THE WAITER SERVED their orders and right now, they’re eating in pure silence. Dagdag pa sa awkwardness ng paligid ang katotohanang sila lamang dalawa sa floor na ito. Yes, na sa second floor silang at parang exclusive lamang ito sa kanilang dalawa.“Does it taste good?” biglang basag ni Aiden sa katahimikan nilang dalawa.She lifted her gaze at him and smiled. “Oh. It’s good. Thanks for the dinner.”“The night is not yet done. So don’t thank me,” he said. “We still have somewhere to go after this.” “Huh?” Nginuya niya muna ang kanyang kinakain at kunot noo itong tinignan. “Bakit? Saan pa ba tayo pupunta? Are we going to take long?”Nagkibit balikat ang binata. “Depends if you want us to take long.”Natawa siya sa sagot nito at napailing. Nagpatuloy na lamang siya sa pagkain at hindi na pinansin pa si Aiden. She busied herself with the delicious food they were eating. Hindi naman niya kailangang magpanggap na busy siya dahil masyadong mahal ang mga pagkain para hindi maging masarap.A
BLISS STILLED. Biglang bumalik sa kanyang isipan ang kanyang mga napanaginipan. She’s well aware that those are her lost memories. And they’re slowly coming back. The scenarios she saw in her dreams only told her that she had an intimate relationship with this man kissing her right now.She didn’t reply to his kisses. Parang tuod lamang siya habang hinahalikan siya ng binata. Hindi niya alam kung ano ang kanyang dapat na i-react. His kisses reminds her of what she dreamed of.Nang maramdaman ni Aiden na hindi na siya sumasagot sa halik nito ay bahagya itong lumayo at tumingin sa kanya.“Why are you not answering to my kisses?”“Were you my lover?” diretso niyang tanong dito. His eyes didn’t even blink.Kumunot ang noo nito. “Are you remembering something?”Walang pagdadalawang-isip siyang tumango rito at humugot ng malalim na hininga. “I dreamed of something.”“What kind of dream?” tanong nito habang nakakunot ang noo.“We’re both… under the rain.” She tilted her head. “And you were f
Nanatili muna sila roon ng ilang saglit, admiring the view in front of them. There’s this silence that filled between them that doesn’t make them both feel awkward. Tahimik man ngunit komportable naman silang dalawa.They watched as the snow fell from the sky. And sometimes, it makes her wonder how creative the Creator can be for being able to make all these things work. And sometimes, nature itself amuses her. A lot of things about nature makes her feel in awe. Especially the views in Bali, Indonesia and Coron, Palawan. Those places felt surreal.“I wonder what will happen after this,” wika niya na siyang bumasag sa kanilang katahimikan.“What do you mean?”“You know, kapag nakaalala na ako.” Tipid siyang ngumiti sa kawalan. “I’m always wondering about the memories I lost. Kasi pakiramdam ko ay may nakalimutan akong sobrang mahalaga sa ‘kin. Something is forgotten that I know once I’ll remember, I will regret it my whole life.”Nagulat siya nang maramdaman niya ang kamay ni Aiden sa
HINDI NIYA alam kung ilang oras na siyang nakatitig sa bahay na pinasukan ni Bliss. He wanted to extend the time that she was here. Hindi niya maintindihan kung bakit gustong-gusto niyang makasama palagi si Bliss. He enjoyed his time with her kahit na wala silang pinag-uusapan. Her presence is enough for all his nerves to calm down.Pinipigilan niya lamang ang sarili kanina na banggitin ang tungkol kay Miracle. Nakakaramdam siya ng lungkot para sa kanyang anak dahil sarili nitong ina ay kinalimutan ito. Ngunit hindi niya rin naman masisisi si Bliss. Lalo na ngayong alam niyang kahit papano ay mayroong bumabagabag sa dalaga na nakalimutan nitong importante rito.Napatingin siya sa kanyang phone nang mag-rin ito. Agad niyang tinignan ang caller ID saka inangat ang tawag.“What?”“Nasaan ka na ba? Kanina mo pa kami pinaghihintay rito. Akala ko ba saglit lang date niyo, ah?” rinig niyang tanong ng kanyang kaibigan sa kabilang linya.Ramdam niya ang namumuong inis sa tinig nito kaya naman
