“Thea Watson’s Point of View”
Parang gumuho ang mundo ko nang marinig ang mga sinabi ni Daddy. Pakiramdam ko ay natapos na ang masasayang pangyayari sa buhay ko.
"WHAT?" hindi makapaniwalang singhal ko. "Dad, hindi mo pwedeng gawin 'yon!"
Kumunot ang noo nitong tumingin sa akin. "At bakit naman hindi, Thea? Ikaw at si Ace ay nagkakamabutihan na. Baka mamaya nga magulat na lang kami na kayo na mismo, ikaw ang lumapit at pumilit sa amin na ipakasal ka kay Ace."
Napailing ako dahil sa sinabi niya. Hindi ako makapaniwalang lumabas ang lahat ng ito mula sa bibig ni Daddy. Hindi man lang niya inalam ang totoo. Basta-basta na lang itong nanghuhusga sa mga nakikita niya kahit pa hindi alam ang tunay na nangyari. Hindi maaaring basta na lang muling magdi-desisyon si Dad sa buhay ko.
Pakiramdam ko ay wala na akong karapatang magdesisyon sa sarili kong buhay. Para akong robot na kinokontrol ng mga magulang. Iyon bang wala na akong Kalayaan, hindi ko na pwedeng sabihin ang mga gusto ko dahil hindi lang din naman nila papakinggan.
"Dad, hindi mo naman alam ang buong katotohanan, eh!" umiiyak na singhal kong muli. "Ni-hindi mo nga ako tinanong kung ano ang ibig sabihin ng kung bakit kami nandoon!"
"Whatever your reasons are, my decision is final, Thea," matigas na sabi ni Daddy at tinalikuran ako.
Bumuntong hininga si Mommy. Lumapit ito sa akin at hinagod ang aking likuran bago tumalikod para sundan si Dad.
Napaupo na lang ako sa sofa na nanghihina. Unti-unting tumulo ang luha sa mga mata ko na kanina pa namumuo. Naramdaman ko na lang na may kamay nang humahagod sa aking likuran.
"Hindi namin alam na ito pala ang dahilan kung bakit nagawa mo ang mga bagay na 'yon," may halo ng kalungkutan ang boses na saad ni Zee.
"Bakit hindi mo kaagad sinabi sa amin, Thea? Narito naman kami para damayan ka at sana, hindi na dumating pa sa puntong kinailangan mong isuko ang pagkababae mo kay Ice," mahinang suhestiyon ni naman ni Jai.
Dahil sa sobrang gaan ng pakiramdam, mas lalong tumulo ang mga luha ko. Ang sarap sa pakiramdam na may taong nariyan para sa’yo. May mga taong handing makirig at dumamay sa problema mo.
"Hindi ko na alam kung saan ko ilulugar ang sarili ko," humihikbing saad ko. Pilit kong pinunasan ang mga luhang hindi matigil na pagtulo. "Sobrang hirap pakiusapan ang aking mga magulang na ibigay na lang ang aking kalayaan. Hindi na nila iniintindi ang nararamdaman ko. Pakiramdam ko ay wala na silang ibang iniisip pa kung hindi ang pera na makukuha nila."
Niyakap nila ako at pinatahan. May mga kung anu-ano silang sinabi sa akin para pagaanin ang aking pakiramdam. Marami pa silang tinanong sa akin na hindi ko naman ikinahiyang sagutin.
I am very thankful to them because they were there by my side when I was so overwhelmed with my problem. I thank my friends very much. They decided to go home when it got dark. I even invited them to eat dinner but they refused.
Nang makauwi na ang mga kaibigan ko ay napagdesisyonan kong magkulong sa aking kwarto. Ayokong makita o makasama man lang ang aking mga magulang ngayon dahil sa tampo, sakit, at galit na nararamdaman ko sa kanila.
Nakatingala ako sa kisame habang iniisip ang mga pangyayari. Kung paano nagulo ang buhay ko dahil sa isang lintek na arrange marriage ko kay Ace.
