"TAMA sila, hija pagkakataon mo na rin ito to relax with Zandy," ani Tita Mandy.Wala na nga ata akong magagawa kung 'di ang pumayag sa gusto nila. Ano pa nga bang gagawin ko kung 'di tumango at pumayag sa gusto nila."And you, Zandy ano'ng balak mong gawin sa buhay? Ipilit 'yang pagtatayo mo ng restaurant? After your vacation with Miles, kailangan mo nang bumalik sa kompanya," maawtoridad na ani Tito andrew.Nagulat ako at sumeryoso sa sinabi ni Tito Andrew, ganoon din silang nandoon.Nakita ko ang pagngisi ni Zandy at bumakas ang ang seryoso niyang mukha. "We talked about it, 'Pa at hindi pa tapos ang limang buwan ko para bumalik sa kompanya. I have one month left, hindi mo na po ba kayang hintayin iyon?" pangangatuwiran ni Zandy."I gave you five months, Zandy pero until now wala pa ring nangyayari riyan sa gusto mong gawin. Sinasayang mo lang ang oras mo trying to get what yo
Zandy's POV MATAPOS kong i-text si Ton na puntahan ako rito sa isang bar, humarap ako sa bartender at humingi ng isang bote ng whiskey. Gusto kong i-relax ang sarili ko at kalmahin sa mga nangyayari at sa gusto ng mga magulang ko na ayaw kong gawin. Nakakatanggal ng stress ang musika sa loob ng bar na animo'y hinihele ako. Iilan lang din ang tao roon. Masyado na nila akong kinokontrol na pati ang sarili kong kaligayahan, gusto nila agawin. Ano'ng pumasok sa isip nila para ipakasal ako sa kung kaninong babae na hindi ko naman kilala? Ano pakialam ko sa sumpang meron ang babaeng iyon? Hindi ako pwedeng magpakasal. No matter what happen, I wait for her to come back. Hihintayin ko si Beverly na bumalik sa buhay ko. I still love her, kahit pa iniwan niya ako para sa career niya. Hindi ako naniniwalang may ibang lalaki sa buhay niya kaya pinili akong iwan. Sinabi niya sa akin bago niya ako iwan, na mahal niya pa rin ako
KINAUMAGAHAN, maaga akong nagising kaya agad akong lumabas ng silid ko at bumaba. Nasa hagdan pa lang ako nang maamoy ko na ang masarap na amoy ng pagkain na nagmumula sa kusina. Napangiti ako at nasapo ko ang tiyan ko dahil sa pagkalam niyon dahil sa samyo ng pagkaing naluluto.Bigla kong naalala ang mga huling sinabi sa akin ni Zandy nang nagdaang gabi. Buong gabi ko iyong inisip at hindi mawaglit sa akin. Paulit-ulit ko iyong naririnig kahit nakahiga na ako at nakapikit. Hindi ko alam kung bakit ganoon na lang ang epekto ng mga sinabi niya sa akin na pati ang puso ko, nakikitibok ng malakas.Matapos naming mag-usap ni Zandy nang nagdaang araw, bumaba ako sa sala at saktong nagpaalam din sila Mama at Papa na aalis na at ganoon din si Tito Andrew at Tita Mandy na humingi pa ng tawad dahil sa nangyari. Ilang minuto naman at umalis din si Zandy na hindi nagpaalam. Naghintay akong bumalik siya pero nakatulog na lang ako kahihintay sa kaniya. N
"HEY! You're thinking what, Miles? Kanina ka pang tulaley diyan."Napakurap ako at napatingin kay Andrea at Melissa na nakatingin sa akin. Katatapos ko lang ng articles ko at hindi ko namalayang nakatulala na pala ako. Ilang minuto na rin naman at magla-lunch time na. Hindi ko lang kasi maalis sa isip ko ang naging pag-uusap namin ni Zandy kaninang umaga. I can't believe it was happened. Hindi ko inisip na darating kami sa puntong mag-uusap kami ng seryoso, walang bangayan, walang sumbatan kung 'di malalim na usapan sa isa't isa para makilala namin ang ilang parte ng pagkatao namin.Umiwas ako ng tingin sa dalawa sa harap ko at bahagyang yumuko. Bahagya kong kinagat ang pang-ibabang labi ko dahil sa nagbabadyang ngiti sa mga labi ko. May nararamdaman akong saya dahil sa pagbabagong nagaganap sa amin ni Zandy na hindi ko alam kung bakit.Pinilit kong maging seryoso at nag-angat ng tingin sa kaniya. "Wala, I just thought s