“MARS?”Hindi alam ni Aiden kung ano ang kanyang dapat sabihin. Para siyang namingi habang nakatitig sa lalaking nakaluhod sa kanyang harapan. Ramdam niya ang unti-unting pamumuo ng galit sa kanyang dibdib nang mapagtanto ang taong ibig nitong sabihin.“Who is that?” tanong ni Cydine. “YA ne slyshal takogo nazvaniya. Eto novaya mafiya ili chto?” [translation: I haven't heard of that name. Is that a new mafia or what?]“It’s not a new mafia,” he replied and clenched his jaw. “Eto kto-to.” [translation: It's someone.]“Who?”Naikuyom ni Aiden ang kanyang kamao at humigpit ang pagkakahawak niya sa panga nito. Rinig niya ang mahina nitong daing ngunit tila ba ay namingi siya at kahit na sobrang lapit lang niya ay parang hindi niya marinig ang atungal nito dahil sa maghipit niyang paghawak sa panga nito.“Aiden…”Diniin niya muna sa huling pagkakataon ang panga nito saka ito tinulak palayo. Tumayo na siya at humugot ng malalim na hininga saka humarap sa kanyang mga kaibigan. Nakatingin ang
What am I even thinking?Yan ang tanong na paulit-ulit na nag-re-replay sa kanyang isipan hangang sa narinig niya na lamang ang pag-ring ng kanyang alarm clock, nagsasabing papasikat na ang araw.She received no answer from her grandmother. Well, it’s not like her grandmother will tell her everything, right? Kilala niya na ito. Kapag ayaw nitong pag-usapan ang isang bagay, kahit anong gawin niya ay hindi niya ito mapapakanta. Her grandma is just built that way.Humugot siya ng malalim na hininga at bumaling sa isang bahagi ng kama. She’s curious about that little kid named Miracle. Wala siyang maalalang mayroon siyang pamangkin na Miracle ang pangalan.Impossible naman sigurong anak niya ang Miracle na ‘yon? She’s diagnosed with Polycystic ovary syndrome, or the thing they called ‘PCOS’. Hindi naman hundred percent na hindi siya pwedeng magkaanak, but with her condition, alam niyang hindi siya pwedeng magkaroon ng anak.It’s going to be very impossible, right?So who is Miracle?Umiko
HUMARAP SIYA sa salamin at tinignan ang kanyang hitsura. She’s now wearing a fur-lined winter white cloak. Nagsuot din siya ng thermal stockings para masuot niya ang kanyang mini skirt. Para naman kahit papano ay fasionista pa rin siya kahit sa malamig na panahon.Pinaresan niya ito ng hanggang tuhod na itim na medyas at putting long sleeve tops. She looked at herself in the mirror and smiled to herself. Suot niya na ngayon ang kanilang family heirloom. Masasayang lamang ito kung hindi niya susuotin. And besides, it makes her feel like her mother is always with her. Parang katabi niya lang ito palagi.Kinuha niya ang kanyang Tory Burch, Eleanor shoulder bag. Maliit lamang ito ngunit kahit papano ay napapasok naman ang kanyang mga wallet na mayroong lamang tatlong ATM, cash, at dalawang valid ID’s. Meron din siyang calling or business card na in case mayroong manghingi.And also, she paired her jade necklace with jade marbles earring as well. Kaya naman nang makuntento sa kanyang hitsu
AND JUST LIKE that, Bliss spent this whole day with Aiden. She tried convincing him that he may have other things to do. Ngunit sadyang matigas ang binatang ito. Nakihiram pa nga ito ng laptop sa kanya para aliwin ang sarili habang naghihintay sa kanya.The clock is ticking seven in the evening, yet she’s still not done with all the papers she had to sign. Kinakailangan niyang basahin ang mga ito isa-isa para masigurong hindi sila papalya sa launching ng isang producktong hindi na niya maalala.And this is what worries her the most. Sa oras ng launching. She had to face the audience, introduce them the new product, and convince them to buy it. To do that, kailangan niya pang pag-aralan ng kanyang mga produkto.“Ugh,” she let out a small groan and massage her temple.She’s tapping the head of her pen above the table. Parang nagra-rumble na ang mga letra ngayon sa kanyang paningin. Hindi siya nagkaroon ng pagkakataong mag-snack dahil nahihiya siya kay Aiden na magpabili ng caffeine or a
IT FEELS LIKE a dream; watching her daughter and Aiden running around and laughing. Pakiramdam niya ay nasa isang panaginip siya at ayaw na niyang magising pa. She can see pure happiness in her daughter’s face. Nakakataba ng puso.“Tag!” sigaw ng kanyang anak.Nandito sila ngayon sa tabi ng lake. Aiden put a camping chair for her and a picnic mat. Nakalapag doon ang kanilang mga pagkain. It was like a family bonding. May hawak din siyang camera na ngayon ay puno na yata ang storage kakakuha niya ng litrato.Mahina siyang natawa nang makita ang pagsimangot ni Aiden, ngunit hinabol naman nito ang bata.“Careful!” aniya nang makita kung gaano kabilis tumakbo ang kanyang anak.But her daughter just laughed. Kinunan niya ng litrato ang senaryong ‘yon at tinignan. A smile lifted her lips as she browse through the camera’s gallery. Nag-angat siya ng tingin sa dalawang taong dahilan ng ngiti sa kanyang labi.Pinanood niya ang mga itong maghabulan. Parehong walang sapin sa mga paa ang mga ito
