"Daddy" nagising ako ng marinig ko ang maliit na tinig ng anak ko na tinatawag ako kaya agad akong nagmulat ng mata "Yes anak?" paos na tanong ko dito at bumangon na ako mula sa pagkakahiga ko sa tabi ni Katherine "Bakit dyan ka po nagsleep sa tabi ni mommy?" inosente nitong tanong sa akin kaya agad na napatingin ako sa anak ko bago sa mommy nito "Inantok na kasi si daddy anak kaya nagsleep ako sa tabi ng mommy mo" kamot ulong tugon ko dito dahil sa hiyang nararamdaman ko "Bakit kasi sa tabi ka pa ng kapatid ko natulog gayong marami namang libreng higaan sa silid nilang dalawa" pagpaparinig sa akin ni Max kaya agad ko itong sinamaan ng tingin "Shut up" inis na sabi ko dito kaya agad itong nagsenyas na siniparan ang bibig nito "Pwede po pa pala iyon daddy?" nagtatakang tanong nito sa akin dahilan ng pagtahumik ko Inis kong tiningnan si Max ng marinig ko ang bahagyang pagtawa nito sa akin kaya nag-iwas it sa akin ng tingin at nagkunwari na hindi nito narinig ang sinabi
Madilim pa sa labas ng magising ako at napangiti ako ng makitang nakayakap sa akin si Kendryk habang mahimbing itong natutulog. Pinanood ko ang anak ko bago ako nagpasyang bumangon para asikasuhin ang sarili ko. Nakita ko pa si Max na bahagyang nakaawang ang labi sa may kama na nandito sa silid kaya napailing ako. Nilapitan ko muna si Katherine at hinalikan ito sa noo bago ako pumasok sa banyo para maghilamos at magsipelyo. Nang matapos nagpalit na din ako ng damit bago lumabas ng cr at dahil presko na ako ay agad kong hinalikan ang labi ni Katherine. Kinuha ko ang cellphone ko para tingnan kung mayroon bang mahahalagang trabaho na kailangan ng pirma ko kahit na nandoon si daddy. "Good morning anak" napatingin ako sa pinto ng marinig ko ang boses ni mommy "My ang aga nyo naman pong pumunta dito" anas ko dito at sinalubong ito ng mahigpit na yakap "Idinaan na kasi ako dito ng daddy mo bago ito pumasok sa opisina" nakangiting sabi nito sa akin at agad na inilapag ang dala nito sa me
"Anak gising na" nagising ako ng maramdaman ko ang mahinang pagyugyog sa akin ni ni mommy. Dahan-dahan akong nagmulat ng mata at bumungad sa akin ang maamong mukha ng mommy ko "My" mahinang tawag ko dito at agad na yumakap sa bewang nito kaya agad nitong hinaplos ang buhok ko "May pumunta kaninang doctor dito at kinunan nila ng blood sample si Katherine upang matingnan kung bakit hindi normal ang pagtibok ng puso nito" mahinang sabi sa akin ni mommy kaya agad akong pumikit ng mariin "Sana walang ibang dahilan ang kondisyon ni Kath mom at sana buntis na lang siya kaya ganoon dahil hindi ko kakayanin kapag tuluyan na itong nawala sa akin, sa amin" mahinang sumbong ko dito at mas ibinaon ang mukha sa tiyan nito "Anak kailangan mong maging matatag dahil kailangan ka ng mag-ina mo. May pamilya ka na at bumangon ka na dahil kanina pang naglalaro ang anak mo sa labas ng hospital kasama ang tito Maxion nito" nakangiting payo sa akin ni nanay kaya agad akong napangiti "Thank you mommy
