Thalia's POVNANGINGINIG ang buong katawan ko dahil sa lamig. Nasa isang kuwarto na ako na walang ibang laman kundi malaking kama. Malawak ito pero walang ni isang bintana.May damit na nga akong suot pero sa nipis nito, kitang-kita pa rin ang katawan ko. Dinaig ko pa ang mga bayarang babae na sumasayaw sa club. Wala pang nangyayari pero pakiramdam ko, binababoy na nila ako.Bumukas ang pintuan ng silid at pumasok ang isang lalaki. Napatayo ako sa takot. Akala ko noong una, siya ang lalaki kanina sa basement, pero napansin kong maliban sa tangkad at pangangatawan, wala na silang ibang pagkakapareho."Uminom ka muna." Lumapit siya sa akin at inabot ang baso.Maging ang boses nito ay mababa at malumanay. Malayo sa tinig ng lalaki kanina na malalim at parang namamaos. Nakakatakot."May lason ba iyan?"Bumuntonghininga siya. "Wala kaming mahihita sa iyo kung patay ka na.""Maawa ka naman sa akin. Nag-aalala na sa akin ang mga magulang ko. Maawa na kayo." Umiyak ako sa harap niya.Ewan ko
Thalia's POV"Axel? Ang pangit ng pangalan mo!"Natigilan siya at napatingin sa akin. Nahalata kong nagalit siya pero I don't care! Siguradong kasing pangit ng pangalan niya ang mukha niya kaya laging nakatakip!"Itigil mo ito! Ibaba mo ako! I'm warning you! Hindi mo kilala ang mga magulang ko!"Natawa siya bigla. "Matapang ka na. Kanina lang, nanginginig ka pa sa takot.""Well, I just realized I don't have any reasons to get scared! Kayo ang dapat na matakot dahil kayo ang may ginagawang masama!""Oh, feisty. My type."Nalukot ang mukha ko sa narinig. Gusto kong masuka sa mga narinig mula sa kaniya."Stop this car, right now!""Lower your voice.""Huwag mo akong uutusan!""Ang sakit mo sa tainga! Is this what I get for saving you?""Saving me? Hindi mo ako niligtas! Ikaw ang dumukot sa akin!""Hey! If it wasn't for me, nasa black market ka na ngayon! Getting sold in an auction! Baka sinong matandang pervert na ang nagpapakasasa sa katawan mo kapalit nang ilang milyong dolyar! So, lea
KANINA pa kumakatok sa pinto ko si Manang Nena at nakikiusap na lumabas ako para kumain. Hindi ako nakinig at nagtalukbong lang ng kumot.It has been two days since I talked to Axel. Pagkatapos namin mag-usap, iniwan niya ako sa pangangalaga ni Manang Nena. Ang nag-iisang katulong na gumagawa ng lahat ng trabaho rito sa bahay.Inis akong napailing nang maalala ang mga sinabi niya bago siya umalis."You should be thankful. Iiwanan kita nang mag-aalaga sa iyo. I know you're a princess in your family, so ayaw ko rin mapagod ka kaya walang magbabago. Magbubuhay reyna ka sa piling ko.""Reyna my ass!"Kung magkakaroon lang ako ng pagkakataon, tatakas talaga ako sa lugar na ito. Pero paano? Nakakandado mula sa labas ang mga pinto't bintana. Kahit si Manang Nena, hindi nakakalabas ng mansion."Ma'am Thalia? Lumabas na po kayo riyan at kumain. Dalawang araw na kayong walang kain, ma'am. Hindi makakabuti sa kalusugan n'yo iyan."Nakonsensya ako nang marinig ang boses na iyon ng matanda. Magili