Ace...
Bigla akong nabuhayan ng loob nang maalalang maaari pala akong lumapit kay Ace at makiusap na sabihin niya kay Daddy ang totoong nangyari sa amin. At kumbinsihin niya ito na bawiin ang mga naging desisyon niya.
Kaagad kong kinuha ang aking telepono upang tawagan si Ace at sabihin ang aking plano. Mabuti na lang at naibigay ni Kuya ang numero niya sa akin.
Hindi naman ako binigo ng aking kapatid nang ibinigay nito ang nais ko. Tinawagan ko kaagad si Ace.
"Hello, Ace Friuxico's speaking. Who's this?" seryoso ang boses na tanong nito mula sa kabilang linya.
"Uhm, Ace. A…Ano, si T-Thea 'to," utal kong saad.
"Oh!" gulat niyang sambit. "Bakit ka napatawag, Thea?"
Suddenly, my chest beat fast. I was suddenly enveloped in nervousness because of his voice. I bit my lip first before telling him what Dad told me.
"Woah! Sinabi niya 'yon?" hindi makapaniwalang tanong niya.
"Hm. Kung pwede sana ay pakiusapan mo siyang hayaan na lang ako at bawiin ang sinabi niya. At sana ay sabihin mo sa kaniya ang totoong nangyari," punong puno ng pagasa kong pakiusap.
"Sige. I-te-text na lang kita sa magiging sagot niya."
Nagpasalamat at nagpaalam na ako kay Ace. Ang saya ko dahil sa mga sinabi niya. Parang nagkaroon ulit ako ng pagasa.
Naramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko, tanda na may nag-text. Masayang-masaya naman akong binuksan ito paramakita ang mensahe na nais kong makita.
Ang saya na aking naramdaman ay biglang nawala na parang bula nang makita ang mensahe. Nanlumo ako dahil iba ito sa inaasahan ko.
Ace:
Thea, I'm sorry I did my best. Hindi talaga ako pinaniwalaan ng Dad mo. Sorry.
I lost hope because of what I read. Tears formed in my eyes again. I can't think of any other way out of the hell I'm facing right now.
Nang gabing 'yon hindi na ako lumabas pa sa kwarto ko. Kahit pa na kumain ay hindi ko na magawa kung hindi pa ako dinadalhan ng katulong. Lalabas lang ako kapag binibisita ako nina Zee at Jai pero para lamang sunduin sila. pagkatapos ay babalik din ulit kami sa kwarto.
Hindi ko na rin inimik pa o tinitingnan man lang ang aking mga magulang. Sobrang galit ang nararamdaman ko sa kanila, pinipilit talaga nila akong gumawa ng dahilan upang mawalan ako ng amor sa kanila.
One unexpected day, my mom entered my room to ask me a question. I just nod and shake my head.
"Anak, kausapin mo naman si Mama." May pagmamakaawa sa tinig ng aking Ina.
Hindi ko siya pinapansin. Nanonood lang ako ng tv na para bang hindi ko siya narinig.
"Thea, nagiging bastos ka na!" singhal ni Mommy nang siguro ay mapuno na sa hindi ko pagpansin sa kaniya.
Sarkastikong nakakunot ang noo kong tumingin sa kaniya. "Bakit, Ma? Nirespeto niyo ba ang kalayaan ko bilang anak niyo?"
Napayuko ito't natahimik. Napangisi na lang ako nang lumabas ito sa aking kwarto. Ang hirap sa kanila ay parang kasalanan ko pa kung bakit hindi ko sila pinapansin gayong sila rin ang nagtutulak sa akin na mawalan ng respeto sa kanila.
Yumuko na lang siya at natahimik. Napangisi na lang ako nang lumabas siya sa kwarto ko. Nakakatawa kasi parang kasalanan ko pa na hindi ko sila pinapansin kahit na sila lang din naman ang gumawa ng rason para maging ganito ang pagtrato ko at mawalan ako ng respeto sa kanila.