Matapos naming mag-usap-usap nina mommy at daddy ay namayani sa amin ang katahimikan. Tila hindi rin sila makapaniwalang nagawa kong makita at matuklasan ang lihim ng nakaraan na pilit na itinago ng aming lola sa aming pamilya. Hindi nagawang matahimik ni lolo dahil sa ginawa ng babaing pinakasalan nito ay nabahiran ng masamang gawi ang maganda nitong imahe dahil lamang sa asawa nito na pinili niya kahit mahal pa niya ang masasaktan at magiging kaawa-awa sa huli. "Daddy" napatingin ako sa pinto ng biglang pumasok doon ang tumatakbong bata patungo sa deriksyon ko kaya sinalubong ko ito ng mahigpit na yakap at agad na ikinalong sa hita ko at pinunasan ang pawis nito sa mukha "Saan galing ang baby Ken ko?" malambing na tanong ko dito at agad na hinalikan ang pisngi nito "Isinama po ako ni tito Max sa garden ng hospital at nakipaglaro po ako sa mga ibang bata" masiglang tugon nito sa akin kaya agad akong napangiti "Masaya ka ba anak?" nakangiting tanong ko dito kaya agad itong tum
Naalimpungatan ako mula sa mahimbing kong pagkakatulog ng maramdaman ko na may gumalaw sa katabi ko. Napakunot ang noo ko dahil sa pilit na inaalis ng katabi ko ng kamay ko sa katawan nito kaya mas lalo kong hinigpitan ang yakap ko sa katawan ni Katherine. Agad akong napamulat ng mapagtanto na si Katherine ang katabi ko at may posibilidad na gising na ito dahil sa nararamdaman ko. Mas lalo akong hindi makapaniwala ng makita ko at mapatunayan sa sarili ko na gising na ang aking babae na minamahal. Dahan-dahan akong bumangon kaya napatingin ito sa akin at agad na nag-iwas ng tingin at tila nahihiya sa akin. "Gi...gising ka na" hindi makapaniwalang sabi ko dito at agad na kinabig ito ng yakap at tuluyan ng tumulo ang luha ko "Si..sino ka?" nahihiyang tanong nito sa akin kaya natigilan ako sa aking narinig "Katherine anong?" nagtatakang tanong ko dito at mabilis ang pagtibok ng puso ko dahil sa narinig kong tanong nito "Biro lang naman" nakangusong sabi nito sa akin kaya agad ako
Mataas na ang sikat ng araw ng magising ako dahil sa pasado ala una na ng umaga kami ni kuya kanina simula ng magising ako sa mahabang pagkakatulog ko. Nakatitig lamang ako sa puting kisame habang inaalala ang mga nangyari sa akin bago ako nakatulog ng mahaba-haba dito sa hospital. Marami akong kailangan na isipin para sa ikabubuti naming lahat. Agad akong napasimangot ng maramdaman ko ang matinding pagkagutom dahilan upang mapatingin sa akin ang mga kasama ko dito sa silid na mga seryosong nanonood ng palabas sa telebisyon."Gising ka na pala bunso" nakangiting sabi sa akin ni kuya at dali-daling lumapit sa akin "Hindi kuya tulog pa ako, tulog pa kita mo na ngang nakamulat na mga mata ko tapos sasabihin mo sa akin gising na ako" pilosopong sabi ko dito at agad itong napasimangot dahil sa sinabi ko"Bunso naman" ungot nito sa akin kaya iningusan ko na lamang ito at agad na hinaplos ang tiyan kong nanghihingi na ng pagkain"Katherine ito na ang pagkain mo" mabilis akong napatingin kay
Nakaalis na sila Mr. at Mrs. Dela Cuesta kasama ang anak ko kaya agad akong nahiga sa kama ko dahil nakaramdam na ako ng pagka-antok. Wala din dito si kuya dahil pinuntahan nito ang kaniyang mag-ina para balitaan ang mga ito na gising na ako. Wala din dito si sir Mark kaya ako lamang mag-isa ang naiwan dito sa silid ko kaya agad akong nakaramdam ng sobrang pagkalungkot. Hindi ko pa din nakakausap si sir Mark tungkol sa anak namin at kung ano ang magiging plano nito sa anak namin. "Katherine" napatingin ako sa may pinto noong may tumawag sa akin kaya agad akong ngumiti dito ng makita na si Sean pala iyon. "Magandang gabi Sean" nakangiting bati ko dito "Pwede ba kitang makausap?" magalang na tanong nito sa akin kaya agad akong tumango dito "Oo naman bakit naman kita hindi papayagan na kausapin ako? May nagawa ka bang mali o may kasalan ako sa iyo para hindi kita makausap?" sunod-sunod na tanong ko dito habang may mga ngiti sa labi ko "Alam natin pareho Katherine ang totoo k
