"Couz calm down! Makakasama sa kalagayan mo yan." Nag-aalalang turan ni Brenda sa pinsan niyang hindi magkandaugaga sa pag-iimpake ng kanyang mga gamit habang walang humpay ang pag-agos ng kanyang mga luha.Saglit itong napahinto sa pagmamadali. Naiinis pero sobrang emosyonal itong bumaling kay Brenda."Calm down? Tell me kung paano ako kakalma knowing my dad is in the hospital fighting for his life!?" Singhal niya sa nag-aalalang pinsan at muling itinuon ang atensyon sa pagliligpit.Hindi na nakapag-isip ng maayos si Krissy nang makatanggap siya ng masamang balita mula sa sekretarya ng kanyang daddy. Naaksidente ang kanyang ama lulan ng sasakyan nito. At dahil sa malakas na impact ng pagkakabangga ay naipit at tumama ang ulo nito sa windshield ng sasakyan dahilan para mawalan agad ito ng malay. Habang ang driver naman ng kanyang daddy ay dead on the spot at nasa state of coma rin ang bodyguard na kasama nito. Tapos ang malala pa ay wala na rin siyang masisisi dahil dead on arrival an
"Wow! nice job bro. If dad will visit here, he will definitely so proud of you." Masayang puri ni Brandon pagkarating nila ng La Vista."Tama ka diyan love. It's good to be back here Cal. Lalong gumanda ang La Vista." Segunda naman ni Meghan habang inililibot ang mga mata sa mala-paraisong resort.Kakarating lang kasi ng mag-asawa kasama ang kanilang anak na si baby Benj. Talagang binalak ng dalawa na pumunta ng maaga para sulitin ang araw ng kanilang bakasyon. Lalo pa't aalis na sila papuntang US nextweek."Thanks kuya and Meg. Huminto muna kasi ako sa pagra-race. Instead naisipan kong magfocus na muna dito kaya naisakatuparan kaagad ang plinano kong renovations." Nakangiting turan ni Calex. He was so happy na na-appreciate ng mag-asawa, lalo na ng kanyang kuya Brandon, ang effort na inilaan niya para mas pagandahin pa lalo ang binigay na resort ng kanilang daddy."Napakagaling mo bro. Di maikakailang isa kang Cabwell. Being one of the best entrepreneur really runs in your blood. Nap
"Anak, that's enough. Lasing kana." Nag-aalalang sambit ng mommy Liezel ni Calex. Kanina pa kasi nito iniinom ang bote ng alak na parang tubig lang kung tunggain.Mapait na ngumiti si Calex. "I'm good mom. Can you just let me kahit ngayon lang?" Pakiusap niya sa ginang with a teary eyes. Walang paglagyan sa sakit ang nararamdaman niya ngayon kaya't gusto niyang lunurin ang sarili sa alak.Lumuluhang hinaplos ni mommy Liezel ang braso ng anak. Ramdam niya kung gaano naghihinagpis ang puso ni Calex. "We are just here if kailangan mo ng kausap. I love you anak." Anas ng ginang at hinalikan si Calex sa noo bago humakbang paalis. Nasa mahabang bench ngayon si Calex sa labas ng kanyang kwarto. Pagkatapos nireject ni Trisha ang kanyang proposal kanina ay para siyang nawalan ng lakas at labis na nanghina. Sa sobrang pagkapahiya niya ay dito na siya dumiritso sa kanyang VIP room. At tanging ang mommy Liezel niya lang ang sumunod sa kanya, since his brother Brandon and the rest of the visitors
