MAAGA akong pumunta sa shop kinabukasan. Nais kong libangin ang sarili upang hindi kabahan sa pagdating ni Rios.
"Ate Rhyna, may tumawag po, nagpapatanong kung kaya raw pong magdeliver sa Odiongan?" sabi nang staff kong nakapwesto sa counter. "Five boxes of matcha cupcakes."
"Kaya naman, nariyan ba si Mark? Siya na lang ang magdeliver." sagot ko habang nagsusuot ng apron. Personal kong ginagawa ang mga order ng mga costumers. Nagpapatulong naman ako minsan, iyon ay kapag masama ang pakiramdam ko o di kaya'y kapag marami talaga ang dapat gawin.
Napansin ko ang pagkamot sa batok ni Celine. "Eh Ate, absent po si Mark. Libing raw no'ng pinsan niyang nakatira sa Mindoro."
Napabuntong-hininga na lamang ako. Iilan lamang ang trabahador ko. Dalawang babae at tatlong lalaki. Si Celine at Apple sa counter, si Leo at Mark ang kasama ko sa kusina habang si Kevin naman ang nagdedeliver kapag may umu-order mula sa malayo. Pero dahil nag-leave si Kevin ng isang linggo'y si Mark ang siyang naaasahan ko sa pagdedeliver. Iyon nga lang mukhang, pati ito'y wala.
"Siya sige, ako na lang ang pupunta." sabi ko sabay pasok sa kusina.
Naratnan kong gumagawa ng croissants si Leo nang tuluyan akong makapasok. Napangiti ako nang mapansing nakaayos na ang mga dapat kong gamitin. "Good morning Leo."
Saglit na humarap sa akin si Leo, pagkatapos ay ngumiti. "Good morning rin po Ate."
Sinipat ko muna nang mabilis ang ginagawa niya bago ako nagsimula sa paggawa ng cupcakes.
Halos ala-una na rin akong natapos. Maliban kasi sa mga cupcakes ay gumawa rin kami ng cherry tart. Bumenta kasi sa masa noong minsang gumawa ako.
"Mauuna na ako Celine. Kapag alas-kuwatro'y wala pa ako, isara n'yo na ang shop." paalam ko bago sumakay sa pick-up.
Hindi naman hihigit sa dalawang oras ang biyahe papuntang Odiongan. Kaya bago mag-alas tres ay nasa centro na ako. Ilang minutong takbuhin ng sasakya'y bumungad na sa akin ang isang pulang gate. May mga lobo sa loob at ilang bandiritas, tanda na may selebrasyong gaganapin.
"Ay, nariyan na po pala kayo." sabi nang katulong na nagbukas ng gate. Nang maayos kong maibigay ang kailangan nila'y kaagad na akong umalis. Baka sakaling makaabot pa ako bago magsara ang shop. Kailangan kong pagdalhan si Renzo ng paborito nitong egg pie.
Habang nasa biyahe'y panaka-naka ang pagsilip ko sa orasang nasa unahan. Malapit nang mag-alas kuwatro. Gustuhin ko mang bilisan ang pagpapatakbo'y hindi ko magawa dahil sa biglaang pagpatak ng ulan. Malakas at halos hindi ko na makita ang daan. Kaya nagpasya na lang akong huminto sa gilid ng kalsada.
Halos walang dumaraan, pero ayos lang, alam ko namang hindi mapanganib. Siguro'y hihintayin ko na lamang na tumila ang ulan. Baka sa bahay ko na lang rin gawan ng egg pie si Renzo.
Isang malalim na paghinga ang aking ginawa. Kumusta na kaya sina Tatay? Hindi ko maiwasang mag-isip tungkol sa kanila. May apat na taon na rin simula nang umalis ako sa bahay. Nakakalungkot lang dahil parang hindi man lang ako pinapahanap ni Tatay. Kaunti na lang baka isipin ko nang hindi niya ako mahal.
