Share

CHAPTER 29 - DIARY

last update Last Updated: 2024-10-21 11:01:21

Hindi na ako nagpaalam pa kina mommy na aalis ako papunta sa lugar kung saan nakatayo ang lumang mansyon ng mga Dela Cuesta dahil alam ko na pipigilan lamang nila ako. Agad akong sumakay sa kotse ko at kahit hindi ko alam kung saan ang lokasyon ng mansyon ay alam ko na makakapunta din ako doon gamit ang pakiramdam ko. Mula sa DLC Hospital ay nagmaneho ako patungo sa lokasyon ng lumang mansyon. Hindi ko alam ang dahilan kung bakit ayaw akong isama nila daddy kapag napunta sila dito at ang tanging alam ko lang ay sa probinsya ito. Malakas ang kutob ko na mayroon siguro talagang kinalaman ang mga nangyari sa nakaraan kaya kami nakakaranas nito. Hindi ko ininda ang dalawang oras na byahe kahit na madilim na sa daan para malaman ko na ang katotohanan na pilit na itinatago saakin nila daddy.

Nasa bulsa ko ang family heirloom ng mga Charlemagne dahil sa pilit itong ibinibigay sa akin ng kaibigan ko. Mula sa matagal na pagmamaneho ay nakarating ako sa isang hacienda na may nakasulat na Dela
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

  • Hiding The Billionaire's Son   CHAPTER 30 - HER STORY

    Nandito ako ngayon sa silid na pinasukan ko kanina at dala-dala ko ang talaarawan ni Maria na nabuhay sa nakaraan. Hindi ko pa magawang buksan ang bagay na ito dahil natatakot ako sa malalaman ko sa nangyari noon sa kanila ni lolo. Alam ko na mahal ni lolo ang babae na iyon pero bakit sila humantong sa bagay na ito na labis na nagpapahirap sa amin ngayon. Napapikit ako ng mariin ng maalala ko ang larawan ng babae na nakita ko kanina kaya napaiyak ako.Lolo ano bang nangyari sa inyo at nagkahiwalay kayong dalawa gayong nakita ko sa bawat larawan na iginuhit ninyo kung gaano ninyo kamahal ang nagngangalang Maria Katherine. Kaya ba kamukha namin kayo ni Ms. Velasquez kasi nais nyo na kami ang magtuwid ng pagkakamali ninyo sa nakaraan sa taong iniwan ninyo sa ere kasama ang anak ninyoNapahilamos na lamang ako sa mukha ko dahil sa mga emosyong nararamdaman ko ngayon. Hindi ko akalain na nagawa ni lolo ang bagay na iyon sa babae na mahal nito kaya ba nagkaroon ng ganitong tradisyon ang pam

    Last Updated : 2024-10-21
  • Hiding The Billionaire's Son   CHAPTER 31-HIS STORY

    Napapikit ako nang mariin dahil sa nabasa ko sa talaarawan ng babae na nagmamahal sa kay lolo. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa mga naalaman ko na ginawa ni lolo kay Ms. Maria. Hindi ko alam na ginawa ni lolo na makasakit ng damdamin ng isang mapagmahal na dalaga at ginamit lamang nito ito para lamang sa init ng katawan.Alam ko kung gaano kasakit na makita mo ang taong mahal mo na ikasal sa iba sa araw mismo ng sariling kasal nito. Sa sinaunang panahon ay mahigpit ang paniniwala nila tungkol sa pagsisiping ng lalaki at babae. Hindi man ako nabuhay sa panahong na iyon ramdam ko ang sakit at poot na nararamdaman ng may-ari ng talaarawan na ito. Nakaramdam na din ako ng antok kaya naman hinayaan ko na ang sarili ko na makatulog ngayon. Mataas na ang sikat ng araw ng magising ako kaya naman agad na akong bumangon kahit na medyo antok pa ako. Lumabas na ako ng silid hawak ang talaaraawan na nakuha ko sa sekretong silid na iyon dahil alam ko na hindi pa ito ang buong istorya