Zandy's POV"WHAT? Akala ko ba'y ayaw mong magpakasal? Why you sudden agree with your parents to marry a girl you didn't know?" gulat na tanong ni Ton sa akin ng sabihin kong magpapakasal na ako. Nakaupo siya sa swivel chair na Nakaharap sa table niya.Maaliwalas din ang opisina niya na naka-glass wall at may gray na theme color.Umupo ako sa sofa sa opisina niya. Isa siyang board of directors sa isang kompanya na pag-aari ng Tito niya. Pumunta ako sa kaniya to talk some matters about the restaurant I wanted to build.Dume-kwatro ako habang nakasandal sa sofa at nakadipa ang mga braso. "To do what they want," kaswal kong sabi."Huh? Eh, 'di ba ayaw mong gawin ang gusto nila? Wait! Mukhang may binabalak kang hindi maganda, ah?" hinuha ni Ton.Napailing ako. "I want them to feel disappointed when I get married and suddenly separated with my soon to be wife," da
"LET'S go walwal tayo, treat ko?" ani Chad habang palabas kami ng gusali. Kakatapos lang ng trabaho namin at kahit pa paano'y lumuwag ang schedule ng bawat isa sa amin dahil lahat kami'y nakapagpasa ng articles before the deadline at pasalamat kami at walang binalik para sa revision ng mga iyon."Sigurado ka ba, Chad? Hindi ko tatanggihan 'yan, sumakit ang ulo sa articles ko and I think I need some drinks to refresh my minds at mag-relax na rin," nakangiting ani Melissa. Inikot pa nito ang leeg na parang nagwa-warm up at saka hinimas ang sentido."Ako rin, Chad I won't resist your offer. Baka nabibigla ka lang, malakas uminom 'tong si Melissa," pananakot ni Andrea kay Chad.Napangiti si Chad at bumaling kay Melissa. "Kahit pa isang bucket na beer, ibibigay ko kay Melissa if that's what make her happy," anito na tila may kahulugan.Napakunot ang noo ko pero kapagkuwa'y natawa. "Parang may gusto kang i
"I LOVE you, Miles at gagawin ko ang lahat para mahalin mo ulit ako," ani Roven na ramdam doon ang senseridad at determinasyon."What are you doing, Roven?"Nagulat na lang ako ng marinig ko ang boses ni Zandy at ang paghawak niya sa braso ko, kasunod ang paghila sa akin. Inilagay niya ako sa likod niya. Napatingin ako kay Zandy, ano'ng ginagawa niya rito? May kakaibang naramdaman ang puso ko kasunod ang pagtibok niyon.Nakita kong napangisi si Roven sa ginawa ni Zandy at sa pagdating nito. "You're acting like a real husband, huh?" anito na hindi natuwa sa ginawa ni Zandy. "Zandy, come on, huwag kang umakto na parang asawa dahil unang-una, alam mong hindi mo mahal si Miles. Kinasal lang naman kayo because of you and Miles parents, right? Kaya please, huwag mo ng panghimasukan ang buhay ni Miles na para bang hindi ka parte ng masakit niyang nakaraan," litanya ni Roven na halata ang inis doon.Na