Isang buwan na ang nakalipas simula noong hindi na ako lumabas sa aking silid at hindi kinausap pa ang aking mga magulang. Kung minsan ay piumapasok sila sa kwarto ko sila at sinusubukang kausapin ako ngunit pagtango at pagsarkastiko lang ang sagot ko sa kanila na nauuwi rin naman kaagad sa away at sumbatan.
I ran straight to the bathroom when I felt like my stomach was turning upside down. It's like digging in my stomach and letting out the food I ate last night. I also felt very nauseous when I washed my mouth in the sink.
Nanghihinang bumalik ako sa aking kama. Humiga ako kaagad dahil hindi ko na kaya ang jilong nararamdaman.
Bumukas ang pintuan ng aking kwarto pero hindi ko na iyon nilingon dahil sa sobrang hilong nararamdaman. Parang umiikot ang aking mundo dahil sa hilo. Sa hindi malamang dahilan ay muli na naman akong tumakbo sa banyo upang sumuka.
Narinig ko ang sigaw ni Manang Esther. "Thea!" Naramdaman ko na lang ang paghagud nito sa aking likuran. "Ano ba ang nangyayari sa 'yong bata ka? Ito marahil ang resulta ng minsang hindi ka kumakain at lumalabas dito sa silid mo," pangaral ni Manang Esther.
Mangiyak-ngiyak kong inayos ang aking sarili. Inalalayan ako ni Manang pabalik sa aking kama at maayos akong pinahiga roon. Muli kong ipinikit ang aking mga mata nang makaramdam ng pagkahilo.
"Manang, pwede po ba akong abotan ng tubig?" mahinang pakiusap ko.
"Ay, saglit kukuhanan kita sa labas," natatarantang saad nito at mabilis na lumabas.
Hindi na ako sumagot pa. Sobrang sama ng aking pakiramdam. Tuwing nagmumulat ang aking mga mata ay parang umiikot ang mundo ko tapos sumasabay pa ang pagsusuka. Hindi ko maintindihan kung bakit ako nagkakaganito.
Naramdaman ko ang pagbukas ng pintuan.
"Thea?" humahangos na sigaw ni Mommy. Napataas naman ang kilay ko. "Are you okay? What happened to you, anak?"
"Don't worry," malamig kong sagot. "I'm fine. Nahihilo lang ako't nasusuka."
Malalim na bumuntong hininga ito. "God! I'll call our family doctor para ma-check ka at malaman natin ang dahilan ng pagsusuka mo."
Hindi na ako tumanggi dahil alam kong kailangan ko na talaga ang isang doctor. Hindi ko na maipaliwanag ang hilong nararmdaman ko. Halos hindi na rin ako makatulog dahil tuwing gagalaw ako ay nasusuka kaagad ako.
"Hija, anong nararamdaman mo?" tanong ni Doc nang makarating na ito.
"Nahihilo po ako, Doc. Nagsusuka rin ako," sagot ko.
Nanatili akong nakapikit at hinihintay ang sasabihin niya.
"Okay naman ba ang pagkain mo?"
Tumango lamang ako sa tanong niya. May kung anu-ano pa siyang tinanong sa akin. Lahat naman no'n ay sinagot ko nang wala pakealam basta't masagot ko lang dahil sa sobrang hilong nararamdaman ko.
"Okay, mukhang wala namang problema sa pagkain mo at parang wala namang akong ibang komplekasyong nakikita," tumamgo-tangong saad ng Doctor. "Pero nais ko na gumawa tayo ng test para malaman kung totoo nga ba ang hinala ko."
"Ano pong test, Doc?" tanong ni Mom.
"Kukuha lang ako ng dugo sa kaniya para masigurado ang resulta," sagot nito sa aking ina. "Mabilis lang naman ito, itatawag ko na lang o babalik na lang ako rito kapag atapos ko na ang test."
