•Lilac•
"PD Kang, salamat po. Mauna na po ako at may iba pa akong appointment sa araw na'to."
Tumango naman si PD Kang, kaya mabilis ko nang tinahak ang daan palabas. Ayaw kong makasabayan si Szellous, ngunit di pa ako nakakalahati sa daang tinatahak ko ay narinig ko naman ang boses nito. Tinatawag niya ako para patigilin, kinamot ko ang aking noo sa sobrang inis.
"Lily, sandali"
Napatigil ako sa paglalakad nang maramdaman ko ang kamay nito na nakahawak sa kaliwa kong braso. Bumuntong-hininga ako bago siya nilingon, tinaasan ko siya ng kilay nang di ito nagsalita at nakatingin lang sa akin.
"Anong kailangan mo Szellous? Baka makita na naman tayo ng fiance mo at sugurin ako. Pakisabi sa kanya na wala akong pakialam sayo, at please lang huwag siyang mag eskandalo, dahil naiinis na ako sa mga reporter na puro pangalan niya ang bukambibig kahit ako ang kaharap."
Magsasalita sana ito nang mabilis kong tinaas ang aking kamay.
"Di niya ako Personal Assistant o Manager, sa ganda kong to. hindi bagay sa akin na pagtanungan para sa walang class mong fiance."
Hindi siya nakapagsalita at kinamot ang batok niya dahil sa mahaba kong lintanya. Inikot ko ang aking mata, aalis na sana ako nang marinig ko ang nakakairitang boses ni Jonalyn.
I don't want to see her with him, I just don't want to see her face resting in his embrace. I hate it! Mapait akong napangiti, ako dapat ang nasa tabi ni Seve ngayon kung wala lang sanang humadlang sa amin noon, siguro masaya na kaming tatlo kasama si Lucas.
Di ko pinakinggan ang mga sinasabi ni Jonalyn at pikit-matang tumalikod sa dalawa. Pinipigilan ko ang namumuong luha sa aking mata, kinusot ko iyon kaya di ko nakita ang taong nasa harapan ko, naramdaman ko nalang na tumama ako rito.
"Sor—Trayne?" gulat kong sambit.
Nakatayo si Trayne sa harapan ko, ngunit di naman sa akin nakapokus ang tingin niya. Nakatiim-bagang ito at may matalim na tingin sa aking likuran. Alam ko kung bakit ito ganoon, nasa likuran ko si Seve at Jonalyn, at alam niya ang tungkol sa aming tatlo.
"I said, no boys for you, Lily." seryosong saad nito.
Nanlaki ang mata ko sa gulat nang bigla nitong hinawakan ang batok ko at hinalikan ako sa may gilid ng labi. Nanigas ako sa aking kinatatayuan at di makahinga dahil sa ginawa ni Trayne.
Inilayo ni Trayne ang mukha sa akin nang matapos ang halik na iyon. Nakatulala pa rin ako hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon, sa tagal naming nagsama ngayon niya lang ginawa sa akin iyon.
Napaigtad ako nang biglang may humawak sa aking braso. Nakakunot-noo na si Seve ang sumalubong sa kakagising ko lang na diwa.
"Sumama ka sa akin."
Hihilahin na sana ako nito nang hinawakan naman ni Trayne ang kabila kong kamay. Masama ang tingin nito kay Seve, tila ba may kuryente sa gitna nilang dalawa habang hila-hila ako.
"Bitiwan mo ang kamay ng girlfriend ko, Dela Vega," mariin at ma-awtoridad na sabi ni Trayne. Ramdam ko ang kapangyarihan nito sa pagbigkas niya ng mga salitang iyon.
"Sino ka ba? Wala kang pakialam kong hawakan ko man siya. Kaibigan ko siya at may pag-uusapan kami," sagot naman kaagad ng isa.
Pagak na natawa ang una sa sinabi ni Seve. Sino ba naman ang hindi matatawa sa sinabi nito? Alam na ni Trayne ang buhay ko, kaya hindi na niya ito mauuto.
"Tama ka kaibigan ka lang, BOYFRIEND niya ako, mas may karapatan ako sa nobya ko. I just want you to know, I'm Attorney Leandro Trayne De Silva."
