Share

Kabanata 2

Author: Pxnxx
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

After 4 years......

"Ma'am Rhyna!" tawag sa akin ni Kuya Lito. Driver siya ni Lola Clara, na sa malamang ay inutusang sunduin ako. Naku talaga si Lola! Hindi naman kalayuan itong shop sa bahay.

"Kaya ko naman hong bumiyahe mag-isa. Hindi na sana ho kayo nag-abalang sunduin ako." sabi ko nang makalapit sa kaniya. 

Mula sa loob ng kotse ay dalawang maliliit na kamay ang lumabas kasabay nang isang hagikhik. "Mommy!"

Isang malaking ngiti ang pumunit sa nakatikom kong bibig. "Renzo baby!" sabi ko bago nagmamadaling sumakay sa kotse. Hindi ko na lamang binigyang pansin ang pag-iling ni Kuya Lito.

"How's my handsome little Renzo?" tanong ko habang walang sawang hinahalikan ang kaniyang buong mukha.

"I'm doing great Mommy. Lola bought a new toy car for me. Look Mom!" tuwang-tuwang ipinakita sa akin ni Renzo ang isang malaking remote control car. Napapangiting hinalikan ko na lamang ang kaniyang sentido.

Si Renzo ang anak ni Diana at ng Apo ni Lola Clara na si Rios. Lumipas ang apat na taong nasa poder ako ni Lola Clara. Kaya ito, ako ang nakamulatang ina ng bata. Hindi naman sinasaway ni Lola, mas mabuti na raw iyon kaysa malaman nitong ang totoo pala nitong nanay ay ang babaeng trumaydor sa Daddy nito.

Malaki ang pasasalamat ko kay Lola Clara. Sa loob ng apat na taong nasa tahanan niya ako'y hindi niya ipinaramdam sa aking iba akong tao. Pinag-aral niya pa nga ako at binigyan ng pera para makapagsimula raw ng isang maliit na pastry shop sa bayan. Natuwa kasi ito nang malamang marunong akong gumawa ng cupcakes at kung anu-ano pa. Sayang naman daw ang talento kong iyon kung siya lamang at ang mga kasama namin sa bahay ang makakatikim ng mga gawa ko.

Hindi na ako nakaangal nang isang araw nalaman ko na lamang na patapos na pala ang pwestong kinuha niya para sa akin.

"Naku, Ma'am Rhyna, iyang si Renzo'y nagpumilit na sumama na sumundo sayo. Hindi nga pinayagan ni Mildred at baka raw magalit ka." sabi ni Kuya Lito. "Kaya lang ay binirahan ng ngawa si Mildred kaya ayan, ang laki nang ngiti." dagdag pa niya.

Napangiti na lamang ako ng matamis. Alam ng lahat na hindi nagmula sa akin si Renzo. Pero kahit ganoo'y wala silang sinasabi. Tanggap na tanggap nga nila ako, kahit pa noong bago pa lang ako tumapak sa bahay ng mga Ledesma.

"Siyanga pala, gusto raw kayong makausap ni Señora Clara. Pagdating raw sa bahay ay dumiretso ka na lang raw sa library." sabi pa ni Kuya Lito.

Ano na naman kayang ikukuwento sa akin ni Lola? Sa bawat oras kasi na hilingin niyang makausap ako'y kinukuwentuhan niya lamang ako ng mga bagay-bagay tungkol sa buhay niya. Kung paanong nakilala niya si Lolo Alejo. Kung paanong naging sakit sa ulo niya ang anak na si Tita Carmen dahil sa pakikipagtanan nito sa dating asawa.

Kung paanong sumibol ang matinding galit niya nang mamatay ang kaisa-isang anak. Kaya ayon, pinilit niyang makuha ang mga apo sa poder ng walanghiyang ama ng mga ito.

Ilang beses rin nakwento sa akin ni Lola ang tungkol sa magkapatid na Rafael at Rios. Sakit rin daw sa ulo ang dalawa dahil sa kabi-kabilang pambabae. Lalo na noong umalis ang panganay para paghigantihan ang ama ng mga ito.