Thalia's POVMAHIGPIT akong nakakapit sa gilid ng kama habang suot ang wedding gown na ni minsan ay hindi ko pinangarap suotin para lang ikasal sa katulad ni Axel."Hindi ako lalabas dito kahit anong mangyari! Magkamatayan na kami!"Kasasabi ko lang ng mga katagang iyon kanina, pero ngayon, panay tili na naman ako habang pasan ni Axel sa balikat niya at palabas ng mansion."Ibaba mo ako! Let me down! Let me down!" Pinagsusuntok ko ang likod niya pero parang walang epek.Walang kahirap-hirap niya akong dinala patungo sa likuran ng mansion kung saan maraming mga puting bulaklak ang nagkalat sa paligid."It's a garden wedding. Romantic, right?" nakangiti niyang saad matapos akong ibaba sa harap ng pari.Sa sobrang inis ko ay umalpas ang palad ko sa pisngi niya. "Hindi kita pakakasalan!"Nagbagting ang mga ngipin niya dahil sa ginawa ko. Halata kong inis na inis na siya at mukha ngang gusto na akong sapakin. Mabuti na lang at nakapagtimpi pa."Magpapakasal tayo sa ayaw at sa gusto mo," ma
Thalia's POVNANGINGINIG ako sa pinaghalong takot at galit habang nakaupo sa dulo ng kama. Kapapasok lang ni Axel at ngayon ay nakaupo na siya sa tabi ko habang nakangiti sa akin."Stop staring at me! Nakakatakot iyang ngiti mo!"Natawa siya sa sinabi ko. "Are you having fun insulting me? Just so you know, ikaw pa lang ang nakakapagsalita nang ganiyan sa akin. Most of the women loves me and would do anything to get me inside their pants.""Pervert!" Inirapan ko siya. Mas lalo kong sinuksok ang sarili ko sa isang sulok ng kama.Kanina ko pa hinahanda ang bagay na hawak ko na nasa ilalim ng unan. Isang maling galaw lang, hindi ako magdadalawang-isip na saksakin ang lalaking ito."Are you okay? You're shaking."Nataranta ako nang makitang hahawakan niya sana ako. Mabilis kong inilabas ang basag na baso sa ilalim ng unan ko at tinutok ito sa kaniya."The fuck! Where did you get that!""Lumayo ka kung ayaw mong itarak ko sa lalamunan mo ito!"Tumalim bigla ang mga mata niya dahil sa narini
Thalia's POVBUONG araw akong umiiwas sa makapal ang mukhang abnormal at manyakis na si Axel. Hindi ako makapaniwala sa ginawa at mga sinabi niya. How dare he kissed me! At ano raw? Pinutok niya sa loob?"Nakakainis!"Natigilan ako sa kalagitnaan ng pagbaba ko sa hagdan nang makita ang pagpasok ni Manang Nena sa kusina."Manang?"Nilingon niya ako at nginitian. "Ikaw pala, Ma'am Thalia."The truth is, I wanted to ask for her forgiveness. The guilt is really eating me. Hindi ko makalimutan ang hitsura niya noong mabuhusan ko siya ng pagkain."I-I'm sorry about what happened yesterday. Hindi ko po sinasadya."Nilapitan niya ako at nakangiting hinawakan ang kamay ko."Stressed na stressed po kasi ako. Dinukot ako ng lalaking iyon at pinilit na magpakasal sa kaniya. Kahit naman yata sino, gagaspang ang ugali kapag nasa sitwasyon ko.""Naiintindihan kita, hija. Huwag mo nang intindihin iyon."Nakahinga ako nang maluwag sa sinabi niya. Ayaw kong magkasamaan kami ng loob ni Manang. Maliban k
Thalia's POV"Fuck! Thali!"Walang kapantay na sakit ang naramdaman ko matapos kong bumagsak sa lupa. Para akong nabalian ng buto sa paa sa sobrang sakit."Mama!" Hindi ko napigilan ang hindi mapaluha, pero nang maalala si Axel at ang galit nitong mukha kanina, kulang na lang ay gumapang ako makaalis lang doon.He's going to kill me!"Thalia!" Narinig ko ang galit na boses ni Axel.Lumingon ako nang makalapit siya. "No! Get away from me!"Buong akala ko, ang galit niyang pagmumukha ang makikita ko. Pero natigilan ako nang mapansin na puno ng pag-aalala ang mga mata niya."Dammit! Are you hurt? Fuck! Of course, you're hurt—" Natigilan siya nang makita ang paa ko. "You're injured!"Binuhat niya ako nang mapansing hawak ko ang kanang paa ko. Mabilis niya aking itinakbo sa kuwarto niya."Fuck! Fuck! Simula ngayon, dito ka na sa kuwarto ko matutulog!""What? No way!"Binaba niya ako sa kama niya at inis na tiningnan. "Hindi na kita puwedeng iwan mag-isa! Why the fuck did you do that? Nabab
