•Lilac•
Ilang araw muna kaming namalagi sa hospital at nang masigurado na namin na wala nang panganib sa mga anak namin ay kaagad namin silang iniuwi sa bahay.
"Ang saya nilang tignan," bulong ni Seve habang nakayakap sa aking likuran.
Naglalaro sa aming bakuran sina Lucas at Kirsten, kasama nito sila cofe at ang kambal ni Persephone. Ibinilin ito sa amin ng huli dahil may pupuntuhan daw silang dalawa ni Hades.
"Kailan natin pupuntahan ang mommy mo, hon?" tanong ko sa kanya. Natatandaan ko noon sa hospital sinabi niyang pupuntahan namin ito para makausap ko.
"Kaya mo na ba siyang harapin, Lily? Sa tingin mo mapapatawad mo pa ba si mommy sa nagawa niya sayo?"
Nanigas ako sa aking kinatatayuan sa biglaang tanong na iyon ni Seve. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanilang tatlo ni Kirsten at ng mommy nito nang gabing iyon. Kung kasalanan ba ni
•Lilac•Napatingin ako sa binatang nasa entablado ngayon at kumakanta. Ang nakangiti nitong mukha ay nagbibigay ng saya sa aking dibdib."Ang laki na ng anak natin, Lily. Ang sarap sa pakiramdam na nakikita at nakakasama natin siya habang inaabot ang kanyang pangarap," bulong sa akin ni Seve.Hinawakan ko ang kamay nito at pinisil iyon. Parang dati lang kami iyong kumakanta sa entablado, hindi ko aakalain na may susunod pa rin pala sa yapak naming dalawa."Mommy, bagay po kay Kuya Lucas ang pag-aartista. Ang gwapo niya po! Bagay sila ni Ate Heidi." Kinurot ko ang pisngi ng bunso namin dahil sa sinabi nito.Limang taon na si Dreame at palagi itong nakasubaybay sa mga kapatid. Napatingin ako sa entablado nang biglang maghiyawan ang mga taong naroroon.
•Lilac•"Lilac?"Napatigil siya sa paglalakad nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. Ilang taon man ang lumipas ngunit di pa rin niya makakalimutan ang boses ng lalaking minahal niya noon.Mula sa pagkakayuko ay tumingala siya at nakita niya itong nakangiti sa kanya. Walang emosyon niyang pinagmasdan ang binata. Hindi niya kayang makipag-plastikan rito, lalo na at nasasaktan pa rin siya tuwing naiisip ang nabasa niya nang nagdaang araw. Ikakasal na ito sa babaeng, ipinalit sa kanya noon.Umiling siya at di na nagsalita na umiwas rito, wala na siyang balak pa na kausapin ito. Wala na sila dati pa, tinalikuran na siya nito noong mga panahon na kailangan niya ito."Lily sorry," saad nito.Tumibok ng mabilis ang puso niya nang marinig ang sinabi nito. 'Lily', pagak siyang natawa nang marinig muli ang pangalan na tinatawag nito dati sa kanya. Hin
•Lilac•Dala-dala ko ang cake na ginawa ko para sa nag-iisang singer ng buhay ko. twelve years na kaming nagsasama, six years bilang bestfriend, four years bilang mag-jowa, and another two years bilang tagahanga nito. Lalo na at isang sikat na solo artist na si Seve.Matagal na kami, kaya naniniwala ako na mahirap na kaming paghiwalayin, kahit ayaw sa akin ng pamilya niya. Para sa pamilya nito ay isa lang akong guro, di katulad nila na may-ari ng pinakamalaking kompanya.Kilalang-kilala na namin ang isa't-isa kaya panatag na ako na sa kasalan na kami magtatapos."Honey, nandito na ako!" tawag ko sa kanya pagkapasok ko sa unit niya.Nangunot ang noo ko nang walang sumasagot sa akin. Mabilis akong nagtungo sa kusina para doon ilagay ang dala kong cake. Pinuntahan ko rin kaagad ang kwarto niya, ngunit dismayado akong napaupo sa kam
•Lilac•"Ma'am, nagtatanong po si Sir Cross, kung ikaw po ba ang pupunta sa audition mamaya."Di ko namamalayan na nakatulala na pala ako, kung di lang nagsalita ang sekretarya ko, sigurado na babalikan ko na naman ang nakaraan na iyon. Ang nakaraan na nakapagpabago sa pananaw ko sa buhay."Yes ako nalang, atsaka pakisabi sa kanya na kailangan ko ang report sa mga schedule ng mga artist.""Copy, ma'am. Iyon lang po ba?" tanong niya.Tumango ako kaagad kaya umalis na ito. Napapikit ako at napahawak sa sentido ko nang bigla itong sumakit, epekto siguro to ng pagpupuyat. Simula ng bumalik kami sa Pilipinas at nakita ko si Seve ay di na ako makatulog ng maayos, dahil napapanaginipan ko ang masasamang alaala ng kahapon."Mommy sakit po head mo? Kiss ko po kayo para mag heal po kayo kaagad."Nagmulat ako ng mata at ang maamong