Hindi rin lingid sa kaalaman ko ang galit ng matanda sa yumaong ina ni Renzo. Trinaydor nito si Rios. Isiniwalat ang lahat ng mga importanteng plano at ninakaw ang ilang project ng Ledesma. 

Kaya sobra ang pasasalamat ni Lola sa akin nang tawagan ko siya noong manganganak na si Diana. May plano pala kasi itong itago si Renzo sa mga Ledesma. At ayaw iyon mangyari ni Lola, dahil alam niyang masamang tao si Diana.

"Lola Clara?" tawag ko mula sa labas ng library. Kaagad ko siyang pinuntahan pagkatapos kong maihiga si Renzo sa kama nito. Nakatulog kasi habang nasa biyahe.

"Pasok ka, apo." malumanay na sagot ni Lola mula sa loob. Hindi na ako nag-alangan pa, kaagad kong binuksan ang pinto at tuloy-tuloy na umupo sa upuang nasa harap ng kaniyang lamesa.

"Gusto n'yo raw po akong makausap?" tanong ko nang makaupo ng maayos.

"Iyon na nga, gusto kong sabihin na sa makalawa'y darating si Rios. Gusto kong maghanda ka, mahilig sa mga lutong-bahay ang apo kong iyon." may galak sa boses na sabi sa akin ni Lola Clara.

Halos hindi ako makapagsalita. Ilang beses nang naikwento sa akin ni Lola Clara si Rios. Sa pagkakaalam ko'y matanda ito sa akin ng anim na taon.

May ilang beses ko na ring nakita ang mga larawan nito sa ilang photo album na nasa library ni Lola. 

Gwapo ang magkapatid na Ledesma. Parehong isang kindat lamang ay aatakihin ang sinomang babaeng nasa harap ng mga ito.

"Paano po kung hindi niya magustuhan?" Ngali-ngaling batukan ko ang sarili nang itanong iyon. Isang tikhim ang binitawan ko bago muling nagtanong. "Baka po magalit siya sa akin kapag narinig niya ang tawag sa akin ni Renzo."

"Hindi naman siguro, dapat pa nga siyang magpasalamat dahil makakasama niya ang anak niya dahil sa iyo." matamis ang ngiting sabi ni Lola.

Bigla kong naalala ang minsanang nakita kong nakikipag-video chat ito sa anak. Hindi ako lumapit kay Renzo kahit na ilang beses ako nitong tinawag para kausapin ko rin daw ang Daddy niya.

"Don't be nervous, Rhyna. Nandito naman ako." 

-

Halos hindi maalis sa isip ko ang mga sinabi ni Lola Clara.

Paano kung magalit siya sa akin? Paano kung ilayo niya sa akin si Renzo? Hindi ko yata kakayanin iyon. Napamahal na sa akin ang anak ko.

"Mommy, are you okay?" tanong sa akin ni Renzo nang magising siya sa ginawa kong paghaplos sa kaniyang buhok.

"Yes, baby." nakangiti kong sagot bago ko siya hinalikan sa pisngi. "I have good news for you."

"What is it Mom? Did you buy a new toy car?" pansin ko ang tuwa sa mga mata ni Renzo.

Sasagot na sana ako nang biglang pumasok si Ate Mildred dala ang cellphone. Alam ko na kaagad kung ano iyon kaya tumayo na ako't naghanda sa pag-alis.

"Ay, Ma'am Rhy gusto raw makausap ni Sir Rios si Renzo." Malaki ang ngiting paalam sa akin ni Ate Mildred. Tumango na lamang ako at naglakad palabas.

Bago pa man ako makalabas ay hindi sinasadyang magpingkian ang mga siko namin ni Ate Mildred. Kaya ang nangyari'y nahulog ang cellphone sa harap ko.

Mabilis ko iyong dinampot sa pag-aakalang baka nabasag iyon. "Sorry Ate Mildred." paumanhin ko sabay abot ng cellphone sa kaniya.