Zandy's POVHINDI na ako nagulat sa naging trato sa akin ni Miles nang unang magkita kami, nang puntahan ko siya sa bahay nila para sana ihatid ito sa trabaho. Kulang na nga lang ay saktan niya ako. Ang dami niyang sinabi sa akin na gusto ko na lang tawanan. Hinayaan ko na lang ding isipin niya na bakla nga ako at alam ko rin namang hindi niya ako paniniwalaan sa sasabihin ko sa kaniya tungkol sa nakaraan.Hindi pa rin pala niya nakalilimutan ang ex niyang gumawa ng plano para saktan siya at iwan niya ito. Hindi deserve ni Roven si Miles. Napakaduwag ni Roven para gawin iyon.Pero sa totoo lang, naaawa ako sa kaniya dahil sa loob ng isang taon, nasaktan siya ng maling akala tungkol sa amin ni Roven. Pero pakiramdam ko, wala ako sa lugar para ipaliwanag ang lahat sa kaniya at kung gawin ko man iyon alam kong hindi niya ako paniniwalaan.Kitang-kita ko at ramdam ko ang pagtutol niya sa kasal na p
Miles' POV HANGGANG ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na finally, totoo, legit, tunay, confirmed nang mag-asawa na kami ni Zandy. Mayroon na kaming marriage contract na magpapatunay ng aming kasal at pag-aari namin ang isa't isa. Walang mapagsidlan ang sayang nararamdaman ko hanggang ngayon at ang sarap ng pakiramdam ko na bumabalot sa buo kong sistema. Maraming bagay ang dapat kong ipagpasalamat. Sa kabila ng mga nangyari, narating namin ang puntong ito na magkasama pa rin kami na nagmamahalan at walang handlang. Nasaktan man namin ang isa't isa, nagkamali man kami, ang mahalaga 'yong naging katapusan ng lahat nang iyon. Marami rin akong natutunan sa mga nangyari. Naintindihan ko kung gaano kahalaga ang tiwala at pakikinig sa mga dahilan at huwag unahin ang galit at bugso ng damdamin. Ang tiwala at pagmamahal ang matibay na pundasyon ng isang relasyon na ngayon ay naintindihan ko na iyon. "I love you, Honey!" ani Zandy matapos niyang bumagsak sa tabi ko. Humihingal pa siya da
Zandy's POVHINDI ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko habang nakangiti at pinagmamasdan ang papalapit na si Miles. Nakasuot siya ng kulay puting wedding dress at belo na talaga namang lalong nagpaganda sa kaniya. She's the most beautiful girl I've ever have. Halata na rin ang tiyan niya dahil sa pagbubuntis niya. Sa bawat paghakbang niya, sinasabayan iyon ng himig na palaging naririnig sa mga kasalanan. Mas nagiging romantik iyon para sa amin habang bakas ang saya sa mga saksi roon.Ito na ang araw at oras na pinakahihintay naming dalawa, ang kasal na hindi plinano ng iba, kasal na hindi pinagkasunduan ng mga magulang namin, kung 'di kasal na ginusto namin at pinagdisisyunan dahil mahal namin ang isa't isa. A wedding we dream to happen and I can't wait to say 'I do' and be his lawful husband.Agad na ngumiti si Tita Emma at Tito Wesley sa akin nang marating nila ang kinaroroonan ko para ihabilin nila ang kanilang anak sa akin. Kita ko ang naluluhang mga mata ni Tita Emma."For
"BAKIT hindi mo sinabi sa akin na alam mong buntis ako?" tanong ko kay Zandy habang nakayakap ako at nakaunan sa braso niya. Dahil sa pananabik at pagmamahal namin sa isa't isa, inangkin namin ang gabing iyon matapos nang successful na opening ng restaurant ni Zandy. Masaya ako dahil sa wakas natupad na niya iyon nang kasama ako. Walang mapagsidlan ang sayang bumabalot sa akin. "Kasi alam kong galit ka pa sa akin nang araw na iyon at baka mas lalo ka lang ma-stress at makasama sa