•Lilac•"PD Kang, salamat po. Mauna na po ako at may iba pa akong appointment sa araw na'to."Tumango naman si PD Kang, kaya mabilis ko nang tinahak ang daan palabas. Ayaw kong makasabayan si Szellous, ngunit di pa ako nakakalahati sa daang tinatahak ko ay narinig ko naman ang boses nito. Tinatawag niya ako para patigilin, kinamot ko ang aking noo sa sobrang inis."Lily, sandali"Napatigil ako sa paglalakad nang maramdaman ko ang kamay nito na nakahawak sa kaliwa kong braso. Bumuntong-hininga ako bago siya nilingon, tinaasan ko siya ng kilay nang di ito nagsalita at nakatingin lang sa akin."Anong kailangan mo Szellous? Baka makita na naman tayo ng fiance mo at sugurin ako. Pakisabi sa kanya na wala akong pakialam sayo, at please lang huwag siyang mag eskandalo, dahil naiinis na ako sa mga reporter na puro pangalan niya ang bukambibig kahit a
•Lilac•Pagkauwi ko sa bahay ay bumungad sa akin ang malapad na ngiti ni Mamay. Alam nito ang relasyon ko kay Seve, kaya ganito nalang ang reaksyon niya."Anak okay ka lang ba? Umiiyak ka ba? May masakit ba sayo?"Inisang hakbang ko ang distansya namin ni Mamay at niyakap ito nang mahigpit. Walang salitang lumalabas sa aking bibig, pero nagkakaintindihan kami. Naiitindihan nito ang sakit na nararamdaman ko ngayon, lumakas ang iyak ko habang nakasubsob sa may dibdib ni Mamay ko."Mamay, hindi pa po ba ako sapat? marami po bang pagkukulang sa akin?" parang bata na tanong ko rito.Hinaplos nito ang aking buhok, para pakalmahin ako ngunit di ko matigil ang bugso ng aking damdamin. Mas masisiraan ako ng bait kapag hindi ko nailabas ang bigat na nakadagan ngayon sa aking dibdib. Hindi ko dapat sinasabi ang
•Lilac•Kanina pa kami dumating sa bahay pero hanggang ngayon ay nakatulala pa rin ako. Inaamin ko naman na hanggang ngayon ay mahal ko pa rin si Seve, at nasasaktan pa rin ako sa tuwing kasama niya ang bago niya."Lilac"Bumalik ako sa reyalidad ng marinig ko ang boses ni Trayne. Nagdikit ang kilay ko para intindihin ang sinasabi nito, ngunit wala pa ring pumapasok sa utak ko."Mommy bakit ka po sad? ayaw niyo po ba na kumain ako ng ice cream?"Malungkot na tanong sa akin ni Lucas, umiling naman ako sa kanya at pinatawag ang isa naming kasambahay para paliguan ito at makatulog na pagkatapos."Susunod lang si Mommy, mauna ka na sa kwarto okay? mag-uusap lang kami ng Daddy Trayne mo."Tumango-tango naman kaagad ito, at lumapit kay Trayne para halikan ito sa pisngi. Pagkaalis ni Lucas ay agad naman ito
•Seve•"Anong nangyayari diyan?" rinig kong tanong ni Ezekiel sa mga kaibigan namin. Napasabunot na naman ako ng buhok ko, di ko aakalain na makikita ko si Lilac na may kasamang lalaki at ang malala pa doon ay may anak pa ito. Rinig na rinig ko ang pagtawag sa kanya ng bata na 'Mommy'. Inisang lagok ko ang alak na iniinom bago tumingin sa kanila Sin na nagtatawanan kasama ang nobya nito na si Annaliza. Tinaasan ko ito ng kilay kaya tumahimik naman ito kaagad, ramdam ata ang pagkairita ko."Pare ang ganda pala talaga ni Miss Lilac, kaya maraming lalaki nababaliw dito. Ang sarap pa pakinggan sa tenga ang boses nito."Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi ni Alwin, ngayon lang ba niya nakita si Lilac? Sigurado naman siyang dinala niya rito ang babae noong nobya niya pa lang ito."Di mo nakita yan nang dinala dito ni Seve?"Mabuti nalang at t
•Lilac•Napatingin ako sa binatang nasa entablado ngayon at kumakanta. Ang nakangiti nitong mukha ay nagbibigay ng saya sa aking dibdib."Ang laki na ng anak natin, Lily. Ang sarap sa pakiramdam na nakikita at nakakasama natin siya habang inaabot ang kanyang pangarap," bulong sa akin ni Seve.Hinawakan ko ang kamay nito at pinisil iyon. Parang dati lang kami iyong kumakanta sa entablado, hindi ko aakalain na may susunod pa rin pala sa yapak naming dalawa."Mommy, bagay po kay Kuya Lucas ang pag-aartista. Ang gwapo niya po! Bagay sila ni Ate Heidi." Kinurot ko ang pisngi ng bunso namin dahil sa sinabi nito.Limang taon na si Dreame at palagi itong nakasubaybay sa mga kapatid. Napatingin ako sa entablado nang biglang maghiyawan ang mga taong naroroon.