"Naku, ayos lang." sagot nito bago itinuloy ang paglapit kay Renzo.

"Mommy, saan ka pupunta, ha? Daddy's here, oh. He wants to talk to us." sabi ni Renzo na ikinatigil ko sa may pinto.

"Baby, magluluto pa kasi ng dinner si Mommy." malumanay kong sabi habang may matamis na ngiti.

"Lagi kang ganiyan. Don't you love Daddy?" tanong niyang ikinatahimik ko. Malamang hindi, hindi ko pa naman nakikita sa personal iyang ama mo. "How about you Daddy? Love mo ba si Mommy?" lalong nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang sunod na sinabi ni Renzo.

"Renzo, baby, bababa na si Mommy ha." sabi ko bago mabilis na lumabas. Baka kung ano pang maitanong ni Renzo, nakakahiya. 

Hindi ko maiwasan ang pamulahan ng mga pisngi sa kaalamang narinig ako ng Daddy ni Renzo. Nakakakaba. Paano kung pagdating nito'y pagsalitaan ako ng masama?

Kinalma ko muna ang sarili bago pumasok sa kusina. "Ditas, ako na lang ang maghahanda ng dinner." sabi ko nang maratnan ko siyang inilalagay ang hinugasang bigas sa rice cooker.

"Tulungan ko na po kayo." sagot nito sabay ngiti. Sanay na ang mga kasama namin sa bahay na ako ang nagluluto minsan. Kaya hindi na tumututol ang mga ito kapag narinig na ang sinabi ko.

Habang abala kami sa paghahanda ay hindi ko pa rin maiwasang isipin ang pag-uwi ng apo ni Lola Clara. Kinakabahan na talaga ako. 

Ang panganay pa lamang na si Rafael ang nakita ko sa personal. Ang Daddy ni Renzo ay hindi pa umuuwi kahit pa noong kakatapak ko pa lamang sa bahay ng mga ito.

Sa Manila ito naglagi, naging abala sa opisina. Marami itong inasikaso dahil sa kagagawan ng Mommy ni Renzo. Muntik pa nga itong maalis sa pwesto dahil raw sa kapabayaan.

Hindi naman dapat nila sisihin iyong tao. Nagmahal lang naman ito. 

Iyon nga lang, nasobrahan, kaya ang kinalabasa'y naging tanga at uto-uto!

Kaugnay na kabanata

  • His Bandit Heart    Kabanata 3

    MAAGA akong pumunta sa shop kinabukasan. Nais kong libangin ang sarili upang hindi kabahan sa pagdating ni Rios."Ate Rhyna, may tumawag po, nagpapatanong kung kaya raw pong magdeliver sa Odiongan?" sabi nang staff kong nakapwesto sa counter. "Five boxes of matcha cupcakes.""Kaya naman, nariyan ba si Mark? Siya na lang ang magdeliver." sagot ko habang nagsusuot ng apron. Personal kong ginagawa ang mga order ng mga costumers. Nagpapatulong naman ako minsan, iyon ay kapag masama ang pakiramdam ko o di kaya'y kapag marami talaga ang dapat gawin.Napansin ko ang pagkamot sa batok ni Celine. "Eh Ate, absent po si Mark. Libing raw no'ng pinsan niyang nakatira sa Mindoro."Napabuntong-hininga na lamang ako. Iilan lamang ang trabahador ko. Dalawang babae at tatlong lalaki. Si Celine at Apple sa counter, si Leo at Mark ang kasama ko sa kusina habang si Kevin naman ang nagdedeliver kapag may umu-order mula sa malayo. Pero dahil nag-leave si Kevin ng isang linggo'y si Mark ang siyang naaasahan