"Kainis!" mariin kong sabi bago inilabas ang cellphone. Naroon ang bagong numero ni Tatay. Pero ni minsan hindi ko siya tinawagan. Natatakot ako, kahit na ba may maipagmamalaki na ako'y nahihiya pa rin akong tumawag sa kaniya.
Siguro dahil hindi naman ito ang pangarap niya para sa akin. I'm a pastry chef, malayo sa pagiging engineer na siyang pangarap sa akin ni Tatay. Pero wala siyang magagawa. Wala talaga ang puso ko sa gusto niya para sa akin.
Napapabuntong-hiningang itinitig ko ang mga mata sa unahan ng kotse. May ilang minuto na iyong nakatigil sa gilid at tanging dalawang ilaw lamang ang bukas. Tanda na nakahinto ako't wala pang balak na umusad.
Wala na akong makitang daan dahil sa malakas na ulan. Tanging mga ilaw ng sasakyan lang ang siyang naaaninag ko tuwing may daraan.
"Gosh, mukhang hindi na ako makakauwi." mahina kong sabi bago muling inilabas ang cellphone.
"Ate Mildred?" sabi ko nang sagutin nito ang tawag.
"Ay Ma'am, kanina pa po kayong hinihintay ni Renzo. Nag-aalala rin si Señora Clara." sabi ni Ate Mildred na ikinapikit ko nang mariin.
"Ate Mildred, pakisabi, baka hindi ako makauwi ngayon. Nasa Odiongan ako't malakas ang ulan. Hindi ko makita ang kalsada gawa nang mahina ang headlights ng pick-up." mahinahon kong sabi. May ilang ulit pa akong sumulyap sa daang nasa gilid ko. Mas lalo yatang lumakas ang ulan.
"Naku, Ma'am Rhy, baka kung mapano kayo riyan. Ipapasundo ko na lang kayo."
"Huwag na Ate Mildred. Maaabala lang kayo. Ayos naman ako eh. Kapag huminto ang ulan ay kaagad akong uuwi." pagpapakalma ko sa kaniya. Maliban kay Lola Clara ay alam kong nag-aalala siya sa akin dahil itinuring niya na rin akong parang totoong anak.
"Basta, kapag hindi pa rin tumila ang ulan nang alas otso ipapasundo na kita." Huling sinabi ni Ate Mildred bago pinutol ang tawag.
Humugot ako nang malalim na paghinga bago saglit na lumabas para kunin ang isang box ng cupcakes na sinadya kong ihiwalay. Nasa likod iyon kasama ng ilang box at tray na siyang ginagamit ko sa shop.
Hindi ko pa man nakukuha ang kailangan ay halos maligo na ako sa ulan. Basang-basa na ang buo kong katawan at halos nanginginig na ang mga kamay dahil sa malamig na hanging bumabalot sa akin.
Kaagad akong bumalik sa loob ng pick-up na basang-basa. Hindi ko na lamang pinansin ang pagkapit ng basa sa upuang may sapin na tela. Ipapalinis ko na lang kinabukasan.
Mariin akong napapikit nang makita ang pagguhit ng kidlat sa langit. Mukhang matatagalan pa talaga bago tumila ang ulan.
Lumipas ang isang oras na walang nangyayari. Malakas pa rin ang ulan. Wala yatang balak na huminto. Talagang hindi ako makakauwi. Liban na lang kung ipasusundo ako ni Ate Mildred.
Mabilis kong tiningnan ang oras sa relong pambisig. Halos mag-aalas-dies na pero wala pa rin ang sundo na sinabi ni Ate Mildred. Baka maging iyon ay naestranded dahil sa malakas na ulan.
Muli akong pumikit bago niyakap ang sarili. Ramdam ko ang pagnginig ng buo kong katawan. Malamig pero napakainit ko. Mukhang magkakaroon pa ako ng lagnat.
