hii, thank you po sa mga comments. hwag po kayong mahihiyang ilabas ang mga saloobin niyo, malay niyo po diba tama pala ang mga hula niyo. malapit na tayo sa exciting part! ( ≧Д≦)
Chapter 32Marahas at nanlalaki ang mga mata ko nang ako ay lumingon. Hindi ko alam kung madidismaya o makahihinga ako ng maluwag sapagkat ang inakala kong tao na nasa likuran ko ay iba pala. Salubong ang mga kilay ni Officer TM nang tingnan ako nito, sumisinghot singhot pa siya habang hawak ang isang baso ng mainit na kape at balot na balot ng isang kumot. “Ginagawa mo riyan?” Nakataas ang kilay niya nang tanuning ako. Imbis na sumagot ay hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at saka iyon hinila. “Aray!” pagrereklamo niya. Hindi gaya ng inaasahan ko, walang kahit na anong make-up o ’di kaya naman ay prosthetics. Natural ang kaniyang mukha, namula pa nga iyon dahil sa ginawa kong paghila at pagpisil. “Problema mo? May sakit na nga iyong tao, ginaganyan mo pa,” aniya. Nilampasan niya ako at isinarado ang nakabukas na kwarto. “This is my sister's room before, hilig noon ang arts at make-up. Kung ano-anong pinagagagawang nakakatakot na maskara.” Naglakad siya at sumunod naman
Chapter 33Marahas ko siyang itinulak nang matauhan. Kaagad akong umatras at tumayo. “I-I’m sorry, but this is wrong,” saad ko bago patakbong umalis sa lugar na iyon. Humahangos akong umakyat sa bahay nila Lola sandaling makabalik ako. Hindi ko nga alam kung paano ko nahanap ang daan. I just ran fast, trying to get away again. “Oh Apo? Anong nangyari sa ’yo at ganiyan ang itsura mo?” “Wala po, La. May kinailangan lang akong puntahan kanina. Pasensya na po iniwan ko kayo ng walang pasabi.” Umismid siya sa akin bago ginulo ang buhok ko. “Ano ka ba, ayos lang. Iyong Lolo mo na ang kumuha, halina na sa hapag. Kain na tayo, kanina ka pa namin hinihintay para makapag tanghalian.” Sumunod ako kay Lola. Natapos ang tanghalian, hapunan, at dumating na ang araw ng bukas. Isinukbit ko ang bag nang makababa mula sa kwarto. Nakita ko pa ang malamlam na mga tingin ni Lola sa akin. “Sigurado ka bang babalik ka na? Hindi ba p’wedeng dumito ka muna ng ilang buwan apo?” Tiningnan ko siya at sa
Chapter 34(Five years later)Sa malawak na kontinente ng Europa, sa Madrid kapital ng Espanya ay makikita ang isang mamahaling hotel na sikat sa pangalang ‘Alta Gracia’ kilala ang hotel na ito bilang tampulan ng mga mayayamang tao sa buong mundo. Pagkapasok pa lang ay sasalubong na sa iyo ang nakakasilaw na ilaw ng karangyaan. Maging ang mga gwardyang nakabantay sa bawat poste ay hindi puchu-puchu lamang. Isang limousine ang huminto sa tapat noon. Mabilis na lumapit ang isang bantay at binuksan ang pintuan ng sasakyan. Lumabas ang isang makinis na paa ng babae. Kasunod noon ay kaniyang buong katawan. Nakasuot ito ng kulay pulang fitted dress nang tuluyang makababa sa sasakyan. “Déjame mi señora, (Let me, my lady)” saad ng gwardya bago naglahad ng kamay sa kaniya.With the help of the guard a beautiful girl trail the stairs. Hanggang sa marating nito ang pasilyo papasok kung saan siya na lamang magisa ang naglakad. Parang latigong lumalagitik ang takong nito sa marmol na sahig. H
Chapter 35Umaga na nang magising si Yvonne. Mabilis siyang bumangon sa kaniyang king sized bed at dumiretso sa banyo. Hindi rin nagtagal ang kaniyang pagbibihis ay lumabas na siya sa kaniyang kwarto.Nang makababa si Yvonne sa ground floor ay sumalubong sa kaniya ang malawak at tahimik na living room. Walang katao-tao sa buong mansyon sapagkat kaniyang pinag-day off ang mga katulong. Ang malawak na mansyon na iyon sa Madrid Espanya, ay ang itinatagong yaman ng kaniyang ama. Mahigit kumulang tatlong taon din ang kaniyang ginugol para mailagay iyon sa kaniyang pangalan. Alam ni Yvonne na malakas ang kaniyang kakalabanin, kung ang kaniyang asawa ngang Montero na pinakamayamang angkan sa buong pilipinas ay hindi makaalpas. Paano pa kaya ang puchu-puchu niyang pamilya Hernandez. Kailangan niya ang lahat ng kayaman, kapangyarihan, at karangyaan na kaniyang makukuha. “You don't have to worry, I'll do everything. Ako naman, ako naman ang kikilos,” bulong niya sa sarili na tila ba ay mari