Lumipas ang isang araw at hindi ko pa rin nakakausap ng masinsinan si Mark kaya naman hindi ko alam kung ano ang plano nito sa anak namin lalo na at ngayon ay nagbubuntis na naman ako sa anak nito. Maingat kong inaayos ang aking mga gamit at inilalagay sa bag upang makaalis na ako ngayon dito. Wala akong kasama dito dahil si kuya ay nagkaroon ng biglaang lakad kasama si Smith. Si sir Mark naman ay nagkaroon ng biglaang business trip sa ibang bansa kaya wala ito ngayon. "Best ayos na ba ang mga gamit mo?" napatingin ako sa may pinto ng marinig ko ang boses ni Miles kaya hindi ko napigilan na mapatingin sa mga ito "Anong ginagawa mo rito Miles at nasaan si Alex?" nagtatakang tanong ko dito at agad itong nilapitan at niyakap ng mahigpit na mahigpit dahil namiss ko din ang kaibigan kong ito "Kami ni Alex ang sunod mo at huwag kang mag-alala dahil nakaleave naman kaming mag-asawa" nakangiting sabi nito sa akin at agad akong tinulungan sa pag-aayos ko ng gamit "Nag-abala pa kayong
Mabilis na lumipas ang mga araw at nakahanap na din naman ako ng resort na pweding pagdausan ng kaarawan ni Ken sa Enero 5. Hindi na din nagawa pang makahanap ng tutuluyan si sir Mark sa buong pananatili niya dito sa amin dahil sa talagang punuan na nga ang mga hotel at resort. Wala na ulit dito ang mag-ama dahil kasalukuyan ang mga ito na nanliligo sa dagat na naging paborito na atang gawain ng bata sa tuwing nandito kami. Abala ako sa pagluluto ng aming pananghalian dahil sigurado akong gutom na ang dalawa kapag bumalik na sila dito galing sa dagat. Naisip ko na kausapin na din si sir Mark tungkol sa plano nito sa bata upang hindi na ako mangapa pa sa sitwasyon namin. Kalahating minuto pa ang hinintay ko bago ako natapos sa pagluluto at napangiti ako ng makita ko ang anak ko na masiglang naglalakad papalapit sa akin kahit na basa pa ito mula sa panliligo sa dagat."Mommy ano po ulam?" tanong nito sa akin"Paborito mo pong tinola" nakangiting tugon ko dito kaya agad na nagniningning
Mdadilim pa salabas ng magising ako kinabukasan kaya naman agad na akong bumangon at kumuha ng maliinis kong kasuotan at agad na nagtungo sa banyo upang maligo na. Dahil Disyembre na at nasa probinsya kami, idagdag mo pa na malapit kami sa dagat ay damang-dama ko ang malamig na simoy ng hangin patunay na buwan na ng kapaskuhan. Mabilis lamang ang naging pagliligo ko at agad na pinatuyo ang buho gamit ang hair dryer na matagal ko ng ginagamit habang nakaupo sa harap ng salamin ko. Agad na tiningnan ko ang oras sa orasan kong nakasabit sa dingding at ng makitang pasado ala singko na ng umaga ay agad na akong nagtungo sa labas upang makapaghanda na ako ng umagahan naming tatlo.Tahimik pa sa labas at sigurado akong tulog pa ang mag-ama kaya dahan-dahan at may pag-iingat ang naging kilos ko upang hindi sila magising. Nakahinga ako ng maluwag noong makarating ako sa kusina kaya naman naghanap na ako ng pwede kong lutuin na bagay sa ganitong kalamig na panahon. Nakita ko ang isang buong ka
