Home / Romance / His Circus / Chapter 23 Two faced

Share

Chapter 23 Two faced

Author: Remnis Luz
last update Last Updated: 2024-05-04 22:34:22

Hindi mapakali si Freyja habang itinatakip ang unan sa kanyang tenga, pilit niya na lang na ipinagkikibit balikat ang mga ugong at takas na ingay na kanyang naririnig mula sa ikalawang palapag ng bahay.

Hindi niya maintindihan ang kakatwang pakiramdam niya ng mga sandaling iyon habang naglalaro sa kanyang isipan ang mga nangyayari sa taas.

Pero magkahalo ang pagkabagabag at interest sa kanyang isipan ng mga sandaling iyon dahil sa mga nangyayari, kaya naman ganoon na lang ang kaguluhan sa kanya.

May kung anong bumabagabag kay Freyja dahil sa mga nalalaman, ngunit hindi niya maintindihan kung bakit nadarama niya pa ang kakaibang sikip sa kanyang dibdib.

Huminahon lang siya nang matigil na ang mga kakatuwang ingay na naririnig mula sa ikalawang palapag ng bahay.

Mabilis siyang dinalaw ng antok dahil sa pagiging payapa ng paligid at pagod, nagising na lang siya sa gitna ng kahimbingan nang makarinig ng kung anong ingay mula sa labas ng silid, nilingon niya kaagad ang orasan na nakalagay
Locked Chapter
Continue Reading on GoodNovel
Scan code to download App

Related chapters

  • His Circus   Chapter 24 Feeling

    "Ow, ow! Dahan-dahan lang," daing ng lalake dahil sa panginginig ng kamay ni Freyja habang dinadampian ng bimpong may yelo ang pasa nito sa mata."Sorry po sir," kinuha na lang nito ang hawak niya at sinenyasan na siya na umalis.Nasa sala na sila ng mga oras na iyon at naka-upo na sa sofa at magkaharap na ang amo at ang taong nanugod dito.Napayuko na lang siya dito dulo’t ng lungkot at awa, bago umalis ay binalingan niyang muli ng tingin ang babaeng galit na galit na umatake rito.Napakaganda at mala artista ang postura ng dalaga, idagdag pa roon ang kakaibang angas nito habang nakadekwatrong nakaupo sa harapan nila."Anong ginagawa mo dito?" anas ng amo niya.Naningkit na lang ang mata ng babae dahil doon. "Siraulo ka!" singhal nito.Napaatras na lang ng mabilisan si Freyja nang makitang hubarin ng binibini ang suot nitong sandals at ibato sa kanyang amo. Mabuti na lamang at mabilis na naka ilag ang binata sa ginawa nito."Noon isang araw pa kita hinahanap, nandito ka lang pala" du

    Last Updated : 2024-05-06
  • His Circus   Chapter 25 This

    "Sir, kape niyo po," lapag niya sa mainit at bagong timplang inumin sa harapan nito.Halatang masakit ang ulo ng amo niya dahil sa hindi matigil na paghilot nito sa ulo habang nakatukod ang siko sa lamesa."Thanks," tipid na tugon nito bago humigop sa tasa.Matapos ng gabing iyon ay mas naging maalaga na siya sa binata, ipinangako niya sa sarili na gagawin niya ang lahat upang matulungan ang lalake sa abot ng kanyang makakaya, bilang kabayaran sa panibagong buhay na ipinagkaloob nito sa kanya.Wala na siyang paki-alam kahit pa mayroon itong madilim na lihim, basta ang importante sa kanya ay ang masuklian ang kabutihan nito sa kanila.Naroon rin kasi ang tuwang naidudulot nito sa kanya, lalo na at alam niyang kahit papaano sa simpleng paraan niya ay mababawasan niya ang kung anong mabigat na dinaramdamdam ng amo. Iyon na lang ang tanging paraan na alam niya para pasalamatan ito.