  • His Bandit Heart    Kabanata 4

    MALAKAS na hangin ang tumatama sa aking mukha. Inililipad rin niyon ang aking mahabang buhok pati na rin ang kulay lilang bestida na umabot hanggang sa bukong-bukong ko.Sa nakalipas na dalawang araw ay hindi pa rin tumitigil ang pag-ulan. Kaya hanggang ngayo'y nasa isang resort pa rin ako kasama ang lalaking ni sa hinagap ay hindi ko naisip na makakasama. "Masyado pa raw madulas ang kalsada pabalik sa Bachawan. Kailangan pa nating magstay rito." Natatandaan kong sabi sa akin ni Rios bago niya ako iniwan sa cottage. Hindi kami natuloy sa hospital noong sunduin niya ako. Napakalakas ng ulan at hindi na masyadong maaninag ang daan. Kaya nagpasya na lang si Rios na umupa ng cottage sa malapit na resort.Hanggang ngayo'y hindi ko pa rin alam kung bakit siya ang sumundo sa akin. Malimit lang kasi kaming mag-usap sa loob ng dalawang araw. Tamang pagsagot lang sa ilan niyang tanong ang nagagawa ko. Kung minsan nga'y napapatango na lang ako. Kaya hindi na ako magtataka kung umabot man ang is

  • His Bandit Heart    Kabanata 5

    "HEY!" tarantang sabi ni Rios nang magtuloy-tuloy ang pag-ubo ko.Naramdaman ko ang paghaplos niya sa aking likod. Baba-taas ang kanang niyang kamay roon na ikinabawas ng pag-ubo ko."Ayos na ako." marahang kong sabi na ikinahinga niya nang marahas. Saglit akong natigilan nang mabungaran ang mukha ni Rios na halos ilang dangkal na lamang ang layo sa akin."Huwag kasing padalos-dalos sa pag-inom." pangaral niyang ikinatango ko na lamang. Ilang minuto lang ay kaagad nang bumalik si Rios sa kaniyang puwesto kanina. Magkatapat na naman kami't hindi nag-iimikan. Hindi na ako magtatataka kung matatapos ang gabing ito na panis na kaagad ang mga laway namin. God! Hindi ko alam kung sadyang tahimik siya o talagang hindi niya lang gusto ang magsalita kapag kasama ako.Gaya nga ng sabi ko, nagkakausap naman kami. Ngunit pawang maiiksing usapan lang at kung kinakailangan. At kung hindi ako magsasalita ngayon, magmumukha kaming estatwang pwedeng i-display sa labas nitong villa."Renzo asked me t

  • His Bandit Heart    Kabanata 6

    "INUTUSAN ko na si kuya Lito na kunin ang sasakyan mo. Para wala ka nang alalahanin kapag pauwi na tayo." seryosong sabi ni Rios habang inilalagay ang mga kaniyang nga damit sa isang travelling bag. Samantalang ako'y tinutulungan siya sa kama niyang parang hindi yata hinigaan. "I told you, hindi mo na ako kailangang tulungan, marunong akong magligpit ng hinigaan ko.""Are you sure na pwede na tayong umuwi? Hindi ba delikado sa daan?" tanong ko sa kaniyang hindi binigyang pansin ang huli niyang sinabi. Kaagad na napaiwas ang aking mga mata nang biglang lumingon si Rios. "I mean, tuyo na ba ang daan? Lalo na sa Looc, hindi ba't maputik doon? Pataas rin ang kalsada't paikot-ikot. Hindi naman—""Alam ko ang ibig mong sabihin. You don't need to defend yourself. Mas lalo lang nahahalatang gusto mo pa akong makasama." sabi niya sabay kindat sa akin. Kaagad na umarko ang kilay ko. Isang nakamamatay na irap ang ibinigay ko kay Rios bago ipinagpatuloy ang ginagawa. "Gusto ko lang makasiguro, a

  • His Bandit Heart    Kabanata 7

    "IS there something wrong, hija?" Marahan kong nilingon si Lola Clara. I was alone in the balcony when she came and asked me the question I have been asking to myself. What is happening to me? Kanina pang hapon sinabi ni Rios ang mga salitang iyon. Pero hanggang ngayon, parang sirang plaka iyong paulit-ulit na tumutugtog sa isipan ko. His presence keeps bothering me. His words were like darts but taste like a candy. The way he looks at me, the way he called my name, God! He distracted me without even trying! Dumagdag pa iyong mga sinabi niya kanina. Was he serious? Did he really said those words? Ewan ko ba kung bakit pinoproblema ko iyon gayong wala naman dapat akong pakialam.My very plan was to get away of the past that I've been wanting to forget. To stay away with the people who wanted me to pay for the crime, where I am a victim too! Hindi nga dapat tawaging krimen ang pangyayaring iyon! It was an accident. Aksidenteng walang sinoman ang gusto itong mangyari. "You can te