•Lilac•Ilang araw muna kaming namalagi sa hospital at nang masigurado na namin na wala nang panganib sa mga anak namin ay kaagad namin silang iniuwi sa bahay."Ang saya nilang tignan," bulong ni Seve habang nakayakap sa aking likuran.Naglalaro sa aming bakuran sina Lucas at Kirsten, kasama nito sila cofe at ang kambal ni Persephone. Ibinilin ito sa amin ng huli dahil may pupuntuhan daw silang dalawa ni Hades."Kailan natin pupuntahan ang mommy mo, hon?" tanong ko sa kanya. Natatandaan ko noon sa hospital sinabi niyang pupuntahan namin ito para makausap ko."Kaya mo na ba siyang harapin, Lily? Sa tingin mo mapapatawad mo pa ba si mommy sa nagawa niya sayo?"Nanigas ako sa aking kinatatayuan sa biglaang tanong na iyon ni Seve. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanilang tatlo ni Kirsten at ng mommy nito nang gabing iyon. Kung kasalanan ba ni
•Lilac•Napatili si Persephone nang malaglag ang baso na hawak ko habang kumukuha ng tubig sa maliit na ref."Are you okay, Lilac?" Tumango lamang ako sa kanya at yumuko na para kunin ang mga nabasag ngunit pinigilan ako nito at pinaupo sa sofa."Ako na rito. Diyan ka nalang, huwag ka munang mag-iisip ng mga bagay na hindi makakabuti sa iyo," mahinahong saad nito.Tumango ako at nilapitan si Lucas na mahimbing pa rin na natutulog. Kung hindi lang sa mga apparatos na nakakabit dito aakalain ng iba na natutulog lang ito."Nakita mo na ba ang mamay mo diyan, anak? Sabihin mo sa kanya na huwag ka niyang kunin sa akin, please?" napatigil ako sa pakikipag-usap dito nang gumaralgal ang boses ko. Tumingala ako sa may ceiling at hinayaan na pumatak ang mga luha sa gilid ng aking mga mata.
•Szellous•Kasama ko sila Hades, Daryl at Zeke ngayon. Nandito kami sa lumang bodega na sinasabi ni Daryl. Hindi ko alam kung nandito ba talaga si mama, nagbabasakali lang ako na makita ang anak ko."Pare, sa likod kaming dalawa ni Zeke, kayo naman ni Hades sa may front door dadaan," wika ni Daryl. Tumango ako at inayos ang dala kong brief case.Wala akong balak na makipag-away kay mommy. Ibibigay ko ang gusto niya huwag niya lang saktan ang anak ko.Tumakbo ako patungo sa may pintuan nasa likuran ko lamang si Hades, dala nito ang lisensyado niyang baril."Sa may ikalawang palapag ka, Seve. Ako ang mag-iikot dito sa may ibaba." Tumango ako sa sinabi niya at tumakbo na patungo sa may hagdanan.Sira na ang ibang apakan ng hagdan dahil luma na at matagal nang hindi nagagamit. Malalim akong huminga nang makita ang i
•Lilac•"Lilac, are you okay?" Naririnig ko naman ang mga sinasabi nila pero wala akong gana na sagutin iyon. Nanatili lamang akong nakatulala sa may kawalan.Hindi ko alam kung makakaya ko pa ba na mabuhay kapag may nawala isa man sa mga anak ko. Mas nanaisin ko pa na ako yung nasasaktan kaysa makita silang nakikipaglaban sa kay kamatayan."Stop crying, Lilac. Nandito lang kami." Lumingon ako kay Persephone at niyakap siya nang mahigpit. Hindi ko na mapigilan ang aking sarili at umiyak na lamang sa harapan niya."Tahan na. Magiging maayos din ang lahat. Magdasal ka lang sa itaas," usal ni Aleister habang hinahaplos ang buhok.Tumango ako sa kanila at pinahid ang luhang dumadaloy sa aking pisngi. Nagpaalam muna ako sa kanila at pumunta sa may maliit na chapel ng hospital.Nang makapasok