Mahihinang pagkatok ang nagpabaling sa akin. Marahil ay dumating na ang sundo ko. Kaagad kong ibinaba ang bintana. Kumunot ang noo ko nang bumungad sa aking harapan ang mukha ng taong huli kong nanaising makita.
Vernon Rios Ledesma.
Malalim ang guhit sa kaniyang noo. May tumutulong tubig roon pababa sa kaniyang pisngi. Mariin ang pagkakatitig sa akin ng mga mata niyang may mahahabang pilik. Matangos ang ilong at manipis ang labi. In short, gwapo ito. Mas guwapo kaysa sa mga larawang nasa bahay.
Malalim ang hinugot kong paghinga bago muling pumikit nang mariin. Ewan ko ba, pero pakiramdam ko mas nagmumukha akong mahina sa paraan ng kaniyang pagtitig.
"Get out of the car, Rhyna. Uuwi na tayo." mariin ang boses niya. Malamig rin na halos pumares sa panahon.
Nanghihinang kinuha ko ang aking bag bago marahang binuksan ang pinto. Hindi pa man nakakalapat ang isa kong paa'y nakaramdam na ako ng pagkahilo.
"Hey!" malakas na sabi ni Rios nang tuloy-tuloy akong napasandal sa kaniya. "Shit, you're burning!"
Hinayaan kong pangkuhin ako ni Rios papunta sa kaniyang ford expedition. Marahan niya akong iniupo sa unahang upuan. Gusto ko sanang imulat ang mga mata ko nang maramdaman ang pagbalot ng kung ano sa aking basang katawan. Pero hindi ko magawa dahil parang may humihila sa akin. Inaantok ako pero hindi iyon dahil doon.
"We'll be home tomorrow. We need to go to the hospital. Mataas ang lagnat ni Rhyna. Tell Lola we'll be fine." naulinigan kong sabi ni Rios. Siguro ay tumawag ito sa bahay.
Ilang minutong pinilit kong gising ang diwa. Pilit kong nilalabanan ang pagpikit ng aking mga mata.
Naiilang ako, dahil ramdam ko ang pagtitig ni Rios. Hindi ko alam kung bukal ba sa loob niyang gawin ito. Saka na lamang siguro ako magtatanong kung bakit siya ang sumundo sa akin.
MALAKAS na hangin ang tumatama sa aking mukha. Inililipad rin niyon ang aking mahabang buhok pati na rin ang kulay lilang bestida na umabot hanggang sa bukong-bukong ko.Sa nakalipas na dalawang araw ay hindi pa rin tumitigil ang pag-ulan. Kaya hanggang ngayo'y nasa isang resort pa rin ako kasama ang lalaking ni sa hinagap ay hindi ko naisip na makakasama. "Masyado pa raw madulas ang kalsada pabalik sa Bachawan. Kailangan pa nating magstay rito." Natatandaan kong sabi sa akin ni Rios bago niya ako iniwan sa cottage. Hindi kami natuloy sa hospital noong sunduin niya ako. Napakalakas ng ulan at hindi na masyadong maaninag ang daan. Kaya nagpasya na lang si Rios na umupa ng cottage sa malapit na resort.Hanggang ngayo'y hindi ko pa rin alam kung bakit siya ang sumundo sa akin. Malimit lang kasi kaming mag-usap sa loob ng dalawang araw. Tamang pagsagot lang sa ilan niyang tanong ang nagagawa ko. Kung minsan nga'y napapatango na lang ako. Kaya hindi na ako magtataka kung umabot man ang is