Thalia's POV"Thali, wake up! You're having a nightmare! Hey!"Nagmulat ako ng mga mata nang maramdaman ang pag-alog ng mga balikat ko. Ang nag-aalalang mukha ni Axel ang unang bumungad sa akin."What are you doing! Are you trying to rape me!"Gulat siyang natigilan sa mga sinabi ko. "I'm trying to wake you up! Sigaw ka nang sigaw."Napakurap-kurap ako bago nagbaba ng paningin sa sarili. Intact pa rin naman ang damit ko at pati siya, fully clothed pa. Was it just a dream?"Ano bang napanaginipan mo't sumisigaw ka?""You!""Me?""Yeah! Binangungot ako dahil sa iyo!" Nilahad ko sa kaniya ang kamay kong nakaposas pa rin. "Alisin mo na nga ito! Nananakit na ang kamay ko!"Inalis na niya ang posas sa mga kamay namin. Sandali pa siyang lumabas at nang makabalik, may dala nang mga shopping bags."I bought these for you. Mga damit iyan at kung ano-ano pang pang-arte sa katawan."Isa-isa kong tiningnan ang mga pinamili niya. Wow, ah? Branded lahat at mga kilalang brand pa ang mga tatak. Komple
Luci's POVNAKAUPO ako sa pinong buhangin habang pinanonood si Luna Marie na magtatakbo sa paligid. Kanina pa ito naglalaro sa front beach ng resort namin, parang hindi napapagod sa kakatakbo."Baby, dahan-dahan lang. Baka madapa ka na naman."Malakas na pagtawa ang itinugon nito sa akin. Dali-dali siyang lumapit sa tubig at nag-umpisang magtampisaw."Mama, ang lamig ng dagat! Ang sarap maligo!" Umahon ito at patakbong lumapit sa akin. Kinuha niya ang kamay ko at pilit akong hinihila papunta sa tubig. "Mama, ligo tayo! Sige na!""Baby, hindi puwedeng mabasa si Mama. Ikaw na lang. Tapos mamaya, papaliguan kita.""E, wala akong kasama! Nasaan na kasi sina Tita Linda at Lolo Ernesto at Lola Guada?""Busy sa resort si Tita Linda mo, baby. Ang dami natin guest ngayong buwan.""Sina Lolo at Lola, busy rin?"Napangiti ako nang makitang sumimangot na ito. "Hindi sila busy, pero di ba, dinalaw nila si Tita Laura?""Ah, iyong kakambal mo?""Yes, baby ko!"Sumimangot ito lalo. "Paano iyan? Wala
Luci's POVUNTI-UNTING bumagsak sa lupa si Damon. Dinaig ko pa ang tinakasan ng malay sa nasasaksihan. Gising ako pero ayaw nang tumakbo nang maayos ng utak ko.Nakita ko kung paano umalis ang kotseng kinalululanan ng lalaking bumaril sa amin. Nang mawala ito sa paningin ko ay pabagsak akong lumuhod sa tabi ng mag-ama ko."D-Damon... ""L-lumayo na k-kayo... " Bigla siyang umubo ng dugo kaya lalong nagbagsakan ang mga luha ko. "Si Luna... take our b-baby... ""Damon, no! Please, stop talking!"Mahigpit kong niyakap ang baby namin habang hawak ang kamay ni Damon. Luminga ako sa paligid, umaasa na may makitang tao at mahingian ng tulong."Tulungan n'yo kami! Maawa kayo! Tulungan n'yo kami!"Nang muli kong tingnan si Damon, putlang-putla na ang mukha niya. Halos wala nang kulay."Oh, God! T-tulong! Please, maawa kayo sa amin!"Narinig kong tumunog ang cellphone ni Damon sa loob ng bulsa nito. Nanginginig ang kamay na kinuha ko iyon.I saw Nico's name on the screen. Agad ko itong sinagot,