  • His Bandit Heart    Kabanata 8

    "..so this is your shop." sabi nang kakapasok lang na si Rios. Mula sa pagkakayuko ko sa laptop na nasa harap ay saglit kong tiningnan si Rios. Malaya nitong inilibot ang tingin sa shop kong may mangilan-ngilang kumakain. "Anong ginagawa mo rito?" Seryoso kong tanong bago muling ibinalik ang tingin sa laptop. I heard him chuckled. "Masama bang bisitahin ang mommy ng anak ko?" he answered; leaning on my table. Mariin akong napaungol bago umirap sa kaniya. Mukhang wala talaga itong balak tumigil sa pangungulit na tanggapin ko ang inaalok niya. "Will you—,""...marry me? Sure, I'll marry you." nakangising agap niya sa sana'y sasabihin ko. "Pwede ba, tumigil ka na? Wala akong oras makipagbiruan sa iyo." walang ekspresiyong sabi ko sa kaniya. "Kung mang-aasar ka lang, pwede umalis—,""I want some carrot cake and a cup of tea." putol niya sa sana'y pagtataray ko. Kaagad akong napabuntong-hininga bago isinabi kay Celine ang gusto ni Rios. Matalim ko siyang tiningnan nang walang pasabi s

  • His Bandit Heart    Kabanata 9

    ISANG malakas na sampal ang iginawad ko sa pisngi ni Rios. Ramdam ko ang panginginig ng aking mga kamay at pati na rin ang pagliyab ng galit sa dibdib ko. Hindi ko rin maiwasan ang biglang makaramdam ng takot dahil sa alaalang unti-unti na namang namumuo sa aking isipan. "Wala kang alam sa sinasabi mo." Malamig pero may diin kong sabi kay Rios na nakatungo pa rin dala nang malakas kong pagsampal sa kaniya. "Ang madrasta mo mismo ang nagsabi—.""Wala akong madrasta!" Pilit kong pinapakalma ang sarili. Pero hindi sumasang-ayon ang galit na lumulukob sa puso ko. Sa ginagawa ni Rios ay mas lalong nawalan ako ng ganang kausapin siya. A smirk formed in his lips. As if telling me that he already know everything about me. "Lucinda Olivarez is her name.""Lucinda? Tita Lucinda?" mahina kong sabi sa sarili. Si Tita Lucinda ang kaibigang matalik ni Nanay. Paanong siya ang stepmother ko?! "See, you knew her. At kaya ka narito ay dahil sa tinatakasan mo ang kasalanang ginawa mo sa pamilya mo

  • His Bandit Heart    Kabanata 10

    NAKALIPAS ang isang linggong hindi ko kailanman pinansin si Rios. Kahit na ilang beses niya akong kulitin ay hindi pa rin ako natitinag. Pinipilit kong huwag siyang pagtuunan ng pansin dahil alam kong pagmumulan na naman iyon ng pagbabangayan naming dalawa. May pagkakataong si Rios ang naghahatid sa akin sa shop, dahil wala pa rin si kuya Lito at lola Clara. Nagbago kasi ang isip ng matanda at pinilit na isama si kuya Lito. Na sa tingin ko nama'y sinadya niya. Sinadya niyang iwan kami rito ni Rios para kahit papaano'y mapagsolo kaming dalawa. Ang sana nga'y dalawang araw na pagbisita ni lola Clara sa pinsan nitong nasa Mindoro ay inabot ng isang linggo, at nahimigan ko pa nga sa telepono na mag-e-extend pa raw ito dahil napakaganda raw sa Little Tanawan. Halos napapaligiran raw sila ng samu't-saring punong-kahoy, halaman at malawak raw ang kalupaang sakop ng pinsan nito. Kaya kahit papaano'y nabawasan raw ang pagkasuyang nadarama noong nakikita pa raw nito ang malawak na dagat sa Ro