"Sige po. Thank you, Doc."
Muli kong naramdaman ang pagbukas at pagsara ng pinto. Napagpasiyahan kong matulog na lang muna para kahit papaano ay matanggal ang hilong nararamdaman ko.
Nagising ako nang maramdaman ang mahinang pagtapik ni Mama sa aking balikat. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko upang makita siya at para namang sobra ang galak na aking naramdaman dahil nawala na ang hilo ko.
"Anak, narito si Doc at sasabihin na niya sa atin ang resulta ng test na ginawa niya sa'yo," nakangiting saad ni Mama. "Tumayo ka na riyan. Nahihilo ka pa ba?"
Umiling lang ako sa kaniya at tiningala ang Doctor. "Ano po ang sakit ko, Doc?"
Bumuntong hininga si Doc at maliit na ngumiti. "Congratulations, Hija, you're four weeks pregnant."
Hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko mula sa doktor. Sobrang bilis at lakas ng tibok ng aking puso. Naghahalo ang takot, kaba, at gulat sa aking pakiramdam. "P...Pardon?" nauutal na tanong ni mommy. Halos hindi ko mabasa ang emosyong bumabalot sa boses niya. Alam kong galit at gulat siya dahil sa mga nalaman ngunit alam ko rin na mas binabalot siya ng gulat sapagkat kitang-kita ito sa kaniyang mukha.Tahimik lang ang buong sulok ng silid ng hospital na kinaroroonan namin ngayon. Lahat ng narito ay gulat dahil sa mga nalaman at kitang-kita iyon sa mukha ng bawat isang narito. "You heared me right, Mrs. Watson, Your daugther daugther Thea Watson is four weeks pregnant," saad ulit ng doktor. "Huwag ninyong hahayaang ma-stres ang pasyente dahil makakasama ito sa kaniya at sa batang dinadala niya. Para naman sa vitamins sa morning sickness niya, narito ang resita ng gamot na kailangan niya. Pwede na rin po kayong lumabas ng hospital."Napakurap na lang ako ng dalawang beses, gulat p
"Sandro, bilhin mo ang lahat ng gamot na nasa resita niya." Utos ni daddy at tumingin sa akin. "Simulan mo nang magempake ng mga gamit mo dahil pagkarating na pagkarating ng kuya mo ay ayaw na kitang makita rito sa pamamahay ko," sabi niya sa akin bago lumabas ng aking silid. Naluluha akong napatingin kay mama. Niyakap niya ako habang umiiyak na rin. Hinahagod nito ang aking likuran na para bang pinapatahan ako. Pinaparamdamn niya sa akin na nariyan lang siya at hindi ako iiwan. Parang binasag sa maliliit na piraso ang aking puso dahil sa sobrang sakit na nararamdaman. I feel so helpless. My hands are trembling and my heart stings. Parang tinurusok ng karayom ang puso ko at hindi ko maipaliwanag ang sakit na nararamdaman. Gusto kong sumigaw ng sobrang lakas upang maibsan ang sakit ngunit hindi ko magawa. Nais ko na lang na mawala ang lahat ng sakit na dinada ko sa kahit na anong paraan ngunit tanging iyak lang ang nakakaya ko. Halos hindi ako makagalaw dahil ang lakas ko ay napunta
