Chapter 28Maingat na ipinatong ni Luna ang isang mainit at bagong timplang gatas sa lamesa katabi ng kaniyang ate. Iniiwasan niya ang gumawa ng malakas na ingay, sapagkat makarinig lamang ng kahit na anong malakas na tunog ang kaniyang ate ay natatakot na ito. “Ate, inom ka muna. Sabi ng doktor pupuwede ka na raw sa mga ganito.” Pinaalis niya ang buhok na tumatabing sa nakatulalang mukha ni Misha. Matapos ng insidenteng nangyari sa ospital ilang linggo na ang nakararaan ay hindi na kailanman pa niya nakausap ang kapatid. Para bang naging pipi ito at palagi na lamang nakatunghay sa kawalan. “Hindi ka p’wedeng maging ganito habang buhay, ate. Hindi ko alam kung gaano kasakit, wala akong karapatan para maliit iyang nararamdaman mo. Pero paano naman iyong mga anak mo? Paano naman kaming nagaalala sa ’yo?” Hindi mapigilang mapaiyak ni Luna ngunit kahit pa siguro ilang daang beses niyang ipaalala ang kaniyang ate na bumalik sa reyalidad ay hindi niya ito maabot. Dahan-dahang umangat
Chapter 29Nagising ako dahil sa nakakasilaw na sinag ng araw na nagmumula sa labas. Hindi na ako nagatubili pang bumangon mula sa pagkakahiga at tumayo. Wala na ang swero sa pulso ko. Ito na rin ang huling araw ko rito sa ospital. I immediately made my way to the restroom. Matapos maligo at magbihis ay lumabas na ako. Itinali ko pataas ang mahabang buhok. Tiningnan ko pa ang itsura ko sa salamin. “Should I cut my hair short?” pagkausap ko sa sarili. Nagkibit balikat ako bago ibinalik ang salamin sa bag. Inimis ko na rin ang mga gamit sa loob ng kwartong pinaglagian ko.Alam kong pupunta rito ang mga anak ko kasama si Luna at Tyler para sunduin ako pabalik sa bahay. Alam kong magaalala sila kapag nakita nila akong wala rito. But, I think is for good. Isinarado ko na ang pinto nang makalabas. May nakasalubong pa akong naglalakad lakad na mga pasyente na siya ko namang binati pabalik. “I guess ito na ang discharge day mo, Mrs. Montero?” tanong sa akin ni Doc Cleofe ang doktor na siy
Chapter 30“Bili ka na, Ineng. Mura na lang para sa ’yo.” Umiling ako sa nadaanan kong nagbebenta ng mga prutas. Marami pang nagalok sa akin ng kanilang mga paninda ngunit puro iling lamang ang isinagot ko. Ilang mga hakbang pa at natanaw ko na ang malaking arko na may kasulat na Santa Lucena. Sa totoo lang ay na-miss ko ang lugar na ito. This is where I always go whenever I'm having a hard time with dad. “Sa’n ka miss? Kinse na lang paloob,” “Sa kabisera, kuya sa may pulang gate,” saad ko sa tricycle driver na kaagad namang tumango at isinakay ako. Talaga namang nakaka-miss ang ganitong pamumuhay. Malayo sa polusyon ng maynila, at nakakarinding ingay ng mga sasakyan.Naglalakihang mga puno ang nadaanan namin. Pamilyar pa naman sa akin ang lahat ng aming nadaanan, kakaunti lang naman ang nagbago. Halos lahat pa rin ng makikita ay kulay berde, kaya naman masarap sa mata. “Dito na lang po, kuya.” Huminto ang tricycle dahil sa sinabi ko. Nagbayad na ako ng bente at hindi ko na ki