•Third Person•Masayang mukha ng mga tao ang makikita sa malaking bulwagan ng mga Dela Vega. Ngayon ang ikaapat na anibersaryo ng mag-asawang Szellous at Lilac."More anniversaries to come, Lovers!" nakangiting saad ni Annaliza."Ang hina mo naman, Seve. Bilisan niyo ang paggawa para dumami ang kalaro ni Lucas." Nagtawanan ang lahat sa biro ni Jiro.Malalim na ang gabi ngunit hindi pa rin umuuwi ang mga bisita. Masyado silang nadadala sa kasiyahan at pakikipag-usap sa kanilang mga kakilala.Sa ikatlong palapag naman ng mansyon ay naroroon ang dalawang bata na naglalaro ng bahay-bahayan.Malakas ang halakhakan ng mga ito ngunit natigil din nang may biglang pumasok sa kwarto na iyon. Takot ang nadama ng dalawa sapagkat sa bintana nanggaling ang taong pumasok."Si-sino ka po?" kinakabahang t
•Seve•"Lily, anong ginagawa mo diyan?" tanong ko rito.May sinusunog kasi itong papel hindi ko lang alam kong ano iyon. Buhat-buhat ko si Lucas na nakakunot din ang noo na tumingin sa kanyang ina."You're the sole reason of my revengeNow you came back to meMy heart melts and without there sorry, I'm okay...I'm okay, because I found my therapyHeart knows what it wantsIt wants you, my hatred vanish because of you."Basa ko sa aking nakita, iyon nalang ang hindi pa kinakain ng apoy. Lumingon sa amin si Lilac at ngumiti, parte ba iyon ng ginagawa niyang kanta?"Para sa kanta mo ba iyon, Lilac?"Kaagad naman siyang tumango bilang sagot sa tanong ko. Kanta niya iyon pero hindi siya nag-aalinlangan na sunogin? Pinaghirapan niya iyon sayang naman kung magiging abo lang."Iyong nabasa mo, iyon ang parte na inulit ko. Ang iba ay puro sa
•Lilac•"Lilac, ako na d'yan baka mainit sa tiyan mo."Tumingin ako kay Aleister at tumango, itinuro ko sa kanya ang iba panglulutuin. Nagluluto kasi ako ng barbecue, dahil may pool party kami ngayon dito sa Bachelor's Club. Malaki na rin ang tiyan ko, estimated kong manganak sa susunod na buwan first week."Tinatawag ka ng kuya mo, Aleister!" ani ni Persephone na papalapit na rin sa amin. Inirapan naman ito ng una at nagsimula nang magluto."Ay ayaw pa raw sa Kuya Craige niya—"Hindi na naipagpatuloy ni Persephone ang sasabihin nang ibinigay sa kanya ni Aleister ang mga lulutuin.Nilingon ako nito at tinaasan ng dalawang kilay. Tumawa lang ako at nagpaalam na sa kanila na pupuntahan si Seve."Go, Sven!""Go, Ezekiel""Ezekiel, lang malakas!" may pagmamalaking
•Seve•Magkasama kami ngayon ng mga lalaki sa unit ko. Bukas na ang kasal ko at pinagbawalan kami na magkasama dahil bawal daw iyon. Medyo kinakabahan tuloy ako sa mangyayari."Namimiss ko tuloy si Lily," mahina kong saad habang iniinom ang alak na ibinigay sa akin ni Sage.Uminom kami saglit dahil hindi ako makatulog sa sobrang kaba."Isang araw lang kayong magkahiwalay, Seve. Itigil mo nga yang kamanyakan mo!" pang-aasar naman sa akin ni Jiro.Napailing ako rito sumandal sa upuan. Hindi ko alam pero kahit ilang minuto lang ay ayaw ko ng malayo kay Lilac. Hinahanap na ng katawan ko ang presensya niya."Hindi mo kasi maintindihan ang nararamdaman ko, Jiro. Wala ka kasing babaeng minamahal." Sinamaan niya ako nang tingin pero tinawanan ko lang siy