"HEY!" tarantang sabi ni Rios nang magtuloy-tuloy ang pag-ubo ko.Naramdaman ko ang paghaplos niya sa aking likod. Baba-taas ang kanang niyang kamay roon na ikinabawas ng pag-ubo ko."Ayos na ako." marahang kong sabi na ikinahinga niya nang marahas. Saglit akong natigilan nang mabungaran ang mukha ni Rios na halos ilang dangkal na lamang ang layo sa akin."Huwag kasing padalos-dalos sa pag-inom." pangaral niyang ikinatango ko na lamang. Ilang minuto lang ay kaagad nang bumalik si Rios sa kaniyang puwesto kanina. Magkatapat na naman kami't hindi nag-iimikan. Hindi na ako magtatataka kung matatapos ang gabing ito na panis na kaagad ang mga laway namin. God! Hindi ko alam kung sadyang tahimik siya o talagang hindi niya lang gusto ang magsalita kapag kasama ako.Gaya nga ng sabi ko, nagkakausap naman kami. Ngunit pawang maiiksing usapan lang at kung kinakailangan. At kung hindi ako magsasalita ngayon, magmumukha kaming estatwang pwedeng i-display sa labas nitong villa."Renzo asked me t
"INUTUSAN ko na si kuya Lito na kunin ang sasakyan mo. Para wala ka nang alalahanin kapag pauwi na tayo." seryosong sabi ni Rios habang inilalagay ang mga kaniyang nga damit sa isang travelling bag. Samantalang ako'y tinutulungan siya sa kama niyang parang hindi yata hinigaan. "I told you, hindi mo na ako kailangang tulungan, marunong akong magligpit ng hinigaan ko.""Are you sure na pwede na tayong umuwi? Hindi ba delikado sa daan?" tanong ko sa kaniyang hindi binigyang pansin ang huli niyang sinabi. Kaagad na napaiwas ang aking mga mata nang biglang lumingon si Rios. "I mean, tuyo na ba ang daan? Lalo na sa Looc, hindi ba't maputik doon? Pataas rin ang kalsada't paikot-ikot. Hindi naman—""Alam ko ang ibig mong sabihin. You don't need to defend yourself. Mas lalo lang nahahalatang gusto mo pa akong makasama." sabi niya sabay kindat sa akin. Kaagad na umarko ang kilay ko. Isang nakamamatay na irap ang ibinigay ko kay Rios bago ipinagpatuloy ang ginagawa. "Gusto ko lang makasiguro, a
"IS there something wrong, hija?" Marahan kong nilingon si Lola Clara. I was alone in the balcony when she came and asked me the question I have been asking to myself. What is happening to me? Kanina pang hapon sinabi ni Rios ang mga salitang iyon. Pero hanggang ngayon, parang sirang plaka iyong paulit-ulit na tumutugtog sa isipan ko. His presence keeps bothering me. His words were like darts but taste like a candy. The way he looks at me, the way he called my name, God! He distracted me without even trying! Dumagdag pa iyong mga sinabi niya kanina. Was he serious? Did he really said those words? Ewan ko ba kung bakit pinoproblema ko iyon gayong wala naman dapat akong pakialam.My very plan was to get away of the past that I've been wanting to forget. To stay away with the people who wanted me to pay for the crime, where I am a victim too! Hindi nga dapat tawaging krimen ang pangyayaring iyon! It was an accident. Aksidenteng walang sinoman ang gusto itong mangyari. "You can te