Luci's POV"Mama!"Hindi ko napigilan ang paglunok nang marinig ko siyang tawagin akong 'mama'. I never thought a single word from her would make me this happy."Luna Marie."Lumapit ako sa kaniya with open arms. Nagmamadali siyang bumaba mula sa kinauupuan niya at patakbong lumapit. Agad niyang itinaas ang dalawang kamay para sa akin."Mama!"I tried so hard not to cry, pero nanakit lang ang lalamunan ko sa pagpipigil ng luha.Luna Marie. Anak. Baby ko."Baby, I'm sorry, ngayon lang bumuti ang lagay ni Mama. Ngayon lang kita nabisita."Nakaluhod na ako sa sa sahig habang yakap siya. Oh, God, thanks for healing me. Thank you for keeping us safe all these years. Ngayon, yakap ko na ang anak ko. Her body is so tiny. Kumakain kaya siya nang maayos dito? Nakikipagkaibigan ba siya sa ibang bata?Ang dami kong gustong malaman. Ang dami ko rin gustong ibigay sa kaniya. At una na roon ang kaligtasan.Natuon ang paningin ko sa picture namin dalawa na nakadikit sa pader sa harap ng maliit na ta
Damon's POVNASA labas ako ng bahay ng mga Herrera, nakatanaw sa bintana ng kuwarto ni Luci. Paulit-ulit na naglalaro sa isip ko ang mga sinabi nito kanina. She wants us to divorce, she wants to leave me and she's planning on marrying Andrew.Isipin pa lang na hindi na siya akin at pag-aari na ng ibang lalaki, halos mabaliw na ako sa galit. Hindi ako makakapayag. Gagawin ko ang lahat para lang bumalik siya sa akin. Kahit idaan ko pa sa dahas.Sumakay ako ng kotse ko at nag-drive papunta sa pinakamalapit na bar. Kanina pa tawag nang tawag si Mama at maging si Nico, pero wala akong ganang sagutin ang tawag ng kahit na sino.Pagdating ko sa bar, sinalubong agad ako ng nakabibinging ingay ng tugtog, makakapal na usok, iba't ibang kulay at mga tao sa paligid. Wala akong pakialam sa paligid ko. Naupo ako sa isang metal stool at um-order ng alak.Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Bumalik nga si Luci, pero ngayong bumalik siya sa akin, tuluyan na niya akong iiwan."I should've treate
Luci's POV"Miss Luci!"Hindi ko pinansin ang boses na tumawag sa akin. Agad akong sumakay sa taxing huminto sa gilid ng daan at nagpahatid sa bahay namin.Isa-isang nagbagsakan ang mga luha ko habang iniisip ang gabi kung kailan iniwan ako ni Damon para sumama sa sekretarya niya.Pagod na pagod na akong maghabol sa taong walang balak na huminto o lumingon man lang sa akin. If he still loves my best friend, then I will let go of him.Hindi niya ako kailangan sampalin ng katotohanan na mas pipiliin pa niya ang ibang babae kaysa sa akin na asawa niya. I'm now ready to let go of this toxic love. Ang pag-ibig na unti-unting lumason sa akin dahilan para mamatay ako."L-Luci?"Parang nakakita ng multo si Daddy nang makapasok ako sa double wooden doors ng aming bahay. He stopped in front of the kitchen's door and stared at me for a long time."I'll explain everything later, daddy. Let me rest for now.""W-what? Explain everything?" Sinundan ako nito hanggang sa makapasok ako sa kuwarto ko.L
Damon's POV"False alarm, sir. Naliligaw lang pala ang mga lalaki kanina at hinahanap nila ang resort para mag-check-in."Nakahinga ako nang maluwag nang marinig ang sinabi ng bodyguard na iniwan ni Nico para kay Luci. Natagpuan ko ang dalawang lalaking tinutukoy nito sa lobby ng resort.Mataman kong tinitigan ang dalawa. Mga lalaking mukhang vlogger dahil parehong may bitbit na camera sa mga kamay at nagsasalita sa harap nito.Pinabalik ko na sa Maynila sina Nico at ang mga tao nito. Agad ko naman pinuntahan sa cottage ko si Luci. Naabutan ko itong nanonood ng cartoon habang nakahiga sa kama."I'm back.""Damon!" Napasinghap ito, malapad na ngumiti. Nagmamadali siyang bumangon at patakbong lumapit sa akin.Punong-puno ang puso ko nang mahigpit akong yakapin ni Luci. I hugged her back and rested my chin on the top of her head."Wife... " I hugged her forehead. "Siguradong-sigurado na ako, Luci. Akin ka. Ikaw ang asawa ko."Hindi umuwi sa kanila si Luci noong gabing iyon. Muli siyang n