Napangisi ako sa sinabi ni Trayne, isa iyong sampal kay Seve, dahil kahit naging kami noon ay hindi naman ako nito nakayang ipagmalaki sa ibang tao. Takot na takot ito na masaktan ang kanyang ina, kaya nanatili itong sunod-sunoran sa ginang.
Dahan-dahan nitong binitawan ang kamay ko, tila ba pinapaubaya na ako sa lalaking katabi ko ngayon. Ang ngisi ko ay napalitan ng isang malungkot na ngiti. Alam ko naman na hindi ako kayang ipaglaban ni Seve, pero nasasaktan pa rin ako. Sa pangalawang pagkakataon nasaktan na naman ako nito.
Sinundan ko na lamang ang likuran nito na unti-unti nang naglalaho, dahil lumalayo na ito sa amin. Napatakip ako sa tenga ko nang marinig ang sigaw ni Jonalyn, bago humabol kay Seve.
"Seve!" sigaw nito ulit, ngunit di pa rin pinansin ng lalaki.
"Umiiyak ka naman, mas lalo akong nagagalit sa lalaking iyon."
Tiningala ko si Trayne dahil sa sinabi nito, hinawakan ko ang kamay nito at umiling.
"Kasalanan ko naman Trayne, kasalanan ko kasi nagpapaapekto pa rin ako sa kanya."
Hinawakan nito ang pisngi ko, hinimas nito ang parte kung saan dumadaloy ang luha ko. Si Trayne ang nagbigay ng saya at nagpuno ng mga kulang sa buhay ko simula nang iwan ako ni Szellous, kaya malaki ang utang na loob ko sa kanya.
"Hindi mo yun kasalanan Lilac, sampong taon kayong nagsama at hindi madaling kalimutan iyon," mahinahon nitong saad. "Lalo na at ang pinagkakatiwalaan mong tao ang sumira sa inaakala mong perpektong mundo."
"Ang drama naman."
Sabay kaming napalingon sa nagsalita, nasa harapan namin si Jonalyn at nakataas ang kilay. Kung pwede ko lang sapakin ang mukha nito dahil sa pagsira nila sa pamilya ko ay ginawa ko na.
"Don't waste your precious time, Lilac. Lets go, Lucas is waiting for us."
Hindi nito pinansin si Jonalyn at hinawakan na ang kamay ko. Nakita ko pa ang di maipintang mukha nito dahil sa pagbabalewala sa kanya.
"A-aray!" sigaw ko nang maramdaman ang paghila sa buhok ko.
Naiiyak ako dahil sa sakit na dulot nito, lalo na at pinaharap ako nito sa kanya at paulit-ulit akong sinampal. May naramdaman akong kamay na humawak sa bewang ko.
"Papatayin kitang babae ka. Mang-aagaw ka!"
Napaigik ako nang sinipa ni Jonalyn ang kaliwa kong paa. Tumutulo na ang luha ko sa sobrang sakit na aking nararamdaman.
"Trayne," mahina kong tawag sa kanya.
Napayakap ako kay Trayne nang lumipat ito sa harapan ko para protektahan ako kay Jonalyn.
"Section 26 of the Crimes Act makes it an offence to commit common assault in the ACT. A charge of common assault arises in circumstances where a person has either threatened to harm another person or where unlawful force has been used without the persons consent," malamig ang pagkakabigkas nito ng bawat salita at seryosong nakatingin sa harap
Binitawan ni Jonalyn ang buhok ko, habang nakatitig sa mukha ni Trayne. Napatigil na rin ako sa pag-iyak dahil sa narinig ko rito.
"What do you mean?" garalgal ang boses ngunit nakataas kilay pa rin na tanong ni Jonalyn. Pinaningkitan ito ng mata ni Trayne, halata ang galit sa namumula nitong mukha.
"I said, if you don't want to be in prison don't disturb Lilac Jose. This is the first and last warning, remember I don't talk to much, I just work."
Kagat-labi na tumingin sa akin si Jonalyn, ngunit di ko na ito pinansin hanggang sa makaalis ito. Mahigpit kong niyakap si Trayne, masaya ako at nakilala ko ang isang Leandro Trayne De Silva.