    Last Updated : 2024-10-22
  • Hiding The Billionaire's Son   CHAPTER 32

    Dinala ko na muna ang aking pinagkainan sa baba at nakita ko pa si manang na nakaabang sa akin. Agad ako nitong nilapitan kaya ngumiti ako dito ng bahagya bago iniabot dito ng hawak ko na tray. "Natapos mo na bang basahin ang liham ng lolo mo?" mahinahon nitong tanong sa akin kaya napakunot ang noo ko dahil sa sinabi nito sa akin "Paano nyo po nalaman na yung sulat ang pakay ko sa silid na iyon?" takang tanong ko dito "May dahilan ang lahat at nakatadhana na talaga na makapunta ka dito kahit na anong pigil pa ng mga magulang mo na itago ito sa iyo" nakangiting paliwanag nito sa akin "Malimit po ba sila mommy na magpunta dito?" takang tanong ko dito kaya tumango ito sa akin "Oo at matagal na silang sumusubok na pumasok sa silid na iyan ngunit hindi sila nagtagumpay dahil tanging ikaw lamang ang makakapasok sa silid na ito" makahulugan nitong sabi sa akin "Sige po salamat sa impormasyon at aakyat na po muli ako sa taas dahil hindi ko pa po nahahanap ang kasagutan sa mga t

    Last Updated : 2024-10-22
  • Hiding The Billionaire's Son   CHAPTER 33

    Binibining Maria,Labis ang galak na naramdaman ko nang malaman ko na sa hacienda ka na rin pala nagtatrabaho at labis akong nagpapasalamat sa iyo dahil hindi mo iniwan ang abuela sa mga panahon na pwede ka na namang umalis sa aming lupain. Nalaman ko din kay abuela na ikaw ang magiging katuwang ko sa pagpapatakbo ng hacienda at alam ko sa sarili ko na labis ang tuwa na aking naramdaman kahit na alam kong mali na maging masaya ako sa kaalaman na ikaw ay aking makakapiling. Nabanggit na din sa akin ni abuela na ikaw ay walang kasintahan kaya naman agad akong nag-isip ng paraan para mapasa akin ka ng tuluyan. Hindi ko na palalampasin ang pagkakataon na ikaw ay maging isang Dela Cuesta at habang ikaw ay nasa malayo ay aalamin ko ang mga bagay na tungkol sa iyo. Alam na din na abuela na mayroon akong pagtingin sa iyo kaya naman labis ang tuwa nito ng maalaman ang bagay na ito.Ang payo sa akin ni abue;a ay huwaag kitang saktan dahil sa busilak mong kalooban at siya ang unang-una na magig

    Last Updated : 2024-10-23
  • Hiding The Billionaire's Son   CHAPTER 34

    Hapon na ng lumabas ako ng silid na iyon matapos kong ayusin ang mga gamit at sulat ni lolo dahil balak ko na umuwi na ng Manila. Mas kailangan ako ng mag-ina ko ngayon na nasa bingit sila ng kamatayan pero hindi ko pa alam kung paano ko sila maisasalba sa bingit ng kamatayan. Nakita ko na nakahilera sa may hagadan ang mga katulong at nasa dulo ng hagdan si manang."Tapos ka na ba ijo?" tanong nito sa akin kaya tumango ako dito "Tapos na po pero mayroon pa rin pong kulang" tugon ko dito kaya ngumiti ito sa akin"Alam ko kung sino ang makakasagot sa tanong mo na iyan" nakangiting sabi nito sa akin kaya agad akong ngumiti dito"Sino po?" kaagad na tanong ko dito kaya nginitian ako nito"Ang lola ng lola ko" sabi nito sa akin kaya napakamot ako sa buhok ko dahil sa narinig dito"Mawalang galang na po buhay pa po ba yang sinasabi ninyo manang?" ang-aalangang tanong ko dito kaya tumango ito sa akin"Aba oo naman ijo" nakangiting sabi nito sa akin at agad akong hinila palabas ng mansyonNa