Bumungad sa akin ang isang matipono, gwapo, moreno, at matangkad na lalaki. Nakasuot ito ng pormal na damit, mukhang galing opisina. Ang gwapo niyang tingnan dahil mukhang malinis sa katawan. Wla mn lang tattoo o piercing. Madalas kasi ngayon sa kalalakihan ay mukhang adik ang itsura. "Oo, 'Nak. Nahimatay kasi siya kanina sa terminal naawa naman ako kasi mukhang wala siyang kasama at bago lang siya rito sa lugar natin," sagot ni Nanay Aida. "Nako naman, Nay, halika nga dito magusap muna tayo." Tiningnan lang ako ng lalaki at hinila si Nanay Aida papalayo sa akin. Mukhang hindi niya ata nagustuhan ang presensiya ko at ang pagdala sa akin dito ni Nanay Aida. Kung magkaganoon nga talaga, aalis na lang ako rito para wala nang problema. Ayoko rin naman na maging dahilan ng pag-aaway nilang mag-ina. "Pasensya ka na, Hija, medyo nagsungit sa'yo ang anak ko," saad ni Nanay Aida nang makabalik. "Nako, okay lang po," sagot ko. "Nay, baka po makasira ako sa pagsasama ninyo o hindi naman po
"Jp, sino 'yang kasama mo ang ganda niya, ha?" saad ng babaeng maganda ring nakasalubong namin. "Ay, si Thea ito, Hannah," sagot niya sa babae. "Thea, ito si Hannah kapitbahay natin.""Hello, Thea, nice meeting you," saad ko at nag-offer ng kamay para makapag-handshake sa kaniya. Inaya ako ni Jp na maglibot-libot dito sa lugar nila para raw ma-familiarize ko naman at makilala ang mga kapitbahay nila rito. Pumayag naman ako dahil maboboring lang din naman ako kung nandon lang ako sa bahay nila. Sinabi rin pala ni Jp na pupunta kami mamaya sa bukid kung san nagtatrabaho si Nanay Aida. "Hello, Ate, welcome po dito sa lugar namin. Kaano-ano mo po 'yag baklang walang plano sa buhay na 'yan?" Natawa ako dahil sa sinabi niya. "Nako, nakita lang ako ni Nanay Aida kagabi at kinupkop lang nila ako dito." "Saan ka galing, Ate? Bakit naman napadpad ka dito? Wala ka po bang pamilya?" sumod-sunod niyang tanong. "Napaka-chismosa mo talaga, Hannah, ano?" biglang saad naman ni Jp. "Halikana nga
Hindi inaasahang mensahe ang aking natanggap mula sa hindi rin inaasahang tao. Ice...Nakasaad sa mensahe niya ang pangangamusta at tanong kung bakit ako umalis at kung nasaan ako sapagkat hinahanap daw ako ni Kuya Sandro sa kaniya. Alam ko na ang mensheng 'yon ay hindi direktang para sa pag-aalala niya sa akin ngunit magkaganoon man ay nakaramdam ako ng saya. Nakangiti akong nagising nang maalala ko ang mensahe ni Ice sa akin kagabi. Para akong dinuduyan sa alapaap dahil sa tuwang nararamdaman. Kagaya ng mga nagaganap sa araw-araw namin ay ganito pa rin ang nangyayari ngayon. Mabilis na lumipas ang mga araw. Natapos ko nang inumin ang gamot na ibinigay ni doc noong nalaman kong buntis ako at ngaypon naging maayos na ang pakiramdam ko. Hindi na ako nasusuka kaya't nagdesisyon akong maghanap na rin ng trabaho rito dahil gagastos din naman ako para sa pang-araw-araw namin sa bahay at may monthly check-up din ako at hindi sapat ang ipon ko para sa panggastos na 'yon. "Nay, aalis na p
Panibagong araw na naman at narito na ako ngayon sa salon. Sobrang aga pa pero hindi ko kasi gawain ang maging late sa school or appointment dati pa lang kaya heto at hindi pa kami marain g empleyado ang narito sa salon. "Hindi na tayo nakapagusap kagabi, Thea, inumaga na kasi akong nakauwi," sabi ni Jp. Naglilinis kami ngayon dito sa salon. Tinulungan ko na lang din siya kasi wala naman akong ginagawa. May janitor din naman ang salon pero wala pa kasi maaga pa naman kaya kami na lang muna ni Jp ang naglilinis-linis ng mga kalat na hindi masyadong nalinis kahapn. "Kamusta ka naman kahapon dito? Hindi ka ba tinarayan ni Lara?" tanong niya. "Tinarayan, Baks, pero hindi ko na lang din pinansin," sagot ko. "Mataray pala talaga siya?" "Nako, oo. Sobra 'yan makaasta akala mo may-ari pero tama 'yan huwag mo na lang siyang pansinin," payo niya. "Mabait na amo si Charlene, Thea, pagbutihin mo lang ang trabaho mo at ipakita mo lang sa kaniya ang kasipagan mo wala kang magiging problema sa