"Trayne, maraming salamat. Hindi ko alam ang gagawin ko kung wala ka sa tabi ko."
Ilang beses na akong nasaktan, ilang beses na akong nadapa dahil sa pamilya nila Szellous, alam kong hindi ko iyon makakaya kung walang Trayne na nasa tabi ko.
"Stop crying, Lilac. Sabi ko naman sayo nandito lang ako."
Tinaas nito ang ulo ko at hinalikan ako sa noo. Inakay na ako nito patungo sa kotse, ihahakbang ko palang sana ang paa ko nang maramdaman ko ang pananakit nito.
"Gosh! Trayne!" gulat kong sambit, nang bigla ako nitong buhatin.
Tumawa naman ito at naglakad na, idinikit ko ang mukha ko sa dibdib niya sa sobrang hiya. May mga tao pa naman sa dinadaanan namin.
"Mommy! Daddy Trayne! Ano po nangyari kay mommy?"
May pag-alala sa boses ni Lucas nang makita akong buhat ng daddy niya. Pumasok ako sa kotse at hinaplos ang buhok ng anak ko, para mapanatag ito.
"Okay lang si Mommy, pero bakit ang dami mong pinabiling toys? May mga toys ka pa sa bahay na hindi mo nagagamit."
Pinaningkitan ko silang dalawa ng mata, tapos na pala itong nakapag-shopping hindi man lang ako nakahabol. Umiling-iling naman si Lucas at kinamot ang batok niya. Rinig ko ang mahihinang tawa ni Trayne kaya nilingon ko agad ito.
"Not me, mommy. You should scold Daddy Trayne po. I'm a good boy po, but Daddy give me lots of toys that made me a bad boy."
Sabay kaming tumawa ni Trayne sa sinabi ni Lucas. Ang cute lang ng anak ko, pinisil ko ang pisngi nito bago siya halikan doon. Masaya na ako, kahit alam kong may pagkukulang sa dibdib. Kulang dahil wala sa tabi ko ang lalaking mahal ko, pero masaya na rin dahil biniyayaan ako ng isang Veron Lucas.
"So saan na tayo pupunta ngayon?" tanong ko dito.
Inilahad nito ang kamay sa Daddy Trayne niya at binigyan naman ito ng cell phone ng huli. Kumunot ang noo ko sa ginawa nilang dalawa, nagbubulungan pa ang mga ito tsk. Ako naman ang nagluwal sa batang ito, bakit mas malapit ito kay Trayne?
"Lavender Ice Cream Parlor?"
Sabay silang napatango, nilingon ako ni Trayne na may ngisi sa labi.
"Crush niya kasi ang anak ng may—"
"Daddy Trayne! Secret lang natin yun eh," namumula sa hiyang sabi ni Lucas. Tinakpan pa nito ang labi ni Trayne, para pigilan sa pagsasalita. Tumawa naman ako at ginulo ang buhok nito.
"Tara gusto kong makita ang crush ni Big boy Lucas," pang-aasar ko sa kanya.
"Mommy bad!"
Malakas na tawanan ang lumukob sa kotseng iyon, bago pinaandar ni Trayne ang sasakyan.