    Last Updated : 2024-05-07
  • His Circus   Chapter 26 Realizations

    "Ateng, lalake ang anak mo!" napapapalatak na sambit ng kinakapatid.Parang kuryenteng bumalot sa kanyang katawan ang mga katagang binitiwan ni Clifford, dahil may kung anong kaba ang naidulot nito."Mabuti pa, padedehen mo na siya" galak na sambit ni Porsya habang hinihele ito.Umalingawngaw sa kanyang tenga ang tinig ng ilang nagtatawanan sa paligid, kahit wala naman lumilikha ng ganoon ingay doon.Para bang isang kidlat na lang na lumitaw sa kanyang isipan ang ilang alaala nang araw na ibinigay niya ang sariling puri para sa pera,Tila napalitan sa kanyang pandinig ng sigaw at hiyawan ng mga tao ang iyak ng mumunting sanggol na para bang naroon lang ang mga ito.Ganoon na lang tuloy ang kanyang panginginig nang itabi sa kanya ng kinakapatid ang bagong silang na bata."Hoy ateng, ayos ka lang ba?" Kunot noong pansin na lang ang kinakapatid niya sa kanyang inasal.

    Last Updated : 2024-05-08
  • His Circus   Chapter 27 Is it possible?

    "Magandang umaga po sir," bati niya sa binata nang magising na ito. Tulad ng inaasahan niya ay nangingiwi ito sa sakit sa pagkakahiga sa sahig."Nakatulog ba ako dito?" kunot noo nitong saad sa kanya habang pilit na bumabangon. "Fuck!" daing pa ng binata sabay napahawak na lang sa isang paa nito."Sir, mag almusal muna po kayo," alalay niya na lang dito patayo."Did I do anything stupid?" muli nitong baling sa kanya na medyo nakakunot pa rin ang noo.Bigla niya na lang naalala ang mga pagwawala, pag-iyak at pagsasalita nito kagabi."Po?" maang niya na lang."Huwag mo na lang isipin iyong sinabi ko," saad na lang nito habang hinihilot ang hita."Uhm sir, sino po si Celina?" hindi niya mapigilan ang itanong nang maalala ang pangalan na paulit-ulit na binabanggit nito kagabi."Bakit, tumawag ba siya?" taranta nitong hina

    Last Updated : 2024-05-09
  • His Circus   Chapter 28 Whispers

    "Totoo kaya iyon?" Nagpalinga linga na lang siya sa salamin habang inaayos ang abot baywang na buhok. "Magugustuhan rin kaya ako ni sir Luke kapag ginawa ko iyon?" Muli siyang pumustura upang pagmasdan ang sarili. "Ano sa tingin mo anak?" lingon niya sa supling na halatang aliw na aliw sa panonood sa kanya, panaka naka pa ang palakpak nito habang pangiti-ngiti. Ganoon na lang ang pagkawala ng sarili niyang ngiti sa saya sa hitsura nito. "Sino nga bang niloloko ko," pagak na tawa na lang niya.Naroon ang parte sa kanyang isipan na impossible iyong mangyari lalo pa at isa siyang dalagang ina, maliban sa katotohanan na may ibang babae ang itinitibok ng puso ng kanyang amo."Ma, ma, ma!" hagikgik na sigaw na lang ni Miko.Ganoon na lang ang panunumbalik ng tuwa sa kanya nang makita kung paano siya nito pilit na inaabot para magpakarga. Nagawang mabura ng bagay na iyon ang agam-agam niya sa sarili na nagsisimula nanaman bumal

    Last Updated : 2024-05-10
  • His Circus   Chapter 29 Whispers effect

    "Gusto ko tikman iyong gatas mo," pigil tawa nitong saad."Si-sir, wag po kayo magbiro ng ganyan" Napalunok na lang siya ng malalim nang magdulot ng kung anong kakatuwang pakiramdam ang mga sinabi nito.Natuod si Freyja sa pwesto sa sobrang kaba, idagdag pa roon ang panginginig sa kanyang kalamnan dulot ng sobrang dikit nila sa isa't isa.Hindi niya lubos akalain na magsasalita ito ng ganoon sa kanya, kaya matindi na lang ang pagkasorpresa niya rito."Dali na! Tayong dalawa lang naman nandito eh, wala naman makakaalam. Isipin mo na lang, kunwari ako si baby." Napahagikgik na lang itong muli."Si..sir!" tili na lang niya.Ganoon na lang ang gulat ni Freyja nang biglaan siyang yakagin ng lalake upang mapaibabaw dito habang nakahiga.Mabilis na kumalat ang kung anong kuryente sa buo niyang katawan, lalo pa nang dumampi ang isang kamay nito sa kanyang mga