Chapter 31“Apo?” Napabalikwas ako at napalingon matapos makaramdam nang paghawak sa balikat. Sumalubong sa akin ang nagtatakang mukha ni Lola Felicidad. Malawak ang ngiti nito sa akin. “Tapos ka na ba? Halika na at para makapag-meryenda na tayo,” saad nito. Ibinalik kong muli ang paningin kung saan nakapwesto si Tyler kanina ngunit wala ng bakas niya roon. He disappeared as if he was just an imagination. “Ano ’yon? May hinahanap ka?” “Wala ho, baka namalikmata lang ako,” pagsasawalang bahala ko rito. Hinawakan ko na lamang si Lola at inalalayan siya pabalik sa binubunot kong kamote. Tinulungan na niya ako sa pag-ha-harvest kaya’t madali kaming natapos. Umabot din kasi ng ilang minuto ang pagkakaskas namin sa kamote bago pa namin iyon piniga, nalagyan ng asukal, gatas at palaman, hanggang sa huli ay napakuluan.Natapos ang araw na iyon na wala ng naging paramdam pa si Tyler. Siguro nga ay imahinasyon ko lang na nakita ko. I’ve been thinking about lately, I've been thinking a lot
Chapter 32Marahas at nanlalaki ang mga mata ko nang ako ay lumingon. Hindi ko alam kung madidismaya o makahihinga ako ng maluwag sapagkat ang inakala kong tao na nasa likuran ko ay iba pala. Salubong ang mga kilay ni Officer TM nang tingnan ako nito, sumisinghot singhot pa siya habang hawak ang isang baso ng mainit na kape at balot na balot ng isang kumot. “Ginagawa mo riyan?” Nakataas ang kilay niya nang tanuning ako. Imbis na sumagot ay hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at saka iyon hinila. “Aray!” pagrereklamo niya. Hindi gaya ng inaasahan ko, walang kahit na anong make-up o ’di kaya naman ay prosthetics. Natural ang kaniyang mukha, namula pa nga iyon dahil sa ginawa kong paghila at pagpisil. “Problema mo? May sakit na nga iyong tao, ginaganyan mo pa,” aniya. Nilampasan niya ako at isinarado ang nakabukas na kwarto. “This is my sister's room before, hilig noon ang arts at make-up. Kung ano-anong pinagagagawang nakakatakot na maskara.” Naglakad siya at sumunod naman
Chapter 33Marahas ko siyang itinulak nang matauhan. Kaagad akong umatras at tumayo. “I-I’m sorry, but this is wrong,” saad ko bago patakbong umalis sa lugar na iyon. Humahangos akong umakyat sa bahay nila Lola sandaling makabalik ako. Hindi ko nga alam kung paano ko nahanap ang daan. I just ran fast, trying to get away again. “Oh Apo? Anong nangyari sa ’yo at ganiyan ang itsura mo?” “Wala po, La. May kinailangan lang akong puntahan kanina. Pasensya na po iniwan ko kayo ng walang pasabi.” Umismid siya sa akin bago ginulo ang buhok ko. “Ano ka ba, ayos lang. Iyong Lolo mo na ang kumuha, halina na sa hapag. Kain na tayo, kanina ka pa namin hinihintay para makapag tanghalian.” Sumunod ako kay Lola. Natapos ang tanghalian, hapunan, at dumating na ang araw ng bukas. Isinukbit ko ang bag nang makababa mula sa kwarto. Nakita ko pa ang malamlam na mga tingin ni Lola sa akin. “Sigurado ka bang babalik ka na? Hindi ba p’wedeng dumito ka muna ng ilang buwan apo?” Tiningnan ko siya at sa
Chapter 34(Five years later)Sa malawak na kontinente ng Europa, sa Madrid kapital ng Espanya ay makikita ang isang mamahaling hotel na sikat sa pangalang ‘Alta Gracia’ kilala ang hotel na ito bilang tampulan ng mga mayayamang tao sa buong mundo. Pagkapasok pa lang ay sasalubong na sa iyo ang nakakasilaw na ilaw ng karangyaan. Maging ang mga gwardyang nakabantay sa bawat poste ay hindi puchu-puchu lamang. Isang limousine ang huminto sa tapat noon. Mabilis na lumapit ang isang bantay at binuksan ang pintuan ng sasakyan. Lumabas ang isang makinis na paa ng babae. Kasunod noon ay kaniyang buong katawan. Nakasuot ito ng kulay pulang fitted dress nang tuluyang makababa sa sasakyan. “Déjame mi señora, (Let me, my lady)” saad ng gwardya bago naglahad ng kamay sa kaniya.With the help of the guard a beautiful girl trail the stairs. Hanggang sa marating nito ang pasilyo papasok kung saan siya na lamang magisa ang naglakad. Parang latigong lumalagitik ang takong nito sa marmol na sahig. H