•Lilac•Pagkauwi ko sa bahay ay bumungad sa akin ang malapad na ngiti ni Mamay. Alam nito ang relasyon ko kay Seve, kaya ganito nalang ang reaksyon niya."Anak okay ka lang ba? Umiiyak ka ba? May masakit ba sayo?"Inisang hakbang ko ang distansya namin ni Mamay at niyakap ito nang mahigpit. Walang salitang lumalabas sa aking bibig, pero nagkakaintindihan kami. Naiitindihan nito ang sakit na nararamdaman ko ngayon, lumakas ang iyak ko habang nakasubsob sa may dibdib ni Mamay ko."Mamay, hindi pa po ba ako sapat? marami po bang pagkukulang sa akin?" parang bata na tanong ko rito.Hinaplos nito ang aking buhok, para pakalmahin ako ngunit di ko matigil ang bugso ng aking damdamin. Mas masisiraan ako ng bait kapag hindi ko nailabas ang bigat na nakadagan ngayon sa aking dibdib. Hindi ko dapat sinasabi ang
•Lilac•Kanina pa kami dumating sa bahay pero hanggang ngayon ay nakatulala pa rin ako. Inaamin ko naman na hanggang ngayon ay mahal ko pa rin si Seve, at nasasaktan pa rin ako sa tuwing kasama niya ang bago niya."Lilac"Bumalik ako sa reyalidad ng marinig ko ang boses ni Trayne. Nagdikit ang kilay ko para intindihin ang sinasabi nito, ngunit wala pa ring pumapasok sa utak ko."Mommy bakit ka po sad? ayaw niyo po ba na kumain ako ng ice cream?"Malungkot na tanong sa akin ni Lucas, umiling naman ako sa kanya at pinatawag ang isa naming kasambahay para paliguan ito at makatulog na pagkatapos."Susunod lang si Mommy, mauna ka na sa kwarto okay? mag-uusap lang kami ng Daddy Trayne mo."Tumango-tango naman kaagad ito, at lumapit kay Trayne para halikan ito sa pisngi. Pagkaalis ni Lucas ay agad naman ito
•Seve•"Anong nangyayari diyan?" rinig kong tanong ni Ezekiel sa mga kaibigan namin. Napasabunot na naman ako ng buhok ko, di ko aakalain na makikita ko si Lilac na may kasamang lalaki at ang malala pa doon ay may anak pa ito. Rinig na rinig ko ang pagtawag sa kanya ng bata na 'Mommy'. Inisang lagok ko ang alak na iniinom bago tumingin sa kanila Sin na nagtatawanan kasama ang nobya nito na si Annaliza. Tinaasan ko ito ng kilay kaya tumahimik naman ito kaagad, ramdam ata ang pagkairita ko."Pare ang ganda pala talaga ni Miss Lilac, kaya maraming lalaki nababaliw dito. Ang sarap pa pakinggan sa tenga ang boses nito."Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi ni Alwin, ngayon lang ba niya nakita si Lilac? Sigurado naman siyang dinala niya rito ang babae noong nobya niya pa lang ito."Di mo nakita yan nang dinala dito ni Seve?"Mabuti nalang at t
•Lilac•"Mommy, wake up po. Tumatawag po si Tito Cross!"Nagising ako dahil sa maliliit na halik sa akin ni Lucas. Malapad itong nakangiti sa harapan ko, ibabalik ko sana ang ngiti nito nang bigla itong nagkunot-noo. Umiling-iling pa ito sabay pinag-krus ang dalawang braso."Mommy ang bad naman po ng may gawa niyang sa iyo."Ako naman ngayon ang napakunot-noo sa sinabi niya. I check myself, para alamin kung ano ang ibig nitong sabihin nang naramdaman ko ang maliit niya daliri sa aking leeg. Damn! nakalimutan ko palang takpan iyon."Mommy, may bite po kayo ng mosquito. Namumula po ang neck niyo, kapag nakita ko po iyon papatayin ko po kaagad, para di na po kayo makagat ulit."Napatawa ako sa sinabi niya, mapapatay pa ata nito ang sariling ama. Ginulo ko ang kanyang buhok bago ito ginawaran ng halik sa pisngi.