    Last Updated : 2024-11-03
  • Hiding The Billionaire's Son   CHAPTER 35

    Gabi na ng makarating ako sa Manila at sa halip na sa bahay ako magtuloy ay sa hospital na ako dumeritso. Nakakahiya na sa kaibigan ko na siya na ang nagbantay sa mag-ina ko kahit na kapatid at pamangkin din nito ang dalawa. Hindi pa din ako nakapagpalit pa ng damit ko na suot ko kahapon dahil wala naman akong damit na dala sa sasakyan ko. Nang makarating sa hospital ay agad akong pumasok sa loob ng hospital at nagderitso sa VIP ng hospital. Nakasalubong ko si tito Sean kaya bahagya ako nitong tinanguan bago ako nagtuloy-tuloy sa paglalakad. "Mark" napatigil ako sa paglalakad ng tawagin ako ni tito kaya napatingin ako dito "Bakit po tito?" tanong ko dito matapos kong humarap dito "Nahanap mo na ba ang sagot sa mga tanong mo at kung paano maliligtas ang dalawa?" nag-aalalang tanong nito sa akin kaya bahagya akong tumango dito "Opo tito" tugon ko dito kaya agad itong lumapit sa akin "Good at sana maligtas na sa peligro ang mag-ina at makahingi ako ng tawad sa kaniya" seryo

    Last Updated : 2024-11-04
  • Hiding The Billionaire's Son   CHAPTER 36

    Madilim pa sa labas ng magising ako kaya agad na akong bumangon ng may pag-iingat upang hindi ko magalaw si Katherine. Agad akong nagtungo sa banyo upang mag-asikaso ng sarili at ng matapos ay agad akong lumabas ng banyo. "Good morning po" magalang na bati sa akin ng isang dalagita kaya tumango ako dito "Anong kailangan mo?" tanong ko dito at agad na pinuntahan ang anak ko na mahimbing na tutulog sa kama nito . "Nagdala po ako ng gamit nila ate at ng alaga ko tapos nagluto din po si nanay ng pagkain para sa inyo" magalang na sabi nito sa akin kaya tumango ako "Salamat" tipid na sabi ko dito at agad na ibinaling ang atensyon ko sa bata "Good morning anak" nakangiting bati ko dito ng makita itong magmulat ng mata "Morning" masungit na sabi nito sa akin kaya agad akong napailing dahil sa inasal nito "Good morning pogi kong alaga" masiglang sabi ng dalaga sa anak ko kaya napaingos ito sa dalaga "Walang good sa umaga ko kapag ikaw ang at ang mega phone mong boses ang babati sa a

    Last Updated : 2024-11-05
  • Hiding The Billionaire's Son   CHAPTER 37

    Umalis na muna si Max sa hospital para asikasuhin ang kaso na isasampa nito laban sa mag-ina. Minsan na pumupunta dito si tito Sean at nilalaro ang apo nito sa akin at bahagyang susulyap kay Katherine at nakikita ko ang lungkot at pagsisisi sa mga mata nito. Hindi ko alam kung bakit ganoon ang nararamdaman ni tito at inirerespeto ko ang nararamdaman nito kung ayaw nito na sabihin sa akin ang nalalaman nito. "Daddy miss ko na po si mommy" malungkot na sabi sa akin ni Kendryk kaya nakaramdam ako ng kirot sa puso ko dahil sa nakikita kong malungkot ang anak ko "Miss ko na din po si mommy mo anak pero wala tayong magagawa kundi ang maghintay kundi ang gumising ito mula sa pagkakatulog nito" mahinang sabi ko dito at niyakap ito ng mahigpit Oras na din ng pagtulog ng bata at wala na namang problema kung matutulog ito dahil nakakain na naman kami ng tanghalian kanina. Nagsabi na din ako kina daddy na sila na muna ang bahala sa kompanya habang binabantayan ko ang mag-ina ko at nagpadala n