Mabilis lumipas ang mga araw. Ngayon na nakapagdesisyon si Calex na kausapin muli si Trisha simula noong tinanggihan nito ang kanyang proposal.Hindi na rin niya tinawagan ang nobya dahil gusto niyang surpresahin at kausapin ito ng masinsinan sa personal. Dumaan pa siya sa isang flower shop para pasalubungan ang dalaga ng bouquet of red roses at chocolates.Lulan ng kanyang sasakyan ay tinatahak ni Calex ang daan patungo sa apartment ni Trisha. Nakapunta na siya roon ng isang beses kaya't kahit papaano ay nakabisado niya na rin ang daan ng lugar.May kung anong kabang nararamdaman si Calex sa kanyang puso habang papalapit na siya sa mismong lugar. He's hoping na sana magiging maayos pa rin sila kahit na nabigla ang babae sa maaga niyang proposal. Magpapakumbaba siya at hihingi ng paumahin mapatawad lang siya nito.At makalipas lang ang ilang minuto ay nasa harapan na siya ng apartment ng nobya. He took a deep breath bago nagpasyang bumaba ng sasakyan.Kinakabahang nagdoorbell si Calex
Ilang araw na rin ang lumipas magmula ng magising si Mr. Parker. At sa malaking tulong at presensiya ng anak niyang si Krissy ay napakabilis ng kanyang recovery sa araw-araw. Nakakapagsalita na rin ang ginoo ngunit hindi pa ito masyadong nakakakilos."May gusto ka pa bang kainin dad? Magpapabili ako kay Brenda." Concern na tanong ni Krissy sa ama pagkatapos nitong kumain ng prutas.Marahan itong umiling at ngumiti."I'm full hija. Napakarami mo ng biniling pagkain at prutas. I'm feeling okay now, lalo na't ikaw ang nag-aalaga sa akin." Puno ng pagmamahal at pasasalamat na sagot ni Mr. Parker sa anak."Dad, hindi ako magsasawang alagaan ka. Pambawi ko manlang sa mga panahong nilayuan kita dahil sa masama ang loob ko. I'm so sorry kung napakaselfish ko. Ni hindi ko man lang inisip yung mararamdaman mo. Sana mapatawad mo ako dad." Madamdaming pahayag ni Krissy at di niya napigilan ang panunubig ng kanyang mga mata. Simula ng maaksidente ang kanyang daddy ay nanumpa siya sa sarili na mag
"Sigurado ka hija na uuwi ka ng Pilipinas para asikasuhin ang mga negosyo natin?" Di makapaniwalang tanong ni Mr. Henry Parker sa kanyang anak. Buong gabi ring pinag-isipan ni Krissy ang desisyong ito. At ngayon, desidido na siya lalo pa't nangako si Brenda at Dr. Francisco na aalagaang mabuti ang kanyang daddy at tututukan ito hanggang sa tuluyang gumaling.Idadag pa ang problema niya kay Calex! Kailangan niya ng magawa ang plano niya hangga't hindi pa nahahalata ang umbok ng kanyang tiyan. Habang lumilipas kasi ang mga linggo ay lumalaki rin ang bata sa kanyang sinapupunan."Yes dad. Gusto ko sanang alagaan ka hanggang sa gumaling kana. Kaso ayaw ko namang inaalala mo palagi ang kompanya. I don't want you be mentally stress, I want you to focus sa pagpapagaling mo." Aniya at masayang niyakap siya ng ama."Wag mo na akong alalahanin dito hija. Sobra mo akong pinasaya sa naging desisyon mo. I know you can manage the company well. Malaki ang tiwala ko sayo." Naluluhang sambit ni Henry.