•Lilac•"Anong nangyari sayo Lilac? nakatulala ka na naman, kanina pa kita napapansin may problema ba?"Tiningnan ko si Persephone at ngumiti dito. Nasa mansyon kami ngayon ng mga De Silva, kanina ko pa iniisip ang ginawa ni Szellous sa opisina ko."May iniisip lang ako, salamat nga pala sa pag-invite sa amin dito. Namiss ng anak ko yung mga kalaro niya eh."Tumawa si Persephone at tiningnan ang mga batang nagtatakbuhan. Nanlalaki ang mata ko nang makita na pumasok si Hades, Ezekiel at Craige. Nilingon ko si Persephone, nanlalaki rin ang mata nito na nakatingin sa tatlo. Mabilis itong lumapit kay Hades, napasunod na rin kami sa kanya."Anong ginagawa niyo dito? may iba ba kayong kasama?" agaran kong tanong habang tinatago sa likuran ko si Lucas. Delikado na at baka makita nila ito, tumaas ang kilay ni Hades na tumingin sa akin."Lilac? sino kas
•Seve•"Seve anak tulungan mo naman kami ng daddy mo, malapit ng bumagsak ang negosyo natin. Di namin kayang pigilan ang mga investor na umalis sa kompanya, at di nakakatulong ang ginawa ni Lilac tungkol doon sa bata di niya tayo mauuto. Kamukha daw pwe!"Malungkot akong ngumiti sa harapan ni Mommy, umuwi ako dito para ma-comfort nito. Nakakatawa dahil umaasa ako na sana maramdaman nito ang paghihirap ko ngayon, ngunit puro trabaho ang nasa isip nito."My, pwede po ba bukas nalang yan? masama po ang pakiram—""Ano? Ano ka ba naman Szellous. Paano na tayo kapag bumagsak ang kompanya? Sigurado akong pagtatawanan tayo ng Lilac Jose na iyon, at kapag nangyari iyon sigurado akong magpapakamatay ako."Tumango ako sa sinabi ni Mommy at lumabas na nang bahay. Pupunta pa ako sa opisina, sa totoo lang masama talaga ang pakiramdam ko ngayon. Nanlalabo ang mata ko haba
•Lilac•Gusto sanang manatili ni Trayne sa bahay ngunit tinawagan naman ito ng sekretarya niya dahil may bagong kaso daw. Hindi na niya ito pinigilan lalo na at sa tingin niya ay importante ang lakad nito."Mommy, sleep na po tayo ulit?"Tanong sa akin ni Lucas at tumabi na sa akin. Agad akong tumango rito at tinapik ang braso ko para umunan ito roon. Lumapit naman ito sa akin at niyakap ako, bago sumiksik sa aking dibdib. Katulad ng ama nitong si Szellous, doon din ang paborito niyang pwesto bago matulog."Mommy, bakit po sabi ng guy kanina Anak—"Napatigil sa sasabihin niya si Lucas nang tumunog ang cellphone ko sa mesa. Agad nito iyong inabot at binigay sa akin."Hello"Bungad ko dito, kahit hindi pa tinitingnan ang caller ID. Napakunot ang noo ko nang di ko makilala kong kaninong boses iyon. Inilayo ko ito saglit at tiningnan ang screen
•Lilac•Naalimpungatan ako dahil sa sunod-sunod na pagdo-doorbell, nang kung sino sa labas ng unit ni Seve. Mabuti nalang at mahimbing pa rin ang tulog ni Lucas, kung sakaling nagising ito sigurado siyang masisipa niya ang taong iyon."Anong ginagawa niyo rito?"Nanlaki ang mata ko nang makita ang mga kaibigan ni Seve sa labas. Hindi sila sumagot at nakatingin lang sa akin, napalunok ako at inayos ang sarili. Nahihiya ako sa mga gwapong lalaki na nasa aking harapan ngayon."Miss Lilac, ang ganda niyo po pala sa personal. Fan niyo ako. Bakit po kayo nandito?"Inabot ko ang inilahad na kamay ng lalaki, pagkatapos ay napakamot ako sa aking batok. Ano nalang ang iisipin nila? May fiancé pa naman si Szellous."Ano kasi tinawagan ako ni Soulle tapos wala raw mag-aalaga sa kaibigan niyo. Uuwi na rin kami ng anak
•Lilac•Napatingin ako sa binatang nasa entablado ngayon at kumakanta. Ang nakangiti nitong mukha ay nagbibigay ng saya sa aking dibdib."Ang laki na ng anak natin, Lily. Ang sarap sa pakiramdam na nakikita at nakakasama natin siya habang inaabot ang kanyang pangarap," bulong sa akin ni Seve.Hinawakan ko ang kamay nito at pinisil iyon. Parang dati lang kami iyong kumakanta sa entablado, hindi ko aakalain na may susunod pa rin pala sa yapak naming dalawa."Mommy, bagay po kay Kuya Lucas ang pag-aartista. Ang gwapo niya po! Bagay sila ni Ate Heidi." Kinurot ko ang pisngi ng bunso namin dahil sa sinabi nito.Limang taon na si Dreame at palagi itong nakasubaybay sa mga kapatid. Napatingin ako sa entablado nang biglang maghiyawan ang mga taong naroroon.