    Last Updated : 2024-11-05

Latest chapter

  • Hiding The Billionaire's Son   CHAPTER 50

    Mabilis na lumipas ang mga araw at nakahanap na din naman ako ng resort na pweding pagdausan ng kaarawan ni Ken sa Enero 5. Hindi na din nagawa pang makahanap ng tutuluyan si sir Mark sa buong pananatili niya dito sa amin dahil sa talagang punuan na nga ang mga hotel at resort. Wala na ulit dito ang mag-ama dahil kasalukuyan ang mga ito na nanliligo sa dagat na naging paborito na atang gawain ng bata sa tuwing nandito kami. Abala ako sa pagluluto ng aming pananghalian dahil sigurado akong gutom na ang dalawa kapag bumalik na sila dito galing sa dagat. Naisip ko na kausapin na din si sir Mark tungkol sa plano nito sa bata upang hindi na ako mangapa pa sa sitwasyon namin. Kalahating minuto pa ang hinintay ko bago ako natapos sa pagluluto at napangiti ako ng makita ko ang anak ko na masiglang naglalakad papalapit sa akin kahit na basa pa ito mula sa panliligo sa dagat."Mommy ano po ulam?" tanong nito sa akin"Paborito mo pong tinola" nakangiting tugon ko dito kaya agad na nagniningning

  • Hiding The Billionaire's Son   CHAPTER 49

    Mdadilim pa salabas ng magising ako kinabukasan kaya naman agad na akong bumangon at kumuha ng maliinis kong kasuotan at agad na nagtungo sa banyo upang maligo na. Dahil Disyembre na at nasa probinsya kami, idagdag mo pa na malapit kami sa dagat ay damang-dama ko ang malamig na simoy ng hangin patunay na buwan na ng kapaskuhan. Mabilis lamang ang naging pagliligo ko at agad na pinatuyo ang buho gamit ang hair dryer na matagal ko ng ginagamit habang nakaupo sa harap ng salamin ko. Agad na tiningnan ko ang oras sa orasan kong nakasabit sa dingding at ng makitang pasado ala singko na ng umaga ay agad na akong nagtungo sa labas upang makapaghanda na ako ng umagahan naming tatlo.Tahimik pa sa labas at sigurado akong tulog pa ang mag-ama kaya dahan-dahan at may pag-iingat ang naging kilos ko upang hindi sila magising. Nakahinga ako ng maluwag noong makarating ako sa kusina kaya naman naghanap na ako ng pwede kong lutuin na bagay sa ganitong kalamig na panahon. Nakita ko ang isang buong ka

  • Hiding The Billionaire's Son   CHAPTER 48

    Madilim na sa labas ng magising kaya agad akong napabalikwas ng bangon at dali-daling bumaba ng kama at mabilis na nagtungo sa pinto upang lumabas ng silid ko dahil baka hindi pa kumakain ang anak ko ng tanghalian gayong napasarap ang tulog ko at nakaligtaan na magluto ng pananghalian namin. Hindi ko na naisip ang hitsura ko at agad na nagtungo sa baba ng bahay at agad na hinanap si Ken upang tanungin kung nakakain na ito at natigilan ako noong pagpasok ko sa kusin ay nandoon pa din si sir Mark at abala sa pagluluto. "Daddy bakit po hindi pa nagigising si mommy? Matutulog po ba ulit ito ng mahaba katulad noong nasa Manila pa kami? Maghihintay po ba ulit ako ng matagal bago ko maramdaman ang pagmamahal ni mommy? Marinig yung malambing at mahinahon na boses nito sa tuwing kausap ako? Hindi ko po ba ulit masisilayan ang kislap ng mga mata nito sa tuwing masaya ito at ang mga halakhak nito sa tuwing nanonood kami ng mga palabas sa tv?" malungkot na sunod-sunod na tanong ni Ken sa ama nit