"Kung yang bruhang Krissy lang din naman magiging boss natin, mas maigi pang magresign nalang ako. She's the most heartless woman ever." Pagmamaktol ng isang babaeng empleyado."Ahy sinabi mo pa. Sobrang ganda nga pero sobrang sama naman ng ugali. Pinaglihi ata sa ampalaya. Kanino kaya nagmana yun gayung napakabait ni Mr. Parker." Segunda naman ng isa pa."Kung hindi lang dahil sa butihing ama ng impaktang yan ay talagang bukas na bukas din ay magreresign ako kaagad." Galit na sambit ng isa."Magresign na kaya tayong lahat?" Mungkahi naman ng isa.Simula ng maupo si Krissy bilang CEO ng kanilang kompanya ay gayun na lamang ang pagkadepress ng lahat ng empleyado. Kunting mali lang kasi ay napupuna na agad ng dalaga. At malas nalang kapag natyempuhan na masama ang mood nito dahil napakabilis nitong mabigkas ang salitang 'fired'. Sa katunayan limang empleyado na ang tinanggal niya ng dahil lang sa isang mababaw na dahilan. Wala namang nagrereklamo dahil binibigay niya naman ang nararapat
"Yes dad, wala kang dapat ipag-alala dito. Everything's going on smoothly. Always take your medicines on time at sumunod ka lagi sa bilin at payo ng mga doktor mo. I miss you too dad. I love you." Tugon ni Krissy sa ama ng makausap ito sa cellphone. Pag may bakanteng oras siya ay palagi niya namang tinatawagan ang kanyang daddy para kumustahin."Oh couz, kumusta ka na diyan? Ano ng balita sa inyong dalawa ni Calex?" Ani Brenda pagkatapos makausap ni Krissy ang ama. Cellphone kasi ng babae ang ginamit nito."Your mouth! Baka marinig ka ni daddy." Saway ni Krissy sa taklesang pinsan."OA mo hah! Syempre lumabas ako ng room niya para hindi niya marinig. So ano na nga? Nagkita na ba kayo ulit? Nagkausap?" Curious na tanong nito. "Hindi pa. But inutusan ko na si Bernard na matyagan si Calex. Wala pa akong time pumunta ng Cebu lalo pa't andami pang aasikasuhin sa opisina ni daddy." Honest na sagot ni Krissy."What? Ano namang magagawa ng pagmamatyag ni Bernard? Mapipigilan ba niyan ang pag
Makalipas ang isang buwan.Humahagulhol na nakaharap si Krissy sa isang lapida. Alam niyang huli na para magpatawad ngunit alang alang sa ikapapanatag ng loob niya ay ibibigay niya ito sa babaeng nagdulot ng labis na hinanakit sa kanya."Kung naririnig mo ako ngayon mom. Pinapatawad ko na po kayo. Sana mapatawad niyo rin po ako." Madamdaming usal ni Krissy. Sa loob ng mahabang panahon ay ngayon lamang niya nabisita ang puntod ng kanyang mommy.Lumapit sa kanya si Calex at buong puso siyang niyakap. Tahimik lang ang lalaki bilang respeto sa nagdadalamhating puso ng asawa.At nang matapos si Krissy ay niyakag na rin niya ang babae pauwi."Tara na love, baby CK is waiting for us." Malambing na turan ni Calex."Pwede bang samahan mo ako bukas para dalawin sa kulungan ang kapatid ko love?" Pakiusap ni Krissy sa asawa. Mailap pa si Eliz sa kanya kaya niya sinasanay ang babae sa lagi niyang pagdalaw. Nagbabakasakaling balang araw ay magkaroon din sila ng pagkakaunawaan despite sa mga nangyar
"Sino ka ba at anong naging kasalan ko sayo para gawin mo ang kahayupang ito!?" Sigaw ni Krissy sa nakahalukipkip na babae sa kanyang harapan. Maganda ito at may balingkinitang katawan. She looks harmless ngunit nakatago pala ang sungay nito.Hindi paman nito sinasabi ang pangalan ay malakas ang kutob niyang ito ang babaeng tinutukoy ni Philip na si Eliz.Nang mahuli siya ng babae kanina ay agad siyang dinala sa isang tagong kwarto. Ginapos ang kanyang buong katawan habang nakaupo siya sa isang upuan."Well, hindi mo talaga ako makikilala dahil never mo namang naisipan na kilalanin ako! Ni minsan hindi mo naisip na nag-eexist ang isang tulad ko Krissy Parker!" Bulyaw ng babae. Puno ng hinanakit ang bawat katagang binitawan nito.Talagang kahit anong isipin ni Krissy ay hindi niya maalala na nagkrus ang landas nila ng babae."Oh shit! I don't even know you at wala akong maalala na nasaktan kita. For goddamn sake ngayon pa lamang tayo nagkita kaya hindi ko alam kung anong pinaghuhugutan