"..so this is your shop." sabi nang kakapasok lang na si Rios. Mula sa pagkakayuko ko sa laptop na nasa harap ay saglit kong tiningnan si Rios. Malaya nitong inilibot ang tingin sa shop kong may mangilan-ngilang kumakain. "Anong ginagawa mo rito?" Seryoso kong tanong bago muling ibinalik ang tingin sa laptop. I heard him chuckled. "Masama bang bisitahin ang mommy ng anak ko?" he answered; leaning on my table. Mariin akong napaungol bago umirap sa kaniya. Mukhang wala talaga itong balak tumigil sa pangungulit na tanggapin ko ang inaalok niya. "Will you—,""...marry me? Sure, I'll marry you." nakangising agap niya sa sana'y sasabihin ko. "Pwede ba, tumigil ka na? Wala akong oras makipagbiruan sa iyo." walang ekspresiyong sabi ko sa kaniya. "Kung mang-aasar ka lang, pwede umalis—,""I want some carrot cake and a cup of tea." putol niya sa sana'y pagtataray ko. Kaagad akong napabuntong-hininga bago isinabi kay Celine ang gusto ni Rios. Matalim ko siyang tiningnan nang walang pasabi s
ISANG malakas na sampal ang iginawad ko sa pisngi ni Rios. Ramdam ko ang panginginig ng aking mga kamay at pati na rin ang pagliyab ng galit sa dibdib ko. Hindi ko rin maiwasan ang biglang makaramdam ng takot dahil sa alaalang unti-unti na namang namumuo sa aking isipan. "Wala kang alam sa sinasabi mo." Malamig pero may diin kong sabi kay Rios na nakatungo pa rin dala nang malakas kong pagsampal sa kaniya. "Ang madrasta mo mismo ang nagsabi—.""Wala akong madrasta!" Pilit kong pinapakalma ang sarili. Pero hindi sumasang-ayon ang galit na lumulukob sa puso ko. Sa ginagawa ni Rios ay mas lalong nawalan ako ng ganang kausapin siya. A smirk formed in his lips. As if telling me that he already know everything about me. "Lucinda Olivarez is her name.""Lucinda? Tita Lucinda?" mahina kong sabi sa sarili. Si Tita Lucinda ang kaibigang matalik ni Nanay. Paanong siya ang stepmother ko?! "See, you knew her. At kaya ka narito ay dahil sa tinatakasan mo ang kasalanang ginawa mo sa pamilya mo
NAKALIPAS ang isang linggong hindi ko kailanman pinansin si Rios. Kahit na ilang beses niya akong kulitin ay hindi pa rin ako natitinag. Pinipilit kong huwag siyang pagtuunan ng pansin dahil alam kong pagmumulan na naman iyon ng pagbabangayan naming dalawa. May pagkakataong si Rios ang naghahatid sa akin sa shop, dahil wala pa rin si kuya Lito at lola Clara. Nagbago kasi ang isip ng matanda at pinilit na isama si kuya Lito. Na sa tingin ko nama'y sinadya niya. Sinadya niyang iwan kami rito ni Rios para kahit papaano'y mapagsolo kaming dalawa. Ang sana nga'y dalawang araw na pagbisita ni lola Clara sa pinsan nitong nasa Mindoro ay inabot ng isang linggo, at nahimigan ko pa nga sa telepono na mag-e-extend pa raw ito dahil napakaganda raw sa Little Tanawan. Halos napapaligiran raw sila ng samu't-saring punong-kahoy, halaman at malawak raw ang kalupaang sakop ng pinsan nito. Kaya kahit papaano'y nabawasan raw ang pagkasuyang nadarama noong nakikita pa raw nito ang malawak na dagat sa Ro
"ANONG sabi mo?" salubong ang kilay na tanong ko kay Rios. Kung isa na naman ito sa mga pakulo niya, baka masapak ko siya nang wala sa oras."I don't want to repeat myself.""Okay." maiksi kong sagot bago muling nagsimula sa paglalakad. Kung ayaw niyang ulitin eh di wag. Madali naman akong kausap. Isa pa'y hindi naman ako katulad ng ibang babae na halos maihi na sa kilig kapag sinabihan ng ganoon. Hindi ba nila alam na may dalawang ibig sabihin ang binitiwang salita ni Rios. At sa parte ko'y hindi ko alam kung maganda ba o hindi ang kahulugan.Hindi pa man ako tuluyang nakakalayo ay ilang beses kong narinig ang pagmumura ni Rios. Hindi ko na lamang iyon binigyang pansin. Nagpatuloy na lamang ako sa pagpasok sa kuwarto pagkatapos ay nagpahinga.Ilang minuto akong nakahiga sa kama nang magpasiya akong bumangon at muling lumabas ng kuwarto. Kailangan ko pa palang magluto dahil hindi pa kami nakakapaghapunan.Wala pa man ako sa kusina ay naamoy ko na kaagad ang adobong niluluto ng kung si