Pinakabagong kabanata

  • His Bandit Heart    Special Chapter

    Malalim na paghinga ang aking pinakawalan bago taas ang noong tumungo sa malawak na garden ng mental hospital. Noong una'y hindi ako makapaniwalang dito dinala si Lucinda. Ang pagkakaalam ko'y sa kulungan. Ang sabi sa akin ni Rios ay nag-iba raw ang ugali ni Lucinda nang maikulong ito ng isang buwan. Kaya walang nagawa ang mga pulis kundi ang ilipat sa mental hospital si Lucinda. Kinasusuklaman ko siya sa mga ginawa niya sa pamilya ko. Pero tao pa rin ako't nakakaramdam ng awa. Lalo na ngayong pinagmamasdan ko si Lucinda habang nakaupo ito sa silyang may gulong. She was staring on an imaginary wall. Malayo ang takbo ng isip.Marahan akong napatikhim saka nilingon ang nurse na siyang kasama ko para ihatid ako kay Lucinda. "Pwede kitang samahan dito..." mahina nitong sabi. "Ayos lang ako, hindi na rin naman ako masasaktan ni Lucinda." Tipid ang ngiting sabi ko.Ilang sandali lamang ay nagpaalam na ang nurse. Kaya marahan akong naglakad palapit kay Lucinda. Kumunot ang aking noo nan

  • His Bandit Heart    Wakas

    Isang marahas na paghinga ang aking pinakawalan habang nasa loob kami ng kotse ni Rios. I am very nervous. Hindi ko alam kung bakit? Pero parang hinahalukay ang aking tiyan. "Hey, don't be nervous. Si Renzo lang ang pupuntahan natin." May matamis na ngiti sa mga labing sabi sa akin ni Rios. "I can't help it. Pakiramdam ko ang laki ng nagawa kong kasalanan dahil wala ako sa tabi niya. Wala ako noong kailangan niya ng ina sa US." Naiiyak kong sabi. Napapasinghot na napangiti na lang ako kay Rios nang hawakan niya ang aking kamay. Marahan niya iyong pinisil para ipabatid na nariyan lang siya para sa akin. Mahigit isang oras ang ibiniyahe namin ni Rios. Sa loob ng mahabang oras na iyo'y hindi naalis ang kaba sa aking dibdib. Nasasabik ako kay Renzo. Gustong-gusto ko na siyang mayakap. Muli akong napabuga ng hangin para kalmahin ang aking sarili. Nasa tapat na kami ng malaking gate ng bahay ni Lola Clara. Hindi ko alam kung ilang beses na akong napabuga ng hangin. Parang kakawala n

  • His Bandit Heart    Kabanata 32

    Hindi ko alam kung gaano ako katagal na umiyak sa harap ni Rios. Pakiramdam ko napakasama kong tao. Wala akong kwenta. Hindi ko naprotektahan si Renzo tapos ang lakas pa ng loob kong akusahan si Rios. "Where is he?" Umiiyak kong tanong kay Rios. Malalim lang siyang napabuntong-hininga bago ako nilapitan. Marahan niya akong itinayo mula sa pagkakasalampak sa sahig. Umiiyak na tinitigan ko ang mukha ni Rios. "Please tell me, where's Renzo?" Tanong kong pilit na hinahawakan ang mukha ni Rios. "He's fine..." Marahang sagot ni Rios bago ako tinitigan sa mga mata. Maya-maya lang ay naupo siya sa kama. Hinila niya ako't inupo sa kaniyang kandungan. Titig na titig sa mga mata ko si Rios. Pagkatapos niyo'y pinunasan niya ang mga luha ko. "...please babe, don't cry."Sa sinabing iyon ni Rios mas lalo akong naiyak. Walang pasabing niyakap ko siya nang mahigpit. "Dalhin mo ako sa kaniya, please. Gustong-gusto ko nang makita si Renzo." "I will babe, pagkatapos mong kumalma. I don't want to