Damon's POVUMIBIS ako ng sasakyan nang marating ang bahay namin ni Luci. Sandali akong pumasok para kunin ang toothbrush na gamit noon ng asawa ko."Dumiretso ka na sa hospital. I need to get the DNA test result today." Inabot ko sa kaniya ang panyo kung nasaan ang toothbrush at ang isang strand ng buhok ni Luci na palihim kong kinuha kanina."Yes, sir."Nang mawala na sa paningin ko ang kotse nito, agad akong bumalik sa loob ng bahay. Dumiretso ako sa built-in closet namin at binuksan ang jewelry box ni Luci."It's still here."Kinuha ko ang kwintas nito na kapareho ng kay Laura. Magkatulad na magkatulad ang dalawa. Gintong kwintas na may initials at mga pangalan nila.***"What are you doing here! I thought I told you to never show your face again!"Lumabas mula sa wooden doors ng malaking bahay si Tito Tobias. Matalim ang mga mata nitong nakatingin sa akin."I need to talk to you.""Well, I don't wanna talk to you. Ang kapal ng mukha mo! Matapos mong patayin ang anak ko?""This is
Damon's POVMARAHAN kong hinahaplos ang buhok ni Luci habang nakaupo sa gilid ng kama sa tabi niya.Ngayon, sigurado na akong siya ang asawa ko. Hindi siya si Laura, siya si Luci. Ngayong may patunay na ako, babawiin ko na siya. Maraming bagay akong gustong ihingi ng tawad, maraming bagay rin ang gusto kong gawin para sa kaniya. Lahat ng pinagsisihan kong hindi nagawa noon, magagawa ko na ngayon. Natigil ako sa malalim na pag-iisip nang gumalaw ito dahil sa pag-ihip ng malakas na hangin mula sa dagat. Unti-unting bumukas ang mga mata niya."Good morning." I smiled at her as I held her hand."D-Damon?""Yes? Are you hungry?"Nagtatakang bumangon ito kaya dumulas ang puting kumot mula sa hubad niyang katawan. I chuckled as I gave her my blue polo shirt. Pinasuot ko iyon sa kaniya at inakay siya papunta sa wooden table."Hindi ka galit?"Naupo ako sa silya at hinila siya paupo sa kandungan ko. "I'm sorry sa mga inasal. Wala ako sa sarili ko kahapon.""Hindi ka na g-galit?" Umiling siya
Damon's POVSA PANGALAWANG pagkakataon, para akong mababaliw nang isipin na wala na nga talaga si Luci. Na ito ang bangkay ng babaeng natagpuan namin noon at ito ang inilibing namin.Kung hindi... kung hindi ito si Luci, ano ang nakita ko kanina? Sigurado akong walang ganoong pilat ang asawa ko. At sapat nang patunay iyon para masabing ang babaeng palagi kong kasama ay ang anak nina Mang Ernesto at Aling Guada. Kahit sabihin pang taliwas ang nararamdaman ko.Siya si Laura, hindi ang aking asawa. Hindi ang Luci ko.***"Damon! Gising, Damon! Gising!"Naalimpungatan ako nang yugyugin ng kung sino ang balikat ko. Ang nakangiting mukha ni Luci ang bumungad sa akin."Luci?""Amoy alak!" Nagtakip ito ng ilong matapos ngumiwi.Matagal akong natigilan habang nakatitig sa mukha niya. Natawa ako kasabay nang pag-iling."Hindi nga pala ikaw si Luci. You're Laura."Tumango ito. "Ako Laura, hindi Luci."Tumayo ako at dumiretso sa shower. Buong gabi akong naglasing kagabi. Kung hindi pa ako ginisin