Malalim na paghinga ang aking pinakawalan bago taas ang noong tumungo sa malawak na garden ng mental hospital. Noong una'y hindi ako makapaniwalang dito dinala si Lucinda. Ang pagkakaalam ko'y sa kulungan. Ang sabi sa akin ni Rios ay nag-iba raw ang ugali ni Lucinda nang maikulong ito ng isang buwan. Kaya walang nagawa ang mga pulis kundi ang ilipat sa mental hospital si Lucinda. Kinasusuklaman ko siya sa mga ginawa niya sa pamilya ko. Pero tao pa rin ako't nakakaramdam ng awa. Lalo na ngayong pinagmamasdan ko si Lucinda habang nakaupo ito sa silyang may gulong. She was staring on an imaginary wall. Malayo ang takbo ng isip.Marahan akong napatikhim saka nilingon ang nurse na siyang kasama ko para ihatid ako kay Lucinda. "Pwede kitang samahan dito..." mahina nitong sabi. "Ayos lang ako, hindi na rin naman ako masasaktan ni Lucinda." Tipid ang ngiting sabi ko.Ilang sandali lamang ay nagpaalam na ang nurse. Kaya marahan akong naglakad palapit kay Lucinda. Kumunot ang aking noo nan
Isang marahas na paghinga ang aking pinakawalan habang nasa loob kami ng kotse ni Rios. I am very nervous. Hindi ko alam kung bakit? Pero parang hinahalukay ang aking tiyan. "Hey, don't be nervous. Si Renzo lang ang pupuntahan natin." May matamis na ngiti sa mga labing sabi sa akin ni Rios. "I can't help it. Pakiramdam ko ang laki ng nagawa kong kasalanan dahil wala ako sa tabi niya. Wala ako noong kailangan niya ng ina sa US." Naiiyak kong sabi. Napapasinghot na napangiti na lang ako kay Rios nang hawakan niya ang aking kamay. Marahan niya iyong pinisil para ipabatid na nariyan lang siya para sa akin. Mahigit isang oras ang ibiniyahe namin ni Rios. Sa loob ng mahabang oras na iyo'y hindi naalis ang kaba sa aking dibdib. Nasasabik ako kay Renzo. Gustong-gusto ko na siyang mayakap. Muli akong napabuga ng hangin para kalmahin ang aking sarili. Nasa tapat na kami ng malaking gate ng bahay ni Lola Clara. Hindi ko alam kung ilang beses na akong napabuga ng hangin. Parang kakawala n
Hindi ko alam kung gaano ako katagal na umiyak sa harap ni Rios. Pakiramdam ko napakasama kong tao. Wala akong kwenta. Hindi ko naprotektahan si Renzo tapos ang lakas pa ng loob kong akusahan si Rios. "Where is he?" Umiiyak kong tanong kay Rios. Malalim lang siyang napabuntong-hininga bago ako nilapitan. Marahan niya akong itinayo mula sa pagkakasalampak sa sahig. Umiiyak na tinitigan ko ang mukha ni Rios. "Please tell me, where's Renzo?" Tanong kong pilit na hinahawakan ang mukha ni Rios. "He's fine..." Marahang sagot ni Rios bago ako tinitigan sa mga mata. Maya-maya lang ay naupo siya sa kama. Hinila niya ako't inupo sa kaniyang kandungan. Titig na titig sa mga mata ko si Rios. Pagkatapos niyo'y pinunasan niya ang mga luha ko. "...please babe, don't cry."Sa sinabing iyon ni Rios mas lalo akong naiyak. Walang pasabing niyakap ko siya nang mahigpit. "Dalhin mo ako sa kaniya, please. Gustong-gusto ko nang makita si Renzo." "I will babe, pagkatapos mong kumalma. I don't want to