baby. Masakit para sa akin na tumalikod at sundin ang gusto mo pero wala akong magagawa dahil galit ka at nasaktan. Alam kong hindi ka pa handang tanggapin ang paliwanag ko at para patawarin ako," paliwanag niya sa akin. "I'm sorry, Honey hinayaan kong masaktan ka sa pamamagitan ko." Nakailang ulit na ba siyang sinabi iyon? Tumingala ako para tingnan siya. "Can you please stop saying sorry? I forgiven you and that's enough. Tapos na ang bagay na iyon at dapat na nating kalimutan at simulan ang bagong buhay
Zandy's POV(Bago ang birthday ni Miles)"IBA rin talaga ang epekto sa 'yo ni Miles, ah. The last time I knew, you're not like this. Ni hindi ka mahilig magbigay ng regalo sa ibang tao bukod kay...I mean, it's not usual for me to see you being like this with other girl," manghang sambit ni Ton sa akin habang papalapit kami sa isang jewelry shop sa loob ng mall kung saan kami nandoon para bumili ng regalo sa darating na birthday ni Miles. "Ako nga never nakatanggap ng regalo from you," maktol pa nito.Natawa ako at napailing. "Ano'ng hindi? I remember when were in high school I bought you a backpack," pagpapaala ko sa kaniya.Kumunot ang noo ni Ton habang nakatingin sa akin. "Backpack? Are you kidding me, Zandy? As far as I know you bought that backpack dahil Christmas party iyon and you need to present me a gift." Napasinghap si Ton at saglit na kumiling ang ulo.Natawa ako. "Christmas party ba 'yon? I thought I gave you the gift because it was your birthday," pagdadahilan ko pa para
PUMIKIT ako ng mariin at pilit kong kinakalma ang sarili para sa batang nasa sinapupunan ko. Muli kong tiningnan si Zandy na bakas ang pagkadismaya at sakit sa mukha ko habang nag-aalala at nababahala ang emosyong nakarehistro sa mukha niya. Suminghap ako. Pinahid ko ang luha sa mga mata ko, saka umiling bago tuluyang tumalikod at humakbang palayo kahit mabigat ang mga paa ko para ihakbang ang mga iyon. Sunod-sunod na tumulo ang luha sa mga mata ko dahil sa matinding sakit dahil sa pagguho ng pag-asa kong magkakaayos pa kami. Huli na pala ako. Habang magkalayo kami, nagkaroon na pala ng pagkakataong magkabalikan si Zandy at Beverly. Sobrang sakit dahil kung kailan handa na akong ayusin ang lahat, wala na pala akong pag-asa dahil huli na ang lahat para sa aming dalawa. "Honey! Stop, I'll explain," narinig kong sigaw ni Zandy. Hindi ko na alintana ang mga customers na nandoon sa loob. Pinilit kong hindi lumingon kahit gusto ng puso kong harapin siya. 'Yong pagtawag niya sa akin ng 'Ho
HALOS hindi ako nakatulog nang nagdaang gabi dahil sa kakaisip ko kay Zandy dahil sa mga sinabi ng taong nasa paligid ko na isa lang din ang gusto nilang sabihin sa akin, na bigyan ko ng pagkakaton si Zandy na maging ama at asawa sa bata at sa akin. Gayon din ang pagkakataon na baka tuluyang mawala si Zandy sa akin kung hahayaan ko siyang lumayo. Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko sa gilid ng kama. Lumapit ako sa side table na naroon at kinuha ang isang envelope. Binuksan ko iyon at nakita ko ang pangalan ng sMILES Restaurant na itinayo ni Zandy sa tulong ni Ton. Invitation iyon para sa opening niyon at ipinidala ni Ton sa akin ang invitation. Gaganapin ang opening sa isang araw at hanggang ngayon, pinag-iisipan ko kung dapat ba akong pumunta roon o hindi. Napangiti ako nang mabasa ko ang pangalan ng restaurant na si Zandy mismo ang nag-isip at hindi niya naisipang palitan pa iyon. Bumuntong-hininga ako. Binalingan ko ang umuumbok kong tiyan. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti. Hinim
