Hello po, gusto ko lang po magpasalamat sa inyong lahat sa suporta niyo sa story na ito. Sobrang saya ko po dahil nabigyan po ako ng chance na maibahagi ito sa inyo. Abangan niyo po ang mga susunod na mangyayari. Sana ay mabigyan ko ng justice ang story na ito. Pasensiya na po kayo kung isang update lang po ako. Nangangapa po ako ngayon kung paano ko maisingit ang pagsusulat. Pero sisikapin ko po na kahit isa ay may magawa ako araw-araw. Ingat po kayo palagi ❤️❤️❤️
LIYANNA'S POVMabilis kaming nakarating sa bahay. Halos hindi ko maihakbang ang mga paa ko. Sobra 'yung kaba na naramdaman ko. Natatakot ako dahil hindi ko alam ang totoong nangyari kay mommy. "K-Kumusta po si mommy?" Nauutal na tanong ko kay manang."Nasa silid niya, nandoon din ang doktor niya." Sagot sa akin ni manang.Mabilis na umakyat si Carlos sa silid ni mommy. Sumunod ako sa kanya. Nang makarating ako sa silid nila ay halos madurog ang puso ko. May tubo na nakalagay sa bibig niya. Wala rin siyang malay."M-Mommy," naiiyak na tawag ko sa kanya habang papalapit ako sa kanya."Ano po ang nangyari sa kanya?" Tanong ko kay daddy."Kanina ay nawala ang pulso pero biglang bumalik. Ililipat namin siya bukas sa US para doon na magpagamot." Sagot sa akin ng daddy ni Carlos."Sasama po ako dad," sabi ni Carlos."Dito ka na lang. Ako na ang sasama sa kanya. Mas kailangan ka sa company. Kaya kong alagaan ang mommy mo." Sagot nito kay Carlos."Sana nga po alagaan niyo siya. Para makabawi n
THIRD POVTahimik lang si Mireya at hindi binibigyan ng pansin ang mga tingin na ipinupukol sa kanya ng mga tao sa paligid. Bata man siya pero lubos niyang naiintindihan ang sitwasyon at hindi niya kailangan na magtanong sa kanyang mommy. Mahal na mahal niya ang kanyang mommy. Kaya ang lahat ng ginagawa nito ay sinusuportahan ni Mireya. Nakita niya kung paano nahihirapan ang mommy niya.Masaya rin siya na makita ang kanyang kapatid. Pero dahil sa mukha niya ay ayaw sa kanya ng kanyang kapatid. Nasaktan si Mireya dahil akala niya nice ito ngunit nagkamali siya.“Hoy bata!” sigaw ni Pia kay Mireya.“Hindi po ako si HOY BATA!” sagot ni Mireya kay Pia. Aware siya na ito ang umagaw sa daddy niya. Kaya naisip niya na kailangan niyang paglapitin ang parents niya. Nais niya na mabuo ang pamilya niya.Narinig rin kasi niya na kasal pa rin ang parents niya at puwede pa sila ulit maging isang happy family. She wants to heal her mom’s heart. She knew that her mom is just pretending na okay ito sa
LIYANNA’S POV“Niloko mo ako?! Bakit Liya? Bakit?!” Pasigaw na tanong niya sa akin. Hindi ko siya pinansin at nilagay ko ang mga gamit namin sa maleta ko. Hindi ko kailangan magpaliwanag sa kanya. Nasira ang una kong plano pero hindi ako papayag na hindi matuloy ang mga plano ko. Magbabayad pa rin sila sa akin.“Hindi ka ba magsasalita?!” Sigaw niya sa akin.“Daddy, ‘wag niyo po sigawan si mommy.” umiiyak na sabi ni Mireya.“Baby, Miya…” tawag niya kay Mireya dahil napansin nito na nandito ang anak namin.“I’m not Miya, my name is Mireya.” Pakilala ng anak ko sa daddy niya.“Anak ko,” umiiyak na niyakap ni Carlos ang anak ko.“D-Daddy…” Niyakap rin ni Mireya si Carlos. Umiiyak silang pareho.Tumalikod ako ang pinunasan ko ang luha ko sa mga mata ko. Hindi, hindi ako puwedeng maging mahina. Lalo nasa pintuan lang si Cathy at Pia. Hindi ko puwedeng ipakita sa kanila na umiiyak ako.“Ang kapal ng mukha mong itago ang pamangkin ko!” Sigaw sa akin ni Cathy.“Huwag kang makisali dito.” Sabi
