"Mind if I join you," malungkot niyang paalam dito habang papaupo. Isang ngisi lang ang natanggap niya mula kay Vincent bago nito itinaas ang hawak na bote sa kanya."It sucks getting caught, doesnt it!" panunuya nito. Alam niyang gumaganti ito dahil sa sermon niya kanina, hindi na lang siya sumagot bagkos ay sinabayan niya na lang ito sa pag-inom.Ilang oras din silang nagsalo ng kaibigan, halos hindi na siya makagalaw dahil sa dami ng naubos na bote, kaya naman kinailangan pa siyang akayin ng mga kaibigan patungo sa condo ni Raymond. Kahit ganoon ang kanyang lagay ay alam niya pa rin ang mga nangyayari sa paligid kaya naman napakunot siya ng noo nang maramdamang ang malamig na bagay na bigla na lang inilagay ng mga kaibigan sa kanyang pulso."What the fuck man!" halos antok na saad niya sa mga kaibigan. Ganoon na lamang ang tawanan ng dalawa habang unti-unting lumalayo."Good luck dude!" paalam ni Jordan sa kanya habang isinasarado ang pintuan ng kuwarto. Madalian siyang bumang
Matindi ang inis at galit ni Lucy sa sarili sa pagpapabaya niya dahil na din sa muntikan niyang pagsagot kay Andrew, hindi niya akalain na mahuhulog siya sa mga pamamaraan nito kaya naman walang mapaglagyan ang pagsisisi niya ng mga oras na iyon, laking pasalamat na lang niya at napa alalahanan siya ng dating kaibigan kung kaya nakaiwas siya sa pagkakamali.Ngayon mas nadagdagan pa ang asar at pagkainis niya sa binata dahil na rin sa mga ginawa nito."Oh my gosh, kayo na!" tili ng ilang mga kababaihan sa hindi kalayuan."Ang swerte mo naman girl! " saad pa ng isang sa mga ito."I'm so happy for you!" sunod naman ng isa pa.Napabuntong hininga na lang siya at pilit na ibinalik ang atensyon sa binabasa niyang libro, kahit nakakabulabog ang lakas ng tili ng mga babae sa kanyang likod ay pilit niya na lang iyong binabalewala."I know right!" Napatigil lang si Lucy nang marinig ang boses ng babaeng pinagkakaguluhan, parang nagpintig ang kanyang tenga sa tono nito. Nakasisiguro siyang si D
Kahit hindi niya gustong isipin ay sumasagi pa rin sa kanyang alaala ang mga ginawa ni Andrew, ayaw maalis sa kanyang isip ang pagnanais na saktan ito ng todo hanggang sa hindi na makalakad, kaya naman hindi niya maiuton ang isip sa pag-aaral dahil sa galit."Ah, my head hurts! I need some fun and relaxation!" angal niya kay Celina habang sinasabunutan ang sarili dahil sa inis."Cy, ilang linggo na lang at Finals na, hindi tayo pwede mag pabaya," paalala ni Celina."I know Cel, pero I mean, pwedeng mag-take ng breather, you know to calm the mind." pagrorolyo niya ng mata.Hindi niya tuloy mapigilan iuntog ang ulo sa mga librong nakalapag sa mesa dahil hanggang ng mga sandaling iyon ay ginugulo pa rin ni Andrew ang kanyang isipan."Sige na nga, mabuti pa siguro mag meryenda na muna tayo," ngiting saad ni Celina.Doon na napatigil si Lucy at napangiti na lamang sa naisip ng kaibigan."Thank goodness. Tara, doon tayo sa favorite nating pares house, namimiss ko na iyong pares at halo-halo
Buryong-buryo si Andrew nang araw na iyon, hindi pa rin maipinta ang hitsura niya dahil sa pagka-irita, parang linta kasi kung makadikit sa kanya si Diana, maliban doon ipinagyayabang nito sa buong eskwelahan na legal na silang dalawa sa mga magulang niya, kahit sa condo niya ay wala siyang takas dahil pinupuntahan siya nito.Noong isang beses nagulat na lang siya nang datnan niya ito sa loob noon, sa sobrang inis niya sa condo siya ni Raymond nakitulog para lang maiwasan ang babae, hindi niya lubos akalain na makakadama siya ng sobrang inis para sa isang babae, pero wala rin siyang magawa dahil iniutos iyon ng daddy at lolo niya habang ginagawan ng paraan ang naturang gusto na nangyari."Happy birthday dude!" masayang bati ng mga barkada niya pakapasok ng mga ito sa kuwarto, napilitan siyang umuwi ng mansyon nila dahil doon idadaos ang pagdiriwang ng kanyang kaarawan."What 's so freaking happy about my birthday?" walang gana niyang sagot sa mga ito."Whoa man! don't tell me hindi mo