PANAKA-NAKANG sumusulyap si Aiden sa hagdanan, naghihintay kay Bliss. Hindi pa rin bumababa ang kanyang anak na si Miracle. Sana lang ay nagpunta ito sa ina para kumbinsihin ito.Sa totoo lang ay hindi niya alam kung ano ang kanyang gagawin ngayon. He’s confused as hell. Natatakot siya para sa kapakanan ng kanyang pamilyang gusto niyang buohin. Nag-aalala siya na baka sa oras na makarating ito sa tenga ng kanyang ama ay pagbubuntunan nito si Bliss at Miracle.Tumingin siya sa hapag na puno ng pagkain. It was all for Bliss. And this was the reason why he knew he wanted to build this family. The moment he wanted to make breakfast for her in the morning, the moment he wanted to wake up next to her, the moment he wanted to take his daughter to school, and the moment he realized he couldn’t imagine himself with someone who is not Bliss.His phone suddenly vibrated. Agad niya naman itong hinila para tignan kung sino ang tumatawag. Nang makita niya ang pangalan ng kanyang kaibigan ay nagdala
Mabilis niyang pinunasan ang luha sa kanyang mga mata at umiwas ng tingin sa kanyang anak. She sniffed and calmed herself down before turning to her daughter. Medyo mataas ang kama kaya’t nahirapan ang kanyang anak sa pag-akyat.Binuka niya naman ang kanyang mga braso para i-welcome ang bata ng isang mahigpit na yakap. Agad naman itong tumabi sa kanya at niyakap siya. Pinikit niya naman ng kanyang mga mata at humugot ng malalim na hininga. Dinama niya ang yakapan nilang dalawang mag-ina.It feels like she’s been parted from her daughter for too long. Well, basically, matagal naman talagang nawalay sa kanya ang kanyang anak, Ngunit mas lumala lamang ngayon dahil matagal niya itong naalala.“Mommy, stop crying. You’re making me sad,” rinig niyang bulong ng batang yakap-yakap siya sa beywang.Mariin niyang kinagat ang ibabang labi para pigilan ang sariling humagugol. She wanted to explain to her daughter how bad her situation is, ngunit ayaw niya namang malaman nito na sobrang komplikado
Rinig niya ang pagbubukas ng pinto ngunit hindi niya ito magawang lingunin. Ni hindi niya nga kaya ang magpanggap na tulog. She was just lying there, staring outside the window, scolding herself mentally for being such a stupid girl. Bakit ba masyado siyang nagpapaalipin sa tawag ng kanyang laman? Ngunit tawag ng laman pa ba ang tawag sa bagay na ‘yon kung puso na rin niya ang nagsasabi? She knew something was off from the very start, yet here she is, nagpapaalipin na naman.“Bliss…”It was Aiden’s voice. Kahit na hindi siya lumingon ay alam niyang ang binata ‘yon. Napahugot na lamang siya ng malalim na hininga at pinikit ang mga mata.“Your breakfast is ready,” rinig niyang usal nito.Hindi siya nagsalita. Nang maramdaman niya ang paglubog ng kama sa kanyang likuran ay alam na niyang umupo si Aiden. Ramdam niya ang paghaplos nito sa kanyang buhok dahilan para muli niyang maidilat ang kanyang mga mata.“You’re awake. You should eat your breakfast or else our daughter would be worrie
HINDI mapakali si Aiden habang nakatitig sa dilag na nakahiga ngayon sa kama. Hindi niya alam kung ano ang nangyari rito. Basta na lang siyang tumakbo patungo sa silid kahit na punong-puno ng icing at flour ang kanyang mukha.He was scared. Especially after hearing her small groans of pain. Pati rin ang kanyang anak ay nag-aalala rin sa ina nito. Sino ba naman kasi ang hindi, ‘di ba? Bliss’s face a while ago just told how painful she felt.“Daddy, what if mommy doesn’t wake up?” tanong ng kanyang anak at nag-angat ng tingin sa kanya. Doon niya napansin ang panunubig ng mga mata nito.Aiden shook his head. Umupo siya sa kama, sa tabi ng kanyang anak. Hinawakan niya ang kamay nito at tipid na ngumiti. “Everything will be fine. Your mother is going to wake up soon and she will remember you.”Bliss waking up is certain. And hindi niya lang sigurado ay kung makakaalala pa ba ito.Wala sa sarili siyang napatingin sa kanyang anak nang bigla nitong hawakan ang kanyang pisngi. Her cute little