  • Hiding The Billionaire's Son   CHAPTER 47

    Matapos naming kumain ay agad na hinila ni Ken ang ama palabas ng kusina kaya napailing na lamang ako sa ginawa nito. Tumayo na din ako upang magligpit ng pinagkainan naming tatlo at hugasan na ito. Maingat ngunit mabilis ang naging kilos ko sa paghuhugas ng pinggan bago ako at saktong katatapos ko lamang ng maramdaman ko na may humawak sa damit ko. Napangiti na lamang ako dahil si babay Ken ko lang naman ang gumagawa ng ganito kapag may gusto itong gawin o puntahan upang mabilis akong mapapayag. "Mommy" napatingin ako sa anak ko ng marinig ko ang cute na boses nito "Ano po iyon anak ko?" malambing na tanong ko dito matapos kong lumuhod sa harapan nito upang mapantayan ang anak "Pwede po ba ako magpunta sa tabing dagat kasama ang daddy ko?" inosente nitong tanong sa akin kaya napangiti ako dito bago haplusin ang malambot nitong buhok "Ipapasyal mo si daddy?" pigil ngiting tanong ko dito kaya agad itong tumango sa akin ng paulit-ulit "Opo mommy pwede po ba?" umaasang tanong nito

  • Hiding The Billionaire's Son   CHAPTER 46

    Saktong ala said ng umaga ng magising ako kaya dali-dali akong bumangon upang asikasuhin ang sarili ko bago pa magising ang baby boy ko. Agad akong nagtungo sa banyo bitbit ang malinis na pares ng damit at mabilis na naligo at nag toothbrush. Nang matapos ay agad akong lumabas ng banyo at mabilis na pagsusuklay lang ang ginawa ko bago lumabas ng silid. Bago ako nagtungo sa baba ay nagpasiya ako na silipin muna si Ken sa silid nito. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng silid ng anak at napangiti na lamang ako ng makita ko si Ken na mahimbing pa ding natutulog sa kama nito. Maingat kong isinarado ang pinto at agad na nagtungo sa hagdan upang bumaba na at maghanda na ng almusal naming mag-ina. Wala pa kaming stock na pagkain dahil biglaan lamang ang pag-uwi namin dito at hindi ko na natawagan pa si Aling Marta upang sabihin dito na uuwi na kami ng paborito nitong apo. Nagbakasakali ako na baka mayroon na naliga dito na pagkain na pwede ko pang lutuin at kung wala naman ay mapipilitan

  • Hiding The Billionaire's Son   CHAPTER 45

    Lumipas ang isang araw at hindi ko pa rin nakakausap ng masinsinan si Mark kaya naman hindi ko alam kung ano ang plano nito sa anak namin lalo na at ngayon ay nagbubuntis na naman ako sa anak nito. Maingat kong inaayos ang aking mga gamit at inilalagay sa bag upang makaalis na ako ngayon dito. Wala akong kasama dito dahil si kuya ay nagkaroon ng biglaang lakad kasama si Smith. Si sir Mark naman ay nagkaroon ng biglaang business trip sa ibang bansa kaya wala ito ngayon. "Best ayos na ba ang mga gamit mo?" napatingin ako sa may pinto ng marinig ko ang boses ni Miles kaya hindi ko napigilan na mapatingin sa mga ito "Anong ginagawa mo rito Miles at nasaan si Alex?" nagtatakang tanong ko dito at agad itong nilapitan at niyakap ng mahigpit na mahigpit dahil namiss ko din ang kaibigan kong ito "Kami ni Alex ang sunod mo at huwag kang mag-alala dahil nakaleave naman kaming mag-asawa" nakangiting sabi nito sa akin at agad akong tinulungan sa pag-aayos ko ng gamit "Nag-abala pa kayong

