•Lilac•
Naalimpungatan ako dahil sa sunod-sunod na pagdo-doorbell, nang kung sino sa labas ng unit ni Seve. Mabuti nalang at mahimbing pa rin ang tulog ni Lucas, kung sakaling nagising ito sigurado siyang masisipa niya ang taong iyon.
"Anong ginagawa niyo rito?"
Nanlaki ang mata ko nang makita ang mga kaibigan ni Seve sa labas. Hindi sila sumagot at nakatingin lang sa akin, napalunok ako at inayos ang sarili. Nahihiya ako sa mga gwapong lalaki na nasa aking harapan ngayon.
"Miss Lilac, ang ganda niyo po pala sa personal. Fan niyo ako. Bakit po kayo nandito?"
Inabot ko ang inilahad na kamay ng lalaki, pagkatapos ay napakamot ako sa aking batok. Ano nalang ang iisipin nila? May fiancé pa naman si Szellous.
"Ano kasi tinawagan ako ni Soulle tapos wala raw mag-aalaga sa kaibigan niyo. Uuwi na rin kami ng anak
•Seve•Ganito pala ang pakiramdam ng mayakap ng anak. Ang init ng katawan nito ay napakagaan sa pakiramdam. Ramdam ko ang pagdaloy ng luha sa aking mata pero wala akong pakialam. Natatakot akong bitawan ang anak ko at baka di ko na naman ito makita muli."Ang init niyo po papa, iba po pala talaga ang yakap ng totoong papa. Ang sarap po na manatili dito, kaparehas po sa dibdib ni mama parang may savior din po ako rito."His words and voice warms my heart. He is my son, my own flesh and blood. Bumaba pa ang ulo nito sa dibdib ko, tila ba may pinapakinggan doon."Tug-dug-tug-dug. Papa naririnig ko po yan dito po."Hindi ito lumalayo sa kanya pero tinusok nito ang dibdib niya gamit ang maliit nitong daliri. Sinalubong niya ang tingin nito nang tumingala ito sa kanya."Alam mo ba ang ibig sabihin niyan anak?" nakangiti niyang tanong rito.
•Seve•"Hahayaan mo lang?""Kinuha na ng iba pero hinayaan lang kaya ka miserable, eh. Di ka marunong bumakod. Di ka marunong lumaban sa taong mahal mo."Ginulo ko ang aking buhok dahil sa ingay ng mga kaibigan ko. Para itong mga demonyo na nag-uudyok sa akin na gawin ang mali. Paano ko naman ipaglalaban si Lilac, kung may Jonalyn pa sa buhay ko. Kailangan ko munang ayusin ang buhay ko bago bumalik sa kanila."Alam niyo naman na nasa tabi ko pa si Jonalyn. Hindi ko naman kayang saktan ito. Alam niyo naman ang rason diba?" matamlay kong pahayag.Kapag nakipaghiwalay ako kay Jonalyn ay magpapakamatay si mommy at iyon ang ayaw kong mangyari.Isa akong anak na labis na nagmamahal sa ina na nagpalaki sa akin."Pare, kapag hindi mo hinabol si Lilac at ang anak mo ngayon. Tiyak na pagsisisihan mo ang desisyon mo.
•Lilac•"Ahhh!"Lumingon ako kay Seve dahil sa ingay na ginagawa nito nang magsimula ng gumalaw ang roller coaster. Nasa likuran rin siya namin dahil dalawang tao lang pwede."Ang ingay ni papa, mommy," nagrereklamong sambit ni Lucas sa akin."Seve, ano ka ba kakasimula pa lang."Tumingin ito sa kanya at umiling-iling. Muntikan na siyang matawa sa itsura nito nang bigla itong nagsalita."I don't want to ride this f*cking thing, Lily. Sayo ko lang gusto."Pinamulahan siya ng mukha sa sinabi nito, buti nalang at wala itong katabi. Kung meron ay tiyak na mababatukan niya ito sa sobrang inis."Bastos ka talaga, Seve. Humanda ka talaga sa akin pagkababa natin dito."Tinalikuran na niya ito at inasikaso na lamang ang anak na sobra ang saya. Tinaas pa nito ang kamay sa ere
•Seve•"Ano na namang kalokohan ang ginawa mo Veron? Dapat nasa opisina ka at nagtra-trabaho, hindi yung ibang bagay ang inaatupag mo."Nang makita ko si mommy sa labas ng unit ko alam ko na agad na sermon na naman ang aabutin ko at hindi nga ako nagkakamali. Hindi man lang ako nito hinayaang makabihis.Si mommy yung tipo ng tao na lahat ng mga kilos ko ay nababantayan nito. Ayaw nitong malihis ako sa daan na gusto niyang maitawid ko. Matamlay akong napatingin sa kanya habang nagkakamot ng noo. "Mommy pwede ba? Hindi ibang tao sa akin sila Lily. Ina siya ng anak ko at dapat lang maglaan din ako ng oras sa kanila."Pinipigil kong pagtaasan ito ng boses dahil inaalala ko ang kondisyon nito, pero habang tumatagal ay nasasakal na rin ako.Pinaningkitan niya ako ng mga mata tila ba kasalanan na ang pagbibigay ng opinyon o pagsagot ko sa kanya."Iyan! D