CYDINE’s point of viewTAHIMIK niyang pinagmamasdan ang dalawa na ngayon ay nag-uusap sa may hardin. Mariing kinagat ni Cydine ang ibabang labi. There is this green monster inside his chest that makes him want to take her away from that man she’s with.Ngunit sino ba siya? Sino ba siya sa buhay nito? He’s just a friend. An old friend to be exact.Looking at Bliss’ face right now, sigurado siyang masaya ito. Kitang-kita niya ang mga emosyon na minsan na rin niyang naramdaman noon. It may sound cringe, but he adores her so much. Kaya nga mas nauna pa sila ni Liam noon sa location na binigay ni Zed sa kanila kaysa kay Aiden.He was actually waiting for her to remember him. Ngunit nabigo siya dahil doon. And because pursuing love is not his cup of tea, hindi niya na rin nilapitan pa ang dalaga noon para sabihan ito kung ano siya sa buhay nito noon.Kaya naman ganon na lang ang gulat na kanyang naramdaman nang makilala siya ni Bliss ngayon na mayroon siyang selective amnesia. And this is s
WALA SA sariling napayakap si Bliss sa kanyang sarili nang umihip ang malamig na hangin. Nandito sila sa porch ng bahay at ang tanging nagbibigay ng liwanag sa paligid ay ang ilaw na mula sa sinag ng buwan.This place feels so heavenly. It’s like she’s been here before. Is this what they called déjà vu?“What do you want us to talk about?” tanong niya na medyo nagdadalawang-isip. Bumaling siya sa binata at napansing nakatitig ito sa kawalan na tila ba nalulunod ito sa isang malalim na pag-iisip.Sa anggulong ‘yon, hindi niya maiwasang mapatitig sa hitsura nito. Kung sakali mang nabaliw siya kay Aiden noon, hindi niya masisisi ang sarili. This kind of face is to die for. Sobrang gwapo nito. Ang tangos ng ilong. And his eyes…His eyes makes her feel like she’s staring at a gem.“How are you feeling?” he asked.She bit her lower lip and looked away. Nakaramdam tuloy siya ng hiya nang lingunin siya ng binata. Nahuli siya nitong nakatitig dito! Agad siyang tumikhim. She tucked some strands
HINDI NATULOY ni Bliss ang kanyang pagsubo sa pagkain at nabaling ang tingin sa pinto. Doon niya nakita si Aiden na nakatayo. Nakakunot ang noo nito at nakatingin sa kanilang dalawa ni Cyd na para bang mayroon silang kasalanan.“You’re here,” ani Cyd. “Thought you’re not coming.”Napakunot naman ang kanyang noo. Akala niya ay hindi na ito darating. She already stopped hoping that he would come and be with them. Hindi pinansin ni Aiden si Cyd at sa halip ay dumiretso ito sa kanya. Before she could even react, Aiden pulled her to stand and wrapped his arms around her for a tight hug. Mariin niyang kinagat ang ibabang labi at tumingin kay Cyd na nakatitig lang din sa kanila. Mukhang kahit ito ay nagtataka rin sa behavior ni Aiden.She didn’t answer his hug, though. Hinayaan niya lang itong yakapin siya hanggang sa kumalas ito. Tumingin siya rito at napansin niya ang uncertainty sa mukha nito.“Are you okay?” tanong nito sa kanya.“Why are you here?” wala sa sarili niyang tanong. “I thou
MAGAANG HINAPLOS ni Bliss ang buhok ng kanyang anak habang payapa itong natutulog sa kama. Hindi niya lang ito sinassabi, but she’s trying to regain her memories by trying to remember what happened within that five years.A lot of things are still a mystery to her, and one of that is why… of all the years, bakit nang mga panahon pa nang sinilang niya ang kanyang anak.Malaki ang kanyang pagdududa dahil sa katotohanang ‘yon. Maybe she was really heartbroken, at nadamay lamang ang kanyang anak.“I’m sorry,” she whispered why caressing her daughter’s hair. “I didn’t mean to forget you, baby. I didn’t mean any of this. If only you knew how much I want to remember you. I want to treasure all the memories I have with you.”Isa sa mga kinakatakot niya ang mga sinabi ni Aiden sa kanya. Na baka tuluyan na niyang hindi maalala ang lahat ng kanyang kinalimutan. At kung sakaling mangyari ‘yon, isa ang mga alala nang mga panahong pinapanood niya ang mga unang beses ng kanyang anak.First crawl, fi