Mabilis na naasikaso ni Calex ang lahat kaya't agad rin silang nakalipad pauwi ng Pilipinas.Si Brenda na ang dumiritso sa mansyon para dalhin ang kanilang mga gamit dahil agad na nakipagkita sina Calex at Krissy kay Philip sa isang exclusive restaurant. Kaligtasan ng kanilang anak ang nakasalalay rito kaya bawat segundo ay mahalaga.Sakto namang pagdating nila ay naghihintay na si Philip sa table number na binanggit nito.Agad na umorder si Krissy ng pagkain para sa kanilang tatlo."Philip, gusto kong malaman kung bakit malakas ang hinala mong si Ms. Eliz Teng ang nagpakidnap sa anak namin." Bukas ni Calex sa paksa.Si Krissy naman ay tahimik lang na nakikinig sa dalawang lalaki."Gusto kong sabihin sa inyo lahat ng nalalaman ko. Sabihin nalang natin na gusto kong bumawi sa kasalanan ko kay Brenda. I love her so much kaya mahalaga na rin sa akin ang mga taong mahalaga sa buhay niya." Salaysay ni Philip."What do you mean?" Naguguluhang tanong ni Krissy."Isa ako sa binayaran ni Eliz
Nagbubunyi ngayon si Eliz habang karga karga ang sanggol ng isa sa kanyang mga katulong."Kuwawang bata, nadamay pa sa kawalangyaan ng mommy niya. Kung sana kinilala ako ng mommy mo, hindi ako maghihiganti ng ganito." Usal ng babae habang nakatitig sa napakagwapong sanggol na mahimbing na natutulog.Sa wakas ay napagtagumpayan din ni Wesley ang kanilang plano.Lumapit si Wesley at niyakap nito si Eliz sa beywang sabay halik sa leeg ng babae."Are you happy now my baby?" Masayang usal ni Wesley. Matupad lang niya ang kagustuhan ng babaeng minamahal ay sobra na siyang kontento.Humarap si Eliz sa lalaki at sinagot ito ng isang mapusok na halik sa mga labi. "Sobra mo akong pinasaya babe! Kaya ngayon may premyo ka sa'kin." Bulalas ng babae matapos maghiwalay ang kanilang mga labi.Inakay niya si Wesley patungo sa kwarto at doon isinagawa niya ang premyong ibinigay para sa lalaki. At yun ay ang muling ipaubaya ang sarili sa lalaki."Sayong- sayo ako ngayon babe!" Mapanuksong usal ni Eliz
Nagdaan ang mga araw na puro saya na lamang ang nararamdam nina Krissy at Calex sa kanilang mga puso. Ang kulang nalang talaga ay si baby CK. At araw nalang din ang kanilang bibilangin para tuluyan nila itong makasama at magiging buo na rin sila.Samantala, sa kabilang dako naman ay abalang abala si Wesley sa kilos na gagawin ng mga utusan niya. Ngayong araw nakatakda nilang gawin ang nakasaad na plano ni Eliz.Nakakabit ang malilit na hearing aid sa kani-kanilang tainga para sa maayos na komunikasyon at monitoring sa kilos ng bawat isa.Kasalukuyang nasa tinutuluyang apartment si Wesley dahil dito nila plinano ang mga hakbang na gagawin nila.At nang matapos ang kanilang pagpupulong ay pinaalis na rin ni Wesley ang kanyang mga utusan. Kailangang makapwesto na ang mga ito para hindi pumapalpak pagdating ng oras.Nakahanda na rin ang private airplane na gagamitin niya sa pagtakas dala ang sanggol.Yun talaga ang pinakaplano ni Eliz, kunin ang anak ni Krissy at ilayo ito! Alam ni Eliz
Nagkakatuwaan sa pag-uusap sina Calex, Krissy at Brenda nang maabutan nina Jaxon at Aries sa loob."Wow ang saya ah! May party ba?" Bungad ni Jaxon habang nakahawak sa braso ni Aries.Nagagalak na binati ang dalawa nina Krissy at Calex. Samantalang si Brenda ay hindi maialis ang mga mata nito sa nakapulot na kamay ni Jaxon.Bakas ang gulat sa echuserang tingin nito. Wala naman kasing itong alam tungkol sa tunay na pagkatao ni Jaxon."Ui teka Jaxon, ano yan?" Di mapigilang puna ni Brenda sabay turo nito sa kamay ni Jaxon na nakapulupot sa braso ni Aries.Napahalakhak naman si Jaxon. Ramdam niya kasing hindi makapaniwala si Brenda sa nakikita nito."Bakit bawal bang maglambing sa BOYFRIEND ko?" Confident na sagot ni Jaxon na talagang diniinan pa ang salitang boyfriend. Ngayong nagkaaminan na sila ni Aries ay wala ng makakapigil pa sa pagmamahalan nila. Malaya na nilang ipangalandakan sa ibang tao at sa buong mundo kung ano talaga sila at never nilang ikakahiya ito."What!?? Boyfriend!?