Chapter 36Mabilis na nagtagis ang mga bagang ni Yvonne nang sa silya malapit sa kaniya ay magtaas ng numero si Quirre Apostol. Matinis ang boses nitong nagsalita. “One point one million!” Tumingin pa ito ng nakakaloko kay Yvonne, tila ba ay inaasar siya at inuubos ang pasensya niya.Napahawak sa kaniyang batok si Yvonne, mas lalong nadagdagan ang inis niya at mas lalo siyang naging sabik na manalo sa nangyayaring bidding. “One point five million!” ani Yvonne. Si Roi na ang nagtaas ng numero niya sapagkat kung si Yvonne ang siyang hahawak noon ay baka masira na iyon dahil sa galit na nararamdaman niya sa kaniyang boss. “One point six million!” humahagikhik na saad ni Quirre Apostol. Nakita ni Roi ang siyang pagsakilop ng mga braso at pag-dekwatro ng kaniyang amo, senyales iyon na kaunti na lang ay sasabog na ito sa inis. Mabilis na nahalata ni Roi na iniinis lamang ni Quirre Apostol si Yvonne sapagkat sinasadya nitong isa lamang ang idagdag sa bawat bilang na sinasabi ng kaniyan
Chapter 37Tinanggal ni Yvonne ang pagkakatali nang dalawang kamay ni Tyler. Hinila niya ito at dinala sa isang guest room kung saan walang makaririnig ng kanilang paguusapan. Hinayaan ni Yvonne na maiwan ang dalawa pang lalaki sa living room, habang hindi tinatanggal ang mga suot nitong takip sa mata at tali. Nang makapasok sa guest room ay kaagad na hinapit ni Tyler ang baywang ni Misha. Naglapat ang kanilang mga labi hanggang sa maglaban ang kanilang mga dila. Naglakbay pataas ang isang kamay ni Tyler hanggang sa umabot iyon sa ninais na destinasyon. Napaawang ang mga labi ni Yvonne nang panggigilang pisilin ni Tyler ang korona nang kaniyang dibdib. Manipis lamang ang telang nakapagitan sapagkat isang makinang na pink na roba lamang ang suot niya doon kaya naman damang dama niya ang kamay ni Tyler. Sumunod ang isa pa nitong kamay at tinungo ang kaniyang dibdib. Matapos ay saka siya mas hinapit at pinaglaruan ang korona nito gamit ang dalawang hinalalaki. “Mmm . . . ” Hindi ma
Chapter 38(Flashback to Eight (8) years ago, October 09 20**)“Happy birthday to you! Happy birthday! Happy birthday! Happy birthday to you!” Sumilay ang malawak na ngiti sa mukha ni Tyler, naglaho pa ang kaniyang mga mata nang gawin niya iyon. Puno ng pagmamahal at saya ang kaniyang nararamdaman habang nakatitig sa kaniyang magiina. “Come on, blow your candle Daddy!” Nagtaas ng kaniyang kamay ang ma-cute at maliit na si Z. “I want to blow Daddy’s candle too! I want too!” pagiingay nito at hindi pa titigil kung hindi tinapik ng kaniyang kuya X. “You can't, Z. Hindi naman ikaw ang may birthday," pananaway naman ni Y na prenteng nakaupo sa hita ni Tyler habang nakapatong pa ang baba nito sa dalawang magkasalikop na kamay na nasa ibabaw ng lamesa. Tumunghay ang ikalawang batang Montero bago pinaningkitan ang kaniyang bunsong kakambal na noon ay paiyak na. “Don’t look at me like that, you want to get away using your tears again.” Ang papaiyak na mukha ni Z ay napalitan ng tawa. Ala
Chapter 39(Back to present time) Hindi mahanap ni Yvonne ang kaniyang boses. Namomroblema siyang napatingin kay Roi at sa tatlong lalaking nasa harapan nila. “There still a lot of days left, what will you do with them? I'm curious,” pagbasag ni Roi sa katahimikan. Kasalukuyan silang nasa living room. At hindi malaman ni Roi kung bakit pati siya ay nadamay at kinailangang ipatawag ng kaniyang amo. “Should I just kill them, then bury their bodies under the mansion?” seryosong wika ni Yvonne. Dahilan para mapalunok at mataranta si Roi. “Don’t even think about it, El Dorado will come for our heads if you did,” nakangiwi niyang saad para baguhin ang isip ng kaniyang amo. Yvonne let out a laugh. “Who cares, that way I can get to keep these three for an eternity,” pabiro nitong saad at wala ng nagawa pa si Roi kung hindi ang mapasampal sa kaniyang noo. Mas lalong lumakas ang pagtawa ni Yvonne. Nagbibiro lamang naman siya, natutuwa lang siyang asarin si Roi. Maging ang tatlong lalaki