari yun, makakauwi na rin sila ng Pilipinas matapos ang mahigit dalawang buwan na pamamalagi nila rito."Anything you want. Kayo na ni Brenda ang bahala." Tugon ni Krissy."Naku! Kung wala lang tayo sa ospital hindi lang pagkain ang oorderin ko eh. Tiyak pati inuman din. Magwawalwal ako kasi finally, makakasama ko na rin ang baby Philip ko. Miss na miss ko na kasi talaga siya." Ani Brenda na hindi napigilan ang kilig na nararamdaman, na kinurap-kurap pa nito ang mga mata na parang nagday-dreaming.Napailing na lamang si Krissy. Iba talaga ang tama ng babae sa nobyo nito."Drama mo Bren ha!" Nakangising turan ni Wesley."Bakit? Hindi mo ba narana
"Well, seems like mukhang malabo na magkaayos ang dalawa babe." Balita ng nobyo ni Eliz sa kabilang linya. Na walang ibang tinutukoy kundi ang mag-asawang Calex at Krissy."Magandang balita yan babe. Sana tuluyan ng magkahiwalay ang dalawang iyan." Natutuwang usal ni Eliz. Ikakatuwa niya kasi talagang makita na nahihirapan at nasasaktan si Krissy."Hayaan mo babe, susulsulan ko pa si Krissy para mas lamunin ng galit." Nakabungisngis na pahayag ng lalaki. Mabuti na lang at kasundong kasundo ni Eliz ang kanyang kasintahan, na nasasakyan nito lahat ng masamang plano niya. Actually, nahawa na ang lalaki sa budhing meron siya. Dahil sa nakwento niyang hirap na kanyang pinagdaanan magmula paslit pa lamang siya ay wala na ring ibang hangad ang lalaki kundi ang samahan siyang makamit ang paghihiganting nais ng kanyang puso."Go on babe, that's right! Ikaw nalang talaga ang maasahan ko diyan. Anyway, sa bata anong balita?" Segundang tanong ni Eliz. Hindi na siya makapaghintay, pati araw ay bi