•Lilac•Ilang araw muna kaming namalagi sa hospital at nang masigurado na namin na wala nang panganib sa mga anak namin ay kaagad namin silang iniuwi sa bahay."Ang saya nilang tignan," bulong ni Seve habang nakayakap sa aking likuran.Naglalaro sa aming bakuran sina Lucas at Kirsten, kasama nito sila cofe at ang kambal ni Persephone. Ibinilin ito sa amin ng huli dahil may pupuntuhan daw silang dalawa ni Hades."Kailan natin pupuntahan ang mommy mo, hon?" tanong ko sa kanya. Natatandaan ko noon sa hospital sinabi niyang pupuntahan namin ito para makausap ko."Kaya mo na ba siyang harapin, Lily? Sa tingin mo mapapatawad mo pa ba si mommy sa nagawa niya sayo?"Nanigas ako sa aking kinatatayuan sa biglaang tanong na iyon ni Seve. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanilang tatlo ni Kirsten at ng mommy nito nang gabing iyon. Kung kasalanan ba ni
•Lilac•Napatili si Persephone nang malaglag ang baso na hawak ko habang kumukuha ng tubig sa maliit na ref."Are you okay, Lilac?" Tumango lamang ako sa kanya at yumuko na para kunin ang mga nabasag ngunit pinigilan ako nito at pinaupo sa sofa."Ako na rito. Diyan ka nalang, huwag ka munang mag-iisip ng mga bagay na hindi makakabuti sa iyo," mahinahong saad nito.Tumango ako at nilapitan si Lucas na mahimbing pa rin na natutulog. Kung hindi lang sa mga apparatos na nakakabit dito aakalain ng iba na natutulog lang ito."Nakita mo na ba ang mamay mo diyan, anak? Sabihin mo sa kanya na huwag ka niyang kunin sa akin, please?" napatigil ako sa pakikipag-usap dito nang gumaralgal ang boses ko. Tumingala ako sa may ceiling at hinayaan na pumatak ang mga luha sa gilid ng aking mga mata.
•Szellous•Kasama ko sila Hades, Daryl at Zeke ngayon. Nandito kami sa lumang bodega na sinasabi ni Daryl. Hindi ko alam kung nandito ba talaga si mama, nagbabasakali lang ako na makita ang anak ko."Pare, sa likod kaming dalawa ni Zeke, kayo naman ni Hades sa may front door dadaan," wika ni Daryl. Tumango ako at inayos ang dala kong brief case.Wala akong balak na makipag-away kay mommy. Ibibigay ko ang gusto niya huwag niya lang saktan ang anak ko.Tumakbo ako patungo sa may pintuan nasa likuran ko lamang si Hades, dala nito ang lisensyado niyang baril."Sa may ikalawang palapag ka, Seve. Ako ang mag-iikot dito sa may ibaba." Tumango ako sa sinabi niya at tumakbo na patungo sa may hagdanan.Sira na ang ibang apakan ng hagdan dahil luma na at matagal nang hindi nagagamit. Malalim akong huminga nang makita ang i
•Lilac•"Lilac, are you okay?" Naririnig ko naman ang mga sinasabi nila pero wala akong gana na sagutin iyon. Nanatili lamang akong nakatulala sa may kawalan.Hindi ko alam kung makakaya ko pa ba na mabuhay kapag may nawala isa man sa mga anak ko. Mas nanaisin ko pa na ako yung nasasaktan kaysa makita silang nakikipaglaban sa kay kamatayan."Stop crying, Lilac. Nandito lang kami." Lumingon ako kay Persephone at niyakap siya nang mahigpit. Hindi ko na mapigilan ang aking sarili at umiyak na lamang sa harapan niya."Tahan na. Magiging maayos din ang lahat. Magdasal ka lang sa itaas," usal ni Aleister habang hinahaplos ang buhok.Tumango ako sa kanila at pinahid ang luhang dumadaloy sa aking pisngi. Nagpaalam muna ako sa kanila at pumunta sa may maliit na chapel ng hospital.Nang makapasok