Mula sa pinagparaahan nila ng kotse ay dumadagundong na ang lakas ng musika mula sa mansyon nina Andrew. Napataas na lang ng kilay si Lucy nang mapansin ang dami ng tao nang makarating na roon, nagmukhang parang isang disco club ang naturang lugar. Mula sa tugtog, ilaw at musika ay kuhang-kuha ang halintulad sa ilang mga napagtrabahuhan niya."Grabe, party kung party dito ah!" Napangiwi na lang siya dahil sa gulo at pagkukumpulan ng mga naroon."Hindi na yata to bahay eh, disco bar na ito eh!" natatawang sabi na lang ni Celina.Napapalatak naman ng tawa si Lucy. "Tama! Buti pinayagan siya ng magulang niya dito?"Pakasabi noon ay pasimple siyang napabuntong hininga, batid niya na ngayon kung bakit tila ganoon ang pag-uugali ni Andrew, sigurado niya na ngayon na sunod sa luho ang binata sa mga magulang nito."Celina, tara. Doon tayo sa may garden" aya ni Luke sa kanila.Tumango naman silang parehas sa naisip nito, kung kaya dali-dali na silang tumungo sa naturang lugar. Kahit papaano ay
"Luke, tama na!" sita niya sa kapatid.Nagawa niyang mahatak papatanggal si Luke nang tila mawala ito sa balanse, habang si Andrew naman ay halatang medyo nahimasmasan at naging mahinahon dahil sa pagpipigil nina Raymond at Jordan.Ilang minuto rin silang inabot bago napigilan and dalawa sa pagbubuno, parehas kasing ayaw magpaawat ng mga ito."Stay away from my sister!" madiin na sigaw ni Luke, rinig na rinig nila ang galit sa boses nito."Luke, It's not what you think!" mahinahon saad ni Andrew.Mukhang natauhan na ito sa mga pinaggagawa dahil hindi na ito nagwawala at nakikipagtalo."Don't play dumb with me! You were trying to hit on my sister!" nagwawalang singhal ni Luke dahil sa pagkairita."Luke, umayos ka nga, hindi iyon ganoon!" sita ni Lucy sa kapatid."You're defending him, he's trying to screw with you!" sermon ni Luke sa sinabi niya.Agad niya itong binatukan dahil sa inis at pagkapikon, mukhang masyado na itong lasing at nakakalimot na sa sitwasyon nila."Gago, sa tingin
Hindi niya maiwasang makonsensya sa bawat pagkakataong makikita ang malungkot na ngiti ng kaibigan, hindi niya maintindihan kung bakit kahit anong pagpupumilit niya ay ayaw nitong magsalita, batid niyang kilala ni Celina ang gumawa gumawa noon sa kanya pero naroon ang pag-aalinglangan ng kaibigan na umamin.Kung kaya naman kahit na sabihin pa ng kaibigan na kalimutan na ang bagay na iyon ay sadyang naroon ang bigat sa kanyang dibdib dahil sa paninisi sa sarili, lalo pa at siya ang nag-aya dito at nangyari iyon dahil sa kanyang kapabayaan.Hanggang ng mga oras na iyon ay dala-dala niya ang bigat ng pasanin ng mga nangyari, dahil na rin sa wala siyang magawa upang bigyan hustisya ang sinapit ng matalik na kaibigan.Iyon ang mga bagay na dahilan kung bakit hanggang ng mga panahon iyon ay panaka-naka ang pagiging tulala ni Lucy. "Lucy! " Alingawngaw ng isang malalim na boses mula sa likod.Agad siyang napatigil sa paglalakad upang lingunin ang taong tumawag sa kanya, hindi niya mapigilan
"Ate, tatlo isang daan lang iyan!" ngiting pagpapaalam niya sa isang mamimili na kanina pa tinitingan ang mga paninda nila. Mukha naman na engganyo ito kaya nagsimula ng pumili ng mga bibilhin, masayang ibinalot ni pakaabot ng bayad sa kanya.Matapos ng lahat ng mga nangyari ay wala ng ibang ginawa si Lucy kung hindi ang magpakasasa sa trabaho, wala na siyang nagawa tungkol sa insedenteng nangyari noon nakaraang buwan, lalo pa at mukhang kinalimutan na rin ito ng kaibigan."Good afternoon po!" magiliw na saad ng isang lalake.Napakunot noo na lang si Lucy nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. Mukhang nagbalik nanaman si Andrew. Agad siyang napalingon dito at hindi niya napigilan ang mapabuntong hininga nang makitang may mga dala-dala nanaman itong pagkain."Tita, magtanghalian muna po kayo," masaya nitong bungad sa mama niya pakasulubong nito."Hala Andrew, nagabala ka pa!" masayang bati ng kanyang mama.Ngiting-ngiti naman ang binata habang inilalabas ang mga dala upang iabot