    Last Updated : 2024-05-11
  • His Circus   Chapter 30 Next

    "How are you Thorin, did you miss me?" Tuwang-tuwa ang mumunting bata habang buhat-buhat ni sir Luke. "Ang laki-laki mo na ah." Kurot pa nito sa matambok na pisngi nito na siya naman nagpahagikgik dito."Da!" Ganoon na lang ang gulat ng lalake sabay tawa nang biglaan sampalin sa mukha ng paslit."Manang Sabel, may almusal na po ba?" Napatingin na lang silang lahat ng maulinigan ang pagpasok ng isa pang amo, halata ang pagkasorpresa sa kanilang mukha nang makita ito na naroon. "Oh my gosh, who's baby is that!" Dali-daling lapit ng kakambal ng binata dito. "Hello," kurot na lang nito sa pisngi ng mumunting bata."Isn't he cute" saad na lang ng lalake sa kapatid."Siya ba iyong anak mo Freyja?" Ngiting baling sa kanya ni mam Lucy.Isang tango na lang ang isinagot niya rito. Hindi pa rin kasi mawala sa kanyang isip ang matinding kaba ng mga sandaling iyon."Naku,

    Last Updated : 2024-05-12
  • His Circus   Chapter 31 Review

    Damang-dama niya parin ang kirot ng kanyang ulo pakadilat, subalit agad iyong nawala dahil sa pagkasorpresa sa kaharap."Thorin?" Napakunoot noo na lang siya habang pinagmamasdan ang mumunting paslit na halos nasa mukha na niya.Tsaka niya lang pinalibot ang tingin sa paligid at namalayan niyang wala pala siya sa kanyang kuwarto.Mabilisan niyang inusisa ang sarili, mukha pa rin siyang matino, nakadama na lang siya ng pinaghalong inis at kaba dahil blangko nanaman ang alaala niya sa mga nangyari kagabi."The fuck did just happen?" irritable niyang sita sa sarili.May kung anong kakaibang amoy siyang nabatid sa sarili. Isang pamilyar na amoy ang naging dahilan ng pag-iinit ng kanyang katawan, ang problema ay hindi niya mawari kung ano iyon at kung saan iyong nanggaling.Sa kakalikot ni Luke ay kunot noo na lang na napadilat ang mumunting paslit na kanyang katabi."Shit!" taranta niya na lang itong tinapik. "Go back to sleep baby," subok niyang hele sa bata."Da!" ngawa nito pakabusango

    Last Updated : 2024-08-07

Latest chapter

  • His Circus   Chapter 66 Forgiveness and happiness

    Katahimikan at kapayapaan, iyon ang isang bagay na hindi niya lubos akalain na muli niyang mararanasan matapos ng lahat ng nangyari. Sa tagal ng paghihirap at dami ng pagsubok na dinanas hindi na pumasok sa kanyang isipan na makakatakas pa sa pagkalugmok na iyon.Naroon ang sobra-sobra niyang pasasalamat sa kasalukuyan na lagay na tila ba idinulot ng langit dahil komplikado man ang naging sitwasyon niya ngayon, hindi maitatanggi na malayong-malayo ang kasalukuyan niyang buhay sa pinagmulan, kaya naman sobra-sobra ang kanyang pasasalamat ng mga oras na iyon.Ang malalim niyang pagmumuni ay nahinto lamang nang madinig ang ilang makukulit na katok sa pinto nila, dali-dali na lang siyang napatakbo papunta roon nang makita mula sa bintana kung sino ang mga naroon.“Ateng! Kamusta ka na,” tiling bati ni Clifford pakapasok nito kasama ang kaibigan nila.“Clifford, Porsya, buti napasyal kay

