Binaba nito ang kamay niya at nagreklamo pa ngunit ngumisi lang siya. Hinihila na kasi talaga siya ng antok at pagod. Dinig niya rin naman ang buntong hininga nito at paulit-ulit na h*god sa likod niya hanggang sa naging mahimbing ang tulog niya. Nagising nga lang siya sa malakas na tunog ng makina
Namawis siya sa loob ng sasakyan. Hindi niya rin mabawi ang kamay na hawak-hawak nito. Nangingiwi siya at hindi makaisip ng paraan para takasan ang sitwasyong iyon. Kita pa niya sa mukha ni Theo ang excitement. Malamang! Iniisip nitong buntis talaga siya. "Theo, hindi ba pwedeng sa ibang a-raw na l
"Buo na po ang desisyon ko—" Hinawakan nito ang kamay niya kaya napatigil siya. Nangilid ang mga luha nito kaya naman hindi niya matingnan. Siya rin kasi ay nanlalabo na ang paningin sa nagbabadyang luha. "Naghahanap ako ng donor para sa'yo. Pag-isipan mong mabuti please. Mayaman din ang pamilya m
Binalot na siya ng takot at napasilip pa sa mga binti niya ngunit wala namang dugo doon. Pero noong lingunin niya ang likod ng pantulog niya ay naroon ang malaking marka ng dugo. Hindi na niya masundan sa kung paano siyang hinila ni Lola Matilda sa sala o kung paanong dumating ang Doktor. Nangingin
"Hindi ko sigurado, Ma'am Sachzna. Ang alam ko lang ay pinadalhan na ng mensahe ni Madame. Saan ka po niyan uuwi?" nag-aalalang tanong nito. Nasapo niya ang noo noong nanakit iyon at tanging buntong hininga ang nagawa. "May condo po ako dito. Doon na lang po siguro. H-indi ko pa po kayang umuwi sa
Literal na kumakalabog ang puso niya sa malamig nitong titig. Hindi niya maluwangan ang pinto ngunit ito mismo ang nagbukas doon nang tuluyan at pumasok. Doon niya nga lang napansin ang backpack na nakasabit sa isang balikat nito at mga bitbit na plastic. "Where's your kitchen?" seryosong tanong pa
"I'm sorry, Daddy. Hindi po talaga ako buntis," pag-amin niya sa mga ito. Napasinghap ang Mama niya habang ang Daddy niya ay nanliit ang tingin sa kanya. "But don't worry, magkaka-apo ka pa naman bago ka maging senior citizen, Sir," preskong singit ni Theo na kinalaki ng mga mata niya lalo pa't na
"Pumpkin," may banta sa tawag nito ngunit napaatras siya. Mainit ang titig nito sa kanya ngunit umigting naman ang panga na tila nagtitimpi. "Uhm, saka na lang, Theo," alanganing sagot niya ngunit agad na binuksan ang pinto at tumakbo palabas. "Pumpkin, come back here!" dinig niya pang sigaw nito