•Lilac•"Seve Dela Vega and Lilac Jose are dating""Szellous Veron Dela Vega's look a like, is his son?""Miss Bartolome, real attitude."Ang dami na namang issue tungkol sa akin at nasali pa ang anak ko. Kay aga-aga sinalubong na kaagad ako ng mga maiingay na reporter, halos di matigil ang tawag ng mga ito."Miss Lilac, Kailangan niyo na pong pumunta sa Bartolome's Clothing Line's head office."Ito lang ata ang balitang ikinatutuwa ko. Hindi ko pa nakikita ang mukha ni Jonalyn ay natatawa na ako. Uunahin ko muna ang babaeng to, isusunod ko ang Madame Luxin na iyon. Pinaghahandaan ko ang para sa kanya, ipaparamdam ko ang sakit nang nawalan."Mommy, saan po tayo today? Sino po ang kasama natin si Daddy Trayne o si Papa Seve po?" magkasunod na tanong ni Lucas.Hinaplos ko ang buhok nito sabay iling. Gusto ko man na is
•Lilac•Hapon na kami nakauwi ni Lucas, dahil pinuntahan pa namin si Trayne sa opisina ko. Sa tingin ko ay may iba na itong pinagtutuunan ng pansin ngayon. Suportado naman niya ang kaibigan kahit alam niyang malalayo ito sa kanila at may iba ng pro-protektahan. Mas gusto pa rin niyang makita ang kaibigan na masaya kasama ang taong itinadhana dito."Lily, Lucas."Napakunot ang noo ko nang makita si Szellous sa gate. Patakbo naman na lumapit dito si Lucas at niyakap ang ama."Seve? Bakit ka pumunta dito? Hindi ka ba busy?" tanong ko sa kanya. Umiling ito at binuhat si Lucas. Na nagsisimula ng mag-kwento sa ama, napangiti ako at pinapasok na sila. "Actually may trabaho ako ngayon iniwan ko lang dahil namimiss ko kayo," sambit nito na ikinalingon ko. Kikiligin na sana ako kaso naalala ko na naman si Jonalyn at ang magiging anak ng dalawa. Nap
•Lilac•"May pupuntahan ba kayo ngayon?" tanong sa akin ni Seve pagkababa namin ni Lucas. Nauna kasi itong nagising at nagluto na ng almusal namin. "Oo, may importante kaming lakad. Ang gwapo mo pala sa pink na apron," natatawa kong asar sa kanya. Umiling-iling naman ito na lumapit sa amin. Hinalikan nito sa pisngi si Lucas at saka ginawaran rin ako nang halik sa labi pagkatapos."Mas gwapo pa rin ako kay Papa, Mommy!" reklamo ni Lucas at nagpabuhat sa akin, Ngumiti ako at kinarga siya. Kinurot naman ni Seve ang pisngi nito at pinaupo na kami, para makapagsimula ng kumain."Saan kayo pupunta, Lily?"Napatulala ako sa tanong ni Szellous, ngayon pa lang kami nagkakaayos. Magagalit ba ito kapag sinabi ko sa kanya na may gagawin akong ikakabagsak ni Jonalyn? Paano si Lucas makakaya ba nito mamaya ang mata ng maraming tao? Mga matang man
•Seve•Nasa Dela Vega's Entertainment na kami ngayon ng anak ko at tuwang-tuwa ito na binabati ang mga tauhan ko. Kumakaway pa rin ito kahit na papasok na kami sa opisina."Sabi kay mommy, eh. Mas gwapo pa rin ako sayo, papa."Tumawa siya at kinurot ang pisngi nito, kanina pa nito inulit iyon. Hindi ata ito matatahimik hanggat hindi ang mommy niya ang nagsasabi."Syempre mas gwapo ka anak kaya kita."Inilagay nito sa kanyang baba ang kamay at nagpapa-gwapo sa harapan niya. Tumawa siya at binuhat ang anak patungo sa kanyang mesa. Inilagay niya ito sa kanyang upuan at pumalakpak."Bagay pala maging gwapong CEO ang Lucas namin."Sumabay naman ito sa kanya at umayos sa pagkakaupo. Nakagat niya ang labi dahil sa ginawa nito."The handsome CEO, Lucas Jose Dela Vega. Bagay po ba, papa?"Lumapad ang pagkakangiti
•Lilac•Napatingin ako sa binatang nasa entablado ngayon at kumakanta. Ang nakangiti nitong mukha ay nagbibigay ng saya sa aking dibdib."Ang laki na ng anak natin, Lily. Ang sarap sa pakiramdam na nakikita at nakakasama natin siya habang inaabot ang kanyang pangarap," bulong sa akin ni Seve.Hinawakan ko ang kamay nito at pinisil iyon. Parang dati lang kami iyong kumakanta sa entablado, hindi ko aakalain na may susunod pa rin pala sa yapak naming dalawa."Mommy, bagay po kay Kuya Lucas ang pag-aartista. Ang gwapo niya po! Bagay sila ni Ate Heidi." Kinurot ko ang pisngi ng bunso namin dahil sa sinabi nito.Limang taon na si Dreame at palagi itong nakasubaybay sa mga kapatid. Napatingin ako sa entablado nang biglang maghiyawan ang mga taong naroroon.