"Hayaan mo na 'yon, Anak, alam ko naman na hindi mo talaga ginawa iyon," saad ni Nanay Aida nang ikwenento ko sa kaniya ang nangyari. "Hindi mo man lang ba sinabihan ang boss ninyo John Paul?""Nanay, naman sabihin ba daw naman buong pangalan ko," nakangusong sabi naman ni Jp. "Hindi ko rin naman kasi alam ang tunay na nangyari, Nay. Pero, Thea, hayaan mo at kakausapin ko na lang si Charlene bukas.""Huwag mo nang alalahanin iyon, Jp, hayaan mo na lang," sabi ko.Hindi pa rin ako makapaniwala sa ginawa na iyon ni Lara. Dahil doon parang matatanggal kaagad ako sa trabaho. Ang pangit lang din tingnan kasi wala naman talaga akong tao na sabihang patunayan ang sinabi ko dahil wala ring may nakarinig o nakakita noong nangyari iyon.Lumipas pa ang mga araw at hindi na lang ako masyadong nakipag-usap pa kay Lara. Hindi na rin ako pumapayag tuwing kakausapin niya ako. Nanghingi rin ako ng pabor kay Rose na bantayan niya o pakinggan niya ang sasabihin ni Lara tuwing lalapit siya sa akin.Ilang
"Bakit, dok,?!" puno ng kabang tanong. Biglang bumilis ang kabog ng aking dibdib dahil sa naging reaksiyon niya. Rinig na rinig ko ang pintig ng aking puso. Sobrang masama ang pakiramdam ko dahil sa takot, kaba, at hindi makapaghintay na sagot mula sa doktor. Ramdam ko rin ang kaba ng dalawang bakla. Hindi rin maipinta ang kanilang mukha habang hinihintay ang respond ng doktor sa tanong ko. "Nako, I'm sorry nadala lang ako ng emotions ko," saad naman ni dok. "I'm just overwhelmed, Hija, and congratulations you're having a twins!" Hindi ko maipaliwanag ang emosyong bumalot sa akin nang marinig ang sinabi ni dok. Halo-halo ang saya at takot sa akin saya kdahil hindi lang isa ang magiging anak ko takot dahil hindi ko alam kunng kaya ko ba silang palakihin at tustusan ang pinansiyal nilang pangangailangan nang ako lang mag-isa. "Is it lsafe to reveal the gender?" tuwang-tuwang tanong ni dok. "Oo, Dok!" sabik na sagot nina Jp at Hans. Tiningnan ako ng doktorr na para bang humihin
Ilang weeks na rin simula nang bumalik si Madam Cha dito sa Pilipinas at siya na muna ngayon ulit ang nagma-manage ng salon dahil nasa leave ako. Tatlong linggo na ang nakalipas simula noong nagpaalam ako sa kaniyang magpapahinga na. Malapit na kasi akong manganak siguro any time from now lalabas na ang twins ko. Nakalipat na rin ako sa bahay na pinagawa ko at isa rin sa achievement ko ay ang makompleto ang mga gamit na kakailanganin sa bahay ko. Hindi naman ako nahihirapan dahil sa kabilang bahay lang naman sina Nanay Aida at kung minsan ay dito kami sa bahay nagdi-dinner. "Thea," rinig kong tawag ni Nanay Aida mula sa labas. Alas kuwatro ng madaling araw ngayon at sinabi ko kay Nanay Aida na sasama ako sa kaniya sa pagbili ng mga pangangailangan niya sa pagluluto ng kakanin para makapaglakad-lakad ako. Sabi kasi nila maganda raw na maglakad-lakad kung malapit ka nang manganak. Bumaba ako para pagbuksan siya ng pinto. Nakabihis na ako at lahat siya na alng ang hinihintay kong mag