Chapter 35Umaga na nang magising si Yvonne. Mabilis siyang bumangon sa kaniyang king sized bed at dumiretso sa banyo. Hindi rin nagtagal ang kaniyang pagbibihis ay lumabas na siya sa kaniyang kwarto.Nang makababa si Yvonne sa ground floor ay sumalubong sa kaniya ang malawak at tahimik na living room. Walang katao-tao sa buong mansyon sapagkat kaniyang pinag-day off ang mga katulong. Ang malawak na mansyon na iyon sa Madrid Espanya, ay ang itinatagong yaman ng kaniyang ama. Mahigit kumulang tatlong taon din ang kaniyang ginugol para mailagay iyon sa kaniyang pangalan. Alam ni Yvonne na malakas ang kaniyang kakalabanin, kung ang kaniyang asawa ngang Montero na pinakamayamang angkan sa buong pilipinas ay hindi makaalpas. Paano pa kaya ang puchu-puchu niyang pamilya Hernandez. Kailangan niya ang lahat ng kayaman, kapangyarihan, at karangyaan na kaniyang makukuha. “You don't have to worry, I'll do everything. Ako naman, ako naman ang kikilos,” bulong niya sa sarili na tila ba ay mari
Hi lovely readers! This is Cats Pen. Maraming maraming salamat po sa pagbabasa ng Hiding Tyler Montero’s Triplets. Tapos na po ang kwento ni Tyler at Misha, Xyler at Asterelle, maging ang kay Yhler at Lualhati. Sa mga nagtatanong po tungkol sa kwento ni Zyler ang bunso. Balak ko pong IBUKOD ang kwento ni Zyler dahil magiging mas mahaba ito. Sana po ay masubaybayan niyo pa ang mga susunod pang kwento especially ang kwento ni ZYLER MONTERO. THANK YOU SO MUCH FOR MAKING IT THIS FAR. Look out for Zyler’s story [ BABYSITTING ZYLER MONTERO] na aking ipopost sa mga susunod na araw Sincerely, Cats Pen (✿ ♡‿♡)
Special Chapter 2.18: Y “Haah . . . ” Naging mabigat ang paghinga ni Yhler. Siya ay napatingala at mahigpit na napakapit sa balakang ni Lui matapos nitong magsimulang magtaas baba sa kaniyang kandungan. Ang isang kamay ni Lui ay pumatong sa kaniyang balikat at paminsana’y bumabaon ang kuko nito sa kaniyang balat. Bumababa tingin ni Yhler sa lalaki at kitang-kita niya kung paano mariing pumikit ang mga mata ni Lui habang patuloy pa rin sa ginagawa nito. “Ugh . . . Yhler. You feel so good,” ani Lui at matapos noon ay pinanggigilang pisilin ang sariling dibdib. Dahil doon ay tila isang gusaling gumuho ang lahat ng pasensya ni Yhler. Mas humigpit ang kaniyang kapit sa balakang ni Lui at saka tumayo at naglakad patungo sa kama. Pabalya niyang ibinagsak si Lui sa kama dahilan para tumalbog siya doon. He then made her lay on her stomach and immediately pushed his shaft inside her womb. “Mm!” daing ni Lui matapos hawakan ni Yhler ang kaniyang buhok at hilahin nito iyon. Her hair is b