•Lilac•Ilang araw muna kaming namalagi sa hospital at nang masigurado na namin na wala nang panganib sa mga anak namin ay kaagad namin silang iniuwi sa bahay."Ang saya nilang tignan," bulong ni Seve habang nakayakap sa aking likuran.Naglalaro sa aming bakuran sina Lucas at Kirsten, kasama nito sila cofe at ang kambal ni Persephone. Ibinilin ito sa amin ng huli dahil may pupuntuhan daw silang dalawa ni Hades."Kailan natin pupuntahan ang mommy mo, hon?" tanong ko sa kanya. Natatandaan ko noon sa hospital sinabi niyang pupuntahan namin ito para makausap ko."Kaya mo na ba siyang harapin, Lily? Sa tingin mo mapapatawad mo pa ba si mommy sa nagawa niya sayo?"Nanigas ako sa aking kinatatayuan sa biglaang tanong na iyon ni Seve. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanilang tatlo ni Kirsten at ng mommy nito nang gabing iyon. Kung kasalanan ba ni
•Lilac•Napatili si Persephone nang malaglag ang baso na hawak ko habang kumukuha ng tubig sa maliit na ref."Are you okay, Lilac?" Tumango lamang ako sa kanya at yumuko na para kunin ang mga nabasag ngunit pinigilan ako nito at pinaupo sa sofa."Ako na rito. Diyan ka nalang, huwag ka munang mag-iisip ng mga bagay na hindi makakabuti sa iyo," mahinahong saad nito.Tumango ako at nilapitan si Lucas na mahimbing pa rin na natutulog. Kung hindi lang sa mga apparatos na nakakabit dito aakalain ng iba na natutulog lang ito."Nakita mo na ba ang mamay mo diyan, anak? Sabihin mo sa kanya na huwag ka niyang kunin sa akin, please?" napatigil ako sa pakikipag-usap dito nang gumaralgal ang boses ko. Tumingala ako sa may ceiling at hinayaan na pumatak ang mga luha sa gilid ng aking mga mata.