LIYANNA’S POV“Kaya mo ba silang pagbayarin? Kapag ba sinabi ko sa 'yo ang lahat, ay tutulungan mo ako? Kahit na ang sarili mong pamilya ang may gawa ng lahat ng paghihirap ko? Sa tingin mo sino ang dahilan ng lahat ng ito? Kaya mo ba? Kaya mo bang protektahan ang anak mo? Kaya mo bang kalabanin ang sarili mong pamilya?” Tanong ko sa kanya habang walang tigil sa pagpatak ang mga luha ko.“Kaya ko, kaya kong patunayan sa ‘yo na mahal kita. Ipaglalaban kita at kaya ko silang kalabanin, mabuo lang ang pamilya natin. Kaya sabihin mo sa akin. Sino ang mga nanakit sa ‘yo?” Umiiyak na tanong niya sa akin.Umiyak ako ng umiyak. Hindi ko alam kung kaya ko ba sabihin sa kanya. Paano kung niloloko lang niya ako? Paano ko lilinlangin lang din niya ako? At sa huli ako pa rin ang talo, ako pa rin ang lubos na masasaktan.“Liya, trust me. This time gagawin ko na ang lahat para sa inyo ni Mireya.” Sabi niya sa akin habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko.“Akala ko noon ang ginawa niyo sa akin n
LIYANNA'S POVHindi ko inaasahan ang nakikita ko ngayon. Totoo ba ito? Talaga bang ginawa na niya ito? Ang bilis na para bang hindi ko kayang paniwalaan.Tumingin ako kay Carlos na ngayon ay abala sa mga papers. Hindi siya lumingon sa akin, habang si Cathy ay nasa couch pa rin nakaupo. Tumayo ako at pumasok ako sa banyo. Dala-dala ko ang envelope at ballpen. Pagpasok ko sa loob ng banyo ay nag-unahang pumatak ang mga luha ko.Hindi ko akalain na gagawin niya 'to. He signed the annulment paper. He's now setting me free. Pinapalaya na niya ako. Mahal ba talaga niya ako para palayain niya ako ng ganito ka bilis? May kumirot sa puso ko sa hindi malamang dahilan.“Diba, ito ang gusto mo? Masaya kana ba ngayon, Liya?” Tanong ko sa sarili ko. Hindi ko alam kung bakit ko natanong ang sarili ko ng ganito.Oo dapat maging masaya na ako kasi sa wakas magiging malaya na ako. Nanginginig ang kamay ko habang pinipirmahan ko ang annulment paper na nasa harapan ko. Habang pinipigilan ko ang mga luha k
LIYANNA’S POV“Pumasok ka pa rin. Kahit hindi araw-araw ay kailangan na nandoon ka." Sabi sa akin ni Carlos."Sige," tipid na sagot ko sa kanya kahit na hindi pa ako sigurado. Nakaupo kaming tatlo sa sahig habang kumakain."Daddy, masarap po ba 'yan?" Tanong ni Mireya kay Carlos habang nakaturo sa pagkain ng daddy niya."Masarap siya, baby. Do you want to try it?" Tanong ni Carlos sa anak niya."Opo, I want some.” Sagot ni Mireya.“Here,” sabi ni Carlos sabay subo sa anak niya.“Uhmm.. masarap po. Mommy, do you want to try it?” Biglang tanong niya sa akin.“Huw—”Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil sinubuan ako bigla ni Carlos. Napatingin ako sa kanya at nakangiti silang dalawa ng anak ko. Pinanliitan ko siya ng mga mata. Napilitan akong nguyain ang sinubo niya sa akin na pagkain. “Diba mommy, masarap po?” nakangiti na tanong sa akin ni Mireya.“O—Oo, baby.” Nauutal na sagot ko sa kanya. Pero masarap naman talaga ang pagkain. Medyo nakaramdam lang ako ng hiya sa kanya. “Gusto mo
LIYANNA’S POVNagising ako dahil naririnig ko ang boses ni Mireya. Hindi ko pa iminumulat ang mga mata ko. Nakikinig lang ako sa kanya habang ginigising niya ako.“Mommy, wake up na. Baka sumakit na po ang likod niyo d'yan.” Naririnig ko na sabi niya sa akin.Nang idilat ko ang mga mata ko ay mukha niya kaagad ang bumungad sa akin. Ang ganda talaga niya. Ang mukha na kahit kailan hindi ko pagsasawaang titigan. Sana nga ay hindi na siya lumaki, kasi kapag tumanda na siya ay magkakaroon na rin siya ng mga problema. At natatakot ako na may manakit sa kanya.“Mommy, bakit dito ka nagsleep?” Tanong niya sa akin.Nagtataka ako sa sinabi niya pero nung narealize ko kung ano ang ibig niyang sabihin ay naintindihan ko na. Hindi na pala ako nakapasok sa loob. Nakatulog ako ng nakaupo dito sa terrace at nakatulog ako sa kakaiyak ko kagabi.“Sorry baby, hindi ko namalayan na naka-tulog pala ako dito. Nagugutom kana ba?” Tanong ko sa kanya.“Mommy, nasa baba po si daddy. Siya po ang nagcook ng brea