Special Chapter 2.17: Y “Ang pangit mo, Kuya.” Iyan ang naging komento ni Zyler habang nakatingin sa kaniyang kapatid na si Yhler. Mahinang natawa si Xyler na nasa tabi lamang nilang dalawa. “I agreed,” gatong pa nito sa sinabi ng kapatid na si Z. “Should I show you the video taken at your wedding, Kuya?” rebat naman ni Yhler dahilan para matahimik si Xyler. Napaismid na lamang ang lalaki at saka inilibot ang paningin sa kabilang bahagi ng simbahan para hanapin ang kaniyang asawang si Asterelle. Hindi naman siya nahirapan sapagkat kumaway ito sa kaniya. “Ang pangit niyong dalawa,” may pait na saad ni Zyler. Sa pagkakataong iyon ay si Yhler naman ang tumawa. “Ang sabihin mo, you're just jealous cause no one wants to marry you.”Umirap si Zyler para itago ang katotohanang natamaan siya sa sinabi ng kapatid. “Don’t worry, Z. I'll make sure to get you a blind date after this,” pagbabalubag loob na may halong pangaasar na saad ni Xyler sa kanilang bunso. Napanguso na lamang siya at
Special Chapter 2.16: Y“At satingin niyo ba talaga ay papayag ako sa kasalang iyan?!” Dumagundong ang matinis at malakas na sigaw ni Uno, namumula ang mukha nito at halos pumutok na ang litid sa leeg. “Dad, you're at it again.” Kalmadong saad ni Lui at saka napabuntong hininga na para bang nauumay na siya sinasabi ng kaniyang ama. Lumapit siya dito iniayos ang suot nitong kurbata na medyo tabingi ang pagkakasuot. “Bakit ba galit na galit na naman kayo? H’wag niyong sabihin sa akin na dinatnan na naman kayo ng dalaw?” pagbibiro niya dahilan para mas lalong magsalubong ang noo ni Uno. “Ayoko! Hindi ako papayag na maikasal ka sa lalaking ’yon—” Isang malakas na batok ang tumama sa ulo ni Uno dahilan para mapatigil ito. “Talaga ba, Fortuno?” Marinig pa lamang ang pamilyar na boses na iyon kaagad na nagtaasan ang mga balahibo ni Uno. Kitang-kita ni Lui kung paano tila parang isang papel na tumiklop ang kaniyang ama at hindi nakapag-salita. “Mom!” natutuwang pagbungad ni Lui sa kani
Special Chapter 2.15: Y“Are you being serious right now? Dito talaga?” Hindi maituwid ang pagkakakunot ng noo ni Lui habang nakatitig sa kasalukuyang nasa harapan nilang dalawa ni Yhler. “Why? Isn't this what you wished for back in highschool—ouch!”Bago pa man matapos ni Yhler ang sasabihin nito ay nakatanggap na siya ng may kalakasang hampas mula sa babae. “Well, we're not in highschool anymore. Satingin mo ba talaga gusto ko pa rin ’to ngayon?” Yhler let out a laugh. “I’m sorry, okay?” Sumalikop ang dalawang kamay ni Lui sa kaniyang mga braso. Malalim siyang napabuntong hininga at napairap. “Sabihin mo nga sa akin, anong klaseng tanan ba ang narinig mo at narito tayo?” Isang ligaw na bola ang tumalbog papunta sa kinaroroonan nila. Dinampot iyon ni Yhler at tumawa lamang hindi sinasagot ang tanong ni Lui. “Isn’t the meaning of tanan is like a date? A romantic date! Z, told me that.” Marahas na napasabunot sa kaniyang buhok si Lui matapos marinig ang isinagot ni Yhler. Inis s
Special Chapter 2.14: Y[Back to Present]Namutawi ang siyang pagtunog ng lumagaslas na tubig mula sa timbang ihinagis ni Uno mula sa ikalawang palapag ng bahay pababa sa kinaroroonan nila Yhler. Kaagad na nahinto ang tugtugin at ang ginagawang pagkanta ni Yhler na siyang panliligaw kuno nito. Mabilis na tumama sa kanilang mga katawan ang malamig na tubig kasama ang timba na siyang sumaklot pa sa ulo ng katabi ni Yhler na si Thunder. “Sino may sabing mag-iingay kayo rito sa pamamahay ko?” hiyaw ni Uno mula sa itaas ng bahay. Napatakip sa kaniyang tainga si Lui matapos dumagundong ang malakas na boses ng kaniyang ama. “Dad!” aniya at tiningnan ng masama ang kaniyang ama. “What?” inosente at pabalang na tanong naman sa kaniya pabalik ni Uno. “I’m just doing what a father would do,” dagdag pa nito. Inis na nagpapadyak si Lui at saka patakbong bumaba mula sa ikalawang palapag ng bahay hanggang marating ang ground floor at ang gate kung saan naroon si Yhler at ang banda. “Bakit pati