  • His Bandit Heart    Kabanata 31

    "Akio, send me the details. Pagdating namin sa isla pwede mo nang umpisahan ang plano." Seryosong sabi ko kay Akio na nasa kabilang linya. Pinag-uusapan namin ang tungkol sa mga nakalap nilang ebidensiya ni Jayson, laban kay Lucinda. Pagkatapos naming umalis ay magsisimula na ang plano. Kung maaari'y ako na lang ang magsasampa ng kaso. Ayaw kong madamay pa ulit si Rhyna. Napapabuntong-hiningang napapikit ako ng mariin. God, hindi ko kayang makita ulit ang takot sa mga mata ni Rhyna. Hindi ko alam ang gagawin, noon ko lang siya nakitang natakot ng sobra para kay Renzo. To think na hindi naman talaga ito galing sa kaniya. May nagawa ba akong mabuti kaya pinagkaloob sa akin ng Dios si Rhyna? "Sure, I'll send it right away." Narinig kong sabi ni Akio. Napapangiting bumaba ako ng sasakyan. Hindi ko na ipinasok sa loob ang kotse, may nakaharang kasing itim na sasakyan sa gate. "Thank—." natigil ko sa pagsasalita nang makarinig ng putok. "Putok ba yun ng baril?" Gulat na tanong ni Ak

  • His Bandit Heart    Kabanata 30

    "Happy new year!" Masayang bati ni Willa sa akin nang kumalat ang fireworks sa malawak na langit. "Happy new year Rhyna! Happy new year babe!" Malaki ang ngiting sabi ni Yohan bago hinalikan sa pisngi si Willa. Tipid akong ngumiti bago tiningnan ang langit. Renzo loves fireworks. Kung nandito lang sana siya sabay sana naming tinatanaw ang iba't ibang kulay sa langit. "Ano ba yan, kakasapit lang ng bagong taon may nakasimangot na kaagad!" Bigla akong natawa sa sinabi ni Willa. "Sira, may naalala lang ako.""Naku..." "Maiwan ko nga muna kayo, nagmumukha akong chaperone ninyong dalawa." Pang-aasar ko kay Willa. Saglit kong kinindatan ang kapatid ko bago pumasok sa loob. Sa kusina ako tumuloy para saglit na kumain. Kaunti lang ang inihanda ko dahil iilan lang naman kami. "Ay Ma'am Rhy, tikman mo itong cake na ginawa ko. Masarap iyan, baka pwede na akong magtrabaho sa kusina. Nakakasawa na kasing puro barya at papel ang hinahawakan ko." Sabi ni Apple na siyang kahera ko sa shop. N

  • His Bandit Heart    Kabanata 29

    Tunog ng makina at sinag mula sa malaking bintana ang nagpagising sa akin. Marahas akong napahigit ng paghinga bago nagmulat. Purong puti ang nasa paligid ko. Hospital o langit? Marahang bumukas ang pinto. Hindi ko maigalaw ang katawan ko. Pakiramdam ko'y napakabigat niyon. Hindi ko tuloy malingon ang kung sinong pumasok. "Ate..." halos walang boses na sabi ni Willa bago lumapit. Hilam sa luha ang kaniyang mga mata. Nakasuot rin siya ng kulay itim na bestida. "W-Willa...""Oh my god, tatawag lang ako ng doctor." Nanlalaki ang mga matang sabi ni Willa bago tumakbo paalis. Napansin kong wala na siyang pasa. Pero may sugat pa rin sa gilid ng labi niya. Renzo! Unti-unting tumulo ang mga luha ko. Pinilit kong bumangon. Kailangan kong makita si Renzo. Kailangan kong makita ang anak ko! "Ms. Guerrero, hindi ka pa pwedeng bumangon. Mahina pa ang katawan mo." Maagap akong hinawakan ng doctor para maibalik sa pagkakahiga. "No...I want to see my son." mahina kong sabi. Kahit nanghihina