HABANG mas tumatagal na magkahiwalay kami ni Zandy, mas lalo akong nahihirapang kalabanin ang sarili ko para puntahan siya at ayusin ang lahat sa amin. Naghihintay ako sa kaniya at nagbabakasakaling darating siya para sabihing mahal niya ako. Nami-miss ko na siya at alam kong kailangan ko siya sa tabi pero may kung ano'ng pumipigil sa akin para puntahan si Zandy. Marahil iyon ay ang pride at konting galit ko sa kaniya dahil sa nangyari. Bumaling ako sa tiyan ko na umuumbok na dahil sa pagbubuntis ko. Bahagya na ngang halata iyon kung titingnan. Ngumiti ako at marahang hinimas ang tiyan ko. Palagi kong kinakausap ang bata sa tiyan ko at hinihimas iyon dahil pakiramdam ko'y malapit sa akin si Zandy dahil pinapaalala sa akin ng bata ang ama niya. Bumuntong-hininga ako. Nagpasiya akong bumaba ng kama ko at lumabas ng silid dahil pakiramdam ko'y mababaliw na ako roon. Dumeretso ako sa sala. Hanggang ngayon kasi, hindi pa rin ako pinapayagan ng pamilya ko at pamilya ni Zandy na bumalik sa
"KUMUSTA ka na, hija?" puno ng pag-aalalang tanong ni Tita Mandy sa akin. Kanina pa silang nandito sa bahay para dalawin ako at kamustahin. Abala naman sa pag-uusap si Papa at Tito Andrew sa sala habang nagluluto si Mama sa kusina. Pilit akong ngumiti habang nakaupo sa kama ko. Kinuha ni Tita Mandy ang kamay ko at marahan iyong pinisil. "I mean, kumusta na ang puso mo?" Simple siyang ngumiti. Hindi agad ako nakaimik. Seryoso lang akong nakatingin kay Tita Mandy. Kumusta nga ba ang puso ko? Sa sarili ko'y alam kong hindi ok. Ngumiti ako. "Magsisinungalin po ako, 'Mama kung sasabihin kong ok ang puso ko...kasi ang totoo po...h-hindi ako ok. I'm trying to be ok kasi alam kong may bata sa sinapupunan ko pero everytime na naiisip kong magkakaanak ako, naiisip ko rin si Zandy." Saglit akong huminto sa pagsasalita. "It's been a week since we last talked at nami-miss ko na siya. Sa maikling panahon na naghiwalay kami para sa space na hinihingi ko, marami akong na-realize. Alam ko, 'Ma na kai
ILANG araw na akong nasa loob lang ng bahay dahil hindi pa rin ako pinapayagan ng pamilya ko at pamilya ni Zandy na bumalik sa publication. Kailangan ko raw muna magpahinga ng mabuti para sa bata bago ako bumalik sa trabaho. Iyon din naman ang payo ng doctor sa akin kaya wala akong ibang choice kung 'di ang sundin sila para na rin sa kaligtasan ko at ng bata. Araw-araw dumadalaw si Tita Mandy at Tito Andrew sa bahay para kamustahin ang kalagayan ko. Palagi rin silang may dalang mga pagkain at iba pang pangangailangan ko. Nakikita ko ang labis na galak at excitement nila para sa magiging apo nila. Bumuntong-hininga ako habang nakatayo at nakahalukipkip sa tapat ng bintana ng silid ko at pinagmamasdan ang maaliwas na paligid. Pahapon na rin kaya makikita ang paglubog ng araw mula roon. Ilang araw ko nang hindi nakikita si Zandy at aminin ko man o hindi, labis akong nananabik sa kaniya. Pakiramdam ko, isang buwan na kaming malayo sa isa't isa. Gusto ko siyang yakapin at halikan pero al