"Kristela mahal na mahal kita, sana naman wag ka ng gumawa ng dahilan para ipagtabuyan pa ako sa buhay mo." Nagsusumamong pakiusap ni Calex."Sa tingin mo ba ganoon lang kadaling hayaan kang makabalik sa buhay ko? Sa buhay namin ng anak ko? Sobra mo akong sinaktan Calex! At hindi ko alam kung kaya pa kitang pagkatiwalaan ulit." Nasasaktang tugon ni Krissy."Kulang pa ba itong ginagawa ko para mapatawad mo ako? Dahil kung oo, hindi ako magsasawang suyuin ka oras-oras hanggang sa bigyan mo ulit ako ng chance." Emosyonal at buong pusong salaysay ni Calex. Kulang nalang umiyak ang lalaki sa harapan niya.Umiling si Krissy, senyales na labis pang naguguluhan ang kanyang isip."Hindi ko pa alam Calex. Bigyan mo muna ako ng panahong makapag-isip ng maayos. Just leave!" Ma-autoridad na tugon ni Krissy sabay hawak sa sumasakit niyang sintido. Nagtatalo kasi ang isip at puso niya"Aalis ako ngayon at bibigyan kita ng panahong makapag-isip ng maayos. Pero bago ko gagawin yun, gusto ko munang mal
"So what do you want to eat for dinner girls? Sagot ko na. Celebration man lang natin dahil malapit ng makalabas si baby sa NICU." Masayang turan ni Wesley. Abot tainga naman ang ngiti ni Krissy nang kumpirmahin ito ng doktor kanina. Isang linggo nalang ang hihintayin niya at sa wakas ay makakalabas na ng NICU ang kanyang anak. At kapag nangyari yun, makakauwi na rin sila ng Pilipinas matapos ang mahigit dalawang buwan na pamamalagi nila rito."Anything you want. Kayo na ni Brenda ang bahala." Tugon ni Krissy."Naku! Kung wala lang tayo sa ospital hindi lang pagkain ang oorderin ko eh. Tiyak pati inuman din. Magwawalwal ako kasi finally, makakasama ko na rin ang baby Philip ko. Miss na miss ko na kasi talaga siya." Ani Brenda na hindi napigilan ang kilig na nararamdaman, na kinurap-kurap pa nito ang mga mata na parang nagday-dreaming.Napailing na lamang si Krissy. Iba talaga ang tama ng babae sa nobyo nito."Drama mo Bren ha!" Nakangising turan ni Wesley."Bakit? Hindi mo ba narana
"Well, seems like mukhang malabo na magkaayos ang dalawa babe." Balita ng nobyo ni Eliz sa kabilang linya. Na walang ibang tinutukoy kundi ang mag-asawang Calex at Krissy."Magandang balita yan babe. Sana tuluyan ng magkahiwalay ang dalawang iyan." Natutuwang usal ni Eliz. Ikakatuwa niya kasi talagang makita na nahihirapan at nasasaktan si Krissy."Hayaan mo babe, susulsulan ko pa si Krissy para mas lamunin ng galit." Nakabungisngis na pahayag ng lalaki. Mabuti na lang at kasundong kasundo ni Eliz ang kanyang kasintahan, na nasasakyan nito lahat ng masamang plano niya. Actually, nahawa na ang lalaki sa budhing meron siya. Dahil sa nakwento niyang hirap na kanyang pinagdaanan magmula paslit pa lamang siya ay wala na ring ibang hangad ang lalaki kundi ang samahan siyang makamit ang paghihiganting nais ng kanyang puso."Go on babe, that's right! Ikaw nalang talaga ang maasahan ko diyan. Anyway, sa bata anong balita?" Segundang tanong ni Eliz. Hindi na siya makapaghintay, pati araw ay bi