Tinalikuran ko na si Lara at pumunta sa dapat ko talagang puntahan. As I entered the spa room, the cold breeze of the aircon welcomed me. The whole room is airconditioned it makes the customers comfotable and relaxed. Sobrang tahimik lang din ng buong kwarto dahil ang mga customers ay nagrerelax lang at ang mga nagtatrabaho naman ay ginagawa ang trabaho nila ng maayos. Tinanong ko lang si Aling Pass kung kamusta namn dito ang sabi naman nito ay wala naman raw problema kaya nagpasalamat na lang ako. Namataan ko naman ang costumer na patapos na sa cashier nang makalabas ako sa spa room kaya inabangan ko ang customer sa pintogusto ko kasing malaman kung ano ang mga nagustuhan at hindi niya nagustuhan sa serbisyo ng spa para mas mabago namin."Hi, Ma'am, I'm Thea Watson po the manager of the spa," pagpapakilala ko sa babae. "Sorry to interrupt you but I just want to ask if it is okay." "Oh, hello! I'm Kath," nakangiti niyang bati pabalik. "Yeah, okay lang naman at hindi naman ako nagma
My life here in Concepcion is not easy yet not also hard. The people who adopted me here made me feel that I am a part of their family. They are always here to correct my decisions and suggests better ideas to improve my lifestyle. Naging maayos akong babae dahil sa mga turo nila sa akin sa kung papano mamuhay. Hindi madali ang buhay ko rito dahil nasanay ako noon na tuwing alam ng mga magulang ko na kailangan ko ng pera ay nariyan kaagad ngunit ngayon kailangan ko itong pagtrabahuhan. Isa pa rin sa mahirap ay ang mga pagbabago sa aking katawan dala ng pagbubuntis ko. Sa mga nagdaang mga araw at buwan naman ay naging maayos naman ako. Hindi na muling naulit ang ginawa ni Lara sa akin noong nakaraan at nagpapasalamat naman ako dahil doon. Narito ako ngayon sa kwarto ko nagpapahinga dahil bukas ay wala akong pasok kaya naman pupunta ako sa bukid at iche-cgeck ko rin ang bahay na pinapagawa ko. Magkatabi lang naman ang bahay namin nila Nanay Aida saka noong huling punta ko roon ay nak
"Talaga po?!" hiyaw ko. Hindi ko na napigilan ang sarili kong sumigaw na patili dahil sa sobrang saya nang marinig ang ibinalita niya. "Pasensya na po sobrang saya ko lang talaga." Ngumiti si Miss Cha sa allin. "Its fine but you can now go back to work. Your position, Thea, will start tomorrow." Nagpasalamat muna ako kay Miss Cha bago lumabas ng opisina niya. Halos mapunit na ang mukha ko sa kakangiti dahil sasobrang tuwa. Sumalubong sa akin si Rose nang makalabas ako sa opisina. "Oh, kamusta bakit sobrang saya mo yata?" Hindi ko napigilan ang sarili kong yumakap sa kaniya. "Sobrang saya ko talaga, Rose! Prnomote ako ni Madam Cha bilang manager!" Gumuhit din ang gulat sa kaniyang mukha. Bakas ang saya sa kaniya nang marinig ang aking sinabi. "Talaga? Nako, masaya naman ako para sa'yo, Frined!" "Salamat, Rose," nakangiting saad ko. Pinabalik na kami ni Miss Cha sa aming mga trabaho at alam na rin niya na hindi makakapasok si Jp ngayon. Hindi talaga ako makapaniwala na isa n