"Akio, send me the details. Pagdating namin sa isla pwede mo nang umpisahan ang plano." Seryosong sabi ko kay Akio na nasa kabilang linya. Pinag-uusapan namin ang tungkol sa mga nakalap nilang ebidensiya ni Jayson, laban kay Lucinda. Pagkatapos naming umalis ay magsisimula na ang plano. Kung maaari'y ako na lang ang magsasampa ng kaso. Ayaw kong madamay pa ulit si Rhyna. Napapabuntong-hiningang napapikit ako ng mariin. God, hindi ko kayang makita ulit ang takot sa mga mata ni Rhyna. Hindi ko alam ang gagawin, noon ko lang siya nakitang natakot ng sobra para kay Renzo. To think na hindi naman talaga ito galing sa kaniya. May nagawa ba akong mabuti kaya pinagkaloob sa akin ng Dios si Rhyna? "Sure, I'll send it right away." Narinig kong sabi ni Akio. Napapangiting bumaba ako ng sasakyan. Hindi ko na ipinasok sa loob ang kotse, may nakaharang kasing itim na sasakyan sa gate. "Thank—." natigil ko sa pagsasalita nang makarinig ng putok. "Putok ba yun ng baril?" Gulat na tanong ni Ak
"Happy new year!" Masayang bati ni Willa sa akin nang kumalat ang fireworks sa malawak na langit. "Happy new year Rhyna! Happy new year babe!" Malaki ang ngiting sabi ni Yohan bago hinalikan sa pisngi si Willa. Tipid akong ngumiti bago tiningnan ang langit. Renzo loves fireworks. Kung nandito lang sana siya sabay sana naming tinatanaw ang iba't ibang kulay sa langit. "Ano ba yan, kakasapit lang ng bagong taon may nakasimangot na kaagad!" Bigla akong natawa sa sinabi ni Willa. "Sira, may naalala lang ako.""Naku..." "Maiwan ko nga muna kayo, nagmumukha akong chaperone ninyong dalawa." Pang-aasar ko kay Willa. Saglit kong kinindatan ang kapatid ko bago pumasok sa loob. Sa kusina ako tumuloy para saglit na kumain. Kaunti lang ang inihanda ko dahil iilan lang naman kami. "Ay Ma'am Rhy, tikman mo itong cake na ginawa ko. Masarap iyan, baka pwede na akong magtrabaho sa kusina. Nakakasawa na kasing puro barya at papel ang hinahawakan ko." Sabi ni Apple na siyang kahera ko sa shop. N
Tunog ng makina at sinag mula sa malaking bintana ang nagpagising sa akin. Marahas akong napahigit ng paghinga bago nagmulat. Purong puti ang nasa paligid ko. Hospital o langit? Marahang bumukas ang pinto. Hindi ko maigalaw ang katawan ko. Pakiramdam ko'y napakabigat niyon. Hindi ko tuloy malingon ang kung sinong pumasok. "Ate..." halos walang boses na sabi ni Willa bago lumapit. Hilam sa luha ang kaniyang mga mata. Nakasuot rin siya ng kulay itim na bestida. "W-Willa...""Oh my god, tatawag lang ako ng doctor." Nanlalaki ang mga matang sabi ni Willa bago tumakbo paalis. Napansin kong wala na siyang pasa. Pero may sugat pa rin sa gilid ng labi niya. Renzo! Unti-unting tumulo ang mga luha ko. Pinilit kong bumangon. Kailangan kong makita si Renzo. Kailangan kong makita ang anak ko! "Ms. Guerrero, hindi ka pa pwedeng bumangon. Mahina pa ang katawan mo." Maagap akong hinawakan ng doctor para maibalik sa pagkakahiga. "No...I want to see my son." mahina kong sabi. Kahit nanghihina