  • Hiding The Billionaire's Son   CHAPTER 44

    Nakaalis na sila Mr. at Mrs. Dela Cuesta kasama ang anak ko kaya agad akong nahiga sa kama ko dahil nakaramdam na ako ng pagka-antok. Wala din dito si kuya dahil pinuntahan nito ang kaniyang mag-ina para balitaan ang mga ito na gising na ako. Wala din dito si sir Mark kaya ako lamang mag-isa ang naiwan dito sa silid ko kaya agad akong nakaramdam ng sobrang pagkalungkot. Hindi ko pa din nakakausap si sir Mark tungkol sa anak namin at kung ano ang magiging plano nito sa anak namin. "Katherine" napatingin ako sa may pinto noong may tumawag sa akin kaya agad akong ngumiti dito ng makita na si Sean pala iyon. "Magandang gabi Sean" nakangiting bati ko dito "Pwede ba kitang makausap?" magalang na tanong nito sa akin kaya agad akong tumango dito "Oo naman bakit naman kita hindi papayagan na kausapin ako? May nagawa ka bang mali o may kasalan ako sa iyo para hindi kita makausap?" sunod-sunod na tanong ko dito habang may mga ngiti sa labi ko "Alam natin pareho Katherine ang totoo k

  • Hiding The Billionaire's Son   CHAPTER 43 - Katherine's POV

    Mataas na ang sikat ng araw ng magising ako dahil sa pasado ala una na ng umaga kami ni kuya kanina simula ng magising ako sa mahabang pagkakatulog ko. Nakatitig lamang ako sa puting kisame habang inaalala ang mga nangyari sa akin bago ako nakatulog ng mahaba-haba dito sa hospital. Marami akong kailangan na isipin para sa ikabubuti naming lahat. Agad akong napasimangot ng maramdaman ko ang matinding pagkagutom dahilan upang mapatingin sa akin ang mga kasama ko dito sa silid na mga seryosong nanonood ng palabas sa telebisyon."Gising ka na pala bunso" nakangiting sabi sa akin ni kuya at dali-daling lumapit sa akin "Hindi kuya tulog pa ako, tulog pa kita mo na ngang nakamulat na mga mata ko tapos sasabihin mo sa akin gising na ako" pilosopong sabi ko dito at agad itong napasimangot dahil sa sinabi ko"Bunso naman" ungot nito sa akin kaya iningusan ko na lamang ito at agad na hinaplos ang tiyan kong nanghihingi na ng pagkain"Katherine ito na ang pagkain mo" mabilis akong napatingin kay

  • Hiding The Billionaire's Son   Chapter 42

    Naalimpungatan ako mula sa mahimbing kong pagkakatulog ng maramdaman ko na may gumalaw sa katabi ko. Napakunot ang noo ko dahil sa pilit na inaalis ng katabi ko ng kamay ko sa katawan nito kaya mas lalo kong hinigpitan ang yakap ko sa katawan ni Katherine. Agad akong napamulat ng mapagtanto na si Katherine ang katabi ko at may posibilidad na gising na ito dahil sa nararamdaman ko. Mas lalo akong hindi makapaniwala ng makita ko at mapatunayan sa sarili ko na gising na ang aking babae na minamahal. Dahan-dahan akong bumangon kaya napatingin ito sa akin at agad na nag-iwas ng tingin at tila nahihiya sa akin. "Gi...gising ka na" hindi makapaniwalang sabi ko dito at agad na kinabig ito ng yakap at tuluyan ng tumulo ang luha ko "Si..sino ka?" nahihiyang tanong nito sa akin kaya natigilan ako sa aking narinig "Katherine anong?" nagtatakang tanong ko dito at mabilis ang pagtibok ng puso ko dahil sa narinig kong tanong nito "Biro lang naman" nakangusong sabi nito sa akin kaya agad ako

DMCA.com Protection Status