  • His Bandit Heart    Kabanata 28

    "Is everything okay?" Taas ang kilay na tanong sa akin ni Rios. Katatapos ko lang mag-impake ng damit ni Rios. Nakapagdesisyon na kaming bukas nang umaga umalis. He already talked to Rafael. Pumayag naman ang kuya niyang sa private island nito kami tumuloy pansamantala. Mabuti nga raw na kinausap namin siya. Makakapagprovide pa raw siya ng mga magbabantay. "Yes, babe." Nakangiti kong sabi bago inilagay ang huling damit ni Renzo sa maleta. "Where's Willa?"Nakausap ko na rin si Willa. Pumayag naman siya dahil nag-aalala rin daw siya para kay Renzo. Ngayon ay si tatay naman ang kakausapin ko. Pipilitin ko siyang sumama sa amin. Wala na akong pakialam kung magpakasasa pa si Lucinda sa perang maiiwan ni tatay. Basta ligtas ang pamilya ko, ayos na sa akin iyon. "May bibilhin raw sandali sa mall." Maiksing sagot ni Rios bago ako niyakap mula sa likod. "Sinama niya si Renzo."Bigla akong natigilan. "What? Pumayag ka?""Hey, it's fine, may bantay sila. Nagpumilit si Renzo. Pumayag na lang

  • His Bandit Heart    Kabanata 27

    "That's it?!" Salubong ang kilay na tanong sa akin ni Rios nang matapos kong ikuwento sa kaniya ang bumalik kong mga alaala. Mukhang may iba pang inaasahang marinig si Rios. Marahan akong tumawa bago umayos nang pagkakaupo sa sofa. Hindi ko nga pala ikinuwento sa kaniya ang tungkol doon sa swimming pool. Kung saan nagtapat siya sa akin at nangakong pakakasalan ako. Eh bakit ba? Gusto ko muna siyang pagtripan. Nakakatuwa kasing asarin si Rios. Alam mo yun, madaling mapikon. "Tell me everything or I'll punish you." Matalim ang tinging sabi niya sa akin. Mabilis akong tumayo para umalis. Anong akala niya sa akin uto-uto? Tapos anong punishment? He'll kiss me? Nah, lumang style. "Rhynarie!"Humahalakhak na iniwan ko si Rios sa sala. Kaagad kong tinungo ang garden kung saan naroon si Renzo at Willa. Naglalaro sila nang maabutan ko. "Mommy!" Nakangiting tawag sa akin ni Renzo bago patakbong lumapit sa akin. Mahigpit niya akong niyakap bago pinupog ng halik sa mukha. "Mom I love you."

  • His Bandit Heart    Kabanata 26

    Habang nasa sasakyan ay tiningnan kong maigi si Rios. Huminga ako nang malalim bago inilipat ang tingin sa unahan ng kotse.Katatapos lang naming kumain sa isang restaurant. Ngayon ay pauwi na kami ni Rios. "So..." pagbasag ko sa katahimikan. "...ayos ba ang acting ko kanina?" Napapataas ang kilay na sabi ko kay Rios. Isang pilyong ngiti ang pinakawalan ni Rios saka kinuha ang kamay ko. Mahigpit niya iyong hinawakan bago dinala sa mga labi. "Sobra, kung wala akong alam sa nangyayari baka pati ako mahulog sa pag-arte mo.""Well, thanks to you. Kung hindi dahil sa sinabi mo, hindi ko magagawa iyon." seryoso kong sabi bago ngumiti. "Mali ng kinakalaban si Lucinda.""Right..."Muli akong napangiti bago inalala ang pangyayari bago kami dumating sa party. —"Darating si Cesar sa party mamaya." Pagbasag ni Rios sa katahimikang bumabalot sa amin. Inabot na kami ng isang oras sa daan. Dapat ilang minuto lang ay naroon na kami sa party. Pero may importante pa raw sasabihin si Rios na mas mab

DMCA.com Protection Status