"Is everything okay?" Taas ang kilay na tanong sa akin ni Rios. Katatapos ko lang mag-impake ng damit ni Rios. Nakapagdesisyon na kaming bukas nang umaga umalis. He already talked to Rafael. Pumayag naman ang kuya niyang sa private island nito kami tumuloy pansamantala. Mabuti nga raw na kinausap namin siya. Makakapagprovide pa raw siya ng mga magbabantay. "Yes, babe." Nakangiti kong sabi bago inilagay ang huling damit ni Renzo sa maleta. "Where's Willa?"Nakausap ko na rin si Willa. Pumayag naman siya dahil nag-aalala rin daw siya para kay Renzo. Ngayon ay si tatay naman ang kakausapin ko. Pipilitin ko siyang sumama sa amin. Wala na akong pakialam kung magpakasasa pa si Lucinda sa perang maiiwan ni tatay. Basta ligtas ang pamilya ko, ayos na sa akin iyon. "May bibilhin raw sandali sa mall." Maiksing sagot ni Rios bago ako niyakap mula sa likod. "Sinama niya si Renzo."Bigla akong natigilan. "What? Pumayag ka?""Hey, it's fine, may bantay sila. Nagpumilit si Renzo. Pumayag na lang
"That's it?!" Salubong ang kilay na tanong sa akin ni Rios nang matapos kong ikuwento sa kaniya ang bumalik kong mga alaala. Mukhang may iba pang inaasahang marinig si Rios. Marahan akong tumawa bago umayos nang pagkakaupo sa sofa. Hindi ko nga pala ikinuwento sa kaniya ang tungkol doon sa swimming pool. Kung saan nagtapat siya sa akin at nangakong pakakasalan ako. Eh bakit ba? Gusto ko muna siyang pagtripan. Nakakatuwa kasing asarin si Rios. Alam mo yun, madaling mapikon. "Tell me everything or I'll punish you." Matalim ang tinging sabi niya sa akin. Mabilis akong tumayo para umalis. Anong akala niya sa akin uto-uto? Tapos anong punishment? He'll kiss me? Nah, lumang style. "Rhynarie!"Humahalakhak na iniwan ko si Rios sa sala. Kaagad kong tinungo ang garden kung saan naroon si Renzo at Willa. Naglalaro sila nang maabutan ko. "Mommy!" Nakangiting tawag sa akin ni Renzo bago patakbong lumapit sa akin. Mahigpit niya akong niyakap bago pinupog ng halik sa mukha. "Mom I love you."
Habang nasa sasakyan ay tiningnan kong maigi si Rios. Huminga ako nang malalim bago inilipat ang tingin sa unahan ng kotse.Katatapos lang naming kumain sa isang restaurant. Ngayon ay pauwi na kami ni Rios. "So..." pagbasag ko sa katahimikan. "...ayos ba ang acting ko kanina?" Napapataas ang kilay na sabi ko kay Rios. Isang pilyong ngiti ang pinakawalan ni Rios saka kinuha ang kamay ko. Mahigpit niya iyong hinawakan bago dinala sa mga labi. "Sobra, kung wala akong alam sa nangyayari baka pati ako mahulog sa pag-arte mo.""Well, thanks to you. Kung hindi dahil sa sinabi mo, hindi ko magagawa iyon." seryoso kong sabi bago ngumiti. "Mali ng kinakalaban si Lucinda.""Right..."Muli akong napangiti bago inalala ang pangyayari bago kami dumating sa party. —"Darating si Cesar sa party mamaya." Pagbasag ni Rios sa katahimikang bumabalot sa amin. Inabot na kami ng isang oras sa daan. Dapat ilang minuto lang ay naroon na kami sa party. Pero may importante pa raw sasabihin si Rios na mas mab