  • His Circus   Chapter 65 Redemption

    Halos nanghihina pa siya habang iminumulat ang mga mata, subalit hindi niya nagawang makagalaw pa nang madama ang init ng mga bisig na nakapulupot sa kanyang baywang, kaya naman medyo napabaluktot siya ng kaunti sa pagkailang nang mabatid ang mga nangyayari. Mas lalo lang iyon humigpit, kasunod ng pagdampi ng mainit na hininga sa kanyang leeg."Hey, musta tulog mo?" malambing na saad ni Luke habang mas ipinagdidikit sila."Nasaan ako?" hindi niya masyadong maaninag ang paligid dahil sa dilim ng lugar."Nasa kuwarto." Subsob na lang lalo ni Luke ng mukha sa kanyang balikat.Napasinghap na lang siya sa ginawa ng lalake, sigurado niyang alam na ng lalake ang tungkol sa bagay na iyon dahil sa inaasal nito."Huh? Nasaan na si Lukas?" Sinubukan niya ng bumangon nang maalala ang bunso nito, subalit naroon pa rin ang kakatwang hilo niya."Tulog na, kasama mga kuya ni

  • His Circus   Chapter 64 Is it over?

    Halos tulala na lang siya buong tanghali sa hapag, pinapakatitigan ang pagkain na naiwan sa lamesa na halatang inihanda ng maaga. Para siyang biglang naupos na kandila ng mga sandaling iyon.Napabalik na lang siya sa lahat ng mga nangyari sa mga nakaraang taon, pilit isinisiksik sa kanyang isipan ang lahat ng nagawa na maaaring naging dahilan ng kalagayan ngayon. Sa isip-isip niya ito na marahil ang kaparusahan sa mga ginawa niyang kasalanan.Natigil lang siya sa pagdadalamhati nang madinig ang pagbukas ng pintuan, kunot noo pero wala pa rin siya sa sarili nang mapalingon doon."Daddy!" Umalingawngaw sa buong lugar ang malakas at masiglang hiyaw ni Thorin, halata ang matinding galak nito habang papasok.Agaran na lang nagbalik ang kulay sa mukha Luke, hindi niya napigilan ang matinding pagbugso sa kanyang dibdib dahil sa pinaghalong kaba at galak."Thorin!" medyo naluluha niyang

  • His Circus   Chapter 63 What's next?

    Nagising na lang siya ng hatinggabi sa lamig sa kanyang kapaligiran, bahagya niyang kinapa ang kanyang tabi para pakiramdaman, subalit napabuntong hininga na lang siya ng malalim nang mabatid na wala pa rin siyang katabi.Ganoon na lang ang pagpapakalma niya sa kakaibang kirot na nadarama sa kanyang dibdib, pilit na isinasantabi ang nararamdaman para intindihin ang pinagdadanan ni Freyja.Halatang matindi pa rin ang pagdadamdam nito dahil mag-iilang araw na rin itong hindi tumatabi sa kanya. Hindi tulad ng dati na kapag nasigurado na nitong tulog na ang anak nila ay bumabalik na ito sa kanilang kuwarto. Ngayon, kahit gaano pa siya katagal maghintay roon ay wala siyang napapala.Ngunit matapos ang ilan pang araw ay hindi niya na nagawang matiis pa ang malamig na pakikitungo nito sa kanya at pagsasawalang bahala."Freyja, Freyja!" Agad niyang hinagilap ang babae pakatapos ng pakikipag usap sa abogado.

  • His Circus   Chapter 62 Last will

    Ganoon na lamang ang pagmamadali niyang tumalikod upang makaalis matapos maihatid si Luke sa home office nito, hindi niya na nais pang madagdagan pa ang panibughong nadarama ng mga sandaling iyon sa mga maari pang malaman.Napatigil na lang siya nang mabilis na hulihin ni Luke ang kanyang kamay, nakasunod pala ito sa kanya hanggang sa may pintuan. Dahan-dahan ang naging paglingon niya rito, pilit na ikinukubli ang pait sa kanyang mukha."My, magpapaliwanag ako, mag-usap muna tayo," nagmamakaawang saad nito.Naroon ang higpit pero lambing sa mga kapit nito na halatang hindi siya nais na umalis."Ayos lang ako, mabuti pa kausapin mo na muna si sir Romero." Pinilit niya na lang ngumiti para mawala ang pag-aalala nito.Hindi niya kasi nais pang makaabala sa pag-uusapan ng dalawa, lalo na at mukhang personal iyon, maliban doon ay hindi niya nais ipakita ang pagdadalamhati sa lalake.