Special Chapter 2.13: YWalang tigil ang mahinang pagtapik nang paa ni Yhler sa lupa. Makalipas ng ilang segundo ay tumayo ito mula sa pagkakasandal sa pader at naglakad itong muli pakanan, at pakaliwa. “Argh!” hiyaw ni Thunder at saka iritableng napasabunot sa kaniyang buhok. “P’wede ba! Kanina pa ’ko nahihilo sa ’yo Y!” asik nito at inis na bumunot sa mga damong pinaglalaruan niya kanina. “D-Do I look okay?” pagsasawalang bahala ni Yhler sa sinabi ni Thunder at sa halip ay pagtatanong nito. Napatunghay si Ben mula sa pagkakatuon ng mga mata nito sa gitarang itinotono. Napabuntong hininga ito. “You’ve asked that question for the fifth time Yhler, chill man. Hindi ka naman mamamatay,” komento nito at muling ibinalik ang paningin sa gitara. Iniayos pa nito ang pagkakaupo sa nakaparada nilang van. “But—” “Ayan na si Madam!” Naputol ang dapat na sasabihin ni Yhler nang sumigaw si Shawn mula sa itaas nang puno. “Hellton, help me down,” imporma nito kay Hellton na naka-amba na sa ba
Special Chapter 12: YLupaypay ang buong katawan ni Lui nang ito ay bumagsak sa kama. Kaagad na lumubog ang kaniyang mukha sa unan. “S-Stop, Yhler. I can't. . . no more,” aniya sa papahinang boses at saka pilit na inabot ang kumot. Bago pa man niya mahawakan ang kumot ay pumulupot na ang mga daliri ni Yhler sa kaniyang palapulsuhan para siya ay pigilan. Gamit ang kabilang kamay ay hinawi ni Yhler ang kaniyang buhok habang nakatalikod pa rin siya rito. Yhler then started kissing her nape, her left cheek, and her neck. “I’m sorry baby. Just one more, okay?” paghirit nito dahilan para marahas siyang humarap sa lalaki. Inis niyang hinampas ang dibdib ni Yhler. “Anong isa pa? Pang-limang isa pa mo na ’yan mula pa kanina!” asik niya at saka itinulak ang mukha ni Yhler na pilit na humahalik sa kaniya. Yhler laughed. Para sa kaniya ay napaka-cute ng naging reaksyon ni Lui, ang magkasalubong nitong mga kilay at ang nakasimangot nitong mga labi. “Alright, I won't,” pagsuko niya nang hindi m
Special Chapter 2.11: YNamutawi ang sandaling katahimikan. Nanlalaki ang mga mata ni Lui at hindi siya makapagsalita mula sa gulat dahil sa sinabi ni Yhler. On the other Yhler felt a sudden pang on his chest. Ilang sandali pa ay naramdaman niya ang pagiinit nang kaniyang buong katawan. Nang muli niyang ibalik ang paningin kay Lui ay may kung anong humahalina sa kaniya. Medyo nakaawang ang labi nito dahil sa gulat, may kung anong umaakit din sa kaniya nang kaniyang tapunan ng tingin ang mamula mula nitong pisngi dahil sa pagiyak. He’s getting the urge to make her cry more. Dali-dali siyang tumayo mula sa kama at saka lumayo kay Lualhati. “I-I should go,” aniya mahahalata ang pagpipigil. Nakakuyom na ang dalawang kamay niya at pakiramdam niya ay kapag nagtagal pa siya kasama si Lui ay hindi na niya mapipigil pa ang sarili at baka kung ano ang magawa niya. Mabibigat ang kaniyang mga hakbang. Mabibilis din iyon, nagmamadaling makaalis doon. Kinapa niya ang kaniyang bulsa habang pa