LIYANNA’S POVMaaga akong gumising pero hindi ko naabutan si Carlos. Maaga rin siguro itong umalis. Naisip ko na kailangan kong pumasok ngayon sa office. Tama siya kailangan na nandoon ako. Nung umalis ako ay tulog pa si Mireya. Nagmaneho ako papunta sa office. Maaga pa lang ay traffic na kaya alas diyes na ako nakarating. Pagpasok ko ay walang tao sa office ko, kaya lumabas muna ako. Nang lumabas ako ay nakita ko si Jessica.“Good morning, Ma’am. Nasa boardroom po si Sir Carlos.” Salubong sa akin ni Jessica na kakagaling lang sa meeting room.“Good morning, Jess.” binati ko rin siya.“May gusto po ba kayo? Nag-breakfast na po ba kayo?” Tanong niya sa akin.“Tapos na, ikaw magbreakfast ka muna ako na ang bahala dito.” sabi ko sa kanya. Alam ko kasi na ganitong oras ang breakfast niya kaya ko siya inuutusan.“Sigurado po ba kayo?” Tanong pa niya sa akin.“Oo naman, sige na kumain kana muna. Ako na ang bahala dito, office.” Sabi ko sa kanya at naglakad ako pabalik sa loob ng office ko.“
CARLOS POVNoong isinama ako ng asawa ko sa loob ng delivery room ay grabe ang kaba ko. Nilalamig ang mga daliri ko sa paa ganun rin ang mga kamay ko. Ang makita na nahihirapan ang asawa ko ay parang torture sa akin. Doon ko lalong hinangaan at minahal ang asawa ko ganun rin ang mommy ko.Tumulo ang luha ko ng makita ko ang anak ko. Sobrang saya ng puso ko. Sa wakas ay naranasan ko ng maging isang ama, naranasan ko ang mga ganitong pangyayari sa buhay ko. Kaya ipinangako ko sa aking sarili na ako ang mag-aalaga kay baby. Na kahit mapuyat ako ay gagawin ko ang lahat. Gusto kong bumawi sa mag-ina ko. Alam ko ang hirap niya sa pagbubuntis at ngayon nais ko na ako naman ang maghirap sa pag-aalaga. Hindi ko ito nagawa kay Mireya kaya bumabawi ako kay Baby Inzio. Kaya kong tiisin ang pagiging moody ng asawa ko. Nalaman ko na nangyayari pala talaga ito. Ang nagbabago ang ugali niya. Postpartum ang tawag nila kaya sinabi rin sa akin ni Dok na lawakan ko pa ang pag-unawa ko sa asawa ko dahil hi
LIYANNA'S POVHawak ni Carlos ang kamay ko. Pawis na pawis at ramdam ko ang sobrang sakit. Kung gaano ako nahihirapan ay ganun rin kalamig ang kamay ni Carlos. Ramdam ko na nilalabanan niya ang takot niya. "Uhmmmm.....!" Nakatikom ang bibig ko habang patuloy na umiire. Sabi kasi sa akin ni Dok ay mas makakakuha ako ng lakas kaysa sa sumigaw ako. Lahat ng sinasabi ni Dok ay ginagawa ko."1, 2, 3 push.." utos sa akin ni Dok na ginawa ko naman."Uhmmmmmm!" Tumutulo na ang luha ko sa mata ko. Pero naka-set na sa isipan ko na kahit anong mangyari ay ilalabas ko ang baby ko ng maayos. Ngayon ko naranasan ang hirap ng mag ina na iluwal ang kanilang mga anak. Normal delivery o cesarean delivery ay pareho na mahirap. Paulit-ulit ang utos sa akin ni Dok hanggang sa narinig ko ang iyak ng baby ko. "Congratulations, Liya." Sabi sa akin ni Dok."I love you," bulong ni Carlos sa tainga ko at nakita ko na umiiyak siya. Paulit-ulit rin niya akong hinalikan sa noo.Pagod na pagod ako pero sobrang