  • His Circus   Chapter 61 Painful sacrifices

    Ilang araw pa at nakalabas na rin ang mga ito sa hospital, sa hindi inaasahang pangyayari ay mabilis na nanumbalik sa dati ang mga bagay-bagay at ngayon ay tila mas naging mas maayos pa ang lahat ngayon, lalo pa at nilinaw na ni Luke ang lahat sa pagitan nila.Hindi niya nga lubos akalain na muli niyang makakausap at makakasama ng ganoon si Luke, kaya’t matapos noon ay hindi niya na hinayaan pang makasagabal ang nadarama niyang galit at pagtatampo rito, kung kaya nagbalik na rin ang kanilang dating pagsasama ng wala ng kahit anong alinlangan at pagtatago.

  • His Circus   Chapter 60 Clearance

    "Ayos naman po ang lagay nang bata, luckily tumagos lang iyong bala sa katawan niya, there were no signs of any serious damage," mahinahon na saad ng doctor.Halos lahat ng taong naroon ay nakahinga ng maluwag, kahit siya ay parang natanggalan ng mabigat na pasanin at tinik sa dibdib."Mabuti naman," masayang yakap na lang ni Porsya sa kanya.Ngiting tumango naman ang doctor sa kanila bago nito tingnan ang hawak nitong clipboard, umubo ito ng bahagya na para bang may kung ano itong pinaghahandaan na sabihin.Natahimik na lang silang lahat, napalunok na lang siya nang maalala na hindi nga lang pala ang anak ang nasa loob ng emergency room. May kung anong sikip na lang ang nadama niya sa dibdib nang makita ang muling pagseseryoso ng kausap nila.Nabalot din muli ng tensyon ang lahat ng naroon dahil sa biglaan kaatahimikan. Halos lahat ay atentibong nakatuon ang atensyon sa doctor.

  • His Circus   Chapter 59 Final Consequences

    "Ateng, nasaan na si Miko? Nasaan na siya!" Walang tigil na pagwawala ni Clifford sa higaan nito.Mula nang magising ang kinakapatid ay wala na itong tigil sa paghahanap sa kanyang anak. Ito ang nabaril nang subuka nitong pigilan ang pagkuha sa bata, nagpapasalamat na lang sila at sa bandang hita lang ito tinamaan at nahimatay lang mula sa sugat."Sister, magpahinga ka na muna, sina sir Luke na iyong bahala sa kidnapper," pilit pagpapahinahon ni Porsya dito, pero mas lalo lang itong nagwala."Jusko, si Miko!" sigaw na lamanag ni Clifford"Ateng, umayos ka!" sampal na lang ni Porsya rito."Aray ha!" sita nito sa kaibigan.Pinakatitigan naman ni Porsya si Clifford ng masama bago ibaling ang tingin sa kanya. Doon lang nito nabatid ang panaka-naka niyang hikbi."Hi...hindi ko na alam ang gagawin ko." Napatakip na lang siya ng mukha sa sobrang

  • His Circus   Chapter 58 After shock

    "Shit!" buong lakas na sigaw niya pakapreno ng motor. Muntik pa siyang mabangga ng rumaragasang mga sasakyan dahik sa kawalan ng kontrol sa pagmamadali.Kahit halos paharurutin niya na ang motor ay hindi niya nagawang maabutan ang kotseng hinahabol, napatigil pa siya dahil sa biglaan pagpula ng traffic light at agaran harang ng mga sasakyan mula sa kabilang kalasada.Hindi na mawala ang nadadama niyang pagkataranta at kaba ng tuluyan ng makalayo ang naturang kotse sa kanyang paningin."Fuck, fuck, fuck!" Naiiyak niya na lang na hampas sa motor habang pilit naghahanap ng pwedeng lusutan.Para na siyang mababaliw ng mga sandaling iyon sa tindi ng pag-aalala. Ang bawat minutong nagdadaan ay parang oras sa bagal ng takbo noon. Sa sobrang taranta ay wala na siyang ibang napagpilian kung hindi ang kunin ang kanyang telepono para humingi na ng tulong.Natigilan lang siya sa pagtawag nan

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status