Madilim na sa labas ng magising kaya agad akong napabalikwas ng bangon at dali-daling bumaba ng kama at mabilis na nagtungo sa pinto upang lumabas ng silid ko dahil baka hindi pa kumakain ang anak ko ng tanghalian gayong napasarap ang tulog ko at nakaligtaan na magluto ng pananghalian namin. Hindi ko na naisip ang hitsura ko at agad na nagtungo sa baba ng bahay at agad na hinanap si Ken upang tanungin kung nakakain na ito at natigilan ako noong pagpasok ko sa kusin ay nandoon pa din si sir Mark at abala sa pagluluto. "Daddy bakit po hindi pa nagigising si mommy? Matutulog po ba ulit ito ng mahaba katulad noong nasa Manila pa kami? Maghihintay po ba ulit ako ng matagal bago ko maramdaman ang pagmamahal ni mommy? Marinig yung malambing at mahinahon na boses nito sa tuwing kausap ako? Hindi ko po ba ulit masisilayan ang kislap ng mga mata nito sa tuwing masaya ito at ang mga halakhak nito sa tuwing nanonood kami ng mga palabas sa tv?" malungkot na sunod-sunod na tanong ni Ken sa ama nit
Matapos naming kumain ay agad na hinila ni Ken ang ama palabas ng kusina kaya napailing na lamang ako sa ginawa nito. Tumayo na din ako upang magligpit ng pinagkainan naming tatlo at hugasan na ito. Maingat ngunit mabilis ang naging kilos ko sa paghuhugas ng pinggan bago ako at saktong katatapos ko lamang ng maramdaman ko na may humawak sa damit ko. Napangiti na lamang ako dahil si babay Ken ko lang naman ang gumagawa ng ganito kapag may gusto itong gawin o puntahan upang mabilis akong mapapayag. "Mommy" napatingin ako sa anak ko ng marinig ko ang cute na boses nito "Ano po iyon anak ko?" malambing na tanong ko dito matapos kong lumuhod sa harapan nito upang mapantayan ang anak "Pwede po ba ako magpunta sa tabing dagat kasama ang daddy ko?" inosente nitong tanong sa akin kaya napangiti ako dito bago haplusin ang malambot nitong buhok "Ipapasyal mo si daddy?" pigil ngiting tanong ko dito kaya agad itong tumango sa akin ng paulit-ulit "Opo mommy pwede po ba?" umaasang tanong nito
Saktong ala said ng umaga ng magising ako kaya dali-dali akong bumangon upang asikasuhin ang sarili ko bago pa magising ang baby boy ko. Agad akong nagtungo sa banyo bitbit ang malinis na pares ng damit at mabilis na naligo at nag toothbrush. Nang matapos ay agad akong lumabas ng banyo at mabilis na pagsusuklay lang ang ginawa ko bago lumabas ng silid. Bago ako nagtungo sa baba ay nagpasiya ako na silipin muna si Ken sa silid nito. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng silid ng anak at napangiti na lamang ako ng makita ko si Ken na mahimbing pa ding natutulog sa kama nito. Maingat kong isinarado ang pinto at agad na nagtungo sa hagdan upang bumaba na at maghanda na ng almusal naming mag-ina. Wala pa kaming stock na pagkain dahil biglaan lamang ang pag-uwi namin dito at hindi ko na natawagan pa si Aling Marta upang sabihin dito na uuwi na kami ng paborito nitong apo. Nagbakasakali ako na baka mayroon na naliga dito na pagkain na pwede ko pang lutuin at kung wala naman ay mapipilitan