LIYANNA'S POVIto na ang pinakahihintay naming araw. Ang gender reveal party. Pagkagaling namin sa simbahan ay tumuloy kami sa venue. Napili nila sa open grounds. Hindi ko alam pero ang mga kaibigan ng asawa ko sa racing club ang may pakana. Gusto ko sana sa bahay na lang pero mas gusto daw nila doon.Pumayag naman ako dahil alam ko na namiss nilang mag-race. Hapon na ginanap para hindi gaanong mainit. "Kinakabahan ako, babe." Pabulong na sabi ni Carlos sa akin."Vava, dapat masaya ka. Kasi ito na pinakahihintay mo, natin. Sa wakas ay hindi kana magpupuyat, hahaha!" Pabiro na sabi ko sa kanya."Sorry, babe. Alam ko na napupuyat ka sa akin." Nakangisi na sabi niya sa akin."Hahaha! Sinusulit mo talaga dahil ilang buwan ka rin bago ka ulit makakapasok." Natatawa na sabi ko sa kanya."I love you and thank you for understanding me, for loving me and for carrying our child." Nakangiti na sabi niya sa akin."I love you too and I'm always willing to carry our child." Malambing na sagot ko s
LIYANNA'S POVMabilis na lumipas ang mga araw at halos hindi ko na namalayan. Nagising ako dahil naririnig ko ang asawa ko. Kaya mabilis akong pumunta sa banyo para silipin siya. "Vava, are you okay?" Nag-aalala na tanong ko sa asawa ko.Bigla na lang kasi itong nagsuka ngayong umaga. Hindi ko alam pero napansin ko na palagi siyang inaantok kaya isang linggo na siyang hindi pumapasok sa trabaho. "Nahihilo ako, babe. At nangangasim ang sikmura ko." Sagot niya sa akin."Magpacheck-up na kaya tayo?" Saad ko sa kanya."Okay lang ako, itutulog ko lang ito," sagot niya sa akin at mabilis na bumalik sa kama namin para matulog ulit.Inayos ko ang kumot niya at hinalikan ko siya sa labi. Lumabas naman ako sa silid namin para puntahan si Mireya at Prexie. Oo sa amin na nakatira si Prexie. Dahil hiniling rin niya kay daddy habang si Precious ay doon pa rin sa mansyon. Masaya ako dahil magkasundo ang dalawang bata. Nakakatuwa dahil si Prexie ang madalas ba nag-aasikaso kay Mireya. Pero may hil
LIYANNA'S POV"Babe, hindi ito totoo diba? Hindi pa patay si Ate?" Umiiyak na tanong sa akin ni Carlos."Vava," umiiyak ako at niyakap ko siya."Okay na siya eh, noong dinalaw ko siya ay nakangiti na siya at nakakausap na siya ng maayos. Hindi ito, hindi ito ang nais ko. Mahal na mahal ko ang ate ko, kahit na ano pa ang naging kasalanan niya." Umiiyak na saad sa akin ng asawa ko. Ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya."I'm sorry, alam ko na ako ang may kasalanan ng lahat kung bakit naging ganun si ate. Sorry, Vava sana hinayaan ko na lang siya." Sabi ko sa kanya dahil sinisisi ko ang sarili ko."No, babe. It's not your fault, hindi mo kasalanan. Kagustuhan ito ni ate, nakakalungkot lang dahil tinapos niya na kaagad ang buhay niya." Saad sa akin ng asawa ko.Kaagad kaming umuwi sa Pilipinas dahil sa natanggap naming balita. Ate Cathy ended her own life. Nagpakamatay siya at nagluluksa ang buong pamilya namin. Kaya kahit na may magandang balita kami sa kanila ay hindi namin magawang s