•Szellous•Kasama ko sila Hades, Daryl at Zeke ngayon. Nandito kami sa lumang bodega na sinasabi ni Daryl. Hindi ko alam kung nandito ba talaga si mama, nagbabasakali lang ako na makita ang anak ko."Pare, sa likod kaming dalawa ni Zeke, kayo naman ni Hades sa may front door dadaan," wika ni Daryl. Tumango ako at inayos ang dala kong brief case.Wala akong balak na makipag-away kay mommy. Ibibigay ko ang gusto niya huwag niya lang saktan ang anak ko.Tumakbo ako patungo sa may pintuan nasa likuran ko lamang si Hades, dala nito ang lisensyado niyang baril."Sa may ikalawang palapag ka, Seve. Ako ang mag-iikot dito sa may ibaba." Tumango ako sa sinabi niya at tumakbo na patungo sa may hagdanan.Sira na ang ibang apakan ng hagdan dahil luma na at matagal nang hindi nagagamit. Malalim akong huminga nang makita ang i
•Lilac•"Lilac, are you okay?" Naririnig ko naman ang mga sinasabi nila pero wala akong gana na sagutin iyon. Nanatili lamang akong nakatulala sa may kawalan.Hindi ko alam kung makakaya ko pa ba na mabuhay kapag may nawala isa man sa mga anak ko. Mas nanaisin ko pa na ako yung nasasaktan kaysa makita silang nakikipaglaban sa kay kamatayan."Stop crying, Lilac. Nandito lang kami." Lumingon ako kay Persephone at niyakap siya nang mahigpit. Hindi ko na mapigilan ang aking sarili at umiyak na lamang sa harapan niya."Tahan na. Magiging maayos din ang lahat. Magdasal ka lang sa itaas," usal ni Aleister habang hinahaplos ang buhok.Tumango ako sa kanila at pinahid ang luhang dumadaloy sa aking pisngi. Nagpaalam muna ako sa kanila at pumunta sa may maliit na chapel ng hospital.Nang makapasok
•Third Person•Masayang mukha ng mga tao ang makikita sa malaking bulwagan ng mga Dela Vega. Ngayon ang ikaapat na anibersaryo ng mag-asawang Szellous at Lilac."More anniversaries to come, Lovers!" nakangiting saad ni Annaliza."Ang hina mo naman, Seve. Bilisan niyo ang paggawa para dumami ang kalaro ni Lucas." Nagtawanan ang lahat sa biro ni Jiro.Malalim na ang gabi ngunit hindi pa rin umuuwi ang mga bisita. Masyado silang nadadala sa kasiyahan at pakikipag-usap sa kanilang mga kakilala.Sa ikatlong palapag naman ng mansyon ay naroroon ang dalawang bata na naglalaro ng bahay-bahayan.Malakas ang halakhakan ng mga ito ngunit natigil din nang may biglang pumasok sa kwarto na iyon. Takot ang nadama ng dalawa sapagkat sa bintana nanggaling ang taong pumasok."Si-sino ka po?" kinakabahang t
•Seve•"Lily, anong ginagawa mo diyan?" tanong ko rito.May sinusunog kasi itong papel hindi ko lang alam kong ano iyon. Buhat-buhat ko si Lucas na nakakunot din ang noo na tumingin sa kanyang ina."You're the sole reason of my revengeNow you came back to meMy heart melts and without there sorry, I'm okay...I'm okay, because I found my therapyHeart knows what it wantsIt wants you, my hatred vanish because of you."Basa ko sa aking nakita, iyon nalang ang hindi pa kinakain ng apoy. Lumingon sa amin si Lilac at ngumiti, parte ba iyon ng ginagawa niyang kanta?"Para sa kanta mo ba iyon, Lilac?"Kaagad naman siyang tumango bilang sagot sa tanong ko. Kanta niya iyon pero hindi siya nag-aalinlangan na sunogin? Pinaghirapan niya iyon sayang naman kung magiging abo lang."Iyong nabasa mo, iyon ang parte na inulit ko. Ang iba ay puro sa
•Lilac•"Lilac, ako na d'yan baka mainit sa tiyan mo."Tumingin ako kay Aleister at tumango, itinuro ko sa kanya ang iba panglulutuin. Nagluluto kasi ako ng barbecue, dahil may pool party kami ngayon dito sa Bachelor's Club. Malaki na rin ang tiyan ko, estimated kong manganak sa susunod na buwan first week."Tinatawag ka ng kuya mo, Aleister!" ani ni Persephone na papalapit na rin sa amin. Inirapan naman ito ng una at nagsimula nang magluto."Ay ayaw pa raw sa Kuya Craige niya—"Hindi na naipagpatuloy ni Persephone ang sasabihin nang ibinigay sa kanya ni Aleister ang mga lulutuin.Nilingon ako nito at tinaasan ng dalawang kilay. Tumawa lang ako at nagpaalam na sa kanila na pupuntahan si Seve."Go, Sven!""Go, Ezekiel""Ezekiel, lang malakas!" may pagmamalaking
•Seve•Magkasama kami ngayon ng mga lalaki sa unit ko. Bukas na ang kasal ko at pinagbawalan kami na magkasama dahil bawal daw iyon. Medyo kinakabahan tuloy ako sa mangyayari."Namimiss ko tuloy si Lily," mahina kong saad habang iniinom ang alak na ibinigay sa akin ni Sage.Uminom kami saglit dahil hindi ako makatulog sa sobrang kaba."Isang araw lang kayong magkahiwalay, Seve. Itigil mo nga yang kamanyakan mo!" pang-aasar naman sa akin ni Jiro.Napailing ako rito sumandal sa upuan. Hindi ko alam pero kahit ilang minuto lang ay ayaw ko ng malayo kay Lilac. Hinahanap na ng katawan ko ang presensya niya."Hindi mo kasi maintindihan ang nararamdaman ko, Jiro. Wala ka kasing babaeng minamahal." Sinamaan niya ako nang tingin pero tinawanan ko lang siy