•Third Person•Masayang mukha ng mga tao ang makikita sa malaking bulwagan ng mga Dela Vega. Ngayon ang ikaapat na anibersaryo ng mag-asawang Szellous at Lilac."More anniversaries to come, Lovers!" nakangiting saad ni Annaliza."Ang hina mo naman, Seve. Bilisan niyo ang paggawa para dumami ang kalaro ni Lucas." Nagtawanan ang lahat sa biro ni Jiro.Malalim na ang gabi ngunit hindi pa rin umuuwi ang mga bisita. Masyado silang nadadala sa kasiyahan at pakikipag-usap sa kanilang mga kakilala.Sa ikatlong palapag naman ng mansyon ay naroroon ang dalawang bata na naglalaro ng bahay-bahayan.Malakas ang halakhakan ng mga ito ngunit natigil din nang may biglang pumasok sa kwarto na iyon. Takot ang nadama ng dalawa sapagkat sa bintana nanggaling ang taong pumasok."Si-sino ka po?" kinakabahang t
•Seve•"Lily, anong ginagawa mo diyan?" tanong ko rito.May sinusunog kasi itong papel hindi ko lang alam kong ano iyon. Buhat-buhat ko si Lucas na nakakunot din ang noo na tumingin sa kanyang ina."You're the sole reason of my revengeNow you came back to meMy heart melts and without there sorry, I'm okay...I'm okay, because I found my therapyHeart knows what it wantsIt wants you, my hatred vanish because of you."Basa ko sa aking nakita, iyon nalang ang hindi pa kinakain ng apoy. Lumingon sa amin si Lilac at ngumiti, parte ba iyon ng ginagawa niyang kanta?"Para sa kanta mo ba iyon, Lilac?"Kaagad naman siyang tumango bilang sagot sa tanong ko. Kanta niya iyon pero hindi siya nag-aalinlangan na sunogin? Pinaghirapan niya iyon sayang naman kung magiging abo lang."Iyong nabasa mo, iyon ang parte na inulit ko. Ang iba ay puro sa
•Lilac•"Lilac, ako na d'yan baka mainit sa tiyan mo."Tumingin ako kay Aleister at tumango, itinuro ko sa kanya ang iba panglulutuin. Nagluluto kasi ako ng barbecue, dahil may pool party kami ngayon dito sa Bachelor's Club. Malaki na rin ang tiyan ko, estimated kong manganak sa susunod na buwan first week."Tinatawag ka ng kuya mo, Aleister!" ani ni Persephone na papalapit na rin sa amin. Inirapan naman ito ng una at nagsimula nang magluto."Ay ayaw pa raw sa Kuya Craige niya—"Hindi na naipagpatuloy ni Persephone ang sasabihin nang ibinigay sa kanya ni Aleister ang mga lulutuin.Nilingon ako nito at tinaasan ng dalawang kilay. Tumawa lang ako at nagpaalam na sa kanila na pupuntahan si Seve."Go, Sven!""Go, Ezekiel""Ezekiel, lang malakas!" may pagmamalaking
•Seve•Magkasama kami ngayon ng mga lalaki sa unit ko. Bukas na ang kasal ko at pinagbawalan kami na magkasama dahil bawal daw iyon. Medyo kinakabahan tuloy ako sa mangyayari."Namimiss ko tuloy si Lily," mahina kong saad habang iniinom ang alak na ibinigay sa akin ni Sage.Uminom kami saglit dahil hindi ako makatulog sa sobrang kaba."Isang araw lang kayong magkahiwalay, Seve. Itigil mo nga yang kamanyakan mo!" pang-aasar naman sa akin ni Jiro.Napailing ako rito sumandal sa upuan. Hindi ko alam pero kahit ilang minuto lang ay ayaw ko ng malayo kay Lilac. Hinahanap na ng katawan ko ang presensya niya."Hindi mo kasi maintindihan ang nararamdaman ko, Jiro. Wala ka kasing babaeng minamahal." Sinamaan niya ako nang tingin pero tinawanan ko lang siy