LIYANNA'S POVHindi ko maintindihan ang mga cravings ko ngayon. Ibang-iba sa cravings ko noon kay Mireya. Alam ko na nahihirapan ang asawa ko pero hindi ko mapigilan ang sarili ko. Kapag hindi niya naiibigay ang gusto ko ay mabilis na sumama ang loob ko. Sobrang maraming nangyayari sa akin lalo na sa ugali ko.Mabilis akong mainis sa kahit na maliit lang na bagay. Ang sabi ko ay uuwi na kami pero nagbago ang isip ko lalo na mabilis akong magalit tapos sobrang init pa sa Pilipinas. At masasabi ko rin na maganda rin talaga na dito na lang ako manganak dahil sa kakagaling ko pa lang naman sa sakit ko at under observation pa rin ako.Ngayon ang araw ng check-up ko. Actually hindi pa naman talaga sana ngayon kaya lang makulit lang talaga si Carlos. Kasama namin si Mireya dahil na rin sa wala siyang kasama sa bahay at excited rin itong marinig ang heartbeat ng kapatid niya.Pagdating namin sa hospital ay sobrang excited na ang mag-ama ko. Kahit na ako ay excited rin na marinig ang heartbeat
CARLOS' POV"Babe, wala namang santol na walang buto. Diba hindi ka naman kumakain ng ganun?" Sabi ko sa kanya. Never ko pa naman siyang nakita na kumain ng ganun."Gusto ko na ngayon, hanapan mo ako. Nakatikim na ako noong college tayo. Kaso may buto 'yon eh. Sinawsaw ko pa nga 'yon sa asin na may sili. Pero mas gusto ko na isawsaw sa ketchup. Vava, please." Malambing na sabi niya sa akin."Babe, hindi ko talaga alam kung may santol na walang buto at kung may santol ba dito sa Amerika." Sagot ko sa kanya.Nakita ko na malungkot na naman ito. Pero ano nga ba ang gagawin ko. Saan ba ako makakahanap ng ganun? Dahil hindi nga ako pamilyar sa ganoong prutas. Buti pa nga siya nakakain na ng ganun ako hindi pa."Babe, uwi na lang kaya tayo sa Pilipinas?" Tanong ko sa kanya."Ayoko, gusto ko dito. Sigurado ako na mainit na naman sa Pilipinas. Dito na lang muna tayo kapag five months na si baby ay saka na tayo umuwi. Pwede rin naman na dito na tayo manganak." Sagot naman niya sa akin.Napaisip
CARLOS' POVKakabalik ko lang dito sa US galing sa Pilipinas. May mga kailangan lang akong ayusin sa company. Sobrang excited ko pagkalapag pa lang ng eroplanong sinakyan ko ay gusto ko ng liparin makarating lang kaagad sa mag-ina ko. Ang masaya kong mood ay biglang napalitan ng lungkot. Sinabi niya kasi na mabaho ako. Mabilis ko naman inamoy ang sarili ko pero hindi naman. Sa totoo lang ay nagulat ako sa naging reaksyon at ang mga kinikilos niya. Nasaktan ako dahil nilalayuan niya ako. Mabilis siyang magalit at sensitive ang pang-amoy niya.Nilalawakan ko pa rin ang pag-unawa ko dahil alam ko na epekto lang ito ng mga gamot na iniinom niya. Alam ko rin na hindi naman niya ito sinasadya.May mga gusto siya na kapag hindi ko naibibigay ay kaagad na sumasama ang loob niya. Mabilis siyang umiyak at magdamdam. I tried my very best na igawa siya ng bibingka. But I failed pero laking gulat ko dahil sarap na sarap siya. Napilitan pa akong kainin ang ginawa ko. Tiniis kong ubusin kahit na ang
LIYANNA'S POV"Vava, gusto ko ng bibingka." Biglang sabi ko sa kanya. Bigla akong natakam sa tostadong bibingka na may itlog maalat."Babe, hindi ko alam kung meron dito ng bibingka. Wait, maghahanap ako." Sagot niya sa akin."Gusto ko ikaw mismo ang gumawa." Biglang sabi ko sa kanya."What?! Ako ang gagawa? Seryoso ka?" Gulat na gulat na tanong niya sa akin."Oo, tapos gawin mong tostada pero maputi." Nakangiti pa na sagot ko sa kanya."Babe, puwede naman na maghanap na lang ak—""Sumusuko kana agad. Di mo pa nga sinusubukan. Mas gusto ko na ikaw mismo ang gagawa mahirap ba 'yon?" Naiinis na sabi ko sa kanya."Babe, bakit kasi kailangan pang ako. Bakit ka ba ganyan? Kahapon halo-halo tapos ngayon bibingka naman.""Naging maselan na kasi ang panlasa ko. Sabi ni Doc nangyayari daw talaga 'yon. Pero kung ayaw mo ay okay lang naman. Hindi naman kita pinipilit." Parang naiiyak na sabi ko sa kanya."Okay gagawa na ako. Pero don't expect too much dahil hindi naman ako marunong sa mga ganiton